Upload
rodge1988
View
543
Download
16
Embed Size (px)
Citation preview
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Ayon sa mga historyador, ang Asya ang sentro ng kaganapan sa daigdig hanggang sa ika-16 na siglo. Ito rin ang pananaw ng maraming Asyano. Sila ang nagtatag ng
mga unang kabihasnan at pinakamalaki at pinakamatatag na imperyo sa panahong
ito.
Sa araling ito, tatalakayin ang mga kaisipang Asyano na naging batayan o
pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan at imperyo sa
mundo.
ANG CHINA BILANG GITNANG KAHARIAN
Zhongguo - nangangahulugang middle kingdom o gitnang
kaharian. Tawag sa kanilang imperyo.
> Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan ay ang mga Asyanong kaisipan na uminog sa relihiyon at uri ng pamumuno.
> Para sa mga Tsino, ang kanilang imperyo ay Zhongguo o Gitnang Kaharian na nangangahulugang sila ang sentro ng daigdig.
> Ang emperador ng mga Tsino ay Anak ng Langit ( Son of Heaven ) na namumuno dahil sa Kapahintulutan o Basbas ng Langit ( Mandate of Heaven )
Kowtow- pagpugay sa kanilang emperador sa pamamagitan ng
pagyuko sa emperador nang tatlong beses kung saan ang noo ay
humahalik sa semento.
ANG BANAL NA PINAGMULAN NG EMPERADOR NG JAPAN AT KOREA
Izanagi- kanilang diyosizanami- kanilang diyosa
amaterasu o-mi-kami – diyosa ng araw
ninigi-no-mikoto- apo ni amaterasu
> Para sa mga Hapones, banal o sagrado ang kanilang emperador dahil nagmula ito kay Amaterasu, ang diyosa ng araw.
> Naniniwala rin ang mga Korean na banal ang pinagmulan ng kanilang emperador.Prinsipe Hwanung- nagmula ang kanilang pinuno.Hwanin- diyos ng kalangitan ina ni hwanung.
Si hwanung ay nakapag asawa ng isang oso na naging magandang
dilag.Danjun Wanggeom o Tangun
kanilang anak.
> Ang mga hari ng mga imperyo sa Timog Silangang Asya ay nangunguna sa mga ritwal at pag-aalay sa mga diyos. Sa kanilang pagkamatay, sila naman ay nagiging diyos.
> Bundok o mga mataas na monumentong arkitektural ang kinikilalang tahanan ng mga diyos sa Timog Silangan at Timog Asya.
Mount popa - Myanmar
Ba Phnom - Cambodia
Mount Banahaw - Pilipinas
Borobudur – pinakadakilang monumentong Buddhist na
itinatayo sa Central Java, Indonesia
> Ang mga hari o pinuno sa Timog Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga men of prowess o mga lalaking may kakaibang angking talino, tapang, o kagalingan.
> Sa India, ang mga hari ay kinikilala bilang deveraja o “haring diyos” (impluwensyang Hinduism) at cakravartin (impluwensyang Buddhism) o “hari ng buong daigdig”
> Sa mga muslim ang kanilang caliph at sultan ay “ Anino ni Allah sa Kalupaan” at namumuno dahil sa atas ni Allah.
> Ang mga caliph at sultan ang siyang pinunong pulitikal at panrelihiyon sa Kanlurang Asya. May katungkulan sila na protektahan ang nasasakupan at palaganapin ang Islam.