15
Ang Paghina at Tuluyang Pagbagsak ng Imperyo ng Roma Pagsapit ng 455 AD, muling ninakawan ang Roma ng isa pang tribong Aleman, ang mga Vandal na may kaharian naman sa Hilagang Aprika. Mas marami ang ninakaw na yaman ng mga Vandal sa Roma kaysa sa ninakaw ng mga Visigoth. Kinuha ng mga Romano ang serbisyo ng maraming sundalong Aleman upang makilaban sa ilan pang paglusob ng mga Vandal. Noong AD 476, ilan sa mga pinunong Aleman ang nag-alsa laban sa kanilang mga Romanong kumander at pinatalsik sa kapangyarihan ang emperador sa kanluran. Hinirang nila si Odoacer, isang Aleman, bilang bagong hari ng Italya. Dahilan sa si Odoacer ay isang Aleman, na naging kapalit ng isang taal na pinunong Romano, ang pangyayaring ito ay tinatawag na pagwawakas ng Imperyong Romano sa kanluran.Nagpatuloy ang ilang tradisyon at kulturang Romano sa kanlurang Imperyo, ngnit ito ay pinamunuan na na mga haring Aleman. Noong 493, napatay si Odoacer ni Theodoric, isang haring Ostrogoth (East Goth). Naibalik ni Theodoric ang kapayapaan at kasaganaan sa Italya. Nanungkulan siya hanggang 526 AD at nakuha niya ang suporta ng Imperyong Romano sa Silangan, na di kasamang bumagsak ng imperyo sa kanluran. Ang imperyong Romano sa silangan ay kinilala sa kasaysayan bilang Imperyong Byzantine. Ang tuluyang pagbagsak ng imperyong Romano ay hindi biglaan, ito ay unt i-unting naganap. Maraming debate na ang isinagawa tungkol sa tunay na dahilan nito. Marahil ang pananakop ay isang dahilan ngunit mas maraming panloob na kadahilanan na lubhang nagpahina sa imperyo tulad ng: a. paghina ng sandatahang lakas ng Roma; b. pagliit ng populasyon (mula 70 M noong panahon ng Pax Romana ay naging 50 M na lamang noong ika-4 na siglo); c. mapaniil na pamahalaan; d. paghihirap sa mga lungsod at mga lupang sakahan; e. di-umuunlad na ekonomiya; at f. kawalan ng kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan at sa pamunuan nito. Ang Paglaganap ng Bagong Relihiyon Bago pa man humina ang imperyong Romano, marami sa mga Romano ang nagbago sa kanilang paganong paniniwala. Sila ay nahikayat ng mga aral ni Hesus na pinagsimulan ng relihiyong Kristiyanismo. Pagbagsak ng imperyo, ang Kristiyanismo na ang pinaniwalaang relihiyon ng mga Romano. Sa panahon nina Augustus at Tiberius, nabuhay at kinilala si Hesus ng Nazareth. Ang mga aral ni Hesus ay karaniwang nasa parabula o mga maikling kwento na may aral. Ang katanyagan ni Hesus ay nakarating hanggang Palestina at maraming naniwala na siya ang mesiyas. Ngunit ito ay nagdulot ng ligalig sa mga pinuno ng mga Hudyo at sa mga pinunong Romano. Naniwala ang mga Romano na kahit na sinong nagdudulot ng ligalig sa publiko ay isang malaking banta sa kanilang kapangyarihan. Pagsapit ng AD 30 si Hesus ay ipinako sa krus sa labas ng Herusalem. Pagkamatay ni Hesus, ang mga disipulo niya ay nagpahayag ng kaniyang muling pagkabuhay at nagsimulang magpahayag tungkol sa kanya bilang Anak ng Diyos at ang tunay na daan sa k aluwalhatian. Ang mga mensaheng ito ay tinanggap ng mga Hudyo at di Hudyo sa mga Helenikong lungsod. Ang mga taong ito ay kinilala bilang mga Kristiyano, buhat sa salitang Kristo at nagtayo ng mga samahang tinatawag na simbahan para sa kanilang pananampalataya, pagkakapatiran, at pag - aaral. Ang mga disipulo ang nagpalaganap din ng relihiyon sa mga lupain ng mga Romano. Ito ay pinamunuan ni Peter, na pinaniniwalaang nagtungo sa Roma at nagtatag ng simbahan doon. Marami pang simbahan ang itinatag sa Ehipto, Asya Minor, Gresya at nang lumaon ay sa Gaul at Espanya. Para sa mga Kristiyano, iisa lamang ang Diyos na naglalang sa sangkatauhan at dapat sampalatayahan. Hindi nila kinikilala ang mga emperador bilang diyos o ang mga paganong diyos at diyosa. Hindi sila sang-ayon sa sandatahan, at hayagan din nilang tinutuligsa ang mga pagdiriwang at palarong Romano. Hindi ito nagustuhan ng mga Romano. Pagsapit ng CE 64 isang sunog ang naganap sa Roma na isinisi ni Emperador Nero sa mga Kristiyano. Sa kanya unang nagsimula ang pag-uusig ng mga Kristiyano (persecution) bagamat di lubos na lumaganap ang mga Kristiyano ay inalisan ng ari-arian, ikinulong, pinatay o pinakain sa mga mababangis na hayop. Lahat ng ito ay nabigong pigilan ang lumalaganap na relihiyon. Ang kabayanihang ipinakita ng mga taong handang mamata y alang-alang sa pananampalataya ay lubos na nakahikayat sa maraming Romano upang maging Kristiyano na rin. Ang mga pananakop at ligalig noong ika-3 siglo CE ay nagpalago pang lalo sa Kristiyanismo. Ang pag-uusig ay nagwakas at ang Kristiyanismo ay naging isa sa mga pangunahing relihiyon ng Imperyo. Noong CE 312. Si Constantine, isang Romanong emperador, ay nagbagong loob at naging kauna-unahang Kristiyanong Emperador. Ayon sa alamat, upang maibalik ang kadakilaan ng Roma, sinuportahan niya ang Kristiyanismo. Sinasabing noong isang labanan, nakakita siya ng krus na nagliliyab sa apoy na nasa kalangitan at may mga salitang Latin na nakasulat , “in Hoc Signo Vinces” ( o sa palatandaang ito ikaw ay makakapanakop) sa ilalim nito. Noong manalo siya sa labanan naniwala siya na ito ay dahilan sa Diyos ng mga Kristiyano. Noong AD 313 inilabas niya ang Edict of Milan na nagbigay ng kalayaan sa relihiyon at ginawang legal ang Kristiyanismo. Ito ang naging simula ng paglaganap ng Kristiyanismo. Nagkaroon ng mga simbahan sa Roma at Jerusalem, nagpatayo siya ng mga simbahan na katulad ng mga Basilika sa Roma na may parihabang bulwagan at mahahabang daanan sa tabi. Noong 380 Ad ipinahayag ni Emperador Theodosius na illegal ang pagsamba sa mga diyos- diyosan at ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo ang Kristiyanismo. Alam ng mga Kristiyano na ang malinaw na mga aral at maayos na pamunuan ay napakahalaga kung kaya’t binigyang diin nila ang mga ito na siya ring sinasabing dahilan kung bakit naalis nila ang sistema ng pag-uusig at nalutas ang iba pang suliraning panloob. Maraming aklat ang naisulat na labis na nakaimpluwensya sa mga Kristiyanong mag-aaral. Ipinapaliwanag sa mga aklat na ito ang turo ng Kristiyanismo at ito ay sinusulat ng mga iskolar na kinilala bilang Ama ng Simbahan. Isa na rito ay si Augustine (354-330). Isinilang sa Hilagang Aprika at nag-aral ng literaturang Latin at pilosopiyang Griyego sa Carthage bago siya naging Kristiyano. Ang aklat niyang City of God ang kauna-unahang aklat sa kasaysayan ng sangkatauhan sa pananaw ng mga Kristiyano. Ang tala ng kanyang buhay at pagbabagong loob niya bilang Kristiyano ay nasa Confession, isa sa pinakadakilang aklat ng mga talambuhay. Ang mga ideya nina St. Paul at St. Augustine ay nakatulong ng lubos upang lumaganap ang Kristiyanismo. Ganun din naman ang marubdob na pananampalataya ng mga Kristiyano. Sa loob lamang ng tatlong siglo, ang Kristiyanismo na ang relihiyon sa kabuuan ng lupain ng mga Romano. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipaliwanag sa sarili mong pananalita ang mga tanong na sumusunod. Ibatay mo sa teksto ng aralin ang iyong mga kasagutan: 1. Anu-ano ang mga salik na nagpahina sa Imperyong Romano? 2. Bakit sinakop ng mga tribung Aleman ang teritoryo ng mga Romano? Paano nito naapektuhan ang imperyo? 3. Bakit sinuportahan ni Constantine ang Kristiyanismo?

Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Ang Paghina at Tuluyang Pagbagsak ng Imperyo ng Roma Pagsapit ng 455 AD, muling ninakawan ang Roma ng isa pang tribong Aleman, ang mga Vandal na may kaharian naman

sa Hilagang Aprika. Mas marami ang ninakaw na yaman ng mga Vandal sa Roma kaysa sa ninakaw ng mga Visigoth. Kinuha ng mga Romano ang serbisyo ng maraming sundalong Aleman upang makilaban sa ilan pang paglusob ng mga Vandal. Noong AD 476, ilan sa mga pinunong Aleman ang nag-alsa laban sa kanilang mga Romanong kumander at

pinatalsik sa kapangyarihan ang emperador sa kanluran. Hinirang nila si Odoacer, isang Aleman, bilang bagong hari ng Italya. Dahilan sa si Odoacer ay isang Aleman, na naging kapalit ng isang taal na pinunong Romano, ang pangyayaring ito ay tinatawag na pagwawakas ng Imperyong Romano sa kanluran.Nagpatuloy ang ilang tradisyon at

kulturang Romano sa kanlurang Imperyo, ngnit ito ay pinamunuan na na mga haring Aleman. Noong 493, napatay si Odoacer ni Theodoric, isang haring Ostrogoth (East Goth). Naibalik ni Theodoric ang kapayapaan at kasaganaan sa Italya. Nanungkulan siya hanggang 526 AD at nakuha niya ang suporta ng Imperyong Romano sa Silangan, na di kasamang

bumagsak ng imperyo sa kanluran. Ang imperyong Romano sa silangan ay kinilala sa kasaysayan bilang Imperyong Byzantine.

Ang tuluyang pagbagsak ng imperyong Romano ay hindi biglaan, ito ay unt i-unting naganap. Maraming debate na ang isinagawa tungkol sa tunay na dahilan nito. Marahil ang pananakop ay isang dahilan ngunit mas maraming panloob na kadahilanan na lubhang nagpahina sa imperyo tulad ng:

a. paghina ng sandatahang lakas ng Roma; b. pagliit ng populasyon (mula 70 M noong panahon ng Pax Romana ay naging 50 M na lamang noong ika-4 na siglo); c. mapaniil na pamahalaan;

d. paghihirap sa mga lungsod at mga lupang sakahan; e. di-umuunlad na ekonomiya; at f. kawalan ng kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan at sa pamunuan nito.

Ang Paglaganap ng Bagong Relihiyon Bago pa man humina ang imperyong Romano, marami sa mga Romano ang nagbago sa kanilang paganong paniniwala.

Sila ay nahikayat ng mga aral ni Hesus na pinagsimulan ng relihiyong Kristiyanismo. Pagbagsak ng imperyo, ang Kristiyanismo na ang pinaniwalaang relihiyon ng mga Romano. Sa panahon nina Augustus at Tiberius, nabuhay at kinilala si Hesus ng Nazareth. Ang mga aral ni Hesus ay karaniwang nasa parabula o mga maikling kwento na may aral. Ang

katanyagan ni Hesus ay nakarating hanggang Palestina at maraming naniwala na siya ang mesiyas. Ngunit ito ay nagdulot ng ligalig sa mga pinuno ng mga Hudyo at sa mga pinunong Romano. Naniwala ang mga Romano na kahit na sinong nagdudulot ng ligalig sa publiko ay isang malaking banta sa kanilang kapangyarihan. Pagsapit ng AD 30 si Hesus ay

ipinako sa krus sa labas ng Herusalem. Pagkamatay ni Hesus, ang mga disipulo niya ay nagpahayag ng kaniyang muling pagkabuhay at nagsimulang magpahayag

tungkol sa kanya bilang Anak ng Diyos at ang tunay na daan sa kaluwalhatian. Ang mga mensaheng ito ay tinanggap ng mga Hudyo at di Hudyo sa mga Helenikong lungsod. Ang mga taong ito ay kinilala bilang mga Kristiyano, buhat sa salitang Kristo at nagtayo ng mga samahang tinatawag na simbahan para sa kanilang pananampalataya, pagkakapatiran, at pag-

aaral. Ang mga disipulo ang nagpalaganap din ng relihiyon sa mga lupain ng mga Romano. Ito ay pinamunuan ni Peter, na pinaniniwalaang nagtungo sa Roma at nagtatag ng simbahan doon. Marami pang simbahan ang itinatag sa Ehipto, Asya Minor, Gresya at nang lumaon ay sa Gaul at Espanya. Para sa mga Kristiyano, iisa lamang ang Diyos na naglalang sa

sangkatauhan at dapat sampalatayahan. Hindi nila kinikilala ang mga emperador bilang diyos o ang mga paganong diyos at diyosa. Hindi sila sang-ayon sa sandatahan, at hayagan din nilang tinutuligsa ang mga pagdiriwang at palarong Romano. Hindi ito nagustuhan ng mga Romano. Pagsapit ng CE 64 isang sunog ang naganap sa Roma na isinisi ni Emperador Nero

sa mga Kristiyano. Sa kanya unang nagsimula ang pag-uusig ng mga Kristiyano (persecution) bagamat di lubos na lumaganap ang mga Kristiyano ay inalisan ng ari-arian, ikinulong, pinatay o pinakain sa mga mababangis na hayop. Lahat ng ito ay nabigong pigilan ang lumalaganap na relihiyon. Ang kabayanihang ipinakita ng mga taong handang mamatay

alang-alang sa pananampalataya ay lubos na nakahikayat sa maraming Romano upang maging Kristiyano na rin. Ang mga pananakop at ligalig noong ika-3 siglo CE ay nagpalago pang lalo sa Kristiyanismo. Ang pag-uusig ay nagwakas at ang Kristiyanismo ay naging isa sa mga pangunahing relihiyon ng Imperyo. Noong CE 312. Si Constantine, isang

Romanong emperador, ay nagbagong loob at naging kauna-unahang Kristiyanong Emperador. Ayon sa alamat, upang maibalik ang kadakilaan ng Roma, sinuportahan niya ang Kristiyanismo. Sinasabing noong isang labanan, nakakita siya ng krus na nagliliyab sa apoy na nasa kalangitan at may mga salitang Latin na nakasulat , “in Hoc Signo Vinces” ( o sa

palatandaang ito ikaw ay makakapanakop) sa ilalim nito. Noong manalo siya sa labanan naniwala siya na ito ay dahilan sa Diyos ng mga Kristiyano. Noong AD 313 inilabas niya ang Edict of Milan na nagbigay ng kalayaan sa relihiyon at ginawang legal ang Kristiyanismo. Ito ang naging simula ng paglaganap ng Kristiyanismo. Nagkaroon ng mga simbahan sa Roma at

Jerusalem, nagpatayo siya ng mga simbahan na katulad ng mga Basilika sa Roma na may parihabang bulwagan at mahahabang daanan sa tabi. Noong 380 Ad ipinahayag ni Emperador Theodosius na illegal ang pagsamba sa mga diyos-diyosan at ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo ang Kristiyanismo. Alam ng mga Kristiyano na ang malinaw na mga

aral at maayos na pamunuan ay napakahalaga kung kaya’t binigyang diin nila ang mga ito na siya ring sinasabing dahilan kung bakit naalis nila ang sistema ng pag-uusig at nalutas ang iba pang suliraning panloob. Maraming aklat ang naisulat na labis na nakaimpluwensya sa mga Kristiyanong mag-aaral. Ipinapaliwanag sa mga aklat na ito ang turo ng

Kristiyanismo at ito ay sinusulat ng mga iskolar na kinilala bilang Ama ng Simbahan. Isa na rito ay si Augustine (354-330). Isinilang sa Hilagang Aprika at nag-aral ng literaturang Latin at pilosopiyang Griyego sa Carthage bago siya naging Kristiyano. Ang aklat niyang City of God ang kauna-unahang aklat sa kasaysayan ng sangkatauhan sa pananaw ng mga

Kristiyano. Ang tala ng kanyang buhay at pagbabagong loob niya bilang Kristiyano ay nasa Confession, isa sa pinakadakilang aklat ng mga talambuhay. Ang mga ideya nina St. Paul at St. Augustine ay nakatulong ng lubos upang lumaganap ang Kristiyanismo. Ganun din naman ang marubdob na pananampalataya ng mga Kristiyano. Sa loob lamang

ng tatlong siglo, ang Kristiyanismo na ang relihiyon sa kabuuan ng lupain ng mga Romano. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipaliwanag sa sarili mong pananalita ang mga tanong na sumusunod. Ibatay mo sa teksto ng aralin ang iyong mga

kasagutan: 1. Anu-ano ang mga salik na nagpahina sa Imperyong Romano? 2. Bakit sinakop ng mga tribung Aleman ang teritoryo ng mga Romano? Paano nito naapektuhan ang imperyo?

3. Bakit sinuportahan ni Constantine ang Kristiyanismo?

Page 2: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Ang Simula at Paglalakbay ng Kristyanismo Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay nagging matatag sa mga huling taon ng kasikatan ng

Emperyong Roma. Ang pagsimula ng relihiyong ito ay sa Palestine na ngayon ay kilala bilang bansang Israel. Napalaganap ito sa Emperyong Roma at sa panahon ni Emperador Constantine (313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong emperyo. Nang bumagsak ang Emperyong Roma sa kanluran (5th century AD) ang simbahan ang nagsilbing

institusyon sa pagbangon at pagtuloy ng sibilisasyon. Ang Pinagmulan ng Kristyanismo

Ang kristyanismo ay sumibol bilang isang sekta sa mga Hudyo. Ang mga disipuloo mga tagasunod ni Jesus ay naniwala na Siya ang hinhintay nilang Tagapagligtas o Mesiah. Si Jesus mismo ay isang Hudyo kaya ang mga turo ni Jesus ay ayon din sa mga itinuturo ng mga Hudaismo katulad ng sumusunod: ang paniniwala sa iisang makapangyarihang Diyos; ang

paniniwala sa “Creation” kung saan ang kinikilalang unang tao ay si Adan at Eba; ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos; at ang paniniwala sa pagdating ng Tagapagligats o Messiah. Ang banal na aklat ng mga Hudyo ay siyang itinuturing na “Old Testament” ng mga kristiyano. Sa aklat natio ay mababasa ang kasaysayan ni Abraham, ang itinuturing na “Ama ng

mga Hudyo”. Ang kaganapan tungkol sa pagsibol ng Huaismo ay nagsimula kay Abraham na mula sa semitikong Tribo sa Mesopotamia. Naparami ang tribon ni Abraham sa panahon ng apo niya na si Jacob, ngunit nakaranas sila ng tagutom sa Palestine at napilitan silang pumunta sa Eghipto kung sa haba ng panahon nila doon ay naparami sila at ginawang alipin ng

Paraoh hanggang natalaga si Moses ng kinikilala nilang diyos na si Jehovah o Yahweh na ibalik silang mga Hudyo sa Palestina. Kay Moises ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos. Sa pagbalik ng mga Hudyo sa Palestine pinangalanan nila ang lugar na Israel. Ang mga Hudyo ay ilang beses napalaban sa sari-saring mananakop, tulad ng Persia at Babylonia subalit

nanatili silang matatag bilang mga Hudyo na may sariling kultura kahit sila ay nasakop o napadpad sa iba’t -ibang bahagi ng mundo. Sa gabay ng kanilang Propeta, sila ay naniwala na sila ay dindaan sa pagsubok ni Yahweh. Ang mga karanasang ito ang napatibay sa kanila ng paniniwala na iisa lamang ang makapangyarihang Diyos. Dito nagsimula ang monoteyismo

na siyang nagging pamana ng lahing Hudyo sa sanlibutan. Ang Buhay at Turo ni Jesus

Si Jesus ay ipinanganak na Hudyo dahil sa ang kanyang ina na si Maria at ang kinikilalang ama na si Jose ay kapwa Hudyo. Si Maria ay pinagpala ng Diyos na siyangnagsilang sa Tagapagligtas. Namulat si Jesus at lumaki sa turong Hudyo. Dahil sa Siya ang pinaniwalaang Tagapagligtas, nangaral siya kung papaano mailigtas ng tao ang sarili. Ang turo ni Jesus

ay napapaloob sa apat na “gospel” nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Itong mga turo ay napaploob sa “New Testament”. Sa paliwanag ni Jesus, dalawa lamang ang utos ng Diyos: mahalian ang Diyos higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad sa sarili. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay binigyang diin ni Jesus sa kanyang “Sermon on the Mount”. Dahil sa maraming

naakit sa turo ni Jesus, siya ay pinagbintangan ng mga Hudyo na impostor na nagpapanggap na anak ng Diyos na siyang Tagapagligtas. Dahil dito, siya ay ipinagkanulo nila hanggang siya ay maparusahan ng pagpako sa Krus. Namatay siya sa Krus, inilibing ngunit pagkatapos ng tatlong araw siya ay nabuhay muli. Ang pagsilang ni Jesus ay siya nating

pinagdiriwang na Pasko at ang kanyang paghihirap at pagkapako sa Krus kung saan siya ay namatay ay ginugunita natin sa Mahal na Araw o Seman santa. Ang Paglaganap ng Kristiyanismo Sa pagkabuhay (Resurrection) ni Jesus muli Siyang nakasama ng kanyang mga apostoles o tagasunod at dito niya ipinaliwanag ang maging gawain nila kung Siya ay babalik

na sa Ama. Nag Siya ay umakyat sa langit (Ascension) ipinangako niya sa kanyang mga Apostoles na sila ay gagabayan ng Espiritu Santo. Ang gamit ng salitang Kristiyano ay nagsimula sa Antioch (Syria) at tumutukoy sa mga disipulo ni Jesus. Ang mga unang Kristiyano sa Antioch ay mga Gentiles (mga lahing hindi Hudyo). Sa pamamagitan ni Barnabas si Paul ay

nagging masugid na disipulo ni Jesus at siyang naghikayat sa mga Gentiles na maging Kristiyano. Si Barnabas at Paul ang nagpalaganap ng Kristiyanismo bilang isang pandaigdigang relihiyon mula sa pagiging sekta lamang ng Hudyo. Mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga misyonero na naglakbay sa bawat bansa sa Mediterranean.

Laong nagging matibay ito sa panahon ni Emperor Constantine ng gawin niyang relihiyon ng Estadong Roma ang Kristiyanismo. Ang Roma ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa kanluran at malakas din ito sa Byzantine. Lumaganap ito sa Britanya at Irelang sa pamamagitan ni San Agustine. Malaking tulong din ang ginawa ng mga monghe lalo na sina San

Basiliuo at San Benedicto kung saan ang mga moansteryo ang nagsilbing sentro ng panalangin, edukasyon, sining at “enlightenment”

Ang Kapapahan Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapang-yarihang pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayun din ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang

salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga kristyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon. San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa Bago umakyat sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang

pagkbuhay (Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon ang pagtatag ng simbahan ng sabihin niya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang salitang Pedro ay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon ay nagging si Pedro at sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus. Si Pedro ay napunta

sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo at nagging unang Obispo ng Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano ang pagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang siya ay mabitay. Magmula noong unang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno ng Simbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa

kapangyarihan ng Obispo ng Roma ay kilala lahat ng miyembro ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng Simbahang Kristyano siya ay tinawag na Papa.

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon ng pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa Roma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng

sibilisasyong ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon ang Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito. Ang Simbahan ang nangalaga sa material na panga- ngailangan ng tao. Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan. Ang Papa ang

kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya ang arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay ang Obispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan at ang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na ki lala sa taguring “Kura Paroko”. Ang matatag na organisasyon ng

Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiya ng Simbahan sa mga tao at pinuno. Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe ay madaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng kaisipan ng taol sa pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga

Page 3: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

mga ospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa nilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo. Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan.

Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ng Roma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa mga tribong barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng Kristyanismo sa

malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII ang nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ng simbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na maging sakop ng England.

1.Pagbagsak ng Imperyong Roman. Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng

imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon. Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan

ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan. Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-

habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong siglo ng Kristiyanismo. Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro,

ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kalig tasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nail igtas sa

pamamagitan ni Kristo. Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka-Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.

2.Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan. Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya.

Isang diyosesis, ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng

Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.

Tinawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno

ng Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga parokya. Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga Kardinal sa pamamagitan ng

palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.

Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon

itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa Uri ng Pamumuno sa Simbahan Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko

Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan.

Pinuno/ Papa Paraan ng Pamumuno

Constantine the

Great

-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.

ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinaguri-

uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalak ing lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng

Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.

Papa Leo the Great (440-461) -diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni

San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng

Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni

Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin ang

Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo

Page 4: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Papa Gregory I

pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at

patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe.

nang magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga

barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na

hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo

ang England, Ireland, Scotland, at Germany.

Papa Gregory VII

kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga

tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang

pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at

humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak

pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

Ang lay investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan. Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na

magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan. Pamumuno ng mga Monghe

Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa

ang mga monghe. Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho

at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.

Mga Gawain ng mga Monghe.

Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang

pagsisikap ng mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa kasalukuyan. monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa

mga taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang sinumanang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo

ng Rome, nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong. Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’tibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang

mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa utos ng Papa sa Rome.

GAWAIN:1. Ano-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano? 2. ano ang lay investiture?

3. Mula sa binasa, paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Romano? 4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang organisasyon? Ipaliwanag 5. Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng simbahan at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

Page 5: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Pamprosesong Tanong 1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan. 2. Bakit madaling nahikayat ng simbahan ang mga grupong barbaro na yakapin ang Katolisismo?

3. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng simbahan sa kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.

Page 6: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Ang Holy Roman Empire Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay

na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin,

pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano.

Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano,

German, at Roman ang namayani sa kabihasnang Medieval. Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang

imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany; atang Italy kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim. Namayani sa

Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militari- ang piyudalismo.

481- Pinag-isa ni Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano 496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan 511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak

687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks 717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel 751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo

Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.

Pamprosesong Tanong 1. Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatatag ng Holy Roman Empire? 2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne?

3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman Empire”? 4. Sa kasalukyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan at simbahan? Patunayan.

ANG KRUSADA

Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya

humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang

pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop. Unang Krusada Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses

na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang

pagsakop ngDamascus.

Page 7: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga

Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin. Krusada ng mga Bata

Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang

“excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.

Iba pang Krusada Nagkaroon ng iba pang Krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy

Land.Sa kabuuan, ang mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa

kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang naging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.

Tandaan Mo! Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming

krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo.

Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod.

� Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon.

� Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo.

Pagkatapos ng talakayan sa pangkat, ibahagi ang inyong output sa klase. Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng Krusada sa kasaysayan ng daigdig? 2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap na Krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag

3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pangaraw-araw na buhay? Ipaliwanag.

GAWAIN: Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod

3 Importanteng Krusada

Pinuno Katangian Bunga

Page 8: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Ang sistemang pampulitika ay makikita sa desentralisadong pamamahala.

Ang sistemang pang-ekonomiya ay naisasalarawan ng sistemang manoryal na siyang sentro ng mga gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang panlipunan naman ay makikita sa pagkakapangkat -pangkat ng lipunan sa tatlo: 1) uring maharlika; 2) mga klerigo; 3) at mga pesante. Ang Simbahang Katoliko ang naging tagapagbuklod ng mga estadong

Kristiyano. Ang Simbahan at ang pagsunod sa mga doktrina nito ay nagging malaking bahagi ng araw-araw na gawain ng tao.

Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga local na pamahalaan

na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya

kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.

Ang Institusyong Piyudalismo Ang salitang Piyudalismo (Feudalism) ay hango sa salitang “feodus” or “fief”, ang salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa

unang basalyo (vassal). Ang may-ari ng lupa (Panginoon) ay nangakong bibigyan ng protesyon ang basalya at ipagtatanggol ang kanilang karangalan. Ang basalyo naman ay nangako ring magiging matapat sa panginoong piyudal at magbibigay ng suporta sa oras ng pangangailangan katulad ng pakikipaglaban sa digmaang kinasasangkutan ng

panginoon at paminsan-minsang pagbibigay ng tirahan, aliw, at pagkain sa panginoong piyudal. Sa sistemang umiiral sa Europa, ang salitang basalyo at panginoon ay nagkakaugnay. Ang isang basalyo ay maaari ding tawaging panginoon kung siya ay magbibigay ng bahagi ng kanyang lupa sa isang tao na ngayon ay tatawagin niyang basalyo.

Ang Piyudalismo Bilang Pamahalaan Sa sistemang piyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupang nasasakupan. Siya na ang nag-aayos ng

usaping legal at namamahala sa sandatahang lakas, supply ng pagkain, at paniningil ng buwis. Sistemang Panlipunan

Sa sistemang piyudal, ang lipunan ay nakalathala sa tatlo: 1. maharlika - kinabibilangan ng hari, basalyo, at iba pang panginoon 2. pari o clerigo - ang tanging pangkat na nakapag-aral ng iba’t ibang asignatura, bukod pa sa pakikipagdigma. Ang mga

Obispo at iba pang matataas na ranggong Clerigo ay namumuhay na parang mayayaman samantalang ang pari sa nayon ay mula sa mababang uri at hindi gaanong nakapag-aral.

Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ng pagkakataong maging kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero ay manggagaling sa angkang maharlikha, ang pagsasanay sa pagkakabalyero

ay mahigpit. Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na ang ibig sabihin ay mangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa Codigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulang na pitong taon kung saan siya ay nagsisilbi sa Corte ng kastilyo o palasyo bilang “valet” (little

vassal) o damoireau (little lord) habang natututo ng kagandahang asal at pagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o “squire” ng kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyang kasanayan sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa pamamagitan ng isang seremonya

kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamit pandigma. Ang Piyudalismo

Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong

bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief.Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw.

Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng

lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na

ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar . Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.

Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa

kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga

barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap ni la ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng

Page 9: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo. Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero

(knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan. Banal at isang propesyon na pinagpala ng

simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo. Lipunan sa Panahong Piyudalismo Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang

sundalo at mga alipin (serf) Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga

alipin. Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga

mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.

Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na

umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay iti nuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.

GAWAIN:

Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo? ____________________________________________________________________________________________________________________________

Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal? ____________________________________________________________________________________________________________________________

Ano ang kinahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong binasa? _______________________________________________________________________________________________ Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?

_______________________________________________________________________________________________ Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng piyudalismo? Ilarawan ang bawat isa. _____________________________________________________________________________________________

Ano-anong uring panlipunan mayroon ang Piyudalismo? _____________________________________________________________________________________

Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudal? _______________________________________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon uring lipunan sa Sistemang Piyudalismo? 2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag. 3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo? Pangatwiranan

Ang sistemang manoryal ay nakasalalay sa pagsasaka. Dito kinukuha ang panggastos para sa pagpapatakbo ng

pamahalaang piyudal. Ang manor ay sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor

Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan angmga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sakabilang dako ang kanilang

panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka samanor na kaniyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maaari ringang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa

mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon,ang mga pangangailangan n ila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati

ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat. Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot ng 1/3 hanggang ½ ng

kabuuang lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa.

Page 10: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Pamprosesong Tanong 1.Batay sa teksto, anong uri ng relasyon mayroon ang lord at mga magbubukid?

2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan. 3. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo? Ipaliwanag.

Ang Pamamahala sa Manor Ang Panginoong Piyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon ang pamamahala sa manor ay

ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales. Halimbawa sa England ang mga pinagkakatiwalaan ay tinatawag na steward, bailiff, at reeve. Ang steward ang may pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura

bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na

malapit sa pangunahing daan. tagapamahala sa korte ng manor. Binibisita niya ang iba’t ibang manor para matingnan ang sitwasyon dito. Ang bailiff naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka. Siya ang namamahala sa

pagkukuwenta ng salapi at sa paniningil ng upa, multa, at iba pang bayarin. Ang reeve ay tumutulong sa bailiff. Maraming reeve ang kailangan kapag ang manor ay malaki. Sila ang namamahala sa pagpaparami ng dayami at sa pagtatago nito. Sila rin ang nag-aalaga ng kawan ng hayop at sa nag-aani ng mga pananim. Siya rin ang nagpapaabot sa panginoong

piyudal ng reklamo ng mga magbubukid tungkol sa mga opisyales. Sa panig naman ng mga pesante, sila ay obligadong magtrabaho ng dalawa hanggang tatlong araw sa bawat linggo sa lupa ng panginoong piyudal. Bahagi ng kanilang ani ay kinukuha bilang buwis. Kung sila naman ay gumagawa ng tinapay o alak, halos lahat ng ito ay ibibigay din sa panginoon.

Ang mga itinuturing na serf ay hindi malayang makaalis sa manor. Sila ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Hindi rin sila makapangaso sa gubat o makapangisda sa batis. Dahil sa walang pinag-aralan at itinuturing na tanga, ang mga magbubukid ay nakakita ng kasiyahan sa mga paniniwala tungkol sa mangkukulam, mahika, at halimaw. Kung minsan sila

ay nagdaraos ng kasiyahan tulad ng piyesta, sayawan, at paligsahan. Katayuan ng mga babae sa Manor

Ang mga babaeng nabibilang sa maharlikang angkan ay tinatawag na “ladies”. Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon. Kung nasa digmaan ang Panginoong Piyudal, ang mga asawa nito ang namamahala ng manor at nagtatanggol dito kapag nagkaroon ng mga pagsalakay. Kung sakaling ang panginoon ay nabihag, ang asawa

nito ang nagtitipon ng pantubos upang siya ay mailigtas Ang mga babaeng magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa bukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil. Sila ang naggugupit ng balahibo ng tupa at naggagatas sa baka. Gumagawa din sila ng atip na pangbubong mula sa dayami. Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na

labing-apat, siya ay maaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay maaari na rin siyang ipagkasundo. Ang babae ay pwede lamang makasal kung siya ay mayroong dote na salapi, lupa, o produkto na kanyang dadalhin o babaunin sa

pagpapakasal. ANG PAGSIMULA AT PAGLAGANAP NG MGA BAYAN AT LUNGSOD\

Panahon ng ika-sampu hanggang ikalabing-isang dantaon ng lumitaw ang mga bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong ikalabintatlong dantaon. Ang lungsod ay lugar kung saan ang mga bagong uri ng tao ay yumaman at naging makapangyarihan. Ito rin ang nagsilbing sentro ng edukasyon, panitikan, at

sining. Kalakalan sa pagitan ng Lungsod ng Italya at ng Gitnang Silangan

Ang krusada ay may malaking naidulot sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto. Ang mga tao sa Kanlurang Europa, lalo na ang mga maharlika ay nagustuhan ang mga pampalasa at telang seda mula sa Asya. Ang kalakal na mula sa mga lungsod ng

Page 11: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Venice, Genoa, at iba pang lungsod sa Italya ay dinadala rin patungong Inglatera at hilagang Europa. Dahil sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya, lumawak ang kalakalan.

Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura

bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na

malapit sa pangunahing daan. Paggamit ng Salapi

Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar

malapit sa palasyo o simbahan. Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal

dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito. Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya.

Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.

Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibanglungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi. Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagangItalya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa

paglalapit ng mga tao buhat sa iba’tibang lugar. ARALIN 21 MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPE

Ang Paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay

tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal

dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang. Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa

yaman at hindi na sa angkan. Burgh, Ang mga taong nagtayo ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag na burgher. Sa France, ang mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie. Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyunal na paghahati ng lipunan batay sa kanilang ginagawa. Hindi sila lord na may ari ng lupa at nakikidigma. Iba rin

sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga naninirahan sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na ikinakalakal. Habang dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga mangangalakal at artisan na ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o “middle class”.

Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan. Yaman at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan, higit na mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.

PAG-USBONG NG BOURGEOISIE Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval france na binubuo ng mga

artisan at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang mga mangagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Sa uring panlipunan, mas mataas sa kanila ang mga landlord o panginoong maylupa. Ang terminong bourgeoisie ay ginamit upang tukuyin ang gitnang uri ng france at ng iba pa pang mga

bansa sa Europe. Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipowner(nagmamay-ari ng barko), mga

pangunahing mamumuhunan at mga negosyante. Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan (divine right). Ang likas na karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng

karapatang mabuhay ng may kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang hari ay hindi napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling sa diyos. Samantala, ang konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang isang tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad ng konstitusyon o saligang

batas. Ang liberalismo ay paniniwalang nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal. Dahilan ng Paglakas ng Kapangyarihang Bourgeoisie

Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa Europa, lumaganap ang mga pagbabago sa gawaing pangkabuhayan. Karamihan ng mga mamamayan ay tumigil sa pagsasaka at sa halip ay nagpakadalubhasa sa paghahabi ng tela at paggawa ng sapatos, mga alahas, at mga kasangkapan sa bahay. Nang dumami ang mga produktong likha ng mga

manggagawa, dumami rin ang mga tagapamahagi nito. Ang kaganapang ito ang nagbunsod sa isang bagong uri ng mga mamamayan na bumuo ng panggitnang-uring pangkat sa lipunan na tinatawag na bourgeoisie. Naging makapangyarihan ang grupong ito ng mga mangangalakal at negosyante. Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang

sa aspeto ng kabuhayan, kundi maging sa pangangailangan din ng mga hari. Ang mga bourgeoisie ay nagtustos ng mga pondong kakailanganin ng mga hari para sa isasagawang digmaan.

Pagbabagong Isinulong ng Bourgeoisie Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay unti-unting yumabong nang binigyan sila ng hari ng posisyon sa pamahalaan bilang katumbas na kanilang boto at representasyon sa konseho dahil sa kanilang pagpapautang at pagtulong sa pag-unlad

ng kaharian. Bagamat nabigyan sila ng ganitong prebilehiyo sa konseho ay hindi pa rin ito sapat upang kalimutan ng bourgeoisie ang kanilang pangarap at pagnanais na maalis sa ikatlong estado na kinabibilangan ng mga ordinaryong mga mamamayan at magbubukid. Ipinilit ng mga bourgeoisie na mapabilang sa ikalawang estado na kinabibilangan ng mga

Page 12: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

mayayaman at mga maharlika o noble. Sa ganitong kalagayan ay ninais ng mga bourgeoisie na mabago ang kanilang estadong kinabibilangan sapagkat nakikita nila ang kanilang kahalagahan sa pag-unlad at paglago ng lipunan.

Ang mga tinatamasang kapangyarihan ng mga bourgeoisie ay nagkaroon ng limitasyon. Bagamat mayroong silang kayamanan at edukasyon, tunutulan ng mga maharlika na mapasama sila sa pangalawang uri . Sibalit sa paghadlang ng mga maharlika upang mapabilang sila sa unag uri, binigyang pansin ng bourgeoisie ang kaisipang pagkakapantay -pantay

at kalayaan na taliwas sa kaisipang awtokratiko ng mga maharlika. Tandaan Mo!

Ang bourgeoisie ay ang panggitnang uri ng lipunan na binuo ng mga mangangalakal, may -ari ng mga bangko, abugado, doktor, manunulat at iba pang propesyunal. Noong ika-18 na siglo, lumaki ang impluwensiya ng mga bourgeosie sa publiko sa ginamit nila ang kanilang sa kanilang propesyon upang makagawa ng mga reporma sa pamahalaan at mapalaganap

ang pagkakapantay-paatay sa Europa. Hinadlangan man ng mga maharlika ang mga adhikain ng bourgeoisie, nagging mahalagang pangkat din ng lipunan, bilang panggitnang-uri, ang bourgeoisie. Napasimulan nila ang layunin tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.

PAG-IRAL NG MERKANTILISMO Ang Merkatilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ang politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon

ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kanyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Ang doktrina ng bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng

mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Kaakibat ng merkantilismo ang konsepto ng paternalismo. Isa itong sistema ng

pamamahala kung saan ang pamahalaan ay namamahala naq parang ama sa kanyang mamamayan. Pagsisimula Ng Merkantilismo

Dahilan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod, sistemang piyudalismo sa Europa. Ang dating mga lupaing pansakahan ay hindi na gaanong mainam pagtamnan kayat ang mga lupaing ito ay pinagtayuan ng mga industriya at plantasyon. Nagdulot ito ng mabilis na pagbabago sa anyo ng ekonomiya sa Europa. Ganoon pa man ay ninais ng mga mangangalakal mula sa

iba't ibang panig ng Europa ang makipagkalalakalan at pag-ibayuhin ang ekonomiya ng bawat estado. Sa panahong ito ay lumaganap sa kabuuan ng Europa ang paggamit ng salapi bilang batayan ng pagbili ng mga produkto tulad ng pagkain, damit, sandata, kagamitang hilaw, palamuti, handicraft at maging ang mga sangkap sa pagkain na unang natuklasan ng

mga taga-Europa noong panahon ng krusada. Ang mga krusador ay nakatikim ng iba’t ibang klase ng sangkap na noon ay hindi madaling nabibili sa Europa. Ang mga mangangalakal sa Venice at Genoa lamang ang may magandang ugnayan sa sultan ng Ehipto, kayat sila lamang ang nagkaroon ng kakayahan upang maipadala ang mga sangkap sa Mediterranean at

ipagbili ito sa Europa sa mataas na halaga. Dahil hindi makapasok sa kalakalan ng pampalasa ang mga Portuges at Kastila, minarapat nilang humanap ng ibang ruta na kung saan may bansang maaaring pagkunan ng mga sangkap. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga mamumuhunan at pamahalaan kung saan ang mga mamumuhunan ay

magpapaunlak ng pera samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng mga barko, tao at sandatahang lakas upang maprotektahan ang mga manlalakbay. Ang ganitong kaayusan ay tinawag na sistemang merkantilismo. Pangunahing layunin ng pamahalaan sa mga estado sa Europa ang magkamal ng maraming ginto at pilak para sa kaban ng bayan. Ang

kayamanan ng isang bansa ay nakabatay sa laki ng reserbang bullion o dami ng ginto at pilak. Ang layuning ito ay nakamit sa pamamagitan ng kalakalan ng sangkap.

Epekto ng Merkantilismo Dumating ang panahon na kung saan ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo ay higit na maraming iniluwas na produkto na galing sa kanilang mga industriya kaysa sa mga inangkat na produkto mula sa kanilang mga

kolonya. Sa ganitong kalagayan lalong umunlad at naging makapangyarihan ang mga estado sa Europa. Ang mga kolonya ay nagkaroon ng pananaw na ang mga produktong galing sa Europa ay higit na mataas ang kalidad at binibili kahit mahal. Samantala, ang mga produkto ng mga kolonya ay nabibili sa murang halaga sapagkat kalimitan ay hilaw na materyales.

Dito sa panahon ng merkantelismo nagsimulang maging mayayaman at makapangyarihan ang mga bansa sa Europa. Tatlong ruta ang ginagamit na daanang pangkalakalan noong panahon ng merkantelismo. Nasa pagitan ng silangang Dagat Mediterranean ang tatlong ruta. Dumadaan sa Dagat na Pula ang isang ruta. Ibinababa ang mga kalakal na karga ng

bapor na mula sa India sa malapit sa Dagat na Pula. Mula dito ay dinadala ang mga kalakal sa Nile at sa Alexandria at doon ipinagpapalit ang mga ito. Isang ruta naman ang Golpo ng Persian, patawid sa Tigris Euphrates at patungo sa Damascus at Antioch pahilaga sa Dagat Itim. Pinakamahirap ang ikatlong ruta dahil sa lupa ito nagdadaan. Nagsimula sa

Tsina at Hilagang India, tumatawid ang caravan sa Dagat Caspian at Dagat Itim. Mula rito dinadala ang mga produkto sa Rusya o sa Kanlurang Europa patungo sa Constantinople.

Tandaan Mo! Ang mga Europeo ay may malalaking paniniwala na ang ginto at pilak ay makakatulong para sa kanilang adhikain maging makapangyarihan at maunlad. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europa na

naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa. Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong iyon kaysa sa lupa. Ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo ay higit na marami ang iniluwas na produkto kaysa sa inangkat na

produkto mula sa mga kolonya ng bansa.

Sagutin ang mga tanong: 1. Paano naging hamon sa mga bourgeoisie ang pagtuklas ng panibagong ruta? 2. Bakit noong panahong iyon, mahirap tahakin ang rutang kalupaan?

PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY Dumating ang panahon na isa-isang nasupil ng mga hari ang humihinang lakas ng mga panginoong piyudal. Ang paggamit

ng sobrang kapangyarihan ng mga panginoong piyudal ang nagtulak sa mga mamamayan upang ibaling ang kanilang katapatan at serbisyo sa hari at kilalanin ito bilang pangkalahatang pinuno.

Page 13: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Mga Dahilan ng Pagyabong ng Monarkiya

Sa huling bahagi ng Kalagitnaang Panahon, unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng mga hari. Samantala, ang mga panginoong may-lupa at ang mga maharlika ay nawalan ng kapangyarihan. Ang mga sumusunod ay mga salik o dahilan sa paglakas ng monarkiyang nasyonal at paghina ng panginoong may-lupa. Una, ang krusada. Maraming mga panginoon ng

may-lupa ang nahalina na sumama sa krusada. Nang hindi na nakabalik ang mga ito sa kanilang mga estado, humina at nabawasan nang malaki ang kanilang bilang sa Europa. Ikalawa, dahil sa malawakang paggamit ng salapi at paggamit ng buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ay nakapagtatag ng sundalong hukbo ang mga tagapamahala ng mga bayan at

lungsod. Sa ganitong kalagayan ay hindi na sila umaasa sa mga panginoong may -lupa sa pagtatanggol ng kaharian. Ikatlo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mangangalakal at mga alipin na bumili ng ng kalayaan ng kanilang bayan at sarili mula sa mga panginoong may-lupa. Bukod dito, nais ng mga mangangalakal at ng mga alipin na mapasailalim at

mapamunuan ng isang hari kaysa sa isang panginoong may-lupa sapagkat binigyan sila nito ng hari ng proteksiyon, sistemang batas, at pananalapi. Ikaapat, ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar. Ang mga mamamayan na may magkakatulad na wika ay nagkaroon ng higit na pagkakaisa at naging matapat sa kanilang estado at sa hari nito.

Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong maylupa. Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong na mga

bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang mag-

bayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa.

Tandaan Mo! Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa

pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Ang wika ang nagsilbing ugnayan ng mga mamamayan upang mapanatili ang suporta sa kanilang nahirang na hari. Malaki ang ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal sapagkat ang mga mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataon na bilhin ang kanilang kalayaan mula sa kanilang

panginoong maylupa. Sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal nabago ang pamumuhay ng mga kanluranin sa gawaing pang-ekonomiya sapagkat ang kabuhayan ay hindi lamang nakatuon sa lupa kundi higit na naging malawak at aktibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sa lipunan.

� Ang mga mangangalakal sa gawing Mediterranean ay patuloy na nakipagkalakalan sa mga taga-silangan. Nagkaroon ng dalawang ruta o daan ng kalakalan patungong silangan. � Ang pinakamadaling paglalakbay ay mula sa Tsina patungong Golpo ng Persiya na humahantong sa Ilog Tigris sa

Mesopotamia. Ang isa pang ruta ay ang rutang karaban patungong Constantinople. � Ang paglalakbay-dagat ay inaabot ng dalawang taon at lalong higit na matagal ang paglalakbay sa karaban. � Sa simula, ang mga bayan-bayanan ay kontrolado ng mga mamamayanng panginoon o panginoong piyudal. Itinuring na

pagmamay-ari ng panginoong maylupa ang mga mamamayan pati na ang mga mangangalakal at manggagawa. Nang lumaon ang mga ito ay humingi na ng kalayaan at mga karapatan. � Ang mga kaharian ay kadalasang naitatayo sa isang lugar na angkop para maging tirahan ng maraming tao at

magkaroon ng pakikipamuhay at interaksiyon. Maaaring isang lugar na may tulay upang matawid ang isang ilog at daanan ng kalakalan. Maaari rin namang sa tabi ng dagat kung saan may daungan ng mga sasakyangdagat na pangkalakal. Kadalasan, ang pamayanan ay nabubuo sa tabi ng palasyo o kastilyo upang karakara silang mabigyan ng proteksiyon ng

hari. � Maraming salik ang itinuturing na dahilan kung bakit nawala ang kapangyarihan ng panginoong may -lupa at nalipat ito sa mga hari. Kabilang sa mga dahilang ito ay ang paggamit ng salapi upang mabili ang kalayaan, ang epektong idinulot ng

krusada, at ang pagkakaroon ng isang wika na nakatulong upang mapalapit sa isa't isa ang mga mamamayan at magtiwala sa kanilang hari.

PAG USBONG NG NATION-STATE Ang nation state ay isang estado na pinananahanan ng mga mamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan dahil sa kanilang mga pagkakatulad ay nagkaroon sila ng pagkakaisang lahi sila rin ay nakatira sa isang tiyak

na teritoryo at may pamahalaang kasarinlan. Sila’y mga nagkakaisang lahi at may katapatan sa kanilang bansa. Isa sa mga katangian ng nation state ay pagiging sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng monarkiya may hukbo na

umusbong sa nation state ito ay pagiging tapat ng mga sundalo sa hari. Dahil sa nation state ay lalong lumakas ang Europe at nabuo ang mag bagong institusyong pampulitika, panlipunan at pang ekonomiya. Nanghimasok at sinakop ng Europeong nation state ang mga bansang America, Asya at maging ang Africa.

ENGLAND Si william The conqueror ay duke ng normandy na sumakop sa England noong 1006. Siya rin ang gumawa ng patakaran sa bagong nasasakupan. Inangkin din nya ang 1/6 na lupain at ibinigay ang nalalabi sa Noble. Pinanatili din nya ang Shire ,

ang shire ay pinamumunuan ng Sherrif o ahente. Nag utos si william na magsagawa ng “sensus” sa mga tao at ang naging resulta ay inilagay sa Domesday Book. Noong 1215 ay pinilit ng mga Landlord ang haring John na lagdaan ang Magna Carta dito nakasaad ang mga batas na hindi maaaring Makulong ang isang taong nagkasala mna hindi dumaraan sa

paglilitis , hindi rin maaring itaas ng hari ng walang pahintulot ng Great Council. Noong 1295 nait atag ang parlamento na House of Lords (obispo at nobility) at House of Commons (kabalyero at bourgeoisie) ito ang mga sistemang pag bubuwis sa England.

FRANCE Napasakamay ni CharleMagne ang France simula 771 C.E ginawa nya ang lahat upang mapanatili ang kasarinlan at mapalawak ang teritoryo ng France sa pamamagitan ng hukbong militar , siay ang naglunsad ng unang kontra-atake laban

sa mga muslim sa spain. Namatay sya noong 814 C.E at ipinamana ang imperyo sa kanyang anak na si Louis the Pious. Sa pamamagitan ng Treaty of Verdun hinati ng mga apo ni Charlemagne ang imperyo. Ngunit dahil sa di pag kakaunawaan tuluyang bumagsak ang imperyo dahil sa mga bagong mananalakay sa Europe ito ay ang mga bansang Muslim , Magyar at

Viking. Ang capetian abg pumalit sa Carolingian at itinatag ang monarkiyang Frence sa pamamagitan ng pagkamkam ng Teritoryo. Mula kay Louis VI hanggang kay Philip Augustus ay lumawak ang teritoryo ng France . Lalo pa itong tumatag kay Louis IX sa pamamagitan ng digmaan at pagpapakasal ay nadagdag ang lupain upang madagdagan ang yaman ipinatupad

ang pag bibigay ng buwis. PAG USBONG NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAG LAKAS NG EUROPE

Page 14: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

Ang pang abuso ng mga hari ang naging dahilan upang lumakas ang simbahan. Noong 1073 , itinakda ni Papa Gregory VII na ang kaayusang banal ay napapasa ilalim sa batas ng Diyos. Ang Papa ang pinakamataas at lahat ay napapasa ilalim sa

kanya sa simbahan gayundin ang Hari na di pwedeng ganitin ang kapangyarihan sa layuning kristiyano. Maari din nyang tanggalin sa posisyon ang Hari kapag hindi sumunod sa obligasyonng kristyano. Ang Investure Controversy ay ideya ng Papa kung saan sumasailalim na tunggaliang interest ngunit hindi ito nagustuhan ni

Henry IV . Dahil para kay Henry ang panatisismo ay nakaka apekto sa usaping polit ikal. Ngunit idineklara ng Papa na eksmulgado si Henry sa simbahan. Ang Concrad of Worms noong 1122 ang kumilala sa tungkulin ng Obispo bilang lider-ispiritwal at sa Landlord kung saan ang hari ay hindi napapasa ilalim sa Papa. Ang simbahan ang pinaka makapang

yarihan sa panahon ng Middle Ages , naitatag din nila ang Republica Christiana na pinamumunuan ng hari sa patnubay ng Papa. Ang Europe ay lalong lumakas mula 11-13 siglo nagkaroon din ng kasiglahan at mga Nation State ang lapangyarihan ng simbahan. Ito ang mag nagging dahilan ng pag lakas ng Europe.

GAWAIN:

Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata _______________________________________________

Ikalawang Talata _______________________________________________ Ikatlong Talata

_______________________________________________ Ikaapat na Talata ________________________________________________

Ikalimang Talata ________________________________________________

Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata ___________________________________________________

Ikalawang Talata ___________________________________________________

Ano-ano ang mahahalagang impormasyong makukuha mula sa teksto? Unang Talata ___________________________________________________

Ikalawang Talata ___________________________________________________ Ikatlong Talata

________________________________________________

Ang Guild System Ang “guild” ay isang samahang institusyunal na ang pangunahing layunin ay protektahan ang interes ng mga kasapi. Bawat “guild” ay may sinusunod na patakaran. Nawata nila ang pagsali sa kalakalan nang hindi kasali sa “guild”. Ang “guild” ng

artisano ang nangangasiwa sa pagsasanay ng isang tao sa pamamagitan ng sistemang “apprenticeship”. Bago tanghaling dalubhasa ang isang artisano, siya ay dumadaan sa dalawang antas ng pagsasanay: 1) ang kandidato (apprentice) ay kailangang tumira kasama ang isang dalubhasa o master sa gawaing nais niyang pag-aralan. Siya ay bibigyan ng damit at

tuturuan ng kagandahang asal. Obligasyon ng apprentice ang sundin lahat ang utos ng master at kailangang manatiling lihim ang mga sikreto sa sining at paggawa na natutuhan niya sa master. Ang antas na ito ay 3 hanggang 12 taon; at 2) sa ikalawang antas siya ay magiging journeyman, isang bihasang artisano na naglilingkod sa isang panibagong master at

tumatanggap ng araw-araw na sahod. Ang gawa ng isang artisano na pumasa sa pamantayan ng “guild” ay itinuturing na “obra maestra”.

Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.

Ang Merchant Guild Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalakalan sa bayan.

Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan. Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant guild o guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng mga merchant guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng mga

kanal para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat na maaaring gamitin ng lahat. Minsan, ginagampanan nila ang papel bilang mga pulis na naglalaan ng proteksyon. Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga lord na alisin ang toll o bayad ng mga daan sa mga lupain nito.

Ang Craft Guild Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling

guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto na ginagawa ng nasabing guild.

Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada. Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin.

Page 15: Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo

� Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf.

� Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada. GAWAIN:

Bigyang kahulugan ang sumusunod na konsepto: Ang Merchant Guild _______________________________________________________________________________________

Ang Craft Guild _______________________________________________________________________________________________

1. Batay sa mga teksto, ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod? 2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mgaburgis sa lipunan? Ipaliwanag.

3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring nabasa mo sa mga teksto? Ipaliwanag.

ano-ano ang kontribusyon ng sumsunod na pangyayari sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?

Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong Panahong Medieval sa kasalukuyan? 2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag