59
NG TSINA Report ni: Richard Kenneth U. Bandiola

Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A Powerpoint Presentation about the different Dynasties of China before the Period of Colonization, from the Qin until the Yuan (Mongol) Dynasty.

Citation preview

Page 1: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

ANG MGA IMPERYO NG TSINA

Report ni: Richard Kenneth U. Bandiola

Page 2: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Nang humina ang Dinastiyang Chou, iba’t ibang pilosopiya at konsepto sa buhay ang nagsimulang lumabas sa lipunang Tsino. Ngunit, ang pag-aalitan ng mga estado ay nagpahina ng dinastiya. Bunga nito, ang Dinastiyang Chou ay madaling nagupo.

Page 3: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Imperyo ng Dinastiyang Chin

Page 4: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Dinastiyang Chin

Ang Dinastiyang Chin ay pinamunuan ni Shih Huang-ti. Siya’y 13 taong gulang noon noong pinamunuan niya ang dinastiya. Nagmula siya sa angkang Chin.

Sa tulong ng kanyang punong ministrong legalista na si Li Si, ginamit niya sa kanyang panunungkulan ang ideya ng mga legalista upang masupil ang mga nagdidigmaang mga estado. Matapos ang ilang taong pamumuno, itinanghal niya ang kanyang sarili bilang kauna-unahang emperador ng Tsina.

Page 5: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Shih Huang-ti

Page 6: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Bunsod ng hangarin niyang mapag-isa ang bansa, sinimulan ni Shih Huang-ti ang pananalakay at pananakop sa mga estadong tumatanggi sa kanyang pamumuno. Sinalakay ng kanyang hukbo ang mga dayuhan sa hilaga at timog ng Huang Ho River hanggang sa lupaing sakop sa kasalukuyan ng Vietnam. Higit na pinalaki ng kanyang tagumpay sa pananakop ang kalakhang sukat ng Tsina.

Page 7: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Pamamahalang Awtokratiko ni Shih

Huang-ti Awtokrasya ang pamahalaang ipinatutupad ni

Shih Huang-ti sa Tsina. Sa ilalim ng ganitong uri ng pamamahala, walang takda ang kapangyarihan ng namumuno. Ang imperyo ay pinamunuan ni Shih Huang-ti nang naaayon lamang sa kanyang nais. Upang mapatatag pa ang kanyang pamumuno, daglian niyang nilansag ang kapangarihan ng mga noble na dating namamahala sa kani-kanilang sistemang piyudal at ipinag-utos sa mga ito na manirahan sa lungsod na malapit sa kanyang pangasiwaan. Ang mga sakop niyang lupain ay kanyang hinati sa 36 na distrito na pinamamahalaan ng mga piling opisyal.

Page 8: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sa payo ng kanyang punong ministro, ipinapatay ni Shih Huang-ti ang daan-daang iskolar na Confucian at ipinasunog ang mga aklat na ayon sa mga legalista’y maaaring makasira sa pamahalaan o magbunsod sa mga tao na mag-alsa sa kanyang kapangyarihan.

Upang mapanatili ang kanyang sentralisadong kapangyarihan, ipinagawa ni Shih Huang-ti ang mga Imperal Highway, ang mga lansangang nagdurugtong sa kanyang malalawak na lupain. Ipinatupad niya ang paggamit ng magkakatulad na uri ng salapi, sistema ng pagsusulat, pagpapasunod ng batas, pati na paraan ng pagsukat at pagtimbang. Ipinaayos din niya ang mga irigasyon na higit na nagpasigla ng agrikultura.

Page 9: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

At higit sa lahat, ipinagawa niya ang bantog na Great Wall of China upang maitaboy ang pangkat ng mga barbarong nagnanais na masakop ang imperyo. Ang Great Wall of China ay may habang 2,500 km. lamang nang ipagawa ni Shih Huang-ti. Sa kasalukuyan, ito ay may habang 6,700 km. mula Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa kanluran. Ito ay may “watch tower” sa bawat sukat na 300 yd. Ang Great Wall of China lamang ang esrukturang gawa ng tao na bukod tanging natatanaw sa kalawakan. Ang Great Wall of China ay kinikilala hangggang ngayon sa kasalukuyan bilang isa sa “Seven Wonders of the World”.

Page 10: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sa kabila ng mga pagbabagong ito, si Shih Huang-ti ay hindi naging malapit sa puso ng mga Tsino. Ang pagtatakda ng mabigat na buwis at mapanupil niyang pamamahala ay kinamuhian ng kanyang nasasakupan.

Ikinagalit din ng mga iskolar na Confucian ang pagpapasunog niya sa mga aklat na mahalaga para sa kanila. Higit sa lahat, kinasuklaman siya ng mahihirap na magbubukid bunga ng sapilitan niyang pagpapagawa sa mga ito ng mga lansangan at ng Great Wall. Sa daan-daang libong Tsino na gumawa ng Great Wall, daang libo rin ang nangamatay sanhi ng marahas na klima at hirap sa pagpapagawa nito. Noong panahon ni Shih Huang-ti, daan-daang libong magbubukid ang nagtuong-tulong sa paghahakot ng milyong toneladang bato at panambak upang mabuo ang 20-25 talampakang taas na pader ng Great Wall.

Page 11: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Nang mamatay si Shih Huang-ti, siya ay pinalitan ng kanyang anak na higit na malupit, ngunit mahina namang emperador. Sa loob lamang ng tatlong taong panunungkulan nito, ang imperyong pinag-isa ng kanyang ama ay muling nagambala sanhi ng pag-aalasang pinamunuan ng mga dating katungggali ni Shih Huang-ti. Ang anak ni Shih Huang-ti ay pinatalsik ng isang pinunong nagmula sa lupain ng Han.

Qin Er Shi Huhai

Page 12: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Imperyo ng Dinastiyang Han

Page 13: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Dinastiyang Han

Ang Dinastiyang Han ay itinatag ni Liu Pang. Ang dinastiyang ito ay nahahati sa dalawang panahon ng tigdalawang siglo. Bunga ng mataas na reputasyong natamo ng Dinastiyang Han noong panahon ng kanilang kapangyarihan, itinuring ng mga sinaunang Tsino ang kanilang sarili bilang “Man of Han” o “People of the Han”.

Page 14: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Liu Pang

Page 15: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Sentralisadong Pamahalaan ni Liu

Pang Upang mapuksa ang kanyang mga katunggali sa

kapangyarihan, dagliang itinatag ni Liu Pang ang isang sentralisadong pamahalaang tulad ng kay Shih Huang-ti. Hinati-hati niya ang kanyang imperyo sa mga lalawigang tinawag niyang commanderies na pinamahalaan ng mga piling opisyal. Ngunit di tulad ni Shih Huang-ti, iniwasan niya ang legalistang pamamaraan upang makuha ang simpatya ng kanyang nasasakupan. Binabaan din niya ang buwis at pinagaan ang mahigpit na kaparusahan sa sinumang nagkasala.

Page 16: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ipinagpatuloy niya ang pagpapagawa ng mga lansangan, kanal, dike, at sa Great Wall. At di tulad kay Shih Huang-ti, ang bawat nasasakupan niya ay tinakdaan lamang niya ng isang buwang sapilitang paggawa at pagsisilbi sa hukbo, bukod sa pagbabayad ng buwis bilang tungkulin sa pamahalaan. Bunga nito, naging mapayapa ang buhay ng mga Tsino sa ilalim ng pamahalaang Han.

Page 17: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Mga Martial Emperor

Nang maging emperador ang apo ni Liu Pang na si Wu Ti, ipinagpatuloy niya ang pamahalaang sentralisado at pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pakikidigma. Matagumpay niyang napaalis ang mga nomad na Xiongnu na umaaligid sa bahaging hilagang kanluran ng Tsina, at sinimulan niya ang pananakop sa Manchuria, Korea, at katimugan ng Tsina. Dahil dito, siya ay tinawag na “Martial Emperor”. Sa pagtatapos ng kapangyarihan ni Wu Ti, ang kanyang imperyo ay umabot hanggang sa hangganan ng Tsina sa ngayon.

Page 18: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Wu Ti

Page 19: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Teknolohiya at mga Pagbabago sa Ilalim ng mga Han Ang 400 taong pamumuno ng mga Han ay nagbunga ng pagsulong sa edukasyon, teknolohiya, kultura, at ekonomiya sa buong imperyo. Ang pagkakatuklas ng papel sa panahong ito ay nakatulong sa pagpaparami ng mga aklat at pagpapaunlad ng edukasyon sa imperyo. Sa panahon ding ito napagbuti ng mga Tsino ang kanilang gamit pang-agrikultura.

Bunga ng paglaki ng populasyon noong panahon ng Han, napagtanto ng mga iskolar na Confucian ang kahalagahan ng agrikulturasa imperyo. Dahil dito, si Wu Ti ay nagpalabas ng isang atas na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng agrikultura sa imperyo.

Page 20: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Bukod sa agrikultura, nakuha ring mapaunlad ng imperyong Han ang kanilang pakikipagkalakalan. Dala ang tanyag na telang seda, produktong seramics at iba pang kagamitan, natuklasan ng mga Tsino ang ruta patungo sa pamilihan ng Syria at iba pang lupain sa silangang Mediterranean. Ang rutang ito ay kinilalasa kasaysayan ng mga Tsino bilang “Silk Road”, na hango sa pangalan ng telang seda o silk na panunahing produktong panluwas ng mga Tsino at isa sa mga bagay na nagpapakilala sa Tsina sa iba pang lupain. Napagbuti rin ng mga Tsino ang kanilang kasangkapang pang-araro at nagsimulang gumamit ng wheelbarrow, windmill, at kagamitan sa paggiling ng inaning bigas.

Page 21: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Silk Road

Page 22: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Kinilala rin sa panahon ng Han ang mahahalagang aklat at pampanitikang sulatin ni Confucius. Ang Five Classics ay koleksyon ng mga sulatin ni Confucius, at ang Analects naman ay koleksyon ng mga sulatin ni Confucius na tinipon ng kanyang mga mag-aaral. Sa panahon ding ito nakilala si Pan Chao, ang pinakadakilang babaeng manunulat ng sining. Nakilala rin si Ssu-ma Chien, ang kauna-unahang dakilang mananalaysay ng Tsina. Si Ssu-ma Chien ang sumulat ng kasysayan ng Tsina na pinamagatang “Records of the Grand Historian”.

Page 23: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Pan Chao

Page 24: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ssu-ma Chien

Page 25: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sa kabila ng mga pag-unlad na naganap sa imperyo, ang dinastiyang Han ay naharap pa rin sa isang matinding suliranin: ag pagkakaroon ng di-pantay na pamumuhay sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Ayon sa tradisyong Tsino, ang lupain ng isang pamilya ay kinakailangang hatin sa mga anak na lalaki bilang mana. Sa kaso ng mahihirap na magsasaka, paliit ng paliit ang naipamamana nila sa kanilang mga anak na lalaki dahil hindi sila nakabibili ng maraming lupain. Ito ang nagpasimula ng nagkalayong agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Dahil sa pangyayaring ito, ang kapayapaan sa imperyo ay muling nagambala at unti-unting nauwi sa pagwawakas ng kapangyarihan ng mga Han.

Page 26: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Imperyo ng Dinastiyang Sui

Page 27: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Dinastiyang Sui Nang bumagsak ang imperyong Han noong 220

B.C.E., ang hilagang kanlurang bahagi nito ay muling sinakop ng mga pangkat ng nomad at ang iba namang bahagi ay muling nagkawatak-watak. Sa loob ng 350 taon ang imperyo ay nagmistulang magkakahiwalay na distrito at napag-isa lamang ni Sui Wendi o Yang Chien noong 589 B.C.E. Sa kabila ng maigsing panahon ng kapangyarihan ng Dinastiyang Sui, mahalagang banggitin na ang dinastiyang ito ang naglatag ng pundasyon sa pagtatamo ng Ginintuang Panahon ng Tsina. Sa kanyang panunungkulan itinatag ni Yang Chien ang kabisera ng imperyo sa Chang-an.

Page 28: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Yang Chien

Page 29: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Muli niyang ipinaayos ang Great Wall upang magsilbing pananggalang laban sa mga barbaro. Pinasimulan din niya ang maayos na organisasyon ng pamahalaang ginamit din ng Dinastiyang Tang. Umupa siya ng mga ministrong maaaring makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa pananalig at binuhay na muli ang mga ritwal ni Confucius. Ito ay kanyang isinagawa upang suyuing magbalik-loob ang mga may pinag-aralan sa kanyang pamahalaan.

Page 30: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Yang Ti

Page 31: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Nang mamatay si Yang Chien, siya ay pinalitan ng kanyang anak na si Yang Ti. Ang pagpapagawa ni Yang Ti ng Grand Canal, ang pinakamahalagang bagay na ipinamana ng mga Sui sa Tsina. Pinagdugtong ng kanal na ito ang mga ilog ng Huang Ho, Yangtze, at iba pang daanang tubig sa imperyo. Ito ay nagsilbing mahalagang daanang pangkalakalan sa pagitan ng hilaga at timog Tsina. Ipinagpatuloy din ni Yang Ti ang pagpapapagawa ng Great Wall at iba pang estrukturang kinakailangang buuin ng daang libong Tsino. Bukod pa rito, naglunsad siya ng magastos na kampanyang militar laban sa kaharian ng Koguryo sa Korea na hindi naman nagtagumpay.

Page 32: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Upang maisakatuparan ang lahat ng kanyang proyekto at kampanang militar, si Yang Ti ay nagpataw ng mabigat na buwis. Ang bagay na ito ay nagdulot ng labis na hirap at pasakit sa mga Tsino. Dahil dito, nagsimulang mag-alsa ang kanyang nasasakupan laban sa dinastiya hanggang sa ito ay bumagsak noong 617 B.C.E.

Page 33: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Imperyo ng Dinastiyang Tang

Page 34: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Dinastiyang Tang

Sa kabila ng maikling panahon ng panunungkulan ng Dinastiyang Sui, ito ay nag-iwan ng matibay na pundasyon para sa pagtatagumpay ng sumunod na dinastiya, ang Dinastiyang Tang. Si Li Yuang ang nagtatag ng Dinastiyang Tang. Sa loob ng 300 taon, muli niyang pinag-isa ang imperyo gamit ang Chang-an bilang kabisera. Napagtagumpayan niyang sakupin ang Korea at nabawi niya ang hilagang bahagi ng imperyo na nasakop ng mga nomad.

Page 35: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Li Yuang

Page 36: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Si Tang Tai-tsung ang kinikilalang pinakamahusay na emperador ng Dinasiyang Tang. Ang kanyang panunungkulan ay ginabayan ng mga ideya ni Confucius. Isang sentralisadong pamahalaan din ang iinaag ni Tang Tai-tsung. Binuhay niyang muli ang sistemang civil service sa pagtanggap ng mga opisyal ng pamahalaan.

Nagpatayo siya muli ng mga paaralang nagsasanay at nagtuturo ng mga sinulat ni Confucius. Ang mga nakakapasa sa pagsusulit sa mga sinulat ni Confucius ang bumuo ng pangkat ng mga opisyal-iskolar ng pamahalaan na kung tawagin ay gentry. Umunlad din ang tulang Tsino at nakilala sina Li Po at Tu Fu bilang mga dakilang manunula sa panahong ito.

Page 37: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Tang Tai-tsung

Page 38: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Mapayapang namuhay ang mga Tsino sa ilalim ng Dinastiyang Tang dahil sa matatag at mataas na uri ng pamahalaang ipinalaganap ni Tang Tai-tsung. Si Tang Tai-tsung ay naging mapagpahintulot rin sa anumang relihiyon ng kanyang nasasakupan. Sa panahon ni Tang Tai-tsung lumaganap ang Buddhism sa Tsina. Ipinagpatuloy din niya ang mga nasimulang estruktura ng mga Sui. Pinagaan niya ang pagpataw ng buwis at kinalap ang ibang lupain ng mayayaman at ipinamahagi ito sa mahihirap. Ipinag-utos din niya ang maayos na pangangasiwa sa agrikultura at kalakalan. Dahil dito, ang imperyo ay yumabong at itinanghal ang panahon ng pangangasiwa ni Tang Tai-tsung bilang “Ginintuang Panahon ng Tsina”.

Page 39: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Emperador

PamahalaangLokal

Prefectures

District

Commune

Village

Commandery

InspectingSecretary

Commandery Administrator

Commandery

Comandant

PrisonCommandant

Specialist

Three Excellencies

Chancellor

Chancellor’s

Office

10Ministers

GrandeeSecretary

Commander-in-chief

Page 40: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Nang mamatay si Tai-tsung, ang imperyo ay pinamahalaan ng mga tiwali at sakim na emperador. Noong taong 700 B.C.E., nagtakda ng mabigat na buwis ang emperador upang matustusan ang malaking gugugulin sa pagpapalawak ng imperyo. Ang pangyayaring ito ay muling nagpahirap sa mga Tsino. Nahirapan ang mga Tang na pangasiwaan ang napakalaking teritoryong kanilang nasasakupan at hindi nito napigilan ang pagpasok ng mga pangkat Arabeng sumakop sa kanlurang bahagi ng imperyo. Ang mga tiwaling emperador ay pinabagsak ng mga rebeldeng eunuch. Ang eunuch ay mga katulong na naninilbihan sa kaharian ng emperador. Ang dinastiyang Tang ay tuluyan nang bumagsak sa ilalim ng mga eunuch.

Page 41: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang panahon sa pagitan ng dinastiyang Tang at Sung ay tinawag na panahon ng limang dinastiya at 10 kaharian. Sa rehimeng ito, ang pusod ng Tsina ay pinamunuan ng limang magkakasunod na dinastiya, samantalang ang timog at kanluran ng lupain ay inokupahan ng sampung matatatag na kaharian.

Page 42: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Imperyo ng Dinastiyang Sung

Page 43: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Dinastiyang Sung

Ang Dinastiyang Sung ay itinatag ni sung Tai-tsu. Sa panahon ng mga Sung, Ang teritoryo ng imperyo ay muling lumiit. Hindi na nakuhang bawiin ng mga Sung ang mga lupaing nasakop ng mga dayuhan noong panahong humina ang kapangyarihan ng Tang. Sa kabila nito, ang imperyo ay naging matatag, makapangyarihan, at masagana. Ang mga panahon ng Tang at Sung ay kinakitaan ng labis na pagsulong.

Page 44: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sung Tai-tsu

Page 45: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Naging masagana ang agrikultura at lumago ang pondong pananalapi ng Tsina. Ngunit kasabay ng pag-unlad, dumoble naman ang dami ng mga tao sa kalakhang imperyo. Ang bawat isa sa mga sampung lunsod ng Tsina ay nagtataglay na ng isang milyong katao sa panahong ito.

Upang matugunan ang pangangailangan ng malaking populasyon, ipinag-utos ni Sung Tai-tsu ang pagpapatupad ng “Green Sprout Act”. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang mga magbubukid ay pinautang ng pamahalaan ng butil na maaaring bayaran matapos ang anihan.Ang sumunod na emperador ng Sung ay nakapag-angkat ng ibang uri ng butil ng bigas mula sa Vietnam. Ang butil na ito ay higit na mabilis anihin.

Page 46: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang paraan ng pagsasaka at pag-aani ng butil ay maayos na itinuro ng mga opisyal ng pamahalaan sa buong imperyo. Bunga nito, ang mga Tsino ay nakapag-ani ng bigas dalawang beses isang taon.

Ang Silk Road na dating binabantayan ng mga hukbo ng kaharian ng Tang ay hindi na nabawi ng mga Sung mula sa mga Juchen o barbarong Manchu, na sumalakay at nagtatag ng kanilang imperyo sa hilagang bahagi ng Tsina. Upang mapag-ibayo ang kanilang pakikipagkalakalan, nilinang ng mga Tsino ang kanilang kaalaman sa paglalakbay sa karagatan. Sa panahong ito, natuklasan ang paggami ng magnetic compass. Sa panahon ding ito natuklasan ang paglilimbag ng papel, pulbura, at paggamit ng tinta.

Page 47: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Dahil sa lumalaganap na kasaganaan, sumigla ang malikhaing kaisipan ng mga Tsino sa mga panahong ito. Ang pagpipinta ay nabigyan ng damdamin ng mga kilalang pintor. Ang mga pinta ay kinakitaan ng impluwensya ng pagkilala sa kalikasan ng mga Taoist at tradisyonal na nakaguhit sa scroll.

Noong taong 900 B.C.E., ang dinastiyang sung ay ginimbala ng mga Khitan, isang pangkat ng mga Mongol. Kapalit ng taunang suhol na buwis ang pangkat ng mga Khitan ay nangako sa emperador na hindi na muling manggagambala. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, ang pangkat ng barbarong ito ay hindi na napigilan ng suhol at tuluyang sinakop ang Kai-yang, ang kabisera ng Sung.

Page 48: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Imperyo ng Dinastiyang Yuan

Page 49: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Ang Dinastiyang Yuan (Ang Tsina sa Ilalim ng

mga Mongol) Ang mga Mongol ay pangkat ng mga nomad na

namamalagi sa hilaga ng Tsina. Sila ay pinamumunuan ni Temujin na higit na kilala bilang Genghis Khan, isa sa pinakamagaling na mananakop ng daigdig. Si Genghis Khan ang nagtatag ng Imperyong Mongol.

Nang mamatay si Genghis Khan noong 1227, ang kabuuang imperyo ng mga Mongol ay nahati sa apat na khanate. Ang khanate ay tumutukoy sa teritoryo ng Imperyong Mongol na hinati-hati ng mga anak at apo ni Genghis Khan sa apat na bahagi. Ang apo ni Genghis Khan na si Kublai Khan ang pumalit kay Genghis Khan bilang The Great Khan.

Page 50: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Genghis Khan (Temujin)

Page 51: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Kublai Khan

Page 52: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Siya ang namuno sa sarili niyang khanate na sumasakop sa Mongolia, Korea, Tibet, at hilagang Tsina. Sa kanyang pagsisimula, itinalaga ni Kublai Khan ang katuparan sa hangarin ni Genghis Khan na masakop ang kabuuang Tsina.

Nakuha lamang sakupin ni Kublai Khan ang kabuuang Tsina noong taong 1279 at itinatag ang Dinastiyang Yuan. Ang panahon ng Dinastiyang Yuan ay naging mahalaga sa kasaysayan ng Tsina. Muling napag-isa ni Kublai Khan ang Tsina sa loob ng 300 taon. Bunga ng malawak na sakop ng Imperyong Mongol, ang Tsina ay nabuksan sa higit na malawak na pakikipagkalakalan na nagbigay ng higit na pagkakataon sa mga Tsino na makipag-ugnayan sa mga dayuhan.

Page 53: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sa buong panahon nang kanyang pagiging emperador ng Tsina, si Kublai Khan ay nanirahan sa kanyang ipnagawang palasyo sa Shangdu sa pagitan ng Tsina at Mongolia. Nagpatayo rin siya ng bagong kabisera sa Beijing, na labis na hinangaan ni Marco Polo.

Page 54: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Si Marco Polo ang pinakatanyag na Europeo na bumisita sa Tsina. Siya ay kinuha ni Kublai Khan bilang katiwalang kawani sa kanyang korte at emisaryo ng emperador sa mga lungsod ng imperyo. Siya ay naglingkod sa korte ni Kublai Khan sa loob ng 17 taon at lumisan lamang sa Tsina noong 1292, dalawang taon bago mamatay si Kublai Khan. Sa kanyang paglalakbay pabalik sa Venice, si Marco Polo ay nabihag ng mga pirata at ibinilanggo. Sa pagkakabilanggo, ang kanyang paglalakbay ay kanyang iniulat sa kanyang kapwa bihag na si Rusticiano, na siyang nagsulat at naglabas ng mga kuwento ni Marco Polo bilang isang aklat.

Page 55: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Marco Polo

Page 56: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Matapos masakop ang kabuuang Tsina, sinubukan din ni Kublai Khan na sakupin ang Hapon. Dalawang ulit na nagpadala ng plota si Kublai Khan sa Hapon. Sa pangalawang pagkakataon, ang plotang ipinadala niya ay binuo ng 150,000 mandirigmang Mongol, tsino at Korean. Ito ang kinilala bilang pinakamalaking puwersang panlusob sa kasaysayan bago naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos ang 53 araw na hindi matapos-tapos na pakikihamok ng mga Tsino sa puwersang ito, bigla na lamang dumilim ang kalangitan at naganap ang isang isang malakas na bagyo sa karagatan ng Hapon. Winasak ng malakas na bagyo na may kasamang hangin ng mga Mongol at nilunod ang libo-libong mandirigmang Mongol. Ang hanging ito ay tinawag ng mga Hapones na kamikaze o divine wind na pinaniniwalaan nilang nagligtas sa kanila laban sa mga Mongol.

Page 57: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sa panahon ng kanyang panunungkulan, si Kublai Khan ay hindi nagtiwala nang lubos sa mga Tsino. Ipinagkakaloob niya sa mga Mongol at mga dayuhan tulad ni Marco Polo ang matataas na katungkulan sa kanyang korte. Siya ay naniwala na higit na mapagkakatiwalaan ang mga dayuhan kaysa mga Tsino dahil sa kawalan ng mga ito ng karapatan sa Tsina. Sa kabila nito, si Kublai Khan ay naging isang mabuting emperador. Ipinaayos niyang muli at pinadugtungan ang Grand Canal patungong Beijing at nagpagawa ng mga lansangan na may habang 1,100 milya, mula sa Hongzhou hanggang Beijing. Ito ay kanyang isinakatuparan upang matiyak ang suplay ng ani o anumang produktong pangangailangan sa hilagang bahagi ng imperyo mula sa masaganang katimugan nito.

Page 58: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

Sa panahon ding ito naganap ang “Pax Sinica”, ang panahon ng katahimian at kapayapaan sa Silk Road.Ang bagay na ito ay naghikayat ng mga dayuhang mangangalakal, pati na misyonero na maglalakbay at makikipagkalakalan sa mga Tsino.

Si Kublai Khan ay namatay noong 1294. Ang mga pumalit sa kanya ay naging mahina at mapaniil. Ang Dinastiyang Yuan ay pinabagsak ng isang pag-aalsa noong 1368 at pinalitan na ito ng Dinastiyang Ming.

Page 59: Ang mga Imperyo ng Tsina.pptx

感謝您的收看 Gânxiè nín de shõukàn! Thank You for Watching!