ANG MGA KRUSADA

  • View
    1.764

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of ANG MGA KRUSADA

ANG MGA KRUSADA

ANG MGA KRUSADAGAWA NG GROUP 1 LONMAR

Ang Mga Krusada ay isang sunod sunod ng digmaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo noong 10961273, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng Banal na Lupain mula sa kapangyarihang Muslim at upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks sa Anatolia. Ang layunin ng mga krusada ay hindi naisakatuparan at ang mga episodyo ng brutalidad na isinagawa ng mga hukbo ng mga Kristiyano at Muslim ay nag-iwan ng isang legasiya ng mutual na kawalang pagtitiwala sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano.

ANG UNANG KRUSADAAng Unang Krusada (10961099) ay isang ekspedisyong militar ng Romano Katolikong Europa upang muling maibalik ang mga banal na lupain na nasakop ng mga Muslim sa Levant na sa huli ay humantong sa muling pagkakabihag ng Herusalem noong 1099.Ito ay inilunsad ni Papa Urban II noong 27 Nobyembre 1095 na may pangunahing layunin ng pagtugon mula sa apela mula sa Emperador ng Imperyong Byzantine na si Alexios Komnenos na humiling ng mga bolunterong kanluraning upang tulungan siya na patalsikin ang mga mananakop na Muslim mula sa Anatolia. Sa panahon ng unang krusada, ang mga kabalyero mula sa iba't ibang mga bansa ng Kanluraning Europa ay naglakbay sa lupain at dagat una ay sa Constantinople at pagkatapos ay tungo sa Herusalem bilang mga nagkukrusada. Ang kanilang hukbo ay nabigong makarating sa Herusalem. Ang mga kabalyero ay nakarating sa Herusalem at naglunsad ng pagsalakay sa siyudad. Kanila itong nasakop noong Hulyo 1099 at nang-masaker ng maraming mga Muslim.

ANG IKALAWANG KRUSADAAng Ikalawang Krusada (11451149) ang ikalawang krusada na inilunsad mula sa Europa. Ang Ikalawang Krusada ay sinimulan bilang tugon sa pagbagsak ng Kawnti ng Edessa sa pwersa ng mga muslim. Ang Ikalawang Krusada ay inanunsiyo ni Papa Eugene III at ang una sa mga krusada na pinamunuan ng mga haring Europeo na sina Louis VII at Conrad III na may tulong ng isang bilang ng ibang mga maharlikang Europeo. Ang mga hukbo ng mga dalawang haring ito ay nagmartsa ng magkahiwalay sa buong Europa. Pagkatapos na tumawid sa Byzantine tungo sa Anatolia, ang parehong mga hukbong ito ay magkahiwalay na natalo ng mga Muslim. Sina Louis at Conrad at mga natitirang mga hukbo nito ay dumating sa Herusalem at noong 1148 ay lumahok sa isang hindi mahusay na pag-atake sa Damascus na kung saan maraming namatay sa mga hukbo.

ANG IKATLONG KRUSADAAng Ikatlong Krusada (11891192) na kilala rin bilang Krusada ng mga Hari ang pagtatangka ng mga pinunong Europeo na muling masakop ang Banal na Lupain mula sa Islam. Pagkatapos ng pagkabigo ng Ikalawang Krusada, nagkaisa ang mga pwersang Ehipsiyo at Syrian sa ilalim ng pamumuno ni Saladin na ginamit upang paliitin ang mga estadong Kristiayno at muling mabihag ang Herusalem noong 1187. Sa kanilang kasigasigang relihiyoso, winakasan nina Henry II at Philip II ang kanilang alitan at namuno sa isang bagong krusada. Pagkatapos ng pagtataboy sa mga Muslim mula sa Acra, ang kahalili ni Frederick na si Leopold V ay lumisan sa Banal na Lupain noong Agosto 1191. Nabigo si Saladin na talunin si Richard sa anumang mga digmaan at nakuha ni Richard ang ilang mga mahahalagang siyudad na pang-baybayin. Gayunpaman, noong 2 Setyembre 1192, ginawang pinal ni Richard ang isang kasunduan kay Saladin. Nilisan ni Richard ang Banal na Lupain noong Oktubre 9.

ANG IKAAPAT NA KRUSADAAng Ikaapat na Krusada (12021204) ay orihinal na nilayon upang sakupin ang kinokontrol ng mga Muslim na siyudad ng Herusalem sa pamamagitan ng pananakop sa pamamagitan ng Ehipto. Sa halip nito, noong Abril 1204, sinakop ng mga nagkrusadang Europeo ang siyudad na Silangang Kristiyano ng Constantinople na kabisera ng Silanganing Imperyo Romano. Ito ay nakikita na huling mga akto ng Schismo ng Silangan-Kanluran sa pagitain ng Simbahang Silangang Ortodokso at Simbahang Katoliko Romano at isang mahalagang pangyayari sa pagbagsak ng Imperyo at Kristiyano sa Silangan.

ANG KRUSADANG ALBIGENSIANAng Krusadang Albigensian (12091229) ang 20 taong kampanyang militar na sinimulan ni Papa Inosente III upang lipulin ang Catharismo sa Languedoc. Ang Krusada ay pangunahing nilitis ng Koronang Pranses at mabilis na naging pampolitika na humantong sa hindi lamang ang malaking pagbawas ng bilang ng mga nagsasanay na Cathar kundi isang muling paglilinya ng Occtinania na nagdala nito sa sakop ng Koronang Pranses at nagbawas ng natatanging pang-rehiyong kultura at mataas na lebel ng impluwensiyang Aragonese. Idineklara ni Inosente III ang isang krusada laban sa Languedoc na nag-aalok ng mga lupain ng mga heretikong Cathar sa sinumang maharlikang Pranser na makikidigma sa mga Cathar. Ang karahasan nito ay humantong sa pagkakamit ng Pransiya ng mga lupain na may malapit na kaugnayang linguistiko, kultural at pampolitika sa Catalonia.

ANG KRUSADA NG MGA BATAAng mga kronika ay nag-ulat ng isang kusang loob na kilusan ng mga kabataan sa Pransiya at Alemanya noong 1212 na umakit ng malalaking mga bilang ng mga magsasakang tinedyer at kabataan. Ang mga ito ay nahikayat na kanilang mapapagtagumpayan kung saan nabigo ang mga mas matanda at mas makasalanang nagkrusada. Hinikayat ng mga mga pari at mga magulang ang gayong kasigasigan sa relihiyon at hinimok ang mga ito. Sinalungat ng papa at mga obispo ang pagtatangkang ito ngunit buong nabigo itong mapigilan. Ito ay isang mahirap na paglalakbay at ang tag-init ay hindi karaniwang mainit. Sila ay umasa sa kawanggawa para sa kanilang pagkain. Marami sa mga bata ay namatay sa mga gilid ng daanan at ang iba ay umurong upang umuwi sa kanilang mga tahanan. Pagkatapos ng ilang mga araw, nag-alok ang mga bata na kanilang gamitin ang mga barko at isakay sila ng walang bayad para sa kaluwalhatian ng diyos tungo sa Palestina. Dito sa Palestine pinatay o kinuha ang mga bata.

ANG IKALIMANG KRUSADAAng Ikalimang Krusada (12131221) ang pagtatangka na muling makuha ang Herusalem at Banal na Lupain sa pamamagitan ng pananakop ng Ehipto. Pinangasiwaan nina Papa Inosente III at ang kanyang kahaliling si Papa Honorius III ang mga hukbong nagkrusada na pinumunuan nina Haring Andrew II at Duke Leopold VI. Kalaunan noong 1218, ang isang hukbong Aleman na pinamunuan ni Oliver at isang hukbo ng mga sundalo na pinamunuan ni William I ay sumali sa krusada. Upang atakihin ang Damietta sa Ehipto, sila ay nakipag-alyansa sa Turkong Seljuk na umatake sa mga Ayyubid sa Syria. Nagmartsa patimog tungo sa Cairo ang mga nagkrukrusada noong Hulyo 1221 ngunit humantong ito sa pwersahang pag-urong. Sa isang pag-atake ni Sultan Al-Kamil. maraming namatay at kalaunan ay sumuko ang hukbo. Si Al-Kamil ay umayon sa isang walong-taong kasunduan ng kapayapaan sa Europa.

ANG IKAANIM NA KRUSADAAng Ikaanim na Krusada ay nagsimula noong 1228 bilang pagtatangka na muling makuha ang Herusalem. Ito ay nagsimula pitong taon pagkatapos ng pagkabigo ng Ikalimang Krusada. Ito ay kinasasangklutan ng napakakaunting aktuwal na labanan. Ang maniobrang diplomatiko ng Banal na Emperador Romano Frederick II ay humantong sa muling pagkontrol ng Kaharian ng Herusalem sa Herusalem at iba pang mga lugar sa loob ng 15 taon.

ANG IKAPITONG KRUSADAAng Ikapitong Krusada ay pinamunuan ni Louis IX mula 1248 hanggang 1254. Ang tinatayang 800,000 bezant ay pinantubos para kay Haring Louis na kasama ng mga libo libong hukbo ay nabihag at natalo ng hukbong Ehipsiyo na pinamunuan ng Ayyubid Sultan na si Turanshah na sinuportahan ng mga Bahariyya Mamluk na pinamunuan nina Faris ad-Din Aktai, Baibars al-Bunduqdari, Qutuz, Aybak at Qalawun.

ANG IKAWALONG KRUSADAAng Ikawalong Krusada ang krusada na inilunsad ng Hari ng Pransiyang si Louis IX noong 1270. Ang Ikawalong Krusada ay minsang binibilang na Ikapito, kung ang Ikalimang Krusada at Ikaanim na Krusada ni Frederick II ay bibilanging isang krusada. Nabalisa si Louis sa mga pangyayari sa Syria kung saan ang Mamluk sultan Baibars ay umaatake sa natitira ng mga estado ng nagkrusada. Noong 1265, nasakop ni Baibars ang Nazareth, Toron, Asruf. Si Hugh III na nominal na hari ng Herusalem ay lumapag sa Acre. Ang mga pangyayaring ito ay nagtulak kay Louis na tumawag ng isang bagong krusada noong 1267 bagaman may kaunting suporta sa panahong ito pero nawalan siya ng pag-asa . Ang pagsalakay sa Tunis ay inabandona noong Oktubre 3 dahil sa mga maraming namatay sa isang kasunduan sa sultan. Pagkatapos marinig ang kamatayan ni Lous at ang paglikas ng mga nagkrusad mula sa Tunis, kinansela ng Sultan ang kanyang plano na magpadala ng mga hukbo upang labanan si Louis sa Tunis.

ANG IKASIYAM NA KRUSADAAng Ikasiyam na Krusada ay minsang pinapangkat sa Ikawalong Krusada at karaniwang tinuturing na huling pangunahing krusadang mediebal sa Banal na Lupain. Ito ay nangyari noong 12711272. Ang pagkabigo ni Louis IX na bihagin ang Tunis sa Ikawalong Krusada ay nagtulak kay Edward I na maglayag sa Acre na kilala bilang Ikasiyam na Krusada. Ang Ikasiyam na Krusada ay nakakita ng ilang mga kahanga hangang pagkapanalo ni Edward kay Baibars. Sa huli, ang krusada ay hindi labis na nabigo bilang pag-urong dahil si Edward ay may mga mahalagang pagkabahala sa tahanan at naramdamang hindi magagawang malutas ang mga panloob na alitan sa mga estado ng nagkrusada.

IMPLUWENSIYA NG KRUSADAHindi man lubusang natagumpay ang krusadang ito, maraming ding mabuting naidulot nito. Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala ang mga produkto ng Silangan tulad ng mga pampalasa, mamahaling bato, pabango, sedang tela porselana, prutas, at marami pang iba na nakabighani sa mga Europeo. Ito rin ang dahilan kung paanong nabuo sa Silk Road. Napasigla rin ng Krusada ang palitan na kalakalan ng Europe at Asya kung kayat maraming Europeo ang nakainteres na makarating sa Asya. At it