Click here to load reader
View
27
Download
0
Embed Size (px)
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Madaling basahing bersyon sa Tagalog
Tagalog | Tagalog
National Standard for disability services EE cover and replacement pages.indd 2 3/10/2015 5:50:47 PM
Paano ang paggamit ng buklet na ito
Easy Read Ang impormasyong ito ay nakasulat sa isang
paraang madaling basahin. Gumagamit kami ng
mga larawan upang ipaliwanag ang ilang mga
ideya.
Ang ilang mga salita ay naka-bold. Ipinapaliwanag
namin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito.
Ang Madaling Basahing dokumentong ito ay buod ng
isa pang dokumento.
Makikita mo ang ibang dokumento sa aming website sa
www.dss.gov.au
Ikaw ay makakahingi ng tulong sa pagbasa ng dokumentong ito.
Ang isang kaibigan, kapamilya o taong
tagasuporta ay maaaring makatulong sa iyo.
Maaaring hindi mo gustong basahin ang buong dokumento nang agad-agad. Ito ay may 6 na pangunahing bahagi. Maaari mong basahin ito nang paisa-isa.
3
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 3 13/03/14 9:31 AM
http://www.dss.gov.au/
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 4 13/03/14 9:31 AM
Ano ang nasa dokumentong ito?
Tungkol sa mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan 5
Ano ang mga Pamantayan? 9
Pamantayan 1: Mga Karapatan 11
Pamantayan 2:
Pagsali at Pagsasama
15
Pamantayan 3:
Mga Resultang Pang-Indibiduwal
18
Pamantayan 4:
Mga Puna at Reklamo
21
Pamantayan 5:
Pagkuha ng Serbisyo
24
Pamantayan 6:
Pamamahala ng Serbisyo
28
Kontakin kami
31
4
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 5 13/03/14 9:31 AM
Tungkol sa mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Sa buong Australya, maraming taong may
kapansanan ang gumagamit ng marami o ibang
mga serbisyo.
Ito ay maaaring para sa:
• suporta sa araw-araw na pamumuhay
• paghahanap ng trabaho, o pagtatrabaho
saanman, gaya ng suportadong
pagtatrabaho o iba pang lugar ng trabaho
• pagtatrabaho nang may tagataguyod.
Ang tagataguyod ay isang tao na
makatutulong sa iyo na maunawaan at
magsalita tungkol sa isang problema o iba
pang isyu.
5
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 6 13/03/14 9:31 AM
Nais naming tiyakin na ang mga taong may
kapansanan ay makakukuha ng mabubuting
serbisyo.
Kaya, gumagamit kami ng isang listahan ng mga tuntunin na nagpapaliwanag kung paano ka dapat tratuhin kapag gumagamit ka ng mga serbisyo para sa may kapansanan.
Ang mga tuntuning ito ay tinatawag na mga Pamantayan.
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag kung ano ang mga Pamantayan, at ang kahulugan ng mga ito para sa iyo.
Kami ay nagsulat kamakailan ng bagong bersyon ng mga Pamantayan. Ang huling bersyon ay isinulat noong 1993.
Lahat ng mga pamahalaan sa Australya ay
nagtulungan sa pagsusulat ng mga bagong
Pamantayang ito.
6
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 7 13/03/14 9:31 AM
Kami ay nakipag-usap din sa ibat ibang tao
upang alamin kung ano sa palagay nila ang
dapat isali sa mga bagong Pamantayan.
Kami ay nakipag-usap sa:
• mga taong may kapansanan,
kanilang mga pamilya at tagapag-
alaga
• mga tagataguyod
• iba pang tao na tumutulong sa
mga taong may kapansanan.
Isinali namin ang marami sa kanilang
mga ideya sa mga bagong Pamantayan.
Ang mga bagong Pamantayan ay batay rin sa ilang
iba pang mahahalagang ideya, gaya ng:
• Ikaw ay dapat pahintulutang sumali sa
lahat ng mga desisyon tungkol sa
iyong buhay.
• Ikaw ay dapat tumanggap ng mga serbisyong may mabuting kalidad.
• Ikaw ay may karapatang tratuhin nang
makatarungan, gaya ng pagtrato sa iba.
7
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 8 13/03/14 9:31 AM
At ang mga ito ay batay sa mga ideya na
nasa 2 importanteng dokumentong ito:
• Ang Kapulungan ng mga Bansang
Nagkakaisa ukol sa mga Karapatan
ng Mga Taong may Kapansanan
Ito ay isang kasunduan kung paano
dapat tratuhin ang mga taong may
kapansanan. Ito ay ginagamit sa ibat
ibang bansa.
• The National Disability Strategy
Ito ay isang dokumento na
nagpapaliwanag kung paanong ang lahat
ng ibat ibang pamahalaan sa Australya ay
nagtutulungan upang suportahan ang
mga taong may kapansanan.
8
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 9 13/03/14 9:31 AM
Ano ang mga Pamantayan?
May 6 na Pamantayan. Ipapaliwanag namin nang kaunti dito, at pagkatapos
ay magbibigay kami ng higit pang detalye sa mga sumusunod na pahina.
Pamantayan 1: Mga Karapatan
Ikaw ay may karapatang tratuhin nang
makatarungan kapag gumagamit ka ng mga
serbisyo para sa may kapansanan.
Pamantayan 2: Pagsali at Pagsasama
Ikaw ay makakasali sa komunidad at
makakaramdam na ikaw ay kasama kapag
gumagamit ka ng mga serbisyo para sa
may kapansanan.
Pamantayan 3: Mga Resultang Pang-Indibiduwal
Ang iyong serbisyo ay sumusuporta sa iyo sa pagpili mo ng mga gusto mong gawin. Ikaw ay makapagsisikap upang makamit ang iyong mga layunin.
Pamantayan 4: Mga Puna at Reklamo
Ikaw ay makakapagsabi sa mga tao ng
iyong palagay tungkol sa mga serbisyong
tinatanggap mo.
9
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 10 13/03/14 9:31 AM
Pamantayan 5: Pagkuha ng Serbisyo
Ang paghanap at paggamit ng mga serbisyo ay
pantay-pantay para sa lahat. Ikaw ay makakukuha
ng mga serbisyong kailangan mo.
Pamantayan 6: Pamamahala ng Serbisyo
Ang mga serbisyo para sa may kapansanan ay dapat pamahalaang mabuti.
10
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 1: Mga
Karapatan
Ikaw ay may karapatang tratuhin
nang makatarungan kapag
gumagamit ka ng mga serbisyo
para sa may kapansanan.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 12 13/03/14 9:31 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 1: Mga Karapatan?
Kapag gumagamit ka ng isang serbisyo para sa may kapansanan, ikaw ay may karapatan na:
• tumanggap ng mabubuting serbisyo
• gumawa ng mga sariling desisyon at
magkaroon ng kontrol sa iyong
buhay at sa mga suportang
ginagamit mo
• maging ligtas – walang sinuman ang pahihintulutang saktan ka
• magtangka ng mga bagong bagay at magsapalaran paminsan-minsan
12
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 13 13/03/14 9:31 AM
• Sabihin kung ano ang tama para sa iyo
• kumuha ng tulong kung kailangan mo ito
• malaman na ang iyong impormasyon ay pinananatiling pribado
Ano ang dapat gawin ng aking serbisyo?
Ang iyong serbisyo ay dapat na:
• tratuhin kang mabuti at panatilihin kang ligtas
• hayaan kang makapili
• isama ang iyong pamilya at mga tagapag-
alaga kung nais mo silang maisama
13
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 14 13/03/14 9:31 AM
• magbigay ng impormasyon sa
paraang tama para sa iyo
• igalang ang iyong pagiging pribado
• hayaan kang magsalita
• mag-alok sa iyo ng suporta upang ikaw ay makapagsabi kung kailangan mo ito. Ang suportang ito ay maaaring magmula sa isang tao, gaya ng isang abogado o tagataguyod.
14
Mga Pambansang Pamantayan sa mga Serbisyo para sa may Kapansanan
Pamantayan 2:
Pagsali at Pagsasama
Ikaw ay makakasali sa komunidad at
makararamdam na ikaw ay kasama kapag
gumagamit ka ng mga serbisyo para sa
may kapansanan.
1301 - DSS - Disability Service Standards_Booklet_v3.indd 16 13/03/14 9:32 AM
Ano ang aking mga karapatan sa Pamantayan 2:
Pagsali at Pagsasama?
Ikaw ay may karapatang makibahagi sa iyong komunidad.