26
Ann Violeta G. Bilbao 2010-46193 Pan Pil 165 Term Paper Ang Ating Relationship Status: Pagsusuri sa mga Kuwento ng Pag-ibig ng mga Filipina na Young Adult LAYUNIN Ang pananaliksik na ito ay tatalakay sa mga paniniwala at pagtingin ng mga Filipina na young adult ukol sa pag-ibig, sa pakikipagrelasyon sa ibang tao, at ang impluwensya ng kultura at mga tao sa kanilang paligid ukol dito, at sa aplikasyon nito sa mga akdang young adult sa Pilipinas. Titingnan din ang mga limitasyon ng mga paniniwalang itosa konteksto ng mga akda. Gagamit din ng mga local na pagsusuring sikolohikal upang malaman ang kaugnayan ng media sa mga nosyon ng pag-ibig ng mga kabataang Filipina. Gagamitin din ang close reading analysis ni Gabriela Lee, isang lokal na manunulat ng panitikang pambata.Para sa pagsusuri ng pag-ibig sa panitikan ay gagamitin ang pagsusuri ng kritikong si Soledad Reyes at ng manunulat na si Joi Barrios. Sa papel na ito, gagamitin ang tatlong akda: ang mga nobelang Playing

Ang Ating Relationship Status - Pagsusuri Sa Mga Kuwentong Young Adult

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang pananaliksik na ito ay tatalakay sa mga paniniwala at pagtingin ng mga Filipina na young adult ukol sa pag-ibig, sa pakikipagrelasyon sa ibang tao, at ang impluwensya ng kultura at mga tao sa kanilang paligid ukol dito, at sa aplikasyon nito sa mga akdang young adult sa Pilipinas. Titingnan din ang mga limitasyon ng mga paniniwalang itosa konteksto ng mga akda. Gagamit din ng mga local na pagsusuring sikolohikal upang malaman ang kaugnayan ng media sa mga nosyon ng pag-ibig ng mga kabataang Filipina. Gagamitin din ang close reading analysis ni Gabriela Lee, isang lokal na manunulat ng panitikang pambata.Para sa pagsusuri ng pag-ibig sa panitikan ay gagamitin ang pagsusuri ng kritikong si Soledad Reyes at ng manunulat na si Joi Barrios. Sa papel na ito, gagamitin ang tatlong akda: ang mga nobelang Playing It Safe (2005) ni Gerry Los Baños at Una & Miguel (2012) ni Lilledeshan Bose, at Sola Musica (2014), isang koleksyon ng apat na kuwento nina Ines Bautista-Yao, Mina V. Esguerra, Chinggay Labrador at Marla Miniano. Keywords: young adult, relationships, love,media, Filipina, courtship

Citation preview

Ann Violeta G. Bilbao2010-46193Pan Pil 165Term PaperAng Ating Relationship Status: Pagsusuri sa mga Kuwento ng Pag-ibig ng mga Filipina na Young AdultLAYUNINAng pananaliksik na ito ay tatalakay sa mga paniniwala at pagtingin ng mga Filipina na young adult ukol sa pag-ibig, sa pakikipagrelasyon sa ibang tao, at ang impluwensya ng kultura at mga tao sa kanilang paligid ukol dito, at sa aplikasyon nito sa mga akdang young adult sa Pilipinas. Titingnan din ang mga limitasyon ng mga paniniwalang itosa konteksto ng mga akda. Gagamit din ng mga local na pagsusuring sikolohikal upang malaman ang kaugnayan ng media sa mga nosyon ng pag-ibig ng mga kabataang Filipina. Gagamitin din ang close reading analysis ni Gabriela Lee, isang lokal na manunulat ng panitikang pambata.Para sa pagsusuri ng pag-ibig sa panitikan ay gagamitin ang pagsusuri ng kritikong si Soledad Reyes at ng manunulat na si Joi Barrios. Sa papel na ito, gagamitin ang tatlong akda: ang mga nobelang Playing It Safe (2005) ni Gerry Los Baos at Una & Miguel (2012) ni Lilledeshan Bose, at Sola Musica (2014), isang koleksyon ng apat na kuwento nina Ines Bautista-Yao, Mina V. Esguerra, Chinggay Labrador at Marla Miniano.

Keywords: young adult, relationships, love,media, Filipina, courtship

Introduksyon

Isang tema na madalas na makikita sa panitikang young adult ay ang pag-ibig at sekswalidad, o ang pakikipagrelasyon ng mga kabataan sa opposite sexo kung minsan sa parehong kasarian, depende sa nobela (Lee). Maaring pag-ibig ang isa sa mga central element ng kuwento, halimbawa na lang sa popular na Twilight series ni Stephenie Meyer o kaya namay ng Stargirl ni Jerry Spinelli. Pwede din itong kasama sa mga key elements, kahit na hindi nakatuon dito ang mismong kuwento, gaya na lang ng Hunger Games series ni Suzanne Collins.Makikita na ang positibong pakikipagrelasyon ay isang importanteng bahagi ng buhay ng mga kabataan, lalo na sa Pilipinas, kung saan nagsisimula ang pakikipagrelasyon ng mga kabataan sa edad na 15, kung saan mas maaga ang mga lalaki kaysa sa mga babae, ayon sa isang pag-aaral ng Journal of Adolescent Research (Raymundo, et al, qtd. in Serquina-Ramiro). Makikita din na sa pakikipagrelasyon dito sa Pilipinas, ang tradisyon ay inaasahan na ang binata ang magiging aktibo, na siya ang manliligaw sa dalaga na kanyang napupusuan (Alegre, Serquina-Ramiro). Ang dalagaay inaasahang magiging mahinhin sa binata, at siya dapat ay nag-aantay lamang sa binate, at siya ang bahalang tumanggap, o tumanggi, sa atensyon na ibinibigay sa kanya (Alegre, Serquina-Ramiro). Makikita na ang mga tradisyong ito ay nailarawan sa panitikang Pilipino simula pa nang panahon ng mga Espanyol, lalo na ang tradisyon ng pagiging mahinhin ng mga dalaga, na naipakita sa Urbana at Felizaat sa mga popular na nobelang Tagalog noong 1900s (Reyes 208, 211). Ang mga pagsisimula at inaasahan naman ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga, ay mayroon ding pinanggalingan sa tradisyon. Hindi maitatanggi na madalas ang mga relasyon, lalo na sa mga kabataan, ay nagsisimula sa tuksuhan, lalo na din nahahalo dito ang konsepto ng pagiging mahiyain ng isang lalaki, o pagiging torpe, o kung minsan naman ay may mga tumutulong na tulay sa panliligaw (Alegre).Inaasahan din sa pakikipagrelasyon ng mga kabataan na aprubado ito ng kanilang mga magulang at kaibigan (Alegre). Bagkus, mahalaga ang pagpayag ng parehong ito, dahil ang pamilya ang nagsisilbing institusyon ng harmony sa lipunan, at ang pag-ibig na hindi aprubado ay nakakasira sa harmony na ito (Reyes 210, 211). Ang mga kapitbahay, kamag-anak, at kaibigan naman ang siyang nagsisilbing tagahusga, at ang lipunang pinalilibutan ng dalawang nag-iibigan ang siyang nagbibigay ng batas na hindi nila dapat sirain, o kung hindi ay sila ay mapapurasahan, o kaya namay itinatakwil sa lipunan (211).Ngunit, sa pagpasok ng ibat ibang klase ng media sa bansa (Internet, telebisyon, pop culture, atbp.), ay nagkakaroon na pagkakaiba sa tradisyong ito. Hindi lamang iyon, ang media ay nagbibigay din ng mga bagong ideya ukol sa pag-ibig, lalo na sa mga kabataan(Banaag, et. al., Serquina-Ramiro). Dahil din dito, ang mga inaasahan din ng mga kabataan, lalo nang mga kabataang babae, sa pakikipagrelasyon ay kung minsan ay nagiging idealized, na kung saan ay dapat ang relasyon nila ay kagaya na ng kanilang nababasa sa mga romance novel o nakikita sa pelikula (Banaag, et. al., Serquina-Ramiro). Ang mga ekpektasyong ito na nababasa o napapanood ay ginawan ni Joi Barrios ng isang listahan1:

a. mayamang lalaki-mahirap na babaeb. mahirap na lalaki-mayamang babaec. kontrabidang magulangd. babaeng mapang-agaw sa pag-ibige. sakuna, lindol, aksidente, atbp.g. paghihiwalay (dulot sa ibat ibang dahilan)h. pagbabalik, paghihiganti, pagkakatuluyang muli,i. baryasyon ng mga nabanggit na

(Chapter Eight: O Kung Paano Gumawa ng Romance Novel Barrios, 293)

Upang maipakita ang aplikasyon, paglalarawan at pag-iiba mula sa mga konseptong nabanggit, gagamitin sa papel na ito ang dalawang nobelang young adult: ang Una & Miguel(2012) mula sa batikang manunulat na si Lilledeshan Bose, at ang Playing Safe (2005) mula sa manunulat at guro na si G.T. Los Baos. Gagamitin din sa pagsusuri ang Sola Musica: Love Notes from a Festival(2014), isang koleksyon ng mga kuwentong pag-ibig mula kina Ines Bautista-Yao, Mina V. Esguerra, Chinggay Labrador at Marla Miniano, apat na awtor na kilala sa pagsusulat sa chick lit at New Adult literature dito sa Pilipinas.

__________1ang listahan na ito ay makikita sa akda ni Barrios na Ang Aking Prince Charming at Iba pang Noveleta ng Pag-ibig (UP Press, 1991).Ibinuod ito sa papel, dahil din ang mga nabanggit sa listahan ay magpapakita sa ibat ibang baryasyon sa mga YA na akda na gagamin sa papel.

Pagsusurisa mga Akda

Nakatuon ang nobelang Una & Miguelsa pag-ibigng dalawang titular character, ngunit sa sa blurb pa lang ng libro, makikita na ang isa sa mga elemento na nabanggit sa listahan ni Barrios, ang mayamang-lalaki-mahirap-na-babae o ang isang baryasyon nito. Hindi mahirap si Una, bagkus, pareho silang nakatira ni Miguel sa St. Theresas Village, na inilarawan ng libro bilang isang exclusive village sa Metro Manila.Ngunit si Una ay isang underdog, isang dalagang iniiwasan at ginawang outcast ng mga kapwa niya kabataan dahil sa kanyang pagiging kakaiba. Nailarawan ang pagiging iba ni Una sa sa kanyang mga kapitbahay.Masasabing hindi tradisyonal na dalaga, imbes na magpaganda at makinig sa uso, siya ay nagpapatugtog ng harmonica, isang film enthusiast, at ang mga kaibigan niya ay itinatakwil dahil sa pagiging weirdo at homosekswal. Ayaw din ni Una na tumulad sa mga kabataang ka-edad niya na itinuturing niya tupa [sheep] na sunod-sunuran lang sa iniisip ng ibang tao [(who) follow what everybody thinks] (Bose 8). Inaasahan din ni Una na hindi lahat ng kanyang ka-edad ay kapareho niya ng paniniwala at hilig sa buhay, at itoy tanggap niya nang buo. Makikita din sa buong libro na tanggap ni Una ang kanyang pagiging iba, at wala siyang balak tumulad o maging normal dahil ayon sa kanya ito ay nakakatakot at di tapat [But that is scary and dishonest] (82). Makikita din ang kanyang pagkakaiba sa ibang mga dalaga noong siya ay naghiganti kay Miguel sa pamamagitan ng pagtangkang pagsira ng kanyang Vespa, ngunit siya ay nagkamali at nakasira siya ng sasakyan ng iba.

Ngunit ang nosyon ni Una sa pag-ibig ay hindi lamang nahubog ng kanyang pagkakaiba sa kanyang age group, nahubog din ito ng mga pelikulang kanyang pinapanood, kung saan nabanggit sa libro ang pagkahilig niya sa lalaking katulad ng artistang si Chris Hemsworth, o kaya naman ang paglalarawan niya sa una nilang pagkikita ni Miguel:I watch movies. I know what Im waiting for A look, a sigh, and a Gershwin in the backgroundThe moment stops, theres a momentous turn. The guy kneeling over my inert body was tisoy; he had sparkly hazel eyes, thick eyelashes, and hair that flopped over his forehead. He seemed tall, even though he was kneeling. Not scrawny. He was like a TV person He was beautiful. (Bose 9, 10).

Dahil sa sinabi ni Miguel na mag-usap sila ni Una sa text, inaasahan ni Una na si Miguel ang gagawa ng first move(Bose 21, 23). Makikita dito na si Una, kahit sa kanyang pagiging kakaiba, ay ginagawa din ang tradisyon ng paghihintay sa atensyon ng lalaking napupusuan, at may pagtingin din sa kanya. Makikita din ang pagiging pasibo at ang pag-aantay niya ng mga senyales ng pagtingin mula kay Miguel sa kanilang mga interaksyon. Noong pareho silang pinagtrabaho upang mabayaran ang nasira ni Una na Vespa, nakikita na ni Una na may pagtingin sila sa isat isa, ngunit inaanatay niya lang si Miguel na gumawa ng kilos, hanggang sa kanilang first kiss, na pinasimulan din ni Miguel. Naghihintay din si Una na aminin ni Miguel sa buong mundo ang kanilang relasyon, ngunit ang paghihintay na ito ay nauwi sa wala noong sinabi ni Miguel na magkaibigan lang sila ni Una [Were friends, right?] (53).Makikita din ang pagiging pasibo ni Una sa bandang dulo ng nobela.Ang naging bahagi ni Una ay parang sa isang stereotype ng pakikipagrelasyon, kung saan siya ay naging Object of pursuit ni Miguel, habang si Miguel ang aktibong tagakilos upang makuha ulit ang kanyang pagtingin(Lee). Hindi man lamang nabigyan ng pagkakatong kumilos si Una upang magkaroon ng solusyon ang problema ng pagtanggap ng kanilang potensyal bilang isang romantic couple, at naging tagahintay at taga-obserba lamang siya kung tatanggapin niya ba si Miguel o hindi.Makikita din ang isa sa mga elementong nailista ni Barrios, ang mga kontrabidang magulang o, sa kaso ni Una, ang mga kontrabidang lipunan sa anyo ng mga kaibigan ni Miguel, na pinapatigil siyang makihalubilo kay Una dahil sa pagiging iba nito sa kanila. Si Una din ay pinayuhan ng kanyang mga kaibigan na hindi bagay si Miguel sa kanya, isang payong sa una ay hindi niya pinakinggan ngunit napagtantong mabuting payo para sa kanya noong pagkatapos ng pagsasabi ni Miguel na sila ay magkaibigan lang at noong sinabi ni Miguel na ilihim na lang ang relasyon nila sa publiko.Ganito rin ang makikita sa Playing It Safe ni G.T. Los Baos, kung saan makikita ang relasyon ng sports enthusiast na si Jonathan Jon Garcia, kay Sheila Prado, isang kapwa niyang mahilig sa sports, at miyembro ng swimmingvarsity teamsa kanilang unibersidad. Si Sheila ay masasabi ring isang babaeng kakaiba gaya ni Una:isa siyang sports at fitness enthusiast.Ang pinakaunang pagkikita nila sa nobela ay masasabing hindi kombensyonal; nasaktan ni Jon si Sheila sa paglalaban nila sa isang softball tournament(Los Baos 18). Umusbong lalo ang interes nila sa isat isa pagkatapos ng kanilang jogging sa kanilang campus(46, 51). Ang insidenteng ito din ang nagsimula sa tuksuhan ng kanilang mga kaibigan sa kanilang dalawa:So I heard you and Sheila made up, Maya said.Huh? was all I could say.Mayas smile grew even wider, Sheila told me you guys jogged togetheryesterday.Oh, that, I mumbled, I didnt know shed be there.Well, Maya said, Its nice to see you two are getting along.You two are running again this afternoon right?I dont know. Maybe.Dont stand her up Jon!, Ed piped up You dont want to break the poor girls heart.Shut up, Ed, Maya snapped. But youd better go Jon, I think Sheilas expecting you to be there.(Los Baos 61)

Sa kanilang pakikipag-usap sa isat isa ay naging magkaibigan silang dalawa, at makikita din ang aktibong pagsama ni Sheila sa jogging, at ang kanyang pagsama kay Jon sa mga breakfast date, at ang patuloy na panunukso sa kanilang dalawa ng kanilang mga orgmatesat iba pang kakilala. Makikita din ang aktibong pakikihalubilo ng isang tulay sa kanilang relasyon: si Maya, na parehong kaibigan ni Sheila at Jon, ay hindi lamang nagbibigay ng payo at ng opinion ni Sheila kay Jon (101), kundi tumutulong din siyasa panliligaw ni Jon kay Sheila (102). Ngunit makikita sa nobela ang isang problema, na sa una pa lang, limitado na ang pagtingin ng mambabasa kay Sheila, sa dahilang ang point of view ng nobela ay nanggagaling kay Jon. Dahil dito, bumalik na naman ang babae bilang isang pasibong karakter: si Sheila ay naging object of pursuit samantalang si Jon ay ang aktibong manliligaw. Isa pa, hindi niya itinuturing ni Jon na mayroon silang official na relasyon ni Sheila, na hindi pa seryosong relasyon [exclusive relationship] (Los Baos 108, 109).Makikita din sa libro, kahit si Jon ang masasabing pursuer, si Sheila pa din ang mas aktibo sa kanilang mga interaksyon; siya madalas ang nag-aaya sa kanilang mga date, ngunit kahit sa ganitong pagkakataon, inaantay niya lang din si Jon na sabihin ang pagiging officialng kanilang relasyon. Sinabi nga din ng isa nilang kaibigan na si Ed na si Sheila daw ang naghabol kay Jon [From what I heard Sheila was the one who went after him, not the other way around!] (Los Baos 137). Hindi lang iyon, malalaman din ni Jon mula kay Maya na hinihintay lang pala ni Sheila na ligawan siya ng seryoso ni Jon sa tradisyonal na paraan, yung may mga bulaklak at tsokolate (146-147) kahit na mukhang masaya sila sa una sa kanilang relasyon (140,141). Nagkakaroon naman ng deviation ang unang kuwento sa koleksyong Sola Musica, ang Spectators ni Chinggay Labrador. Dito, masasabing limitado ang tingin sa dalawang babaeng focal character, si Gaia at Ingrid, dahil ginamit ang perspektibo ni Jack, na siyang nakahalubilo sa kanila, ang una bilang object of pursuit ni Jack, ang ikalawa ay bilang kanyang temporary datepara sa Sola Musica, isang music festival na kinatatampukan ng mga music enthusiasts, artista, at ng ibat ibang banda at mang-aawit. Kakaibang karakter si Gaia, dahil sa para siyang aktibong karakter: isa siyang kompositor, maganda, artistahin, mahiyain ngunit talentado, ayon kay Jack (Labrador). Ngunit sa kuwento, para siyang inilagay sa pedestal ni Jack dahil na kahit interesado si Jack sa kanya, siya ay mayroon nang isang banyagang kasintahan, si Bastiaan, at kahit anong maliliit ngunit makabuluhan nilang interaksyon ni Jack, ay hindi niya talaga napapansin ang pagtingin nito sa kanya. Maaring isa siyang aktibong karkter sa kanyang kasintahan, na kanya pang inalayan ng kanta sa kanilang concert, ngunit para kay Jack ay isa siyang hindi makuhang bagay, kahit siya ay itinuturing na espesyal [The One] (Labrador). Si Ingrid, na masasabi nating dapat na pasibong karakter, ay mas lumitaw na aktibo kaysa kay Gaia. Siya mismo ay nakakaalam na isa lamang siya sa maraming babae sa Sola Musica:

There were a million and a half Ingrids in every festival. They were these funk-loving, barefoot-walking, flower crown-wearing, pot-smoking, concert-going girlsposing for their fashion blogs, waving their arms up in the air, half-stoned half the time (Labrador).

Ngunit imbes na magmukmok ukol dito, ay tinanggap niya ito, at nilapitan niya si Jack upang makipagkuwentuhan at makipaginuman na din.Inaashan niya na sa kanyang date kasama si Jack ay isang pansamantalang kasiyahan, habang nagpapalitan sila ng kanilang mga nalalaman ukol sa pagiging di-espesyal sa mga taong kanilang napupusuan [(They) knew what it was like to be one of the many and never The One] (Labrador).Sa Georgia: Lost and Found ni Mina Esguerra, makikita na naman ang isa na naming deviation sa tradisyon, kung saan si Georgia ang siyang humahabol kay Ken, na nagkagusto sa kanya hanggang malaman nito na naging girlfriend na pala siya ng isang celebrity. Noong nalaman ni Georgia na ginagamit lang pala siya ng celebrity na iyon, napagtanto niya na talagang gusto niya sa Ken at pinipilit niyang makipag-usap dito. Tinangka niya ding maghingi ng tawad, at paulit-ulit siyang naging aktibo sa pakikiusap kay Ken upang pagbigyan siyang muli. Makikita din ang pagiging aktibong karakter ni Georgia sa kanyang sitwasyon, na kung saan ang tawag niya sa sarili niya ay Average Georgia (Esguerra), ngunit tanggap niya ang pagiging average at ang kanyang sarili. Masasabi lang ang hindi niya matanggap ay ang desisyon ni Ken na huwag sila mag-usap ukol sa kanilang sitwasyon, na siyang pinipilit buwagin ni Georgia gamit ang kanyang paulit-ulit na pag-text kay Ken sa kanilang trabaho sa Sola Musica. Makikita din na hindi siya nahihiya sa kanyang pagtingin kay Ken, bagkus, nanghingi pa siya ng payo sa isang kakilala kung paano masisira ang kanilang sitwasyon. Makikita din ang tahasang pagtulong ng mga kaibigan ni Georgia sa pag-usad ng kanilang relasyon sa isat isa sa pamamagitan ng texting:We grilled Ken for youHe had this lame excuse about not wanting to risk the friendship but dont worry, we called him on it. Whether you like him back or not, thats just the sorriest excuse to be an ass. We called him a coward for you, and maybe its for the best that youre not together. Because he thinks youre awesome, and awesome people dont deserve cowards. (Esguerra)

Sa dulo ng kuwento, makikita na si Ken ay isa ring aktibong karakter, dahil pinilit niya ding kausapin si Georgia ukol sa kanilang relasyon sa isat isa, na hindi niya kailanman tiningnan si Georgia bilang ordinaryong tao, at masasabi din sa dulo na dahil sa mga pangyayari ay naging torpe ang dalawa sa isat isa, ngunit si Georgia ang gumawa ng huling galaw at inihandang sumugal sa kanilang relasyon bilang bukod sa paggiging magkaibigan.Ang ikatlong kwento sa Sola Musica, A Captured Dream ni Ines Bautista-Yao, ay masasabi ding tungkol sa pag-ibig, ngunit patungkol ito sa ideya ng first love at ng pag-ibig, hindi sa opposite sex, kung hindi sa sarili. Si Gem, na isang magaling na kompositor, ay hindi na makagawa ulit ng kanta dahil sa ninakaw ng kanyang unang pag-ibig, si Anthony, ang kanyang galing sa paggawa ng musika. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, nabawi niya ang kanyang talento. Nalaman niya na sa dulo, kahit hindi niya pala ito mabawi mula kay Anthony, ay nasa kanya pa rin pala ang kakayahang gumawa ng musika, at sa proseso ay natutunan niyang tanggapin ang kanyang kakayahan.Ang ikaapat na kuwento, Break ni Marla Mariano, ay patungkol kung paano ang mga ginawa ng isang pamilya ukol sa pag-ibig ay nakaapekto sa pananaw ng isang dalaga ukol din sa pag-ibig. Si Natalie ay nakipagrelasyon sa isang delinkwenteng nagngangalang Trey, na dahil na din sa pagrerebelyon. Maraming nangyari sa buhay ni Natalie: ang tatay niya ay nagpakamatay pagkatapos mamatay ng kanyang ina dahil sa sakit, at sabi ng kanyang lola ay dahil ito sa hindi kaya ng kanyang ama na mabuhay nang wala ang kanyang ina [Grams never told me how my father died, exactly, but she told me whybecause he couldnt possibly live without my motherwhich was something I already knew] (Mariano). Nahihirapan din siyang tanggapin ang relasyon ng kanyang lola kay Vito, na isang mabait na lalaki na inampon na siya pati ang kanyang kapatid na si Colin. Naiinis din si Natalie na hindi matanggap ng kanyang pamilya ang kanyang relasyon kay Trey, ngunit taliwas sa pagkaayaw nila kay Trey ay tanggap pa din ng kanyang lola at ni Vito si Natalie. Si Natalie ang kusang nagbibigay ng alienationsa kanyang pamilya, hindi lang dahil sa pagkagulo niya sa sitwasyon, kundi dahil na din hindi niya matanggap ang pagtanggap sa kanya nila Vito. Nararamdaman niya lang ang pagtanggap sa kanya mula kay Trey:I never really thought of myself as a cool girl before I met him, but somehow he saw something in me that I probably missed for the first sixteen years of my life. This is thrilling news to me, that I can be somebody else apart from a student and Gramss granddaughter and Colins sister and an orphan. Trey makes me feel like I dont know who I am anymore. I like that. (Mariano).

Ngunit unti-unti nang napansin ni Natalie ang mga pagkakamali ni Trey at ang kawalang-pakialam nito sa kanya. Makikita din sa kanilang relasyon na si Natalie na ang nagiging pursuer at si Trey ang object of pursuit, kung saan pinipilit na lang ni Natalie na masiyahan sa mga party nila ni Trey, na makisama sa mga kaibigan ni Trey habang siya ay binabagabag ng kanyang konsensya sa kanyang tahasang pagtakwil sa kanyang pamilya.Dito kahit na si Natalie ang aktibong karakter, makikita ang kanyang pagkapagod sa sitwasyon at sa kanyang pagkukulong sa sarili, mula sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Ngunit ang pagiging aktibo ni Natalie ay bumalik sa dulo, kung saan nawala ang mahalagang kuwintas na bigay ng kanyang ina ay nawala (Mariano). Sa pagkawala nito ay nakita niya na hindi siya kayang tulungan ni Trey sa kanyang mga problema, at ang pagiging makasarili niya. Dito niya din napagtanto, na sa kusa niyang paglayo kay Trey at sa pagbalik niya sa kanyang pamilya, ay nalaman niya na kahit sa kanyang mga pagkakamali ay siya pa din ay matatanggap at makakakuha ng pag-ibig mula sa kanila.

KonklusyonNabanggit ni Joi Barrios sa kanyang sanaysay na Pagsusuri sa Pagkabighani sa mga Nobela ng Pag-ibig2 ang limang puntona ginagamit sa pagsusuri ng mga babae sa isang kuwento/nobela ng pag-ibig: kung nasaan ba ang babae sa nobela, kung kaninong espasyo nagaganap ang kuwento, ang anyo ng babae sa nobela, ang kanyang pagsasalita, at kung paano nakikipag-ugnayan ang babae sa mga lalaki at sa kapwa babae (279). Gagamitin ang mga puntong ito upang iugnay ang mga akdang nabanggit sa mga pagsusuri na nabanggit sa papel na ito.Makikita ang mga kahinaan sa mga akda, dahil sa pagsagot sa unang punto na inilapat ni Barrios. Ang posisyon ng mga kabataang babae sa mga akdang ginamit sa libro ay sa isang setting na pamilyar sa mga nagbabasa ng mga young adult na akda: ang pagiging mayaman o middle-class, na kung saan ay siyang lumilimita sa karanasan ng mga kabataang ito, at hindi din nabanggit kung ano ba ang kanilang magiging karanasan ukol sa iba pang social issues na maaaring kaakibat ng pag-ibig, katulad na lang ng kahirapan at ang kinalaman nito sa pag-ibig o panliligaw.Ang mga tagpuan, o espasyo, na matatagpuan sa mga akda ay siya ding lumilimita sa pagpapakita sa kanilang perspektibo, kahit na masasabi nating varied ang mga tagpuan: ang St. Theresas Village sa Una & Miguel, ang unibersidad sa Playing It Safe, at ang music festival na Sola Musica sa Batangas sa Sola Musica. _______________2 Matatagpuan ang sanaysay na ito sa akda ni Barrios na Ang Aking Prince Charming at Iba pang Noveleta ng Pag-ibig (UP Press, 1991).

Masasabi pa din na ang posisyon ng mga kabataang babae sa mga nabanggit na akda ay nakaapekto sa kanilang mga nosyon ng pag-ibig, dahil na din na sila ay napapalibutan ng mga tradisyon at kilos na maaring aprubahan o hindi ng kanilang lipunan: ang kanilang mga pamilya, kaibigan, pati na din ang mga kapitbahay, guro, at mga kasamahan sa trabaho/organisasyon,tumutulong man sila sa paghabol ng mga babaeng karakter sa kanilang pag-ibig (e.g. Maya sa Playing It Safe) o hindi (e.g. ang lola ni Natalie sa Break). Makikita din ang impluwensya ng media sa mga nabanggit, sa kanilang paggamit ng media bilang kasangkapan ng komunikasyon (e.g. Sola Musica), o ang pagka-apekto nito sa mga nosyon nila ng pag-ibig (e.g. Una & Miguel).Ang anyo naman ng mga tauhang babae na pinagtuunan ng atensyon sa papel ay masasabing naiiba sa isat isa, ngunit namumutawi ang pagiging pasibo ng karamihan sa mga tauhan. Ipinapakita din ng anyong ito ang kanilang pakikitungo sa mga lalaki, na maaring kaibigan nila o kanilang napupusuan. Halimbawa na lang ng pagsunod ni Una sa pagdikta ni Miguel sa kanilang relasyon, o ang paghihintay ni Sheila sa panliligaw ni Jon. Nagpakita naman ng passive-aggressivena katauhan sina Ingrid, Gaia, at Natalie. Ang masasabing pinaka-aktibo na mga tauhan sa mga akda ay sina Gem at si Georgia, at isang magandang maidagdag sa mga young adult na nobela ukol sa pag-ibig ay ang mga babae na katulad nila, na kahit hindi perpekto, ay alam ang kanilang pagmamahal, at handing panindigan ito at hindi maghintay lamang.Masasabi din na limitasyon ang pagiging Ingles ng lahat ng akda, kung saan na nakakaapekto din ang pagiging middle-class sa pananalita ng mga tauhan sa mga akda. Magandang wika ang Ingles, at nakakatulong din ito sareadership ng mga akda, ngunit ito din ay naglilimita sa iba pang mangbabasa na maaring hindi sanay magbasa ng Ingles. Maganda na sa hinaharap ay magkaroon ng mga ganitong akda ng pag-ibig na nakasulat sa Filipino, o sa mga rehiyonal na wika, para hindi lamang maipakita ang iba pang kultura ng pag-ibig at panliligaw sa ibat ibang parte ng Pilipinas. Hindi lamang iyon, maganda din na mga social language na makikita sa mga mahihirap at marginalized na sector ng Pilipinas ay maipakita, hindi lamang dahil sa pagpapalawak nito ng perspektibong young adult, kundi dahil din sa realistikong pakikihalubilo ng mga kabataang Pilipino sa mga social language at setting na ito (e.g. gay lingo o ang bastos na pananalita ng mga mahihirap).Masasabi nakahit sa mga kahinaang nabanggit, lahat ng mga akda ay nagpapakita ng mga realistikong karanasan ng mga Filipina na young adult. Ipinapakita din sa mga akda na ang mga relasyon ng mga kabataan sa mga akdang ginamit ay nanghihingi din ng pagsang-ayon mula sa lipunan, at siya ding naaapektuhan ng pagsang-ayon o ng pagtanggi ng lipunan. Maipapayo din na ipagpatuloy pa ang pagaaral sa mga nobelang ito at ang patuloy na pagusbong nga mga akdang tumatalakay dito.

Works CitedAlegre, Edilberto. Love, Courtship in Filipino Culture. TAGALOG: Interactive Language and Filipino Culture Resource. Northern Illinois Universityand the Center for Southeast Asian Studies, n.d. Web. 2 April 2015.Banaag, Myrien Eulah, et al. The Influence of Media on Young Peoples Attitudes towards their Love and Beliefs on Romantic and Realistic Relationships. International Journal of Academic Research in Psychology 1.2 (2014): 10. Web. 6 May 2015.Barrios, Joi.Ang Aking Prince Charming at Iba pang Noveleta ng Pag-ibig. Quezon City: University of the Philippines Press, 2001. Print.Bose, Lilideshan. Una & Miguel. Quezon City: Adarna House, Inc., 2012. Print.Cruz, Grace T., et al. Family Influences in the Lifestyle of the Filipino Youth. East-West Center Working Population Series 108-8, (2001): 28. Web. 6 May 2015.Esguerra, Mina V., et al. Sola Musica: Love Notes from a Festival. Smashwords, 2014. Epub file.Los Baos, G. T. Playing It Safe. Manila: Cacho Publishing House, Inc., 2007. Print.Lee, Gabriela. A Balancing Act: Negotiating Relationships in Two Contemporary Young Adult Novels from the Philippines. Perspectives in the Arts and Humanities Asia 4.2 (2014).Web. 6 May 2015. Reyes, Soledad. The Romance Mode in Philippine Popular Literature and Other Essays. Manila: De La Salle University Press, 1991. Print.Sabido, Tarie. Playing It Safe by G.T. Los Baos: A Filipino YA novel in English.Into the Wardrobe. Blogspot, 12 Aug. 2009. Web. 22 April 2015.Serquina-Ramiro, Laurie. Physical Intimacy and Sexual Coercion Among Adolescent Intimate Partners in the Philippines. Journal of Adolescent Research, 20-4 (2005). 21. Web. 22 April 2015.