16
Pagsusuri Ng Pelikula NOY Ipinasa ni: John Cedrick P. Bugarin IT102

Pagsusuri - Noy

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri - Noy

PagsusuriNg

Pelikula

NOY

Ipinasa ni:

John Cedrick P. BugarinIT102

Ipinasa kay:

Gng. Elena CastañedaGuro sa Filipino 1

Page 2: Pagsusuri - Noy
Page 3: Pagsusuri - Noy

I.Mga Nagsiganap

Pangunahing Tauhan

Coco Martin – Manolo Noy Agapito, isang pekeng mamamahayag na ginagawa ang

lahat upang mabuhay ang pamilya.

Erich Gonzales – Divine, kasintahan ni Noy ngunit nais ipakasal ng pamilya sa ibang

lalaki.

Joem Bascon – Bong, nakatatandang kapatid ni Noy. Siya ay lumpo at ginawa kahit

illegal upang makatulong sa pamilya.

Cheska Billiones – Tata, bunsong kapatid na babae ni Noy. Masipag siya mag-aral

ngunit sa di innaasahang pangyayari ay nabulag.

Cherry Pie Picache – Letty, ina ni Noy na naulila sa asawa. Siya ay isang manikurista

upang buhayin ang pamilya.

Vice Ganda – Jane, Head ng pinapasukang News Station ni Noy.

Baron Geisler – Caloy, Editor ng mga ginagawang footage at balita ni Noy.

Iba Pang mga Tauhan

Jhong Hilario – Adik 1

Ketchup Eusebio –

Harold

Janus Del Prado – Boy

Pen Medina – Mang Nick

Ping Medina – Binatang

Bangkero

Tess Antonio – Teacher

Kristoffer King – Adik 2

Neil Ryan Sese – Pulis

Monroe White – Ray

Page 4: Pagsusuri - Noy

Linda Gonzales – Tindera

Maricor Canlas – Doctor

Journalie Payonan –

Cameraman

Bong Mendoza – Security

Guard

Direktor

Dondon Santos (March 25, 1980) ay isang Pilipinong direktor. Siya ay

nakapagdirek o nakagawa na ng iba’t-ibang tv series at pelikula simula 2006.

Siya ay nakatanggap ng paggawad bilang Pinakamagaling na Direktor sa

kanyang pelikulang Noy sa nakaraang Film Academy of the Philippines

(FAP) Award. Ang nasabing pelikula na Noy ay nanalo naman ng

Pinakamagaling na Direksyon sa nakaraang Gawad Urian Awards.

Ilan sa kanyang mga ginawang pelikula / palabas ay:

Page 5: Pagsusuri - Noy

Green Rose (2011)

Buhawi Jack (2011)

Pepeng Agimat (2009 –

2011)

Dalaw (2010)

Kung Tayo’y

Magkakalayo (2010)

Komiks Presents (2006 –

2010)

*Si Rodel Nancianceno o mas kilalang Coco Martin ay naging direktor rin ng pelikulang ito. Ito ay yung mga bahagi o mga senaryo na kanyang nakuha sa panahon ng pangangampanya ni Pang. Noynoy Aquino.

II. Synopsis

Parehas sa ngalan, magkaiba sa estado ng buhay! Upang maiahon at

mabuhay ang pamilya napilitan ni Noy (Coco Martin) na pasukin ang

pagiging isang mamamahayag na simula pa lang ay pangarap na niya. Siya

ay natanggap dahil sa mga pekeng diploma at dokumento na nagpapatunay

na siya ay nakapagtapos ng isang bachelor’s degree ngunit ang totoo’y hindi

man lamang siya nakatapak ng kolehiyo.

Nagkaroon siya ng una niyang proyekto sa unang pasok niya. Ito ay

ang paggawa ng isang dokyumentaryo sa kampanya ng kanyang kapangalan

na si Top Presidential bet, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino para sa 2010

Pambansang Eleksyon.

Ipinakita sa pelikula ang tunay na footage ng dokyumentaryo kasama

ang mga senaryo na sumasalamin sa kahirapan, pamumuhay at pag-asa para

sa pamilyang Filipino.

Page 6: Pagsusuri - Noy

III. Pagsusuri ng Pelikula

Iskrip ng Pelikula

Naging masuri sina Rondel Lindayag, Francis Xavier Pasion, Shugo

Praico at Coco Martin, mga manunulat ng pelikula sa mga wikang ginamit

nila sa bawat karakter. Ang pelikula ay may iba’t – ibang paraan ng

pagsasalita para mapakita ang uri ng buhay at pag-uugali ng mga karakter..

Ito ay naaayon sa lugar o senaryo na mangyayari. Minsan ito’y impormal o

“balbal” na paraan at minsan nama’y pormal na paraan.

Sa kabuuan, ang iskrip ng pelikula ay naayon at angkop sa tema,

sitwasyon at panahon nito para maipakita ang pagiging makatotohanan ng

pelikula.

Mga Tauhan

Pangunahing Tauhan

Noy

Nanay Letty

Divine

Bong

Tata

Jane

Caloy

Iba pang mga Tauhan

Adik 1

Adik 2

Harold

Page 7: Pagsusuri - Noy

Boy

Mang Nick

Binatang Bangkero

Teacher

Pulis

Ray

Tindera

Doctor

Cameraman

Mga Sikat na Tauhan

Pang. Noynoy Aquino

Kris Aquino

James Yap

Boy Abunda

Ai-Ai Delas Alas

Ogie Alcasid

Dingdong Dantes

Marian Rivera

Mar Roxas

Baby James (Son of Kris)

Joshua (Son of Kris)

Paglalarawan

Nagsimula ang pelikula sa mga eksena nung namatay at inilibing

ang Dating Pangulong Corazon Aquino at kaalinsunod nito pagpapahayag ni

Dating Senador at ngayo’y Pangulong Noynoy Aquino na siya’y

kakandidato sa pagkapangulo ng ating bansa. Ipinakita dito ang mga

nangyari o dokyumentaryo ng mga paghahandang ginawa ni Pang. Aquino

noong siya’y nangangampanya pa lamang. Sinabi pa lamang sa unang

bahagi ng pelikula na ang lahat ng ating mapapanuod ay totoo maliban na

Page 8: Pagsusuri - Noy

lamang sa bidang si Noy. Kung gayo’y nakita natin ang buhay ng bawat

pamilyang Pilipino

Ang pelikulang Noy na pinagbidahan ni Coco Martin bilang isang

batang mamamahayag na nagngangalang Noy. Siya ay nakatira sa isang

mahirap at lubog sa baha na lugar dulot ng nakalipas na bagyong Ondoy, na

kung saan kahirapan ng tunay na buhay ang naipapakita. Ang karakter ni

Noy ay masasabing katauhan ng isang mahirap na tao na nangangarap

maingat ang estado ng kanilang buhay.

Hindi man totoong mamamahayag, ang pagsubaybay ni Noy kay

Noynoy Aquino ay isang trabahong papaunlad. Nagsimula niyang ipakita

ung mga eksenang karaniwang nakikita sa likod ng kamera. Si Noynoy

Aquino ay ipinakilala bilang isang taong sikat dahil sa kanyang mga

magulang. Sa pagpapatuloy ng pelikula, unti-unting naintindihan at nakilala

ni Noy ang tunay na ugali at personalidad ni Noynoy Aquino at napagtanto

niya ang tunay na kulay ng kanyang buhay.

Setting ng Pelikula

Ang pelikula ay naganap sa isang mahirap na lugar malapit sa riles

ng tren. Ang lugar nila’y binaha dulot ng bagyong Ondoy at magmula noo’y

Page 9: Pagsusuri - Noy

hindi na nawala ang tubig at mistulang naging isang isla ang bawat tahanan.

Ipinakita sa kanilang lugar ang buhay mayroon ang mga pamilyang nakatira

sa lugar na mahirap tirahan. Naganap ang pelikula sa panahon ng kampanya

ng mga kandidato para sa 2010 Pambansang Eleksyon. Dahil sa

pagsubaybay at paggawa ni Noy ng dokyumentaryo para kay Noynoy

Aquino, naipakita rin ang ilan sa mga lugar na pinagkampanyahan nito at

pati na rin ang mga presinto kung saan boboto.

Visual / Larawan ng Pelikula

Ang pelikulang Noy ay mistulang pinaghalong normal at

independent na kaurian ng pelikula. Ang paksa ng nasabing pelikula ay pang

indie fil ngunit ang paraan ng paggawa ng pelikula lalo na ang pagkuha ng

mga eksena ay pang normal na pelikula. Ang mga eksena gamit ang kamera

sa pelikula ay naglalarawan ng isang pampublikong kahulugan. Kahit na ang

pokus ay nasa karakter ni Noy, ang kanyang pakikisalamuha sa mga tao sa

kanyang paligid ay naglalarawan ng mga totoong nangyayari ngayon sa ating

bansa.

Pagganap ng mga Artista

Naging mahusay ang bawat artista sa pagganap sa mga tauhan.

Naipakita nila ang kahalagahan ng bawat karakter na kanilang

Page 10: Pagsusuri - Noy

ginagampanan, mula sa pisikal na kaanyuan gaya ng pananamit, sa kilos, sa

pananalita, sa uri ng hanapbuhay at sa estado ng buhay. Naging mahusay rin

ang bawat artista sa pagdadala ng emosyon na nais ipakita ng mga karakter.

Ang pelikula ay lubos na naging makatotohanan dahil sa epektibong

pagganap ng mga artista.

Musika

Naging masusi at masining si Carmina Cuya, Musical Director ng

Noy sa paghahanap at pamimili ng mga awitin at musikang gagamitin.

Naging mahusay ang paglalapat ng mga awitin at musika para sa bawat mga

eksena. Malungkot na awitin para sa malungkot na eksena, masayang awitin

para sa nagdiriwang na eksena at romansang awitin para sa maromansang

eksena nila Noy at Divine. Madali ring mababatid ng mga tao ang mga

nagyayari o mangyayari sa mga sound effects na kanilang naririnig. Naging

mabisa rin ang pagwawakas nito dahil sa makabayang awitin na

nagpapahiwatig ng kabayanihan ng ating bansa.

Ideya / Mensahe ng Pelikula

Ang pelikulang “Noy”, ay nagpakita ng ideya tungkol sa dalawang

magkaibang tao na may iisang mithiin sa buhay at iyon ay ang

magtagumpay. Ipinakita ang buhay ni Noynoy Aquino sa panahon ng

Page 11: Pagsusuri - Noy

kanyang pagtakbo sa pagka pangulo ng ating bansa. Unti-unting ipinakilala

na si Noynoy Aquino ay hindi lamang nakilala dahil sa kanyang mga

magulang bagkus sa kanyang mga mithiin para sa ating bansa. Sa kabila nito,

ipinakita rin ang buhay ng isa pang Noy (Coco Martin) at mga nasa paligid

niya na masasabi nating naging larawan ng mga mahihirap na Pilipino.

Ipinakita ang ideya na si Noy ay sumisimbolo sa bawat mga Pilipinong

ginagawa ang lahat maiahon lang ang pamilya sa hirap.

Ipinapahiwatig sa atin ng pelikula na ang dalawang karakter na may

magkaparehas na ngalan ay mayroong malaking pagkakaiba sa estado ng

kanilang buhay ngunit mayroon silang iisang mithiin sa buhay. Ang

dalawang karakter, magkaiba man ng layunin ay gagawin ang lahat upang

magwagi sa kani-kanilang mga buhay.

Sinasabi sa atin ng pelikula na ang bawat isa sa atin ay magiging

pangulo ng ating mga buhay. Ang bawat isa sa atin ay maaabot ang ating

mga pangarap. Magtiwala lang tayo sa ating mga sarili at ibigay lahat ng

ating kagalingan sa bawat bagay na ating papasukin. Masasabi rin na ang

Pilipino’y ginagawa ang lahat, legal man o illegal para lang maiahon ang

sarili at ang pamilya sa buhay.