68
Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan; Implikasyon sa Pagtuturo ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino Reggie O. Cruz, Ed.D. Tagapangulo Departamento ng Humanidades at Agham Panlipunan Angeles City Senior High School DEP ED -Dibisyon ng Lungsod ng Angeles

Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan; Implikasyon sa

Pagtuturo ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino

Reggie O. Cruz, Ed.D.Tagapangulo

Departamento ng Humanidades at Agham PanlipunanAngeles City Senior High School

DEP ED -Dibisyon ng Lungsod ng Angeles

Page 2: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Panimula

Gaya ng ibang panitikan sa Pilipinas ang panulaang Kapampangan ay dumaraan sa pagbabago, pag-unlad at paghina. Naging tanyag ang mga makata at pagsulat ng matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Ang mga patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang anyong pampanitikan ay dinumog ng mga manunulat. Pinaparangalan ang mga pinakamagagaling na makata na siyang nagbibigay inspirasyon sa iba pang mamamayan na tangkain ang pagsulat sa lokal na wika. (Lacson, 1984)

Page 3: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Kasunod ng pag-unlad nito ay ang paghina ng panulaan nang ang tuon ng mga mamamayan ay ang globalisasyong nagaganap sa Clark Air Base noong 1990 na nagbigay ng trabaho sa mamamayang Pampangeno. Naging suliranin pa ang pagputok ng Bulkang Pinatubo na nagpahirap nang husto sa ilang bayan ng Pampanga. Ang mga matatandang makata ay nanatili pa rin sa pagsulat ngunit ang bagong timpla ng panulaan ay hindi naging epektibo sa mga mamamayan. (Lumbera, 2001)

Page 4: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Kahit may mga ilang pagtatangkang ibangon ang panitikang Kapampangan lalo na ang panulaan, hindi parin naaakit ang mga batang manunulat na magsulat ng inang-wika, nabanggit ni Gallardo (1981) na mas uunahin pa ang magsulat sa wikang Ingles at wikang Filipino sapagkat dito maaring kumita ang isang makata o manunulat na may angking galing sa pagsulat.

Page 5: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Naidagdag ni Mallari (2002) na nakakabahala na ang panitikang lokal ay naiiwan na sa agos ng panahon sa pagpantay sa pambansang panitikan lalo na sa makabagong istilo at pamamaraan.

Page 6: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Naibahagi rin ni De Ungria (2009) sa kanyang pagkilatis sa iba’t ibang panitikang lokal sa Pilipinas na sinipi ang pahayag ni Mallari na napag-iiwanan ng napakaraming hakbang ang Kapampangan sa bilang ng mga manunulat at mga napapanahong kaalaman sa pagsulat ng panulaan at iba pang uri nito.

Page 7: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Sa pagkakataong ito, napakalaking tulong na masuri ang iba’t ibang porma ng tulang kapampangan upang maipakita at mapatunayan ang mga pagsasalarawan ng mga eksperto sa panitikan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga piling tulang Kapampanganang representante ng dalawang yugto ng panahong magpapalinaw sa penominong umiiral sa panitikang lokal.

Page 8: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Sa pagsusuri ng tula mas mainam na magsuri na tinitignan ang dalawang anyo nito. Tinitignan ang makabagong tulang umiiral ngunit binibigyang halaga pa rin ang mga klasikong panulaan (Coroza, 2006)

Page 9: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang pagganyak ng mananaliksik na umusad sa ganitong larangan ng pagsusuri ay upang makatulong sa hangaring makapagsimula ng pundasyon sa nagbabago ring anyo ng pagtuturo ng sekondaryang edukasyon. Ang kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng isang natatanging programa ng sining o Special Program of the Arts (SPA) at ito’y may isang sangay sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino na maaring ganyaking isama ang lokal na wika upang mas maging kapakipakinabang ang programa sa pagpapaunlad ng panitikan sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat. http://www.bse.ph/index.php/component/content/article/34-mandate/164-spa.html

Page 10: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Paglalahad ng Suliranin

• Upang makamit ang layuning maipakita ang implikasyon ng mga piniling tulang Kapampangan sa pagtuturo ng malikhaing pagsulat sa Filipino sa antas sekondarya, Kinakailangang masagot ng mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan.

• Paano pinili ang mga tula sa pag-aaral?• Paano isinagawa ang pagsusuri?• Paano magagamit ang pag-aaral na implikasyon sa

pagtuturo ng malikhaing pagsulat sa Filipino?

Page 11: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

1. Paraan ng Pagpili ng mga Tula

Ang pagpili ng mga tulang sinusuri ay nakabatay sa pag-aaral ni

Wilson (2007) ukol sa pagpili ng tulang isasali sa kanyang

pagtuturo na binatay sa edad at karanasan ng mga mag-aaral. Naging pamantayan nito ang

mga sumusunod;

Page 12: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• A) Barayti o pagkakaiba ng mga porma ng tula

• B) Ang mga tula ay nalathala bilang antolohiya

• C) Ang mga paksa ay naayon sa karanasan at edad ng mga mag-aaral

Page 13: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• A) Barayti o pagkakaiba ng mga porma ng tula

• B) Ang mga tula ay nalathala bilang antolohiya

• C) Ang mga paksa ay naayon sa karanasan at edad ng mga mag-aaral

Page 14: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• A) Barayti o pagkakaiba ng mga porma ng tula

• B) Ang mga tula ay nalathala bilang antolohiya

• C) Ang mga paksa ay naayon sa karanasan at edad ng mga mag-aaral

Page 15: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Narito ang sampung tulang kombensyonal na mula sa mga nalathalang antolohiya ng mga tula ni Querobin Fernandez na Bakas Panas (1997). Ang mga pinili ay ayon parin sa pamantayan na ito’y dapat na magkaiba at naayon sa lebel ng mga kabataan sa sekondaryang edukasyon. Nakatala ang pamagat ng tula at uring kinabibilangan..

• 1. Panalangin -1 - Isang Sonetong Asyano• 2. Atlung Panalangin - Sampung taludtod bawat saknong• 3. Himno ning Mabalacat - Tulang Liriko• 4. I Don Monico Mercado - Labingdalawang taludtod bawat

saknong• 5. Salita - Senteto• 6. Pamagsikap - walong taludtod sa bawat saknong• 7. Disiplina-dalawang tula na maaring pagsanibin bilang

isang tula• 8. Pamangulila - karaniwang tulang may apat na taludtod

bawat saknong• 9. Kapalupa - isang saknong na tula• 10. Ing Lugud Ku Keka - Kinteto o limang taludtod sa

isang saknong

Page 16: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang sumusunod na makabagong tulang Kapampangan ay mula sa antolohiya ng mga tula na Tuglung I (2002) at Tuglung II (2012), ito ay kinilala ng National Culture for The Arts at ito ay nalathala na mula sa pondo ng naturang ahensya. Anim na makata ang isinali sa pananaliksik na inisip parin ang iba’t ibang porma at temang inakma sa mga kabataang makikinabang. Pitong tula mula sa Tuglung I (2002) ang isinama na mula sa makatang si Anne Carol D. Magbanta, Anne Therese D. Magbanta at Cezar C. Cachero.

• 1.(Nanu Iti?) – malayang taludturan,• 2. Uran – onomatopea na tula• 3. King Kanakung Kinaul – 29 na linyang tula• 4. Bulung Dutung – 7 linyang tula na may irregular na

bilang ng pantig• 5. Luklukan – may tatlong saknong na may mga irregular

na bilang• 6. Salubong – may dalawangpu’t isang linyang tula• 7. Alang Pakiramdam – labing-apat na taludtod sa isang

saknong

Page 17: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang natitirang tatlong tula ay mula sa nailimbag na antolohiyang Tuglung II (2012) mula sa tatlong makata na sina Oliver Santos, Kragi Garcia at Anac ning Arenas na isang bansag panulat ng isang makatang Kapampangan.

• 8. Quing Panaung ita- iba’t ibang linya sa bawat saknong

• 9. Impun - Malayang taludturan na may 28 linya at isang saknong lamang

• 10. Ing Pangane- may limang saknong na iba’t ibang bilang ng taludtod

Page 18: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Pagpili ng makabagong pagbasang pampanitikan

• Pinili ang mga makabagong pagbasang pampanitikan batay sa hakbang na ginawa nina Evasco, et. al (2011) at Yu (2011)

Page 19: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Evasco et.al (2011)

Yu (2011)

TEKSTUWAL

KONTEKSTUWAL

SUBTEKSTO

INTERTEKSTUWAL

TEKSTO

INTERTEKSTO

KONTEKSTO

Page 20: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Evasco et.al (2011)

Yu (2011)

TEKSTUWAL

KONTEKSTUWAL

SUBTEKSTO

INTERTEKSTUWAL

TEKSTO

INTERTEKSTO

KONTEKSTO

Page 21: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Evasco et.al (2011)

Yu (2011)

TEKSTUWAL

KONTEKSTUWAL

SUBTEKSTO

INTERTEKSTUWAL

TEKSTO

INTERTEKSTO

KONTEKSTO

Page 22: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Evasco et.al (2011)

Yu (2011)

TEKSTUWAL

TEKSTO

TUGMA

KAISIPAN/TEMA

SESURA

SUKAT

ASTETIKO/TAYUTAY

Page 23: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Evasco et.al (2011)

Yu (2011)

KONTEKSTUWAL

KONTEKSTO

Nakasanayang kaugalian at pamumuhay ng tao

Isyung panlipunan

Ugnayan ng Kultura sa Pambansang kalagayan

Nakalipas na pangyayari na nag-ugat sa pagbabago ng lipunan

Papolar na impluwensyang namamalasak sa mga Kapampangan

Page 24: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Evasco et.al (2011)

SUBTEKSTO

Hiwaga at natatagong mensahe na nais ipabatid ng makata

Kagandang-asal at wastong pamumuhay.

Maling gawaing nakita sa tula

Page 25: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

TEKSTUWAL NA PAGSUSURI

SUBTEKSTONG PAGSUSURIKONTEKSTUWAL NA PAGSUSURI

Sukat, Tugma, Astetiko/Tayutay,

Kaisipan o Tema, Sesura

Nakasanayang Kaugalian, Isyung

Panlipunan, Ugnayan ng Kultura, Nakalipas

na Pangyayari, Kulturang Papolar

Hiwaga o Natatagong Mensahe, kagandahang

asal, wastong pamumuhay, maling gawain

Page 26: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

DISIPLINA ni

Querobin Fernandez Jr.• Pagsusuring Tekstuwal • Ang tulang ito ay tinawag ni Querobin Fernandez na

Malikwatas o Malikmatang Kawatasan. Ito’y isang tula na kapag hinati sa gitna ay makakabuo ng dalawang tula na may magkakahawig paring kaisipan. Ang tulang Disiplina ay may tatlong taludturan, senteto o anim na taludtod. May labing anim na pantig na ang sesura ay halos nasa ikalawalong pantig maliban lamang sa unang taludtod ng una at ikalawang saknong.

Page 27: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

/Minsan,/mebengi ku,/ Tatang,/ mitake ku king barkada//“Ustu na!”/ nganang inang ku,/ “e me tatampalasanan”/

Sa unang linya mula sa unang saknong ay may apat na bahagyang paghinto dala ng bantas na kuwit at tatlong sesura naman sa unang linya mula sa ikalawang saknong. Maliban sa dalawang taludtod lahat ay may dalawang bahagyang paghinto.

/Nabengi pu biglang-bigla,/ nabengi ikong mebante//E ko minuling bitasa,/ e ko dinatang king bale.//Ganing-aldo nang mistul/ inyang datang kong mainge;//Inyang muli kong tutukba,/ ikit dakong sunde-sape,//Inya pala nako sigla,/ inya pala nako lare,//Kinabukas kong totoma,/ melasing kong masalese!/

Page 28: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang ikatlong saknong na nabasa ay katulad din ng una at ikalawang saknong na ganap ang pagtutugma. May isang tunog lamang ang ginamit. Pansinin ang ikalawang saknong.

“Ustu na!” nganang Inang ku, “e me tatampalasan,“Malunus ka keng anak mu,” yawat nakong Inang kanyan.“Pangaralan mu nyang ustu… usuk mu ing kailangan;“At yan e ne pasibayu, pilming kaya nang tandanan.“Alang marok a kabayu, ing kabayu e damba man“king matinung mangutseru…King kutserung mayap talan!”

Page 29: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Maramdamin ang tono ng buong tula na pinatutunayan ng padamdam na tayutay sa hulihang taludtod ng bawat saknong. Galit ang nararamdaman ng bata para sa kanyang ama na dinaan agad sa pisikal na kaparusahan sa anak na umuwi ng lasing. Waring isang maikling tulang pasalaysay na may kuwento at nakaukit sa isipan ang mga eksenang buhay na nagaganap sa malikhaing haraya ng mambabasa. Mapapansin din ang ganda ng tulang ito sa paghati nito sa pangwalong pantig ng lahat ng taludtod at makakabuo ng dalawa pang tula na may iisa pa ring tema.

Page 30: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Minsan, mebengi ku, Tatang, Mitake ku king barkada, Maka-inum kung dinatang, Disan dakong maninaya,

E nako dakal a kitang… Tambing yu kung pemitsera!Penunduk yuku king awang! Timpaling yu ku mingatba.

Mengapildis ku pu sikang King tumbuk a kaku digpa,King parusang alang tuknang Misara ku adwang mata!

“Ustu na!” nganang Inang ku, “E me tatampalasan,“Malunus ka keng anak mu,” Yawat nakong Inang kanyan.

“Pangaralan mu nyang ustu “Usuk mu ing kailangan;“At yan e ne pasibayu, Pilming kaya nang tandanan.

“Alang marok a kabayu, “Ing kabayu e damba man“king matinung mangutseru” “King kutserung mayap talan!”

Nabengi pu biglang-bigla, Nabengi ikong mebanteE ko minuling bitasa, E ko dinatang king bale.

Ganing-aldo nang mistula Inyang datang kong mainge;Inyang muli kong tutukba, Ikit dakong sunde-sape,

Inya pala nako sigla, Inya pala nako lare,Kinabukas kong totoma! Melasing kong masalese!

Page 31: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Nakita ang paghati ng isang tula na nagdulot ng paglitaw ng dalawang tula. Isang malikhaing pagtangkang makagawa ng ganitong ayos ng tulang napanatili parin ang kaisipan at kaisahan ng mga pahayag. Isa pang katangian ng tulang ito ay kahit pagbaligtarin ang dalawang tula sa kanilang puwesto at pagsamahin muli para maging isang tula ay mabubuo parin sa maayos na kaisipan ang tulang sinusuri.

Page 32: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Mitake ku king barkada, minsan, mebengi ku, Tatang, Disan dakong manenaya, maka-inum kung dinatang, Tambing yu kung pemitsera…E nako dakal a kitang!Timpaling yu ku mingatba, Penunduk yuku king awang! King tumbuk a kaku digpa, Mengapildis ku pu sikang, Misara ku adwang mata king parusang alang tuknang!

“E me tatampalasan, “Ustu na!” nganang Inang ku, Yawat nakong Inang kanyan. “Malunus ka keng anak mu, “Usuk mu ing kailangan… pangaralan mu nyang ustu “Pilming kaya nang tandanan. at yan e ne pasibayu “Ing kabayu e damba man, alang marok a kabayu, “King kutserung mayap talan, king matinung mangutseru”

Nabengi ikong mebante, nabengi pu biglang-biglaE ko dinatang king bale. e ko minuling bitasa, Inyang datang kong mainge; ganing-aldo nang mistula; ikit dakong sunde-sape inyang muli kong tutukba, Inya pala nako lare,Inya pala nako sigla, melasing kong masalese, kinabukas kong totoma!

Page 33: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Nanatili pa rin ang tugmang ganap kahit na ito’y hinati sa dalawa at kahit nagkaroon ng paglilipat. Nanatili pa rin ang daloy ng kaisipan at naisalaysay pa rin ang kuwento sa loob ng tula na lutang ang imahe ng mga pangyayari sa poesya.

Page 34: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Pagsusuring Kontekstuwal

• Sa isang tipikal na pamilyang Kapampangan, malaki ang takot na nadarama ng anak sa kanyang ama sa dahilang siya ang may hawak ng batas ng pagdidisiplina sa tahanan. Ang inang nagsisilbing ilaw ang siyang takbuhan ng problema at madalas na nakakapalagayang-loob ng mga anak. Mapapansin na sa tula’y ang ugnayan ng tatay at anak na lalake sa pamilya. Hindi ganoong nag-uusap ang dalawang lalake sa tahanan. Mapansin ito na sa pagdating palang ng anak na lalake sa bahay ay agad na itong binugbog o sinaktan. “E na ko dakal a kitang, tambing yu kung pemitsera”. Ang ugnayang ito ay mapapansin sa mga tipikal na pamilyang Kapampangan. Ang ina ang tagaawat sa mga gulo ng pamilya, siya rin ang tagapamayapa. “Eme tatampalasanan, usta na!, nganang inang ku”. Lubusang malaki ang kasalanan ng isang anak na lumaban sa kanyang mga magulang kaya naisasaloob na lamang ng isang bata ang kanyang hinanakit at umaapoy na damdamin.

Page 35: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang ganitong ugnayan ng anak sa ama ang siyang nagiging karaniwang ayos ng pagsasamahan na sadyang nagpapalaki ng suliraning sa pamilya. Ang bukas na pakikipag-usap at malawak na pag-iintindihan ay salat na nababanaag sa pamilyang Pilipino lalo na umiiral pa rin ang kultura na nararapat na hindi magbigkas ng pabalang ang isang nakakabata sa nakakatanda. Ang labis na pag-iral ng ganitong kultura ay nagpapalaki ng palaisipan ukol sa mga tanong na hindi nasasagot.

Page 36: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Gaya ng tulang sinusuri mapagtatanto ang iba’t ibang sanga ng pag-inom ng isang ama nang minsang umuwi siya sa bahay na makikinita sa huling saknong. “Nabengi pu bigla-bigla, E ko minuling bitasa, Ganing-aldo nang mistula, Inyang muli kong tutukba, inya pala nako sigla, Kinabukas kong totoma!”. Ang ganitong palaisipan ng pag-inom ng alak ng ama ang siyang nagiging dahilan ng mas lalong matinding alitan sa pagitan ng ama at ang kanyang anak. Ang ganitong suliranin ay maagapan sa pagsisimula ng isang relasyon na bukas at totoo sa isa’t isa na siyang nagpapagaling at magpapaagap ng daplis ng di-pagkakaunawaan. Ang kultura ring ito ng Kapampangan na kultura rin ng mga Pilipino sa pangkahalatan ay maging repleksyon sa uri ng pamilyang tumatakbo sa tahanan at makilatis kung nakikisabay sa agos ng suliraning unti-unting nagpapabuwal sa tunay na kulturang dapat na namamayani sa bawat pamilya at ito ay ang pagmamahalan at pagkakaunawaan.

Page 37: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Pagsusuring Subteksto

• Mahirap ang maging magulang at ang isang pamantayan ay ang maayos na pagdidisiplina at pagpapalaki ng isang supling. Sa tulang sinusuri’y may dalawang uri ng pagdidisiplina ang mapagtatanto. Ang una’y ang paggamit ng dahas na pinapakita ng ama sa unang saknong samantalang ang ina’y nagpakita ng pagdisiplina na payapa at walang ginagamit na kamao kundi ang mapagmahal na kalinga at pagkakaunawaan. Ang disiplinang pulos kabaitan ay magmimistulang halamang hindi man lamang pinapaarawan at nasosobrahan ng tubig samantala ang disiplinang ginagamit ang takot ay isang halamang ibinibilad sa araw na hinahayaang matuyo hanggang ito’y mamatay sa tindi ng init ng naghaharing araw.

Page 38: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang proseso ng pagpapalaki ng anak ay nagsisimula sa paayos na usapan. Walang mapapala ang isang magulang na labis na hinihigpitan ng isang anak at hinahayaang maging pipi ng sariling damdamin. Ang kabutihan ay nagsisimula sa payapang pag-uusap at maayos na pagkakasunduan. Ang isang magulang ay isang kaibigang maaring lapitan ng anak sa oras ng pagdirimdim at hindi ito isang kaaway na kinamumuhian at ikinalilinsik ng damdamin. Naging isang mulat na pagkakataon ang tula upang maparanas ang bunga ng uri ng pagdidisiplina na malayang mapili ng isang magulang.

Page 39: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Samantala, ang isang magulang na hinahayaan na lamang ang anak na gawin ang nais nito na walang katiting na higpit at takot ay mauuwi sa mali ring paglingap. Nararapat malaman sa isang magulang na magdisiplina sa isang anak na gagamitin ng konting kaparusahan ngunit kinakailangang bukas ang isipang maibulalas ang kadahilanan ng pagdidisiplina bilang bahagi ng pananagutan ng magulang. Ang isang matagumpay na magulang ay dumaraan din sa kamalin at ang pag-aminin nito sa mga anak ay nagpapalakas lalo sa respeto at pagmamahal ng mga anak sa kanyang mga kinamulatang unang guro niya sa buhay.

Page 40: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

MAKABAGO/KONTEMPORARYONG PANULAANG KAPAMPANGAN

Page 41: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

(Nanu Iti?)Anne Carol D. Mabanta

• Pagsusuring Tekstuwal Ang tulang ito ay tinuturing na malayang

taludturan na may apat na estropa. May irregular na bilang ng taludtod sa bawat

estropa. Ang una’y may pitong linya, siyam na linya sa ikalawang saknong,

pitong linya sa ikatlong saknong at apat na linya sa huling saknong.

Page 42: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Irregular ang bilang ng mga pantig at maituturing na isang tugmang di-ganap. Masusuri rin na sa una hanggang ikatlong estropa na may mga nagtutugmang mga taludtod. Sa unang saknong magkatugma ang ritmo ng una at ikalawang taludtod gayundin ang ikaanim at ikapitong taludtod.

Tahimik ya ngeniing bengi;

Lupang masalese ing egana-gana

pero, aliangga keng mate ku

siguru mangabangungut ku.

Page 43: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Samantala ang ikalawa, ikatlo at ikalimang taludtod ay makikita ang pagtutugma gayundin sa ikalima at ikapitong taludtod ng ikatlong estropa. Ang ikaapat na estropa ay walang makikitang tugma.

Sadya-sadyaalas sais pamu,

makagayak na ku;Dapat…

parati kung malagu.E ku malyaring

milako obra,inya agyang masakit

mibabata ku.

Ngenia dili-dili kung makalukluk,

mimisip…kasnukan ku

ing alang agawa;parati ku mung

nung nanu agaganaka

Page 44: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang sesura ay iba-iba ayon pa rin sa mga bantas na ginamit. Mapapansin ang paggamit ng elipsis na makikita sa ikaapat ng taludtod sa ikalawang saknong, ikatlong taludtod sa ikatlong saknong at ikalawang taludtod sa ikaapat na saknong. Ang paggamit nito’y nangangahulugan ng matagal na paghinto na nagbibigay ng damdamin sa pagbigkas ng tula. Ang paghahati ng panandaliang paghinto ay maipapakita sa buong tulang sinipi.

Page 45: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Sa simula pa lamang mababatid na ang paggamit ng balintuna na isalarawan ang tahimik na gabi at kaayusan ng ang lahat ng bagay ngunit bangungot itong maituturing hanggang kamatayan. Waring nagpapakita ng mga pahiwatig ang persona sa trabahong kanyang kinasasadlakan at ito’y hindi man tuwirang sinasambit ngunit mapagtatanto sa mga pahiwatig tulad ng gabi, maayos ang pananamit at itsura na ang persona ay nagbibigay ng panandaliang aliw ngunit may pahiwatig din na hindi niya nagugustuhan ang ganitong trabaho sa mga salitang tulad ng bangungot, mahirap ngunit kailangang magbata at laging may inaalala.

Page 46: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang pagsasambit ng persona na naghihintay ang isang Hapon sa kanya ay nagpapahiwatig ng karangyaan na kaya tinitiis ang trabahong kinasasadlakan ay sa dahilang may asawang sumusuporta sa kanya. Sa pangkahalatan ang tula’y nagbabahagi ng kaisipan ukol sa isang trabahong umiiral sa kasalukuyang panahon. Ito’y prostitusyon o pagbibigay ng panandaliang ligaya na gamit ang sariling katawan bilang puhunan.

Page 47: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Pagsusuring Kontekstuwal

• Maituturing na isang talamak na trabaho ang pagbebenta ng panandaliang ligaya lalong-lalo na sa mga karatig lungsod ng Pampanga. Nagsimula ang ganitong kalakaran nang dumating ang mga Amerikano at nagtayo ng base-himpapawid sa lungsod ng Angeles at dito nagsulputan ang mga lugar-aliwan na pinupuntahan ng mga sundalong Amerikano. Sa ganoong pagkakataon ay nagsimulang tahakin ang isang trabahong madaling kitain. Ang kultura ng pagbebenta ng sarili ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Page 48: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Hindi lamang ang mga kababaihan ngayon ang lantad sa ganitong uri ng pangangalakal ngunit pati na rin sa mga kalalakihan. Marami ring sumusubok na makapagtrabaho na puhunan lamang ang hubog ng katawan at lakas ng loob para kumita. Marami sa mga sumusubok nito’y madalas na dahilan ang kahirapan na nagbibigay ng pagkakataon ding mawalan ng respeto sa sarili at makadama ng lungkot na pinakita rin sa tula. Ang Kulturang ito’y namamayani lalo na sa ibang nahihirapan sa buhay na ang tanging naikikintal na kalutasan sa problema ng kahirapan ay paghahanap ng asawang dayuhan.

Page 49: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang mentalidad na ang pag-asa ng kaginhawaan ay pagtagpo ng isang dayuhan ay laganap haggang sa internet sites Marami na rin ang nagtatangkang gamitin ang bagong teknolohiya upang ibenta ang sarili sa mga dayuhan. Ang Kultura mang ito ay nagpapatuloy, ang puso nama’y nagpapatuloy na nalulumbay sapagkat hindi ito ang nais ng puso ngunit napapadala lamang sa bulong ng kahirapang nagpapabigat sa kalooban at nagpapahina ng isipang makalaya sa kultura ng kaginhawaan.

Page 50: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Pagsusuring Subteksto

• Likas na isinilang ang tao na itinanim ang binhi ng kawastuhan at kamalian sa kanyag kaluluwa upang magbigay ng kalayaang mamili. Ang tulang sinusuri ay nagpapakita ng epekto ng pagpili ng desisyong ipagpatuloy ang trabahong kinakapitan . Ang karangyaan ay maaring matamo ng persona ng tula ngunit ang kaluluwa nito’y nagpapatuloy na nagnanaknak sa sakit na dulot ng pagpili ng kasalanan na nagdudulot ng bagungot sa persona. Hindi pinapatahimik ng mabuting konsiyensiya ang paggawa ng kamalian at pinatutunayan ito sa tula na sadyang dumadami pa ang alalahanin sa pagdili-dili at pananahimik ng persona.

Page 51: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Sa katahimikan madalas nangungusap ang Panginoon at sa tagpong yaon naaapektuhan ang persona ng tula. Ang tula’y nagtuturo ng pagpili ng kasiyahan sa buhay na matatagpuan sa pamamagitan ng paggawa ng wasto at naayon sa kabutihang panlahat. Ang epekto ng patuloy na pagbabad sa kasalanan ay tumitindi at maaaring magdulot ito ng mas malaking problema lalo na sa espiritwal na pamumuhay. Ang prostitusyon ay hindi solusyon sa kahirapan at pinalalala lamang nito ang suiranin. Ang kahirapan ay malalampasan sa matiyaga at masipag na determinasyong umunlad sa sariling pagsisikap at ito’y nakagagaan ng kalooban.

Page 52: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Implikasyon sa Pagtuturo ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino

Page 53: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Ang Antas na Pagbasang Tekstuwal, Kontekstuwal at

Subtekstuwal• Napakahalaga rin ang antas ng pagbasa sa pagtuturo ng

malikhaing pagsulat sapagkat mabibigyan ng proseso ang mga mag-aaral sa pagbasa ng mga piling tulang Kapampangang isinali sa pananaliksik. Ang mga prosesong ito kung susundan ay magbibigay ng panibagong kakayahan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng panitikan at sa tulong ng pamamatnubay ng guro sa malikhaing pagsulat.

Page 54: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• May naidudulot na malaking salik ang mga antas ng pagbasa sa epektibong pagsulat upang mapayaman ang kaisipan at kakayahan ng guro at mga mag-aaral sa pagkatuto ng pagsulat ng tula. Nagiging daan din ito upang magkaroon ng tiwala ang manunulat sa mga tulang nalilikha na ang salik ay ang maayos na pagbabasa ng mga tula.

Page 55: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 56: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Kongklusyon

• Ang mga piniling tula’y may iba’t ibang barayti. May mga tulang ginamitan ng sukat na kopla, terseto, kwarteto, kinteto at senteto sa isang taludturan. May saknong na isang linya lamang ang ginamit, walong linya, sampung linya, labingdalawang linya sa bawat taludturan. May mga sukat na irregular ang pantig may mahahaba at maiikling taludtod at may mga taludtod na isang salita lamang ang ginamit. May nakitaan ng tugmang ganap at mga tugmang di-ganap gayundin ang mga tulang walang tugma. Ang tulang ayon sa uri ay halos may sukat at tugma, May mga malayang taludturan, blankong berso, soneto, tulang liriko at tulang pambata, may tulang pasalaysay, tulang bayograpikal.

Page 57: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Ang mga tayutay na ginamit ay may barayti rin. Mapapansin sa mga sinuring tula ang paggamit ng pagtutulad, pagwawangis, paurintao, pagsasatao, pahiwatig, pag-uulit, pag-uyam, pangitain, padamdam, balintuna, pagsasatunog, panawagan. May mga tulang ginamitan ng pagsasalarawan at pagsasalaysay.

Page 58: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Ang lahat ng piniling tula ay may iba’t ibang tema ukol sa iba’t ibang aspeto ng buhay mula sa sarili, sa pakikipagkapwa, sa pakikitungo sa lipunan at sa pananalig sa Diyos. May mga tulang may maseselan na tema katulad ng prostitusyon at katapusan ng mundo.

Page 59: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

May pagkakataong may mga tulang Kontemporaryo na nagtutugma na nagbibigay ng impresyon na may pagkakapit pa rin ang mga makata sa pagtutugma na isang elemento ng makalumang pagtula.

Page 60: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Ang mga piniling tula ay kakakitaan ng Kultural na konteksto sa pagiging isang Kapampangan at pagiging isang Filipino. Natalakay rin ang ilang makasaysayang tagpo ng Pampanga mula sa panahon ng pagtatayo ng base himpapawid sa Clark at pagputok ng Bulkang Pinatubo. Natalakay rin ang ilang lugar at personalidad sa Pampanga gayundin ang ilang mahahalagang tao sa lipunang kapampangan gaya ng ama at ina ng tahanan.

Page 61: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Halos lahat ng tula ay may sangkap ng makabansang kultura ay sumusunod sa kalakaran ng lipunan sa pangkahalatan. Ito ay napatunayan sa mga sinuring mga tula

Page 62: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

1. Ang mga piniling tula ay kakikitaan ng karunungang nakapagturo ng aral sa mga mambabasa. Tinuturuan ang mga mambabasa sa ibat ibang birtud gaya ng disiplina, pagtitimpi, kabaitan, pagmamahal, pagtitiis, kasipagan makakalikasan. Ang mga piiling tula ay nagtuturo rin ng pamantayang moral na mahalaga sa paghubog ng kaisipan at puso ng kabataang Kabataan.

Page 63: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Ang mga tulang pinili ay maaring basahin sa tatlong antas na pagbasang pampanitikan. Ang mga ito ay ang pagbasang Tekstuwal, Kontekstuwal at Subtekstuwal.

Page 64: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Ang mga tulang pinili ay kakikitaan ng kaangkupan sa mga kabataang mambabasa at maaring gawing lunsaran sa pagtuturo ng panulaang Kapampangan sa klase sa malikhaing pagsulat.

Page 65: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Rekomendasyon

• Maaring gamitin ang pananalisik na ito bilang batayan sa mga aralin sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino na ang gamit ay ang pagtuturo ng tulang Kapampangan. Ang mga piling tulang nasuri ay magiging modelong tula na gagawan ng mga aralin sa Malikhaing pagsulat.

Page 66: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang antas ng pagbasa ay imumungkahing gamitin sa pagtuturo ng pagbasa lalo sa panitikan. Ang pagdaragdag ng Intertekstong pagbasa bilang karagdagang antas ay malaking tulong sa pagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat.

• Ang pagsusuri ng ibang genre ng panitikan gaya ng Maikling Kuwento, Nobela at Sanaysay sa Kapampangan ay magandang mungkahi sa pananalisik sa hinaharap. Ang pagsusuri sa ibang genre ay makatutulong sa pagdagdag ng pananaliksik pampanitikan upang makita rin ang kalakaran ng sumisibol na teknik sa pagsulat.

Page 67: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

• Ang paghikayat sa mga administrador ng mga paaralang may Special Program for The Arts ng Departamento ng Edukasyon na gamitin ang mga piniling tula bilang modelong tulang maaaring basahin at suriin ng mga mag--aaral bilang isang sangay ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino upang makalugdan ang mga tula at mahikayat na makapagsulat ng poesya sa wikang Kapampangan.

• Imumungkahi rin ang paghihikayat sa mga paligsahan sa pagsulat ng tula upang mabigyang kalinangan ang pagsulat ng Kapampangan sa mga kabataang may angking galing sa larangan ng pagsulat.

• Hinihikayat din ang paggamit ng iba’t ibang estilo ng panulat at gamitin ang kontemporaryong pagtula bilang tugon sa makabagong takbo ng panitikan at makasabay sa pambansa at pandaigdigang takbo ng panulaan sa kasalukuyan.

Page 68: Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan

Maraming Salamat sa Pakikinig!