4
TAGALOG / TAGALOG COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA Ang COVID-19 ay isang karamdamang dulot ng coronavirus. Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus, kung saan ang ilan ay nakakahawa ng mga hayop at ang iba ay nakakahawa ng mga tao. Naipapalaganap ang mga ito sa pamamagitan ng: mga respiratory droplet kapag kayo ay umuubo o bumabahing direktang pakikisalamuha sa taong nahawahan ng COVID-19 paghawak sa bagay o surface na mayroong virus. Ang mga coronavirus ay hindi kilalang lumalaganap sa pamamagitan ng tubig o mga sistema ng bentilasyon. MAKAKATULONG KAYONG BAWASAN ANG PAGLAGANAP NG COVID- 19 AT PROTEKTAHAN ANG INYONG SARILI, ANG INYONG MGA MAHAL SA BUHAY, AT ANG INYONG KOMUNIDAD: sundin ang payo ng inyong lokal na awtoridad sa pampublikong kalusugan o istasyon ng pangangalaga manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao kung kayo ay may karamdaman hugasan ang inyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer na mayroong hindi bababa sa 60% alcohol kung walang sabon at tubig umubo at bumahing sa inyong manggas at huwag sa inyong mga kamay iwasan ang paghawak sa inyong mukha gamit ang mga hindi pa nahuhugasang kamay iwasan ang malapitang pakikisalamuha sa mga taong may sakit magsagawa ng physical distancing hangga't maaari magsuot ng non-medical mask o pantakip sa mukha sa lugar na maraming tao o kapag hindi posible ang physical distancing linisin at i-disinfect ang mga bagay at surface na madalas hawakan

COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA...PAGSUSURI Nakakatulong ang pagsusuri para sa COVID-19 na protektahan ang mga nakakatanda nating kapwa at ang ating komunidad. Ito lang

  • Upload
    others

  • View
    80

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA...PAGSUSURI Nakakatulong ang pagsusuri para sa COVID-19 na protektahan ang mga nakakatanda nating kapwa at ang ating komunidad. Ito lang

TAGALOG / TAGALOG

COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA Ang COVID-19 ay isang karamdamang dulot ng coronavirus. Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus, kung saan ang ilan ay nakakahawa ng mga hayop at ang iba ay nakakahawa ng mga tao. Naipapalaganap ang mga ito sa pamamagitan ng:

• mga respiratory droplet kapag kayo ay umuubo o bumabahing • direktang pakikisalamuha sa taong nahawahan ng COVID-19 • paghawak sa bagay o surface na mayroong virus.

Ang mga coronavirus ay hindi kilalang lumalaganap sa pamamagitan ng tubig o mga sistema ng bentilasyon.

MAKAKATULONG KAYONG BAWASAN ANG PAGLAGANAP NG COVID-19 AT PROTEKTAHAN ANG INYONG SARILI, ANG INYONG MGA MAHAL SA BUHAY, AT ANG INYONG KOMUNIDAD:

• sundin ang payo ng inyong lokal na awtoridad sa pampublikong kalusugan o istasyon ng pangangalaga

• manatili sa bahay at lumayo sa ibang tao kung kayo ay may karamdaman • hugasan ang inyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig sa loob ng hindi

bababa sa 20 segundo • gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer na mayroong hindi bababa sa 60% alcohol

kung walang sabon at tubig • umubo at bumahing sa inyong manggas at huwag sa inyong mga kamay • iwasan ang paghawak sa inyong mukha gamit ang mga hindi pa nahuhugasang kamay • iwasan ang malapitang pakikisalamuha sa mga taong may sakit • magsagawa ng physical distancing hangga't maaari • magsuot ng non-medical mask o pantakip sa mukha sa lugar na maraming tao o kapag

hindi posible ang physical distancing • linisin at i-disinfect ang mga bagay at surface na madalas hawakan

Page 2: COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA...PAGSUSURI Nakakatulong ang pagsusuri para sa COVID-19 na protektahan ang mga nakakatanda nating kapwa at ang ating komunidad. Ito lang

2

Ang mga sintomas ng COVID-19 ay madalas na pareho sa mga sintomas ng ibang karamdaman. Maaaring:

• abutin ang mga ito nang hanggang 14 na araw bago lumabas pagkatapos malantad sa virus • maging katamtaman o mas malubha ang ito • mag-iba-iba ang mga ito ayon sa bawat tao

Kung kayo ay nakakaranas ng mga sintomas, o nalantad sa isang taong may COVID-19, dapat gawin ninyo ang mga sumusunod:

• manatili kayo sa bahay (mag-isolate) para maiwasang makahawa ng ibang tao • iwasan ninyo ang pakikisalamuha sa ibang tao (lalo na sa mga nakakatanda, o sa sinumang may

mga medikal na kundisyon) • kung may kasama kayo sa bahay, manatili kayo sa isang hiwalay na kuwarto o magpanatili ng 2

metrong distansya • tumawag muna bago kayo bumisita sa propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan o

tumawag sa inyong lokal na awtoridad sa pampublikong kalusugan o istasyon ng pangangalaga • ipaalam sa kanila ang inyong mga sintomas, talakayin ang posibilidad na masuri, at sundin ang

kanilang mga tagubilin • kung kailangan ninyo ng agarang medikal na atensyon, tumawag sa 911.

PAGSUSURI Nakakatulong ang pagsusuri para sa COVID-19 na protektahan ang mga nakakatanda nating kapwa at ang ating komunidad. Ito lang ang tanging paraan para kumpirmahin kung kasalukuyang mayroong COVID-19 ang isang tao, at isa itong mahalagang pamamaraanpara:

• mahinto ang paglaganap ng virus at mapigilan ang mga outbreak sa komunidad • matukoy at ma-isolate ang mga taong mayroong COVID-19 • makapag-follow up sa mga malalapit na nakasalamuha ng sinumang nakumpirmang mayroong

COVID-19 (contact tracing) • mas maunawaan ang virus

Makakatulong ang pagpapasuri para makapagbigay ng positibo o negatibong diagnosis ng COVID-19. Makakatulong din ito para sa contact tracing, na kumpidensyal na ginagawa ng mga opisyal ng pampublikong kalusugan o iba pang naaangkop na sinanay na indibidwal para matukoy ang mga taong maaaring nakasalamuha ninyo sa panahong kayo ay nakakahawa. Hindi malalagay sa panganib ang inyong personal na impormasyon ng kalusugan dahil sa pagpapasuri. Ibinabahagi lang ang inyong pagkakakilanlan, status ng kalusugan, at iba pang personal na impormasyon sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan kung kinakailangan.

Page 3: COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA...PAGSUSURI Nakakatulong ang pagsusuri para sa COVID-19 na protektahan ang mga nakakatanda nating kapwa at ang ating komunidad. Ito lang

3

STIGMA Maaaring magdulot ng stress sa mga tao at komunidad ang pandemyang dulot ng COVID-19. Maaari itong magdulot ngsocial stigma, pagbubukod, pangmamaliit o pang-aapi, mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip, at diskriminasyon sa mga indibidwal. Dahil sa kakulangan sa pag-unawa tungkol sa COVID-19, umusbong ang takot o galit sa ibang tao at hindi patas na pagtrato laban sa ilang grupong kinabibilangan ng mga sumusunod:

• mga taong may COVID-19 • mga taong may mga sintomas ng COVID-19 • mga manggagawa ng pangangalagang pangkalusugan, manggagawang nasa front line, at

essential na manggagawa • mga tao mula sa mga bansa kung saan nagmula ang virus • mga tao na kamakailang naglakbay o bumalik sa Canada mula sa ibang bansa • mga tao mula sa mga komunidad, kultura, o industriya kung saan nagkaroon ng mga outbreak

ng COVID-19 • mga taong maaaring hindi sumusunod sa inirerekomendang hakbang sa pampublikong

kalusugan

Ang stigma at diskriminasyon ay mga kilalang barrier na pumipigil sa mga tao na magpasuri o mag-access ng pangangalaga, paggamot, at suportang kailangan nila. Ang mga taong nakakaranas ng stigma at diskriminasyon sa kanilang buong buhay (hal., mga may lahing grupo, taong may karamdaman o kapansanan sa pag-iisip, miyembro ng mga komunidad ng LGBTQ2IA+) ay maaaring walang access sa mga pamproteksyong resource sa panahon ng isang pandemya, tulad ng ligtas na tirahan kung saan makakapag-isolate o makakapag-quarantine kapag may karamdaman, na maaaring maging dahilan ng mga karagdagang pagsubok. Maaaring maging mapanganib at mapaminsala ang stigma at diskriminasyon para sa mga indibidwal at komunidad dahil sa mga sumusunod:

• paglantad sa mga tao sa matataas na lebel ng pagkakonsensya at stress • pag-aalis sa kakayahang makaraos ng mga taong walang kontrol sa kanilang pamumuhay,

pagtatrabaho, o mga sitwasyong dulot ng kahirapan • pagkakaroon ng pagkakawatak-watak sa mga komunidad • pagdudulot sa mga taong iantala o iwasan ang mga serbisyo sa kalusugan at pakikipag-ugnayan

sa mga awtoridad sa kalusugan • pagpapahirap sa pagsubaybay, pagpapahinto, o pagpapabagal sa mga outbreak • pagpigil sa mga tao na masuri o ma-quarantine • pagpapahirap na mahanap at maabisuhan ang mga taong maaaring nahawahan ng COVID-19

(contact tracing)

Page 4: COVID-19: PAGSUSURI AT PAGBABAWAS SA STIGMA...PAGSUSURI Nakakatulong ang pagsusuri para sa COVID-19 na protektahan ang mga nakakatanda nating kapwa at ang ating komunidad. Ito lang

4

Maaari nating gawin ang ating bahagi para bawasan ang stigma sa panahon ng COVID-19. Kahit ang mga taong walang sintomas ay maaaring magpositibo sa COVID-19. Kasama rito ang mga taong wala pang sintomas (pre-symptomatic) at maaaring hindi magkaroon ng mga sintomas (asymptomatic). Kaya mahalagang:

• magpakita ng suporta, kabutihan, at pagmamalasakit sa mga taong mayroong, o nasuri para sa, COVID-19

• alagaan ang kalusugan ng inyong pag-iisip at ang inyong pisikal na kalusugan • protektahan ang inyong sarili at ang mga tao sa inyong paligid • piliin nang mabuti ang inyong mga salita

SABIHIN ANG… SA HALIP NA… COVID-19; Coronavirus

Ang virus mula sa Asia/China/Wuhan

Ang mga taong posibleng mayroong COVID-19 Ang mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 Ang mga taong mayroong COVID-19; Ang mga taong ginagamot dahil sa COVID-19

Ang mga kaso o biktima ng COVID-19

Available para sa inyo ang mga serbisyo ng suporta para sa kalusugan ng pag-iisip at karahasan sa pamilya, gaya ng Wellness Together Canada: Ang portal ng Suporta para sa Kalusugan ng Pag-iisip at Paggamit ng Substance at ang mga webpage ng Stop Family Violence. ALAMIN AT IBAHAGI ANG MGA KAALAMAN Magbahagi ng mga kuwentong nagbibigay ng inspirasyon tungkol sa mga taong gumaling mula sa COVID-19, at tungkol sa mga bayani ng komunidad – mga manggagawa ng pangangalagang pangkalusugan, provider ng serbisyo sa komunidad, mga empleyado ng grocery store, mga taong nagde-deliver, manggagawa sa pangmatagalang pangangalaga sa bahay, at first responder – na nagbibigay ng suporta sa mga tao at pangangalaga para sa mga taong may karamdaman. Kumuha ng tumpak na impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mga mapagkakatiwalaang source, gaya ng Canada.ca/coronavirus, ang inyong lokal o pamprobinsya/panteritoryong awtoridad sa pampublikong kalusugan, o istasyon ng pangangalaga sa isang komunidad ng First Nation.