24
Rice Technology Bulletin Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ISSN 0117-9799 2012 No. 80 Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang MINUS-ONE ELEMENT TECHNIQUE (MOET)

Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

  • Upload
    others

  • View
    37

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Ric

e T

ech

no

lo

gy

Bu

llet

inPh

ilipp

ine

Rice

Res

earc

h In

stit

ute

(Phi

lRic

e)

I

SSN

011

7-97

99

20

12 N

o. 8

0

P a g s u s u r i n g K a k u l a n g a n n g S u s ta n s i ya s a L u p a G a m i t a n g

MINUS-ONE ELEMENT TECHNIQUE ( M O E T )

Page 2: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Rice Technology Bulletin Series1 Released Rice Varieties (1968-1994)2 Pagpaparami at Pagpupuro ng Binhi sa Sariling Bukid3 Paggawa ng Maligaya Rice Hull Stove4 PhilRice Micromill5 PhilRice Flourmill6 PhilRice Drumseeder7 PhilRice Rototiller8 Rice Food Products9 PhilRice-UAF Batch Dryer10 Integrated Management of the Malayan Black Bug11 SG800 Rice Stripper-Harvester 12 Dry-Seeded Rice-Based Cropping Technologies13 Maligaya Rice Hull Stove14 10 Steps in Compost Production15 Rice Tungro Virus Disease16 The Philippine Rice Seed Industry and The National Rice Seed Production Network17 10 Hakbang sa Paggawa ng Kompost18 10 nga Addang ti Panagaramid iti Kompost19 Characteristics of Popular Philippine Rice Varieties20 Rice Stem Borers in the Philippines21 Rice Food Products (revised edition)22 Leaf Color Chart (English)23 Leaf Color Chart (Ilocano)24 Leaf Color Chart (Filipino)25 Equipment for Rice Production and Processing26 Use of 40kg Certified Seeds per Hectare27 Rice Wine28 Management of Field Rats29 Controlled Irrigation: Saving water while having good yield30 Minus-one Element Technique: Soil Nutrition Deficiency Test Made Easy31 Management of the Rice Black Bug32 Management of Zinc-Deficient Soils33 Management Options for Golden Apple Snail34 Use of Evaporation Suppressant 35 Pagpaparami ng Purong Binhi ng Palay36 Management of Sulfur- Deficient Lowland Rice Soils37 Management of Planthoppers and Leafhoppers38 Management Options for Ricefield Weeds39 Use of Indigo as Green Manure40 Management of Salt-affected Soils for Rice Production 41 Wet-Seeded Rice Production42 Matatag Lines 43 Hybrid Rice Seed Production44 Metarhizium anisopliae: Microbial Control Agent for Rice Black Bug

45 Integrated Nutrient Management for Rice Production46 Management of Armyworms/Cutworms47 Carbonized Rice Hull48 Rice-based Microbial Inoculant49 Integrated Farm and Household Waste Management50 Rice Postproduction Practices51 Ecological Rice Farming52 Modified Dry Direct Seeding Technology 53 Palayamanan: Making the Most out of Rice Farms 54 Practical Guidelines in Predicting Soil Fertility Status of Lowland Rice Soils55 Bakanae: The Foolish Disease of Rice56 Management of Rice Blast Disease57 Root-knot Management in Rice-Onion Cropping System58 Management of Yellow and White Stemborers59 The PhilRice Dapog Technology60 Rice Straw-Based Nutrient Management in Irrigated Lowland Rice 61 Biofertilizer Production: Vesicular Arbuscular Mycorrhizae (VAM)62 Trichoderma: Biofungicide for vegetables63 Barayti ng Palay handog ng PhilRice 2007-200964 Management of Zinc-deficient Soils (revised edition)65 Soil Series: Improving Agricultural Productivity in Pampanga66 Soil Series: Improving Productivity in Tarlac67 Laboy tiller: Improving deep muddy and swampy rice lands68 B&S Rice mini-combine harvester69 Rice Disease Diagnostic Kit70 Reducing Methane Emissions from Irrigated Ricefields71 Rice Hull Gasifier Engine-Pump System72 Kontroladong Pagpapatubig73 Saclob: Airtight Storage for Rice Seeds74 No Tillage Technology in Irrigated Rice Production75 Management of Yellow and White Stemborer (2011)76 Management Options for Ricefield Weeds (2011)77 Management of Salt-Affected Soils78 Pangangasiwa ng Dilaw at Puting Aksip 79 Metarhizium: Ang mikrobyo sa pagsugpo ng atangyang itim

Page 3: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

ForewordAng Minus-One Element Technique (MOET) ay isang mura, maaasahan, at simpleng paraan sa pagsusuri ng kakulangan ng sustansiya sa lupa. Ang tanim na palay sa paso na may kumpletong pataba ay ikinukumpara sa palay sa paso na may kulang na isang sustansiya.

Makatutulong ang MOET sa mga magsasaka at teknisyan, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga laboratoryong pinagpapasurian ng lupa.

Sa paggamit ng MOET, natutukoy kung bitin ang sustansiya sa lupa na ipinakikita mismo ng halaman sa isang aktwal na kalagayan sa bukid. Nasusuri nito ang kakulangan sa nitroheno (N), posporo (P), potasyo (K), zinc (Zn), sulfur (S), copper (Cu). Ipinapayo rin na ipasuri ng mga magsasaka sa laboratoryo ang kanilang lupain tuwing 3-5 taon upang alamin ang mga natitirang sustansiya ng lupa.

Nawa ay makatulong ang babasahing ito upang mailagay ang tamang dami ng pataba sa tamang panahon, na siya namang makatutulong sa pagkamit ng mataas na ani at kita.

Page 4: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Gaano kataba ang ating lupang sinasaka? Taong 1999, sinaliksik ng PhilRice Los Baños ang lupa sa 20 lalawigan sa bansa upang matukoy ang mga lugar na may kakulangan sa maraming sustansiya. Sa 719 lugar sa mga lalawigang ito, dalawa lamang ang napag-alamang may sapat na panustos ng sustansiya sa lupa. Umabot sa 89% ang napag-alamang kakulangan ng mga kinakailangang sustansiya ng lupa.

Ang Zinc at Sulpur na hindi naman karaniwang isinasama sa rekomendasyon sa paggamit ng abono ay napag-alamang kulang nang 17% sa mga lugar na nasaliksik. Ipinakita ng pag-aaral na maraming lupang tinatamnan ng palay ng kulang sa sustansiya. Kung hindi ito isasaayos, lubhang bababa ang ani sa mga lupang ito.

Ang natuklasang ito ay sinuportahan ng mga eksperimento sa PhilRice Central Experiment Station. Kung walang inilagay na patabang N, P, at K, ang palay ay patuloy na nabubuhay dahil lamang sa mga tira-tirang sustansiya sa lupa. Ang karaniwang ani sa pag-aaral ay 3.06 tonelada sa panag-araw. Sa kabilang dako, umabot sa 7.4 ton/ ektarya ang ani sa lupang nilagyan ng abonong NPK.

Ang mga resultang ito, patunay na ang pagsasaayos ng sustansiya sa lupa ay napakahalaga kung ang habol ay mataas na ani. Sa mga lupa ng mga magsasaka, ang palay ay bitin pa rin ng mga sa sustansiya sa kabila ng pagpapataba dahil ang iba pang kinakailangang sustansiya sa lupa ay hindi nasuri nang husto. Dahil dito, kailangnag matukoy ang tunay na kalagayan ng sustansiya ng lupa, upang maiwasto ang pagpapataba.

1

Page 5: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

MOET: simpleng pagsusuri sa kakulangan ng sustansiya sa lupa

Ang karaniwang paraan sa pagpapasuri ng lupa ay ang paghatid ng sampol ng lupa sa laboratoryo ng Bureau of Soils and Water Management at balikan ang resulta mtapos ng dalawang buwan. Maaaring sumablay ang pagsusuri ay sa sampol ng lupa na tinuyo ng hangin. Sa pagsusuring kemikal, maaaring makaligtaan ang ilang kakulangan lalo kung ang lupang pinanggalingan ng sampol ay binabaha o nabababad sa tubig.

Halimbawa, ang lebel ng Zn sa tuyong lupa na idinaan sa pagsusuring kemikal ay maaaring makitang mataas ngunit kapag ang lupa ay bahain, ang Zn ay posibleng nagbagong-anyo na hindi magagamit. Ang pagsusuring MOET ay tumitiyak sa kakulangan ng sustansiya sa aktuwal na kalagayan sa tinatamnang bukid. Hindi mo na kailangan ang isang laboratoryong lubhang maraming kagamitan, at ikaw mismo ang gagawa ng isang simpleng eksperimento malapit sa iyong bukid, o kaya ay sa likod-bahay o bakuran.

Aning panag-araw sa Long-Term Fertility Experiment ng PhilRice Maligaya, 1990-1999

ANI (

tone

lada

/ekt

arya

) walang NPK

mayroong NPK

TAON

2

Page 6: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

“Makabubuting isagawa ang pagsusuring Minus-One Element Technique bago ang paghahanda ng lupa (mga 30 araw) upang malaman mo kung anong abono ang ilalagay at gaano karami sa panahon ng paglilipat-tanim.

Pagsusuring kemikal Pagsusuring Minus-OneGastos P1305

(N,P,K,Zn, S, Cu)P300(N,P,K,Zn, S, Cu)

Tagal 30-60 araw 45 araw pagkatapos ng lipat-tanim o pamumunla

Lagay ng lupa Pinatuyo sa hangin Aktuwal na kalagayan sa bukid

Magsasagawa ng pagsusuri

Teknisyan Magsasaka at extension worker

Lugar ng pagsusuri

Laboratoryo Malapit sa bukid/likod-bahay

Kagamitan/pasilidades

pH meter, UV-VIS, atomic absorption spectrophotometer, mga babasagin, kemikal

Mga plastik na sisidlan, tinimplang abono, mga punlang palay, o pinatubong binhi

3

Page 7: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Mga problemang tutugunan

◊ Mataas ang gastos sa pagsusuring kemikal.◊ Hindi madaling puntahan ang sentrong pasurian/laboratoryo at lalo na

kung ikaw ay taga malayong lugar

◊ Kakulangan ng mahusay na kagamitan at sinanay na mga teknisyan para magsagawa ng pagsusuring kemikal

◊ Matagal lumabas ang resulta ng pagsusuring kemikal

Gastos sa pagsusuring moet

Pitong maseterang plastik - P125Pormulasyon ng abono - P175 ___________Kabuuang halaga - P300

Sa kasalukuyan, ang pormulasyon ng abono ay mabibili sa PhilRice Business Development Office. Upang lalo pang makatipid, gumamit ng nagamit nang mga sisidlan o bag na plastik.

4

Page 8: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

paghahanda ng Mga materyales na kailangan sa MOET

► 7 maseterang plastik, paso, o anumang kahalintulad nitong sisidlan.

► 28 kilong bagong-kuhang lupa, mas mainam kung basa

► MOET Kit. Naglalaman ito ng iba’t ibang pormulasyon ng abono (mabibili sa PhilRice)

► Mga 28-35 na punla ng palay na ang edad ay 10-15 araw o kaya naman ay pinatubong buto ng palay

Mga hakbang na dapat isagawa

1

5

Mangolekta ng sampol ng lupa mula sa bukid sa lalim na 20 sm. gamitang alin man sa 2in x 8in PVC pipe, bamboo pipe, o trowel.Kung iba-iba ang sustansya ng lupa (makikita sa magkakaibang tindig ng palay noong nakaraang tanim),hatiin ito sa mga seksyon o sampling units. Kumuha ng sampol sa bawat seksyon na sasapat para samga pasong ihinanda.

Huwag kumuha ng sampol

Page 9: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

2Ilagay ang mga sampol sa isang malaking lalagyan. Huwag gumamit ng sisidlang gawa sa metal, maliban sa stainless steel, upang maiwasan ang kontaminasyon. Panatilihing basa ang lupa. Subalit kung tuyo ang sampol, ibabad ito sa tubig sa loob ng 2 linggo bago ilipat sa mga paso. Haluing mabuti ang mga lupa at tanggalin ang mga ugat at ibang nabubulok na bagay.

6

Lagyan ng mga 4 na kilong basang lupa ang bawat isa sa pitong paso. Ihalong mabuti ang pormulasyon ng abono. Hugasang mabuti ang mga kamay bago magsalang ng kasunod na paso upang maiwasan ang kontaminasyon. Lagyan ng pananda ang bawat paso base sa inilagay na fertilizer formulation gaya ng kumpleto (kumpletong abono), -N (kulang sa N),-P (kulang sa P),-K (kulang sa K),-Zn (kulang sa Zn),-S (kulang sa S), at -Cu (kulang sa Cu).

Iwasang may mapasamang upos ng sigarilyo, alikabok, at iba pang dumi sa hinalong lupa at abono. Ang wastong pag-iingat sa paggamit ng pormulasyon ng pataba ay napakahalaga.

sa mga alanganing lokasyon tulad ng lungkaw o lubluban ng kalabaw, o malapit sa mga nabubulok na bagay dahil makaaapekto ito sa resulta ng pagsusuri.

Page 10: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

-S

-Zn

-K-P

-NKumpleto

Maglipat-tanim ng 4-5 punla sa bawat paso, magtanim ng 6 na pinasibol na buto.

Panatilihing basa (hindi lubog) ang lupa hanggang bumulas na ang punla. Diligan ang halaman gamit ang tubig mula sa irigasyon, poso, o balon.

Kumpleto -N-P

-N

-K-Zn

-S

-Cu

-Cu

7

3

Page 11: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Kumpleto

-P-N

-K -Zn -S -Cu

Dalawang pinakamalusog na halaman lamang ang 10 araw pagkalipat-tanim, o 7-10 araw pagkatanim ng pinasibol na buto. Panatilihin ang 2 sm na tubig sa paso.

Obserbahan ang paglaki ng palay 14 araw pagkatanim. Palakihin ang halaman hanggang 30-45 araw pagkalipat-tanim, o 55 araw matapos pagkatanim ng pinasibol na buto.

14 na araw matapos ang lipat-tanim o pagtatanim ng buto

30-45 araw matapos ang lipat-tanim o pagtatanim ng buto

pagsibol ng buto hanggang sa pagsuwi

8

4

Page 12: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Makalipas ang 30-45 araw, ikumpara ang halaman ng anim na paso sa halamang nasa pasong may tatak na “kumpleto” na inaasahang maganda ang bulas. Kung ang mga halaman ay kasing-lusog ng halamang may kumpletong pataba, patunay ito na sapat ang sustansya ng lupang sinusuri. Bilangin ang suwi. Kung ang bilang ng suhi ng halaman sa isang paso ay 80% o mas mababa kaysa sa halaman na may kumpletong abono, ang sustansya na nakamarka sa paso ay kulang.

Matabang lupa

Lupang kulang sa N, P, K, Zn, at S

kumpleto -P-N -K -Zn -S -Cu

kumpleto

9

5

Page 13: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Putulin ang halaman maliban sa ugat at ihambing ang timbang ng biomass sa bawat paso sa biomass ng nasa pasong “kumpleto”. Kung ang biomass ng alinman sa mga paso ay maunti sa 80%ng biomass ng nasa pasong “kumpleto”, tiyak na kulang ang sustansya na nakatatak sa naturang paso.

kumpleto-P-N -K -Zn -S -Cu

Ang “biomass” ay siyang kabuuang timbang ng pinatuyong halaman na hindi kasama ang ugat.

10

6

Page 14: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

ILANG MGA KAILANGANG SUSTANSIYA NG HALAMANG PALAY, Tungkulin, at mga Sintomas ng Kakulangan

Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulanganNitroheno ◊ Nagbibigay ng berdeng

kulay sa mga bahagi ng palay

◊ Nagpapabulas palay at nagpaparami ng suwi

◊ Nagpapalaki sa mga dahon at butil, nagpaparami sa mga butil sa uhay, at nagpapataas sa taglay na protina ng mga butil

◊ Nagpapahaba at nagpapasigla sa ugat

◊ Nagpapa-aga ng pamumulaklak ng palay at paghinog ng mga butil

◊ Bansot na halaman at kakaunti ang suwi

◊ Makikitid at maiiksi ang mga dahon na nakatirik, at manilaw-nilaw ang pagkaberde habang tumatanda ang halaman

◊ Ang matatandang dahon ay nagkukulay-dayami at namamatay

Posporo ◊ Nagpaparami ng mga suwi upang makabawi at maging mas kumpleto ang halaman na dumanas ng masamang panahon

◊ Nagpapaganda sa mga butil upang maging mataas ang presyo

◊ Bansot ang palay at kaunti lang ang suwi

◊ Makikitid, maiiksi, at sobrang berde ang mga dahon

◊ Ang mga talbos ay mas malulusog kaysa sa matatandang dahon na nagkukulay-kape at namamatay

◊ Namumula o kulay-murado sa dahon ng palay dahil ang anthocyanin

11

Page 15: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

ILANG MGA KAILANGANG SUSTANSIYA NG HALAMANG PALAY, Tungkulin, at mga Sintomas ng Kakulangan

Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulanganPotasyo ◊ Nagpaparami ng suwi, at

nagpapalaki at nagpapabigat sa mga butil.

◊ Nagpapabilis ng pagsipsip ng palay sa abonong posporo

◊ Isinasaayos ang pagbukas at pagsara ng mga istomata (pinong butas sa dahon) upang malabanan ang masamang epekto ng klima

◊ Pinalalakas ang palay laban sa sakit na rice blast at Helminthosphorium

◊ Bansot na palay at kakaunti ang suwi

◊ Maiiksi, nakalaylay, at sobrang berde ang mga dahon

◊ Paninilaw ng dahon, mula sa dulo, at natutuyot na kulay-kape

◊ Kulay-kapeng batik sa magulang na berdeng dahon

◊ Mahahaba at payat na mga uhay

◊ Pagkalanta kung bitin din sa N

Zinc ◊ Pagbuo ng auxin, isa sa mga kilalang ensaym na nagpapalaki ng palay

◊ Nagpapalago ng mga punla

◊ Ang gitnang ugat sa dahon, lalo na sa ibaba, ay kulay-kape.

12

Page 16: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

◊ Pagkabansot habang nagsusuwi

◊ Kumikitid na gilid ng dahon at ang lapak ay bahagyang apektado

◊ Hindi parehas na paglago at nabalam na paggulang ng palay

Sulpur ◊ Kalahok sa pagbuo ng bitamina at ng ilang hormon

◊ Mahalaga sa paggana at pagbuhay ng maraming ensaym.

◊ Tulad ng sintomas ng kakulangan sa N

◊ Manilaw-nilaw na lapak, hanggang sa gilid ng dahon at ang buong halaman ay mapusyaw sa panahon ng pagsusuwi

◊ Hindi gaanong lumalaki ang palay at kakaunti ang suwi

◊ Maiiksi ang uhay, kakaunti ang butil sa paggulang

Iron ◊ Pagbuo ng kloropil at protina

◊ Pumipigil sa pagsipsip ng palay ng sobrang potasyo

◊ Ang buong dahon ay mamuti-muti o mapusyaw

13

Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulangan

Page 17: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

14

Wastong pangangalaga ng PaSo ng MOET

1. Ilagay ang mga paso ng MOET sa lugar na naaarawan at madali itong masubaybayan. Huwag ilagay sa mga daanan ng tao at mga hayop. Iwasang maihian ang mga ito upang hindi makontaminado ang mga paso na sanhi ng maling resulta.

Ilang paalala:◊ Kung malapit kayo sa bukid, ilagay ang mga paso sa

papag at ilagay sa bukid.◊ Kung mayroon kayong mga halaman na nakalagay sa

papag, isama ang mga paso ng MOET upang palagi silang matubigan at maalagaan.

◊ Kung kailangan, maglagay ng harang sa mga paso upang hindi makain ng mga hayop.

2. Kung may kulang na sustansiya sa lupang sinusuri, magkakaiba

ang tubo ng palay. Huwag maglagay ng abono sa mga paso na hindi maganda ang tubo ng palay.

3. Huwag hayaang matuyuan ang mga paso upang di mangaluntoy ang mga dahon, at mapanatiling katulad ng tubigang-lupa ang sampol sa paso.

Elemento Tungkulin Sintomas ng kakulanganCopper ◊ Pagdepensa sa selyula at

pagbuo ng ensaym

◊ Pinadadali ang potosintesis, paghinga ng halaman, pertilisasyon, at pagbuo ng polen o bulo ng bulaklak

◊ Nakabilot na dahon

◊ Hindi gaanong nagsuwi

◊ Kakaunting polen

◊ Ang mga dahon ay mapusyaw bago maging kulay-kape

Page 18: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Kulang na elemento

10 araw pagkalipat-tanim ng 21 araw na gulang na punla o 14 araw pagkalipat-tanim kung nagdapog (12 araw na punla o 20 araw pag sabog-tanim)

Gitnang bahagi ng pagsusuwi Paglilihi

Tag-araw Tag-ulan Tag-araw Tag-ulan

N 1 sako ng urea (46-0-0) 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-24) 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at P 2.5 sako ng ammophos (16-20-0) 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at K 1 sako ng urea at kalahating-sako ng muriate of potash (0-0-60) 3 sako ng urea 2 sako ng urea

1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

1 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

N, P, at K 3 sako ng 14-14-14 3 sako ng urea 2 sako ng urea1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

1 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

N, K, at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-0-24) at 0.5 sako ng 0-0-60 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea

2 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

N, P, at S 2 sako ng ammophos at kalahating sako ng ammosul 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at Zn 1 sako ng urea at maglagay ng zinc sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa zinc* 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at Cu 1 sako ng urea at maglagay ng copper sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa copper** 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

Rekomendasyon kada ektarya (Para sa ani ng 5 tonelada kung tag-araw at 4 tonelada kung tag-ulan)

* Mas mura at praktikal kung isasawsaw na lang sa 2% (10g/L) zinc oxide sulution ang ugat ng mga punla bago maglipat-tanim o kaya ay magbomba ng 2% (20g/L) zinc sulfate sa punlaan 2-3 araw bago maglipat-tanim. Maglagay pa ng 20-25 kg zinc sulfate kung kailangan sa loob ng 3 linggo pagkatanim.

** Mas mura at praktikal kung mag-iespray na lang ng 0.4% (4g/L) copper sulfate sa punlaan 2-3 araw bago maglipat-

15

Page 19: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Kulang na elemento

10 araw pagkalipat-tanim ng 21 araw na gulang na punla o 14 araw pagkalipat-tanim kung nagdapog (12 araw na punla o 20 araw pag sabog-tanim)

Gitnang bahagi ng pagsusuwi Paglilihi

Tag-araw Tag-ulan Tag-araw Tag-ulan

N 1 sako ng urea (46-0-0) 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-24) 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at P 2.5 sako ng ammophos (16-20-0) 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at K 1 sako ng urea at kalahating-sako ng muriate of potash (0-0-60) 3 sako ng urea 2 sako ng urea

1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

1 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

N, P, at K 3 sako ng 14-14-14 3 sako ng urea 2 sako ng urea1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

1 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

N, K, at S 2 sako ng ammonium sulfate (21-0-0-24) at 0.5 sako ng 0-0-60 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea

2 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

1.5 sako ng urea at kalahating sako ng 0-0-60

N, P, at S 2 sako ng ammophos at kalahating sako ng ammosul 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at Zn 1 sako ng urea at maglagay ng zinc sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa zinc* 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

N at Cu 1 sako ng urea at maglagay ng copper sulfate sa mga parteng may senyales ng kakulangan sa copper** 2.5 sako ng urea 1.5 sako ng urea 2 sako ng urea 1.5 sako ng urea

Rekomendasyon kada ektarya (Para sa ani ng 5 tonelada kung tag-araw at 4 tonelada kung tag-ulan)

*** ***

16

tanim kaysa sa isabog ang granular na copper sulfate sa bukid. Maaari ring mag-apply ng fungicide sa daming 2-3 g/L na katumbas ng 1.54-2.31g copper hydroxide (Cu(OH)2).

*** Sundin ang mga rekomendasyon ukol sa urea sa kasagsagan ng pagsusuwi at sa paglilihi kung walang LCC .

Page 20: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

SANGGUNIAN:

Anaeto, S.G. Minus-One: A nutrient deficiency test. PhilRice Newsletter, Vol.13. no. 6, 2000.

CECAP and PhilRice. 2000. Highland Rice Production in the Philippine Cordillera. Central Cordillera Agricultural Programme (CECAP), Banaue, Ifugao, and Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Maligaya, Muñoz,

Nueva Ecija.

Descalsota J.P., C.P. Mamaril, G.O. San Valentin, A.L. Ayo, T.M. Corton, and S.R. Obien. Biological methods for diagnosis of nutrient limitations and balancing fertilizer application to lowland rice soils.

Descalsota, J.P., C.P. Mamaril, G.O. San Valentin, and T.M. Corton. Minus-one element kit (MOEK) for diagnosis of multiple nutrient deficiencies.

Wells, B.R., et al. 1993. Chapter 3: Rice in Nutrient deficiencies and toxicities in crop plants. William Bennett (ed). APS Press, The American Phytopathological Society, St. Paul, Minnesota.

17

Page 21: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

18

Tala

Page 22: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Tala

Page 23: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang

Subject Matter Specialists Cezar P. Mamaril, PhD* Constancio A. Asis Jr., PhD* Josue P. Descalsota+

Teodula M. Corton, PhD Jovino L. De Dios Salvador I. Yabes+

Managing Editor/Layout Artist Christina A. Frediles Alfred Franco T. Caballero

Illustrator Carlito N. Bibal

Editorial Advisers Karen Eloisa T. Barroga, PhD Ruben B. Miranda * Filipino Version

For more information, text the PhilRice Text Center 0920-911-1398write, visit, or call: Agronomy, Soils, and Plant Physiology Division Philippine Rice Research Institute Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija Tel. No. (044) 456-0285; -0113; -0651 local 215/217/212

Readers are encouraged to reproduce the content of this bulletin with acknowledgment.

Page 24: Pagsusuri ng Kakulangan ng Sustansiya sa Lupa Gamit ang