Click here to load reader

Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

  • View
    1.099

  • Download
    58

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

Text of Pagsusuri Sa Panitikang Pilipino

ADAMSON UNIVERSITYCOLLEGE OF BUSINESS ADMINISTATIONMANAGEMENT AND MARKETING DEPARTMENT

ANG PAGSUSURISA PANITIKANG PILIPINO sa Panahon ng Kontemporaryo

Ipinasa nina:

Castro, Jillienne DL.Clara, RoiloDacillo, Al Vincent M.Domingo, Dennimar O.Hernandez, Jillian Ayn Sophia P.Macasaquit, Ryan D.Panser, John StevhenQuerimit, Coleen Janine SG.Quiroz, JustinSantiago, Camille Apple C.Suba, Risaflor A.

Ipinasa kay:

Professor Violeta Dulatre

NilalamanI. PanimulaII. Talalambuhay ng Manunulat Aniceto F. Silvestre Rogelio Sikat Genoveva E. Matute Amado V. Hernandez Lualhati Bautista Alejandro G. Abadilla Lamberto E. Antonio Patrocinio V. Villafuerte Robert Ong Efren Abueg

III. Mga Akda at Pagsusuri Tuluyan Ang Ibong Mandaragit (Castro, Jillienne DL.) Bangkang Papel (Clara, Roilo) Sa Lupa ng Sariling Bayan (Dacillo, Al Vincent M.) Impeng Negro (Domingo, Dennimar O.) Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (Hernandez, Jillian Ayn Sophia P.) Luha ng Buwaya (Macasaquit, Ryan D.) Sa Bagong Paraiso (Panser, John Stevhen) Ang Kwento ni Mabuti (Querimit, Coleen Janine SG.) Batik ng Buwan (Quiroz, Justin) Tata Selo (Santiago, Camille Apple C.) Gapo (Suba, Risaflor A.) Patula Patnubay (Castro, Jillienne DL.) Kalayaan (Clara, Roilo) Manipesto ng Isang Dayo (Dacillo, Al Vincent M.) Ang Pagbabalik (Domingo, Dennimar O.) Ang Panday (Hernandez, Jillian Ayn Sophia P.) Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan (Macasaquit, Ryan D.) Isang Dipang Langit (Panser, John Stevhen) Ako ang Daigdig (Querimit, Coleen Janine SG.) Pamana ng Lahi (Quiroz, Justin) Bagong Taon (Santiago, Camille Apple C.) Lilik at Pluma (Suba, Risaflor A.)Panimula

Sa panahon ng kontemporaryo, ang mga manunulat na sina Rogelio Sicat, Rogelio Ordones, Efren Abueg,Virgilio Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho, Clemente Bautista, at iba pa ay naglantad ng mga totoong pangyayari upang mapayani ang realismo. Inilarawan sa kanilang mga akda ang mga pangit at magandang nangyayari sa lipunan.Buong tapang nilang inilantad ang mga kabulukan ng pulitika, ang pamahalaan, ang paghihirap ng mga mamamayang biktima ng karahasan at kahirapan, ang pagtaas at pagbaba ng krimen, prostitusyon at eksploytasyong ng mga kabataan. Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng ating manunulat, lalo't higit pa iyong mga nagsisimula pa lamang sa larangang ito ng pagsulat. Maging ang mga komiks magasin ay nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang porma at nilalaman at umayon sa hinihingi ng mga simulain ng Bagong Republika. Nagpatuloy ang pagpapayaman sa atingwika lalong higit nang ipalabas ng Pangulong Aquino ang Executive Order No. 335 noong Setyembre 1988. Ito ay nag-uutos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at iba pang sektor sa lipunan na payamanin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng tahasang paggamit nito sa mga liham na korespondensiya, memorandum, mga pulong at maging sa sesyon ng Senado at Kongreso. Ito ay ibinatay ng pangulo ayon sa isinasaad ng Bagong Saligang Batas na niratipika ng mga PIlipino noong 1987. Samantala, ang Carlos Palanca Memorial Awards ay nagpatuloy sa pagkilala sa mga manunulat ng ating bayan sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga gawad taun-taon. Gayundin ang ginagawa ng Cultural Center of the Philippines at mga iba pang nananatiling patron ng panitikang Pilipino. Maging sa mga paaralan, mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo ay nagkaroon ng sigla ang larangan ng panitikan sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga literary contest. Sa ganitong paraan maraming mga kabataang may potensiyal ang natutuklasan na susunod sa mga yapak ng ating magigiting at masisining na alagad ng sining ng panitikan.

Talalambuhay ng Manunulat

Aniceto F. Silvestre

Si Aniceto F. Silvestre ay ipinanganak sa San Mateo, (na sa ngayo'y Lalawigan ng Rizal) noong Abril 17, 1898.Bagama't di nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa pagsusulat, siya ay nakapagsulat at nakapag-ambag sa panitikang Pilipino ng magagandang tula, maikling kuwento, nobela at sanaysay.Ang kanyang mga tula na natipon sa katipunang Kalikasan ay pinagpangkat-pangkat sa walo: Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-ibig, Tatag ng Pananalig, Tanda ng Pag-asa, Bukas sa Landas ng Kadakilaan at Dugo sa Ningning ng Araw.Ang mga karangalang nakamit ni Aniceto F. Silvestre sa pagsusulat ng tula ay apat na Unang Gantimpala (bago magkaroon ng digmaan); isang Ikatlong Gantimpala (panahon ng Komonwelt na pamahalaan); isang Unang Gantimpala (ika-10 taon ng Republika ng Pilipinas); at isang Unang Gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1969.

Rogelio Sikat

SiRogelio R. Sikat(kilala rin bilangRogelio Scat) (1939-1996) ay isang Pilipinongpiksyonista,mandudula,tagasalinwika, attagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro,Nueva Ecija,Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula saPamantasan ng Santo Tomasat isang MA saFilipinosaUnibersidad ng Pilipinas.Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas saLiwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo saPen & Ink III.Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ngManila Critics Circleng isangNational Book Awardpara sapagsasalinwika.

Genoveva Edroza-Matute

SiGenoveva Edroza-Matuteay isang premyado at kilalang manunulat. Siya ay nagtapos sa University of Santo Tomas kung saan din siya nagkamit ng Ph. D. Nagturo siya ng 46 na taon sa mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng pagtuturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.Sa karera niya bilang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal mula sa Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of Education at marami pang iba.Natamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentongKwento ni Mabuti. Nagwagi rin ng Gawad Palanca ang kanyang kwentongPaglalayag sa Puso ng Isang Batanoong 1955, at angParusanoong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong 1992.Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento" ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang "Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa panitikang Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Amado Vera Hernndez

Si Amado V. Hernandez ay isang makata at manunulat sawikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy,Bulacan, ngunit lumaki saTondo, Maynilakung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na siAtang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mgaPambansang Alagad ng Siningsi Hernandez para saPanitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.

Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Ilan sa kanyang mga akda ayDekada 70, Bata Bata Pano ka Ginawa? at Gapo.Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Nakapagtapos siyang elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at sekondarya sa Torres HighSchool noong 1962.Siya ay pumasok sa Lyceum University of the Philippines sa kursongjournalism ngunit nag-drop bago pa man matapos ang kanyang unang taon.Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa kanyangmakatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga babaengFilipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae na may mahirap nasitwasyon sa bahay at sa trabaho.Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) pata sa nobelang Gapo, Dekada 70 atBata, Bata Paano ka Ginawawa?, mga nobelang naglalarawan nang kaapihan n

Search related