42
Panimula Ang Maynila ang sentrong lunan ng mga mahahalagang pangyayari sa nobelang ito. Sinasalamin nito ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga mamamayang nabibilang sa lipunan. Ito ang sentro ng kayamanan kung saan nagkalat ang mga tituladong tao at mayayamang mangangalakal na nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Mulat ang Maynila sa pagyabong ng makabagong kabihasnan. At ang kapalit nito’y ang pagbabago sa lipunang dati’y punong- puno ng pagpupuri. Sinasaklaw ng nobela ang pagbabago ng Maynila at ang pagbabago ng mga tao sa isang lipunan. Ang Maynila, magandang siyudad ng Pilipinas ay may ikinukubling kabulukan. Ang mga babaeng animo’y malilinis at mararangal ay may itinatagong kabulaanan. Nakatuon ang nobela sa paglalaho ng puri at katwiran ng isang tao. Ang mga pangyayari sa nobela ay umiikot sa panloloko, pagtataksil, eskandalo at pighati. Binigyang buhay dito ang mga karakter ng mga pangunahing tauhan na sina Pakito, Bandino at Nenita. Umiinog ang nobela sa mga masaya at maningning ngunit maingay at masalimuot na buhay ng mga karakter. Bawat isa ay

Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Philippine literature

Citation preview

Page 1: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Panimula

Ang Maynila ang sentrong lunan ng mga mahahalagang pangyayari sa nobelang ito.

Sinasalamin nito ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga mamamayang nabibilang sa lipunan.

Ito ang sentro ng kayamanan kung saan nagkalat ang mga tituladong tao at mayayamang

mangangalakal na nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Mulat ang Maynila sa pagyabong ng

makabagong kabihasnan. At ang kapalit nito’y ang pagbabago sa lipunang dati’y punong-puno

ng pagpupuri.

Sinasaklaw ng nobela ang pagbabago ng Maynila at ang pagbabago ng mga tao sa isang

lipunan. Ang Maynila, magandang siyudad ng Pilipinas ay may ikinukubling kabulukan. Ang

mga babaeng animo’y malilinis at mararangal ay may itinatagong kabulaanan.

Nakatuon ang nobela sa paglalaho ng puri at katwiran ng isang tao. Ang mga pangyayari

sa nobela ay umiikot sa panloloko, pagtataksil, eskandalo at pighati. Binigyang buhay dito ang

mga karakter ng mga pangunahing tauhan na sina Pakito, Bandino at Nenita. Umiinog ang

nobela sa mga masaya at maningning ngunit maingay at masalimuot na buhay ng mga karakter.

Bawat isa ay mayroong mga mahahalagang papel na ginagampanan na nagpapakita ng tunay na

karanasan.

Ang nobelang ito ay nakatuon sa pagtataksil ng isang babaeng tinitingala sa mataas na

antas ng lipunan. Sa kabila ng kagandahang pinagkakaguluhan ng maraming kalalakihan, ay may

nakatagong kahalayan. Ang pagkasira ng buhay ng isang tao, pagkawasak ng isang iniingatang

pangalan at pagkawala ng mga taong pinag-uukulan ng pag-ibig ay binigyang-diin sa nobela.

Inihahayag ng nobelang ito ang mga tunay na mga karanasan at pangyayari na naghahatid

ng mga mensaheng makapupukaw sa kamalayan ng isang mambabasa. Inilalahad nito ang

katuturan ng pamagat na Sampaguitang Walang Bango.

Page 2: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Talambuhay ng May-akda

Ipinanganak si Inigo Ed Regalado noong Marso 19, 1888 sa Sampalok,Manila. Siya ay

anak nina Iñigo Regalado y Corcueca at Saturnina Reyes. Siya ay tanyag noon sa sagisag

na Odalager. Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa at ng lingguhang

magasin na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-

ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo

ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941.

Nag-aral si Inigo Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang

kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de Manila, at ang

kanyang Bachiller en Leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas

(Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase

niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi lamang siya makata, isa rin

siyang kwentista, nobelista at peryodista. Ang kanyang nobelang Sampaguitang Walang

Bango ay nasulat sa panahong Ginto ng nobelang Tagalog. Ito'y tungkol sa isang babaing martir

ngunit sa huli ay nagtaksil kaya iniwan ng asawa. Katulad siya ng sampaguita na akala ng

marami ay maganda, dalisay at namumukod sa kabanguhan subalit sa kabila noon ay naging

taksil kaya itinuring na sampagitang walang bango.

Si Odalager bilang manunulat ng maikling kuwento at nobela ay maingat sa pagpili ng

mga salitang naglalarawan ng mga tauhan at natural na salitaan at tagpuan. Naging patnugot siya

ng Surian ng Wikang Pambansa at guro ng wika sa iba't ibang Unibersidad ng Maynila.

Kung si Odalager ay nakilala bilang isang kwentista, nobelista at mamamahayag sa

larangan ng panitikan, higit siyang makata dahil sa kanyang mga tula madarama ang linamnam

Page 3: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

ng kanyang panulat. Naging paksa ng kanyang mga tula ang buhay at mga bagay-bagay sa

kapaligiran.

Tumanggap siya ng Republic Cultural Heritage Award for Literature noong 1968.

Ilan sa mga nasulat ni Odalager ay Sampaguitang Walang Bango, May Pagsinta'y Walang

Puso at Dalaginding. Sa mga tulang nasulat niya, ay mababanggit ang Sabi Ko Na Nga

Ba, Dahil sa Pag-ibig, Madaling Araw at Kung Magmahal Ang Isang Dalaga. Ang tula niyang

nagbigay sa kanya ng di-kakaunting karangalan ay ang Laura. Tumanggap siya rito ng Unang

Gantimpala mula sa Samahang Mananagalog. Pinaksa ng tulang ito ang mga katangian ni Laura,

ang musa ni Balagtas sa Florante at Laura.

Bilang isang mahusay na manunulat, ang sining ng magandang pangungusap ang

kaniyang batayan sa kaniyang pagsusulat. Siya ay kilala sa mga mabulaklak na prosa, halos

patula, habang maingat na ipinapasok ang kaisipan, salitaan, malig, kasaysayan ng daigdig na

tagalong sa kapuluan ng panitikang Filipino. Hindi niya gagayahin ang mga akdang Ingles at

manapa’y lilikha ng sariling pamantayan. Hindi rin siya nagsusulat para lamang sa salapi. Para sa

kaniya ang mga manunulat ay may dakilang tungkulin para sa kanilang bayan at sa kanilang lahi.

Matalim ang mga pangungusap niya hinggil sa impluwensiyang Kanluranin ngunit nagbubukas

ng malawak na posibilidad sa mga manunulat na Tagalog na kamtin ang pambansang kaakuhan

sa pagkatha at pagbasa ng angking panitikan.

Page 4: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Buod

Noong 17, 1917, araw ng Sabado, sa palasyo ng Malacanang ay nagkaroon ng isang

malaking pagdiriwang bilang pagtanggap sa bumubuo ng lehislatura. Ito ay dinaluhan ng mga

panauhin mula sa matataas na antas ng lipunan. Kabilang sa mga panauhing pinakatampok sa

kagandahan sa gabing iyon si Nenita. Kasama niya ang kanyang asawa na isang mayaman at

tanyag na mangangalakal, si Mang Bandino. Habang siya’y tahimik, nagpatuloy sa pag-aaliw

ang kanyang kabiyak na tuwang-tuwa sa pakikipagsayaw sa iba’t ibang babae. Niyaya siya ni

Pakitong sumayaw at ito’y kaniyang pinaunlakan. Si Pakito ay ang binatang abogado na dating

kasintahan ni Nenita na magpahanggang ngayon ay taos-puso pa ring umiibig sa kanya. Dahil sa

kapaguran sa pagsasayaw, nagpasya ang dalawa na magpahinga nang sila ay makapag-usap. Sa

kanilang salitaan, may mga tinuran si Nenita na nakatawag ng loob ni Pakito. Mukhang may

dinaramdam ang kanyang sinta sa asawa nito. Muli silang sumayaw at ipinagpatuloy ang

kanilang salitaan. Nanariwa ang pag-ibig na napaham ng panahon sa pagitan nilang dalawa.

Pagkatapos ng isang tugtog ay nagpasya ang dalawa na tumigil na ngunit nangakong ang muli

nilang pagkikita ay hindi nagtatapos sa piging na iyon at nagkasundong magkikita sa darating na

Sabado. Sa pagsapit ng madaling-araw, nagpaalam na ang mga panauhin, ang mag-asawang

Deala gayundin si Pakito na nagkasabay sa kanilang pag-alis.

Araw ng Linggo, nagising si Nenita na wala ang kanyang asawa sa kanyang tabi.

Gayunpama’y batid na niya na sa abala na naman ito sa pag-aaliw. Habang nasa harap ng

salamin, nakikita niya ang sarili na hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagandahan na lubos na

kinahuhumalingan ng maraming lalaki lalo na ng siya ay dalaga pa lamang. Wala na siyang

ibang dinidili kung hindi si Pakito. Sa muli nilang pagkikita ni Pakito, hindi na niya

pinagpapansin ang pag-aaliw ng asawa. Muling binalikan ni Nenita ang matamis nilang simula ni

Page 5: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Pakito at ang pagdating ng araw ng hapis sa kanilang pag-ibig na naging dahilan ng kanilang

hiwalayan. Hanggang sa pinag-aaralan niyang limutin si Pakito at nakilala si Bandino na naging

kanyang kabiyak. Nang malaon, ay nalaman ni Pakito ang kanyang pagpapakasal at ito’y lubos

na nanibugho sa pag-aakalang iniwan siya ni Nenita dahil sa kaniyang pagiging maralita. Sa

kalauna’y nalaman ni Nenita na mali ang kanyang hinala kay Pakito na may ugnayan ito kay

Liling. Magkagayunpama’y naisip niyang kanya ng muli si Pakito. Tinawagan niya ito at

sinabing tuloy ang kanilang pagkikita sa araw ng Sabado.

Samantala, nahihiwagaan naman si Pakito kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Nenita.

Naisip niyang itigil na ang muling pakikipag-ugnayan sa dating katipan ngunit naramdaman

niyang muli ang pagtibok ng kaniyang puso para sa babaeng may asawa na.

Nagtungo si Pakito sa klub kung saan ngkakaingay ang kaniyang mga kasama. Ang klub

ay itinayo ng mga maykaya at titulo sa lipunan na kung saan ito ay may sari-sariling libangan.

Kasama ang matalik na Peralta at Collantes, pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-iibigan ng

may-asawang lalaki. Sinabi ni Peralta na ito ay imoral at labag sa batas ng lipunan. Samantalang

ayon naman kay Peralta, ang hindi pagtanggap sa babaeng nag-aalay ng ligaya bagaman ito ay

may asawa na ay karuwagan at insulto sa pagkalalaki. Matapos ang makakatuwirang palitan ng

mga pahayag, nagkabiruan ang magkakaibigan maliban kay Pakito na naiwang tahimik na iniisip

ang mga narinig sa salitaan.

Isang umaga, napadaan sa tapat ng bahay ng mga Deala si Don Diego. Inanyayahan siya

ng mag-asawang Deala sa kanilang tahanan at nagalak ang matanda sapagkat nakita niyang

magkasama ang mag-asawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Don Diego ang pag-aaliw at pagtataksil

ni Mang Bandino, kaya nama’y lubos siyang naawa sa asawa nito na lagi niyang nakikitang

malungkot.

Page 6: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Samantala, isang araw ay nagtungo so Mang Bandino sa tahanan ni Don Diego.

Ikinuwento niya rito ang kanyang mga karanasan sa pang-aaliw at katulad ng dati, nagkukuro

ang matanda tungkol sa kaniyang mga maling gawain. Sinabi nito na kung si Nenita ang

nagkaroong ibang lalaki, marahil ay hindi rin niya ito matatnggap. Naisip ni Mang Bandino na

hindi niya iyon matatanggap at baka makapatay pa siya. Ngunit hindi siya nag-aalala sapagkat

uliran at mabait ang kaniyang asawa. Kinaumagahan ay ipinagmalaki pa ni Mang Bandino ang

kanyang tagumpay na mapasagot ang isang babaeng matagal na niyang kinahuhumalingan.

Walang nasabi ang matanda at awang-awa kay Nenita.

Araw na ng Sabado, sa paligid ng Luneta ay maraming magagarang babae at sasakyan ng

mga kalalakihan. Ang lugar na ito ay naging aliwan na ng mga tinatawag na hari. Dito rin

magtatagpo sina Nenita at Pakito. Sa kanilang pagtitipan ay namayani ang simbuyo ng pag-ibig.

Muling nanariwa kay Pakito ang kanilang matamis na yaman ng kahapon ngunit ipinaalaala ni

Nenita ang kanilang kalagayan. Gayunpaman ipinilit pa rin ni Pakito na ibalik ang dati nilang

pag-ibig na madali namang sinang-ayunan ni Nenita. Napagdesisyunan ng dalawa na

mananatiling isang lihim ang kanilang pagtatalik habang buhay. Ito ang gabi ng pagsisimula ng

kanilang pagtataksil.

Samantala, nag-iisip ng malalim si Don Diego tungkol sa babaeng kaibayo niya sa

tabing-dagat na malapit sa may Luneta kasama ang abogadong Herbosa. Natanto niya na iyo’y

walang iba kung hindi si Nenita, ang asawa ng matalik niyang kaibigang Bandino. Nangilabot

siya sa maaaring sapitin ni Nenita kapag nalaman ni Mang Bandino ang kaniyang pagtataksil.

Naisip niyang ito ay paraan marahil ni Nenita upang makilala ng asawa ang ginagawa nitong

kasalanan. Ngunit nanghihinayang siya sapagkat ang inakala niyang sampaguitang pinakatampok

ay isang sampaguitang walang bango. Siya ay nagalit sa mga magagarang may-asawang babae at

Page 7: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

tinuring ang mga itong sampaguitang walang bango dahil sa nasaksihan niyang pagtataksil ni

Nenita.

Nakatanggap ng isang liham si Pakito mula kay Pilar Amado o Liling na ikinapawi ng

tuwa’t sayang kanyang nararamdaman. Ang babaeng ito ay kanyang katipan mula ng siya ay

itinakwil ni Nenita. Sinagot niya ang liham at isinulat niya na hindi niya nababatid ang mensahe

ng liham, gayunpama’y humihingi siya ng paumanhin sa dalaga. Samantala, tinawagan niya si

Nenita upang tanungin kung ito ay tutungo sa handaan ni Esteban at sinabi rito na huwag ng

tutungo sa umano’y pagdiriwang sapagkat maaaring mabunyag ang kanilang lihim. Ngunit ang

totoo ay makikipagtipan siya kay Liling sa mismong handaan.

Sa araw ng piging sa bahay ni Esteban Collantes na para sa binyag ng pamangkin nito,

naroon si Liling at dumating din si Nenita sa kabila ng pagtutol ni Pakito. Nang magtagpo ang

dalawang babae, masaya silang nagbatian at nagyakapan. Naroon rin si Don Diego na lihim na

nagmamasid sa mga babaeng naroroon at tinuran sa sariling wala na talagang dalagang Filipina.

Hanggang sa nasilayan niya si Liling at pinabulaanan nito ang kanyang dinidili tungkol sa babae.

Bukod sa kanya, napansin din ng mga kasamahan ni Pakito ang kahinhinan ni Liling na higit sa

ibang babaeng naroroon,kaya naman ninais nilang ito’y makilala sa pamamagitan ni Pakito na

kakilala ni Liling.

Samantala, nakipagsayaw naman si Nenita sa maraming kalalakihan ngunit hindi pa rin

siya nilalapitan ni Pakito na tahimik sa isang sulok. Nang tangka niya itong lapitan, siya namang

paglapit dito ng isang babae at nagtungo ito sa komedor na agad niyang sinundan. Doo’y kaya

itong inusisa at tila nagulat si Pakito sapagkat akala niya ay si Liling ang kakausapin niya. Dahil

sa pangambang maabutan sila ni Liling sa gayong sitwasyon, itinaboy niya si Nenita na lubos

naman nitong ikinagalit. Sa pagbalik ni Pakito sa kasiyahan, narinig niya ang mga paghanga at

Page 8: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

papuri kay Liling. Isinayaw niya nag dalaga na ikinainis lalo ni Nenita. Nang sila’y pauwi na,

sinabi ni Nenita kay Pakito na siya’y ihatid na may kagaspangan sa pagsasalita, dahilan para

mapansin ito ni Peralta. Dahil sa inasal ni Nenita nabatid ni Peralta ang lihim nila Pakito.

Dahil hindi nakapag-usap sina pakito at liling sa piging ni Collantes, nagtungo siya sa

tahanan ng dalaga. Sa kanilang pag-uusap ay tinuran ng dalaga ang pagbabago sa pakikitungo sa

kaniya ng katipan na naging dahilan ng pagkakaroon ng mga agam-agam at pag-aalinlangan sa

katapatan nito. Upang mapawi ang mga pag-aaalinlangan ng dalaga, hinamon siya ni Pakito na

magpakasal silang dalawa. Ikinabigla naman ito ni Liling. Nagdalawang-isip siya at nagpasiyang

huwag tanggapin ang hinihiling ng katipan sapagkat ayaw niyang magkaroon ng maling desisyon

na pagsisisihan niya sa huli. Lubos itong ikinalungkot ni Pakito at nagpaalam ito na wasak ang

puso. Ngunit ang pagtanggi ni Liling ay paraan lamang niya upang subukin at sukatin ang lalim

ng pag-ibig sa kanya ng binata.

Dahil sa lumbay na nararamdaman ni Pakito, nagtungo siya sa Luneta at nadatnan niya si

Nenita at ang anak nito. Matapos, libangin ng alilang si Salud ang anak ni Nenita, nag-usap sina

Nenita at Pakito. Inusisa si Pakito ni Nenita kung bakit galit na galit ito sa kaniya nang hindi niya

ito sundin na huwag magtungo sa piging. Hindi siya tinugon ni Pakito hanggang sa nagbadya nag

pagbuhos ng ulan. Nang wala ng mga tao sa paligid, hinila ni Pakito si Nenita patungo sa

kaniyang oto hanggang tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan.

Samantala, nagtungo ang magkaibigang Mang Bandino at Lijuicom sa Silver Pollar.

Doon sila ay nag-inuman at buong pagmamalaking ikinuwento ni Mang Bandino ang kaniyang

tagumpay sa pagsulot sa lahat ng babaeng may asawa na ay nahuhumaling pa sa kaniya.

Pagkatapos niyon ay nagtungo sila sa bahay-sayawan sa San Juan kung saan naroon rin ang ilang

kaibigan ni Pakito tulad ni Peralta. Habang nagsasayaw ang magkaibigang lasing na sa alak,

Page 9: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

napansin ni Peralta si Mang Bandino na asawa ni Nenita. Dahil sa nabatid niyang lihim nina

Pakito at Nenita, naawa siya sa mayamang mangangalakal. Ngunit sa nasaksihan niyang pag-

aaliw nito, nasabi niyang may katwiran ang ginagawang pagtataksil ni Nenita.

Naguguluhan si Pakito sa kaniyang nararamdaman para kay Nenita at Liling kung kaya’t

ikinuwento niya ang tungkol dito sa matalik niyang kaibigang si Peralta. Sinabi nito sa kanya na

ang nararamdaman niya para kay Liling ay pag-ibig at tukso lamang ng kaniyang pagkalalaki ay

kay Nenita. Gayunpama’y pinayuhan din siya ni Peralta na magpakaligaya muna sa pagiging

binata at pag-isipang mabuti ang pag-aasawa. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagtungo

siya sa bahay nina Liling. Sinabi niya rito na hindi pa tamang panahon para sila’y magpakasal.

Kaya naman naisip ni Pakito na habang wala pa siyang asawa ay magpapakaligaya muna siya

kay Nenita. Pagkatapos niyo’y tinawagan niya si Nenita subalit ang alilang si Salud ang

nakasagot ng tawag. Nalaman ni Nenita na batid na nito ang kanilang lihim ni Pakito kaya

naman lubos siyang nag-alala. Binayaran niya ito at binigyan ng ilang damit at nangako naman

ito na mananahimik. Nang nagkausap na sila ni Pakito, nanaig ang kanilang di mapigilang

damdamin na kahit sa linya ng telepono ay nagawang mgapalitan ng maiingay na halik.

Hanggang sa dumating si Bandino na walang kamalay-malay sa pagkakatuwa ng kaniyang

asawa.

Dalawang buwan na ang lihim na pagtataksil nina Pakito at Nenita. Naging madalas ang

kanilang pagtatalik na kahit sa pamamahay ni Mang Bandino ay naging ganapan na ng kanilang

pagsasarili. Akala ng dalawa’y sina Salud at Peralta lamang ang nakaaalam ng kanilang

makasalanag lihim ngunit nababatid din ito ng kaibigan ni Mang Bandino na si Don Diego.

Bukod pa rito, nalaman din nitong pinagnanakawan ang kaniyang kaibigan.

Page 10: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Samantala, isang gabi, nang nasa loob ng kwarto nina Mang Bandino at Nenita si Pakito,

ninais nitong doon din mapalipas ng gabi. Ngunit hindi pumayag si Nenita hanggang biglang

dumating si Mang Bandino. Mabuti na lamang ay naging alerto si Salud. Sila’y nasabihan at

nkapagtago si Pakito samantalang namumutla naman si Nenita.

Nagkaroon ng prusisyong bayan para sa pagsisimula ng karnabal. Napakaraming tao na

halos karamiha’y magagandang babae. Isa na rito si Nenita na nakasakay sa isang magarang

karo. Nginitian nito sina Peralta at Pakito.

Samantala pagkatapos ng prusisyon ay nagtungo ang magkaibigan sa tinatawag na Jardin

de las Palmas. Sa loob nito ay may mga pribadong silid at agad naisip ni Pakito si Nenita.

Tinawagan niya ito at nagkasundong magtatagpo sa koronasyon. Dahil sa kapal ng tao,

nahirapan si Pakito na hanapin ang katipan. Nang sila’y nagkatagpo, sandali silang sumayaw at

pagkatapos niyo’y dinala na ni Pakito si Nenita sa Jardin de las Palmas. Sa pagpasok ni nenita,

nakita niya si Lijuicom. Siya’y nahintakutan ngunit ito’y pinawi ni Pakito. Sa loob ng pribadong

sili na Le Sonaire, naganap ang muli nilang pagsasarili. Pagkatapos niyon ay bumalik na sila sa

sayawan. Doo’y nakita ni Nenita ang kanyang asawa na nag-aaliw pa rin ngunit ng makita

niyang muli si Lijuicom, matatalim ang tingin nito sa kaniya.

Hanggang sa ika-7 araw ng karnabal, ang pagsasarili nina Pakito at Nenita ay muling

naganap sa Jardin de las Palmas. Ngunit ang hindi nila alam, lihim silang sinusundan ni

Lijuicom. Sa kaniyang nalaman, lubos siyang nanibugho para sa kaibigan. Noong una ay ayaw

pa niya itong sabihin ngunit kalauna’y hindi na niya ito natiis. Ibinunyag niya ang lahat sa

kaibigan. Sobrang galit ang nakita niya kay Mang Bandino lalo na ng makita niya ito ng harapan.

Sinabi nitong makapapatay siya ngunit pinaliwanagan niya ito na nakinig naman sa kaniya.

Hindi umuwi ng bahay si Mang Bandino.

Page 11: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Tanghali na ng umuwi si Mang Bandino sa kaniyang tahanan. Nadatnan niyang natutulog

ang kaniyang asawa at anak. Nang magising si Nenita inusisa niya ang asawa ngunit sa galit ni

Mang Bandino isinigaw niya ang buong pangalan ni Nenita na Ana Maria Del Prado.

Naramdaman ni Nenita na tunay na nagagalit ang kaniyang asawa. Sinabi sa kaniya ni Mang

Bandino ang lahat ng kaniyang nasaksihan. Nagulantang naman si Nenita sa pagkakabunyag ng

kanilang lihim ni Pakito. Naisip ni Mang Bandino na maaaring ito ay kabayaran sa lahat ng

kasalanang ginawa niya sa asawa niya. Naranasan na rin niya kung paano pagsukaban ng asawa.

Nagtungo siya sa bahay ni Don Diego upang ihinga ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sa

paglalahad niya sa matanda. Pinayuhan siya nito na walang magagawang mabuti ang

paghihiganti sapagkat ito ay maaaring lalo pang ikalugmok niya sa kahihiyan at kapahamakan

Kumalat na ang balita tungkol sa pagtataksil ni Nenita. Marami ang nasuklam sa kaniya

at naawa sa kaniyang asawa. Samantalang tagumpay naman ito ni Pakito para sa kanyang mga

kasamahan sa klub. Ngunit hindi ito naging lingid sa kaalaman ni Liling. Sinulatan niya si Pakito

at sinabing tapos na ang lahat sa kanilang dalawa. Dahil dito, nanlumo si Pakito at sinisi si

Nenita.

Naging malungkot ang bahay ng mga Deala at ilang araw na ring di lumalabas si Mang

Bandino. Lubha siyang nanibugho sa galit kay Nenita kaya’t pinasunog niya ang lahat ng

larawan nito. Naisip niyang maghiganti ngunit ito’y hindi makabubuti. Naisip din niyang

magpakamatay ngunit magiging kaawa-awa lamang ang kaniyang anak. Kinaumagahan ay

nagpahanda siya ng masarap na almusal at nanaog sa likod-bahay. Nakita siya ni Nenita at

inutusan ang anak na lapitan ito. Samantala, binunot ni Mang Bandino ang kaniyang baril at

tinangkang paputukin nang biglang tawagin siya ng kaniyang anak at sa lupa niya ito ipinutok.

Page 12: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Mag-iisang buwan na ng naging ulila sa asawa’t anak si Nenita. Mula ng nagpaputok ng

rebolber si Mang Bandino, nilisan na nito ang kanilang tahanan kasama ang kanilang anak at

kailanman ay din a bumalik. Lubos siyang nalungkot at nagdadalamhati. Natanto na ito marahil

ang parusang dulot ng kaniyang pagtataksil. Ang pagkawalay sa ank ang pinakamabigat na

parusa. Huli na rin para sa kaniya ang pagsisisi sapagkat wala na ang kaniyang puri at dangal.

Naisip niyang kitilin ang sariling buhay ngunit pinipigil siya ng pagmamahal sa anak. Sinisisi

niya ang kaniyang sarili sa pagkakalihis ng kaniyang landas.

Nagkatipon muli sa klub sa Pasay ang mga kasamahan ni Pakito. Doo’y pinag-usapan

nila ang pagtataksil ni Nenita sa asawa. sa pagdating ni Peralta, isinalaysay niya ang lahat ng

nalalaman tungkol kay Pakito at Nenita. Sa huli, sinisi nilang lahat si Nenita sa pagkakalugmok

ng asawa nito sa kahihiyan, sa pag-alis ni Pakito sa Maynila patungo sa malayong probinsya,

pagkakasakit ni Liling at ang pagkaudlot ng kasal nina Pakito at Liling.

Sa pagwawakas, naiwan si Nenitang lugmok sa kahihiyan at kalungkutan. Mistulang

baliw na ang dating pinakatampok na babae sa Maynila dahil sa pagdadalamhati sa pagkakalayo

sa anak. Si Pakito, naninibugho ang puso sa muling pagkabigo sa pag-ibig dahil sa tukso ng

dating katipan. Nilisan niya ang Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Si Mang Bandino

naman ay tuluyan ng nilisan ang Maynila kasama ang kaniyang bugtong na anak na nangungulila

sa pagkalinga ng ina.

Page 13: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Tauhan

Nenita

Siya ay may buong pangalan na Ana Maria del Prado Deala. Siya ang masunuring asaw

ni Don Bandino na kakatawan sa salungatang pagtitimpi, pagmamahal at pagtataksil. Siya ay

mulat at laki sa ginhawa at walang bigong kilos na di ambil ng kariwasaan.

Si Nenita ay isa sa mga pinakatampok na babae sa mataas na antas ng lipunan. Hindi

lamang dahil siya ay napakaganda ngunit siya rin ang tunay na asawa ng isa sa mga tinitingalang

mayamang mangangalakal. Ngunit gaano man siya kaganda, nagagawa pa rin ng kanyang asawa

na pagtaksilan siya at hindi iyon lingid sa kaniya. Sa halip na magalit at manibugho sa asawa,

pinapabayaan na lamang niya ito kung saan ito maligaya.

Sa isang piging sa palasyo ng Malacanang na dinaluhan niya at ng kaniyang asawa,

muling nagtagpo ang landas ni Nenita at ng kanyang dating kasintahan na si Pakito. Nagsayaw

sila at nag-usap tungkol sa kanilang buhay matapos ang maraming taon. Sa muli nilang

pagkikita, nanumbalik ang pag-ibig ni Nenita kay Pakito. Hindi ito mawaglit sa kaniyang isip at

lagi niya itong naaalala. Kaya’t ng muli silang magkita sa Luneta, hindi na napigilan ni Nenita

ang kanyang sarili at muli siyang nagpatianod sa kasayahang dulot ng pag-ibig ni Pakito. Naging

madalas ang kaniyang pakikipag-usap sa binata sa linya ng telepono at lagi rin silang nagtatagpo

sa Luneta para bigyang-daan ang kanilang pagsasarili. Nanatiling lihim sa loob ng ilang buwan

ang ginagawang pagtataksil ni Nenita sa asawa. Nang magbukas ang karnabal, nagkaroon siya

ng maraming pagkakataon para makipag-ulayaw sa dating katipan.

Ngunit ng mabunyag ang lihim nila, at nabatid ng kanyang asawa at ng mga tao sa

mataas na antas ng lipunan, siya ang naging pinakakaawa-awa sa mga nangyari. Sinisi niya ng

lubos ang kaniyang sarili sapagkat naging makasarili siya sapagkat mas pinili niyang pagtaksilan

ang kaniyang asawa kaya nasira ang kaniyang pamilya. Bukod pa sa mga panlalait ng mga tao sa

paligid, sa kahihiyang dulot ng kaniyang pagtataksil, ang pagkawala ng anak niya sa tabi niya ay

ang pinakamabigat na parusa.

Si Ana Maria del Prado o kilala sa tawag na Nenita ang sumasalamin sa pamagat na

Sampaguitang Walang Bango.

Page 14: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Mang Bandino

Siya ay isang mayamang mangangalakal sa Maynila at isa sa mga tinitingala sa larangan

ng pagnenegosyo. Siya rin ang asawa ni Nenita na maglalantad na di-mapigil na pagyurak sa

dangal ng babae

Napakahilig niya na mag-aliw sa kung saan-saang bahay- aliwan. Hindi niya inaalala ang

iisipin ng kaniyang asawa sapagkat naniniwala siyang uliran ito at naiintindihan nito ang

kanyang mga pangangailangan bilang lalaki. Marami siyang pagkukulang sa asawa sa aspektong

pang emosyunal ngunit hindi nagkukulang sa kasaganahan sa buhay. Ipinagmamalaki rin niya

ang kaniyang mga ginawang panunulot at pakikipag-relasyon sa mga may asawang babae na

nababaliw sa kaniya. Madalas man siyang payuhan ng kaniyang kaibigang matanda hinggil sa

kaniyang mga pag-aaliw, hindi niya ito alintana.

Hanggang isang araw, ibinunyag sa kaniya ng kaibigang si Lijuicom ang pagtataksil ng

kaniyang asawang si Nenita. Hindi niya ito matanggap at binalak na patayin ang asawa ngunit

napigilan siya ng kaibigan. Dahil sa paninibugho niya sa ginawa ng asawa, ninais na niyang

kitilin ang kaniyang buhay. Ngunit napigilan siya ng anak na si Neli. Sa kahihiyang dulot ng

pagtataksil ng kaniyang asawa, umalis siya sa bayang nagbigay sa kanya ng masalimuot na

karanasan kasama ang anak.iniwan niya ang kaniyang asawang si Nenita upang ito’y pasakitan

sa pamamagitan ng paglayo ng anak nito sa kaniya. Sinisi rin niya ang kanyang sarili sapagkat

ang pagtataksil marahil ng kaniyang asawa ang kabayaran sa kaniyang mga kasalanang ginawa.

Sa Baguio ay nagtungo sina Bandino at Neli upang magsimula ng bagong buhay na hindi kasama

si Nenita

Siya ay kilala rin bilang si Don Bernardino Deala.

Pakito

Siya si Francisco Herbosa, isang abogadong unti-unti ng nagkakaroon ng pangalan sa

mataas na antas ng lipunan. Siya ay sanay sa hirap ng buhay at nagsumikap upang maging

abogado.

Siya ang dating kasintahan ni Nenita. Ngunit natapos ang kanilang pag-ibig ng

magpakasal si Nenita sa isang mayamang mangangalakal. Lubos siyang nanibugho sa ginawang

pagtalikod ng dalaga kaya naman pinangako niya sa sarili na magsisikap siya upang maging

isang tanyag na abogado at makilala sa mataas na antas ng lipunan. Nang maabot na niya ang

Page 15: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

kanyang pangarap at naging mahusay na abogado, madalas na siyang inimbitahan sa mga piging

at sayawan na dinadaluhan lamang ng mga titulado. Muli siyang umibig sa katauhan ni Liling o

Pilar. Pareho angkanilang katayuan sa buhay at naging napakabait at napakatapat sa kanya ng

dalaga. Hanggang isang araw,nagkatagpo sila ng kaniyang dating katipan, si Nenita. May galit

man siyang nararamdaman dito dahil sa pagtalikod nito sa kaniya, mas nanaig sa kanya ang

pagmamahal niya sa unang babaeng minahal. Naging mapusok siya nang muling nasilayan ang

kagandahan ng dating katipan. Hiningi niyang muli ang kamay nito upang maging sila ulit kahit

may asawa na si Nenita. Para kay Pakito, kaniya ng muli si Nenita. Siya naman ay nagtagumpay

sapagkat napapayag niya si Nenita. Mula noo’y madalas na silang nagtatagpo hanggang sa muli

ng nakuha ni Pakito ang kabuuan ni Nenita.

Sa pagkahumaling naman niya kay Nenita, nawalan siya ng panahon sa kasintahang si

Liling. Nang pinadalhan siya ng liham nito ay agad siyang nagtungo sa tahanan nito. Niyaya

niys itong magpakasal para mawala ang mga pagdududa nito sa kaniya. Ngunit tinanggihan siya

nito at siya’y nanibugho. Sa kabila nito’y ipinagpatuloy niya ang pakikipag-ulayaw kay Nenita.

Nang dumating ang araw na nabunyag ang lihim nila ni Nenita, nanibugho si Liling at

tuluyan na siyang hiniwalayan. Dahil dito, sinisisi niya si Nenita. Umalis siya sa bayan ng

Maynila upang takasan ang kahihiyan at kalungkutan. Sa ibang bayan siya nagtungo, malayo sa

kabihasnan upang magsimula ng panibagong buhay.

Liling

Siya si Pilar Amado. Siya ay kababata ni Pakito na tulad ng lalaki ay lumaki rin sa

karalitaan. Nang magkahiwalay sina Pakito at si Nenita, siya ang naging takbuhan ni Pakito.

Hanggang sa sila ay naging magkasintahan. Itinuturing siya ni Pakito na balang araw ay magigng

mutya ng kaniyang tahanang matahimik at magiging susi ng kaniyang dangal habang nabubuhay

sa lupang ito.

Siya ay isang simpleng babae lamang at likas na mahinhin. Kaya naman ng minsa’y

dumalo siya sa isang piging, marami ang nakapuna sa kaniyang mayuming pagkilos. Isa na rito

si Don Diego na nilalahat ang mga babae na masasama at sukab. Matapat siya kay Pakito at sa

lalaking ito lamang niya inialay ang kaniyang bong puso.

Page 16: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Hanggang isang araw ay nabunyag ang pagkakaroon ng ugnayan ni Pakito at ng dati

nitong kasintahan na si Nenita. Nasira ang tiwala niya rito at nanibugho siya sa pagkabigo ng

kaniyang pag-ibig.

Don Diego Nakpil

Siya ang matandang kapitbahay ng mga Deala at matalik na kaibigan ni Mang

Bernardino. Siya ay balo at wala man lang kahit isang anak. Siya ay naging napakasikap at

walang panahong inaksaya sa pagiging mariwasa. Marami siyang pag-aaring mga bahay at

lupain sa buong Maynila. Napakahilig niyang magbasa ng pahayagan kaya naman alam niya

kung anu-ano ang nangyayari sa kaniyang kinaabibilangang lipunan.

Bilang matalik na kaibigan ni Mang Bandino, lagi niya itong pinapayuhan na tigilan na

ang kalukohan nito ngunit hindi siya alintana ng kaibigan. Siya rin ang unang nakasaksi sa

pagtataksil ni Nenita na noo’y inakala niyang malinis at ulirang asawa. Mula noo’y nag-iba na

ang pagtingin niya sa mga babaeng madalas ay may magagarang ayos. Tinawag niya ang mga

itong sampaguitang walang bango.

Don Mariano Lijucom

Siya ang kaibigan ni Mang Bandino na kadalasa’y kasama nito sa pag-aaliw. Naiinggit

siya sa kaibigan sapagkat marami na itong nakarelasyong babaeng may asawa. Para kasi sa

kanila’y isa itong tagumpay bilang lalaki.

Siya ang nakasaksi sa pagtataksil ni nenita sa kaibigang si Bandino nang minsa’y nakita

niya ang babaeng pumasok sa isang pribadong silid sa Jardin de las Palmas. Siya ang nagbunyag

ng lihim nina Pakito at Nenita sa kaibigang si Bandino.

Salud

Siya ang tapat na alila ni Nenita. Nang malaman niya ang kataksilan ng kaniyang among

babae, hindi niya ito sinabi sa among lalaki. Nanatili siyang tahimik at bilang kabayaran,

binibigyansiya ng salapi at mga damit ni Nenita. Naging kasabwat siya ni Nenita sa lahat ng

panloloko nito sa asawa.

Page 17: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Neli

Siya ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Deala. Sa murang edad, ay naranasan niya

ang hapis ng na dulot ng paghihiwalay ng kaniyang mga magulang dahil sa pagtataksil ng

kaniyang ina. Siya ang nagbibigay ng kulay sa buhay ng kaniyang mga magulang. At nang

isinama siya ng kaniyang ama sa paglayo nito, halos araw-araw siyang umiiyak sa pagkawalay

sa inang mahal.

Esteban Collantes

Siya ay isa ring abogado na matalik na kaibigan ni Pakito. Siya ay wala pang asawa

sapagkat sa paningin niya’y ang babae’y patuloy na maghahanap ng kaaliwan na ikasisira

lamang ng kapuriha’t kapayapaan ng isang tahanan.

Peralta

Isa rin siya sa mga kaibigansa klub ni Pakito. Siya ay isang arkitekto at isa sa mga

pinakamatanda sa kanilang samahan. Siya at si Collantes ang madalas na kausap ni Pakito. Isa

rin siya sa mga nakaaalam ng tinatagong lihim ng kaibigan na si Pakito.

Pargas at Valdez

Sila ay kabilang rin sa mga kasapi sa klub. Ang dalawang ito ay parehong inhenyero.

Dr. Buenconsejo at Dr. Ballesteros

Ang mga doktor na kasapi sa klub.

Martinez, Concepcion at Basa

Ang mga gurong miyembro ng klub.

Page 18: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

TAGPUAN

Maynila

Makabagong Maynila ang lunan ng mga pangyayari sa nobela, ang lungsod na binihisan

ng Amerikanisasyon, ang sentro ng yaman at libog, ang salamin ng naghuhunos na kaugalian at

kaisipan.

Palasyo ng Malacanang

Sa unang kabanata, dito ginanap ang isang pagdiriwang bilang pagtanggap ng

Gobernador Harrison sa bumubuo ng lehislatura. Ito ang tahanan ng mga matataas na pinuno ng

Sangkapuluan. Napapaligiran ito ng malalagong halaman at hitik sa nagkikintabang ilaw na may

sari saring kulay. Sa ginanap na piging dito ay nagkaroon ng sayawan ng mga nabibilang sa

mataas na antas ng lipunan. Dito rin muling nagkatagpo ang landas ng dating magkasintahan na

sina Pakito at Nenita. At dito rin nagsimula ang muling pakikipag-ugnayan ng dalawa sa isa’t

isa.

Sa Tahanan ng mga Deala

Ito ang palasyo ng mag-asawang Mang Bandino at Nenita kasama ang kanilang bugtong

na anak na si Neli. Ito ay nasa isang magandang bakuran sa Santa Mesa. Ang bahay na ito ay

laging pinupuntahan ng mga panauhin mula sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit ng magkaroon

ng ugnayang muli sina Pakito at Nenita, ang bahay na ito ay naging lunan din ng kanilang

pagsasarili. Nang mabunyag ang lihim na pagtataksil ni Nenita, nagmistulang libingan ang

tahanan na tanging mga hikbi’t pagtangis niya ang maririnig matapos siyang ulilain ng kaniyang

asawa’t anak.

Page 19: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Sa Tahanan ni Don Diego

Ang bahay ni Don Diego at ng mga Deala ay halos magkatabi kung kaya’t naging

matalik na magkaibigan si Don Diego at Mang Bandino. Madalas pumunta rito si Mang Bandino

kung nais niyang makipagkita at makipag-usap sa matanda. Mula sa mga bintana ng tahanan ni

Don Diego nalantad sa kaniya ang kataksilan ni Nenita at ang pagsasarili nito at ng abogadong

Herbosa.

Sa Tahanan ni Collantes sa Uliuli

Nagkaroon ng piging sa tahanan ni Collantes bilang pagdiriwang ng binyag ng

pamangkin nito. Dito ay muling nagkita sina Liling at Nenita. Dito rin nabatid ni Peralta ang

lihim na relasyon ni Pakito at Nenita.

Sa Tahanan ni Liling

Nagtungo rito minsan si Pakito nang pinadalhan siya ng sulat ni Liling. Niyaya rin niya si

Liling ng kasal ng sila’y magkausap sa tahanan nito.

Sa Klub sa Pasay

Ito ay matatag na nakatayo sa Kapuluan. Itinatag ito ng mga nakapagtapos sa Unibersidad

ng Pamahalaan at may kanya-kanyang titulo sa lipunan. Kabilang dito si Pakito at isa siya sa

mga kasapi ng klub na ito kung saan may kaniya-kaniya silang libangan.

Sa Luneta

Dito naganap ang unang pagtataksil nina Nenita at Pakito. Tuwing gabi, napupuno ito ng

mga babaeng may magagarang ayos at mga kalalakihan. Kadalasa’y pumupunta rito si Nenita,

kasama ang anak nito, ngunit nang muli silang nagkaroon ng ugnayan ni Pakito, ang Luneta na

ang kanilang naging tagpuan.

Page 20: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Sa Silver Dollar

Ito ay isang bahay-aliwan na madalas puntahan ni Mang Bandino kapag siya ay nag-

aaliw kasama ang kaibigang si Lijuicom.

Sa Auditorium

Sa pagbubukas ng karnabal, nagkaroon ng masisiglang sayawan sa Auditorium na

dinaluhan ng mga nasa matataas at mabababa mang antas ng lipunan. Dahil dito, nagkaroon ng

mas maraming pagkakataon sina Nenita at Pakito para sa kanilang pansariling pagnanasa.

Sa Jardin de las Palmas

Sa pagbubukas ng karnabal sa Maynila, nagbukas din ito para sa mga bahay-aliwan. Sa

loob nito ay may mga pribadong silid na maaaring bayaran ng mga nagnanais mag-aliw. Sa isang

silid nito na tinatawag na Le Sonaire, paulit-ulit na ginawa nina Pakito at Nenita ang kanilang

pagtataksil na nabatid naman ni Lijuicom.

Sa Baguio

Ito ang lugar kung saan sisimulan ni Mang Bandino ang kaniyang bagong buhay kasama

ang kaniyang anak na si Neli matapos ang nangyari sa kanila ng asawang si Nenita. Ngunit kahit

sa lugar na ito ay umaabot din ang alingasngas ng Maynila.

Pagpapahalagang Pangkatauhan

Ang mga tauhan sa obela ay may iba’t ibang papel na ginagampanan. Ang bawat karakter

ay nagpapakita ng mga tunay na karanasan na naghahatid ng mga makabuluhang mensahe sa

bawat mambabasa.

Si Pakito ay isa sa mga mahalagang tauhan na nagbigay ng kulay sa mga pangyayari sa

bawat kabanata ng nobela. Ipinakikita ng kanyang karakter ang pagiging matiyaga at masikap sa

Page 21: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

pag- abot ng mga pangarap upang mapatunayan sa sarili at sa ibang tao na ang isang aba ay

maaaring umunlad kapag nagtiyaga at nagtiwala sa sarili nitong kakayahan. Ngunit siya rin ay

naging isang mapusok at mapag-angkin sapagkat nagawa niyang manloko ng iba para sa sarili

niyang kaligayahan. Ipinakita niya ang pagiging makasarili maangkin lamang ang kanyang

inaasam. Ang pag-angkin niya kay Nenita kahit ito ay may asawa na ay napapakita ng kanyang

makasariling imahe. Ngunit sa huli, ang pagiging mapag-angkin sa mga bagay na pagmamay-ari

na ng iba, ay walang naidulot sa kanya kundi pighati at kahihiyan.

Samantala, sa pamamagitan naman ni Nenita, ipinakita ang pagiging taksil ng isang

babaeng may asawa na ay nagagawa pang makipag-ulayaw sa ibang lalaki para sa pansariling

kaligayahan. Binigyang katuturan ni Nenita ang pagiging Sampaguitang walang bango. Sa

karakter niya sa nobela, inilalahad ang maaaring sapitin ng isang taksil sa lipunan. Ipinakita niya

ang pagkasira ng puri at dangal ng isang tao na hindi nakukuntento sa mga bagay na mayroon

siya. Sa pamamagitan niya, naiparating sa mga mambabasa ang pagpapahalaga sa dignidad ng

isang tao.

Si Mang Bandino, ang mayamang mangangalakal sa nobela, ay nagpapakita ng pagyurak

sa dangal ng isang babae. Ang kanyang papel sa nobela ay hindi katanggap-tanggap ngunit

ipinapakita lamang ng kanyang karakter ang tunay na karanasan sa isang lipunan ng isang taong

asal panginoon. Ngunit sa huli, nalaman niyang ang mga ginagawa niyang panloloko sa iba ay

mas masakit ang kanyang mararamdaman kapag siya naman ang niloko. Ang ayaw mong gawin

sa iyo ay huwag mong gawin sa iba.

Samantala, si Don Diego naman ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong

malalapit sa kanya. Lantad ito sa mga payong ibinibigay niya sa kaibigang si Mang Bandino.

Ipinakita rin niya ang pagpapahalaga sa pagiging malinis at maayos sa lahat ng bagay lalo na ng

Page 22: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

isang babae. Kaya naman ng malaman niya ang pagtataksil ni Nenita, lubos siyang nanghinayang

at nanibugho sa babaeng tinawag niyang Sampaguitang walang bango.

Si Salud naman, ipinakita niya na ang katapatan sa kanyang pinaglilingkuran. Ngunit ang

masama lamang dito , sa kabila ng kanyang katapatan, ikinukubli niya ang katotohanan. At ang

kanyang katapatan ay may kapalit na kabayaran. Sa mga mambabasa, dapat nilang mabatid na

ang pagiging matapat ay dapat walang hinihintay na kapalit at ang katotohanan ang dapat na

manaig. Sina Collantes, Peralta at ang iba pa, ipinakita nila na lantad ang panghuhusga sa mga

taong kilala sa kinabibilangang lipunan. Ang panghuhusga nila kay Nenita ay nagpapakita ng di

pantay na pagtingin sa mga sangkot sa isang pangyayari.

Pagpapahalagang Panlipunan

Ang lungsod ng Maynila ay naging pangkalahatang lunan ng mga pangyayari sa nobela.

Ang mga nabibilang sa mataas na antas ng lipunan ay nagkalat sa Maynila sapagkat ito ang

sentro ng kalakalan at industriyalisasyon sa panahon ng amerikanisasyon. Ang pagbabago sa

kapaligiran ay makikita sa iba’t ibang sulok ng lungsod. Maraming mga gusali at magagarang

tahanan na pag-aari ng mga mayayamang mamamayan sa lungsod. Nagkalat ang mga

mamamahaling sasakyan na lulan ang mga taong may magagarang ayos at kasuotan. At lantad

din ang mga nagkalat na bahay- aliwan na madalas puntahan ng mga lalaking naghahanap ng

ligaya.

Sa nobelang ito, hindi masyadong binigyan ng pansin ang kultura, edukasyon at iba pang

aspeto ng lipunan. Ito ay nakatuon sa pangyayari na nababatay sa mga tunay na karanasan na

maoobserbahan sa isang lipunan. ang pagkakaroon ng pader sa pagitan ng maralita at

mayayaman ay naipakita sa nobela. Sa mga piging at pagdiriwang tanging ang mga nasa mataas

Page 23: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

na antas lamang ang panauhin at ang mga aba’y nanatiling mababa at hirati sa kahirapan.

Gayunpama’y ang karangalan ng mga aba’y lantad kaysa sa mga mayayaman sapagkat ito ang

iningatan nilang yaman bilang tao.

Ang pagtataksil ang pinakalantad na pangyayari sa nobela. Kaakibat nito ang kahihiyan,

kapahamakan, pighati at paninibugho. Ang paghahanap ng aliw sa makasalanang paraan ang

naging ugat ng pagtataksil. Sa isang lipunang nahirati sa kulturang kanluranin bunga ng mga

pananakop, naging pangkaraniwan ang panloloko ng mga taong may resposibilidad na sa sariling

pamilya.

Ang panghuhusga sa isang taong nagkasala ay ipinakita rin sa nobela. Bahagi na ng

buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng interes sa mga balitang kinasasangkutan ng mga kilalang

tao. Ang panghuhusga nila hinggil dito ay hindi mawawala kahit walang matibay na

pinagkukunan sa pagbibigay ng mga pahayag.

Pagpapahalagang Pampamilya

Sa nobelang ito, ang pamilya ay isa sa mga naapektuhan ng masasalimuot na pangyayari

sa buhay ng mga tauhan. Ang pamilya Deala, na binubuo nina Pakito, Nenita at ang anak nilang

si Neli. Mahal na mahal ng mag-asawa ang kanilang bugtong na anak.

Nang hindi pa nagkakaroon ng relasyon si Nenita sa ibang lalaki, siya ay isang ulirang

asawa sa kanyang asawang lulong sa pakikipag-ulayaw sa ibang babae. At pinagtutuunan niya ng

panahon ang pag-aaruga sa kaniyang anak at asawa. Ngunit sa kanyang ginawang malaking

kasalanan, naulila siya sa kanyang anak at asawa. Nawasak ang kanyang pamilya dahil sa

pansarili niyang kaligayahan.

Page 24: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Si Pakito, nagnanais siyang magkaroon ng pamilya sa hinaharap kung magpapakasal sila

ni Liling ngunit ito ay naunsiyami dahil sa pagkakabunyag ng kanlang lihim ni Nenita.

Si Don Diego, isa siyang balo at kailanma’y hindi nagkaroon na anak. Kaya naman, hindi

siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng buong pamilya. Itinuturing niyang pamilya ang

kanyang mga kaibigan at mabubuting kakilala sa Maynila.

Si Salud, ang alila ni Nenita ay isang mabuting ina. Mas pinili niyang itago at pagtakpan

ang lihim ng amo para sa perang ibinibigay nito na inilalaan niya para sa anak niya.

Mga Kaisipan

Dapat matuto tayong makuntento sa mga bagay na mayroon tayo sapagkat ang isang

taong kuntento sa mga kung anong mayroon siya ang nagtatagumpay sa buhay at

pinagpapala ng Maykapal.

Ang bawat tao ay mapalad sa iba’t ibang paraang naisin ng Diyos. Kung ano man ang

ipinagkakaloob sa atin, kung ano man ang mga pagpapalang nakakamit natin, matuto tayong

tumanggap at magpasalamat. Ang kasakiman at pagiging makasarili ay walang maidudulot na

mabuti sa buhay ng isang tao kundi kapahamakan. Sa nobela ang pag-aangkin ni Pakito kay

Nenita at ang hindi pagiging kuntento kay Liling ay walang naging magandang dulot sa kaniya.

Nasira ang relasyon nila ni Liling at naglaho ang kanyang pangarap na magkaroon ng

magandang pamilya. Sa panig naman ni Nenita, sa paghahangad na maging maligaya sa piling

ng iba ang nagtulak sa kaniya upang pagtaksilan ang asawa na naging dahilan naman ng

pagkawasak ng kaniyang pamilya. Pangungulila sa anak at kahihiyan sa lipunan ang dulot ng

kaniyang pagiging mapaghangad.

Page 25: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Huwag natin gawin sa iba ang ayaw nating gawin sa atin.

May mga ginagawa tayo na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao. Dapat lagi nating iisipin

kung ang ginagawa ba natin ay makabubuti o makasasama sa ating kapwa. Sa nobelang ito,

pinagtatawanan ni Mang Bandino ang lalaki na ang mga asawa ay pumatol sa kaniya. Ngunit

nang pinagtaksilan siya ng kaniyang pinaniniwalaang ulirang asawa, ito’y lubhang napakasakit

para sa kaniya. Natanto niya ang lahat ng kasalanang ginawa niya sa lahat ng lalaking inagawan

niya ng dangal at puri.

Ang pagdedesisyon ay pinag-iisipan ng makailang beses upang sa huli ay hindi ito

pagsisihan.

May mga desisyon tayong pinagsisihan sapagkat ito’y minadali at hindi pinag-isipan. Dapat

maging maingat tayo sa paggawa ng ating mga desisyon lalo na kung sa tingin nati’y

makasasama ito sa iba. Ipinakita sa nobelang ito na naging padalos-dalos sina Pakito at Nenita sa

kanilang mga desisyon na maging magkarelasyon. Hindi nila inisip ang maaaring kahihinatnan

ng kanilang makasarili at mapusok na desisyon. Sa huli’y pareho silang nagsisi ngunit huli na ito

para maging maayos muli ang kanilang buhay.

Ang pagkakamali natin ay huwag nating isisi sa ibang tao sapagkat ang ating mga

pagkakamali ay hindi mangyayari kung ininsip natin ang ating ginagawa.

Sa nobelang ito, sinisi ni Pakito si Nenita sa pagkasira ng relasyon niya kay Liling. Ngunit ito

ay mali sapagkat kasapakat siya ni Nenita at hindi nila magagawa ang pagkakamali nila kung

pareho nilang tinimbang ang maaaring maging dulot ng kanilang ginawa.

Page 26: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

Uri ng Nobela

Ang nobelang ito na akda ng nobelistang Tagalog na si Inigo Regalado ay isang nobela

ng tauhan. Nakatuon ang nobelang ito sa katauhan ng mga tauhang nagbibigay ng kulay sa mga

masasalimuot na pangyayari. Binigyan ng diin ang mga suliranin ng mga tauhan at ang kanilang

iba’t ibang karakter. Ang kanilang mga hangarin at pangngailangan ay nakalantad at inilalarawan

din ang kanilang mga pakikipagsapalaran. Ang takbo ng nobela ay uminog sa iba’t ibang

sitwasyon ng mga tauhan. Inilantad din ang iba’t ibang damdamin ng tauhan batay sa mga

sitwasyon sa mga pangyayari sa nobela.

Ang bawat kataga, salita at mga pangungusap sa nobela ay puno ng talinhaga na

nagpapakita ng kahusayan ng may akda. Sinasalamin nito ang kahalagahan ng puri, dangal at

katwiran na binigyan ng katuturan ng mga tauhan. Inilalantad nito a ng masalimuot na bahagi ng

pag-ibig, pagtitimpi at pagtataksil.

Ang nobelang ito ay nag-iiwan ng mahalaga at makabuluhang kakintalan sa bawat

mambabasa. Ang mga pangyayari sa nobela ay lantad sa mga karanasan sa tunay na buhay kaya’t

ang mga mambabasa ay nagkakaroon ng kawilihan at interes sa pagbabasa.

Page 27: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

PAGSUSURI ng NOBELA

Sampaguitang Walang

Bango

ni Inigo Ed Regalado

Inihanda nina:

Minon, Sannylyn F. Talban, Mary-ann E.

Page 28: Pagsusuri Ng Nobelang Sampaguitang Walang Bango

III-BSSEd 3104