21

MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani
Page 2: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

MAGANDANG ARAW mga mag-aaral ng

Gitnang Paaralan!

Alam naming sabik na kayong makilala ang inyong mga guro’t

kaklase para sa taong ito!

Kaya naman ang Kagawaran ng Filipino sa Gitnang Paaralan ay nag-isip ng ilang bagay na maaari ninyong gawin habang

hinihintay ang pasukan sa Agosto.

Page 3: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

O, ikaw, handa ka na ba?

SIMULAN MO NA!

Page 4: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani
Page 5: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Naaalala mo ba ang kuwentong “Ang Pagong at ang Matsing”?

Page 6: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Alam mo bang ang kuwentong ito ay nagmula sa ating

pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal?

Ito ay una niyang inilathala at iginuhit noong taong 1886.

(Florentino H. Hornedo, https://www.univie.ac.at/ksa/apsis/aufi/rizal/tortoise.htm)

Page 7: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-

kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang

bayani.

Page 8: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

“Ang Pagong

at ang Matsing”

Isinalin ni: Federico B. Sebastian

Dalawang Pabulang Silanganin

Manila: Banaag Press;1943

www.kapitbisig.com

Page 9: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Isang araw, ang matsing at ang pagong

ay nakakita ng punong saging na

lumulutang sa maalong tubig ng ilog. Ito’y

isang magandang puno, may malalaki’t

luntiang dahon, at may mga ugat pang

wari’y kabubuwal lamang pagkatapos ng

bagyo. Iniahon nila sa pampang ang punong

saging.

“Ito ay hatiin natin,” ang sabi ng

pagong, “at saka itanim.”

Pinutol nila ang punong saging sa gitna.

Ang matsing ay higit na malakas kaysa

pagong kaya naari niyang kunin ang

gawing dulo, sa pag-aakalang ang may

maraming dahon ang madaling tumubo.

Napasa-mahinang pagong ang gawing

ibabang sa tingin ay pangit ngunit

nagtataglay naman ng maraming ugat.

Page 10: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Nagtagpo ang dalawa pagkaraan ng

ilang panahon.

“G. Matsing,” ang sabi ng pagong.

“Kumusta ang iyong punong saging?”

“Naku, ang himutok ng matsing.

“Matagal nang patay! At ang iyo, Bb.

Pagong?”

“Mabuti, napakabuti!” ang sagot ng

pagong. “Hindi lamang ako makaakyat sa

puno at makapamitas ng mga bunga.”

“Bayaan mo,” ang wika ng mapanlinlang

na matsing. “Ako ang aakyat at mamimitas

para sa iyo.”

“Lalong mabuti, G. Matsing,” ang

nasisiyahang sagot ng pagong.

Page 11: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Nang makita ng matsing ang

mga bungang hinog na nangagbitin

sa pagitan ng malalaki’t luntiang

dahon, siya ay umakyat, matuling

namitas, at kumain nang kumain.

“Bigyan mo naman ako ng mga

ilan,” ang wika ng pagong nang

makitang hindi man lamang siya

pinapansin ng matsing.

“Hindi kita bibigyan kahit

balat kung iyon ay makakain,” ang

sabi ng matsing na ang dalawang

pisngi’y namimintog sa saging.

Page 12: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Nag-isip gumanti ang

pagong. Nagtungo siya sa ilog

at nanguha ng mga tinik at

itinusok ang mga ito sa

paligid ng katawan ng

punong saging at saka

matuling nagtago sa ilalim ng

bao ng niyog. Nasaktang

lubha ang matsing at

nasugatan ang katawan nang

bumaba.

Page 13: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Nakita niya ang pagong

pagkaraan ng matagal na

paghahanap.

“Narito ka pala, hamak na

pagong,” ang sabi niya. “Magbabayad

ka sa iyong kasamaan. Dapat kang

mamatay. Ngunit yamang ako’y

mapagbigay, pamimiliiin kita ng iyong

kamatayan. Babayuhin ba kita sa

lusong o itatapon kita sa ilog? Alin

ang ibig mo?

“Ang lusong, ang lusong,” ang

sagot ng pagong. “Natatakot akong

malunod.”

Page 14: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

“Ha, ha,” ang tawa ng

matsing. “Ganoon pala ano!

Natatakot kang malunod!

Lulunurin kita ngayon!”

Pinasan ng matsing ang

pagong, nagtungo sa tabing-ilog

at itinapon ang kanyang dala sa

tubig. Pagkaran ng ilang

sandali, ang pagong ay lumitaw

na lumalangoy at nagtatawa sa

nadayang matsing.

~*WAKAS*~

Page 15: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Pag-isipan mo ito:

Anu-anong salita mula sa kuwento ang ngayon mo lamang nabasa?

Alamin ang kahulugan ng mga ito.

Page 16: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Basahin ang gawain sa susunod na slides.

Pumili lamang ng isa.

Page 17: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

GAWAIN #1

Kumuha ng papel o lumang kuwaderno na maaari pang sulatan. Gamit ito at ang iyong lapis at mga pangkulay, iguhit ang pinakanagustuhan

mong bahagi ng kuwento.

Page 18: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

GAWAIN #2

Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito wawakasan?

Isulat sa isang papel.

Page 19: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

GAWAIN #3 Ang mga tauhan sa kuwento ay may kanya-kanyang katangian.

halimbawa:

maParaan

matiyagA mababangG-loob

matalinO masayahiN mapanGarap

Bumuo ng akrostik ng katangian gamit ang iyong pangalan o palayaw.

Page 20: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

YEHEY!!

Page 21: MAGANDANG ARAW - ateneo.edu sa... · Balikan natin ang kuwentong ito at sariwain ang mga guhit-kamay na larawang nanggaling mismo sa ating pambansang bayani

Binabati ka namin!

Dalhin ang napiling gawain sa Agosto 7 at ibigay ito sa iyong

guro sa Filipino.