20
alamat ng waling-waling Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan. Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon. Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang pagsubok. “Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtin gala ni Solaiman nakita niya angisang lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,” Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulat na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa kaniyang katawan. “Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng sundang sa akin.” Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig. Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa

Mga Kuwentong Bayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Koleksyon ng mga kuwentong Pilipino. Alamat, Panstaya at parabula

Citation preview

Page 1: Mga Kuwentong Bayan

alamat ng waling-waling

Noong unang panahon sa isang kahariang

matatagpuan sa may dagat ng Mindanao,

may isang makisig at matapang na sultang

nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa

kaniyang galing at tapang sa digmaan

siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t

ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa

kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang

sundang, ang Sundang Lenantatyon.

Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang

diyosa ng digmaan.

Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa

mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao

dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan

sa Seta Tem-mon.

Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang

ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang

pagsubok.

“Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtin

gala ni Solaiman nakita niya angisang lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong

kaliwang braso,” Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at

iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulat

na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa

kaniyang katawan.

“Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata

pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon

siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka

makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng

sundang sa akin.”

Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig.

Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng

kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye

pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa

Page 2: Mga Kuwentong Bayan

lahat ng sulok ng kaharian, “Itago ang asawa’t mga anak na babae dahil si Solaiman ay

paparating.”

Nag-uumapaw na ang mga babae sa harem niya subalit, hindi pa rin siya tumitigil sa

pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang bigat ang naguumapaw

na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis, may tatlong darating, kung

gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang, tila mas matalim ang kaniyang

mga salita pagdating sa pag-ibig.

Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito ang

kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya.

Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit,

dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna ng

gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa ang mga

mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi siya makatatanggi sa kung ano mang

sabihin ng kaniyang Rajah.

Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng mga

ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang makaakyat

dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang mga pagbisita

niya ay planadong-planado. Sa umaga, siya’y nagdadala ng pagkain at sa gabi nama’y

sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang anak.

Isang di pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong si Waling-Waling. Singkinis

ng sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang buhok, ang kaniyang mga pisngi ay

parang dinampian ng rosas, mga matang sing tingkad ng mga alitaptap sa gitna ng dilim,

at ang kaniyang mga pilik mata’y tila mga alon sa pagkakurbada. Madali sana para sa

dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang siyang dugong-maharlika. Subalit,

nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang siyang pangkaraniwang mamamayan.

Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat, napansin niyang may isang

tirahan sa itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno, nasulyapan niya ang bahay ni

Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang isang kakaibang kagandahang

noon pa lamang niya nakita.

Napasigaw si Rajah Solaiman, “Sino ang ama mo? Sigurado akong itinatago ka

lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong

gawin ng Rajah sa kaniyang ama.

Page 3: Mga Kuwentong Bayan

Sa kaniyang pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng mga karimarimarim na ideya.

Nang magising ito mula sa masasamang panaginip, kumaripas siya ng takbo upang

tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat. Laking gulat niya nang maabutan niya

ang isang nagngingitngit na Rajah.

“Paano mo nagawang itago sa akin ang isang nilalang na singganda ng iyong anak?

Sabihin mo sa kaniyang bumaba upang makita ko siya ng mas maayos.” Utos ng Rajah sa

mangingisda. “Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng aking sundang.”

Sa utos ng kaniyang ama, bumaba naman si Waling-Waling. Nang umabot siya sa

kalahati ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa buwan na lalong nagbigay liwanag sa

kaniyang ganda. “Hindi kita papatayin,” sabi ni Solaiman sa mangingisda, “subalit, nais

ko sanang pakasalan ang iyong anak. Ipinapangako kong pakakawalan lahat ng babae sa

aking harem at siya ang gagawin kong asa…”

Bago pa man tuluyang matapos ni Solaiman ang kaniyang sasabihin at bago pa

man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda. Isang liwanag ang

bumalot sa buong gubat. Nakita nila ang isang imahen na papaliit

nang papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling ay tila sumabit sa mga sanga ng

puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila naging mas malinaw sa dalawa

ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may lila’t pulang batik sa kaniyang mga

talulot.

Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan subalit, walang nagawa si Solaiman

at ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan niya ang mga kawal niya na kumuha ng

bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito sa mga puno sa harapan ng palasyo.

Isang pag-alaala sa mga pag-ibig na sana’y maabot na niya.

Page 4: Mga Kuwentong Bayan

ALAMAT NG PAGONG

Noong unang panahon ang talukab ng pagong ay

makinis at walang mga lamat tulad ng sa ngayon.

Palaging ipinagmamalaki ni pagong ang kanyang

talukab. Araw-araw niya itong nililinis at

pinapakintab. Ipinagmamayabang niya sa lahat na

sa sobrang kinis at kintab nito ay maaring kang

magsalamin dito.

Hindi lamang kilala si pagong dahil sa kanyang

makinis at makintab na talukab. Kilala din siya na

isa sa mga madadaldal na hayop sa gubat. Hindi

nauubusan ng kuwento si pagong. Minsan nang

nag-kausap sila ng kaibigan niyang si palaka ay

hindi man lamang nakaimik ang madaldal ding si

palaka dahil sa dami ng kuwento ni pagong. Halos

buong maghapon na nagkuwento si pagong tungkol

sa iba’t ibang bagay na nakikita nito sa kagubatan.

Isang araw habang nakikipag-kwentuhan si pagong sa mga kaibigang bibe ay may mga galang tagak ang

huminto upang uminom sa may batis. Napagod sila sa kanilang biyahe galing sa ibang lugar kung kayat

minabuti nilang huminto panandalian upang makapagpahinga.

Ang mga tagak ay maingay na nag-uusap tungkol sa kanilang mga nasaksihan sa kabilang ibayo kung

saan sila nanggaling. Masaya silang nagtatawanan habang inaalala ang kagandahan ng bayan na

kanilang binisita.

Narinig ng pagong ang kanilang pinag-uusapan at sa unang pagkakataon ay ito ay napatigil sa

pagsasalita. Nakanganga ito habang nakikinig sa mga tagak. Samantalang nagtataka naman ang mga

kaibigang bibe kung napano ang madaldal na pagong.

Habang nag-uusap pa rin ang mga tagak ay dali-daling sumabat si pagong. Gusto rin daw nitong

sumama at makita ang mga sinasabi nilang mga lugar. Tiyak na maganda raw ito at marami pang

masasarap na pagkain. Gusto niyang sumama upang sa ganoon ay maikukuwento rin niya sa mga

kaibigan kung ano mga makikita niya roon. Naisip niya na meron na naman siyang bagong

maikukuwento sa mga kaibigan lalo na at hindi pa rin nakakapunta ang mga iyon sa ibang lugar maliban

sa kanilang tinitirahang gubat.

Nagtinginan ang mga tagak. Gusto man daw nila siyang isama ay hindi naman nila alam kung paano.

Hindi naman siya nakakalipad tulad nila. Nag-isip ang mga tagak at si pagong kung paano nila

maisasama ang hayop sa kanilang gala.

Nawawalan na nang pag-asa ang pagong ng biglang may naisip ang isa sa mga tagak. Pinag-usapan

nila ito at maya-maya ay ipinaalam kay pagong ang plano. Maaari daw nila itong isama kung ito ay

kakagat sa isang piraso ng kahoy na kagat-kagat naman ng dalawang tagak sa magkabilang dulo nang

sa gayon mabubuhat nila si pagong. Ngunit kinakailangan ni pagong na manahimik at hindi magsalita ng

Page 5: Mga Kuwentong Bayan

matagal sapagkat malayo ang kanilang lalakbayin at baka ito ay mahulog.

Pumayag ang pagong. Kaya daw nitong hindi magsalita ng matagal kaya’t maya-maya ay lumuwas na

nga ang mga tagak kasama siya.

Mahigpit ang kagat ni pagong sa kahoy nang sila ay nag-umpisang lumipad ngunit hindi pa sila

nakakalayo ay nayamot na siya dahil sa katahimikang naririnig. Binukas niya ang kanyang bibig at

uumpisahan na sanang kuwentuhan ang dalawang tagak na may hawak sa kanya nang bigla siyang

bumulusok pababa. Walang nagawa ang dalawang tagak kundi tignan ang pagong ng mabilis na nahulog

pababa.

Nahulog si pagong at pagbasak sa lupa ay tumama ang kanyang talukab sa isang malaking bato. Buti na

lamang at ang matigas ang talukab at hindi ang kanyang ulo ang tumama sa bato. Sa taas at lakas ng

pagbagsak niya ay nagkalamat-lamat ang kanyang talukab. Simula noon ay binawasan na ni pagong ang

pagiging madaldal at ang kanyang makinang at makinis na talukab ay nagka-lamat-lamat na.

Page 6: Mga Kuwentong Bayan

SIRENA

May isang binatang mahirap na nakatira sa tabi ng dalampasigan. Hindi siya gaanong komportable sa kanyang maliit na tahanan at walang gaanong makain. Ngunit kahit ganoon ang kanyang kabuhayan, hindi niya nakaligtaang magtapon ng isang barang tinapay sa dagat araw-araw. Iyon ang bilin ng kanyang ina bago namatay. Isang gabi, nang siya'y umuwi buhat sa trabaho, nagulat siya nang makitang malinis ang bahay, maayos ang kanyang higaan at bagong palit ang mga kurtina. Nang sumunod na araw, nakahuli siya ng kuneho at itinabi niya sa paminggalan. Nang umuwi siya kinagabihan, luto na ang kuneho at nakahain sa mesa. Nang sumunod na mga araw, gayundin ang mga pangyayari kaya't minabuti niyang alami kung sino ang gumagawa sa kanyang tahanan. Ang ginawa niya ay nagkubli siya sa ilalim ng hagdan at hinintay kung sino ang darating. Di nagtagal, nkarinig siya ng malakas na tilamsik ng tubig sa dagat. Isang malaking isda ang humagis sa dalampasigan at maya-maya'y natanggal ang balat ng isda. Isang magandang babae ang lumantad. Nagwalis siya sa loob ng bahay, hinugasan ang mga pinggan, at nagluto ng masarap na hapunan. Nang handa na siyang umalis, kinnuha niya ang balat ng isda at isusuot na niya nang bigla siyang dinaklot ng binata. "Inay, inay, tulungan mo ako!." sigaw ng dalaga Isang malakas na tinig ang umalingawngaw buhat sa dagat. "Huwag kang matakot anak ko, sapagkat ang lalaking iyan ang magiging asawa mo." Natuwa ang binata at pati ang dalaga. Noon din ay nagpatawag ng pari at ikinasal ang dalawa. Pitong araw na nagdiwang ang lahat. Isang araw, nang nakaupo sa may durungawan ang babae nagdaan ang prinsipe sa bayang iyon. Nahalina ang prinsipe sa kagandahan ng babae at isinumpa sa sarili na kalingang makuha niya ang babae. Kaya't umisip siya ng paraan. Ipinatawag ng prinsipe ang asawa ng babae, "Ibig kong," aniya. "ako'y igawa mo ng isang malaking tolda na pagkakasyahan ng lahat kong kawal ngunit hindi mapupuno ito. Bibigyan kita ng tatlong araw. Kapag hindi mo nagawa, papupugutan kita ng ulo." Alam ng lalaki na hindi niya magagawa kaya't labis ang kanyang kalungkutan. Nang tanungin siya ng asawa kung bakit siya nalulungkot, sinabi niya ang dahila. "Iyon lamang ba?" sabi ng babae. "Hayaan mo at ako ang bahala, Tayo doon sa dalampasigan." Pagsapit nila roon, tumawag ang babae sa kanyang ina. "Ina, Ina, pahiram ng toldang maliit. Kami ng aking asawa ay magpipiknik. Ilang sandali lamang buhat sa dagat ay humagis ang isang malaking tolda. Nang dumating ang prinsipe, namangha siya sa nakita. "Kung gayon," aniya. "igawa mo ako ng alpombrang sinlaki ng toldang ito. Kapag hindi mo nagawa, papupugutan kita ng ulo."

Page 7: Mga Kuwentong Bayan

Muling nalungkot ang lalaki at nang sabihin niya sa babaw ang kanyang suliranin, napatawa ito. "Iyon lamang ba?" Muling nagtungo sila sa ay dagat at doon ay tumawag ang babae. "Ina, Ina pahiram ng maliit na alpombra." At buhat sa dagat, humangis ang aisang napakalaking alpombrang sinlaki ng tolda. Nang dumating ang prinsipe, nagulat siya sa nakita. "Kung gayon, bigyan mo ako ng maraming ubas para sa aking mga kawal, ngunit kailangang may matitira pa. Kapag hindi mo nagawa, papupugutan kita ng ulo." Nang malaman ng babae ang kahilingian ng prinsipe, tumawag siyang muli sa kanyang ina. "Ina, Ina bigyan mo kami ng maliit na kumpol ng ubas at aming titikman." Buhat sa kailaliman ng dagat at humagis ang napakaraming ubas. Nang dumating ang mga kawal ng prinsipe, kumain sila nang kumain hanggang sa sila ay mabusog ngunit marami pa ring natirang ubas. Labis na namangha ang prinsipe sa kanyang nasaksihan. Galit na galit ang prinsipe sapagkat hindi niya madaya ang lalaki. Umisip siya nga mahirap na utos at nang makaisip ay tinawag ang lalaki. "Bigyan mo ako ng isang sanggol na tatlong araw lamang ay nakapagsasalita na. Kapag ang sanggol ay dalawa o apat na araw ang gulang, papupugutan kita ng ulo." Lubhang nabahala ang lalaki. Ang ipinag-uutos ng prinsipe ay mahirap. Ngunit sinabi ng babae: "Ina, Ina, ipadala mo rito ang kapatid kong tatlong araw pa lamang. Nalulungkot kami at nais naming may makalaro." At buhat sa dagat ay lumatiaw ang isang sanggol na lumalango at nang humarap sa dalawa ay sinabi: "Kamusta, Ate? Kamusta Kuya? Ako ngayon ang makikipag-usap sa prinsipe." Nang dumating ang prinsipe, agad umakyat sa kanyang kandungan ang sanggol at walang pakundanganag sinabi: "Hindi ka ba nahihiya? Pinahihirapan mo ang aking bayaw. Ngunit sa akala mo siya ay nahihirapan. Hindi. Magagawa niay ang lahat mong ipag-uutos, sapagkat siya ay makapangyarihan. Hindi niya iyon ipaalam sa iyo sapagkat siya'y gumagalang sa prinsipe. Ibig mo siyang mapatay at pakasalan ang aking kapatid, hindi ba?" At pinag-susuntok siya ng sanggol sa tenga. At biglang napahiya ang prinsipe. Buhat noon hindi na niya ginambala ang katahimikan ng mag-asawa at humingi ng tawad sa lalaki. Matagal na namuhay ang mag-asawa sa tabi ng dagat.

Page 8: Mga Kuwentong Bayan

Ang Disipolo ni Zeus:Mahiwagang Kanin

Sa isang bayan ng kahiwagaan, kung saan nakatira ang mag-asawang sina Pepe at Sura. Sila ay parehong pinanganak sa parehong mahirap na pamilya.Halos di sila magka-intindihan simula nung sila'y nagsama. Laging nasa sugalan si Pepe at si Sura naman ay naghahanap-buhay. Dumating ang isang areaw na halos hindi na sila makakain dahil lahat ng napagbentahan ni Sura ng kakanin ay pinatalo ni Pepe sa sugal.Di nila malaman ang kanilang gagawin dahil sa sobrang gutom,kaya napilitan si Pepeng magnakaw sa kanilang kapit-bahay ng pagkain imbes na humingi sana. Pagkatapos magnakaw ni Pepe ay sinabi niya sa kanyang asawa na umutang siya sa tindahan. Kaya dahil sa sobrang gutom ay agad-agad kinain ni Sura ang pagkain na ninakaw ni Pepe. Kalaunan kakaibang nadama si Sura,sa d pagkakaalam ni Pepe na ang ninakaw niyang pgakain ay ang mahiwagang kanin na pinakakaingat-ingatan ni Lolo Pedro kanilang kapit-bahay na disipolo ni Zeus na pinagkalooban ng mahiwagang kanin na kung

saan magliligtas sa buong bayan sa kapahamakan..At dahil dun ay biglang nabuntis si Sura. Lubos ang pagkatuwa ni Sura dahil matagal na niya itong pinapangarap ngunit sa kabila nito lubos naman na problemado si Pepe,dahil d niya alam kung san siya kukuha ng panggagastos niya para sa pag-aanak ng asawa. Dumating ang araw na manganganak na si Sura.Si Pepe ay nakaremedyo ng kunti. Siyay nangutang at napilitang ibenta ang iba nilang kagamitan. Nailuwal na ni Sura ang ang kanilang anak... Gulat na gulat ang midwife na nagpaanak kay Sura dahil sa kakaibang tatak na nakalagay sa likuran ng bata.Pinagmasdan ng matandang kapit-bahay nina Pepe ang bata at may napansin siyang kakaiba rito. May kakaibang angking lakas si Supe na nagpa alala sa matanda sa kakaibang kapangyarihan na na naibibigay ng mahiwagang kanin sa mga nakaka-kain dito. Sa paglaki ni Supe ay may nagbabantang panganib dahil matagal nang gustong sakupin ng mga dayuhan ang kanilang bayan. Lumaki na si Supe at nagtataglay ng kakaibang lakas at kapangyarihan na na buong akala niya ay siya lamang ang nakaka-alam.Di alam na pinagmamasdan siya ni lolo Pedro. Isang araw habang nasa skwela si Supe. Ay napaaway sa mga dayuhan ang kanyang ama dahil sa di pagbabayad sa sugal.Yun napaslang ng walang kalaban laban ang kanynag ama.Nang mabalitaan si Sura ang nangyari sa kanyang asawa ay nahimatay siya at si Supe naman ay nagliliyab sa pagkapuot sa mga pumatay sa kanyang ama. Kaya dali daling hinanap ni Supe ang mga dayuhan. Walang kinalabasan ang kanyang paghahanap dahil sa naka alis na ang mga ito.Kinaumagahan ay sinanay ni lolo Pedro si Supe kung paano gamitin ang kapangyarihang naibigay sa kanya ng mahiwagang kanin. Laking pagkagulat ni Supe,di niya kasi alam na pinagmamasdan siya ni lolo simula pagkabata. Lumipas ang ilang buwan ay sanay na sanay na si Supe sa paggamit ng kanyang kapangyarihan. Dumating ang isang madilim na araw dahil sa nakahanda na ang mga dayuhan para sakupin ang bayang kinalakhan ni Supe. Panay pagsabog ang narinig ni Supe maraming napaslang ngunit di niya napigilang magalit kaya sa pagkapuot ay napilitan siyang harapin ang mga dayuhang mananakop at nilabanan niya

Page 9: Mga Kuwentong Bayan

ito ng mag-isa gamit ang kanyang kakaibang lakas at kapangyarihang taglay,sobrang dilim ng bayan dahil sa di na napigilan ni Supe ang kanyang pagkagalit kulog at kidlat ang tumama sa dayuhan at namatay ang mga ito. . Nagtagumpay si Supe ngunit ang kanilang bayan ay nagkawasak-wasak. Ngunit d sila nawalan ng pag-asa nagsimula ulit sila ng panibagong buhay at pagkatapos ng pananakop ay wala nang nagtangkang sumakop pa sa bayan nila dahil sa nabalitaang karumal dumal na pagkamatay ng mga mananakop.

Page 10: Mga Kuwentong Bayan

ANG AGILA AT ANG MAYA

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata. At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

MENSAHE: Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Page 11: Mga Kuwentong Bayan

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

MENSAHE: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

Page 12: Mga Kuwentong Bayan

Si Pilandok at Ang Manok na Nangingitlog ng Ginto

Ang istoryang ito ay isa nang klasiko sa mga kwentong pambata. Ito ay tungkol sa isang malupit na datu na nagngangalang Usman. Nais yumaman ng datu Usman na ito kung kaya't inutos niya sa kanyang mga alagad na kunin ang lahat ng ginto mula sa kanyang mga mamamayan. Ang mga mahihirap na mga taong walang maibigay na ginto ay kanyang ipinakulong.

Isang nagngangalang Pilandok ang nakaisip ng isang magandang paraan upang mautakan ang malupit na datu. Nag-alaga siya ng isang ordinaryong manok at ginawa itong ''mahiwagang manok'' sa pamamagitan ng paglalagay ng mga butil ng ginto sa labasan nito ng dumi. Ang manok na ito ang ibinigay niya sa datu at kalayaan ng mga bihag ang hiningi niyang kapalit. Pumayag naman agad ang makasariling datu nang makitang ''nangingitlog ng ginto'' ang manok. Kinabukasan ay saka lamang natuklasan ng datu na siya ay nautakan ni Pilandok.

ANG ARAL:

Ang aral sa kwentong ito ay ang mga makasarili at naghahangad pa ng marami ay siyang mawawalan. Ang mautak ay nauutakan rin.

Page 13: Mga Kuwentong Bayan

Ang Madyik Silya ni Titoy

Ang batang si Titoy ay may isang kaibigan. Sila ay palaging magkasama. Ayon sa kanyang kaibigang ito, marami na raw silang napuntahang iba't ibang lugar dahil sa kanyang ''madyik silya.''

Ngunit nagtataka ang kanyang kaibigan. ''Kung mayroon siyang ganito, bakit walang maraming batang gustong makipaglaro sa kanya?'' ang inosenteng tanong nito. Si Titoy pala ay wala nang dalawa nang paa. At ang kanyang tinatawag na ''madyik silya'' ay ang kanyang wheelchair. Kahit na masasabi nating nalimitahan na ang kanyang kakayahan upang malibot ang ganda ng mundo, mayroon naman siyang imahinasyon upang ipalit rito. ANG ARAL Ang aral sa istoryang ito ay huwag magpadaig sa kapansan upang maenjoy ang buhay. Hindi nalilimitahan ng anumang balakid na ito sa lawak ng ating mga imahinasyon. Ini-imply rin ng kwentong ito na hindi natin dpat na ''iwasan'' o pagtawanan ang mga taong may kapansanan sapagka't tao lang rin sila at hindi naiiba sa atin.

Page 14: Mga Kuwentong Bayan

MGA KUWENTONG ALAMAT, PABULA, AT PANTASYA

Ipinasa kay:

Gng. Manrique

Ipinasa Ni:

Elezhar Marou B. Yakit

Page 15: Mga Kuwentong Bayan
Page 16: Mga Kuwentong Bayan
Page 17: Mga Kuwentong Bayan
Page 18: Mga Kuwentong Bayan
Page 19: Mga Kuwentong Bayan
Page 20: Mga Kuwentong Bayan