24
Filipino Unang Markahan – Modyul 7: Elemento ng Kuwento 4

Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

  • Upload
    others

  • View
    523

  • Download
    42

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

Filipino

Unang Markahan – Modyul 7:

Elemento ng Kuwento

4

Page 2: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

Filipino – Baitang 4 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Elemento ng Maikling Kuwento Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Theresa I. Cortez

Editor: Laila C. Namoro, Girlie Marie L. Peñales

Tagasuri: Rechie O. Salcedo

Tagaguhit: Mark Anthony Taduran

Tagalapat: Rey Antoni S. Malate

Tagapamahala: Regional Director: Gilbert T. Sadsad

CLMD Chief: Francisco B. Bulalacao, Jr.

Regional EPS In Charge of LRMS: Grace U. Rabelas

Regional ADM Coordinator: Ma. Leilani R. Lorico

Regional EPS-Filipino: Nora J. Laguda

CID Chief: Jerson V. Toralde

Division EPS In Charge of LRMS: Belen B. Pili

Page 3: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

4

Filipino Unang Markahan – Modyul 7:

Elemento ng Kuwento

Page 4: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Elemento ng Maikling Kuwento.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang

pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan

ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul ukol sa Elemento ng Maikling Kuwento.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad

din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

iv

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

1

Alamin

Isang magandang bati sa

iyo!

Mahilig ka bang makinig

at magbasa ng mga kuwento?

Ano-ano na ang mga

kuwentong nabasa mo?

Alam mo ba ang iba’t

ibang bahagi ng kuwento?

Sa modyul na ito

matutuhan mo ang mga

elemento ng kuwento upang

lalo mo pang maintindihan at

kagiliwan ang pagbabasa ng

iba’t ibang uri ng kuwento.

Sa araling ito, inaasahang makakamit mo ang sumusunod

na kasanayan:

Handa ka na ba?

Tara! Simulan mo nang pag-aralan ang modyul na ito

1. Natutukoy ang mga elemento ng kuwento:

Tagpuan, Tauhan at Banghay

2. Nasasagot ang mga tanong sa nabasang

kuwento.

Page 8: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

2

Subukin

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang tanong sa

ilalim nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Tukuyin kung anong elemento kabilang ang

nakasalungguhit na salita sa teksto. Isulat sa sagutang papel

kung tauhan, tagpuan, o banghay.

1.______________ 2. _______________ 3. _______________

4.______________ 5._______________

Ang Magkaibigan (Cheche Cortez)

Matalik na magkaibigan sina (1) Tonton at Danilo. Turing

nila sa isa’t isa ay parang tunay na magkapatid.

Isang araw, (2) dali daling nagtungo si Danilo sa bahay ng

kanyang kaibigan upang ibalita na may peryahan sa plaza at

nais niyang sumakay ng ‘Ferris Wheel’. “Tonton! Tonton! Halika

na dalian mo!” sigaw ni Danilo. “O, Danilo, bakit tila napakataas

ng enerhiya mo?” saad ni (3) Aling Bengbeng na ina ni Tonton.

“Magandang umaga Aling Bengbeng! Nabalitaan ko po kasi na

mayroong bagong palaruan sa may plaza balak ko sana na

maglaro kami roon ni Tonton. “Huwag kayong magpapagabi

mga bata. Sige mag-ingat kayo,” paalala ni Aling Bengbeng sa

dalawa.

Pagdating nila sa (4) plaza ay agad-agad na nagtungo ang

dalawa sa Ferris Wheel at sumakay rito. Maraming

nagkikislapang kulay ang nakikita nila mula sa ibaba.

Pagkatapos sa ferris wheel, (5) masayang nagikot-ikot ang

dalawa sa buong plaza. Pinuntahan ang iba’t ibang tindahan ng

kakanin at palaruan. Pagdating ng ikalima ng hapon, naisipan

na ng dalawang umuwi kani-kanilang bahay upang hindi mag-

alala ang kanilang mga magulang.

Page 9: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

3

B. Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa kuwento.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

6.Sino ang dalawang magkaibigan sa kuwento?

A. Tonton at Danilo C. Tonton at Mario

B. Mario at Danilo D. Tonton lang

7.Ano ang nais sakyan ni Danilo pagdating sa plaza?

A. Horror train C. Mary go Around

B. Ferris wheel D. slide

8.Ano ang ginawa ng dalawa pagkatapos sumakay ng ferris wheel?

A. kumain C.umuwi na

B. nagikot-ikot at naglaro D. nanood

9.Nakauwi ba nang maaga ang dalawang magkaibigan?

A. Oo B. Hindi C. Baka D.nawala

10.Kung ikaw si Tonton at Danilo, susundin mo rin ba ang paalala

ng iyong magulang?

A. Hindi po. Maglalaro ako hanggang gusto ko

B. Opo. Para hindi mag-aalala ang aking magulang

C. Depende sa magigig desisyon ko.

D. bahala na

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.

Alamin natin sa pahina 16 ang wastong sagot sa mga tanong. Saang antas ka nabibilang?

9-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY

6-8 tamang Sagot – MAGALING 3-5 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA

0-2 tamang sagot – KAYA MO YAN

Page 10: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

4

Aralin

Elemento Ng Kuwento

Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan

at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito.

Balikan

Magbalik-aral ka.

Naalala mo pa ba kung ano ang pangngalan?

Tama. Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,

bagay, hayop, pook at pangyayari.

Panuto: Tukuyin ang mga pangngalang ginamit sa loob ng

talata. Tukuyin kung ito’y tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.

Isulat ang sagot sa inyong papel.

Napakasaya ng aming karanasan sa bukid. Isinama ako

ni Itay. Kami ay nagtanim ng talong, kamatis at kalabasa.

Naligo rin ako sa batis bago kami umuwi. Sa aming pag-uwi,

nadaanan namin ang pinsan kong si Lino. Naglaro kami

sandali at uminom ng buko. Binigyan niya rin ako ng

aalagaang pusa. Ang saya ng buhay-probinsiya.

Ano-ano ang mga pangngalang

nabanggit sa talata?

Basahin mo nga itong muli.

Ngayong alam mo na ang pagtukoy ng

pangngalan, hindi na magiging mahirap sa

iyo na kilalanin ang elemento ng

kuwento.

Page 11: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

5

Mga Tala para sa Guro

1. Bigyang gabay ang mag-aaral kung paano sasagutin ang mga

pagsasanay. 2. Tiyakin na tatapusin ng mag-aaral ang bawat gawain.

Tuklasin

Pagtambalin ang mga salitang nasa Hanay A sa kahulugan

nito sa Hanay B. Maaari kang gumamit ng diksyunaryo. Isulat ang

titik ng tamang sagot sa iyong papel.

Basahin mo.

Pamana ni: Cheche Cortez

Naghahalungkat si Noreen sa lumang

aparador ng kanyang lola nang bigla niyang

nakita ang isang pulang bestida na may

disenyong bulaklakin. Sinukat niya ito at

humarap sa salamin. Saktong-sakto ang sukat

nito sa kanya, kaya’t n agpasiya siyang lumabas

upang ipakita ito sa iba.

Hanay A Hanay B

1.aparador A. hiyas na isinusuot sa leeg

2.pulseras B. malaking sisidlan ng damit

3.manikurista C. palamuting bilog na hiyas na isinusuot

4.kuwintas sa may pulso sa kamay

5.pamana D. isang kayamanan/bagay na ipinasa

E. taong naglilinis ng kuko sa kamay

Page 12: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

6

Ipagpatuloy mo pa ang pagbasa…

Nagtungo siya sa kanilang kapit-

bahay na si Aling Toring at tinanong ito

“Magandang umaga Aling Toring, kamusta

po ang aking kasuotan. “Naku! ineng

napakaganda mo pero mas gaganda ka pa

kung lalagyan natin ng malaking pulseras

ang iyong kamay”.

Nagpunta

naman si Noreen sa tindahan ni Mang Isko,

“Kumusta po kayo Mang Isko, ano pong

masasabi mo sa itsura ko?” tanong ni

Noreen sabay ikot.

“Napakaganda mo, Ineng! At mas lalo

ka pang gaganda kung lalagyan natin ng

malaking laso ang iyong buhok,” sabi ni

Mang Isko.

Nagtungo naman si Noreen sa bahay ng

kanyang tiya, “Tita Kyla, tingnan mo po ang

aking suot, bagay po ba?” tanong ni Noreen.

“Oo naman, mas lalo ka pang gaganda kapag

sinuot mo itong berdeng sapatos,” sagot ng

kanyang Tita.

Habang papauwi na si Noreen sa

kanilang bahay napadaan siya sa parlor ni

Aling Susan, isang manikurista. “Noreen,

ikaw pala,” saad nito. “Naku! mas lalo kang

gaganda kung may pakpak sa likod mo at

magmumukha kang anghel,”sabi ni Aling Susan.

Ipagpatuloy mo pa ang pagbasa…

Page 13: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

7

“Ina, bakit tila may kulang pa rin po sa aking kasuotan?”

tanong ni Noreen. Napangiti ang ina at isa isang inalis ang mga

palamuting nakasabit sa anak. “Noreen, anak, hindi mo kailangan

ng maraming bagay sa iyong katawan upang maging maganda,

mas mahalaga ang pagiging simple. Alam mo ba na ang damit na

‘yan ang pinakapaboritong suotin ng iyong lola? Halika, may

ibibigay ako sa iyo,” ang sabi ni Aling Marta papasok sa kanyang

kuwarto.

“Aba! Napakaganda naman niyan

Ina,” sabi ni Noreen habang isinusuot ng

ina ang kuwintas na may palawit na

hugis-puso sa kaniya. Ingatan mo ang

kuwintas na ito, pagka’t pamana pa ito

sa akin ng iyong lola,” nakangiting sabi

ng kanyang ina.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Isulat ang sagot sa papel.

1.Saan nakuha ni Noreen ang pulang

bestida?

2.Sino-sino ang naglagay ng palamuti sa

katawan ni Noreen?

3.Naging masaya ba si Noreen sa kanyang

itsura? Bakit?

4.Ano ang ipinayo ng ina kay Noreen?

5.Ano ang natanggap na pamana ni Noreen

sa kanyang ina? Nagustuhan niya ba ito?

Ngayon palalawakin natin ang iyong

kaalaman tungkol sa elemento ng kuwento.

Tara simulan na nating ang talakayan!

Magaling! Ngayong nasagutan mo ang mga tanong, tukuyin

mo kung tama o maali ang sagot mo sa susi sa pagwawasto

sa pahina 16.

Page 14: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

8

Suriin

Mula sa kuwentong iyong binasa, sagutin at pag-usapan

natin ang sumusunod.

Tungkol saan ang kuwento? Tungkol sa pamanang kuwintas at bestida.

Tungkol sa pulang bestida ng Lola ni Noreen.

Sino-sino ang naglagay ng palamuti sa katawan ni Noreen?

Aling Toring na nagbigay ng pulseras Mang Isko naglagay ng laso sa kaniyang buhok

Tita Kyla na nagbigay ng berdeng sapatos

Aling Susan na nagbigay ng pakpak

Aling Martha nagbigay ng kuwintas

Tama! Sila ang mga nakausap at nagbigay ng palamuti

kay Noreen. Sila ang tinatawag na mga tauhan.

Saan niya natanggap ang mga palamuting ibinigay sa kaniya?

-sa bahay na si Aling Toring-pulseras -sa tindahan ni Mang Isko-laso

-bahay ng kaniyang Tita Kyla- berdeng sapatos

-sa parlor ni Aling Susan-pakpak

-sa kanilang bahay

Tama! Ito ang mga lugar na pinuntahan ni Noreen at kung

saan niya natanggap ang mga palamuti. Tinatatawag itong

tagpuan.

Ang mga pagbigay at pagtanggap ni Noreen sa mga palamuti

sa kaniyang katawan ang mga pangyayari na tinatawag na

banghay.

Kumusta? Kilala mo na ba ang elemento ng kuwento?

Upang lalo mong maunawaan ang elemento ng

kuwento, basahin mo at sagutin ang mga tanong sa

bawat element nito.

Page 15: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

9

Ano ang maikling kuwento?

Ito ay isang uri ng pagsasalaysay ng mga pangyayari sa

buhay ng pangunahing tauhan.

Elemento ng Kuwento

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong binasa

“Pamana”? _________________

2. Sino- sino pa ang ibang tauhan sa kuwento? _______________

1. Saan pumunta si Noreen sa kuwentong binasa?

____________________________, ________________________ , __________________,

_____________________________, _______________________

Gawin mo ito para sa Banghay.

Panuto: Pasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasa. Isulat ang bilang 1-3 sa bituin.

Napadaan si Noreen sa tindahan ni Mang Isko at nilagyan siya ng malaking laso sa kanyang buhok.

A. TAUHAN – ay mahalagang elemento ng maikling kuwento

sapagkat tumutukoy ito sa mga gumaganap sa kuwento.

• Pangunahing Tauhan – nagsisilbing pinakabida sa

kuwento at sa kanya umiikot ang kuwento.

B. TAGPUAN – tumutukoy sa lugar, atmospera, at

panahon kung saan naganap ang kuwento.

C. BANGHAY – tumutukoy ito sa maayos at malinaw na

pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na

pangyayari.

Page 16: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

10

Nakita ni Noreen ang kaibigan ng kanyang nanay na manikurista at ipinasuot sa kanya ang dala-dalang

pakpak nito.

Naghalungkat si Noreen sa aparador ng kanyang lola at nakita niya ang pulang bestida agad niya itong

isinuot at humarap sa salamin.

Pagyamanin

Unti-unti mo nang nakikilala ang tatlong element ng

kuwento, kaya’t ipagpapatuloy mo pa ang mga pagsasanay.

Sige, simulan na natin.

Panuto: Basahin muli nang tahimik ang maikling kuwento at

sagutin ang mga pagsasanay sa ibaba.

A. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.

_________1. Sino ang nagsuot ng pulang bestida sa kuwento?

_________2. Saan niya kinuha ang damit?

_________3. Ano ang ibinigay sa kaniya ng kanyang nanay?

B. Panuto: Isulat ang nawawalang salita sa talata para mabuo ang

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Piliin sa

loob ng kahon ang mga salita. Isulat sa inyong papel ang sagot.

Sinabi ni Aling Toring na mas babagay kay Noreen ang suot kung siya ay maglalagay ng (1)_______sa kamay. Sinabi naman ni (2)_______ na mas bagay sa kanya ang damit kung

pendant pulseras Mang Isko sapatos laso Tiya

Kyla

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral? Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan

Page 17: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

11

maglalagay siya ng laso sa buhok. Si (3)_________ naman ay nagsabing ternuhan niya ng berdeng (4)_______ ang damit. Sa bandang huli, ang ina ay naghandog sa kanya ng (5)________ na hugis puso.

Isaisip

Anong natutuhan mo sa araling ito? Ibigay ang iyong sagot sa

pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik upang mabuo ang

salita.

1. Ito ay tumutukoy sa gumaganap sa kuwento

2. Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na

pagkakasunod-sunod ng mga

magkakaugnay na pangyayari.

3. Isang uri ng pagsasalaysay ng mga

pangyayari sa buhay ng pangunahing

tauhan.

4. Ito ay tumutukoy sa lugar, atmospera, at panahon kung saan naganap ang kuwento.

5. Ito ay nagsisilbing pinakabida sa kuwneto.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang

Pagsasanay.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

___ Pagsasanay A

___ Pagsasanay B

Gayunpaman binabati kita sa iyong

tagumpay.

UATANH

HAYBANG

LINGMAIK WENKUTO

ANPUTAG

HINGNANGUPANG

HANTAU

Page 18: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

12

Isagawa

Upang lubos mong maintindihan ang elemento ng kuwento

gawin ang pagsasanay na ito.

Panuto:

1. Gumuhit ng tatlong kahon sa inyong papel. Isulat sa loob ng isang kahon ang mga tauhan sa kuwentong Pamana.

2. Sa isa pang kahon, isulat naman ang mga lugar na pinangyarihan ng kuwento.

3. Sa ikatlong kahon, isulat ang mga pangyayaring naganap sa kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

a. “Naku, mas lalo kang gaganda kung may pakpak sa likod

mo at magmumukha kang anghel!”, sabi ni Aling susan.

b. “Ingatan mo ang kuwintas na ito sapagka’t pamana pa ito

sa akin ng iyong lola”, nakangiting sabi ng ina.

c. “Mas maganda ka pa kung lalagyan natin ng pulseras ang

iyong kamay”, sabi ni Aling Toring.

Pagtataya

Hanggang saan na ang iyong kaalaman at kahusayan sa

pagtukoy ng elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay.

Magaling! Matapos mong sagutin ang pagsubok,

tingnan kung tama ang iyong kasagutan sa

pahina 16 ng susi sa pagwawasto.

Page 19: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

13

Basahin ang sumusunod na kuwento.

Ang Masayang Paglalakbay

(Cheche Cortez)

Tuwang-tuwa sina Roy, Rico at Rey sa kanilang ‘field trip’ sa

Legaspi City. Ang una nilang pinuntahan ay ang Hoyop-hoyopan

Cave sa Camalig. Namangha sila sa ganda ng kuweba. Napagod

sila sa pag-akyat sa bulubundukin ng Kawa-Kawa sa Ligao ngunit

sulit naman sa napakagandang tanawin doon. Lalo silang

nasiyahan nang makita nila ang iba’t ibang hayop sa ‘Wild Life’.

Pagkatapos nilang mananghalian, sila ay nagtungo sa PAGASA

Center upang malaman kung papaano namumuo ang isang bagyo.

Nakita rin nila ang perpektong hugis ng Bulkang Mayon sa may

Cagsawa Ruins. Sulit ang pagod ng mga mag-aaral habang

papauwi na sila sa kani-kanilang bahay.

Panuto: Isulat sa inyong papel ang tamang sagot.

A. Ang mga tauhan sa kuwento ay sina

(1)_______________________,

(2)_______________________ at

(3) ______________________.

B. Ang mga lugar na kanilang pinuntahan ayon sa kuwento ay

(1)_______________________

(2) ______________________

(3)_______________________

(4)_______________________, at

(5)_______________________.

Page 20: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

14

C. Pasunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa tekstong

nabasa. Lagyan ng bilang 1-5 sa patlang.

_____ a. Lalo silang nasiyahan nang makita nila ang iba’t ibang

hayop sa ‘Wild Life’.

_____ b. Natutula rin sila sa hugis perpekto ng Bulkang Mayon

ng sila ay pumunta sa Cagsawa, Daraga.

_____ c. Sulit ang kanilang pagod habang papauwi na sa

kanilang bahay

_____d. Napagod ang tatlong bata sa pag-akyat nila sa

bulubunduking Kawa-Kawa sa Ligao.

_____e. Namangha sila sa ganda ng Hoyop-hoyopan Cave

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 16.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

Page 21: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

15

Karagdagang Gawain

Para mas lalo ka pang mahasa at hindi makalimutan ang

tungkol sa araling Elemento ng Kuwento, magsanay ka pa sa

pagtukoy sa tauhan, tapuan at banghay sa kuwentong iyong

binasa.

Mula sa kuwentong Masayang Paglalakbay, gawin ang

sumusunod:

A. Kulayan ang araw na tumutukoy sa mga tauhan sa

kuwentong binasa.

B. Iguhit sa loob ng kahon pinakagusto mong tagpo.

Rico

Ruel Rey

Roy Roy

Malugod na pagbati!

Napagtagumpayan mo ang mga

gawain sa modyul na ito.

Maaari ka nang magpatuloy sa

susunod na modyul.

Page 22: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

16

Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tuklasin

A. 1. Bukid, itay, talong, Talasalitaan: 1. Tauhan kamatis, kalabasa 1.B, 2. C., 3. E., 4. A., 5. D. 2. Banghay batis, Lino, buko Sagot sa Tanong:

3. Tauhan puso, buhay probinsiya 1.Aparadot 4. Tagpuan 2.Aling Toring, Mang Isko, 5. Banghay Tiya Kyla, Aling Susan 3. Hindi-Dahil tila may B. kulang pa sa kanyang 1. a kasuotan 2. b 4. Mas maganda ang pagiging 3. b simple. 4. a 5. Kuwintas. Opo nagustuhan 5. b ni Noreen ang ibingay sa sa kanya.

Suriin Pagyamanin Isaisip A.1. Noreen A.1. Noreen 1. Tauhan

2. Aling Toring 2. Aparador 2. Banghay

Mang Isko 3. Kuwintas/pendant 3. Maikling Kuwento Tita Kyla B.1.pulseras 4. Tagpuan

Aling Susan 2.Mang Isko 5. Pangunahing Tauhan

Aling Marta 3. Tiya Kyla B. 1. Sa kapitbahay 4.sapatos

2.Sa Tindahan 5.pendanr

3.Bahay ni Tita Kyla 4. Parlor

5.Sa kuwarto ni Aling

Marta

C. a -2

b -3 c - 1

Isagawa Pagtataya Karagdagang Gawain A. Noreen C. A.1. Roy, Rico, Rey A. 1. Roy, Rico, Rey

Aling Toring A-2 B.1. Hoyop-hoyopan Cave B. Depende sa pagwawasto ng Mang Isko B-3 2. Kawa-Kawa guro

Tita Kyla C-1 3. Wild Life

Aling Susa 4. PAGASA

Aling Marta 5. Cagsawa

B. 1. Sa kapitbahay C.a.-3

2.Sa Tindahan b.-4

3.Bahay ni Tita Kyla c.-5 4. Parlor d.-2

5.Sa kuwarto ni Aling e.-1

Marta

Page 23: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

17

Sanggunian

1. Almario, Virgilo – UP Diksiyonaryong Filipino 2nd ed., ANVIL Publishing Inc., 2010

2. Kontekstuwalisadong Banghay – Aralin sa Filipino, Baitang 4 Unang Kwarter, Week 1 Day 4 pahina 18-22

3. Dimas, Ellenette. “Maikling Kuwento” Google, 2020

https://brainly.ph/question/310907

Page 24: Filipino - dipologcitydivision.net · Aralin Elemento Ng Kuwento Matutukoy mo ang elemento ng kuwento- tauhan, tagpuan at banghay sa mga kuwentong babasahin sa araling ito. Balikan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]