12
EPEKTO NG CO-CURRICULAR ACTIVITIES SA ACADEMIC PERFORMANCE NG MGA ESTUDYANTE SA PAARALANG SEKUNDARYA NG ISMAEL MATHAY AMA, ISANG PAG- AARAL Mateo, Sheen An Lyn Florencio, Julia Bien Esagunde, Nisha Anne Lupaz, Jennifer KABUUANG KONSEPTO Ayon sa kasalukuyang pag-aaral, ang paglahok sa co- curricular activities ay naka-aapekto sa academic performance at achievements ng mga mag-aaral. Ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay ipabatid na mayroong magandang naidudulot sa academic achievements ng mga estudyante ang pagsali sa co-curricular

Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

  • Upload
    jujubien

  • View
    2.976

  • Download
    345

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Paaralang Sekundarya ng Ismael Mathay Ama

Citation preview

Page 1: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

EPEKTO NG CO-CURRICULAR

ACTIVITIES SA ACADEMIC PERFORMANCE NG MGA ESTUDYANTE SA PAARALANG SEKUNDARYA NG ISMAEL MATHAY AMA, ISANG PAG-AARAL

Mateo, Sheen An Lyn

Florencio, Julia Bien

Esagunde, Nisha Anne

Lupaz, Jennifer

KABUUANG KONSEPTO

Ayon sa kasalukuyang pag-aaral, ang paglahok sa co-curricular activities ay naka-aapekto sa

academic performance at achievements ng mga mag-aaral. Ang layunin ng pagsasaliksik na ito

ay ipabatid na mayroong magandang naidudulot sa academic achievements ng mga estudyante

ang pagsali sa co-curricular activities. Ang ginamit na paraan sa pag-aaral na ito ay pagpapasagot

sa 45 mag-aaral ang ilang mga katanungan sa papel. Malalaman sa pag-aaral na ito na ang mga

estudyanteng kasali sa kahit anong isports, dramatikong pagtatanghal ay nakaiimpluwensya sa

kanilang academic performance,.. Masasabing ang co-curricular activities ay nakaiimpluwensya

sa academic performance ng mga mag-aaral at nakadepende sa sinalihang aktibidad ang epekto

nito.

Page 2: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

INSTRODUKSYON

Ang impluwensya ng mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities ay isa sa mga salik na

may importanteng epekto sa mga mag-aaral sa kanilang academic performance. Maraming

paraan upang gawing makabuluhan ng mga estudyante ang kanilang "free time" na may positibo

at negatibong resulta.

Ang 'co-curricular' ay tumutukoy sa mga aktibidad, programa, palatuntunan at patimpalak na

nagbibigay daan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa academic curriculum. Ilan dito ay ang student

newspaper, musical performance, art shows, mock trials, debate competitions, robotics at iba pa.

Samantalang, ang 'extra-curricular' activities ay bagaman may koordinasyon ang paaralan sa pag-

oorganisa nito, hindi ito tuwirang konektado sa academic learning.

Isa sa mga palatuntunan na pinakakaabangan ng Ismaelians ay ang mga patimpalak na

inilulunsad ng bawat Kagawaran. Tuwing Enero, ipinagdiriwang ang Buwan ng Matematika at

nagpapaligsahan ang mga mag-aaral sa Mathematics Quiz Bee, Poster at Slogan Making, at

Mathematics Jingle na pinangungunahan ng Departamento ng Matematika. Ibinibida naman ang

Miss and Mr. Intramurals tuwing Buwan ng Musika, Sining, Pisikal na Edukasyon at Kalusugan

o MAPEH. Isang tournament naman ang inilulunsad sa pagitan ng mga mag-aaral sa bawat

baitang upang madiskubre ang potensyal na manlalaro sa iba't ibang larangan ng Isports.

Ipinapakita ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalusugan at pagkain ng mga masusustansyang

gulay at prutas tuwing Buwan ng Hulyo sa pangunguna ng Kagawaran Technology and

Livelihood Education. Ginamit bilang instrumento ang Jingle N' Rap upang maghatid ng

mensahe sa mga kabataan. Malugod na binibigyang empasis ang pagpapahalaga sa Buwan Ng

Wika tuwing Agosto. Hinuhubog ang damdaming makabayan ng mga kalahok sa pamamagitan

ng Sabayang Pagbigkas, Pagpapakahulugang Sayaw, Pagsulat ng Sanaysay, Eksibit, Tagisan ng

Talino at Cosplay at iba pa. Eksepsyonal ang paraan ng paghikayat ng Kagawaran ng Agham sa

mga kalahok upang bigyang pansin ang pangangalaga sa Kalikasan tuwing Setyembre. Isang

malawakang kampanya ang 'Search for Science Fashionista' kung saan piling mag-aaral mula

bawat pangkat ang buong pusong nakikiisa sa sa mga programang Earth-friendly. Dahil sa

Page 3: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

pagsisikap ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, taunang ipinagdiriwang ang Buwan ng

Pagkakaisa tuwing Oktubre. Ang natatanging Ms. & Mr. United Nations ay binibigyang pansin

upang matuto ang mga kabataan ukol sa Pambansang Pagkakaisa. Samantala, ang English

Department ay patuloy na nagtataguyod ng Literary Character Parade upang higit na

mapahalagahan ang Literary Works at hikayatin sa pagbabasa ang mga mag-aaral. Damang-

dama ang Diwa ng Pasko sa Parol-Making Contest ng Kagawaran ng Edukasyon ng

Pagpapahalaga. Ilan lamang iyan sa mga Co-Curricular at Extra-Curricular Activities na

tumutulong sa paghubog ng mga mag-aaral.

Sa Paaralang Sekundarya ng Ismael Mathay Ama (PSIMA), isa sa pinagkakaabalahan ay ang

komputasyon ng mga karapat-dapat na parangalan ang mga naging eksepsyonal ngayong

academic school year (A.Y. 2014-2015) mula baitang pito hanggang ika-apat na taon. Ang 70-30

polisiya ang naging batayan sa paghirang ng mga Honorable Students. 70% ang nakalaan para sa

academics samantalang 30% sa Co-Curricular at Extra-Curricular Activities. Isinasaalang-alang

ang pagiging tumpak ng pagkokompyut upang maiwasan ang 'statistical discrepancy' at tiyak na

maparangalan ang mga karapat-dapat. Partikular na sa ika-apat na baitang sa pagpili ng

Valedictorian, Salutatorian at 8 Honorable Mention.

Ang Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd) ay naglathala ng

klasipikasyon sa DepEd Order No. 92, s. 2009 na ipinangalanang "Revised Guidelines on the

Selection of Honor Pupils and Students in Public & Private Elementary Secondary Schools" na

sumasaklaw sa Academics at Curricular Performance. Ang lahat ng punong-guro ng mga

Paaralang Elementarya at Sekundarya, Schools Division Superintended at Regional Directors ay

inaasahang siguraduhin ang eksakto at matiwasay na implementasyon ng Student Government

Program nitong DepEd Order.

Sinasaklaw nito ang puntos ng mga kandidato sa lahat ng lebel (school, district, division,

regional, national at international) na nakasaad sa Enclosure No. 2 DepEd Order No. 92 s. 2009

na may limang Area/Activity. Ito ay ang a) Contest and Competition (CC), b) Student

Leadership (SL), c) Campus Journalism (CJ), d) Officership and Membership (OM), at

Page 4: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

Participation and Attendance (PA). Ang proseso sa pagbilang ng katumbas na puntos ay 

1) Magsumite ang bawat kandidato ng lehitimong kopya ng dokumentasyon o ebidensya na

naayon sa Paragraphs 1 to 2 DepEd Order No. 92, s. 2009.

2) Suriin ang pagkalehitimo ng 'curricular' achievements ng bawat kalahok at ilagay ang

katumbas na puntos na naayon sa Table of Points for Co-Curricular Performance ng Enclosure

No. 2 to DepEd Order No. 92, s. 2009.

3) Gamitin ang matrix sa pagkokompyut ng puntos.

4) Isaayos ang ranggo mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang total points.

5) I-multiply ang ranggo ng 3 puntos upang makuha ang weighted rank.

Patuloy na pinasisigla ng PSIMA ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

paggawad ng mga parangal tulad ng sertipiko, medalya, cash prizes at tropeyo sa Culminating

Activity ng bawat kagawaran.

HYPOTHESIS

Ayon sa kasalukuyang pag-aaral, ang paglahok sa co-curricular activities ay naka-aapekto sa

academic performance at achievements ng mga mag-aaralMalalaman sa pag-aaral na ito na ang

mga estudyanteng kasali sa kahit anong isports, dramatikong pagtatanghal ay nakaiimpluwensya

sa kanilang academic performance, habang ang panonood naman sa telebisyon ay mayroon ding

magandang naidudulot sa academic performance nila. Masasabing ang co-curricular activities ay

nakaiimpluwensya sa academic performance ng mga mag-aaral at nakadepende sa sinalihang

aktibidad ang epekto nito.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman kung may epekto ba ang co-curricular

activities sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral:

Page 5: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

(1)Nakakaimpluwensya ba ang co-curricular activities sa academic performance ng mga

estudyante? (2)Saang larangan ka na nakikibahagi sa co-curricular activities? (3)Gaano katagal

ang iginugugol ng mga mag-aaral sa co-curricular activities? 4)Ano ang reaksyon ng mga

magulang ukol sa co-curricular activities? (5) Nababalanse mo ba ang academics at co-curricular

activity?

PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS

Itinala ang mga datos sa pamamagitan ng survey sa 45 mag-aaral ng IV-Faith ng Paaralang

Sekundarya ng Ismael Mathay Ama. Kalakip nito ang ilang katanungan na naging basehan ng

mga datos.

PAG-AARAL NG DATOS

85%

15%

Nakakaimpluwensya ba ang co-curricular ac-tivities sa academic performance ng mga es-

tudyante? Oo Hindi

Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey,15% ang sumang-ayon at 85% ang hindi.

Page 6: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

Sports Journalism Quiz Bee Dancing Drama Club

0

10

20

30

40

Saang larangan ka na nakikibahagi sa co-curricular activities?

Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 10 ang nakikibahagi sa sports, 40 sa Journalism, 15sa Quiz Bee, 9 sa Dancing, 6 sa Drama at 20 sa iba’t ibang Club o organisasyon.

1-3 oras10%

4-8 oras23%

8 pataas68%

Gaano katagal ang iginugugol ng mga mag-aaral sa co-curricular activities?

Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 10% ang may 1-3 oras na ginugugol sa co-currcular

activities, 22% sa 4-8 oras at 68% pataas naman ang higit sa walong oras

Page 7: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

.

Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 6 ang may negatibong reaksyon at 34 ang sumang-ayon.

Sa 40 estudyanteng nabigyan ng sarbey, 26 ang sumang-ayon at 13 ang hindi.

6 Negatibong Reaksyon

34 Positibong reaksyon

Ano ang reaksyon ng mga magulang ukol sa co-curricular activities?

Oo

Hindi

05

1015202530

26

13

Nababalanse mo ba ang academics at co-curricular activity?

Page 8: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

KONKLUSYON

Ipinapakita ng resulta ng aming pag-aaral na ang paglahok sa mga aktibidad sa paaralan o co-

curricular ay mapabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral . Ang paglahok sa

patimpalak at sports ay nagpapabuti sa performance ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

REKOMENDASYON

Batay sa aming mga konklusyon ang ilang mga rekomendasyon na maaaring gawin na maaaring

maging kapaki-pakinabang para sa parehong mga magulang at mga guro.

Madalas, ang mag-aaral na aktibong lumalahok sa co-curricular ay nakakakuha ng benepisyo sa

kanilang pag-aara . Ang mga mag-aaral, guro at magulang ay dapat magkaroon ng kamalayan na

kung saan ang co- curricular na gawain ay kapaki-pakinabang . Ang bawat mag-aaral ay

ginagawa ang pinakamahusay para sa kanyang pag-aaral habang kabahagi sa ibang mga

aktibidad sa paaralan o co-curricular, kung saan ay hindi kapaki-pakinabang lamang para sa

pag-unlad ng kanyang kalusugan ngunit ito rin ay lumilikha ng balanse sa kanyang pagkatao.

Gayunpaman mga magulang ay hindi dapat pilitin ang kanilang mga anak upang makibahagi sa

mga cocurricular na mga gawain upang mapabuti ang kanilang mga grado. Magkakaiba ang

kakayahan at kagustuhan ng bawat mag-aaral. Ang mga magulang ay dapat makiisa sa

paghahanap ng mga aktibidad kung saan ang kanilang mga anak ay maaaring sumali na ayon na

rin sa kanyang kakayahan.

Sa kabilang banda hindi dapat pagbawalan ng mga magulang ang kanilang mga anak na kumuha

ng bahagi sa sports at iba pang mga aktibidad o co- curricular . Ang paglahok sa mga nasabing

aktibidad ay nakatutulong sa mga kabataan sa maraming paraan.

Page 9: Aksyong Pananaliksik: Epekto ng Co-Curricular Activities

Ang mga aktibidad na ito ay bumubuo ng mga kasanayan sa panlipunan, ispiritwal, etika at

disiplina . Ang mga mag-aaral ay dapat bigyan ng pagkakataon na makasali sa iba’t ibang

aktibidad na magpapabuti sa kanyang sarili at magpapaunlad ng kanyang kakayahan. Ang

layunin ng mga co-curricular activities ay upang mapabuti ang bawat mag-aarat at upang

mapaunlad ang kanilang kakayahan. Ang mga magulang ay dapat sumusuporta sa kanyang anak

ano man ang nais nitong salihan na aktibidad na makatutulong sa kanya.