26
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Ang pagsusulat at pakikipag- komunikasyon ng mga Jejemon sa pamamagitan ng modernong teknolohiya”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng dalawang mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011. Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges: _____________________ Gng. Ma. Brenilda Medina (Punong-Guro)

Text Messaging [Pananaliksik]

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Text Messaging [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na

pinamagatang “Ang pagsusulat at pakikipag-komunikasyon ng mga

Jejemon sa pamamagitan ng modernong teknolohiya”. Inihanda at

iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si

Bb. Jessilyn Ranges ng dalawang mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV

– St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at

inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan

sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________

Gng. Ma. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

Page 2: Text Messaging [Pananaliksik]

PASASALAMATPASASALAMAT

Lubos naming pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa nabigay nilang

tulong at suporta upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito:

-      Una na rito ang Diyos, sa kanyang pag-gabay sa amin habang ginagawa

ang pananaliksik na ito

-      Ikalawa ay ang aming butihing guro na si Bb. Jessilyn Ranges, sa

pagtulong at sa pagbibigay ng mga ideyang makakatulong sa aming

pananaliksik.

-      Ikatlo ay ang mga naging respondente, na sumagot nang buong puso at

naglaan ng oras para sa aming mga katanungan.

-      Sa aking pamilya at mga kaibigan, na naniwala at tumulong na rin sa

pagbibigay ng ideya upang mabuo ang pananaliksik na pinaghirapan namin.

-      At ang huli ay sa mga awtor at mga taong nakuhanan ko ng mga datos

na sa kanila ko lamang nakalap.

 

Page 3: Text Messaging [Pananaliksik]

TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. KONKLUSYON

B. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

PATUNGKOL SA AWTOR

Page 4: Text Messaging [Pananaliksik]

KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

Page 5: Text Messaging [Pananaliksik]

A. INTRODUKSYON

                Texting, sinasaklaw nito ang estadong pamamahayag ng saloobin

ng mga indibidual bilang isang epektibong komunikasyon sa mundo. Dahil

ito na ang pinakasikat na uri ng komunikasyon sa ating henerasyon.

Eto ang modernong pagpapalitan ng haka-haka, epektibong

pagtutumag ng dalawa o higit pang mananalita o nakikinig sa aspetong

gamit ang pagsusulat gamit ang “CELL PHONE”. Eto ay uri ng komunikasyon

na mas malawak ang nasasaklawan at dahil dito maaaring maging problema

o makakaganda eto sa pag-uugali, pananalita o maging sa pag-sulat ng

isang idibidual lalo na sa mga kabataan. Eto ang pinakamadaling pagbibigay

ng impormasyon o mensahe sa pamamagitan ng mga pinaikling mga salita.

 Ngunit maraming problema ang maaaring maidulot ng simpleng pag-

tetext. Isa na rito ay ang pagpuksa sa mga taong “jejemon”. Na kung

titignan natin ay masasabing kakaiba sa uri ng pagsususlat nila sa “CELL

PHONE” o maging sa pananalita. Naging mabilis ang pag-unlad ng ating

kumunikasyon dahil sa mga nagsusulputang ibat-ibang uri ng gamit o

modelo ng “cellphone, computers atbp.” Mabilis din ang epektong idinudulot

ng mga taong ginagamitito sa maling pamamaraan.

                Sa panahon ngayon naging parte na sila ng ating lipunan, Ngunit

hindi ito naging madali para sa kanila dahil napuno sila ng batikos at

pagtataboy sa unang-una pa lang na pagkasikat ng mga taong nasasabing

mali ang pag-gamit nila ng modernong komunikasyon sa pamamagitan ng

“TEXT”.

 

 

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Page 6: Text Messaging [Pananaliksik]

Layunin ng Text Messaging na pabilisin ang pag-papadala ng mga

mensahe sa pamamagitan ng modernong pamamaraan tulad ng paggamit

ng cellphone, computer, ATBP. Eto ay uri ng mensahe na pinaikli lamang o

“Short Cut,” kung saan binabawasan ang mga salitang madaling intindihin.

Eto ay uri ng modernong proposisyon at impormasyon na magmumulat sa

tao sa mabilis na pag-unlad ng ating herenasyon.

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga mananaliksik:       

 Ang kahalagahan ng pagnanaliksik na eto ay para makapagbigay ng

panibagong ideya sa mga mananaliksik na makakabasa nito. Maaari eto

gamitin bilang isang gabay ng kaalaman sa mga ibang mananaliksik tungkol

sa kanilang pinag-aaralan.

Sa mga kabataan:

          Ang pananaliksik na eto ay magmumulat sa mga kabataan tungkol sa

problema at mahahalagang impormasyon. Sanhi ng problema at paglawak

nito, mga sulusyon na kinakailang tungkol sa mahahalagang isyu ng ating

lipunan.

Sa mga magulang:

Ang pag-aaral na eto ay makatotohanang pag-ungkat ng mga

problema tungkol sa isang mahalagang isyu ng ating bansa at suliranin din

ng mga magulang. Eto ay magmumulat ng katotohanan at kaalaman ng

limitasyon at obligasyon ng isang magulang.

 

Sa pamahalaan:

Page 7: Text Messaging [Pananaliksik]

Ang pag-aaral na eto ay makakatulong sa pamahalaan na halungkatin

ang mga maliliit na isyu ng ating lipunan. Pag-bibigay ng mas malawak na

kampanya para sa mga kabataan at sa kanilang edukasyon. Pag-papalawak

ng kanilang kaisipan para makaisip ng epektibong paraan na maaring

pakinggan at sundin ng kabataan at ng pamayanan.

Sa komunidad:

          Ang pananaliksik na eto ay makakatulong sa pamayanan na buksan

ang kanilang kaisipan at gumawa ng sulusyon sa problemang pang estado

ng ating bansa. Makakatulong din itong pahalagahan ng ating lipunan ang

pag-gamit natin sa ating wika ng wasto bilang Pilipino na nagmamahal sa

sariling atin.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw tungkol sa mahahalagang isyu

ng ating bansa. Nakasentro ito sa pagpapatibay ng impormasyon tungkol sa

mga problema at solusyon ukol sa problema ng ating bansa, na pagbaba ng

kalidad ng kaalaman ng mga kabataan dahil sa texting.

Ang paghahanap ng impormasyon ay naganap sa Flos Carmeli

Institution of Quezon City, at sa Dahlia Ave., Quezon City na nakatulong sa

pagbuo sa datos ng pananaliksik na ito.

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

        Ang pananaliksik na eto ay sumisentro sa mga problema ng ating bansa

tungkol sa maling pag-gamit ng “TEXT”.

Page 8: Text Messaging [Pananaliksik]

Ang pananaliksik na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1.   Ano ang “TEXT”?

2.   Anu-ano ang mga nararanasang problema sa “Text” sa lipunan lalo na sa mga kabataan?

3.   Gano kalaki o kalawak ang impluwensiya nito sa ating bansa?

4.   Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa isyu na eto?

 

 

 

Page 9: Text Messaging [Pananaliksik]

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT

LITERATURA

Page 10: Text Messaging [Pananaliksik]

Ang Text messaging o texting ay tumutukoy sa mga palitan ng mga

maikling mensahe na nakasulat sa pagitan ng fixed-lines ng telepono o

mobile phone at nakapirming o nabibitbit na aparato sa loob ng isang

network. Habang ang mga orihinal na salita ay nagmumula sa pagsangguni

sa mga mensaheng ipinapadala gamit ang Short Message Service (SMS)

buhat mula sa Radio telegrapya, dahil ito ay extended na isasama ang mga

mensahe na naglalaman ng imahe, video, at tunog ng nilalaman (na kilala

bilang MMS na mensahe) . Ang nagpadala ng isang text message ay kilala

bilang isang texter, habang ang serbisyo mismo ay may iba't ibang

colloquialisms depende sa rehiyon: maaaring ito ay tinutukoy bilang isang

teksto sa North America, Australia, Pilipinas at ang United Kingdom, isang

SMS sa  Europa, at isang TMS o SMS sa Gitnang Silangan at Asya.

Ang teksto ng mga mensahe ay maaaring gamitin upang makipag-

ugnayan sa mga awtomatikong sistema, tulad ng order sa mga produkto at

serbisyo para sa mga mobile phone, o mga kalahok sa contest. Sa mga

advertisers at mga service provider. Gumagamit ng teksto ang mga ito

upang abisuhan mga gumagamit ng mobile phone tungkol sa promotion,

pagbabayad takdang petsa at iba pang mga abiso na maaaring karaniwan ay

ipinadala ng post, e-mail o voicemail.

Kasaysayan ng Texting

Ang SMS ay unang ginamit noong Disyembre 1992, ni Neil Papworth,

isang 22-taong-gulang sa engineer test para sa Semi Group (ngayon Airwide

Solutions), na gumagamit ng isang personal computer upang magpadala ng

mga text na mensahe "Merry Christmas" sa pamamagitan ng Vodafone

network na telepono ni Richard Jarvis.

 

Page 11: Text Messaging [Pananaliksik]

Kapag texting ang unang lumabas, orihinal na ito ay inilalaan para sa

mga negosyante. Ito ay tunay na may kamahalan at hindi isang

makakatotohanan opsyon para sa mga tao na hindi mayaman. Ang texting

ay nagsimula, na sila ay pwedeng  magpadala ng hanggang sa 140 bytes na

isinalin sa 160 mga character ng mga alpabetong Ingles.

Ang messaging ngayon ay ang pinaka malawak na ginagamit na

mobile data service, na may 74% ang mga gumagamit ng mobile phone sa

buong mundo o 2400000000 at naging 3300000000 sa katapusan ng 2007

sa pagiging  aktibong paggamit ng SMS. Sa mga bansa tulad ng Finland,

Sweden at Norway, higit sa 85% ng populasyon ay gumagamit ng SMS. Ang

Europeans naman ay may average na 80%.

 

Page 12: Text Messaging [Pananaliksik]

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

 

Page 13: Text Messaging [Pananaliksik]

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay nasa pamamaraangimpormativ kung saan

inilalahad ang mga sanhi at dulot ng mga problema na maiidudulot ng

pagtetext sa mga kabataan.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay may edad na

15-30 na may sapat na kaalaman sa mga problemang nakasaad sa

pananaliksik na ito.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap

ng mga sa pamamagitan ng internet,aklat, at mga dokumento na maaaring

makatulong sa pananaliksik na ito.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kwestiyoner na

ipinapamigay na naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabing

paksa.

Page 14: Text Messaging [Pananaliksik]

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 15: Text Messaging [Pananaliksik]

MGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NGMGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NG PANANALIKSIKPANANALIKSIK

Ano ang dahilan kung bakit gusto ng mga kabataan ang pagtetext?

a. Dahil sa mga kaibigan

b. Upang manligaw

c. Pampalipas oras

Ayon sa survey na ito mas marami ang pabor sa letrang “A”. Dahil sa

ang pagtetext ay uri ng komunikasyon at ito din ang paraan na ginagamit ng

mga kabataan upang makipag-usap sa kanilang mga kaibigan.

Pumapangalawa dito ay ang titik “B”, gaya nga ng sinabi ko ang pag-tetext

ay isang uri ng komunikasyon kaya ito ay pwedeng magamit sa panliligaw ng

mga kabataan. At ang huli ay ang titik “C” marahil mas maraming sikat na

libangan kumpara sa pag-tetext tulad ng computer games,PSP,XBOX at iba

pa.

Page 16: Text Messaging [Pananaliksik]

Sa tingin mo ba may hakbang o programa ang ating pamahalaan sa ganitong isyu?

a. Meron

b. Wala

Sa ikalawang sarbey na aking isinagawa makikita dito na pantay lang

ang nagsabi ng meron at wala. Marahil hindi gaanong nababalita ang mga

programa o hakbang ng gobyerno sa television,radio at sa internet kaya

nasabi nilang wala. At sa panig naman ng meron marahil siguro ay

nadadama nila ang proyekto na ito at nakikita nilang ipinapatupad ito mismo

sa kanilang lugar.

Page 17: Text Messaging [Pananaliksik]

Nakakasama ba ang pag-tetext/pag-tetext na katulad ng mga Jejemon sa pag-aaral?

a. Oo

b. Hindi

c. Depende

Sa ikatlong sarbey na aking isinagawa mas pabor sila sa letrang “A”.

Sa mga aking napagtanungan tungkol sa tanong na ito madalas kong

narining na isinagot nila ay titik “A” dahil sinasabi nilang walang naidudulot

na maganda ang pag-tetext. At ang JEJEMON ay isang walang kwentang

salita lamang daw ayon sa aking mga na tanong. At sa letrang “B” naman

kaya yun ang naisagot nila dahil nagagamit nila ang pag-tetext sa pag

komunika sa kanilang mga kamag-aral at kaya naman daw kontrolin o itigil

ang pag-tetext kung gugustuhin mo. At sa letrang “C” naman ay sinabi ng

mga sumagot ng letrang ito ay na sayo na yun kung ititigil mo ito o

ipagpapatuloy ang pag-tetext.

Page 18: Text Messaging [Pananaliksik]

KABANATA V

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 19: Text Messaging [Pananaliksik]

A. KONKLUSYON

Nalaman ko sa pananaliksik na ito dapat  tayong matutu maging alerto

sa atin kapaligiran at sa mga pagbabagong nang-yayari sa araw-araw. Upang

masabayan ang ating kaisipan at matangap ng maaga ang agos ng paunlad

ng ating teknololohiya.

Ang kinilabasan ng pananaliksik na ito ay maraming tao ang nahulog

na sa pagtetext at pagsasalita ng di pangkaraniwang lengguahe. Ang resulta

ay pag kahina ng memorya sa spelling at sa iba pang aspeto ng pag-aaral.

Kaya matuto tayong wag abusuhin ang mga technolohiyang natutuklasan

natin dapat ay palawakin natin ito at gamitin sa maayos na pamamaraan.

Upang ito ay mas makatulong para sa malaking pagunlad ng ating bansa.

Hindi mo din lubos na maisip na ang salitang jejemon ay sisikat ng ganun na

lamang sa bansa.Sa katunayan naging isa pa ito sa mga kalahok na kataga

na sa botohan sa U.P. na maidadagdag sa bokabularyo ng ating lahi subalit

ang nanalo ay “EMO” na ibig sabihin ay emosyunal o pagiging maramdamin.

At base sa survey na aking ginawa 68% ang  pabor na maging parte ito n

gating natural na pamumuhay. At kakaunti lang ang hindi pabor o mga

kumokontra sa mga ito at ninanais na maglaho ito dito. Subalit hindi na

makakaila ng sambayanang Filipino na ang pagsasalita ng di madali

intindihin na lenguahe ay kasabayan ng pag taas ng mga tinatawag na

texters o adik na sa txt. Sa totoo lang sa pagiging malikhain nating mga

Pilipino ay nakakaisip tayo ng mga bagay na nakakamangha na dapat nating

ipagmalaki at gamitin sa kanais nais at kapaki pakinabang na pamamaraan.

Ang “TEXT” ay ganap na kapakipakinabang subalit magbigay tayo ng

tamang pag galang sa ating wika bilang Pilipino at wag baguhin ang mga

wika na kinagisnan ng ating mga ninuno at kailangan nating ipamana pa sa

susunod pang  henerasyon. Ihahambing ko ang “TEXT” sa buhay ng tao

Page 20: Text Messaging [Pananaliksik]

maiksi lamang pero makabuluhan maiksi na masaya at minsan lamang yan

ang text salitang maiksi pero maraming ibig sabihin

B. REKOMENDASYON

Maaari kayong matulungan ng pananaliksik na ginawa ko at ng aking

kagrupo sa pamamagitan lamang ng simpleng pagbabasa at isa puso ito,

unawain at ilagay sa isip ang bawat impormasyon, at higit sa lahat dapat

matuto din tayong gawin ito wag lang basahin o intindihin. Dahil walang

mararating ang pananaliksik na ito kung wala kaming natulungan at kung

wala din gagawa ng mga nakasaad na mga dapat gawin sa pananaliksik na

ito. Ang masasabi lamang ng mga estudyanteng katulad ko ay “ang hindi

marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.

Kung si Dr.Jose Rizal ay nagawa niyang baguhin at masama sa history ng

pilipinas sa pamamagitan lamang ng simpleng pagsusulat at pag publish ng

dalawang libro. Malamang kakayanin din natin baguhin at buhayin ang

wikang Pilipino sa simpleng pagsasagawa ng mga nakasaad sa isang simple

ngunit marami ang nakasaad na mga bagay na makatutulong sa buhay

nating mga Pilipino. Bilang estudyante ang isa sa mga obligasyon natin ay

palawakin ang kaisipan natin tungkol sa wikang Pilipino. Gaya nga ng sinabi

ng guro namin na si ma’am jess ang Pilipino daw ay mayaman sa mga iba’t

ibang klaseng salita. At ako ay sumasangayon dun. Kada parte ng pilipinas

ay meron iba’t ibang klaseng wika ka na maririnig. Bat hindi ito ang gamitin

natin sa pagtetext ang sariling atin ngunit atutong gamitin sa maayos at sa

mga tamang panahon ang mga wikang ito. Dahil hindi lahat ng Pilipino sa

bansa o sa mundo ay alam ang mga ibig sabihin nito. At kung guro naman

ang makabasa nito obligasyon niyo na ituro sa mga esutdyante ang mga

datos na nakalap naming mga mananaliksik. Sapagkat walang tao ang

kakayaning ipakalat ang mga impormasyon na ito mag-isa.

Page 21: Text Messaging [Pananaliksik]

BIBLIOGRAPHYBIBLIOGRAPHY

JEJEMON definition http://en.wikipedia.org/wiki/Jejemon Texting http://en.wikipedia.org/wiki/Texting History of texting http://en.wikipedia.org/wiki/Text_messaging SMS, the strange duckling of GSM 

http://www.telenor.com/telektronikk/volumes/pdf/3.2004/Page_187-194.pdf INFORMATION ON TEXT MESSAGING SMS SERVICES AND HOW THEY WORK

http://www.youtube.com/watch?v=741137 DOCUMENTARY ON TEXTING

http://www.youtube.com/watch?v=U5NRfUffEIY THE LONDON TEXT AND MSN DICTIONARY- A TEXT AND MOBILE PHONE DICTIONARY

WRITTEN BY WEST LONDON TEENAGERS.http://timwoods.org/business/index.php?option=com_content&task=view&id=121&Itemid=174

THE CSCA, THE U.S. REGISTRY FOR SMS SHORT CODES

http://www.usshortcodes.com/ "TEXT MESSAGES HELPED KENYANS WIH HIV".

http://www.cbc.ca/health/story/2010/11/09/hiv-bc-kenya-text-messages.html

NACINO, JOSEPH "JEJEMON IN THE PHILIPPINES". CNET ASIA. http://asia.cnet.com/blogs/the-virtual-eye/post.htm?id=63018444&scid=hm_bl

MARCOLETA, HARVEY ">JEJEMONS: THE NEW ‘JOLOGS’". PHILIPPINE DAILY INQUIRER. http://lifestyle.inquirer.net/2bu/2bu/view/20100424-266068/gtJejemons-The-new-jologs

LIM, RONALD "HOW DO YOU SOLVE A PROBLEM LIKE THE JEJEMONS?". http://www.mb.com.ph/articles/254784/how-do-you-solve-a-problem-jejemons

"'ANTI-JEJEMON' CAMPAIGN GOES VIRAL ON THE WEB". http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/05/01/10/anti-jejemon-campaign-goes-viral-web

BIADO, ED "THE JEJEMON PHENOM". http://www.manilastandardtoday.com/insideLifestyle.htm?f=2010/april/30/lifestyle4.isx&d=2010/april/30

(TAGALOG) "THE JEJEMON PHENOMENON: WHAT DO LANGUAGE EXPERTS SAY?". http://www.gmanews.tv/largevideo/latest/59213/the-jejemon-phenomenon-what-do-language-experts-say

DE VEYRA, LOURD "LOURD DE VEYRA: ATTACK, JEJEMONS, ATTACK!". http://www.spot.ph/2010/04/29/lourd-de-veyra-attack-jejemons-attack/

"'DEPED SEEKS TO PURGE SCHOOLS OF ‘JEJEMON’ MENTALITY". http://www.gmanews.tv/story/191566/deped-seeks-to-purge-schools-of-jejemon-mentality

Page 22: Text Messaging [Pananaliksik]

PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTOR

I. Contact InformationPangalan: Jayvee A. CometaTirahan: B9 L8 Cedar Street, West Fairview Quezon CityTelepono/Cellphone: 430-79-33/ +639274851391E-mail Address: [email protected]

II. Personal na DatosEdad: 16Kapanganakan: Ika-16 ng Disyembre, 1994Pinagpanganakan: Philippine General Chinese HospitalLahi: PilipinoKasarian: Lalaki

III. Educational Background1998-2010 Flos Carmeli Institution of Quezon City1998-1999 Christian Living Award