35
 Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental, Sosyal at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral Cristina L. Dela Cruz Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Marso 15, 2014

BULLYING (PAPEL PANANALIKSIK)

  • Upload
    tinpops

  • View
    11.840

  • Download
    203

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isang pananaliksik na isinagawa bilang pagtupad sa kurong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Citation preview

KABANATA I

Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental,Sosyal at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral

Cristina L. Dela Cruz

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Marso 15, 2014

Kabanata IPanimulaAng unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga suliranin, balangkas, metodolohiya at iba pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-aaral.IntroduksyonMula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga pelikula, mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling karanasan, ang bullying ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang bullying ay isang uri ng karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa isang indibidwal.Kadalasang biktima ng bullying ang mga mag-aaral na nasa elementarya at sekondarya. Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik, mahiyain, may kapansanan, at hindi marunong lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil alam nilang hindi sila lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring maapektuhan ang biktima nito sa kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan maaari silang humantong sa matinding depresyon at kung malala pay umaabot pa ito sa kanilang kamatayan.Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon ukol sa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mga bully na tigilan na ang kanilang masamang gawain.LayuninAng papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambu-bully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at pati na rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban dito.Suliranin Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:1. Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:1.1. pisikal?1.2. mental?1.3. sosyal?1.4. moral ng mga mag-aaral?2. Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan?3. Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?4. Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang bullying?Pagpapalagay1. Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng isang indibiduwal.2. Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa paraang berbal.3. Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.4. Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.Saklaw at LimitasyonAng pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang nararanasan ng mga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully, uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral at ang mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima upang malabanan ito.Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa pitumput limang (75) piling mag-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa pambu-bullybilang mga tagatugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na makatutulong at makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga respondenteng ito, magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na ito.

Teoretikal na BalangkasBilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang mga teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral. Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na ecological systems, isinasaad na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na kinabibilangan ng kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng reciprocal interaction kung saan maaaring maging salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral bilang sentro ng lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga social system na nabanggit ay kinabibilangan ng mga indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung saan ang bata ay isang aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas ang bilang ng pambu-bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng dominance theory. Ayon sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha at mapanatili ang dominance ng taong nambu-bully (Pellegrini & Bartini, 2001). Ang dominance ay isang salik ng pakikipag-ugnayan kung saan ang mga indibiduwal ay nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon pa sa teoryang dominance, ang mga kalalakihan na gumagawa ng agresibong gawain na ito ay lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas appealing sa mga grupo ng kababaihan.Sinasaad naman sa teoryang attraction ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal. pagpapabaya, pagka-agresibo, at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o childhood, (hal. pagkamasunurin) (Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga peer group ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.Konseptwal na BalangkasNabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa mga ginamit na teoryang nakalap ng mananaliksik. Ayon sa teoryang ecological systems ni Bronfenbrenner, ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kaniyang kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di-tuwirang epekto. Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung bakit may mga batang nambu-bully at nabu-bully kaakbay na rin ng teoryang dominance ni Pellegrini at teoryang attraction ni Bukowki. Kaya naman, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang mga epektong dulot nito sa ibat ibang aspeto ng isang indibiduwal partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral. Nais din ng mananaliksik na tukuyin ang mga dahilan sa pananaw ng mga biktima at ang mga pamamaraang isinagawa nila upang maiwasan ito. Kung kayat naghanda ang mananaliksik ng isang bukas na talatanungang sarbey na magdidikta sa mga sagot sa suliranin ng pag-aaral. Metodolohiya ng PananaliksikAng mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo sa kwantitatibong uri sa pangangalap ng datos. Ang metodong ito ang siyang maglalarawan sa pangkasalukuyang kondisyon ng paksa ng pag-aaral at siya ring makatutulong sa pagtugon ng mga suliranin ng pag-aaral na ito. Bumisita naman ang mananaliksik sa mga ibat ibang mapagkakatiwalaang websayt sa internet upang makangalap ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pag-aaral. Bukas na talatanungano open-ended survey ang ginamit ng mananaliksik bilang instrumento ng pag-aaral sa pagkuha ng mga datos. Ang nasabing talatanungan ay naglalaman ng apat (4) na katanungan na ibinahagi sa pitumput limang (75) bullied na mga mag-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Santa Mesa, Maynila bilang mga respondente. Masasabing malawak ang saklaw ng mga respondente sapagkat hindi nakasisiguro ang mananaliksik na mayroong pitumput lima o higit pa ang nakaranas ng pambu-bully sa isang departamento o kolehiyo lamang.Sa PUP naman ang napiling lugar ng mananaliksik dahil sa aksesibilidad at sa dali na makapagsagawa ng sarbey. Makikita ang sampol ng sarbey sa huling pahina ng bahaging ito.Dahil bukas na talatanungan ang isasagawang sarbey, pagsasama-samahin ng mananaliksik ang mga magkakaugnay na sagot na respondente, kahit na hindi eksakto ang itinugon ng respondente hanggat sa itoy nagsasaad ng kaparehong ideya, isasama na iyon sa iba pang kaugnay na sagot. Ang mga nasabing magkakaugnay na kasagutan at ang tanong sa Bilang 2, kung saan itoy isang tseklis, ay susukatin sa pamamagitan ng istatistikal na paraan sa ibaba.

Ang pormulang ito ang siyang gagamitin sa pagkuha ng bahagdan ng mga tugon ng mga respondente, kung saan: ang P ay tumutukoy sa porsyento o bahagdan; f para sa frikwensi o bilang ng sumagot; at N para sa kabuuang bilang ng mga respondente.)

Epekto ng Pambu-bully 2

Pangalan EdadKurso at Baitang PetsaBULLYING: EPEKTO NITO SA PISIKAL, MENTAL, SOSYAL AT MORAL NA ASPETO NG MGA MAG-AARALMagandang araw! Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik ukol sa paksang nasa itaas at kung maaari po lamang ay masagutan ninyo ang sarbey na ito ng maayos at matapat. Maaasahang ang inyong profayl ay mananatiling konfidensyal. Cristina Dela Cruz, BSA 1-311. Bilang isang biktima ng pambu-bully, ano ang naging epekto nito sa iyong aspetong:a. PISIKAL (pangangatawan)

b. MENTAL (pag-iisip)

c. SOSYAL (pakikipagkapwa)

d. MORAL (pag-uugali)

2. Anong uri ng pambu-bully ang iyong naranasan? (Lagyan ng tsek () ang kahon) Pisikal (pananakit sa katawan) Berbal (panunukso, masasakit na salita, atbp.) Di-tuwiran (pantsitsismis, pamamlastik, atbp.) Intimidasyon (paggawa ng di kagustuhan, paghingi ng pera) Social Alienation (pagturing na di kabilang sa grupo)

3. Sa iyong pananaw, ano ang dahilan ng pambu-bully sayo?

4. Anong pamamaraan ang ginawa mo upang malabanan ang pambu-bully sa iyo?

KABANATA IIMga Kaugnay na Literatura at Pag-aaralAng bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga ibat ibang literatura at pag-aaral mula sa lokal at internasyonal na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Kaugnay na LiteraturaIsang artikulo mula sa websayt ng DepEd Nueva Ecija na pinamagatang Pang-Aapi (Bullying)... Dapat Maiwasan na kung saan binanggit ng may-akda ang ilang kadahilanan kung bakit may nagaganap na pambu-bully sa mga paaralan. Biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at mga may kapansanan na walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang sarili mula sa mas malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-aakalang takot sa kanila ang mga kamag-aral. Ayon sa aking pagsasaliksik at base sa aking nakikita, ang mga mapang-api ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na sabik sa atensyon at pagmamahal ng magulang at hindi masyadong nagabayan kaya sa ganitong paraan nila inilalabas ang kanilang saloobin upang makakuha ng atensyon.Kung minsan napabayaan na nga ng magulang ang kanilang mga anak, bayolente pa ang pagtrato at pagdisiplina kaya naman nakuha nila ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.Patunay lamang na tama ang kasabihang kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang ginagaya ng mga bata.(Vicencio, 2012)Dagdag pa niya, dapat mabantayan at magabayan mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na sa pagdidisiplina sa mga ito upang maiwasan ang mga ganitong uri ng senaryo sa mga paaralan. (http://www.depedne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01 =AP121 20001 &CMonth=12&CYear=2012)

Sa isang artikulo naman sa onlayn na pahayagan na Balita.net, isang bata ang naiulat na namatay dahil sa pambu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon umano ang siyam na taong gulang na bata matapos itong asarin ng 12 kamag-aral niya at nauwi ito sa matinding pag-aaway laban sa 2 kamag-aral niya sa bakuran ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur. Namaga umano ang braso ng bata hanggang sa makaramdam ito ng labis na sakit kung kayat dinala ito sa pagamutan matapos ang tatlong araw at ditoy nasawi ang bata sa cardiac arrest. (Taboy, 2013) ( http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/)

Mula naman sa isang literatura na may titulong Bullying and Harassment at Schools, kung saan isinaad na ang pambu-bully at karahasan ay hindi na bagong isyu sa mga mag-aaral at paaralan. Ayon pa rito, dahil sa kaalaman ng lahat na ang pambu-bully ay kadalasang nagaganap sa mga paaralan, nagiging banta ito sa mga mag-aaral at ang paniniwalang ang bullying ay isang developmental stage na kung saan lahat ng mga kabataan ay pagdaraanan ito (Ross, 2002, p.107). (http://umanitoba.ca/faculties/education/media/Bennett-09.pdf)

Kaugnay na Pag-aaralIsang pag-aaral naman ang isinagawa ng ahensyang Plan Philippines noong 2008 ukol sa bullying sa Pilipinas na pinamagatang Toward a Child-Friendly School Environment: A Baseline Study on Violence Against Children in Schools. May tatlong (3) layunin ang kanilang pag-aaral.Una, mailarawan ang isyung mga karahasan sa mga paaralan mula sa mga persepsyon ng mga bata, magulang, paaralan at ang mga kawani nito sa mga piling lugar sa bansa. Pangalawa, matukoy ang mga salik sa mga karahasang ito sa mga bata sa paaralan sa mga piling lugar. At pangatlo, makapagrekomenda ng mga polisiya at programa sa mga paaralan laban sa mga karahasan upang maging child-friendly ang mga paaralan. Ayon sa Plan Philippines, ang bullying ay isang karaniwang behavior na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan (2008). Ayon sa pag-aaral na ito na ginawa sa 58 na pampublikong eskwelahan, ang mga peers mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng ibat-ibang uri ng karahasan sa kapwa estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-komon na gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay nagging biktima nito at 67 porsyento naman ng mga bata sa Grades 4 hanggang 6. Sa high school, 65 porsyento ng mga estudyante ay nagging biktima na rin ng pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang nagging mahiyain at lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.(Sors:http://www.studymode.com/essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-Environment-1870111.html)

Isang sarbey sa buong kapuluan naman ang isinagawa ni Miguel-Baquilod na kawani ng Kagawaran ng Kalusugan noong 2004 ukol sa kalusugan ng mga sekondaryang mag-aaral. Kabilang sa nasabing survey ay ang karahasan laban sa kabataan. Naipakita sa sarbey na halos kalahati ng mga respondente ay sangkot sa pisikal na pang-aaway at ang mga sophomore ay mas nasasangkot at nabibiktima kaysa sa mga juniors at seniors. One-third na mga mag-aaral ay na-bully na nang higit pa sa isang beses sa loob ng isang buwan, at halos 3 sa 10 mga nabikitima ay na-bully nang pisikal. Isinaad din sa pag-aaral na mas nasasangkot ang mga kalalakihan sa mga ganitong uri ng karahasan kumpara sa mga kababaihan.(Sors:http://safeschoolenvironment.blogspot.com/2007/06/bullying-in-philippine-setting.html)

Sa isang pag-aaral naman na isinagawa nina Jean Sunde Peterson at Karen Ray na may titulong Bullying and the Gifted: Victims, Preprators, Prevalence, and Effects (2006) na kung saan pinag-aralan nila ang patuloy na paglaganap ng bullyingat mga epekto nito sa mga biktima at ang pagiging isang bully sa kindergarten hanggang sa ika-walong baitang. Sa 432 na kalahok sa isinagawang sarbey, 67 porsyento ang nakaranas ng 1 sa 13 uri ng pambu-bully na nakalista sa sarbey, mas marami sa ika-anim na baitang kaysa sa ibang baitang, at 11 porsyento naman ang nakaranas ng paulit-ulit na pambu-bully, at ang nalalabing porsyento ay mga nakaranas ng iba pang uri ng pambu-bully na may malaking impak sa emosyonal na aspeto ng mga mag-aaral. Sa ika-walong baitang, 16 na porsyento ang mga bully, at 29 na porsyento naman ang may marahas na kaisipan. Sa lahat ng baitang,mula kindergarten hanggang ika-walong baitang, malaking bahagdan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan ang mga biktima ng pambu-bully, na-bully ng higit sa sampung beses, at mga bully.(Sors:https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%20Spring%202006.pdf)

KABANATA IIIPaglalahad at Pagsusuri ng mga DatosAng bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng resulta ng mga impormasyong nakalap mula sa isinagawang sarbey ukol sa mga epekto ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga mag-aaral at ang interpretasyon ng mga datos ayon sa pagsusuri.

Sa isinagawang sarbey na ipinamahagi sa pitumput limang (75) mag-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa hindi inaaasahang pangyayari, ay animnaput pitong (67) tugon lamang ang bumalik sa mananaliksik. Kung kayat ang 67 respondenteng tumugon sa sarbey ang siyang gagamitin upang mailahad ang resulta ng buong pananaliksik.Unang SuliraninSab-suliranin 1Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal na Aspeto ng mga Mag-aaral

Grap 1. Kabuuang bahagdan ayon sa epektoIpinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 49% o 33 respondente ang walang epekto at 51% o 34 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa ibat ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 34 na respondente.TALAHANAYAN BLG. 1MGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Pamamayat515%

Pananakit ng katawan926%

Natutong mag-ayos ng sarili39%

Naging konsyus412%

Tinamad pumasok13%

Na-stress515%

Nagkaroon ng pasa, sugat o galos720%

KABUUAN34100%

Ipinapakita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang pananakit ng katawan na may 26% o 9 respondente. Sumunod naman ang tugon na nagkaroon ng pasa, sugat o galos na may 20% o 7 respondente; 15% o 5 respondente naman sa parehong tugon na pamamayat at na-stress; 12% o 4 na respondente naman sa naging konsyus; 9% o 3 respondente sa natutong mag-ayos ng sarili; at 3% o 1 respondente sa tumugon ng tinamad pumasok.Sab-suliranin 2Epekto ng Pambu-bully sa Mental na Aspeto ng mga Mag-aaral

Grap 2 Kabuuang bahagdan ayon sa epektoIpinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 36% o 24 respondente ang walang epekto at 67% o 43 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa ibat ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 43 na respondente.

TALAHANAYAN BLG. 2MGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Bumaba ang tingin sa sarili716%

Nag-iisip palagi49.5%

Na-stress12%

Na-depress512%

Nawawala sa sarili o pagkalutang37%

Hindi makapag-isip ng maayos12%

Natatakot/nato-trauma1023%

Naging emosyonal at sensitibo12%

Nakatulong sa paghubog ng aspetong mental (pagiging aware, matured at wais)49.5%

Naisipang lumaban25%

Naging paranoid512%

KABUUAN43100%

Makikita sa talahanayan na higit na nagingibabaw ang tugon na natatakot o nato-trauma na may 23% o 10 respondente. Sinundan ito ng tugon na bumaba ang tingin sa sarili na may 16% o 7 respondente; 12% o 5 respondente sa parehong tugon na na-depress at naging paranoid; 9.5% o 4 respondente sa parehong tugon na nag-iisip palagi at nakatulong sa paghubog ng sarili; 7% o 3 respondente sa tugon na nawawala sa sarili; 5% o 2 respondente sa tumugon na naisipang lumaban; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na na-stress at di makapag-isip ng maayos.Sab-suliranin 3Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal na Aspeto ng mga Mag-aaral

Grap 3 Kabuuang bahagdan ayon sa epektoIpinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 10% o 7 respondente ang walang epekto at 80% o 60 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa ibat ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 60 na respondente. TALAHANAYAN BLG. 3MGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Nahihiya o nahihirapan makisalamuha2237%

Nililimitahan ang pakikisalamuha1118%

Hirap magbigay ng tiwala sa tao58%

Naging tahimik o mapag-isa23%

Naging maingat sa pagpili ng tao712%

Naging plastik23%

Natatakot o umiiwas sa nambully35%

Takot o ilag sa tao610%

Mas nagtiwala sa sarili23%

KABUUAN60100%

Makikita sa talahanayan na may 37% o 22 na respondente ang sumagot na silay nahihiya o nahihirapan makisalamuha bilang epekto sa kanilang pakikipagkapwa; 18% o 11 na respondente naman ang sumagot na nalimitahan na ang kanilang pakikisalamuha sa kapwa; 12% o 7 respondente naman ang sumagot na naging maingat na sa pagpili ng tao; 10% o 6 respondente naman ang sumagot na takot o ilag sila sa kapwa; 8% o 5 respondente ang sumagot na hirap na sila magtiwala sa tao; 5% o 3 respondente naman ang sumagot na natatakot sila makita ang mga nambully sa kanila; at 3% o 2 respondente sa parehong mga tugon na naging tahimik at mapag-isa, naging plastik, at gayundin sa mga sumagot na mas nagtiwala pa sa sarili.Sub-suliranin 4Epekto ng Pambu-bully sa Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral

Grap 4 Kabuuang bahagdan ayon sa epektoIpinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 27% o 18 respondente ang walang epekto at 73% o 49 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa ibat ibang kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 49 na respondente.

TALAHANAYAN BLG. 4MGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Pagbaba ng kumpiyansa sa sarili48.5%

Naging mahiyain714%

Naging matapang48.5%

Naging bully1020%

Naging tahimik510%

Nag-iba ang ugali (kabaliktaran ng dati)48.5%

Naging madamdamin24%

Naging masungit o magagalitin510%

Naging palaaway48.5%

Hindi agad nagtitiwala24%

Naging mapagtimpi12%

Natutong rumespeto12%

KABUUAN49100%

Makikita sa talahanayan na nakahihigit ang sagot na naging bully na may 20% o 10 respondente; 14% o 7 respondente naman ang naging mahiyain; 10% o 5 respondente naman sa parehong tugon na naging tahimik at naging masungit o magagalitin; 8.5% o 4 na respondente naman ang sumagot sa parehong mga tugon na pagbaba ng kumpiyansa sa sarili, naging matapang, nag-iba ang ugali at gayundin sa naging palaaway; 4% o 2 respondente naman ang sumagot sa parehong tugon na naging madamdamin at ang ugaling hindi na agad nagtitiwala sa iba; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na naging mapagtimpi at natutong rumespeto.Ikalawang SuliraninTALAHANAYAN BLG. 5Uri ng Pambu-bully na Naranasan ng mga Mag-aaralMGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Pisikal1313%

Berbal5582%

Di-tuwiran3248%

Intimidasyon23%

Social Alienation1522%

Makikita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang berbal na uri na may 82% o 55 respondente. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ng mga mag-aaral ang nakararanas ng pambu-bully sa paraang berbal. Sinundan naman ito ng di-tuwiran na uri na may 48% o 32 na respondente; 22% o 15 na respondente sa social alienation na uri; 19% o 13 na respondente sa pisikal na uri; at 3% o 2 respondente naman sa intimidasyon na uri.Ikatlong SuliraninTALAHANAYAN BLG. 6Dahilan ng Pambu-bully sa Pananaw ng mga BiktimaMGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Hindi alam812%

Mahina23%

Inggit1725%

Kulang sa pansin34.5%

Masama talaga ang ugali (bully)46%

Pisikal na kaanyuan1015%

Masyadong mabait46%

Naiiba sa kanila34.5%

May nakitang mali o katawa-tawa69%

Walang magawa sa buhay46%

Pinagkakatuwaan34.5%

Patunayan na mas mataas sila23%

Naging biktima rin ng pambu-bully11.5%

KABUUAN67100%

Makikita sa talahayanan na may 25% o 17 na respondente ang sumagot ng inggit. Sinundan ito ng 15% o 10 respondente na sumagot na dahil ito sa pisikal na kaanyuan; 12% o 8 respondente naman ang sumagot ng hindi alam; 9% o 6 na respondente ang sumagot na may nakitang mali o katawa-tawa sa kaniya; 6% o 4 na respondente sa parehong mga tugon na masama talaga ang ugali ng bully, masyadong mabait at gayundin ang walang magawa sa buhay; 4.5% o 3 respondente naman ang sumagot sa parehong mga tugon na kulang sa pansin, naiiba siya sa kanila at gayundin ang pinagkakatuwaan; 3% o 2 respondente naman sa parehong tugon na mahina at gustong patunayan na mas mataas sila; att 1.5% o 1 respondente naman ang tumugon na maaaring naging biktima rin sila ng pambu-bully.Ika-apat na SuliraninTALAHANAYAN BLG. 7Pamamaraan ng mga Biktima upang Malabanan ang Pambu-bullyMGA SAGOTBILANG NG SUMAGOTBAHAGDAN

Hindi pinansin3552%

Kimompronta o kinausap23%

Lumaban 812%

Naging matatag46%

Sinangguni sa guro o magulang57.5%

Umiwas812%

Nagdasal11.5%

Nakisakay na lamang46%

KABUUAN67100%

Makikita sa datos sa talahanayan na nakahihigit ang tugon na Hindi pinansin na may 52% o 35 na respondenteng tumugon. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ang gumagawa ng gayong paraan. Sinundan naman ito ng mga tugon na lumaban at umiwas na may parehong 12% o 8 respondenteng sumagot; 7.5% o 5 respondente naman ang sumangguni sa kaniyang guro o magulang; 6% o 4 na respondente naman ang parehong tugon na naging matatag at nakisakay na lamang; 3% o 2 respondente naman ang sumagot na kinomprota/kinausap; at 1.5% o 1 respondente naman ang sumagot na nagdasal na lamang siya.

KABANATA IVPaglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at RekomendasyonAng huling kabanata ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga natuklasan at konklusyon mula sa sinuring datos sa isinagawang sarbey at ang rekomendasyon na mula naman sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental, Sosyal, at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral ay naglalayong matuklasan ang mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin: (1) Ano ang epekto ng pambu-bully sa aspetong: pisikal? mental? sosyal? moral ng mga mag-aaral?; (2) Anong uri ng pambu-bully ang narasan o nararanasan nila?; (3) Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng mga biktima?; at (4) Ano ang pamamaraang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang pambu-bully?

NatuklasanAng mga suliranin sa pag-aaral na ito ay natugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey ng mananaliksik. Bilang resulta nito, natuklasan ng pag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap.Sa unang suliranin ng pag-aaral, natuklasan na ang pananakit ng katawan ang pangunahing epekto ng pambu-bully sa pisikal na aspeto. Nakakuha ito ng 26% o 9 respondente ayon sa 51 porsyento na nakapagsagot ng mayroon itong epekto. Sa mental na aspeto naman, ang pagkakaroon ng takot o trauma ang dulot ng pambu-bully. Nangangahulugan itong nag-iiwan ng marka sa isip ang mga karahasang nararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 23% o 10 respondente ayon pa sa 64% na nakapagsagot na may epekto ang pambu-bully sa kanilang mental na aspeto. Ang mga mag-aaral naman ay nagiging mahiyain na at nahihirapan sa pakikisalamuha sa mga tao bilang epekto ng pambu-bully sa kanilang aspetong sosyal na nakakuha ng 37% o 22 respondente ayon sa 80% na sumagot na may epektong dulot ang pambu-bully sa kanilang moral na aspeto. Nangangahulugan itong mababawasan na ang mga taon kanilang makikilala sa kanilang buhay. Sa moral na aspeto, ang pagiging isang bully din ang pangunahing naging epekto ng pambu-bully sa mga mag-aaral na nakakuha ng 20% o 10 respondente ayon sa 73% na sumagot na may epekto sa ang pambu-bully sa kanilang aspetong moral. Nangangahulugan itong naimpluwensyahan ang mga mag-aaral sa mga gawaing ginawa sa kanila. Masasabing naiugnay ito sa teoryang ecological systems.Sa ikalawang suliranin, natuklasan ng mananaliksik na pambu-bully sa paraang berbal ang pinakanararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 82% o 55 tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan ito na madalas silang tuksuhin, asarin o di kayay pagsalitaan ng masakit ng mga nambu-bully. Pumapangalawa naman ang di-tuwirang uri na may 48% o 32 respondente kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring pinagtsi-tsismisan, tinatraydor o di kayay pinaplastik lamang.Sa ikatlong suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang mga mag-aaral ay binu-bully marahil dahil sa inggit. Ito ay nakakuha ng 25% o 17 respondente. Nangangahulugan itong may ideya ang mga mag-aaral na mayroon silang kakayahan na maaaring kainggitan sa kanila ng mga tao na naging dahilan kung bakit sila binu-bully. Pumangalawa naman ang pisikal na anyo bilang dahilan ng pambu-bully sa kanila. Nakakuha ito ng 15% o 10 tugon mula sa mga respondente.Sa ikaapat at huling suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang hindi pagpansin sa pambu-bully sa kanila ang nagsilbing pamamaraan ng mga mag-aaral upang maiwasan at malabanan ito. Nakakuha ito ng 52% o 35 na tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan itong magsasawa at titigil din ang mga nambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

KonklusyonAng pag-aaral na ito ay nagbigay-kaisipan sa mananaliksik na nagtulak upang makabuo ng konklusyon.Nabuo sa isipan ng mananaliksik na malaki ang epektong naidudulot ng pambu-bully sa ibat ibang aspeto ng mga mag-aaral partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto nila. Magkakaroon lamang ng epekto sa kaniyang pisikal na aspeto kung siya ay binu-bully ng pisikal. Maaari siyang magtamo ng pananakit ng katawan at kung malala pay mga sugat at mga pasa na ang kaniyang makuha sa karahasang dinaranas niya. Nag-iiwan din ng marka sa isipan ng isang mag-aaral ang pambu-bully sa kaniya dahil sa takot na siyay masasaktan. Ang trauma na ito ay may malaking epekto sa kaniyang pakikipagkapwa. Siya ay magiging mahiyain at mahihirapang makisalamuha sa iba, magiging mapili sa tao at kung lalala pa dooy magiging takot o iwas siya sa tao sa pag-aakalang sasaktan o ibu-bully rin siya ng bawat makakasalamuha niyang tao. Nakahahawa din ang pagiging isang bully. Maaari itong makuha ng isang mag-aaral mula sa mga taong nambully sa kaniya sa dahilang gusto niyang gumanti sa iba o di kaya namay nagustuhan din niya ang pananakit sa ibang tao.Kadalasang panunukso, pang-aasar at pagsasabi ng masasakit na salita ang kadalasang nararanasan ng mga mag-aaral. Minsay biro lamang ito sa mga nambu-bully ngunit hindi nila alam na nakasasakit na sila ng tao. Ang pambu-bully sa berbal na uri ay kadalasang bunga ng immaturity ng mga bully. Masaya sila na nang-aasar ng mga tao na parang mga bata.Ang bawat mag-aaral ay may mga bagay sa kanilang sarili na maaaring ika-inggit ng iba. Ito ang isa sa mga dahilan na pinaniniwalaan ng karamihan kung tatanungin ang panig ng biktima. May ugali, kadalasan, ang mga nambu-bully na kapag mayroon silang nakitang wala sa kanila at nakita nila ito sa iba, nakararamdaman sila ng yamot at inggit kung kayat gusto niyang nasasaktan ang kinaiinggitan niya. Ilan din sa mga dahilan kung bakit mayroong mga bully ay dahil ninanais nila na magkaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang iba o ang pagiging mataas kaysa sa ibang tao (teoryang dominance) at dahil sa pag-adap nila sa parehong gawain ng nasa kaniyang kapaligiran (teoryang ecological systems), nagiging kaaakit-akit sa kanila ito at nagkakaroon sila ng kuryosidad ukol sa pambu-bully kung kayat nagagamit nila ito sa pakikisalamuha sa ibang tao (teoryang attraction)Naiiwasan naman ang bullying ngunit nakadepende na rin iyon sa pamamaraan ng biktima. Maaari itong maiwasan ng biktima sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa mga nambu-bully dahil hanggat pinapansin niya ito at nagpapaapekto siya rito, lalong hindi titigil ang mga tao na i-bully siya. Hanggat maaari rin ay panatilihing umiwas sa mga nambu-bully at mas makabubuti kung sumasangguni ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro, lalo na kung ang pambu-bully ay nasa loob lamang ng paaralan, at sa kanilang mga magulang.Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito, walang alinlangang pagpapalagay ng mananaliksik na walang mabuting dulot ang pambu-bully sa isang tao. Isa itong uri ng karahasan na dapat matigil at masugpo. Maaaring sa panig ng nambu-bully ay may maganda itong naidudulot dahil itoy kanilang kasiyahan ngunit isa naman itong pagkakasala sa kanila. Samantala, tama ang tatlo sa apat na pagpapalagay ng mananaliksik sa magiging resulta ng pananaliksik na ito. Ito ay dahil na rin sa kaalaman ng mananaliksik ukol sa paksa kung saan nakasaksi at nakaranas siya nito.

RekomendasyonBatay sa kabuuang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, nakabuo at nakapagbigay ito ng ilang rekomendasyon.Sa mga mag-aaral na kasalukuyang nabu-bully, iminumungkahi ng mananaliksik na huwag gumawa ng reaksyon o magpakita ng nararamdaman kapag ikaw ay nabu-bully dahil mawawalan sila ng gana kapag wala kang pakialam. Ayon na rin sa Kawikaan 29:11, Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli. Maaari rin kausapin o sagutin ang mga nambu-bully sa paraang hindi nila inaasahan dahil ayon sa Kawikaan 15:1, Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit. Huwag din naman gaganti sa mga nambu-bully dahil lalong lalala ang sitwasyon kapag lumaban pa pabalik. At mula na rin ito sa Roma 12:17, Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. Magkaroon din naman kayo ng kumpiyansa sa sarili dahill alam ng mga nambu-bully kapag kinakabahan kayo at maaari nila iyong samantalahin upang sirain ang natitira mo pang kumpiyansa. Hanggat maaari rin ay umalis ka at iwan mo sila. Ang pagtahimik ay nagpapakitang matured ka at mas matatag kaysa sa nang-iinis sayo. Pigilan din ang iyong sarili dahil iyon ang isa sa mga ugaling wala sila. Huling rekomendasyon ng mananaliksik ay ang pagsusumbong. Ito na rin ang pinakamabisang paraan upang matigil ang pambu-bully sa inyo. Mas may kakayahan ang mga pagsusumbungan mo kaysa sa mga nambu-bully sayo.Sa mga nambu-bully, inirerekomenda ng mananaliksik na itigil na ang pang-aapi sa ibang tao dahil maaari itong makaapekto sa kaniyang buhay. Maaaring magdulot ito ng kasiyahan sa inyo ngunit tandaan ninyo na iyoy panandalian lamang at dapat ninyon haraping ang kasalanan ninyo sa Kanya.Sa mga guro at magulang, ninanais ng mananaliksik na mas pagtibayin pa ang atensyon at paggabay sa inyong mga anak upang walang karahasang nangyayari. Hindi man sa inyo nakukuha ng inyong mga anak ang pambu-bully ngunit nararapat na bigyan ng pansin ang mga kagawian ng inyong mga anak lalo na sa paaralan. Lubos na naiimpluwensyahan ang inyong mga anak sa mga gawain na nakikita at nakakasalamuha niya sa kapaligiran (teoryang ecological system)Sa mga iba pang mag-aaral at mananaliksik, lubos na iminumungkahi ng mananaliksik na magsagawa pa ng ilang pag-aaral ukol sa bullying. Bagamat marami na rin ang mga pag-aaral na nagsasagawa nito, ninanais ng mananaliksik na tumuon pa sa iba pang aspeto ng isang indibidwal na maaaring maapektuhan ng pambu-bully. Maaari rin na magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa pagsugpo ng pambu-bully kahit na maiisip ng karamihan na imposibleng matigil ang karahasang ito. Marami pang hindi napapatunayan at hindi natutuklasan kung kayat lubos na nirerekomenda ng mananaliksik ang mga nabanggit.

Referensya

Bennett, C. (2009). Literature Review of Bullying at Schools. http://umanitoba.ca/faculties/ education/ media/ Bennett-09.pdfEspelage, D.L. & Swearer, S.M. (Ed.) (2004). Bullying in American Schools: A Social- Ecological Perspective on Prevention and Intervention. Mahwah, New Jersey: Routledge.OConnor, JA. (2012). An Examination of Bullying Within Middle School Physical Education. (Doctoral dissertation) https://www.ideals.illinois.edu/bitstreamz/handle/2142/31044/ OConnor _Jamie.pdf Peterson, J.S. & Ray, K.E. (2006). Bullying and the Gifted: Victims, Perpetrators, Prevalence, and Effects. https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20% 20Spring %202006.pdfTaboy, F. (2013, Agosto 15). 9-anyos, patay sa bullying. http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/Vicencio, C. B. (2012). Pang-Aapi (Bullying) Sa Paaralan Dapat Maiwasan. http://www. deped-ne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01=AP12120001& CMonth= 12&CYear=2012Bullying in the Philippine Setting (2007, Hunyo 30). http://safeschoolenvironment.blogspot.com/ 2007/06/bullying-in-philippine-setting.htmlMga Saksi ni Jehova. http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/Philippines Toward a Child-Friendly Education Environment. (2013, Agosto). http://www. studymode.com/ essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-Environment-1870111.htmlAng sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit. (Kawikaan 15:1)Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. (Roma 12:17)Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli. (Kawikaan 29:11)