29
Ang Pananaliksik at Mga Bahagi Nito April M. Bagon-Faeldan

Bhagi ng Pananaliksik

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Bahagi ng Isang Pamanahong Papel

Citation preview

Page 1: Bhagi ng Pananaliksik

Ang Pananaliksik at Mga Bahagi Nito

April M. Bagon-Faeldan

Page 2: Bhagi ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.

Page 3: Bhagi ng Pananaliksik

Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Page 4: Bhagi ng Pananaliksik

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik[ ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman.

Page 5: Bhagi ng Pananaliksik

Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.[

 

Page 6: Bhagi ng Pananaliksik

Mga Bahagi ng Pananaliksik Mga Pahinang Preliminari o Front

Matters Fly Leaf I ang pinakaunang pahina ng

pananaliksik na papel. Walang nakasulat sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko ito.

Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pananaliksik. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura o kurso ito kailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng komplesyon. Kung titingnan sa malayuan kailangang magmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyon sa pahinang ito.

Page 7: Bhagi ng Pananaliksik

Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.

Page 8: Bhagi ng Pananaliksik

Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pananaliksik at sa gayo’y nararapat na pasalamatan at kilalanin.

Page 9: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pananaliksik at nakatala nang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Page 10: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Talaan ng mga Talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na nasa loob ng pananaliksik at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Ang Fly Leaf 2 ay isa naming blangkong pahina bago bago ang katawan ng pananaliksik.

Page 11: Bhagi ng Pananaliksik

Hindi nilalagyan ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminary. May mga pananaliksik din na kakikitaan ng Pag-aalay o Dedication na isang opsyonal na pahina.

Page 12: Bhagi ng Pananaliksik

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito Ang Panimula o Introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

Page 13: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Layunin ng Pag-aaral, inilalahad ang pangkatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin sa anyong patanong.

Page 14: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Kahalagahan ng Pag-aaral inilalahad ang signipikans o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.

Page 15: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Ditto itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.

Page 16: Bhagi ng Pananaliksik

Itinatala naman sa Depinisyon ng Terminolohiya ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binibigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na sepinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano ginamit sa pananaliksik).

Page 17: Bhagi ng Pananaliksik

May mga pananaliksik na kakikitaan ng Conceptual o Theoretical Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata I.

Page 18: Bhagi ng Pananaliksik

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literature, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam ditto ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

Page 19: Bhagi ng Pananaliksik

Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin ditto ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding gumamit ng mga pag-aaral at literaturang local at dayuhan. Hangga’t maari rin, tiyaking ang mga material na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: obhektbo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakaunti o napakarami.

Page 20: Bhagi ng Pananaliksik

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Sa Disenyo ng Pananaliksik

nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga Respondente ng sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

Page 21: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginagawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging ito maaaring mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarbey at pagpapasagot ng sarbey-kwestyoneyr sa mga respondent bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang maaari sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.

Page 22: Bhagi ng Pananaliksik

Sa Tritment ng Datos inilalarawan kung anong istadistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan.

Page 23: Bhagi ng Pananaliksik

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang itoinilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tektwal at tabular grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

Page 24: Bhagi ng Pananaliksik

Kabanata V: Lagom. Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinalakay sa Kabanata IV.

Page 25: Bhagi ng Pananaliksik

Ang Kongklusyon ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkatang pahhayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.

Page 26: Bhagi ng Pananaliksik

Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Page 27: Bhagi ng Pananaliksik

Mga Panghuling Pahina

Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kompletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng panannaliksik.

Page 28: Bhagi ng Pananaliksik

Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob ditto ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

Page 29: Bhagi ng Pananaliksik

Handa ka na bang magsagawa ng

iyong pananaliksik?