20
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Panimula Bagama’t ang pagkatuto ay isang walang hanggan at katapusang proseso, hindi ito natatapos sa pamamagitan lamang ng paghahangad na magkaroon ng ka al aman, at pagtatamo sa mga karu nungan na hi na ha ngad ng is ang ta o. Itinuturing na edukasyon din ang magiging daan sa pagkamit ng mga pangarap ng isang inidibidwal, dahil dito, siya ay inaaasahang matuto ng mga bagay na may kaugnay an sa kaniyang inaabot na pang ara p na may kapa kinaba ngan dito. Sa gani tong punt o, hi ndi nata tapos ang pagka tuto, gayundi n ang es ensi ya ng edukasyon sa paraang natamo lamang natin ang isang kaalaman, bagkus kung  paaano ito maisasalin sa pang-araw-araw na pamumuhay at gagamitin ng isang indibidwal ang kaniyang natutunan. Batay sa naging panana lik sik nina Dalusong at Dela Cas a et. , al (2 !", edukasyon ang pinakamahusay na pundasyon tungo sa tagumpay sa buhay at ang tanging pamanang kayang ipagkaloob ng isang magulang sa kanilang mga anak. #ng edukasyon ay maihahanay sa pagkain at tirahan sa kadahilanang isa rin sa  pinakamahalagang pangangailangang bayolohikal bilang tao. #t batay sa itinatakda ng konstistusyon ng $epublika ng %ilipinas, ang edukasyon ang mas higit na dapat bigyan ng pansin ng pamahalaan.

Pananaliksik hinggil sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pananaliksik hinggil sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino (Kabanata I)

Citation preview

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASKabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYANPanimulaBagamat ang pagkatuto ay isang walang hanggan at katapusang proseso, hindi ito natatapos sa pamamagitan lamang ng paghahangad na magkaroon ng kaalaman, at pagtatamo sa mga karunungan na hinahangad ng isang tao. Itinuturing na edukasyon din ang magiging daan sa pagkamit ng mga pangarap ng isang inidibidwal, dahil dito, siya ay inaaasahang matuto ng mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang inaabot na pangarap na may kapakinabangan dito. Sa ganitong punto, hindi natatapos ang pagkatuto, gayundin ang esensiya ng edukasyon sa paraang natamo lamang natin ang isang kaalaman, bagkus kung paaano ito maisasalin sa pang-araw-araw na pamumuhay at gagamitin ng isang indibidwal ang kaniyang natutunan.

Batay sa naging pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et., al (2010), edukasyon ang pinakamahusay na pundasyon tungo sa tagumpay sa buhay at ang tanging pamanang kayang ipagkaloob ng isang magulang sa kanilang mga anak. Ang edukasyon ay maihahanay sa pagkain at tirahan sa kadahilanang isa rin sa pinakamahalagang pangangailangang bayolohikal bilang tao. At batay sa itinatakda ng konstistusyon ng Republika ng Pilipinas, ang edukasyon ang mas higit na dapat bigyan ng pansin ng pamahalaan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS2Ang usapin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay binubuo ng napakaraming salik na lubhang nakaaapekto sa paglinang ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ilan sa mga tiyak na halimbawa nito ay ang pagbabago at pagpapalit ng mga asignatura sa ibat ibang baytang at taon sa elementarya hanggang sa antas ng tersiyarya, mga programa at gawain sa loob at labas ng paaralan, gayundin ang mga kagamitan sa pagtuturo gaya ng visual aids, libro o batayang aklat, banghay-aralin, mga takdang gawain, at ang kurikulum bilang gabay sa pag-aaral at higit sa lahat ang mga paraan, estratehiya, at dulog sa pagtuturo ng mga guro batay pa rin sa pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et., al (2010).

Sa pagtalakay sa mga antas na pinagdadaanan ng isang mag-aaral batay sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, nakapaloob sa mga ito ang ibat ibang asignatura gaya ng Ingles (English), mga asignaturang kaugnay sa Araling Panlipunan (Social Studies), Siyensiya at Teknolohiya (Science and Technology), Matematika (Mathematics), at Filipino kasama ang Panitikan (Literature).

Maliban sa kalagayang pang-ekonomiya, isa sa nakikitang dahilan ng mga mananaliksik kung bakit bumababa ang bahagdan ng pagkatuto ay ang ibat ibang mga paraan, estratehiya, at dulog sa pagtuturo ng mga guro gaya sa larangan ng Panitikang Pilipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS3Ilan sa mga dulog sa pagtuturo ay ang mga sumusunod. Una ay ang Authoritarian Classroom Management Approach. Sa dulog na ito, nakasalalay sa guro ang magiging kaayusan ng isang klase sa pamamagitan ng ilang mga estratehiya. Pangunahing layunin nito ay ang pagpapanatili sa kaayusan ng klase. Ikalawa ay ang. The Intimidation Classroom Mangement Approach. Kahalintulad din ng Authoritarian Classroom Management Approach, sa punto na ang layunin na mapanatili ang katahimikan o ang kapayapaan sa loob ng isang klase. Subalit malinaw na nag-uugat ang Intimidation o ang panggagaya- ang panggagaya ng mga mang-aaral sa pag-uugali ng kanilang guro, sang-ayon sa kilos at pananalita ng isang guro. Ikatlo ang The Permissive Classroom Management Approach. Ipinapakita ng dulog na ito ang kalayaan na maaaring matamasa ng isang mag-aaral sa loob ng kaniyang klase (maximize student freedom). At huli ay ang The Instructional Classroom Management Approach. Ang dulog na ito ay resulta o bunga ng isang matalino at masistemang pagpaplano ng isang guro hinggil sa lalamanin at lalandasin ng kanilang talakayan. Ilan lamang ito sa mga dulog na inihain ng mga mananaliksik. Matutunghayan pa ang ibat ibang mga dulog sa susunod na kabanata. Gayunpaman, ang layunin ng mga mananaliksik ay matiyak ang higit na mabisa at angkop na dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino, ito ay sa pagitan ng Historikal (historical approach) at Rehiyonal na dulog (regional approach). Nakapaloob sa rehiyonal na dulog na ituturo ang panitikan sa

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS4pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga rehiyon sa Pilipinas sa usapin ng kanilang panitikan. Samantalang ang Historikal na dulog ay pag-iisa-isa sa mga panahong pinagdaanan ng panitikan (halimbawa nito, mula sa panahon ng mga katutubo hanggang sa panahon ng kontemporaryo).

Ilan pa sa mga layunin ng mga mananaliksik kung bakit napili ang pag-aaral na may paksang Preperensiya ng Piling mga Mag-aaral sa mga Pamantasan sa Metro Manila Ukol sa Gamit ng Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral ay sa kagustuhan malaman ang pagkakaiba ng rehiyonal at historikal na pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Gayundin ang magkaroon ng kabatiran at pagkaunawa sa kung papaano itinuturo ang Panitikang Pilipino gamit ang dulog na rehiyonal at historikal.Kaya naman matapang na pinili ng mga mananaliksik ang paksang tatalakay sa maaaring preperensiya ng mga mag-aaral mula sa mga Pamantasang De La Salle (DLSU), Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) hinggil sa mabisaat angkop na dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Sa ganitong punto, itinuon ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa Preperensiya ng Piling mga Mag-aaral sa mga Pamantasan sa Metro

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS5Manila Ukol sa Gamit ng Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral.

Kaligirang Pangkasaysayan Ang panitikan sa Pilipinas ay nagsimula sa tradisyong pasalita. Ang mga kaisipan, paniniwala at kaalaman ay naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa isa sa pamamagitan ng pagsasalita. At mula sa pasalita, isinulat na ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang nalalaman kaya naman napanatili at napangalagaan ang panitikang Pilipino. Bago pa dumating ang mga mananakop, mayaman na sa panitikan ang Pilipinas, kinapapalooban ito ng mga alamat, epiko, mito, salawikain, at bugtong. Sa pagdating naman ng mga Kastila, naging palasak ang pasulat na panitikan. Ang naging pangunahing paksa sa panahong ito ay tungkol sa relihiyon. Sa panahong ito unang nailathala ang gawang panitikang Tagalog na pinamagatang May Bagyo Mat May Rilim na hindi kilala ang may-akda. Nagkaroon din ng bagong anyo ng panitikan, ang prosa, tula, awit, korido at drama. Pagdating ng ikadalawampung dekada ay ang pagsakop din ng Amerika sa Pilipinas. Isa sa mga ipinatupad ng mga Amerikano sa kanilang pananatili sa Pilipinas ay ang pag-aaral ng kanilang wika at ang paggamit ng sariling wika. Sa kanilang pagdating dumami ang mga Pilipinong manunulat hindi lamang ng mga maiikling kwento at tula kundi pati nobela at tagapaglathala kaya lalong

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS6umusbong ang panitikang Pilipino. Sa panahong ito nakilala ang mga tagapaglathala ng mga gawang panitikan tulad ng Liwayway at Philippine Free Press.

Nang nakamit na ng Pilipinas ang kalayaan noong taong 1946, nagkaroon na ng Republika. Ang panitikan noong panahon ng Republika ay nagkaroon ng mga bagong paksa tulad ng pagkakaroon ng nasyonalismo at pagtalakay sa buhay ng kababaihan. Ngunit muli na namang nasubok ang panitikang Pilipino pagdating ng rehimeng Marcos na nagpatupad ng Martial Law noong taong 1972. Bumalik ang sigla ng panitikang Pilipino nang maganap ang EDSA People Powers Revolution noong taong 1986. Ang panitikang Pilipino ay hindi na lamang nakakulong sa mga libro bagkus kabilang na ito sa media at sa kahingian ng Commission on Higher Education, naging asignatura na sa tersyarya o kolehiyo ang Panitikang Pilipino. Sa pagkakaroon ng asignaturang Panitikang Pilipino o Philippine Literature sa kolehiyo, ang ibat ibang pamantasan sa Pilipinas ay inilagay na ito sa kani-kanilang mga programa. Ang Panitikang Pilipino bilang asignatura naman ay nakapaloob sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order no. 59 s. 1996 na may paksang New General Education Curriculum (GEC) na naglalayong magkaroon ng minimum requirements sa mga units at ang dulog sa pagtuturo na kinakailangan ng pagpaplano na ibinabatay sa mga layunin ng kurikulum. Ang units na inilaan sa Language and Literature ay 24 units na

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS7kinapalooban ng English na may 9 units, Filipino na may 9 units, at Literature na may 6 units.

Ang Literature One ay dapat masakop ang "The Literatures of the Philippines" at dapat nakapokus sa mga panitikan sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas ito man ay nakasulat sa sariling wika o hindi simula sa kasaysayan ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan. Samantalang ang Literature Two ay dapat masakop ang "The Literatures of the World" at dapat nakapokus sa mga panitikan sa lahat ng kontinente sa mundo simula sa sibilisasyon hanggang sa kasalukuyan. Ang memorandum na ito ng CHED ay nagsimulang maging epektibo simula taong 1997-1998 sa kolehiyo.

Human Literature (HUMALIT) ang asignatura ng Panitikang Pilipino sa Pamantasang De La Salle sa Maynila. May iba pang asignatura sa Pamantasang De La Salle sa Maynila na nakapaloob ang Panitikang Pilipino tulad ng Mythology and Folklore, Philippine American Literature Philippine Literature in English at Philippine Epics. Ang mga ito ay kabilang sa Major Electives ng kursong Bachelor of Arts in Literature Program. Ang Panitikang Pilipino ay nasa ilalim ng Kagawaran ng Panitikan, Kolehiyo ng Malalayang Sining. Ang kolehiyo, na dating Kolehiyo ng Arte at Agham, ay natatag noong taong 1918 ngunit itoy tinanggal noong taong 1931 dahil sa kakulangan ng tauhan at naibalik lamang noong taong 1953. Ang Kagawaran ng Panitikan ng Pamantasang De La Salle ay kinikilala ng Commission on Higher Education bilang Sentro ng Kagalingan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS8Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas nasa ilalim ng Kagawaran ng Humanidades, Kolehiyo ng Artes ang Philippine Literature (LITE 1013). Ayon sa tagapangulo ng Kagawaran ng Panitikan na si Dr. Josefina Parentela, ang kasaysayan ng pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay kasabay sa pagpapatupad ng Commission on Higher Education (CHED) ng Memorandum Order no. 59 s. 1996.Marami namang asignatura ang may kinalaman sa Panitikang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit ang nakatuon talaga sa panitikan ay ang PAN PIL o Panitikan ng Pilipinas. Maraming asignatura rin ang nakapaloob sa PAN PIL, ilan rito ay ang Panimulang Pag-aaral ng Panitikan (PAN PIL 12), Panitikan ng mga Rehiyon sa Pilipinas (PAN PIL 103) at Kasaysayang Pampanitikan (PAN PIL 105). Ang Panitikang Pilipino ay nasa ilalim ng Kagawaran ng Filipino at Panitikang Pilipino, Kolehiyo ng Arte at Literatura. Ang Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay naitatag noong taong 1983 mula sa dating Kolehiyo ng Arte at Agham. Samantala, ang Kagawaran ng Filipino at Panitikang Pilipino ay ang pinakahuling nakabilang sa nabanggit na kolehiyo. Ito ay naitatag noong taong 1996 na naglalayong mapaunlad ang wikang Filipino gayundin ang ibat ibang wika sa Pilipinas at magkaroon ng pananaliksik tungkol sa ibat ibang pangkat ng etnikong-lingguwistika at ang kanilang mga panitikan.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman nasa ilalim ng Kagawaran ng Humanidades, Kaguruan ng Arte at Literatura ang Panitikang Pilipino. Ang

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS9pagtuturo ng malalayang sining at pilosopiya ay itinuturo na sa Unibersidad ng Santo Tomas mula pa taong 1611. Nagkaroon naman ng Kaguruan ng Pilosopiya at Literatura at Kolehiyo ng Malalayang Sining noong mga taong 1896 at 1926. At noong taong 1964 ang dalawang ito ay pinagsama at doon nabuo ang Kaguruan ng Arte at Literatura. Ang Philippine Literatures (LIT 102) at Philippine Literature in English (LIT 302) ay ang asignaturang Panitikang Pilipino sa unibersidad.

Kaugnay ng mga nabanggit narito ang dahilan ng mga mananaliksik sa kung bakit ang paksang ito ang napili. Ang kanilang naging pangunahing sagot ay upang mabatid kung anong dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino ang higit na mabisa sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais ding mabatid ng mga mananaliksik kung mayroon bang estandardisadong dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa ibat ibang pamantasan sa Pilipinas. At bilang guro ang isa sa maaaring maging propesyon ng mga mananaliksik sa kanilang pagtatapos, nais nilang malaman kung ano ang dapat nilang gamiting dulog kung may pagkakataong magturo sila ng Panitikang Pilipino.Balangkas TeoretikalSa bahaging ito ng pananaliksik inihahayag ang mga teorya upang maging pundasyon ng isinasagawang pag-aaral. Ang paksang Preperensiya ng mga Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS10Pilipino: Isang Pag-aaralay nakaugnay sa mga sumusunod na teorya na nabuo sa mga pag-aaral na ginawa ng mga kilalang kritik at pilosopo.

Una ay ang Transfer Theory ni Highet (1950, p.92), binibigyang diin sa teoryang ito na ang kaalaman ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga estratehiya, kaalaman, at mga teknik. Ang mga mahuhusay na elemento sa pagtuturo ang magiging daan sa mga mag-aaral upang matamo ang karunungan sa mga araling pinag-aaralan. Nangangahulugan na ang isang guro ay dapat magkaroon ng malawak na kaisipan hinggil sa mga epektibong elemento sa pagtuturo nang sa gayon ay makatulong sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kaalaman sa bawat aralin. Ang teoryang ito ay nakasandig sa kakayahan ng isang guro sa pagtuturo.

Ang ikalawang teorya naman ay nakasandig sa mga mag-aaral. Ito ay ang Growing Theory ni Perkins (1992, p.21). Naniniwala ang teoryang ito na ang isang paraan upang malaman kung ang pag-aaral ay naging epektibo, ito ay nakatuon sa intelektuwal at emosyonal na pag-unlad ng mga estudyante. Makikita ang naging bunga ng isinagawang pag-aaral kung napa-unlad ang aspektong intelektuwal ay emosyonal ng mga mag-aaral.

Ang interaksyon naman ng tatlong aspekto ng pagkatuto ang binibigyang halaga sa teorya ni Cruicksshank (2003, p.25). Sinasabi sa kanyang Product-Process-Presage Theory na ang product ay ang pagkatuto

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS11sa parte ng mga mag-aaral habang ang process ay ang interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ang Presage ay kakayahan ng isang guro, antas ng karanasan, tagumpay at iba pang katangian ng guro. Sinasabing ang Presage ay nakakaapekto sa process at ang Process ay nakakaapekto sa Product. Nangangahulugan na ang bawat aspekto ay may ginagampanang tungkulin sa pagkatuto, ngunit binibigyang diin dito ang presage na kung saan nakapanig sa kakayahan ng guro. Mahihinuha sa teoryang ito na nasa guro magkakaroon ng implikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang bawat teoryang ito ay maaring maging sanligan ng pag-aaral na ito. Maaring makita kung sasan nga ba nagbubunga ang pagkatuto ng mga mag-aaral, sa mga estratehiya o dulogn na ginagamit ng guro o sa preperensiya ng mga mag-aaral hinggil sa gusto nilang mga aspekto sa ikauunlad ng kanilang pagkatuto.

Upang mas maging malinaw ang pagsasalarawan ng pag-aaral na ito sa mga hakbanging isinagawa ng mga mananaliksik, bumuo ang mga mananaliksik ng isang paradimo na makikita sa susunod na pahina.

Balangkas KonseptuwalBatay sa naunang nabanggit, ang mga mananaliksik ay nakatuon lamang sa pag-aaral ng Preperensiya ng Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS12Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral. Matutunghayan sa susunod na pahina ang hulwarang konseptuwal na kung saan ibabatay ang daloy ng pananaliksik. Pagtuturo ng Panitikang Pilipino

Growing Theory Tranfer TheoryProduct, Process and Presage Theory

Mga Dulog sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino

Preperensiya ng mga Mag-aaral mula sa mga

Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila

Kabisaan

Kaangkupan

Asignaturang Panitikang Pilipino

Paradimo 1 Ang Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS13Makikita sa paradimo 1 ang balangkas ng isinagawang pag-aaral. Ang kabisaan at kaangkupan ng pagtuturo ng Panitikang Pilipino ay nakatuon sa kung anong mga dulog sa pagtuturo ang ginagamit. Sa pag-aaral na ito, nakatuon lamang sa rehiyonal at/o historikal na dulog. Sa mga nabanggit na dulog na ito, kukunin ang preperensiya ng mga kalahok mula sa ibat ibang unibersidad ukol sa tingin nila sa kabisaan at kaangkupan ng mga dulog na ito sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. At batay sa magiging resulta sa isinagawang pag-aaral, malalaman ang kabisaan at kaangkupan ng mga dulog na ito sa pagtuturo ng asignaturang Panitikang Pilipino. Nakasandig din sa pag-aaral na ito ang mga nakalap na teorya ng mga mananaliksik sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino na siyang magiging batayan sa pagiging epektibo ng dulog na pinili ng mga kalahok. Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito na may paksang Preperensiya ng mga Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaral ninanais ng mga mananaliksik na bigyang kasagutan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang kahulugan ng dulog (approach) sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino?2. Paano itinuro ng kanilang guro ang Panitikang Pilipino?3. Ano ang kahulugan ng historikal na dulog at nakatutulong ba ito sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino?

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS144. Ano ang kahulugan ng rehiyonal na dulog at nakatutulong ba ito sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino?

5. Gaano kaangkop ang dulog na ginamit sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino?

6. Gaano kabisa ang dulog na ginamit sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino?

Haypotesis

Ang paksang Preperensiya ng Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaralay bumuo ng mga sumusunod na palagay:1. Walang makabuluhang kaugnayan ang sagot ng mga kalahok sa kahulugan ng dulog sa pagtuturo batay sa mga napiling sagot ng mga mananaliksik.

2. Hindi angkop ang historikal na dulog at ang rehiyonal na dulog ang magiging angkop sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

3. Hindi mabisa ang historikal na dulog at ang rehiyonal na dulog ang magiging angkop sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino.4. Walang kaugnayan ang pagiging mabisa ng isang dulog at ang kaangkupan nito.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS15Saklaw at LimitasyonSinaklaw ng pag-aaral na ito na may paksang Preperensiya ng mga Mag-aaral Mula sa Piling Pamantasan sa Kalakhang Maynila Ukol sa Dulog na Historikal at/o Rehiyonal sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino: Isang Pag-aaralang paglalahad ng mga pananaw ng mga kalahok ukol sa dalawang dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Gayundin, kasama sa pag-aaral ang pagtingin kung alin sa dalawang dulog ang mabisa sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Aalamin din ng mga mananaliksik ang kaangkupan ng mga dulog na ito sa pagkatuto ng mga kalahok.

Ang pag-aaral na ito ay pumili ng tatlumput anim na mag-aaral (36) sa Pamantasan ng De La Salle sa mga kursong A.B. major in Literature at A.B.Philippine Studies major in Filipino in Mass Media, tatlumput anim na mag-aaral (36) sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong A.B. Filipinolohiya, tatlumput anim na mag-aaral (36) sa Unibersidad ng Pilipinas sa mga kursong A.B. Araling Filipino na may espesyalisasyon sa Panitikan, Malikhaing Pagsulat at Wika, at tatlumput anim na mag-aaral (36) sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong B.A. Literature. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay isang daan at apatnaput apat (144) mula sa mga pamantasang nabanggit. Sinaklaw ng bilang na ito ang tatlumpung porsyento (30%) ng kabuuang populasyon ng mga mag-aaral mula sa mga pamantasang nabanggit.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS16Hindi tinalakay sa pag-aaral na ito ang ibat ibang mga teknik sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino, gayundin ang mga kagamitang pampagtuturo na dapat gamitin. Hindi rin tinalakay ang mga akdang pampanitikan na dapat ituro sa mga mag-aaral, at ang preperensiya ng mga guro at namamahala sa ibat ibang mga dulog sa pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Panitikang Pilipino:

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral upang mabatid nila sa kung anong dulog (historikal o rehiyonal) sila mas madaling matututo sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino. Makatutulong din ito upang mabatid nila sa kung alin sa mga dulog mas mapupukaw ang kanilang interes sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino. Maaaring makatulong ito upang mas pahalagahan nila ng mga panitikan sa bansa, maging ang mga manunulat nito.

Sa mga Guro ng Panitikang Pilipino:

Ang pag-aral na ito ay maaaring makatulong upang mabatid ng mga guro kung anong dulog mas mabisa ang pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS17Maaaring maging gabay rin ito sa mga metodong makatutulong upang mas mapadali at maging interesante ang pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Sa mga Unibersidad/Pamantasan na nag-aalok ng asignaturang Panitikang Pilipino:

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa pamantasan na magkaroon ng estandardisadong dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Makatutulong din ito upang mas madaling matuto ang mga mag-aaral ng Panitikang Pilipino nang sa gayon ay lumabas ang kanilang diwang maka-Pilipinolohismo.

Sa mga Mananaliksik:

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik na masagot ang katanungan tungkol sa kung ano ang mas mabisang dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino. Maaaring maging gabay ito ng mga mananaliksik sa kanilang pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa hinaharap. Maaaring sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay makahanap sila ng mga paraan upang mas mapukaw nila ang atensyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino nang sa gayon ay lumabas ang kanilang diwang makabansa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS18Katuturan ng Talakay

Ang mga sumusunod na terminolohiya sa ibaba ay binigyang kahulugan o paliwanag ng mga mananaliksik upang mabigyan ng linaw ang mga mambabasa ng pag-aaral na ito. Isinaayos ang mga terminolohiyang ito batay sa naging pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa pag-aaral.Pangangailangang Bayolohikal mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay tulad ng pagkain, tirahan, kasuotan.

Kurso programa o larangang inihahain ng bawat unibersidad sa mga mag-aaral tulad ng Edukasyon, Inhenyeriya, Computer Science, etc.

Asignatura mga asignaturang inihahain ng bawat kurso tulad ng Panitikang Pilipino, Filipino, Siyensya at Teknolohiya.

Kurikulum mga asignaturang inihahain sa isang programa. Isang gabay ng isang programa.

Dulog lapit na ginagamit ng isang guro sa pagtuturo ng isang asignatura.

Historikal na Dulog dulog sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino na kung saan pinag-iisa-isa ang panitikan ayon sa mga panahong pinagdaanan ng panitikan (halimbawa nito, mula sa panahon ng mga katutubo hanggang sa panahon ng kontemporaryo).Rehiyonal na Dulog - nakapaloob sa rehiyonal na dulog na ituturo ang panitikan sa pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga rehiyon sa Pilipinas sa usapin ng kanilang panitikan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS19Commission on Higher Education sangay ng gobyerno na nangangalaga at nagpapaunlad ng mga tersyaryang antas sa edukasyon.Transfer Theory- ang kaalaman ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga estratehiya, kaalaman, at mga teknik.

Growing Theory- ang isang paraan upang malaman kung ang pag-aaral ay naging epektibo, ito ay nakatuon sa intelektuwal at emosyonal na pag-unlad ng mga estudyante.

Product-Process-Presage Theory - ang product ay ang pagkatuto sa parte ng mga mag-aaral habang ang process ay ang interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ang Presage ay kakayahan ng isang guro, antas ng karanasan, tagumpay at iba pang katangian ng guro.

Dulog Rehiyonal

Dulog Historikal at/o Rehiyonal

Dulog Historikal