31
Sulating Pananaliksik Batayang Kaalaman Isang komprehensibong gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisadong at sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong impormasyon na magagamit sa buhay ng isang indibidwal. Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong nagging masidhi ang pagsasagawa ng pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyan ng kalutasan na tutugunan ng pananaliksik. Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya ang kanyang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik. Isang akademikong Gawain ang pananaliksik. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag- aaral na mapalawak ang karanasan, madagdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad, ang nagagawa ng pananaliksik sa mag-aaral. Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang mahabang panahon upang maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik. Kahulugan ng Pananaliksik · Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin.

Sulating pananaliksik

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Sulating pananaliksik

Sulating Pananaliksik

Batayang Kaalaman

Isang komprehensibong gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisadong at

sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong

impormasyon na magagamit sa buhay ng isang indibidwal.

Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong nagging masidhi ang pagsasagawa

ng pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyan ng

kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.

Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya

ang kanyang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.

Isang akademikong Gawain ang pananaliksik. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-

aaral na mapalawak ang karanasan, madagdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat

maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad, ang nagagawa ng pananaliksik sa

mag-aaral.

Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang

mahabang panahon upang maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik.

Kahulugan ng Pananaliksik

· Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok

sa teorya o paglutas ng isang suliranin.

Page 2: Sulating pananaliksik

· Ayon naman kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isanmg sistematiko,

kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong

· haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula,

pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang

sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay

nakaplano.

· Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng

pananaliksik.

Katangian ng Pananaliksik

1. Obhektibo

2. Mayaman sa mga ginagamit na datos

3. May angkop na pamamaraan o metodolohiya

4. Dokumentado

5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat

6. Kritikal

Layunin

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito.

Dapat na:

Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto

Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o imterpretasyon sa dati nang ideya

Page 3: Sulating pananaliksik

Mabigyang – linaw ang isang mahalagang isyu o paksa

Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema

Makapagpatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga

materyales o dokumento tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw

Nakapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo

para sa isang pangyayari o senaryo

Tungkulin/Responsibilidad ng Mananaliksik

Gaya nga ng nabanggit na sa mga unang talakay, isang komprehensibong Gawain ang

pananaliksik lalo na sa mga mag-aaral.

Narito ang ilang tungkulin/respinsibilidad ng isang mananaliksik

1. Pagkamatiyaga

2. Pagkamaparaan

3. Pagkamasistema sa Gawain

4. Pagkamaingat

5. Pagkamapanuri o kritikal

6. Pagkamatapat

7. Pagiging responsible

Ano ang Thsesis Proposal?

Page 4: Sulating pananaliksik

- isang detalyadong plano na ginagamit ng mga mag-aaral bilang gabay sa

pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng lohikal at sistematikong

pagdulog ng mga mag-aaral upang maisagawa ang kanyang pananaliksik.

Halimbawa:

Mga mag-aaral ng Elizabeth Seton Taong 1975 hanggang 2005: Nasaan na sila ngayon?

Bakit nahihbirapan ang mga mag-aaral na pumili ng isang suliranin ng

pananaliksik?

1. Kinukonsidera ng mga mag-aaral ang maraming suliranin sa pananaliksik.

2. Ang kinakailangang mga datus ay mahirap makamit.

3. Hindi lahat ng mga suliraning panlipunan ay nasusukat.

4. Hindi alam ng mga mag-aaral ang isang ispesipikong suliranin.

5. Hindi batid ng mga mag-aaral ang pagkukunan ng sanggunian at impormasyon

sa isang suliraning pananaliksik.

Ano ang mga maggaandang katangian ng isang mabuting pananaliksik?

1. Ito’y dapat ispesipiko.

2. Nasususkat

3. may kinalaman sa isang praktikal na suliranin

4. napapanahon

Page 5: Sulating pananaliksik

5. nahuhubog ang isang katuturan ng isang kaisipan o konsepto

6. nakalilikha o mas napabubuti ang isang gawang panukat o instrumentong

panukat sa pananaliksik sa pagkuha at pag-aaral sa mga datos

7. kinakailangan ito’y naipapakita o naipahahayag sa isang relasyon sa pagitan ng

isa o higit pang variable.

Ano ang kailangang iwasan sa isang suliraning pananaliksik?

- Mga suliraning may kinalaman sa moral na katanungan

Ang relasyon ba ng magulang ay nakaaapekto sa pagtatanghal ng mag-aaral sa klase?

- Mga katanungang na walang pagsubok na pangkaisipan

Ilang mag-aaral na lalaki ang nakapagpatala sa paaralan?

- Mga katanungang nasasagit ng “oo” o “ hindi” at tiyak na may kasagutan

Kayo ba ay tumatanggap ng may kapansanang mag-aaral sa inyong paaralan?

- Mga katanungan na may kinalaman sa kababalaghan na imposibleng makalikom ng

mga datus upang masagot ang katanungan

Naniniwala ka ba sa multo?

- Isang paghahambing sa isang kalagayan.

Anu-ano ang mga nakamit ng mga pangulo ng Pilipinas sa kanilang panunungkulan?

Page 6: Sulating pananaliksik

Ano ang haypotesis sa isang pananaliksik?

- ito ay isang suhestiyong kasagutan sa isang suliranin o pag-aaral

- isang lohikal, isang makabuluhang paghihinuha, upang magbigay daan sa isang

matalinong pag-aanalisa sa isang suliranin Nang magamit upang ito’y mabigyan ng

kasagutan. (Leedy)

Ano ang tinatawag na variable?

- Ito ay isang konsepto na nagpapakita ng isang kabuoan o bagay gaya ng:

Kasarian, edad, katalinuhan, klima, nakamit, marka, edukasyon, kalagayang panlipunan

- Isang símbolo na ang bilang o itinakda rito

- Anumang bagay na maaaring mabago sa halaga o bilang batay sa kasidhian o

kaantasan (MsGuian)

Ano ang pangkalahatang uri ng variable?

1. Independent Variable

- Ito ay may kakayahang magbago na nakaaapekto sa iba pang variable na tinukoy

- Ito ay tiyak na masusukat, namamanipula o maaring mapili ng isang mananaliksik

upang matukoyat makamit ang relasyon sa isang nasusuring pagbabago (Tuckman)

Page 7: Sulating pananaliksik

2. Dependent Variable

- Isang mahalagang aspeto na nasusuri o naoobserbahan at masusukat upang

matukoy ang epekto nito sa isang independent variable. (Tuckman)

Halimbawa:

Anong sistemang pampagtuturo ang nakaaapekto sa isang programang pangdalubhasaan o

pang-masteral?

Independent Variable: sistemang pampagtuturo

Dependent variable: programang pangdalubhasaan o pang-masteral

Ang isang kasiyahan sa trabaho ay nakaaapekto sa kahusayan ng isang guro?

Independent Variable: kasiyahan sa trabaho

Dependent Variable: kahusayan ng isang guro

3. Interverning Variable

Page 8: Sulating pananaliksik

- Ito ay pagtanggap na kung saan makikita na sa parehong variable ang pagkaapekto

sa isang katangian. Ito ay maaaring makaapekto sa pagbaba o pagtaas ng isang kalagayan

ng independent variable tulad ng edad, kasarian, at edukasyon.

Uri ng Pananaliksik

1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga

ibedensya at paktwal na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos

upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong

siyentipiko.

2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at

estatistika. Karaniwang ito’y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon.

Ang isang magaling na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng

prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng

advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling.

3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan

ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig

ng mananaliksik.

Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Palararawan (Descriptive Method) – Ito’y idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa

isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik

ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o

paksa. Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing

umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga

kalakarangt nilinang.

Uri ng Paglalarawang Paraan

Page 9: Sulating pananaliksik

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol

sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.

2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na

pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o

pangyayari.

Lawak ng Sarbey

2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at

kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng

mahabang panahon.

Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na

Debelopmental

3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang

parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.

3.2. Kros-Seksyunal na Paraan – (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral

ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong

panahon.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na

masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan

kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti sa

mga bata sa mga asignaturang tulad ng wika, agham at matematika.

5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) Nangangailangan ng

pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at

mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng

palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)

Page 10: Sulating pananaliksik

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng

palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa

pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-

aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon

sa isa’t isa sa target na populasyon.

B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng

pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi

at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang

itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga

palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.

2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang

pagbabago.

3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay

inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat.

Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos

A. Pamamaraan Obserbasyon – Ito ay kinapapalooban ng obserbasyon ng mananaliksik

sa sitwasyong pinag-aaralan. Sa ganitong pag-aaral, ang mannaliksik ay nakatugon sa

tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para

makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.

Apat na Elemento na Dapat sa Paggamit ng Obserbasyon Bilang Pamaraang Pangongolekta

ng mga Datos

Page 11: Sulating pananaliksik

1. Mga desisyon sa pagtiyak ng mga resulta at paka o obserbasyon mismo.

2. Pagdedevelop ng gabay sa pagmamasid na siyang operasyonal na pahayag ng

mananaliksik tungkol sa paksang dinisisyunang obserbahan at ang instumentong gagamitin

sa pagtatala ng naobserbahang datos.

3. Ang mga tagamasid, ang kanilang pagkakakilanlan, recruitment at pagsasanay.

4. Interaksyon ng respondent at ng tagamasid na kinapapalooban ng mga desisyon kung

alam o hindi ng respondent na siya ay inoobserbahan.

Binanghay ni Fox (1969)ang mga sumusunod na hakbang sa pamaraang pagmamasid:

1. Paglalahad ng suliranin at hypothesis ng imbestigasyon

2. Pagpapaliwanag ng mga resulta at nilalaman ng obserbasyon

3. Pagpili ng teknik para sa obserbasyon

4. Recruitment ng mga tagamasid

5. Pagdebelop ng patnubay sa pagmamasid

6. Pagsasanay ng mga tagamasid para sa sapat na reability

7. Disenyo ng plano ng pagkuha ng datos sa obserbasyon

8. Pag-imbita sa paglahok ng piling sampol

9. Implimentasyon ng plano ng pagkuha ng datos

10. Paghahanda ng ulat

Page 12: Sulating pananaliksik

Mga Bahagi ng Pananalisik

Binubuo ng (5) limang kabanata ang isang pananaliksik at ito ay ang sumusunod:

Kabanata I - Suliranin at Kaligiran Nito

Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral

Kabanata III – Metodolohiya / Pamamaraan

Kabanata IV – paglalahad at Pagpapakahulugan

Kabanata V – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Suliranin at Kaligiran Nito

Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin. Sa simula, ang suliranin na napili

ay maaaring napakalawak. Kung sakali, ito ay kailangang gawing tiyak. Maaari rin na ang

pangkalahatang suliranin ay gawing maliliit at tiyak.

Ang panimula ay dapat tumatalakay nang tuwiran sa suliraning pag-aaralan. Ang ilang

mananaliksik ay nagsisimula sa bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahad ng masaklaw

na mga kaisipan ideya. Sinisimulan ng ilan ang unang pangungusap ng panimula tulad ng

Page 13: Sulating pananaliksik

“Ang panglahing layunin ng pag-aaral ay _______________,” pagkatapos ay nagpapatuloy

sa paglalahad ng rasyunal ng pag-aaral. Ang bahaging ito ay maaaring magsama o

maglahad ng ilang mga naunang pananaliksik ba maaaring magpalakas o magpatatag ng

dahilan ng imbestigasyon.

Gayunman, dapat na maging maingat nang sa gayon ang tunay na pagrerebyu ng

literature ay naisasagawa sa susunod na kabanata. Ang bahaging ito ay panimula ng natural

na natural na magbibigay-daan tungo sa paglalahad ng suliranin. Gayon pa man,

isinasagawa ng ibanbg mananaliksik ang kaugnay na literature sa panimula. Sa ganitong

kaso, ang kaugnay na literature ay hindi na hiwalay sa kabanata.

Ang mga tanong ay higit na ginagamit kaysa ibang estilo ng paglalahad ng mga tiyak

na suliranin, bagaman sa ilang mga tesis o disertasyon na nirebyu ng mananaliksik, ang

mga haypotesis o hinuha ay pumapalit sa mga tiyak na tanong. Ang ganitong pag-aayos ay

tinatanggap dahil sa realidad na ang tesis/disertasyon ay sumusubok sa hinuha. Gayunman,

ang ibang mgha tesis ay naglalahad ng suliranin sa tipong pangkalahatan at tiyak na mga

layunin. Alin mang mga suliranin at ang mga hinuha ay nasusubok.

Sa panimulang bahagi ng ulat sa pananaliksik, ang mahalagang kontribusyon ng mga

pag-aaral ay dapat isaman. Ito ay sinusundan ng saklaw at mga limitasyon ng suliranin. Sa

panimula rin, may talakay sa kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit. Ang pangunahing

layunin sa pagsasama ng mga kahulugan ay para sa maunawaan ng mambabasa kung

paano ginamit ng mananaliksik ang mga terminolohiya sa kanyang pag-aaral.

Sa Batayang Koseptwal naman, inilalahad ng mananaliksik ang mga ideya hinggil sa

pag-aaral na isinasagawa. Ipinaliliwanag din sa baahaging ito ang pagbuo ng sariling

pananaw ng mananaliksik tungkol sa isang problema. Pagkatapos mapag-aralan ng ilang

teorya na may kaugnay sa isang pananaliksik, maaaring bumuo ng isang konseptwal na

balangkas na tinuturing na pangunahingb tema, pokus o layon sa pag-aaral o pananaliksik.

Nagiging panuntunan ito sa paggawa ng alinmang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Page 14: Sulating pananaliksik

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng antas at malawak na kaalaman ng mananaliksik.

Ang mahusay na mananaliksik ay nakapaglalahad nang sapat na kaligiran para sa suliranin,

sa magkakaugnay, makatotohanan at makabuluhang pahayag. Inaasahan na may ugnayan

ang panimulang bahagi at ang kaugnay na literature.

Karamihan sa mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay hindi gaanong nahihirapan sa

pagsulat ng kaugnay na literature, dahil sa masistemang paraan ng paghahanap o pagsulat

nito. Ang mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay gumagamit ng iba’t ibang sistema ng

organisasyon. Ang iba ay gumagamit ngdichotomy (o magkahiwalay) na banyaga at local na

literature. Gayundin, pinaghihiwalay ng ibang pang literature sa konseptwal at pananaliksik.

May ilan na isinulat ang kaugnay na literature sa pamamagitan ng tuwirang pagtalakay ng

mga pagkakatulad-tulad at pagkakaiba-iba ng mga nakaraang pag-aaral.

Metodolohiya/Pamamaraan

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng

mga datos, instrumentasyon at pagsususri sa piniling paksa sa suliraning pananaliksik

Maaaring gamiting pamaraan sa pagkalap ng mga datos o materyales sa pananaliksik

anginternet interbyu, library at iba pa.

Sinusulat ng mananaliksik ang ginamit na pamaraan tulad ng kung ang pag-aaral ay

palarawan, pangkasaysayan o eksperimento. Dito ipinaliliwanag kung bakit ang pamaraang

iyon ang ginamit. Gayunpaman, sa ilang okasyon, higit pa sa isang pamaraan ang

ginagamit. Ang sumusunod na seksyon ay tumatalakay sa mag baryabol na binigyang

konsiderasyon kasama na ang uri ng lebel ng bawat isa. Ito ay sinusundan ng target na

populasyon at ang sampling. An g target na populasyon ay dapat ilahad nang malinaw. Ang

instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga datos ay ang sumusunod na dapat bigyan ng

pokus sa presentasyon. Ang mga tiyak na hakbang sa pagbabalideyt ng instrumento ay

dapat na ilahad, ang mga instrumentong nakahanda na ay dapat talakayin ayon sa mga

Page 15: Sulating pananaliksik

isinasagawang pagsubok sa baliditi at reliyyabiliti. Makatutulong din kung isasama ang

paraan ng pag-administer ng pagsusulat. Ang kasunod na inilahad ay ang disenyong

istatsitikal at ang pagsusumang ginamit sa mga datos na nakuha. Ang dahilan sa pagpili ng

istatistika ay dapat banggitin sa bahaging ito.

Paglalahad at Pgpapakahulugan ng mga Datos

Ang bahaging ito ng ulat sa pananaliksik ay naglalahad ng mga resulta at mga

pagtalakay. Inaasahan na talakayin ang dahilan ng mga resulta. Ito rin ang bahagi na dapat

ihambing ang nakuhang resulta sa mga resultang nakuha ng mga naunnag pananaliksik. Sa

kasong ito, ang mga kasalukuyang resul;ta ay maaaring kinumpirma/magpatotoo o

tumaliwas sa resulta ng mga naunang pag-aaral,

Ang mga talahanaya, grap at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong sa

kalinawan ng presentasyon. Kailangan lamang ang pag-iingat nang sa gayon ang

pagkakasunud-sunod ang mga grapik sa pagtalakay. Kung ang mga talahanayan ay maikli,

maaaring isama na laamng ang mga ito sa teksto.

Lagom, Konklusyon Rekomendasyon

Ang lagom – ay nagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa

pag-aaral. Dapat na maging maingat sa bahaging ito. Hindi dapat isama ang kahit ano

lamang.

Ang konklusyon ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa mga

tanong na inimbestigahan.

Page 16: Sulating pananaliksik

Sa rekomendasyon naman inilalahad ang mga mungkahing maaaring makatulong sa

iniharap ng mananaliksik upang maging kapaki-pakinabang ang isinasagaswang pag-aaral.

Lagom Konklusyon Rekomendasyon

Mga payak na

pagpapahayag

ang gamitin

tungkol sa

layunin ng pag-

aaral, mga

kalahok o

respondent,

panahon ng

pag-aaral,

paraan ng

pananaliksik

instrumento at

disenyong

ginamit.

Kailangang

angkop ang

ibibigay na sagot

sa mga inilahad

na tiyak na mga

tanong

Kailangang

makita sa

konklusyon ang

mga natutuhang

patotoo sa pag-

aaral

Kailangang ilahad

ito sa isang maikli

ngunit tiyak na

paglalahad ng

mga

kinakailangang

impormasyon

Kailangang

ipahayag sa isang

daang (100%) ng

pagkamakatotoha

nan at

kawastuhan

Kailangang

kaugnay

lamang ng

tinatalakay sa

pagsisiyasat

Kailangang

magkaroon ng

modelo

paraang

praktikal at

kapani-

paniwala

Kailangang

nakatuon sa

tao, may

kakayahang

maisagawa ang

inirekomenda

Dapat na

isaalang-alang

ang

pagsisiyasat

ang

rekomendasyon

B. Paraang Pagtatanong

Page 17: Sulating pananaliksik

Pinakaangkop ang pagtatanong kung layunin ay humanap ng impormasyon sa

panlabas na antas. Pili at maayos na pagkakasulat ng mga tanong ang kumakatawan sa

pinakamahusay at epektibong paraan ng pagkuha ng datos.

Mga Katanian ng Epektibong Tanong

1. Dapat na maging malinaw ang lenggwaheng gagamitin.

2. Ang nilalaman o paksa ng tanong gayundin ang panahon ay dapat na tiyak. Madalas na

hindi alam ng respondent kung paano sasagutin ang tanong dahil sa ang nilalaman ay hindi

gaanong tiyak, gayundin ang tinukoy na panahon.

3. Ang tanong ay dapat nagpapakita ng isang layunin.

4. Dapat na malaya ang tanong sa anumang palagay.

5. Ang tanong ay dapat na bukas sa mungkahi.

6. Ang tanong ay dapat na may kabuuang linggwistik at konsisteng gramatikal.

Mga Paraan at Kasang kapan Para sa Pagtatanong

1. Ang Pananaliksik na Pakikipanayam – ito ay maisasagawa kung posible ang

interaksyong personal. Ang pananaliksik na pamamaraan ay kinapapalooban ng

pangonglokta ng mga datos sa pamammagitan ng tuwirang pasalitang interaksyon ng

kumakapanayan at kinakapanayam.

Dalawang Uri ng Pananaliksik na Pakikipanayam

a. Balangkas na Pakikipanayan – ang mga tanong ay nakalahad ng tiyak sa

permanenteng listahan at ang interbyuwer ay nagtatanong nang walang labis at walang

kulang ayon a pagkakasunud-sunod sa listahan.

b. Di-binalangkas na Pakikipanayan – Ang kumakapanayan ay may listahan ng mga

tanong, hindi niya kailangang sundin ang pagkakasunud-sunod nito.

Page 18: Sulating pananaliksik

2. Ang kwestyoner/Talatanungan – kung hindi posible ang personal na

pakikipagtanungan, sinusulat ng mananaliksik sa papel ang mga tanong at pinasasagutan

ito sa mga respondent.

3. Ang Tseklist – binabalangkas na instrumento para sa pagtatanong

4. Ang Critical Incident Technique – nagpapahintulot sa respondent na pimili ng mga

pangyayari na mahalaga o kritikal sa kanya.

Mga Hakbang sa Paraang Pagtatanong

1. Pagtiyak na ang pamaraang patanong ay angkop sa suliranin.

2. Pagkilala sa lawak ng paksa sa pagtatanong.

3. Pagkilala sa buong lawak ng mga tiyak na mga katanungan na maaaring itanong.

4. Paunang klasipikasyon ng posibleng mga tanong na maaaring sabihing kritikal o hindi

kritikal sa pananaliksik.

5. Pagkilala sa mga kailangan sa suliranin ng mananaliksik para sa interaksyon ng

mananaliksik at respondent.

6. Pagkilala sa mga limitasyon ng pakikitungo sa respondent.

7. Pagpili ng interaksyon ng mananaliksik sa respondent.

8. Pagpapasya sa mga uri ng mga tanong na gagamitin at ang porma ng mga sagot.

9. Pagpili ng teknik o paraan ng pagtatanong.

10. Pagdedebelop ng instrumento para sa pagtatanong.

11. Mga panimulang pag-aaral para matiyak ang katangian ng instrumento.

12. Implementasyon ng plano sa pagkuha ng datos.

13. Implementasyon ng plano sa pagsusuri ng datos.

14. Paghahanda ng ulat ng pananaliksik.

Page 19: Sulating pananaliksik

Mga Hakbang sa Paggawa ng Sulirang Paananaliksik

Masalimuot ang paggawa ng isang sulating pananaliksik. Bunga ito ng pagbata sa init

na dulot ng pakikipambuno sa mga libro ay laybrari, pagpupudpod sa utak kung paano

gagawin o sisimulan, paghahati-hati sa panahon upang mabahaginan ng sapat na oras sa

dami ng iba pang pinagagawa.

Ang mga sumusunod ang iba’t ibang hakbang na dapat sundin:

a. pagpili ng paksa

b. pagpapahayag ng layunin

c. paggawa ng tentatibong balangkas

d. paghahanda ng bibliograpiya

e. pangangalap ng datos

f. pagpapahalaga sa mga nakalap na datos

g. paggawa ng pangwakas na balangkas

h. pagsulat ng burador

i. pagrerebisa

j. aktuwal na pagsulat ng pangwakas na papel

Page 20: Sulating pananaliksik

Ang Pagpili ng Paksa

Mga Panuntuan sa Pagpili ng Paksa

1. Maaaring ibigay ng guro ang saklaw ng paksang gagawan ng sulating pananaliksik.

2. Maaring sa inters ng estudyante ang paksang gagawan ng pananaliksik

3. Hindi dapat masaklaw upang kayang gampanan sa loob ng limitadong panahong

nakatakda para sa naturang pananaliksik.

4. Siguraduhing may mapagkukunan ng sapat na materyales

5. Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan sapagkat maaaring may kahirapang

gagapin ang mga termino at hindi na angkop para sa panimulang pananaliksik.

6. Kailangang napapanahon

Pinagmulan ng Suliranin

May mga suliraning madaling malulutas subalit ang ibang suliranin ay masalimuot at

nangangailangan ng plano o hakbang na kinasasangkutan ng lugar at tao.

Kasama rin sa pinagmulan ng suliranin para sa pnanaliksik ang mga mambabasa sa

mga aklat at iba pang mga sanggunian tulad ng mga dyaryo, magasin at dyornal.

Katangian ng Isang Mahusay na Suliranin

1. Mahalaga na may interes ka dito.

2. Kailangan ay may kapaki-pakinabang na halaga ito sa iyo, sa iyong paaralan o

komunidad.

3. Dapat ay hindi pa ito lubhang nasasaliksik.

4. Ito ay dapat nagtataglay ng bagong kaisipan.

5. Kailangan ay saklaw ito ng iyong karanasan.

Page 21: Sulating pananaliksik

6. Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid.

Mga Halimbawa ng Suliranin o Paksa

Mga Pamagat ng Isang Sulating Pananaliksik

1. Isang Pag-aaral sa Paggamit ng Wikang Bernakular ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon

sa Mataas na Paaralang Las Pinas.

2. Isang Worktext sa Pagtuturo ng mga Kasanayang Pangwika sa Sining ng Komunikasyon

Para sa mga mag-aaral ng Ama Computer College, Sangay ng Makati

3. Isang Pag-aaral sa Kasanayan ng Paggamit ng Wika ng mga Mag-aaral sa mga Sulating

Filipino ng Ikaapat na Taon sa Mataas na Paaralang Makati.

4. Isang Pagsusuri sa Pag-aaral sa Kasanayang ng Pagsusuri ng Mga Mag-aral sa Ikaapat

na Taon ng Perpetual University sa Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan sa mga

akdang Filipino.

Ang Pagpapahayagn ng Layunin

Matapos matiyak ang paksa o suliranin na nais saliksikin, kailangang makagawa ng

isang paunag pahayag ng layunin ng papel. Dapat na suriing mabuti ang bawat salita upang

matiyak ang kahulugan. Kahit sa bahagi pa lang na ito ay kailangan nang mabigyang-

katuturan ang mga termino. Kapag naisakatupatan na ito ay handa nang pumunta sa silid-

aklatan upang magsimula nang magsaliksik.

Paggawa ng Tentatibong Balangkas

Ang pagbabalangkas ay ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna ng mga

kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunud-sunod bago ganapin ang paunlad

na pagsusulat. Ito ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang

Page 22: Sulating pananaliksik

porma ng isang katha. Ito ay nagsisilbing gabay ding humahaya sa isang ganap na

matalinong paghakbang ng bawat puntong tatalakayin o ilalahad.

Mga Porma ng Balangkas:

Balangkas na may animang antas

I.

A.

1.

a.

1).

a).

b).

2).

b.

2.

B.

II.

Balangkas na may tatluhang antas

I.

A.

B.

Page 23: Sulating pananaliksik

1.

2.

II.

A.

B.

1.

2.

III.

Balangkas ng Bilang

1.

1.1.

1.2.

2.

2.1.

2.2.

3.

Sa alinmang sulatin – paglalahad, komposisyon, pananaliksik, atb. – karaniwan nang

ang balangkas ay naglalaman ng mga bagay na sumusunod, at ang mga ito ay nagpapakita

na rin sa mga bahaging dapat tuntunin sa pagsulat:

Pamagat ( Paksa ng Sulating Pananaliksik)

1. Introduksyon/Panimula

1.1. Ang Layunin ng Pananaliksik

Page 24: Sulating pananaliksik

1.2. Ang Kahalagayah ng Paksa o ng inyong isinusulat o sinulat

1.3. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Paksa

2. Katawan ng Sulating Nauukolo Mismo sa mga Bagay-Bagay na Napag-alaman Tungkol sa

Paksa (Related Literature)

2.1. Unang Puntong Dapat Talakayin

2.2. Pangalawang Punto

2.3. Pangatlong Punto

3. Pamamaraan

3.1. Eksperementasyon

3.2. Ilustrasyon o Larawan

4. Pangwakas

4.1. Konklusyon

4.2. Rekomendasyon

i. Talaan ng Saggunian/Bibliograpiya

ii. Apendise

iii. Glosaryo

iv. Dahon ng Pasaalamat

Pamamaraan

Page 25: Sulating pananaliksik

Kung kayo’y may ideya sa inyong layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng inyong

gawain, may direksyon na kayo sa inyong sinusulat. Ang pamamaraan sa pagkuha ng

impormasyon ay ang sumusunod:

1. Sa pagkuha ng imprenta o di naimprentang mga aklat, magasin, journal o microfilm,

kailangang angkop sa gagawing pananaliksik. makukuha ito sa mga aklat ng inyong

paaralan o pambansang aklatan.

1.1. sa pagkuha ng mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang sa pagkuha ng mga tala:

a. gumamit ng ”5x8” (maaari ring ”4x6”, depende sa instruksyon ng guro) na indeks

kards. mas mabuti ang indeks kard kaysa sa ordinaryong papel dahil mas matibay ito at

mas madaling ayusin.

b. kailangang isang ideya lamang ang isusulat sa bawat kard. Kung kukulangin ang

isang kard ay maaaring gumamit ng iba pang kard. Maski maigsi ang naisulat sa isang kard

ay huwang magtangkang sumulat ng bagong idea sa karagdagang kard na ito.

c. maging maingat sa pagbubuod ng sinabi ng isang awtor. Kailngan di mawawala ang

tunay na kahulugan. Maaari ring kopyahing eksakto sa kung paano ang pagkakasulat at

saka na lamang desisyunan kung anu-ano ang nais talagang sipiin nag buong buo.

d. Palagom kung ang impormasyon ay sobrang haba para kopyahin nang buong-buo

ang teksto. Ito ay hindi binabantasan ng panipi ( ”... ”), lamang, tungkulin ng mananaliksik

na kilalanin ang pinagkunang aklat sa pamamagitan ng pamagat ng Aklat (Pook na

Pinaglathaaan: Tagapamahala, Taon ng Pagkakalathala), pahina (p) o mga pahina (mp/pp)

Tatlong Paraan ng Pagkuha ng Tala

Page 26: Sulating pananaliksik

1. Pagbubuod (Summarizing) Isinusulat ang tala sa sariling pananalita nang hindi

nababawasan ang orihinal pagkat naroon doin ang pangunahing ideya at mga detalyeng

sumusuporta dito.

2. Paghahawig (Paraphrasing) – malayang ipinahahayag ang mga tala batay sa paliwanag

sa orihinal. Sa ganitong paraan, napipilitang mag-isip at umunawang mabuti sa kabuuang

ideya ang kumukuha ng tala na hindi nangyayari kapag kinokopya lamang ang mga tala sa

pinagkukunan.

3. Tuwirang sipi (Quotingt) – kumpletong kinokopya ang salitang pangungusap mula sa

sanggunian at ikinukulong sa panipi,

Halimbawa ng notkard

Kahulugan ngDemokrasya

Ayon kay Charles E. Merriam: ”angdemokrasya ay hindi lamang mga tinipong pormula

o plano ng pagsasaayos kundiisang buong kaisipan at pagkilos tungo sa kapakanan at

nasanakararami.”

Nangangahulugan na ang kapakanan ayhindi lamang ang mga pulitikal na gawain.

Sumasaklaw din ito nang malawakan samga materyal na layunin at ispiritwal na kaisipan

tulad ng pagtataas ng batayanng pamumuhay, pagpapayaman ng katauhan, pakikinabang

ng lahat sa kinikita ngpamahalaan na nagpapataas sa ekonimoia at sosyal na paggawa sa

buong komunidadnang hindi nabibinbin.

Stene

PublicAdministration

pp.25-26.

Feminsimo(Paksa)

“Bilang parusa sa mgababaeng ayaw tumigil sa kadaldalan… sa bawat paggalaw ng

dila nito, natatanggalang buhok sa kanyang mukha hanggang sa tuluyan nang malagas ang

lahat ng mga itoat matambad ang kanilang mga dibdib.”

Page 27: Sulating pananaliksik

Loline M. Antillon at Rachel L. San Miguel, SANDUGOPanitikn ng Kapuluang

Pilipinas(Quezon City: Haggai Publication, 1987), p.20

Halimbawa ng palagom

Simbolismo(Paksa)

Ayon sa paningin ni Northrope Frye, ang taglagas ay kaalinsabay ngkatandaan; ang

taglamig; kamatayan; ang tagsibol, pagkabuhay na muli; at angtag-init, buhay, pagyabong

o dili kaya’y pamumunga. Kaugnay ng panahon, ang mgabahagi ng isang buong araw ay

may sinasagisag ding kahulugan: ang umaga,halimbawa, ay kaalinsabay ng pagsilang o

kabataan; ang katanghaliang tapat,kasibulan; at ang gabi, katandaan o pagpanaw; kaya

nga, ang palasak nakasabihang “nasa papalubog na ang araw sa buhay.”

Nortrope Frye, “The Archetypes ofLiterature” inModern LiteraryCritism,Edited by Isagani

Cruz (Manila: De La Salle University Press,1984), mp.404-4017

2. Pakikipanayam sa tao – sa mga dalubhasa o sa mga sumusulat sa larangan ng inyong

pananaliksik. Ito’y pakikipag-usap sa taong pinagmulan ng datos.

3. Sa mga establisyemento o mga pagawaan – pagkuha ng impormasyon sa mismong mga

gumagawa sa pabrika. Ibabatay ang impormasyon ayon sa inyong nalalamang operasyon

ng paggawa.

4. Sarbey – pagkuha ng larawan ng kaalaman, kabatiran, asal, ikinikilos ng isang takdang

pook sa pamamagitan ng matematika at pagsusuring estatistika. Ito’y galing sa mga sagot

ng na pinakasimple o napiling populasyon, sa pamamagitan ngt pagtatanong o

pakikipanayam. Ang ganitong pamamaraan ay karaniwang ginagamit sa higit na masusing

pamamaraan ng pananaliksik.

Paggawa ng Talasanggunian o Bibliograpiya

Page 28: Sulating pananaliksik

Ang talasanggunian o bibliograpia ay isinusulat sa papel paalpabeto. Narito ang ilang paraan

kung paano isusulat ang talasanggunian.

1. Libro

Ang dapat isaalang-alang ay ang pangalan ng awtor, pamagat ng akda at mga tala

tungkol sa pagkakalimbag o publikasyon

a. nauuna ang paelyido na sinusundan ng kuwit at nahuhuli ang unang pangalang o

mga pangalang na sinusundan ng tuldok.

Fluid, Madil W. Level. Plymouth: Macdonal and Evans, Limited. 1993

b. Kung dalawang tao ang may-akda: ang unang awtor ay sumusunod sa tuntunin a at

ang ikalawang awtor ay mauuna ang unang pangala bago ang apelyide at sinusundan din

ng tuldok.

Downey, Glen L. at Gerald W. Smith B., Advanced Dynamics for Engineers,Pennsylvania:

International Textbook Company. 1920

c. kung sa mahigit sa dalawa ang akda ng libro, sundin ang tuntunin a at dadagdagan ng et

al.

Piits G. et al. Techinique in Engineering Design. London: The Butterworth, 1973

d. Magasin – isinusulat ang pangalan ng artikulo sa loob ng panaklong. Ang pangalan ng

magasin at sinsalungguhitan.

Lyn, Applegate E. (Me, BRAINS SEPARATION PROCESSOR) Chemical

Engineering, International News:McGraw Hill Publication, June 11, 1984

e. Artikulo – sinusunod ang tuntunin sa pagsulat ng awtor sa libro. Gawing malaki ang

unang letra ng mga mahahalagang salita at lagyan ng tuldok. Lagyan din ng dobleng panipi

Page 29: Sulating pananaliksik

ang unahan at dulo ng buong pamagat. Sundin ang pagpapalaking letra sa pamagat ng

artikulo. Salungguhitan ang buong pangalan o italisado. Ang bilang ng bolyum, petsa at

bilang ng pahina.

Pagtatalababa

Dalawang Uri ng Talababa

1. Talababang Kumikilala – nagsasaad ng pangalan ng pinagkunan at lahat

katungkulang di-dapat ipagwalang-bahala ng isang nananaliksik. Nagsasaad ito ng pangalan

ng pinagkunan at lahat ng mga mahahalagang dapat banggitin dito. Kung libro ay ilalagay

ang pamagat ng libro, lugar ng palimbagan, ang palimbagan, petsa at pahina. Kung

peryodikoal ay kailangan ang pangalan ng sumulat, pamagat ng akda, pangalan ng

peryodikal, bolyum, petsa at pahina.

2. Talababang Nagbibigay-kahulugan – talababang nagpapaliwanag tungkol sa

isang bahagi ng papel. Dito nakapagdadagdag ng sariling opinyon ang sumulat.

Ang pagpapabaya na gumagamit na talababang kumikilala ay maaaring magbunga ng isang

kasalanan – ang panghuhuwad o plagarism. Ito ay pag-aangkin sa kaisipan o ideya ng iba.

Kailangang killaanin ang may-ari ng isang kaisipan bilang pagssakatuparan sa isang tunay

na pananaliksik.

Mga Daglat ng Ginagamit sa Pagtatalababa

blg. bilang

bol. bolyum

cf. confer, ihambing

et al. et alili, at iba apng manunulat o tao

ibid. ibidem (in the same place), sa parehong akda na kagyat na kasunod.

Page 30: Sulating pananaliksik

kab. kabanata

loc cit. loco citato (in the place cited), sa parahong pinagkuna na may namamagitang iba

pang pinagkukunan. Ang apelyido lamang ng awtor ang ilalagay.

op cit. opera citato ( in the work cited) sa parehong pinagkukunan na may

namamagitang iba pang pinagkukunan pero iba ang pahina. Ang apelyido lamang ng awtor

ang ilalagay at ang bilang ng pahina.

p. mp o pp pahina o mga pahina

sal. salin

[sic] ayon sa orihinal, may napansing kamalian ang sumusulat ngunit hindi iwawasto.

Walang tuldok.

w.p. walang petsa

w.l. walang lugar na ibinigay

ser serye

MS manuskrito

passim sito at doon sa buong aklat

Tiyak na Pagahahlimbawa ng Talababa

1Teodoro Agoncillo at Milagros Guerrero, History of the Filipino People(Quezon City:

R.P. Garcia Publishing House Co., 1970), p 68

2Ibid.

3Ibid., p 86

4. Gemma N. Almendral, “The Reformists of the February Revolution”, Diliman Review,

bol. 34, blg 2, 1986, p. 7

5Isabel dela Toree, “Secret Base in Bukidnon”,Manila Standard, Enero 13, 1989, p.3

6Ibid

Page 31: Sulating pananaliksik

7Almendral, loc cit.

Sanggunian:

Wikang Filipino Retorika at Sulating Pananaliksik. Ligaya Tiamson – Rubin et al pp. 176-194

Sining ng Komunikasyon. Magdalena O. Jocson et al pp. 156-190

Filipino Pangkolehiyo. Arrogante pp. 175-190

Gamiting Filipino Pagbasa at Komposisyon. Kagawaran ng Filipino Dalubhasaang Normal ng

Pilipinas pp. 227-238