26
KABANATA I Rasyonale Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na “bullying”. Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakakatanda sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o kanyang kapaligiran. Halimbawa ng mga pangyayaring nakakaapekto sa bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng paaralan, at pagkaligalig (istres o presyon). Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito’y maaaring human tong sa depresyon na maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakakagambala ito sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal at maging sa batang naaapi. Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay isinagawa bilang pagtugon sa isang pangangailangang makapangalap ng impormasyon upang magbigay kaalaman at magpalaganap ng awareness sa bawat indibidwal na may kinalaman sa isyung tinatalakay sa pag-aaral na ito. Nais nang pag-aaral na ito na matuunan ng pansin ang suliraning ito na patuloy ang paglaganap sa ating mga paaralan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng pamanahong papel na ito, madagdagan pa ang mga malalaman ng mga mambabasa ukol sa isyung ito.

Pananaliksik Sa Bullying

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga nakalap na datos mula sa internet

Citation preview

KABANATA IRasyonaleSa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na bullying.

Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakakatanda sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o kanyang kapaligiran. Halimbawa ng mga pangyayaring nakakaapekto sa bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng paaralan, at pagkaligalig (istres o presyon). Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Itoy maaaring humantong sa depresyon na maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakakagambala ito sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal at maging sa batang naaapi.

Paglalahad ng SuliraninAng pananaliksik na ito ay isinagawa bilang pagtugon sa isang pangangailangang makapangalap ng impormasyon upang magbigay kaalaman at magpalaganap ng awareness sa bawat indibidwal na may kinalaman sa isyung tinatalakay sa pag-aaral na ito. Nais nang pag-aaral na ito na matuunan ng pansin ang suliraning ito na patuloy ang paglaganap sa ating mga paaralan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng pamanahong papel na ito, madagdagan pa ang mga malalaman ng mga mambabasa ukol sa isyung ito. Ang mga sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan sa pag-aaral na ito:1. Ano ang bullying?2. Anu-ano ang mga katangian ng mga taong binubully at nambubully?3. Bakit may nambubully?4. Sinu-sino ang kadalasan nagiging biktima ng pambubully?5. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay naging biktima ng pambubully?6. Paano mapipigilan ang pambubully?7. Anu-ano ang mga batas tungkol sa bullying?Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos at saloobin ng mga mag-aaral sa usaping bullying sa Antas Tersyarya sa Asian College of Technology, Lungsod ng Cebu, isang pribadong mas mataas na institusyong edukasyonal na binubuo ng ibat ibang kolehiyo tulad ng Computer Studies, Business Studies, Arts and Sciences, Education, Engineering, at Nursing.

Ang pag-aaral ay sumsaklaw sa dalawampo (20) mga respondente na mga mag-aaral ng Asian College of Technology na pawang may kursong Bachelor of Science in Information Technology. Kabilang dito ang walong (8) kababaihan at labindalawang (12) kalalakihang mag-aaral.

Kahalagahan sa Pag-aaral

Every student should be able to attend a school that is safe and secure, free of fear and conducive to learning

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, mga guro, sa paaralan, sa pamahalaan at iba pang mananaliksik.

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang lubos na maunawaan at magbigay liwanag ukol sa isyu ng bullying upang hindi masangkot sa ganitong kaguluhan.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na isinasagawa ay matutulungan ang mga guro na matukoy ang saloobin ng kanilang mga mag-aaral. Tungkulin ng mga guro na hubugin at linangin hindi lang ang kaisipan kundi maging ang karakter ng bawat mag-aaral. Hindi lamang pang-akademikong aspeto ang konsentrasyon at marapat maturuan ng wastong pag-uugali upang lumaki silang may matuwid na pamumuhay. Higit sa lahat , makita sa mga guro ang pag-uugaling nais maitanim sa kaisipan ng bawat mag-aaral sapagkat sila ang nagsisilbing modelo kaakibat ang katotohanang mas sinusunod sila ng mga mag-aaral kaysa sa kanilang magulang.

Sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubully. Ang ganitong patakaran ay kailangang maisulong sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng paaralan, nagtuturo man o hindi nagtuturo, at sumasangguni sa mga magulang at mag-aaaral. Kailangang malinaw na maunawaan ng lahat ng mga kinauukulan ang mga layunin ng patakaran, mga tungkulin at mga nais makamtan.Sa Pamahalaan. Nakakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman ang bawat hinaing at paghihirap na nararanasang pambubully upang magkaroon ng mas matibay na batas laban sa ganitong uri ng pananakit sa kapwa.

Mga Mananaliksik. Makatutulong ang pag-aaral na ito para magiging gabay at sanggunian sa mga isasagawang kaugnay na pananaliksik.

Kahulugan ng mga KatawaganInilalahad ang kahulugan ng mga katawagan ayon sa pagkagamit sa pananaliksik na ito upang madaling maunawaan ang isinasagawang pag-aaral.

Agresyon. Katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay.

Bullying. Paghahari-harian o pagmamaton; isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isa ring ugali mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon(sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, particular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan.

Cyber-Bullying. (Pagmamaton sa Internet) ay ang paggamit ng Internet at iba pang kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang itoy matigil na.

Depresyon. Isangsakit sa pag-iisipna inilalarawan ng malawakang mababangmoodna sinamahan ng mababangpagtingin sa sarili(nawala angpagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.

Peers. Kasamahan

Saloobin. Paniniwala, palagay, atityud o kabuuan ng positibo o negatibong damdamin ng mga respondente.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARALAng kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nakuha sa mga binasang aklat, tesis, disertasyon, at iba pang mga babasahing may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Isinasagawa ang paghahanay ng mga kaisipan at konsepto mula sa ibat ibang manunulat at mananaliksik upang mabigyang linaw ang isinagawang pag-aaral.

Mga Kaugnay sa Literatura

Ang mga kaugnay sa literatura, banyaga man o lokal man ay inilalahad sa pananaliksik na ito. Ito ay hango sa mga aklat, dyornal at iba pang lathalaing may kaugnay sa paksa.

Dayuhan

Ang literatura ay punong-puno ng ibat ibang uri ng mga bully. Sila ay magandang mga halimbawa ng isang kontrabida sa mga kwento (cgrove417.org). Ang mga ito ay nagpapakita sa isang bahaging nagyayari sa totoong buhay.

Noong 1530, ang ibig sabihin ng salitang bully ay sweetheart, ito ay ginagamit na pantawag sa kahit anong kasarian. Ito ay nagmula sa salitang Dutch na boul o salitang Aleman na boule. Ngunit noong ika-17 siglom ang kahulugan nito ay unti-unting sumama. Mula sa isang maginoo, ang ibig kahulugan nito ay naging nang-aapi ng mahina. Marahil ito ay nagmula sa katangian ng toro o bull (etymonline.com).

Ayon sa timeline.com, ang bullying ay unang lumitaw sa ingles na literatura noong 1838 sa librong Oliver Twist ni Charles Dickens. Ito ang kauna-unahan sa uri nito na tumatalakay sa isyu ng bullying at kriminal na pagmamaltrato sa batang bida nito.

Isa pang librong tumatalakay sa issue ng bullying ay ang Lord of the Flies ni William Golding noong 1954. Ipinakita nito ang mga aksyong ginawa ng mga batang habang walang patnubay ng mga matatanda ay naging mga asal barbaro mula sa pagiging sibilisado (netplaces.com).

Noong 1967, nakilala naman ang librong The Outsiders ni S.E Hinton. Ito ay isang coming-of-age na kwento tungkol sa isang 14 na taong gulang na batang binubully at binibiktima ng kaaway nilang paaralan. Halos kasabayan nito ay ang kwentong Blubber ni Judy Blume noong 1974 na tumatalakay naman sa pambubully ng isang batang babae sa kaniyang paaralan (netplaces.com).

Madalas, tinatrato ng mga kabataang bully ang ibang tao . . . kung paano tinatrato ng mga magulang nila, nakatatandang kapatid, o iba pang kapamilya ang ibang tao, ang sabi ni Jay McGraw sa kaniyang aklat naLife Strategies for Dealing With Bullies.

Kumikilos ang mga kabataang bully na parang nakatataas sila, pero madalas ginagawa lang nila iyon para itago ang kanilang nasaktang damdamin at ang nadarama nilang kawalang-kakayahan, ang sabi ni Barbara Coloroso sa kaniyang aklat naThe Bully, the Bullied, and the Bystander.

Lokal

Ayon sa isang blog na pinamagatang Kapamilya News Ngayon ni Ted Failon, talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon dito, maraming dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maaaring nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan, at kapansanan. Sa nasabing blog, maaaring nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kayay impluwensya ng barkada sa kanya. Karaniwan na ngang laman ito ng mga pahayagan at telebisyon.

Ayon kay Ben Tulfo, ang bullying ay pagpapakita ng pagiging dominante ng isang tao. Kung kayat dahil sa lumalalang kaso ng bullying, nagpasyahan ng DepEd o Department of Education na tuligsain na ang problemang ito na nakakapagdulot ng pinsala sa bawat kabataan.

Ayon sa DepEd, nais nilang gumawa ng isang maikling pelikula ukol sa epekto ng bullying sa kada isang indibidwal upang maunawaan ang lahat ng hindi magandang pangyayari na maaaring maranasan ng isang tao. Marapat na ang guro ang siyang maghubog sa kabataan upang hindi mamulat ang kanilang isipan sa ganitong uri ng kapaligiran at para mapanatili na rin ang kaayosan.

Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang-aapi ay isang uri ng pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiwa at pisikal. Ngunit ito ay maaaring nasasangkot sa mahiwagang paraan ng pamimilit tulad ng sikolohikal na pamamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapi ay maaaring mangyari sa ano mang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa isat isa. Kabilang na dito ang paaralan, simbahan, pinagtatrabahuan, sa kapitbahay at maging sa bahay. Ang pang-aapi ay maaaring umiiral sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng mga bansa. Isa sa pinakamatibay na halimbawa ay ang nangyari noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ayon sa nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kastila noon ay parating nang-aapi sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at nararapat lang na maging alila nila.

Mga Kaugnay sa Pag-aaral

Ang mga pag-aaral na banyaga at local ay isinaalang-alang sa pananaliksik. Ito ay hango sa mga di-nalathalang tesis at disertasyon. Ang kanilang mga natuklasan at buod ay hinalaw at nagiging batayan ng mga pagpapahalagang may pagkakatulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.

Dayuhan

Ang National Crime Prevention Council ay nakapagtala ng mga serye ng pang-aapi sa internet at ito ay tinawag nilang Cyber-bullying. Ayon sa kanila, ang cyber-bullying ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng kompyuter, cellphone, telepono o iba pang mga aparato na ginagamit upang makapadala ng mga post, ng mga tet o mga imahe na nakakapanakit ng kalooban ng ibang tao o masira at mapahiya ang tao. Ang cyber-bullying ay maaaring maging simple hanggat patuloy na magpadala ng e-mail sa isang taong may sinabi na gusto nilang walang karagdagan makipag-ugnayan sa nagpadala, ngunit maaari ding isama ang pagbabanta, sekswal na pangungusap, nakakasira etiketa (ibig sabihin, hate speech), pinagtutulungan ang mga biktima sapamamagitan ng paggawa ng mga ito ang paksa ng panlilibak sa forums, at pag-post ng huwad na pahayag bilang katunayan na naglalayong sa kahihiyan.

Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa paksang ito at isa na rito ay sina Dr. Alison Maddock isang pediatrician at Dr. Lorna Price isa ring pediatrician ng Morriston Hospital sa United Kingdom. At ayon sa kanila: A.) Maraming nananakit na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama. B.) Ang Bullying o Pang-aapi ay nagiging daan upang umabot sap unto na magpapakamatay ang taong inaapi. C.) Mas maraming lalaki kaysa sa babae ang nadidisgrasya o nauuwi sa pisikal na sitwasyon. Sa ibang mga kaso, ang mga bata ang mas naapektuhan sa ganitong uri ng gawain.Samakatuwid, ilang mga psychologist o sikolohista ang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng pang-aapi o bullying. Sabi nila, ang mga epekto ng pang-aabuso ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal at mental o emosyonal ngtao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na makakaapekto sa pag-aaral nito. Lalong-lalo na ngayon, na ang ating bansa ay wala pang batas na magbibigay ng kaukulang parusa sa mga taong nang-aapi.

Ayon sa mga security agents ng Seattle Public Schools, isang paaralan sa Washington, USA, kadalasang biktima ng pang-aapi ayang mga estudyanteng karaniwang matatakutin, mahiyain, maingat at maramdamin, maaaring di mapalagay at hirap na makapag-isip, medaling sumuko sa nang-aapi, sobrahan ang kilos, maaari na wala o kakaunti ang kaibigan sa paaralan, may mababang pagpapahalaga sa sarili, may pinangangalagaang katayuan sa silid-aralan, iba ang lahi, kultura, relihiyon, kapansanan, kasarian, kakaibang pagkilos. Ngunit maaari ring walang dahilan.

Ayon sa artikulong ginawa nina Susan P. Limber at Maury M. Nation, may mga nagdaang pananaliksik na naisagawa sa United States at pati na rin sa ibang bansa na nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaaring porma ng karahasan para sa mga kabataan. Hindi lamang ang mga naaapi ang naapektuhan ng pang-aapi kundi pati na rin ang klima sa loob ng paaralan at hindi man direkta ngunit maaariring maapektuhan ang abilidad ng isang estudyante na matuto hanggang sa kanilang pinakamahusay na abilidad.

Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at Sweden, kasama ang iba pang mananaliksik sa Australia, Canada, England, Ireland at United States, ay nagsimulang galugarin ang likas na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi sa mga paaralan ng kabataan. Sabi nila, ang kaso ng pang-aapi ay dapat bigyan ng kaukulang atensyon mula sa mga guro, magulang at mga kabataan para maiwasan ang ganitong karahasan sa dalawang dahilan. Una, ang paglaganap ng kaso ng pang-aapi at ang pinsala na naidulot nito ay lubhang isinasawalang bahala ng mga kabataan at nga mga matatanda. Dapat gumawa ng mga stratihiya upang tumaas ang kamalayan ng mga kabataan at mga magulang hinggil sa koneksyon ng pang-aapi at sa iba pang karahasan na nagaganap sa paligid. Pangalawa, ang pang-aapi ay hindi lang humahantong sa parehong pangyayari gaya ng away at gulo, pwede rin itong humantong sa pagkagulo ng kaisipan ng tao.

Maraming mga ginawang pananaliksik ukol sa pang-aapi ngunit karamihan dito ay tungkol lamang sa kung ano ang pang-aapi at mga anyo nito. Hindi masyadong natalakay ang epekto nito sa paraan ng pamumuhay ng mga estudyante. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay isang panimula na maaaring tularan, sundan at ipagpatuloy ng ibang mga mananaliksik.

Lokal

Noong 2008, nagkaroon na ng pag-aaral ang isang ahensya ukol sa bullying sa ating bansa. Ayon sa Plan Philippines nuong 2008, ang bullying ay isang karaniwang behavior na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Ayon sa pag-aaral na ito na ginawa sa 58 na pampublikong eskwelahan, ang mga peers mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng ibat-ibang uri ng karahasan sa kapwa estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-komon na gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay naging biktima nito at 67 percent naman ng mga bata sa Grades 4 hanggang 6. Sa high school, 65 percent ng mga estudyante ay naging biktima na rin ng pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang naging mahiyain at lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.

KABANATA III: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraan ng pananaliksik upang matugunan ang lahat ng mga pangangailangan sa pag-aaral gayundin ang mga instrumentong ginamit at ang pamamaraan sa pagtipon ng mga datos.Paraan ng Pananaliksik

Inihanda ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang bilang gabay sa gagawing pag-aaral. Ginamait ang pag-aaral sa descriptive survey o palarawang pagsusuri kung saan ang talatanungan ang pinakamahalagang intsrumentong ginamit sa pagkalap ng datos.

Ang palarawang pagsusuri ay isang paraan ng paglalahad at pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap kung saan tutukuyin ang kalagayan at kaugnayan ng mga pangyayari.

Pinili ang paraang ito dahil ang pangunahing hangarin ng mananaliksik ay maibigay ang saloobin ng mga kabataan sa Asian College of Technology tungkol sa usaping bullying.

Mga Respondente

Ang mga sumagot sa aking mga katanungan ay mga mag-aaral ng Asian College of Technology na nasa 16 20 taong gulang at maaaring nakaranas na ng bullying.

Instrumento sa Pagkalap ng mga Datos

Ang instrumentong ginamit upang maisagawa ang pananaliksik na ito ay pagkuha ng mga mahahalagang inpormasyon mula sa libro at internet.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman lamang ng mga katanungan ukol sa mga karanasan at kaalaman ng isang indibidwal sa usaping bullying.

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOSMatutunghayan sa mga sumusunod na pahina ang mga kaukulang datos na maglalapat ng kapamigatan sa isinagawang pag-aaral.

1. Mga nakaranas ng pambubullyTALAHANAYAN 1

Mayroong dalawampo (20) kalahok na mga mag-aaral bilang respondente sa pagsasaliksik, mula dito nakapagtala ng labingisa (11) o 55% ang nakaranas ng pambubully at siyam (9) ang hindi nakaranas na may katumbas na 45%.

2. Mga nakaranas maging bullyTALAHANAYAN 2

3.

KABANATA VLagom

Sa pananaliksik na ito, lumabas ang mga tunay na dahilan kung bakit marami sa atin ang nabubully o nambubully. Mga dahilan na pangkaraniwan na lamag dahil maaari ring maging dahilan ito sa iba pang problema ngunit dahil sa mga kadahilanan na ito ay lalong lumalala ang mga kasong may kinalaman sa bullying. Ang mga respondente ay nakatulong ng malaki upang mailahad ng maayos ang mga detalye na maaaring makatulong sa atin. Ang pananaliksik na ito ay bunga ng masinsinang paghahanap ng mga kasagutan upang sa gayon maibigay ang mga tamang impormasyon sa bawat isa. Sa tulong ng sarbey ay naipahayag ng mga mag-aaral ang kani-kanilang saloobin ukol sa usaping ito kung kayat nabigyan ang bawat isa ng mga karapatan upang ihayag ang kanilang saloobin sa tulong ng mga tanong na sinagot.

Konklusyon

Sa bawat problema ay may solusyon. Kung kayat ang problema sa bullying ay maari pang masolusyonan. Kung ang dahilan ay problema sa pamilya, maaari pang maagapan ito sa pamamagitan ng mahinahong pag-uusap ng bawat isa. Sa tulong nito, maaaring mabawasan o maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Kung pagganti naman sa kapwa ang problema, hindi bat mas masayang mamuhay sa isang lugar na payapa at lahat ng makakasalamuha mo ay iyong ksaundo? Tamang pagtanggap ang kailangan at pagpapatawad upang matamo ang katahimikan at hindi na magawi sa masama. Kung iisipin nating mabuti, walang dulot na maganda ang bullying sa kabataan man o maging sa matatanda. Lagi tayong talo dito. Walang nananalo. Walang tunay na magiging masaya.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga naging konklusyon ng pag-aaral na ito, buong pagkumbabang nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod. Hinati namin ang mga rekomendasyon para sa mga magulang, guro, paaralan at mag-aaral.Magulang Bilang isang magulang, kailangang alam mo kung papaano tutugon kapag ang iyong anak ay tinatakot / tinakot na, o kaya'y nagpapakita ng pag-uugaling nananakot. Kung hindi sigurado sa dapat na gawin, kapag nahihirapan na ang mag-anak dahil sa sitwasyon, kung nawawalan na ang mga magulang na pananalig sa kanilang sariling kakayahan sa paglutas ng suliranin ukol sa anak, kapag nakakagambala na sa pang-araw-araw na gawain ng bata ang kanyang ugali (katulad ng ukol sa kanyang pag-aaral), kung nananakit na ng iba ang bata, kung nasasaktan na ng bata ang kanyang sarili, at kung lumalabag na sa batas ang bata. Makahihingi ng tulong mula sa sariling duktor, sa mga manggagamot ng mga klinika, ospital, iba pang mga pagamutan, sa sentro o lunduyang pampayanan (community center), o sa mga espesyalistang nag-uukol ng pansin sa mapanggulong pagkilos ng mga bata (tulad ngpedyatrisyanoduktor ng mga bata, at isangsikologo). Kasama rin sa mahihingan ng tulong ang mga tagapayong nasa paaralan (school counselor). Dapat mabantayang mabuti ang mga anak upang maiwasan ang ganitong senaryo ng pang-aapi. Tama nga na ituro sa bata ang daan na dapat niyang lakaran upang sa kanyang paglaki siyay maging huwaran. Patuloy na paggabay sa mga anak para sa mas epektibong pag-aaral. Kailangan din ng buong pusong suporta sa mga anak at iparamdam sa kanila ito. Makatutulong rin ang pagpili at pagpatnubay sa mga kaibigan ng mga anak.Guro Mahigpit na superbisyon sa mga itinuturing na 'maiinit na lugar' o 'hot spots' para sa pananakot. Dapat ay hindi mahikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng berbal at pisikal na pang-aabuso, gaano man ito kalumanay. Gayundin, ang mga guro mismo ay hindi dapat gumamit ng mga salitang nagpapababa o sarkastiko, o ng anumang pisikal na pang-aabuso. Gawing mas maayos at mas mabuti ang pagtuturo sa paraang makapagbibigay ng interes na mag-aral ang mga mag-aaral. Huwag masyadong maging mahigpit o malupit dahil ang pagkatakot sa guro ay dahilan din ng pagliban ng mga mag-aaral. Suportahan din ang mga mag-aaral di lamang sa pang-akademiko kundi pati na rin sa iba pang-aspeto tulad ng sosyal, emosyonal at iba pa. Gamitin ang kurikulum upang mabigyang-diin ang mga katanggap-tanggap na pag-uugali. Personal at edukasyong panlipunan, form period, drama.Mag-aaral Isipin at pahalagahan ang suporta at gabay ng mga magulang at guro. Matutong ngumiti at bumati. Maging palakaibigan at sikaping magpalawak ngnetwork of friendsupang may susuporta sa iyo sakaling i-bullyka. Kasabay niyan, alamin kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Kung minsan, ang mga inaakala mong suplada ang siya pang makatutulong sa iyo at ang mga bumabati at kumakaibigan sa iyo ang siya pang gagawa ng hindi mo inaasahan. Mas makabubuting huwag magbanggit ng kahit anongissueat huwag magpasimuno ng tsismis dahil baka idiin at iwan ka rin ng mga tao sa paligid mo sa bandang huli. Magkaroon ka ng kumpiyansa sa sarili. Huwag kang matakot na ipagtanggol ang pinaniniwalaan mo. Marami ang humihinto sa pambu-bully kapag nakita nila na hindi ka nila kayang kontrolin at na hindi ka takt. Iwasan ang mga lugar o sitwasyon kung saan madali kang mabu-bully. Tandaan din na may sariling mga problema ang mga bully. Kapag iniisip mo iyon, hindi ka masyadong masasaktan sa sinasabi nila.

School Counselor Muling bigyan ng kasiguruhan ang biktima pati na ang mga magulang na ang pangyayari ay pag-ukulan ng pansin at haharapin. Makipagkita sa biktima sa lalong madaling panahon. Humingi ng nakasulat na rekord kung ano ang nangyari. Magbigay ng mga gabay kung kinakailangan - saan/ano/kailan nangyari ang insidente? Isa-isang kausapin ang mga saksi upang masubukang makakuha nang mas malinaw na larawan kung ano ang nangyari. Tulungan ang biktima na makapag-plano ng kanyang tugon at mga estratehiya para sa sarili niyang proteksyon, kung ang insidente ay mangyari ulit. Gamitin ang kurikulum upang maibalik ang tiwala sa sarili, halimbawa, drama, poetry, video, atbp. Pagkasunduan ang isasagawang aksyon - halimbawa, interbyuhin ang nananakot at ipaalam sa kanila na ang ganitong pag-uugali ay hindi katanggap-tanggap. Posibleng referral sa ibang ahensya - halimbawa, Psychologist, Clinical Medical Officer, Education Welfare, Youth Service.Paaralan Ang isang patakaran sa paaralan para sa pananakot ay pinakaepektibo kung paiiralin sa isang kapaligirang may pagkalinga at pagsasalang-alang sa iba, at dapat itong tingnan na bahagi ng isang sistema ng isang pastoral na pangangalaga. Kailangang panindigan na ang pag-uugaling mapanakot sa paaralan ay hindi pinahihintulutan. Dapat na hikayatin ang mga mag-aaral na iulat ang mga insidente ng pananakot at matuto silang tumanggap ng responsibilidad para sa kapakanan ng iba pang mga mag-aaral. Ang mga tauhan ng paaralan ang may pananagutan sa paglikha ng isang positibong kinalulugaran at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagiging positibong mga huwaran. Mahalaga na kilalanin ng paaralan na ang sinumang mag-aaral ay maaring maging biktima, o magpasimula ng mapanakot na pag-uugali. Bigyang-diin na ang pag-uugali ang hindi katanggap-tanggap, hindi ang mag-aaral. Magmungkahi ng mga katanggap-tanggap na anyo ng pag-uugali at bigyang-diin ang anumang magagandang pag-uugali na ipinakita na ng mag-aaral. Ang responsibilidad para sa anumang panganib/sakit/pinsala ay kailangang tanggapin ng nananakot at dapat itong pagbayaran.