Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo [Pananaliksik]

  • View
    58.442

  • Download
    46

Embed Size (px)

Text of Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo ay inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino, Ika-apat na taon sa Paaralang Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon City, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

_____________________ Bb. Jessilyn Ranges(Guro sa Filipino)

_____________________ Gng. Brenilda Medina(Punong-Guro)

PASASALAMATBuong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito:

- kay Bb. Ranges, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming papel,

- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng mahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,

- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa amin,

- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upang matapos ang aking pinaghirapang trabaho.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

TALAAN NG NILALAMANPASASALAMAT KABANATA 1 ANG SULIRANINA. INTRODUKSYON B. LAYUNINNG

O

SALIGAN NITO

PAG-AARALNG

C. KAHALAGAHAN

PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON E. PAGLALAHAD F. PARADIGMNG

SULIRANIN

KABANATA 2 MGA KAUGNAY KABANATA 3 DISENYOA. DISENYONG

NA

PAG-AARALNG

O

LITERATURA

AT

PARAAN

PANANALIKSIK

PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK D. TRITMENTNG

DATOS

KABANATA 4 PRESENTASYON

AT

INTERPRETASYONAT

NG MGA

DATOS

KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYONA. LAGOM B. KONKLUSYON C. REKOMENDASYON

REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

KABANATA IANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. INTRODUKSYON Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya. Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD

NG

SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13

hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga. Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser. Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon. C. LAYUNINNG

PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. 1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang kabataan. 2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na naninigarilyo. 3. Tukuyin ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo.

D. KAHALAGAHAN

NG

PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.

KABANATA IIMGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURAAyon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas. Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa ibat ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.

May