70
KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO A. Introduksyon Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa sa mga ritwal ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng mga espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang “uso”. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at may sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga taon ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay naisipang gumawa ng planta ng 1

28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

A. Introduksyon

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang

paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa sa mga ritwal ng mga

tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng mga espiritu. Ang ilan sa

mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp.

Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang “uso”.

Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang

5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit

at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga

halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at may sugat. Nang sila ay

naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya naman

nang lumipas ang mga taon ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake,

ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging

popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.

Ang paninigarilyo ay isang gawain na kung saan sinusunog ang sangkap,

karaniwang tobako, na maaaring nirolyo sa papel sabay sa paghithit ng usok na inilalabas

nito. Ayon sa MedIndia Online, ang isang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000

kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang

nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis

magbago nakaisip ang ibang mga tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng

1

Page 2: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

sigarilyo. Ngayon, maaari nang bumili ng maraming uri ng alternatibo. Ito ay nasa hugis

ng isang chewing gum (nicorette), inhaler transdermal systems (patches) o kaya naman

ay nicotine nasal spray. Iba-iba man ang kanilang anyo at hugis, pareho pa rin ang mga

kemikal at mga epektong nakapaloob dito.

Totoo nga naman na ang paninigarilyo ay sadyang laganap na. Kung dati-rati ay

nagagamit ito sa mabuting at hindi-palagiang paraan, ngayon ay abusado na ang

paggamit nito. Sa kadahilanang iyan, ito ay unti-unting naging malalang bisyo. Dito na

lamang sa ating bansa, marami talaga ang naninigarilyo. Ayon sa estadistika ng Cure

Research, 19, 231, 897 ang naninigarilyo rito at 40% rito ay mga kabataang lalaki. Sa

buong mundo, 5.4 milyong katao ang namamatay sa isang taon dahil sa paghithit sa

sigarilyo.

Atin namang bigyang pansin ang kabalintunaan ng sitwasyong, “kung sino pa ang

nagbibigay buhay sa iba, siya rin ang unti-unting pumapatay sa kaniyang sarili”. Ito ay

maaaring masabi sa mga kabataang kumukuha ng kursong narsing na sangkot sa bisyo ng

paninigarilyo. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral na ito.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng mga epekto ng paninigarilyo sa

pag-iisip at pangangatawan ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng Kolehiyo ng Narsing sa

Unibersidad ng Santo Tomas. Aalamin din nito ang mga dahilan ng paninigarilyo ng mga

nasabing mag-aaral.

Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay nagnanais na makapagdagdag ng

impormasyon tungkol sa isyung pansosyal na itinatalakay at magbukas ng isipan ng mga

tao, lalo na ng mga kabataang naiigaya sa bisyong ito.

2

Page 3: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nais magbahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga

epekto ng paninigarilyo sa mga mag-aaral ng unang taon na kumukuha ng kursong

Nursing. Bukod pa riyan, nais din nitong:

malaman ang iba’t ibang pisikal na epekto ng paninigarilyo sa mga mag-aaral na

naninigarilyo at doon sa mga estudyanteng second-hand smokers

matukoy ang mga sikolohikal na manipestasyon ng paninigarilyo sa mga

estudyante at sa mga mag-aaral na second-hand smokers

bigyang-pansin ang mga dahilan at ugat ng paninigarilyo ng mga mag-aaral

malaman kung anong kasarian, kung babae o lalake, ang may pinakamataas na

bilang ng mga naninigarilyo

matuklasan ang karaniwang edad ng mga kabataang naninigarilyo

mapausbong ang kaalaman ng mga estudyante sa paksa ng paninigarilyo at sa

pagkilala sa kanilang mga sarili

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat maaaring mapagkuhanan ng

impormasyon ukol sa mga epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan. Sa pamamagitan

ng mga bago at karagdagang kaalaman, mabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante

na magamit ito sa kanilang napiling propesyon. Isa pang maituturing na importansya nito

ay ang pagdinig sa opinyon at pananaw ng mga kabataang second hand smokers nang sa

ganoon ay malaman ng mga mag-aaral na naninigarilyo ang epekto nito sa mga taong

nasa kanilang paligid.

3

Page 4: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Makatutulong din ang papel na ito sa mga sa iba pang mga makababasa nito. Ito

ay makapagbibigay ng isang paalala sa iba pang kabataan at mambabasa na ang

paninigarilyo ay nakaaapekto sa kalusugan ng tao. Ipinauusbong nito ang pagkakaroon ng

ebalwasyon sa sarili kung anu-ano ang nalalaman sa isyung ito.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga kabataang nars na may bisyong

paninigarilyo dahil matututunan at mas maiinitindihan nila ang mga nagaganap sa

katawan dulot nito at mas mahihikayat silang maging mga modelo ng kalinisan at

kalusugan.

Ang mga magulang din ay makakakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga

sanhi ng paninigarilyo ng kanilang mga anak at kung paano sila matutulungang tumigil.

Gayundin ang mga adbentaheng matatanggap ng mga propesor ng mga estudyanteng ito

sapagkat kanilang madadagdagan ang mga kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa usaping

ito.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagkakatuklas ng mga pisikal at sikolohikal

na epekto ng paninigarilyo sa mga kabataang lulong sa bisyong ito. Sakop din nito ang

pagtukoy sa mga dahilan ng mga estudyante kung bakit sila ay naninigarilyo. Saklaw nito

ang mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas na nasa

unang taon. Napili ng mga mananaliksik ang mga estudyanteng ito, sapagkat sila ay

naniniwala na sa unang taon ng pagiging kolehiyo nagsisimula ang lahat. Ang unang taon

sa kolehiyo ay madalas na itinuturing bilang adapting stage, ayon sa isang artikulo ng

organisasyong About our Kids.

4

Page 5: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Ang mga estudyanteng gaganap bilang mga respondente ay may edad na labing-

anim hanggang labing-walong taon lamang. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng

Global Youth Tobacco Survey, sa age group na ito madalas nagsisimulang manigarilyo

ang mga kabataan, mapababae o mapalalake. Ang mga kakapanayamin, ang mga

naninigarilyo at second hand smokers, ay bubuuin ng mga mag-aaral ng parehong

kasarian. Ito ay sa dahilang nais malaman ng mga mananaliksik kung anong kasarian ang

mas aktibo pagdating sa paninigarilyo.

E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na salita ay ang mga terminolohiyang ginamit at makikita sa

kabuuan ng papel. Upang magkaroon nang madaling pagkaunawa at maging pamilyar

ang mga mambabasa sa mga katagang ito, minabuti ng mga mananaliksik na ibigay ang

kahulugan ng mga ito ukol sa paraan ng paggamit sa pamanahong-papel na ito.

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay nakadudulot ng maraming

sakit sa taong naninigarilyo pati na rin sa mga taong nakalalanghap ng usok galing sa

sigarilyo nito.

Ang sigarilyo / yosi ay naglalaman ng mga pinong dahon ng tabako na nirolyo sa

isang papel. Ito ay sinisindihan sa kabilang dulo at ang usok nito ay hinihithit at inilalabas

muli sa ilong o bibig.

Ang nicotine ay isa sa mga nangungunang sangkap na nakukuha sa paninigarilyo.

Isa itong nakalu-lulong na kemikal tulad ng “heroin” at “cocaine”.

Ang tar ay isa sa mga kemikal na matatagpuan sa isang sigarilyo. Ito ay paunawa

kung bakit ang ngipin ng isang naninigarilyo ay dilaw.

5

Page 6: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Ang carcinogen ay kahit ano mang bagay na makapagdudulot ng kanser sa ating

katawan.

Ang second-hand smoke ay ang usok na inilalabas ng naninigarilyo pati na rin

ang usok na lumalabas sa kabilang dulo ng sigarilyo.

Ang second-hand smoker ay ang bansag sa mga taong nakalalanghap ng usok

mula sa sigarilyo na kabilang sa mga taong hindi naninigarilyo. Makikita sa papel na ito

ang terminong “taga-langhap” na tumutukoy rin sa kanila.

Ang vasoconstrictor ay isang terminolohiyang iniuugnay sa nicotine. Ito ay ang

dahilan sa paninigas ng mga daluyan ng dugo.

Ang Coronary Artery Disease ay sakit na dulot ng baradong artery na makukuha

sa bisyong paninigarilyo.

Ang Tuberculosis, sa kabilang dako, ay isang sakit na sanhi ng isang uri ng

kagaw na mycobacterium tuberculosis. Ito rin ay naidudulot ng sobrang paninigarilyo.

Ang Chronic Obstructive Pulmonary Disorder o COPD ay isang uri ng

masamang kalagayan na nakapambabara sa daanan ng hangin sa ating katawan. Ang

paninigarilyo ay isa sa pinakamadalas na kontribyutor nito.

Ang nicorette ay isang alternatibo para sa paninigarilyo. Ang nicotine ay nasa

pormang chewing gum. Kahit pa ginagamit bilang isang alternatibo, mayroon din itong

mga epektong nakasasama sa kalusugan ng tao.

Ang nicotine transdermal systems o mas kilala bilang patches ay isa ring

alternatibo sa paghithit ng sigarilyo. Ang nicotine ay nakalagay sa isang parisukat na

patch na ipinapatong sa ibabaw ng balat ng braso. Ang patch ay pinapatagal na nakadikit

6

Page 7: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

rito ng 16 oras habang ang nicotine ay unti-unting pumapasok sa balat hanggang sa

dumaloy kasama ng dugo.

Ang nicotine inhaler ay itinuturing na pampalit sa bisyong paninigarilyo. Ito ay

binubuo ng isang mouthpiece at isang sealed, tubular cartridge. Ang cartridge ay

pinpindot upang mailabas ang nicotine na laman nito.

Ang nicotine nasal spray ay tulad ng inhaler, patches at nicorette. Ang tanging

ikinaiba niya sa lahat ay ang pagsinghot ng nicotine sa ilong.

F. Balangkas Konseptwal

Makikita sa dayagram ang mga posibleng dahilan ng maagang paninigarilyo ng

mga estudyanteng nars na nasa unang taon sa unibersidad. Nakapaloob din dito ang mga

epekto na makukuha sa paninigarilyo.

7

Page 8: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Pamayananat

pamilya

Indibidwal na naninigarilyo(first hand o second hand)

Salungang karanasan

Sosyal, emosyonal at cognitive nakahinaan

Pagampon ng mapanganib na kalusugan

Karamdaman, kapansanan at sosyal na suliranin

Pagpanaw

Ang pagsimula ng paninigarilyo ay maaaring nahikayat ng maimpluwensyang

kapaligiran ng isang tao o kaya ay nakukumbinsi ang paniniwala nito na nakalulugod ang

gawi na ito marahil marami ang gumagawa nito. Kitang-kita sa ating paligid na ang

paninigarilyo ay isang kinagawian na pang-udyok sa mga taong musmos patungkol sa

paninigarilyo. Tila sa maraming tao ay ayos lang ang paninigarilyo sapagkat ito ay

8

Page 9: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

tanggap ng madla at nakatutulong sa isang indibidwal pagdating sa “sosyalan”, subalit,

ang paninigarilyo ay mapanganib sa kalusugan ng tao at may negatibong epekto sa

sosyal, emosyonal at cognitive na aspeto ng tao. Maging kinaugalian ito ng isang

indibidwal, maaari itong magdulot ng sakit sa puso, baga at iba pang malubhang sakit na

kung walang sapat na kaalaman tungkol sa mga epekto nito, ipagsasawalang-bahala at

hindi gawan ng paraan sa lalong madaling panahon. Dahil diyan, maaari itong humantong

sa pagpanaw.

9

Page 10: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Pharmacology for the Primary Care Provider

Ayon sa aklat na Pharmacology for the primary care provider (2004), ang

paninigarilyo ay ang sanhi ng maraming sakit. Ito ay ang pagkakaroon ng cancer sa baga,

esophagus, at larynx, coronary artery disease, peripheral artery disease, stroke, at Chronic

Obstructive Pulmonary Disorder o COPD. Sinasabi din na 27.3 porsyento ang

naninigarilyo edad 25-44, 23.3 porsyento ay edad 45-64, at 10.5 porsyento ang

naninigarilyo edad 65 pataas. Ang mga bata ay may posibilidad din na magkaroon ng

sakit sa puso dahil sa mataas na kolesterol na nakukuha mula sa pagkalanghap ng usok ng

sigarilyo sa loob ng bahay. Sinasabi na mahigit 420,000 ang mga namamatay taun-taon

dahil sa pagkakasakit sa paninigarilyo.

Ang nicotine ay nakakataas ng heart rate at blood pressure gawa ng pagtaas ng

epinephrine. Ito din ay nakakababa ng oxygen dahil sa pagtaas ng carbon dioxide sa

katawan. Sinasabi din na maaring mabawasan ang pag-iisip ng naninigarilyo kumpara sa

matatandang hindi naninigarilyo at ang kanilang katawan ay mas dumidepende sa droga.

Ang biglaang hindi paninigarilyo ng tao ay nakakaranas ng pagiging iritable, pagiging

pagod, pagdagdag ng timbang gawa ng madaming pagkain, depresyon, pagkasakit ng ulo,

pagkahirap magpokus. Ang mga ito ay maaring mabawasan sa paggamit ng nicotine-

containing smoking deterrents na kung saan binabawasan nito ang nicotine plasma sa

katawan. Ang taong tumigil sa paninigarilyo o hindi nanigarilyo ay maiiwasan ang

10

Page 11: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

pagkabaho ng hininga, paninilaw ng ngipin, panunuyot ng buhok at balat, at pagkasira ng

panlasa.

Critical Thinking in Respiratory Care

Ayon sa aklat na Critical thinking in respiratory care (2002), ang chronic

obstructive pulmonary disorder o COPD ay ang epekto ng kapaligiran sa ating buhay o

dahil sa namana ito. 80-90 porsyento ay dahil sa paninigarilyo at sa second hand smoke

na isang halimbawa ng pangkapaligiran. Ang mga may sakit na COPD ay nakakaranas ng

sintomas na cyanosis bilang epekto ng hypoxia, pagkahingal, at bronchoconstriction kung

kaya masasabi na ang COPD ay sakit na may pagharang sa daanan ng hangin. Sinasabi na

ang mga naninigarilyo ng dalawampung taon ay ang mga nakararanas ng mga nabanggit

na sintomas.

Cardiopulmunary Physical Therapy: A Guide to Practice

Ang librong ito ay tumatalakay sa iba’t ibang paksa, ngunit ang pokus nito ay ang

mapalalim ang kaalaman ng mga physical therapists upang maging mas mabisa ang

kanilang gawain. Nakasaad rin dito ang karaniwang sanhi ng pagkasira ng puso at baga,

ang mga iba’t ibang cardiopulmonary examinations at mga lunas sa ilang sakit na may

kinalaman sa nasabing parte ng katawan. Nilalaman rin nito ang kumpletong

impormasyon sa pharmacology at pagbigay ng ligtas at epektibong paggamit ng gamot.

Tuberculosis: A Foundation for Nursing and Health Care Practice

Ayon sa World Health Organization, dalawang daang milyong (200M) katao ang

magkakaroon ng tuberculosis sa gitna ng taong 2000 at 2020 at tatlumpu’t limang milyon

11

Page 12: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

(35M) katao ang mamamatay sa sakit na ito. Ang librong ito ay naglalaman ng patnubay

sa mga nars at pagbibigay kaalaman sa epektibong pagdiagnose, pag-iwas, paglunas at

pag-alaga. Nakasaad rin dito ang mga bagong pagkanya at konsepto ukol sa sakit na

tuberculosis. Ang librong ito ay naghihikayat sa mga nars at iba pang propesyonal na

nasa linya ng medisina na gawin ang mga nasabing konsepto at epektibong pamamaraan

upang maging mas mabisa ang pagiwas at paglunas sa sakit na tuberculosis.

Pocket Handbook of Clinical Psychology

Isinasaad sa librong ito ang iba’t ibang pangsikolohikal na epekto ng samu’t

saring mga droga. Isa sa mga bagay na itinatalakay dito ay ang paninigarilyo.

Inilalarawan ito ng libro bilang isa sa mga pinakalaganap at pinakanakamamatay na

bisyo. Ang itinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakasangkot ng mga

kabataan sa bisyo ng paninigarilyo ay ang kanilang kapaligiran. Minsan, ang

paninigarilyo ay maaaring naidulot din ng iba pang mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak,

pagdo-droga, atbp. Ang paninigarilyo ay maaaring mawala sa pamamagitan ng hypnosis,

acupuncture, aversive therapy, atbp. Nabanggit din sa librong ito ang isang pag-aaral na

isinagawa noong taon ng 2000 sa Estados Unidos. Sinasabi sa grap ng pag-aaral, 24.2%

ng populasyon ay mga kabataang edad 12-17 taong gulang. Ang pinakamataas naman na

porsyento ay ang mga taong edad 18-25, 44.7%.

Pharmacology for Nursing Care

Ang librong ito ay malaki ang tulong para sa mga propesyon na may kinalaman sa

siyensya. Nakasaad dito ang mga gamot na maaaring gamitin sa kung anumang sakit at

12

Page 13: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

ang mga epekto nito sa tao. Narito rin ang mga kasangkapan ng mga gamot at mga

ginagawa nito sa katawan at pag-iisip ng tao.

Sinabi sa librong ito na mahigit kumulang 128,813 na katao ang namamatay dahil

sa lung cancer, 111,344 naman ang sa heart disease at 64,735 naman ang sa chronic

airway obstruction o chronic obstructive pulmonary disorder. 36,000 rito ay mga taong

hindi naninigarilyo. Ang mga taong naninigarilyo ay nakakaramdam ng mga pisikal na

manipestasyon ng paninigarilyo tulad ng pagbilis ng tibok ng puso, pagtaas ng presyon

ng dugo, pagtaas ng konsentrasyon ng gastric acid sa tiyan (pagsusuka), pagpapawis,

pagkabusog, pagka-alerto, pagkukumbulsyon, atbp. Ang paglanghap ng usok mula sa

mga sigarilyo ay nagiging dahilan upang makaramdam ng pagkahilo at nausea ang mga

hindi naninigarilyo.

Mosby’s Pharmacology in Nursing

Ang mga impormasyon sa librong ito ay halos katulad ng naunang nabanggit. Ito

ay tumatalakay sa mga gamot at ang komposisyon nito. Nakasaad din dito ang mga

paraan kung paano nakaaapekto ang mga drogang ito sa isang indibidwal.

Sinasabi rito na ang paninigarilyo ay nakapagpaparami ng bilang ng white blood

cells sa ating dugo. Ganun na din ang sa hemoglobin at hematocrit. Ang bilis ng

paghilom ng mga sugat ay bumabagal dahil sa nicotine. Dito rin hinihikayat na maging

modelo ng mga kabataan ang mga nars. Bilang mga tagapaglingkod ng sambayanan

pagdating sa kalusugan, dapat maging modelo ang mga nars sa paghindi sa bisyo ng

paninigarilyo. Kung gusto nilang maging kontribyutor sa pagkakaroon ng pagbabago sa

13

Page 14: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

public smoking behaviors, dapat simulan nila sa kanilang mga sarili at maging isang non-

smoker.

Mental Health and Mental Illness

Ang librong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga sakit na

maaaring makaapekto sa pag-iisip ng isang tao lalo na kung sila ay dumedepende sa mga

gamot o nalululong sa masamang bisyo.

Marami ang mga problemang kanilang binanggit na konektado sa paninigarilyo.

Ito ay tinatawag na “nicotine-related disorder”. Ang pangyayaring ito ay nararanasan ng

mga taong malakas ang pagkadepende sa paninigarilyo. Sinasabi dito na ang paggamit ng

tobako sa ating bansa ay patuloy pa ring lumalaganap. May mga taong, para sa kanila, ay

maganda ang epekto ng paninigarilyo sa kanilang katawan at meron din namang mga

taong hindi sumasang-ayon dito.

Antioxidant Status, Diet, Nutrition and Health

Ang librong ito ay ang kauna-unahang nakapagsama-sama at nakapagkonekta sa

haynayan, pangnutrisyon at pangkalusugang aspekto ng mga anti-oxidants.Itinatalakay sa

librong ito ang mga epekto, tungkulin, mga nakaaapektong bagay sa mga anti-oxidant at

iba pang bagay na kaugnay nito.

Nakasaad sa librong ito kung anu-ano ang mga nakabubuti at nakakasamang

epekto ng paninigarilyo sa katawan ng mga tao, lalo na sa mga buntis.

14

Page 15: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Compendium of Philippine Medicine, 4th Edition

Ang babasahing ito ay naglalaman ng mga sakit na maaaring makuha ng mga tao.

Kasama ng mga sakit na binabanggit sa librong ito ay ang mga kasaysayan, paraan ng

paggamot at paraan ng pag-iwas rito.

Isa sa mga sakit na nakasaad rito ay ang Chronic Obstructive Pulmonary

Disease o COPD. Ito ay ang pagkakaharap sa progresibong paghadlang sa daloy ng

hangin papunta sa baga na maaaring marahil sa sakit na Chronic Bronchitis o kaya ay

Emphysema na nakukuha sa kinagawiang paninigarilyo. Gayundin, ang COPD ay isa sa

mga pinakaimportante na karamdaman sa ika-20 siglo marahil ito ay ang pangunahing

dahilan ng kapansanan at kamatayan. Sa taong 1990, ang COPD ay naging ika-12 sa

listahan ng mga pangunahing sanhi ng sakit ng tao. At ayon sa WHO, “…for year 2020,

chronic obstructive pulmonary disease will be ranked number 4…” sinasabi na di

malayong mangyari na tumaas ang ranggo ng sakit na ito base sa rami ng populasyon ng

mga taong may sapat na gulang at matulin na pagdami ng gumagamit ng sigarilyo.

May mga patnubay na inilahad ang babasahin upang pagbutihin ang paghahatid

ng malasakit sa kalusugan ng tao, itaguyod ang paghahatid ng pasyente na nasa pangabi,

at para sa pagsusuri at pangangasiwa ng COPD sa mga Filipino.

15

Page 16: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamanahong papel na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

deskriptibong pananaliksik. Ang metodolohiyang ito ay isang paraan upang makahanap

ng mga impormasyon at makapagbigay ng maayos na interpretasyon ng mga resulta.

Dahil sa paninigarilyo ang napiling paksa ng mga mananaliksik, na tumatalakay sa

kasalukuyang pangyayari at kondisyon ng mga taong sangkot dito, ang pamaraang ito

ang pinaka-angkop na gamitin. Ito ay dahil makapagbibigay ito ng maayos na

paglalarawan sa mga nalikom na impormasyon.

B. Mga Respondente

Ang mga respondente para sa pag-aaral na ito ay ang mga babae at lalaking mag-

aaral ng ika-unang taon ng Kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas ng

taong-akademiko 2009-2010.

Ang unang taon ay binubuo ng labindalawang pangkat. Mula sa labindalawang

pangkat, ang mga mananaliksik ay kumuha lamang ng anim na pangkat na pagbibigyan

ng sarbey. Doon sa anim na pangkat, ninais ng mga mananaliksik na kumuha ng 10

respondenteng babae, ganun din sa lalake, sa pamamagitan ng random sampling.

Mayroong mga pangkat na kulang sa 10 ang mga kaklaseng lalaki, kaya naman ang mga

babae ang bumuno sa mga kulang na sarbey. Lahat-lahat, mayroong 120 respondente ang

pag-aaral na ito. 68 ang babae at 52 ang bilang ng mga lalake.

16

Page 17: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

C. Instrumentong Pampananaliksik

Ang sarbey-kwestyoneyr ang napiling gamitin ng mga mananaliksik sapagkat ito

ang pinaka-epektibo, pinakamadali, pinakanirerekomendang paraan ng pagkuha ng

impormasyon. Naghanda ng sarbey upang ipasagot sa mga respondente at makakuha ng

impormasyon para sa pag-aaral.

Gumamit din ng mga libro, magasin, tisis, at internet upang madagdagan ang mga

impormasyong nalikom.

D. Tritment ng mga Datos

Ang papel na ito ay hindi ginamitan ng komplikadong istatistikal na pamamaraan.

Nagkaroon lamang ng masusi at maingat na pagta-tally at pagkuha ng porsyento na

galing sa mga sagot ng mga respondente. Ang 100 porsyento sa bawat katanungan ay ang

kabuuang bilang ng mga sagot nito. Ang porsyento ng bawat sagot ay nakuha sa

pamamagitan ng pormyulang:

bilang ng kasagutan sa bawat pagpipilian

kabuuang bilang ng mga sagot sa bawat tanong

17

100

Page 18: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang mga sumusunod na impormasyon ay natuklasan sa pamamagitan ng pag-

aaral na ito. Sa ibaba ng bawat grap ay ang interpretasyon sa mga datos na ito.

Grap 1

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian

57%

43% Babae

Lalake

Ayon sa grap na ito, ang mga respondente ay binubuo ng 68 o limampu’t pitong

porsyentong (57%) babae at 52 o apatnapu’t tatlong porsyento naman ang mga lalake.

18

Page 19: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 2. A

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Lalaki (naninigarilyo)

63%

38%

16 taong gulang

17 taong gulang

18 taong gulang

Walo ang kabuuang bilang ng mga lalaking naninigarilyo. Ipinapakita sa grap na

ito ang edad ng mga lalakeng respondente. Walang lalaking 16 taong gulang ang

naninigarilyo. Lima sa walong lalaki o animnapu’t dalawang porsyento (62%) ay nasa

edad na labimpito. Samantala, 3 o tatlumpu’t walong porsyento (38%) naman ang labing-

walong taong gulang na.

19

Page 20: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 2.A1

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Lalaki (hindi naninigarilyo)

22%

53%

24%

16 taong gulang

17 taong gulang

18 taong gulang

Nakasaad sag grap na pinakamataas ang porsyento ng mga lalaking may edad na

17. Ito ay nakakuha ng limampu’t tatlong porsyento (53%). Ang sumunod dito ay ang

mga lalaking 18 taong gulang na. Ito ay mayroong dalawampu’t limang porsyento (25%).

At ang huli ay ang mga lalaking may edad na 16 na nakakuha ng dalawampu’t dalawang

porsyento (22%).

20

Page 21: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 2. B

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Babae (naninigarilyo)

20%

50%

30%

16 taong gulang

17 taong gulang

18 taong gulang

Sa grap na ito nakasaad na ang may pinakamataas na porsyenyo na edad ng mga

babaeng sumagot ng sarbey ay 17. Ito ay may limampung porsyento (50%). Ang

pinakakaunting porsyento na nakakuha ng dalawampung porsyento (20%) ay ang mga

babaeng may edad 16. Pumapagitna ang bilang ng mga may edad na 18 na nakakuha ng

tatlumpung porsyento (30%).

21

Page 22: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 2. B1

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Babae (hindi naninigarilyo)

22%

66%

12%

16 taong gulang

17 taong gulang

18 taong gulang

Makikita sa grap na ito ang mga edad ng mga babaeng respondente na hindi

naninigarilyo. Pinakamataas na porsyento ang may edad na 16 taong gulang na nakakuha

ng animnapu’t anim na porsyento (66%). Sumunod na mataas ay ang mga babaeng

kabilang sa may mga edad ng 17 taong gulang. Ito ay dalawampu’t dalawang porsyento

(22%) sa kabuuan ng grap. Ang pinakakaunting age group ay ang mga napapabilang sa

18 taong gulang na mayroong labindalawang porsyento (12%).

22

Page 23: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 3. A

Porsyento ng mga Mag-aaral na Naninigarilyo at Hindi Naninigarilyo

Lalake

15.38%

84.62%

NaninigarilyoHindi naninigarilyo

Ipinahihiwatig ng grap na ito na ang pinakamalaking porsyento ng populasyon ng

mga lalaking respondente ay hindi naninigarilyo. Ito ay may kabuuang 44 o 84.62%. Ang

mga naninigarilyo naman ay nakakuha ng bilang na 8 o 15.38%.

23

Page 24: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 3. B

Porsyento ng mga Mag-aaral na Naninigarilyo at Hindi Naninigarilyo

Babae

14.71%

85.29%

NaninigarilyoHindi naninigarilyo

Ang grap na ito ay nagsasabi na mayroong 10 o 14.71% na babaeng respondente

ang naninigarilyo. Pinakamataas na porsyento, 58 o 85.29%, ang nakuha ng mga babaeng

hindi naninigarilyo.

Grap 4. A

Dahilan ng Pagkatuto ng Paninigarilyo

Lalake

66%

17%

17%

A B

C D

iba pang sagot

24

Page 25: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Sa grap na ito mapapansin na animnapu’t anim na porsyento (66%) ng mga

kalalakihan ang nagsabing sila ay natutong manigarilyo dahil sa kanilang mga kaibigan.

Samantala, labimpitong porsyento (17%) naman ang nagsasabing sila ay natuto dahil sa

kanilang mga magulang. Kapantay nito ang iba pang kadahilanan tulad ng pagtuturo sa

kanila ng kanilang mga kamag anak, kapitbahay at mga kasambahay. Walang sumagot sa

ating mga respondente na sila ay natuto sa pamamagitan ng media o sariling pagkatuto

lamang.

Grap 4. B

Dahilan ng Pagkatuto ng Paninigarilyo

Babae

50%

18%

9%

18%5%

A B

C D

Iba pang kadahilanan

Kung susuriin ang grap na ito, limampung porsyento (50%) sa mga kababaihan

ang nagsasabing natuto silang manigarilyo dahil sa kanilang mga kaibigan. Labing-

walong porsyento (18%) naman sa kanila ang nagsasabing natuto sila nito dahil nakita

nila ito sa kanilang magulang. Labing-walong porsyento (18%) rin ang nagsasabing hindi

nila kinailangan ang iba upang matutong manigarilyo. Siyam na porsyento (9%) na

babaeng respondente naman ang nagsasabing natuto silang manigarilyo sa pamamagitan

25

Page 26: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

ng media at limang porsyento (5%) naman ang nagsasabing natuto sila sa ibang

kadahilanan tulad ng pagimpluwensya sakanila ng mga tao sa paligid nila.

Grap 5. A

Mga Dahilan sa Paninigarilyo

Lalake

Mapapansing tatlumpu’t isang porsyento (31%) sa kabuuan ng mga

respondenteng lalaki ang nagsasabing sinubukan nila ang paninigarilyo dahil sila ay

curious lamang. Tatlumpu’t isang porsyento (31%) rin ang nagsasabing problema ang

sanhi ng kanilang paninigarilyo. Labinlimang porsyento (15%) naman ang nagsasabing

stress sa pag-aaral ang dahilan ng kanilang paninigarilyo at labinlima (15%) rin ang

nagsasabing may iba silang kadahilanan tulad ng kahirapan at kawalan ng suporta galing

sa magulang. Walong porsyento (8%) ang nagsasabing nagpadala sila sa impluwensya ng

kanilang kaibigang marunong manigarilyo.

26

A15%

B8%

C31%

D31%

Iba pang kadahilanan15%

Page 27: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 5. B

Mga Dahilan sa Paninigarilyo

Babae

A27%

B27%

C32%

D7%

Iba pang kadahilanan7%

Ang grap na ito ay nagpapakita na tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) ng mga

babaeng respondente na nagsasabing curious lamang sila kaya sila sumubok manigarilyo.

Dalawampu’t pitong porsyento (27%) sa mga kababaihan ang nagsabing naninigarilyo

sila dahil sa stress sa pag-aaral gayundin ang dawampu’t pitong porsyentong (27%)

respondente ang nagsasabing sila ay nahikayat ng kanilang mga kaibigang naninigarilyo.

Samantala, nakakuha ng pitong porsyento (7%) ang mga sagot na tungkol sa kanilang

problema at ang iba pang dahilan tulad ng pagwawalang bahala ng kanilang mga

magulang sa kalusugan nila.

27

Page 28: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 6. A

Bilang ng Buwan o Taon ng Magsimulang Paninigarilyo

Lalake

30%

40%

10%

20%

1 buwan- 6 buwan

7 buwan- 1 taon

2 taon- 3 taon

4 taon pataas

Ang pinakamalaking porsyento ng mga lalaking respondente na may apatnapu’t

syam na porsyento (49%) ay nagsasabing sila ay pito (7) hanggang isang (1) taon nang

naninigarilyo. Tatlumpu’t pitong porsyento (37%) naman ang nagsasabing isa (1)

hanggang (6) na buwan pa lamang silang naninigarilyo. Labindalawang porsyento (12%)

ang dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon na silang naninigarilyo at ang dalawang

porsyente (2%) naman ay ang apat (4) na taon nang naninigarilyo.

28

Page 29: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 6. B

Bilang ng Buwan o Taon ng Magsimulang Paninigarilyo

Babae

18%

18%

46%

18%

1 buwan- 6 buwan

7 buwan- 1 taon

2 taon- 3 taon

4 taon pataas

Walo o apatnapu’t anim na porsyento (46%) sa mga babaeng respondente ang

nagsasabing dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon na silang naninigarilyo. Ang labing-

walong porsyento (18%) naman ang nagsasabing sila ay naninigarilyo pitong buwan (7)

hanggang isang (1) taon, isa hanggang anim na taon at apat na taon pataas.

29

Page 30: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 7.A

Kadalasan ng Paninigarilyo

Lalake

A: 18%

B: 9%

D: 55%

IBA PANG

SAGOT: 18%

A B

C D

IBA PANG SAGOT

Mula sa grap na ito, makikita sa bahaging D na limampu’t limang porsyento

(55%) ang nagsasabing depende sa kanilang nararamdaman ang sanhi ng paninigarilyo.

Samantala, labing-walong (18%) porsyento naman ng mga mag-aaral ay naninigarilyo ng

isa hanggang tatlong beses sa isang araw. Sa kabilang dako, labing-walong porsyento

(18%) ang sumagot na minsan isinasabay sa pag-inom ng alak. Ang bahaging C ay

nagsasaad na walang naninigarilyo ng lima hanggang pitong beses sa isang araw.

30

Page 31: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 7.B

Kadalasan ng Paninigarilyo

Babae

Apatnapu’t pitong porsyento (47%) sa bahaging D ang nagsabing depende sa

kanilang nararamdaman ang kanilang paninigarilyo. Sa bahaging A, tatlumpu’t limang

porsyento (35%) ang sinasabing sila ay naninigarilyo ng isa hanggang tatlong beses sa

isang araw. May labing dalawang porsyentong (12%) mag-aaral ang nagsasabing sila ay

naninigarilyo ng tatlo hanggang limang beses sa isang araw na nasa bahaging B.

Samantala, may anim na porsyento (6%) na sumagot na ang kanilang emosyon ay

nakakaapekto sa kanilang paninigarilyo at gayundin ang mga okasyon na kanilang

pinupuntahan. Ang bahaging C ay nagsasaad na walang naninigarilyo ng lima hanggang

pitong beses sa isang araw.

31

A: 35%

B: 12%

D: 47%

IBA PANG SAGOT: 6%

ABCDIBA PANG SAGOT

Page 32: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 8.A

Mga Pisikal na Nararamdaman ng mga Lalakeng Naninigarilyo

A: 10%

B: 21%

C:7%D: 10%E: 17%

F: 14%

G: 10%H: 7%

IBA PANG SAGOT 4%A B c D

E F G H

IBA PANG SAGOT

Dalawampu’t isang porsyento (21%) ang nagsabing pansamantalang nawawala

ang kanilang pagod kung naninigarilyo. Ang pagkakahilo nila matapos manigarilyo ay

may labing pitong porsyento (17%). Ang labing apat na porsyento (14%) ay nagsasabing

napansin nila ang paninilaw ng kanilang ngipin. Samantala, ang bahaging A, D at G ay

may sampung porsyento (10%). Ang bahaging A ay sinasaad na ang paulit-ulit sa bisyo

ay naging sanhi ng kanilang pagkapayat. Ang bahaging D ay napuna ang pagkahirap

huminga dahil sa paninikip ng dibdib at ang bahaging G ay inuubo at nangangati ang

lalamunan matapos manigarilyo. Ang bahaging C at H ay parehong may pitong porsyento

(7%). Ang bahaging C ay sinasabing napuna nila ang pagkadagdag sa kanilang timbang,

sa kabilang dako, ang bahaging H ay walang napansin na pisikal na pagbabago sa sarili.

32

Page 33: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 8.B

Mga Pisikal na Nararamdaman ng mga Babaeng Naninigarilyo

Ang sumagot ng paninikip ng dibdib at kahirapan sa paghinga ay may

dalawampu’t walong porsyento (28%). Ang dalawampu’t anim na porsyento (26%) ay

nagsasaad na nawawala ang pagod pansamantala. Sa bahaging E ay mayroong

labimpitong porsyentong (17%) sumagot na nahihilo sila matapos manigarilyo. Walong

porsyento (8%) ang nagsasabing sila ay inuubo at nakararanas ng pangangati ng

lalamunan. Samantala ang bahaging A, F, at H ay pawang may tiga-anim na porsyento

(6%). Ang bahaging A ay nakaranas ng pagpayat gawa ng paulit-ulit sa bisyo. Ang

bahaging F ay napuna ang paninilaw ng ngipin at sa bahaging H ay sinasaad na walang

naramdamang pisikal na pagbabago matapos manigarilyo.

33

A: 6%

B: 26%

C: 3%D: 28%

E: 17%

F: 6% G: 8%H: 6%

ABCDEFGHIBA PANG SAGOT

Page 34: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 9.A

Mga Sikolohikal na Epekto ng Paninigarilyo sa mga Lalake

A: 14%

B: 20%

C: 7%

D: 20%

E: 13%

F: 13%

IBA PAN

G SAGOT

13%

ABCDEFIBA PANG SAGOT

Ang sikolohikal na aspeto sa mga kalalakihan ang ipinapakita ng grap na ito.

Dalawampung porsyento (20%) ang nagsasabing sila ay hindi makausap ng maayos

pagkatapos manigarilyo at may dalawampung porsyentong (20%) nagsabing natatapos

nila ang mga gawain nila sa oras. Labing apat na porsyento (14%) ang sumagot na sila ay

naging mas alerto sa kanilang kapaligiran. May mga sumagot na sila ay naging iritable,

ang iba ay sinasabing walang pagbabago sa pag-iisip nila, at sinabi may iba pang sagot at

ang mga kasagutang ito ay tumutimbang na labing tatlong porsyento (13%). Pitong

porsyento (7%) ang nagsabi na sila ay nahihirapang magpokus sa gawain.

34

Page 35: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 9.B

Mga Sikolohikal na Epekto ng Paninigarilyo sa mga Babae

A19%

B5%

C5%

D19%

F48%

IBA PANG SAGOT5%

ABCDEFIBA PANG SAGOT

Tumitimbang na apatnapu’t pitong porsyento (47%) ang sumagot na hindi

nakakaapekto sa pag-iisip nila ang paninigairlyo. Labingsiyam na porsyento (19%) sa

bahaging A ang nagsasabing sila ay nagiging alerto dahil sa paninigarilyo. Sa bahaging

D, labingsiyam na porsyento (19%) ang sumagot na sila ay nakatatapos ng gawain dahil

sa paninigarilyo. Ang bahaging B, C, at ang nagsabi ng iba pang sagot ay bumubuo ng

limang porsyento (5%). Sa bahaging B, sinasaad na sila ay hindi nakakausap ng maayos.

Nahihirapang mag pokus ang mga mag-aaral na sumagot sa bahaging C at ang may iba

pang sagot ay sinabing nabibilang nila ang nagagamit na sigarilyo at nakokontrol ito

kung kaya’t hindi naaapektuhan ang sikolohikal na gawain.

35

Page 36: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 10.A

Mga Paraang Ginagawa Upang Matigil ang Paninigarilyo

Lalake

33%

17%

6%

17%

17%

11% Will Power

Bumibili ng kendi

Iniisip ang magulang

Iniisip ang sasabihin ng tao

Pagtuon sa mas makabuluhang bagay

Walang balak huminto

Iba Ang Pinili

Tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) sa mga tumugon na lalaki ang nagsasabi

na upang tumigil manigarilyo ay dapat may “will power” ka na gawin ito, kung nais

talaga tumigil, magagawa mo. Samantala, labimpitong porsyento (17%) ang nagsaad na

bumibili sila ng kendi bilang alternatibo sa paninigarilyo. Gayundin, labimpitong

porsyento (17%) sa tumugon ang nagsasabi na iniisip nila kung ano ang sasabihin ng mga

tao sa kanilang paligid habang sila ay naninigarilyo at labimpitong porsyento (17%) din

naman sa mga nagsarbey ang nagsasabi na ginagamit na lamang nila ang kanilang oras sa

mas makabuluhang bagay kaysa gamitin ito sa paninigarilyo. Meron pa rin labing isang

porsyento (11%) na pumili ng ibang sagot at wala namang nagsabi na wala silang balak

huminto manigarilyo.

36

Page 37: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 10.B

Mga Paraang Ginagawa Upang Matigil ang Paninigarilyo

Babae

43%

14%

14%

7%

18%

4%

Will Power

Bumibili ng kendi

Iniisip ang magulang

Iniisip ang sasabihin ng tao

Pagtuon sa mas makabuluhang bagay

Walang balak huminto

Iba ang pinili

Sa mga kababaihan, apatnapu’t tatlong porsyento (43%) ang naniniwala na kung

may “will power” kang tumigil, magagawa mo ito. Labing-apat na porsyento (14%) sa

mga tumugon ang bumibili ng kendi bilang alternatibo sa paninigarilyo. Gayundin,

labing-apat na porsyento (14%) ang nagsasabi na iniisip nila ang kanilang magulang, lalo

na ang pera na binibigay nila na nagagastos sa paninigarilyo. Pitong porsyento (7%)

lamang sa mga babaeng tumugon ang nagsasabi na iniisip nila ang sasabihin ng tao lalo

na’t sila ay kababaihan. Ang mga nagtutuon ng panahon sa mas makabuluhang bagay ay

labing-walong porsyento (18%) din sa mga kababaihan. May apat na porsyentonh (4%)

walang balak huminto at wala naman sa mga ito ang naglaan ng ibang kasagutan.

37

Page 38: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 11

Mga Pampisikal na Nadarama ng mga Hindi Naninigarilyo

49%

14%

20%

10%

7%Hindi nakakahinga ng maayos

Sumasakit ang ulo

Nangangati ang lalamunan at inuubo

Normal lang ang paki-ramdam

Iba ang pinili

Apatnapu’t siyam na porsyento (49%) ng mga respondente ang nagsasabi na sa

paglanghap ng buga ng naninigarilyong tao, hindi sila nakakahinga ng maayos. Labing-

apat na porsyento (14%) naman sa mga ito ay nagsasabi na nakakaramdam sila ng sakit

ng ulo. Ang mga nagsasabi naman na nangangati ang kanilang lalamunan at inuubo ay

may mas malaking porsyento na kung saan ay dalawampung porsyento (20%) ng mga

tumugon. Ang sampung porsyento (10%) naman ay kumakatawan sa mga tumugon na

nagsasabing normal lang ang kanilang pakiramdam, habang may pitong porsyento (7%)

na iba ang kanilang pinili na sagot.

38

Page 39: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 12

Mga Sikolohikal na Epekto ng Paninigarilyo sa mga Hindi Naninigarilyo

35%

44%

9%

12%Naiirita

Hindi makapokus sa gawain

Hindi masyado apektado ngunit naiirita sa amoy nito

Hindi naaapektuhan

Tatlumpu’t limang porsyento (35%) sa mga tumugon ay nagpapahayag na

nakakaramdam sila ng inis sa mga naninigarilyo. Kalamangan nito o apatnapu’t apat na

porsyento (44%) ay sakop ng mga hindi na nakakapagpokus sa gawain pagkatapos

makalanghap ng usok. May siyam na porsyento (9%) naman na hindi masyado

nakakaramdam ng inis sa mga tao mismo na naninigarilyo, subalit, naiinis sila sa amoy

nito. Samantala, labindalawang porsyento (12%) naman ang nagsasabi na hindi sila

naaapektuhan.

39

Page 40: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 13.A

Mga Malalapit sa mga Taga-Langhap na Naninigarilyo

Lalake

42%

33%

14%

11%

Kaibigan/ Dorm mate

Kaklase

Mga Magulang

Iba ang pinili

Nang higit sa lahat ang may kaibigan o dorm mate na naninigarilyo na nasa

apatnapu’t dalawang porsyento (42%). Sumusunod dito ay ang tatlumpu’t tatlong

porsyento (33%) na nagsasabi na may kaklase silang naninigarilyo. Labing-apat na

porsyento (14%) ang may mga magulang na naninigarilyo at labing-isang porsyento

(11%) naman ang nagsaad ng ibang sagot.

40

Page 41: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Grap 13.B

Mga Malalapit sa mga Taga-Langhap na Naninigarilyo

Babae

32%

37%

18%

13% Kaibigan/ Dorm mate

Kaklase

Mga magulang

Iba ang pinili

Sa mga kababaihan naman, mas marami sa tumugon o tatlumpu’t pitong

porsyento (37%) ang nagsasabi na may kaklase sila na naninigarilyo, kaysa sa kaibigan o

dorm mate na may tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) lamang. Labing-walong

porsyento (18%) sa mga tagapagtugon ang hantad sa paninigarilyo dahil may magulang

sila na naninigarilyo. Labintatlong porsyento (13%) naman ang nagsaad ng ibang sagot.

41

Page 42: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga pisikal at sikolohikal

na epekto ng paninigarilyo sa pisikal at sikolohikal na kalusugan ng mga mag-aaral ng

kursong Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Gumamit ng disenyong deskriptib-analitik ang mga mananaliksik at nagsagawa

ng sarbey sa mga estudyante sa unang taon. Sa kabuuan, mayroong 120 respondente. Ito

ay binubuo ng 68 na babae at 52 na lalake, kasama na rito ang mga naninigarilyo at hindi

naninigarilyo.

B. Kongklusyon

Narito ang mga masasabing kongklusyon na nakuha ng mga mananaliksik galing sa

mga impormasyong nakuha.

a. Karamihan sa mga respondenteng naninigarilyo ay babae.

b. Natututo ang mga kabataang manigarilyo dahil sa kanilang mga kaibigan.

c. Maraming dahilan ang mga kabataan kung bakit sila naninigarilyo,

nangungunang rason ay ang pagiging “curious”.

d. Ang mga magulang ay isa sa mga rason kung bakit natututong

manigarilyo ang mga bata, kaya naman mayroon nang mga naninigarilyo

ng labing-isang taon pa lamang.

42

Page 43: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

e. Halos magkapareho lang ang pisikal na epekto ng paninigarilyo sa

naninigarilyo at hindi naninigarilyo. Umeepekto ito sa parte ng katawan na

dinadaluyan ng hangin tulad ng bibig, ilong, at baga.

f. Ang sikolohikal na epekto ng paninigarilyo sa mga taga-langhap ay

dumedepende sa pananaw ng taong lumalanghap.

g. Ang edad na labimpito (17) ay ang pinakakaraniwang edad sa mga

kabataan kung saan sila ay aktibo o magsisimula pa lamang sa bisyong

paninigarilyo.

C. Rekomendasyon

Nais irekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga kabataan, nabanggit sa pag-aaral na ito ang mga epekto ng

paninigarilyo. Marahil sa inyo, maganda ang dulot nito sapagkat

nakawawala ng stress. Ngunit, kailangan niyo rin isipin ang mga

masasamang dulot nito sa inyong pag-iisip at sa katawan. Mababasa sa

pag-aaral na ito ang ilan sa mga pwede ninyong pagdaanang karamdaman

tulad ng pangangati ng lalamunan, pagdilaw ng ngipin, pagkairitable, atbp.

Kung ikaw ay naninigarilyo na, ito na ang tamang panahon upang itigil

ito. Hindi mo lamang napapahamak ang sarili mo, kundi pati na rin ang

iba mong kapwa.

b. Para sa mga magulang, nais po ng mga mananaliksik na pagsabihan ang

mga anak ninyo tungkol sa isyung ito. Matutulungan ninyong mapalawak

43

Page 44: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

ang kanilang kaalaman hinggil sa paninigarilyo. Kayo ang mga modelo ng

inyong mga anak.

c. Sa mga guro ng Kolehiyo ng Narsing, gaya ng mga magulang maaari

ninyong mabuksan ang isipan ng mga kabataan sa mga epekto nito.

Nawa’y maging kaagapay kayo ng mga magulang upang lumaki ng tama

ang kanilang anak.

d. Sa mga Nursing Students, kayo na ang tumatayong modelo ng kalinisan at

kalusugan. Nararapat lang naman siguro na gamitin sa tamang paraan ang

iyong mga natutuhan sa pag-aaral sa UST. Simulan niyo na ang

pagpapalaganap ng pagbibigay ng atensyon sa isyu ng paninigarilyo

sapagkat ito ay laganap na. Kayo mismo sana ang umiwas sa bisyong ito.

e. Para sa mga administrador ng buong Narsing, nawa’y makapag-isip ng

bagong paraan o proyekto na posibleng gawin upang mapalaganap pa ang

pagiging alerto sa isyung ito.

44

Page 45: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Edmunds, M. W., & Mayhew, M. S. (2009). Pharmacology for the primary care provider. St. Louis, MO: Mosby.

Irwin, S., & Tecklin, J.S. (2004). Cardiopulmonary Physical Therapy: A guide to practice. St. Louis, MO: Mosby.

Mishoe, S. C., & Welch, Jr., M. A. (2001). Critical thinking in respiratory care. Canada: McGraw-Hill Medical Publishing.

Grange, J. M., Prat, R. J. & Williams, V. G. (2005). Tuberculosis: a foundation for nursing and health care practice, 1. London, UK: A Hodder Arnold Publication.

Lehne, R. A. (2003). Pharmacology for nursing care, 5. Philadelphia, PA:Saunders.

McKenry, L. M., & Salerno, E. (2000). Mosby’s pharmacology in nursing, 21. St. Louis, MO: Mosby.

Barry, P. D. (2002). Mental health and mental illness, 2. Hagerstown, Maryland, USA: Lippincott Williams & Wilkins.

Papas, A. M., ed. (1998). Antioxidant status, diet, nutrition and health. Boca Raton, FL: CRC Press.

Aldrich, M. (2006). Stop smoking. London: Hodder Education

Lapointe, M. M. (2008). Adolescent Smoking and Health Research. New York: Nova Science Publishers

Aldridge, S. & Carter, R. (Eds.). (2005). Use your brain to beat addiction (pp.50-57). London: Octopus Publishing Group 

Ko, A.H., Dollinger, M. & Rosenbaum, E.H. (2008). Everyone's guide to cancer therapy: how cancer is diagnosed, treated and managed day to day (5th Ed.). Missouri: Andrews McMeel Publishing

Nezu, A.M., Nezu, C.M., Geller, P.A. & Weiner, I.B. (Eds.). (2003). Handbook of psychology: health psychology. Canada: Wiley

Manuck, S., Jennings, R., Baum, A. & Rabin, B. (2000). Behavior, Health and Aging. Mahwah, NJ: Lawrence Erlbaum Associates

Schwartz, J. (1987). Review and evaluation of smoking cessation methods: the United States and Canada, 1978-1985. National Cancer Institute

45

Page 46: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Walker, J., Payne, S., Smith, P. & Jarrett, N. (2007). Psychology for nurses and the caring professions (3rd Ed.). United Kingdom: McGraw Hill Open University Press

Slovic, P. (Ed.). (2001). Smoking: Risk, Perception & Policy. California: Sage Publications, Inc.

Hyde, M.O. & Setaro, J.F. (2005). Smoking 101: an overview for teens: Minnesota: 21st Century Books         

Wagner, E.F. (2000). Nicotine addiction among adolescents. New York: The Haworth Press, Inc.

Compendium of Philippine Medicine, 4th Ed. Philippines: Medicomm Pacific

Gorman, C. (2006, July). Lung cancer and the sexes. Time Magazine

Gupta, S. & Gajilan, C. (2004, May). Health: Up in smoke. Time Magazine

Medical update: Lose weight, stop smoking. (2004, July). Reader's Digest, 17

Health smart: Improving survival rates for COPD patients. (2009, January). Reader's Digest, 36

RD you: Puff away your looks. (2009, March). Reader's Digest, 141

National Cancer Institute. (2009). Quit smoking today. Nakuha noong December 26, 2009 mula sa http://www.cancer.gov/features/quitsmoking2009

How smoking affects your body. (n.d.). Nakuha noong December 26, 2009 mula sa http://www.quitsmoking.com/kopykit/reports/body.htm

Teen drug abuse: Teens and smoking tobacco. (n.d.). Nakuha noong December 26, 2009 mula sa http://www.teendrugabuse.us/teensmoking.html

Harmful effects of smoking. (n.d.). Nakuha noong December 26, 2009 mula sa http://www.quit-smoking-stop.com/harmful-smoking-effects.html

Healthy living: Quitting smoking one step at a time. (n.d.). Nakuha noong December 26, 2009 noong http://quitsmoking.pharmacydiscountrx.com/

Smoking cessation: Nicotine addiction. (n.d.). Nakuha noong December 26, 2009 mula sa http://www.smoking-cessation.org/smoking_cessation_nicotine_addiction.asp

Want to prevent a stroke?. (2007, July). Let’s Live, 12-13

46

Page 47: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

APENDIKS A

Pebrero 28, 2010

GLENDA A. VARGAS, RN, MANDekana, Kolehiyo ng NarsingUnibersidad ng Santo Tomas

Madam,

Isang magandang araw!

Kami po ay mga mag-aaral na nanggaling sa inyong pinamumunuang kolehiyo na kumukuha ng asignaturang Filipino 2, sa ilalim ng pamamahala ni Propesor Abegail Jimenez. Ang pananaliksik pong ito ay isa sa mga mahahalagang pangangailangan para sa nasabing asignatura.

Ang aming pangkat ay kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa Pisikal at Sikolohikal na Epekto ng Paninigarilyo sa mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Dahil po rito, nais po naming humingi ng inyong pahintulot upang kami ay makapamahagi ng sarbey-kwenstyoneyr sa mga lalaking mag-aaral ng unang taon ng kursong Narsing.

Amin pong ikagagalak ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

BEA PATRICIA BUENO Representante ng Pangkat

Binigyang-pansin:

AISSA ABEGAIL JIMENEZ Propesor

47

Page 48: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

APENDIKS B

Sarbey ng paninigarilyo

Isang magandang araw! Kami sina Patricia Bernardo, Bea Bueno, Allen Burce, Jenela Camba, Melissa Caparros at Mar Tulfo. Kami po ay mga mag-aaral ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kami po ay lumalapit sa inyo upang humingi ng inyong tulong at kaunting oras upang sumagot ng aming inihandang sarbey.

Ang sarbey na ito ay nagnanais na malaman ang inyong opinyon tungkol sa paninigarilyo ng mga kabataan. Marapat lang pong sagutin ang mga katanungan ng may lubos na katapatan. Maaring higit sa dalawa inyong mamarkahang sagot.

Amin pong sinisigurado na lahat ng mga impormasyong malilikom ay kumpidensyal. Maraming salamat sa inyong panahon.

1. Edad161718

2. Kasarian: __

3. Ikaw ba ay naninigarilyo?OoHindi

Kung oo ang iyong sagot, sagutan ang mga sumusunod pang numero 4-10. Kung hindi naman, laktawan ang iba at magsimula sa numero 11-12.

4. Kung ikaw ay naninigarilyo, paano ka natuto?Natuto ako sa aking mga kaibiganNakita ko sa aking mga magulangNakuha sa pamamagitan ng mediaNatuto ako ng hindi dumedepende sa ibaIbang kadahilanan:

_______________________________________________________________________________________________________________________

5. Ano ang nagtutulak sa iyo upang manigarilyo?Stress sa pag-aaralNagpadala ako sa aking mga kaibigang marunong manigarilyoGustong kong malaman kung ano ang pakiramdam o curious langMeron akong problemaIbang kadahilanan: _______________________________________________________________________________________________________________________

6. Ilang taon ka nang naninigarilyo? ________________

7. Gaano ka kadalas manigarilyo?1-3 beses sa isang araw3-5 beses sa isang araw5-7 beses sa isang arawdepende sa nararamdamanIba pang sagot: _________________

48

Page 49: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

8. Anu-ano ang naging pagbabago sa iyong katawan matapos manigarilyo? Sa paulit-ulit na paggawa ng bisyo, ako ay pumayat Nawala ang stress ko kahit pansamantala lang Tumaba ako pagkatapos ng paulit-ulit na paninigarilyo Naninikip ang aking dibdib at nahihirapan huminga Ako ay nahihilo Naninilaw ang aking mga ngipin Ako ay inuubo at nangangati ang aking lalamunan

Wala akong nararamdamang pagbabagong pampisikal pagkatapos manigarilyo Ibang pang sagot:

_______________________________________________________________________________________________________________________

9. Mayroon bang pagbabago sa paraan ng iyong pag-iisip? Mas nagiging alerto ang aking isipan Hindi ako nakakausap ng maayos at para akong “lutang” Ako ay nahihirapang magpokus sa aking ginagawa Natatapos ko ang mga dapat kong gawin pagkatapos manigarilyo Nagiging iritable ako pagkatapos manigarilyo Wala namang pagbabagong nagaganap sa paraan ng aking pag-iisip Iba pang sagot:

________________________________________________________

_______________________________________________________________

10. Ikaw ba ay gumagawa ng paraan upang matigil ang iyong paninigarilyo? Kung oo, anu-ano ang mga ito?

Will power; kung gusto mo talaga, magagawa mo Bumibili ako ng bubble gum o candy sa tuwing gusto kong manigarilyo Iniisip ko ang magulang ko na naghihirap para perang binibigay sakin Iniisip ko ang mga sasabihin ng mga taong nakapaligid sa akin Itinutuon ko ang aking sarili sa ibang mas makabuluhang bagay Wala pa akong balak huminto sa paninigarilyo Iba pang sagot:

________________________________________________________

_______________________________________________________________

11. Kung ikaw ay hindi naninigarilyo, anu-ano ang mga nararamdaman mo kapag may naninigarilyong malapit sayo?

Pampisikal Hindi ako nakakahinga ng maayos dahil nalanghap ko ang usok na ibinuga ng nasa tabi ko Sumasakit ang ulo ko kapag naamoy ko ito Nangangati ang lalamunan ko at inuubo ako Normal lang ang aking nararamdaman Iba pang sagot:

_______________________________________________________________________________________________________________________

49

Page 50: 28679353 Pamanahong Papel Ukol Sa Pisikal at Sikolohikal Na Epekto Ng Paninigarilyo

Pag-iisip Naiirita ako sa naninigarilyo Pagkatapos malanghap ang usok, hindi na ako makapagpokus sa aking mga gawain Hindi ako masyadong apektado ngunit naiirita ako sa amoy nito Ayos lang sa akin kahit nalalanghap ko ang binubuga nilang usok Hindi naaapektuhan ng aking paglanghap ng usok ang aking mga gawain

Iba pang sagot: _______________________________________________________________________________________________________________________

12. Sino sa mga malalapit sa iyo ang naninigarilyo? Kabarkada/ Dorm mate / Kaibigan Kaklase Mga magulang

Iba pang sagot: ________________________________________________________

_______________________________________________________________Kung meron pa kayong gustong ilagay upang mapalawak ang aming kaalaman tungkol sa paninigarilyo, marapat na lamang pong ilagay ang inyong saloobin sa loob ng kahon na ito:

50