11
Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas GOMEZ, Maria Kriselda*, BAY, Sharalyn Joy, BLARDONY, Mario Kenji, CAMACHO, Angela Samantha, CO, Juliriza, DE LA VEGA, Philip Judson, FRONDOZO, Iman Patrick, PANLILIO, Olive Joy mula sa 1NUR7 ng Kolehiyo ng Narsing T.A 09-10 sa Patnubay ni Gng. Zendel Manaois-Taruc, M.Ed Layunin Magbigay ng informasyon ukol sa exotic foods sa Pilipinas. Magsalaysay ng mga karanasan ukol sa pagkain ng exotic foods sa dalawang lalawigan sa Luzon at dalawang restawran sa Kalakhang Maynila. Maipakita ang kultura at pagkakakilanlan sa presentasyon at pagkain ng exotic foods. I. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Tungkol sa Exotic Foods Exotic Foods sa Pilipinas (Deskripsyon) Ang salitang exotic ay ginagamit bilang pang- uri upang ilarawan ang pagkakaiba ng mga pagkaing hindi madalas hinahain sa hapag ng lipunan. Sa pangkalahatan, ang salitang ito ay ipinapakita bilang mapanganib, at kakaiba. Ang mga pagkaing ito ay nagmumula sa mga hayop na hindi tiyak o madalas na ginagawang sangkap sa pagluluto. Maaari ring karaniwan ang mga exotic na pagkaing ito ngunit sa ibang lugar naman ito’y madalas na hinahain, sa ibang klase lamang ng paghahanda. Dahil sa hindi sila pangkaraniwan, madalas bansagan ang mga ito bilang nakadidiri o kundi naman, nakapang-uuma y ng sikmura. Sa kabila nito, ito ay isa sa mga nagpapayaman ng kultura ng Pilipinas sa pagkain. Ang salitang exotic, ayon kay Perdigon “Digon” Vocalan, ay isang bagay na hindi karaniwang ginagawa o kinakain sa ng isang indibidwal sa pang- araw-araw na buhay. Kapag ang bagay na ito ay kakaiba at napapanahon lamang, ito ay exotic. At ang pagiging exotic ang dahilan kung bakit nagiging espesyal ang mga bagay-bagay sa mundo (Arlene Dabu-Foz, 1999). Ang konsepto ng pagkain bilang exotic o kakaiba ay nasusukat o nabubuo kung ang isang indibidwal ay hindi lubusang lantad sa kultura o pangkat n g mga taong kumakain ng isang partikular na putahe bilang pangkaraniwang bahagi ng kanilang hapag-kainan (Wellness.com, 2007). Ang exotic foods ay pagkaing kakaiba, hindi karaniwang hinahain sa hapag-kainan, o kaya nama’y nagmula sa ibang lugar. Ang prutas tulad ng loquat, rambutan, mangosteen, langka, at akee ay ilang

Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy?Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas________________________________________GOMEZ, Maria Kriselda*, BAY, Sharalyn Joy, BLARDONY, Mario Kenji, CAMACHO, Angela Samantha, CO, Juliriza, DE LA VEGA, Philip Judson, FRONDOZO, Iman Patrick, PANLILIO, Olive Joy mula sa 1NUR7 ng Kolehiyo ng Narsing T.A 09-10 sa Patnubay ni Gng. Zendel Manaois-Taruc, M.Ed

Citation preview

Page 1: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy?Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

GOMEZ, Maria Kriselda*, BAY, Sharalyn Joy, BLARDONY, Mario Kenji, CAMACHO, Angela Samantha, CO, Juliriza, DE LA VEGA, Philip Judson, FRONDOZO, Iman Patrick, PANLILIO,

Olive Joy mula sa 1NUR7 ng Kolehiyo ng Narsing T.A 09-10 sa Patnubay ni Gng. Zendel Manaois-Taruc, M.Ed

Layunin

Magbigay ng informasyon ukol sa exotic foods sa Pilipinas. Magsalaysay ng mga karanasan ukol sa pagkain ng exotic foods sa dalawang lalawigan sa Luzon at dalawang

restawran sa Kalakhang Maynila. Maipakita ang kultura at pagkakakilanlan sa presentasyon at pagkain ng exotic foods.

I. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Tungkol sa Exotic Foods

Exotic Foods sa Pilipinas (Deskripsyon)

Ang salitang exotic ay ginagamit bilang pang-uri upang ilarawan ang pagkakaiba ng mga pagkaing hindi madalas hinahain sa hapag ng lipunan. Sa pangkalahatan, ang salitang ito ay ipinapakita bilang mapanganib, at kakaiba. Ang mga pagkaing ito ay nagmumula sa mga hayop na hindi tiyak o madalas na ginagawang sangkap sa pagluluto. Maaari ring karaniwan ang mga exotic na pagkaing ito ngunit sa ibang lugar naman ito’y madalas na hinahain, sa ibang klase lamang ng paghahanda. Dahil sa hindi sila pangkaraniwan, madalas bansagan ang mga ito bilang nakadidiri o kundi naman, nakapang-uuma y ng sikmura. Sa kabila nito, ito ay isa sa mga nagpapayaman ng kultura ng Pilipinas sa pagkain. Ang salitang exotic, ayon kay Perdigon “Digon” Vocalan, ay isang bagay na hindi karaniwang ginagawa o kinakain sa ng isang

indibidwal sa pang-araw-araw na buhay. Kapag ang bagay na ito ay kakaiba at napapanahon lamang, ito ay exotic. At ang pagiging exotic ang dahilan kung bakit nagiging espesyal ang mga bagay-bagay sa mundo (Arlene Dabu-Foz, 1999).

Ang konsepto ng pagkain bilang exotic o kakaiba ay nasusukat o nabubuo kung ang isang indibidwal ay hindi lubusang lantad sa kultura o pangkat n g mga taong kumakain ng isang partikular na putahe bilang pangkaraniwang bahagi ng kanilang hapag-kainan (Wellness.com, 2007). Ang exotic foods ay pagkaing kakaiba, hindi karaniwang hinahain sa hapag-kainan, o kaya nama’y nagmula sa ibang lugar. Ang prutas tulad ng loquat, rambutan, mangosteen, langka, at akee ay ilang halimbawa ng mga exotic na prutas. Ang ilang gulay sa Asya tulad ng bitter melon ay tinuturing na exotic sa mga bansa tulad ng Amerika. Ang ilang insekto tulad ng tipaklong at ipis ay exotic sa mga Amerikano ngunit isang meryenda para sa iba (Alice Moon Suliva, 2008).

Bakit pilit na tinatangkilik ang exotic foods?

Makikita sa patuloy na pagtaas ng demand sa pandaigdigang merkado na tunay ngang tinatangkilik ang exotic foods sa Pilipinas man o maging sa iba pang bansa (Food and drink Weekly, 1998). Ang unang dahilan kung bakit ito tinatangkilik ay dahil sa kakaibang kaanghangan at halimuyak na naibibigay ng exotic foods (Gogeta, 2010). Ang pangalawa ay dulot na rin ng kyuryosidad na taglay ng isang indibidwal, nakaiingganyong subukin, tikman at kainin ang ganitong klase ng pagkain. Ang mga hamon at kasiyahang ibinibigay nito sa mga nakakain ang siyang nagpapataas ng udyok ng damdaming patuloy na tangkilikin ito. Hindi lamang pagkain at lasa ang habol sa pagkaing ito kundi pati na rin ang mga karanasang naidudulot nito. Tulad na lamang sa Pilipinas, likas sa mga Pilipinong magluto ng iba’t ibang klase ng potahe kabilang na rito ang exotic foods. Kung minsan, maipapakita ang katapangan ng isang lalaki sa pagkain

Page 2: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

ng ganitong pagkain tulad ng sawa, bayawak at buwaya. Nasasabi sa Tsina na kaya naging patuloy at pilit na tinatangkilik ang exotic foods ay dahil sa naganap na malawakang taggutom na dumating sa kanila. Nang dahil dito, ang mga asong dating tinuturing nilang mga alaga ay naging kanilang mga ulam hanggang nasanay na lamang sila sa ganitong mga pagkain. Hanggang ngayon ay matatagpuan pa rin ang mga restawran na naghahanda ng exotic foods sa Beijing, Tsina (The China Guide, 2010). Ang pangatlo ay dahil sa benepisyong naidudulot nito sa ating kalusugan. Malaki ang naitutulong ng pagkain ng exotic foods sa pagpapataas ng enerhiya at lakas ng katawan (2010). Tulad na lamang ng pagkain ng seahorse na nakapagpapatatag sa sekswal na abilidad at alakdang nakapagpapainit ng dugo sa malalamig na lugar (The China Guide, 2010). Ang huling dahilan ay ang inobasyong tinataglay ng mga pagkaing ito (Food-fashion-forward, 2010). Ang mga pangkaraniwang pagkain ay tunay ngang masarap ngunit kakaiba pa rin ang ibang pagluluto, paghahanda, at paghahaing may bagong paraang kasama tulad na lamang ng paggamit ng teknolohiya sa pagbebenta ng mga ito. Ang Internet ay may kakayahang ipalaganap at ipakilala ang exotic foods sa buong mundo. Sa ganitong paraan, madaming mapupukaw at maeenganyong kainin ang mga ito (Broken Arrow Ranch).

Mga Hindi Pangkaraniwang Exotic Foods na Matatagpuan sa Loob at Labas ng Bansa

1. Inihaw na Paniki(Thailand). Sa Baan Toom, ang mga paniki ay inihaw sa uling o tinadtad na sa isang tradisyunal na ulam. Ang mga lokal ay maaari manghuli sa bilang ng 200 na paniki sa iisang araw. Ang paniki ay unang ibinababad sa tubig na kumukulo. Pagkatapos, ang kanilang mga balahibo ay tinatanggal, at iihawin ang pakpak at ang lamang loob nito Ang tinadtad na karne ay inihahalo sa mga sariwang herbs, asukal at maanghang na sangkap bago ipiniprito (http://www.venere.com/blog/bangkok-food-thailand/).

2. Century egg(China). Ito ang proseso:Kumuha ka ng itlog ng pato, pugo o simpleng mga itlog ng manok at panatilihin ang mga ito sa isang halo ng apog, luwad, asin at abo. Ibalot ang mga ito sa dayami. Sa paglipas ng panahon, ang itlog ay bubuo ng lime acid juice na pipigil sa pagpanis nito. Ang prosesong ito ay dapat lumipas sa apat na buwan at pagkatapos ay maari mo na matamasa ang mga itlog na ito (http://www.odditycentral.com/century-egg-would-you-eat-one.html).

3. Adobong Kuliglig (Pilipinas). Sa Gitnang Luzon, ang kuliglig (cricket) ay iniluluto ng adobo sa toyo,

asin at suka. Ito ay lokal na kilala bilang camaro. Katulad ng isang potahe na tinatawag na baling ay maaari itong iluto gamit ang sangkap na balang o lukton (locust). Ang mga insektong ito ay malutong at bahagyang matamis, na masarap isabay sa pagkain ng malambot na kanin. Ang pangunahing sangkap ng potaheng ito na ang kuliglig ay pana-panahon lamang nahuhuli, dahil ang mga insektong ito ay nagpapakita lamang ng ilang beses sa isang taon. Ang pagkain ng camaro ay naging tradisyunal na paligsahan na ng mga lokal na

mamamayan ng Pampangga bilang pangakit ng mga turista, kung saan ang potaheng ito ay karaiwang inihahanda at inihahain (Villamor, 2010).

4. Soup #5 (Pilipinas). Sa unang tingin, ito’y tila ang iyong pang-araw araw na sopas o paboritong sabaw, mainit-init, masarap at kaakit-akit. Ngunit sa pangalawang tingin ay maaari mo itong pagkainteresan o maari mo itong pandirian. Ang soup#5 ay ginawa mula sa ari ng baka o kambing, na tinimplahan ng asin, luya at iba't-ibang pang uri ng mga gulay. Ang karne nito ay karaniwang dinudusdos sa tubig na kumukulo bago iluto upang maluoy ang labas nito, na kung saan ito’y sinasabing nagbibigay lasa sa potaheng ito. Ang soup#5 ay nagsimula sa Pilipinas, bagaman may mga nagsasabing ang mga Tsino daw ang unang

nakatuklas dito. Napagalaman rin na ang potaheng ito ay aprodisyak at mapagkukunan at mayaman sa protina (Villamor, 2010).

Page 3: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

Epekto ng Exotic Food sa Ating Kalusugan, Turismo, Kalikasan Kalusugan

May ilang pag-aaral pa rin tulad ng kay Dr. Candida Adalla ng UP Los Baños na nagsasabing may ilan sa mga itinuturing na exotic foods ang naglalaman ng mga kinakailangang nutrisyong mahalaga sa ating katawan. Binigyang diin niya ang mga kinakaing insekto. Sinabi niya na ang mga ito ay ligtas at nagbibigay pa ng 74% ng protina at 28% ng enerhiyang kailangan ng ating katawan sa isang araw. Dinagdag pa niya rito na kung mapalalago pa ang industriya ng Insects as Livelihood Products makatutulong ito sa paglago ng Agri-business; kumbaga, may nutrisyon na nga, may maitutulong pa sa ekonomiya.Ngunit ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang malinis at maayos na pagluluto at paghahain ng mga ito ang pinakamahalaga at pinakaligtas na gawin. Ito ay kinakailangan upang makaiwas sa mga mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit sa katawan ng tao.

May daan-daang pagkaing may hindi kapani-paniwalang mga benepisyo sa kalusugang dapat ay lubos na manatiling malusog at hindi nagdudulot ng sakit. Ang ilan sa mga ito ay galing sa ibang bansa; bunga at mga gulay na hindi matatagpuan sa sariling lugar pamilihan at mga merkado ng mga magsasaka. Ang ilang exotic foods ay maaaring makapagpababa ng presyon ng dugo sa isang oras. Ang iba nama’y nagbibigay ng makabuluhang halaga ng bitamina A, C at E, beta-karotina, kalsyum, bakal at hindi bababa sa limang mineral. Mayroon ding pinagkukunan ng protina, naglalaman din ng mataas na antas ng bakal, zink, mangganeso, magnesiyo: mga mineral na makatutulong na magpahaba ng buhay.

Ang panganib na dulot pamamaga ay mababawasan ng lubos sa pagkain ng exotic foods tulad ng uok. Ang mga hayop na ginagamit sa paghahanda ng ibang putahe ng exotic foods ay nakapagtataguyod ang mas mahusay na memorya (Ed Biado, 2009).

Hindi lahat ng exotic foods ay ligtas kainin. Ang ilan sa mga exotic foods ay nagdudulot ng allergies na maaaring ikamatay ng isang tao. May 30 kataong namatay sa tinatawag na anaphylactic shock kung saan namamaga ang bibig at lalamunan na nagiging sanhi kung bakit hindi makahinga ang isang tao.

Maraming health organizations ang nagbabanta sa mga tao ukol sa posibleng epekto ng pagkain ng exotic foods. Ayon sa kanila, ang mga hayop daw na ginagamit sa paghahanda ng exotic foods ay nagdadala ng parasitic organisms na maaari lamang mapuksa gamit ang mataas na temperatura.

Ang mga tao na hindi sanay o bihasang kumain ng ganitong uri ng pagkain ay maaaring dumanas ng pananakit ng tiyan (Fabe, A. 2009).

Turismo at Kalikasan

Tayong mga Pilipino ay mahili g kumain ng mga kakaibang putahe. Ang mga Pilipino ay naiibigan ang mga pagkaing hindi pangkaraniwan o iba sa mata ng mga ibang kultura. May dalawang mahahalagang bagay na dapat tandaan ukol sa pagkain ng exotic foods. Ang una ay kailangang matibay ang iyong sikmura. Hindi lingid sa ating kaalamang ang exotic foods ay nagmula sa mga hayop na hindi mo aakalaing maaaring palang kainin. Ang mga ito rin ay mabigat sa tiyan. Ang ikalawang bagay na dapat tandaan ay ang pagkakaiba ng epekto ng exotic foods sa bawat indibidwal. Maaaring wala itong epekto sa sistema ng isang tao, ngunit maaaring pagmulan ito ng sakit ng isa (Ruel S. De Vera, 2003).

Hindi rin maitatangging malaki ang nagiging gampanin ng exotic foods sa turismo. Dahil sa malawak ang sakop ng Pilipinas sa likas na yaman, ang exotic foods ay isa sa mga binabalik-balikan ng mga turista. Nagsisilbi raw itong “kagat” sa kanilang pagbisita sa bansa. Nakapandidiri man ngunit isa itong masayang hamon sa bawat turistang dumarayo sa bansa. Ayon kay Doreen Fernandez ng WOW Philippines, ang 7000 na isla ng Pilipinas, kasama ang mayamang likas nito sa pagkain tulad ng exotic foods, ang dahilan kaya naman ang ating turismo ay patuloy na umaangat bawat taon. Ang mga bagay-bagay na nasa atin ay hinahanap-hanap ng mga dayuhang nanggagaling pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Page 4: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

Maliban sa magaganda o masasamang maidudulot nito sa katawan ng tao at turismo ng bansa, may matinding epekto rin ito pagdating sa kalikasan. Paunti na nang paunti ang mga hayop na naninirahan sa kagubatan ng Pilipinas. Ang mga usa, paniki at baboy ramo ang ilan sa mga nagkakaubusang hayop sa Pilipinas na hinahain pa rin bilang exotic foods.

Ayon sa RA 9147 Section 23, ang kahit na anong gawain, panghuhuli at pangangalap ng mga ganitong hayop, ay dapat mailimita. Sa Section 27 naman, ang pagpapatay ng mga ito ay ipinagbabawal maliban na lamang kung ito ay relihiyosong ritwal ng isang tribo. Ang siyang sumuway ay mananagot sa batas (Ingles and Yan, 2007). Sa kabila ng lahat ng mga batas at babala ng gobyerno, may mga taong nagpupumilit paring makahuli ng mga hayop na tinatawag na endangered o paubos na. Masama mang isipin ngunit marami sa mga kasangkapan ng exotic foods ang kasali sa kategoryang ito. May mga kainan na pinagbabawalan nang manghuli at pinaaalis na sa kanilang mga menu ang mga ganitong potahe ngunit sa katigasan ng ulo, hindi sila tumitigil sa pangangalap ng mga ito.

Isang magandang halimbawa ng epekto ng turismo sa Pilipinas ay ang Balaw-Balaw na isang sikat na kainan sa Angono, Rizal. Kinilala ito ng Kagawaran ng Turismo dahil sa pagtaguyod nito ng kultura sa Rizal (Ethel S. Timbol, Hulyo 2001).

II. Paglalapat ng Sariling Pag-aaral

A. MetodolohiyaSa ginawang pananaliksik, ang pangunahing pinagkuhanan ng mga datos ay ang apat na emersyong ginanap

sa dalawang lalawigan sa Luzon at dalawang restawran sa Kalakhang Maynila. Doon sila ay nagsagawa ng panayam, nagtanung-tanong, at tumikim ng mga putaheng exotic foods na ipinagmamalaki ng mga pinuntahang lugar. Naging malaking tulong ang paggamit ng videocam at mga camera upang ipakita magsilbi itong tulong sa paggawa ng dokumentasyon. Isa pang tulong ay ang paggamit ng Internet kung saan ang mga mananaliksik ay kumalap ng iba pang impormasyon upang malaman ang lokasyon ng mga pupuntahang lugar, mga kaugnay na artikulo, mga recipe, at iba pa.

Ang unang emersyon ay naganap noong ika-22 ng Disyembre taong 2009 sa Sierra Hills, Exotik Restaurant sa Kalayaan, Laguna. Doon ay sinubukan ng mga mananaliksik na tikman ang mga exotic foods na inihahanda rito. Kinapanayam nila ang waiter na si G. Norman. Nabanggit niya kung saan sila kumukuha ng mga kasangkapang ginagamit sa pagluto ng exotic foods tulad na lamang ng buwaya na cultured na sa Coral Farms sa Morong, Rizal at ng sawa sa Polillo Islands, Quezon. Naganap ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na emersyon noong ika-13 ng Pebrero, 2010. Ang ikalawang emersyon ay sa Balaw-Balaw sa Angono, Rizal na isa sa mga kilalang lugar na dinarayo ng

maraming turista dahil ito ay naglalaman ng mga nilikhang sining ng pamilya Vocalan na hindi makikita sa mga museo at sa ibang restawran ng exotic foods. Dito ay kinapanayam naman ng mga mananaliksik si G. Roy na isang kusinero ukol sa preparasyon ng exotic foods. Ang ikatlong emersyon ay ginanap sa Tok-Yu Restaurant sa Quezon Avenue, na nagtitinda ng mga pagkaing Hapon. Karamihan sa mga ibinebenta nilang pagkain ay hilaw at pagkaing mula sa dagat. Para sa huling emersyon, nagtungo ang mga mananaliksik sa Krocodile Grille sa Trinoma, Quezon City at doon ay inalam nila ang pagkakaiba ng laman ng abestrus o ostrits sa pangkaraniwang lasa ng karne ng baka o ng baboy.

B. Presentasyon ng Datos

Pagsasalaysay ng Grupo Ukol sa mga Ginawang Emersyon

Disyembre 22, 2009. Bumiyahe ang mga mananaliksik sa Kalayaan, Laguna upang matikman ang exotic foods sa Sierra Hills Exotik Restaurant. Nakapupukaw ng pansin ang mga disenyo at landscaping ng restawran sa taas

Page 5: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

ng bundok. Pambungad ng kainan ang mga tropeyo’t certificates upang ipakitang maganda ang lugar at ang kalidad ng mga pagkaing inihahanda. Doon ay sinubukan nilang tikman ang adobong sawa, piniritong mga binti ng palaka o frog legs, ginatang buwaya at paco, pagi na niluto sa oyster sauce, at sizzling palos.

Pebrero 13, 2010. Nagtungo sa Balaw Balaw Special ty Restaurant, Angono, Rizal ang grupo. Bilang nagtataglay ng mga likhang sining ang lugar, hindi pinalagpas ng mga mananaliksik ang pagkakataong kumuha ng mga larawan at magmasid-masid sa maliit na museo habang hinihintay ang kusinerong magluluto ng exotic foods. Nang dumating na ang kusinerong si G. Roy, ang grupo’y nagsagawa ng pagtatanung-tanong ukol sa preparasyon at pagluto ng adobong Uok, Soup Number 5, Bibingkang Abnoy, at Rose Petal Tempura. Natunghayan nila kung papaano inihahanda ang mga nasabing putahe. Noong unang makita ng mga mananaliksik ang larba sa putaheng Adobong Uok, sila’y nagulat at nandiri. Pagkatapos lutuin ni G. Roy ang Adobong Uok, sunod niyang niluto ang Soup Number 5 na ang pangunahing sangkap ay ang itlog at ari ng baka. Matapos lutuin ang dalawang putahe, sunod niyang pinirito ang Rose Petal Tempura na talulot ng rosas. Ininit naman ng kasama ni G. Roy ang Bibingkang Abnoy. Gaya ng unang emersyon, tinikman ng grupo ang mga inihandang putahe.

Matapos ang ikalawang imersyon, lulan ng sasakyan ay naisipan ng grupong dumako sa Tok-yu Restaurant, Quezon Avenue upang matikman at makuhanan ng larawan ang sea urchin o uni na katumbas ng maratangtang ng La Union at ng mga kalapit na lalawigan. Dito sa restawran na ito natunghayan ng grupo na karamihan sa inihahanda nilang pagkain ay mga hilaw at halos lahat ay mga pagkaing-dagat. Masasabi na ang mga pagkaing Hapon ay kilala sa pagbibigay ng diin sa kalidad ng rekados lalo na sa presentasyon nito—simple ngunit maganda. Ang huling destinasyon pangkat ay sa Krocodile Grille sa Trinoma kung saan natikman nila ang ostrich tapa na kilala sa Cagayan de Oro. Masasabing ang laman ng abestrus ay maihahantulad sa karne ng baka.

Maigting Pagsusuri sa mga Kinaing Exotic Foods

Ang mga turista ay naaakit sa kagandahan ng kapuluan ng Pilipinas para masilayan ang kulturang pinagsama sa pagitan ng Silangan at Kanlurang kabihasnan. Dahil sa paggawa ng mga tradisyunal na mga bagay ay inilalapit ulit sila sa mga kasalukyang kasanayan at pinag-ugnay muli ang mga pinagmulan ng pagkain base sa kasaysayan ng bansa. May mga restawrang patuloy pa ring pinauunlad at pinalalawak ang kultura dahil isang paraan ito upang itaguyod ang tradisyon ng mga Pilipino at ipakita sa mga kabataan ngayon ang pag-unawa sa mga paraang maaari nilang ipagmalaki sa hinaharap.

Mula sa emersyon ay nabigyang pansin ng mga mananaliksik ang pagiging malikhain ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng pagkain. Ang adobong sawa, tulad ng nakagawiang adobo ay tanyag sa pagiging aphrodisiac o pagkaing nakapagdudulot ng init sa katawan. Ang mga Pilipino ay nawilihang kumain nito sapagkat bukod sa mura na ay sagot din ito sa malalamig na gabi. Ang mga Pilipino ay kumakain naman ng palaka dahil nakasanayan na nila ito at dahil din sa pagiging tropikal na bansa, nagiging alternatibo ito sa mga taong naninirahan sa kabukiran. Dito naipapakitaang pagiging maparaan nila sa pagkain ng ‘di pangkaraniwang. Ang pagkain ng buwaya ay nanggaling sa kasaysayan ng Amerikano na kung saan sinasabing ang laman ng buwaya ay nagsisilbing pampalakas ng katawan. Dito sa Pilipinas, ang laman ay niluluto sa gata na sinasamahan ng paco. Base sa pagsusuri, ang palos na niluto sa oyster sauce ay nagmula sa bansang Indonesia. Isa pa rito ay ang sizzling palos na nagmula naman sa bansang Italya. Ang pagtangkilik sa pagkain ng ibang bansa ay hindi nangangahulugang ang mga Pilipino ay may colonial mentality bagkus ito’y paraan upang paangatin pa ang turismo sa Pilipinas; kahit hindi nagmula sa ating bansa ay nagsilbi ang mga itong pang-akit sa mga turista.

Sa ikalawang emersyon, ang unang tinikman ng grupo ay ang bibingkang abnoy. Sinasabing ito ay gawa sa balot o sa bugok na itlog ng itik na kung saan Pateros ang kilalang-kilala sa paggawa nito. Kinakain ang mga ito dahil sa silbi nitong pagpapalakas ng sikmura at sinasabing isa raw ito sa gastronomic adventure ng mga Pilipino noon. Nagsisilbi

Page 6: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

itong alaala sa nakalipas na mga panahon na hindi mawawala sa kultura natin. Ang rose petal tempura raw ay ginamit ng ating antesedente bilang gamot sa sakit ng tiyan at sakit sa puso. Isa itong kinagawian ng ating mga ninunong taglay na ipinamamana sa mga ating mga Pilipino. Ang adobong uok ay kilala bilang “duong dua.” Ang mga ito ay maaaring kaining hilaw, tulad ng ginagawa ng mga katutubo sa gubat, o kaya'y iniluluto ito sa iba't ibang paraan. Ang uok ay hindi lamang nahahanap sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa sa Asya tulad ng Vietnam. Mahalaga ang bahagi ng uok sa katutubong diyeta dahil ang mga ito ay halos 80% protina. Ayon sa pag-aaral ng ilang siyentipiko, ang 100g na putahe ng higad ay mayroong 28.2g protina, kumpara sa 100g karneng baka, na mayroon lamang 27.4g protina. Huling kinain ng grupo ang soup number 5. Ito ay nagmula sa Pilipinas na kung saan pinaniniwalaan isa itong tunay na mabisang gayuma sa pag-ibig sa anyo ng aphrodisiac na mas malakas kaysa sa Viagra. Ito lamang ay kuru-kuro ng karamihan sa mga Pilipinong nakaranas matapos kumain nito.

Sa Tok-yu Restaurant sa Quezon Avenue natikman ng mga mananaliksik ang uni sa wikang Hapon o sea urchin sa wikang Ingles. Isa itong aprhodisiac na

nagmula sa bansang Hapon na kung saan inihahandang hilaw kasama na ang toyomansi at wasabi. Dito sa Pilipinas kilala ang uni bilang “maratangtang”,

isang echinoderm ng class enchinoidia na paboritong pagkain ng mga Ilocano at mga dayuhan dahil sa matamis at makatas sa panlasa.

Ang pagpunta ng pangkat sa Krocodile Grille, Trinoma ang naghudyat sa huli nilang emersyon. Sinubukan nilang kainin ang ostrich tapa. Itong pagkain ay hango sa Silangan at Kanlurang kultura. Kung susuriin, ang karne ng abestrus ay naglalaman ng mas mababang taba na maaring magamit sa anumang tradisyunal red meat recipe na nagbibigay ng masarap sa panlasa ng mga pagkain.

Kaalaman tungkol sa mga pinamanang pagkain ng mga ninuno ay isang bagay na nagtuturo sa mga mananaliksik sa pang-araw-araw na kaligtasan. Ang pagkalimot sa kahalagahan ng mga pagkaing ito ay nagdudulot ng kakaunting pagpapakilala sa kultura ng bansang Pilipinas.

C. Kongklusyon

Mula sa mga info rmasyong nakalap ng mga mananaliksik, masasabing iba’t iba ang tingin ng tao sa exotic foods. Ang iba’y tila karaniwan lamang ang lasa subalit para sa iba nama’y ito’y nakapangbaliktad ng sikmura. Ang paghahanda ng karamihan sa exotic foods ay isinusunod lamang sa nakagawiang paraan ng pagluluto ng tipikal na potahe gaya ng adobo, ginataan, pagpiprito, tapa, nilaga, at iba pa. Dahil dito, napapaigting ang pagiging malikhain at masining ng mga Pilipino sa pagluluto. Gumagawa sila ng mga paraan upang maibigan at tangkilin ng mga tao ang kanilang iniluluto.

Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang uri ng exotic foods mapa-hayop man (uok, sawa, pagi, abestrus, maratnagtang) o mapa-prutas (durian, rambutan). Iba’t ibang mga restawrang kinikilala ng Kagawaran ng Turismo ang naghahanda ng mga ito. Iba’t iba ang pinagkukunan nila ng mga hayop na niluluto sa exotic foods. Ang mga hayop tulad ng buwaya at abestrus ay ipinapalaki sa mga kabukiran ang iba nama’y nakukuha sa mga puno’t palayan at sa dagat.

Naging matagumpay ang mga isinagawang emersyon ng grupo. Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kanila sa iba’t ibang restawrang kanilang napuntahan at nagsilbing malaking tulong ang mga tagapangasiwa upang malikom nang maayos ang mga datos.

Page 7: Exotic Foods: Nakapandidiri o Patok sa Panlasa ng Pinoy? Isang Pananaliksik Ukol sa Exotic Foods sa Pilipinas

D. Rekomendasyon

Inirerekomenda ng pangkat sa mga susunod na mananaliksik na magtuon ng pansin sa exotic foods na hindi makakain at nakikita sa Luzon. Mas nakabubuting magsaliksik sila ukol sa mga nutrisyong halaga ng mga exotic foods nang sagayon ay masuportahan pa lalo ang mga iba’t ibang sinasabi ng mga dalubhasa ukol sa kagandahan ng mga ito sa ating katawan upang mabigyan ng ideya ang mga nagnanais sumubok ng ganitong mga klaseng pagkain. Mas maganda na ring sumubok ang mga susunod na mananaliksik ng mga pagkaing hilaw upang mas lalong matikman ang tiyak na lasa ng exotic foods.

Talasanggunian

Hodgman, John. http://askinfo.com/extreme_eating. Retrieved December 12, 2009.

Fernandez, A. http://wiki.answers.com/Q/What_is_exotic_food. Retrieved February 26, 2010.

Flores, Mauie. http://www.meleonmysole.com/2009/04/exotik-restaurant-kalayaanlaguna.html. Retrieved December 13, 2009.

Moon, Aileen. http://ehow.com/fatcs_5460543_exotic_foods.html. Retrieved January 5, 2010

Villamayor, Carlo. http://www.streetdirectory.com. Retrieved January 2, 2010.

Zimmern, A. http://www.tv.com/bizzare-foods-with-andrew-zimmern/philippines/episode. Retrieved January 2, 2010

http://findarticles.com/p/news_articles/daily_mail_london_england_the/mi_8002/is_2001_May8/. Retrieved January 9, 2010.

http://www.wellness.com/reference/diet/exotic-foods. Retrieved January 6, 2010.

http://www.lookatvietnam.com/2009/01/seeking-strange-foods-for-lunar-new-years-eve.html. Retrieved February 26, 2010.

http://megawiz.com/have_you_tried_eating_exotic_foods.html. Retrieved December 12, 2009 .

http://www.odditycentral.com/century-egg-would-you-eat-one.html. Retrieved February 14, 2010.

http://www.odditycentral.com/century-egg-would-you-eat-one.html. Retrieved February 13, 2010.

http://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_cuisine. Retrieved December 12, 2009.

http://wiki.answers.com/Q/What_other_meaning_of_exotic_food. Retrieved February 26, 2010.

http://maxent.org/exotic.food.html. Retrieved December 13, 2009.

http://hubpages.com/hub/Exotik-Foods-From-The-Philippines. Retrieved December 13, 2009.

http://www.articlesbase.com/food-and-beverage-articles/do-you-like-ind ian-food-176145. Retrieved February 22, 2010.

http://hatkin-bogworld.blogspot.com/2008/12/exotic-food.html. Retrieved February 22, 2010.

http://www.brokenarrowranch.com/Articles/exotic-foods.html. Retrieved February 22, 2010.

http://www.filipino-foods.com/filipino-foods/street-foods-to-eat-in-the-philippines.htnl Retrieved Disyembre 13, 2009