36
1 Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Lungsod ng Quezon PANANALIKSIK TUNGKOL SA KAHIRAPAN SA PAGTULOG SANHI NG INSOMNIA Panananaliksik sa Filipino Rolando Irojo Jr. Erold Tingson Chesla Nuval Bb. Karen G. San Diego 2015

Pananaliksik Sa Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pananaliksik Sa Filipino

1

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kolehiyo ng Artes at Literatura

KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

Lungsod ng Quezon

PANANALIKSIK TUNGKOL SA KAHIRAPAN SA PAGTULOG SANHI NG

INSOMNIA

Panananaliksik sa Filipino

Rolando Irojo Jr.

Erold Tingson

Chesla Nuval

Bb. Karen G. San Diego

2015

Page 2: Pananaliksik Sa Filipino

2

PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay buhat sa oras at tiyaga ng mga mag-aaral na

mananaliksik. Nais ng grupo na pasalamatan ang mga taong tumulong upang

matapos ang pag-aaral na ito.

Unang-una ay sa Panginoong Maykapal. Siya ang nagbigay sa ating lahat ng

kaalaman at karunungan na ating ginagamit ngayon. Ang kanyang gabay ang isa

sa mga dahilan upang matapos ang proyektong ito.

Ikalawa ay sa aming mga mahal sa buhay na walang sawang pag-intindi at

pagsuporta upang magkaroon ng katuparan sa paggawa ng pananaliksik.

Gayundin sa lahat ng mga bumubuo sa aklatan ng PUPQC Library na

nakapagbigay rin ng tulong sa aming mga mananaliksik upang makahanap ng

mga datos na kinakailangan para sa aming pag-aaral.

At higit sa lahat, ipinaabot ng mga mananaliksik ang taos-pusong pasasalamt sa

aming gurong si Bb. Karen San Diego na nagsilbing tagapayo namin upang

mapabuti at mapaganda ang pag-aaral.

Page 3: Pananaliksik Sa Filipino

3

PAGHAHANDOG

Nais naming ihandog ang thesis na ito sa aming mga magulang na

pumapatnubay sa amin. Sa mga taong nasa likod ng tagumpay upang matapos

ang namin ang thesis na ito. Sa aming mga kaibigan na nagbigay ng tulong sa

amin upang maisagawa namin ang thesis na ito at sa aming propesor na si Bb.

Karen San Diego na patuloy na tumutulong at nagbibigay ng kaalaman sa amin.

Page 4: Pananaliksik Sa Filipino

4

TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat………………………………………………………………..…………2

Paghahandog………………………………………………………………………….3

Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………..4

Abstrak……………………………………………………………………….…...........5

Kabanata 1 : Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

Panimula………………………………………………………………………………..7

Kaligirang Pangkasaysayan………………………………………………….………9

Balangkas Konseptuwal………………………………………………………………9

Balangkas Teoretikal………………………………………………………………….10

Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………….………12

Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………..........13

Saklaw at Limitasyon……………………………………………………...................13

Kabanata 2 : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Pag-aaral………………………………………………………………........14

Banyagang Pag-aaral…………………………………………………......................15

Lokal na Literatura…………………………………………………………...………..22

Banyagang Literatura………………………………………………………………….24

Katuturan ng mga Salitang Ginamit…………………………………………...........25

Page 5: Pananaliksik Sa Filipino

5

Kabanata 3 : Metodo ng Pananaliksik

Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik……………………………………………27

Instrumentong ginamit sa pananaliksik…………………………………………..…27

Paraang ginamit sa pagkuha ng Sampol ng Populasyon……............................28

Deskripsyon ng mga kalahok o respondente…………………………….………..28

Mga Talahanayan……………………………………………………………………..28

Pagsusuring Istadistika ng mga Datos……………………………………………..30

Bibliograpiya………………………………………………………………………...…36

ABSTRAK

Pamagat : Pagsapit ng Gabi : Hindi makatulog sanhi ng Insomnia

Mga Mananaliksik : Rolando Irojo Jr.

Erold Tingson

Chesla Nuval

Ang pananaliksik na ito ay may layuning alamin kung ano ba ang

Insomnia na nagbubuhat ng kahirapan sa pagtulog sa gabi at ang mga

pangunahing sanhi at sintomas ng pagkakaroon nito.

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na malaman ang mga bagay na maaaring

maging lunas sa sakit na ito.

Page 6: Pananaliksik Sa Filipino

6

Gumamit ang mga mananaliksik ng paraang deskriptibo at ng

instrumentong talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pag aaral

hinggil sa sakit sa insomnia. Sinuri at binigyang deskripsyon ang mga katugunan

ng mga respondente na siyang naging batayan ng natuklasan sa pananaliksik ng

tao.

MGA NATUKLASAN:

Batay sa isinagawang pag aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod:

Ang Insomnia o kawalan ng tulog ay isang karaniwang problema na

nakababawas sa iyong enerhiya at nakasasama sa iyong kalusugan at

kakayahang magtrabaho sa umaga. Maaari ding magdulot ng malalang

problemang pangkalusugan ang chronic insomnia.

May tatlong klasipikasyon at uri o klase ang Insomnia. Ang mga ito ay :

Una, ang Pansamantalang Insomnia na tumatagalmula isang gabi hanggang

ilang araw. Karaniwang sanhi nito ang pansamantalang pagbabago sa buhay ng

tao, gaya ng pagbibiyahe, pagpapalit ng iskedyul, pagkabalisa, o pakikipagtalo.

Ikalawa, ang Magaang insomnia. Ang pinagmumulan nito ay pisikal na

pagkakasakit, o mga sandali ng stress na batay sa mga pangyayari. Tumatagal

ito ng tatlong Linggo. At Ikatlo ay ang Paulit-ulit na insomnia. Para sa mga

espesyalista, ito ang tinatawag na tunay na sleep disorder. Nararanasan ito

Page 7: Pananaliksik Sa Filipino

7

halos kapag gumabi, nagbibigay ng labis na pagtitiis o paghihirap, at tumatagal

nang hanggang isang buwan o mahigit pa (minsan ay ilang taon).

Natalakay din sa pag-aaral na ito ang mga sintomas ng Insomnia. May

tatlo lamang na senyales ng pagkakaroon ng sakit na ito. Ito ay ang 1.)

Panimula. Mahirap humanap ng tulog; ito ang pinakakaraniwang sintomas, 2.)

Paputol-putol. Madalas na paglalakad tuwing gabi at hirap na makabalik muli sa

pagtulog, at 3.) Malubha. Hindi karaniwang gising at kawalan ng kakayahan na

muling bumalik sa pagtulog.

Sa pananaliksik na ito ay amin ding pinagtuunan ang mga bagay na nagsasanhi

ng pagkakaroon ng Insomnia. Marami ang posible at maaaring maging dahilan

ng pagkakaroon nitoHalimbawa nalang nito ay ang stress o kapag ang tao ay

binabagabag ng mga problema at kabiguan.

Sa aming isinagawang pag-aaral ay aming natuklasan ang mga maaaring

maging paraan, solusyon, at lunas para sa sakit na ito.

KABANATA 1

Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

PANIMULA

Ang pagtulog ay isa sa mahahalaga at likás na gawain na kinakailangan

ng tao sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Sinasabing ang pagtulog ay

Page 8: Pananaliksik Sa Filipino

8

napakasensitibong tungkulin ng katawan dahil sa pisikal at iba pang sanhi na

humahadlang sa tao na magkaroon ng masarap na pahinga.

Tumutulong ang pagtulog upang mapasigla ang pag-iisip at katawan at

nang maibalik ang nawalang lakas na kinokonsumo sa loob ng maghapon.

Kailangan ito upang mapanatili ng tao ang pagiging alerto sa pang-araw-araw na

ginagawa.

Habang natutulog, pumapasok ang tao sa paulit-ulit na estado ng

paghimbing. Humihinto ang kamalayan pansamantala upang mabigyan ng

kalayaan ang katawan na makapagpahinga.

Ang utak ng tao ay may bilang ng kani-kaniyang gawain, estruktura,

at sleep centers na pumapailalim sa siklo ng pagtulog at paggising. Ang katawan

ay gumagawa ng mga sustansiya na kapag sumama sa daluyan ng dugo ay

nakapagpapaantok sa sinuman. Kapag ang prosesong ito ay nabago, dahil sa

pagod, pag-aalala, gulo, at pisikal na pagkakasakit, maaaring maranasan ang

insomnia.

Maraming tao ay nakakaranas ng kahirapan sa pagtulog at maging ako ay

nakakaranas nito. Ngunit ano nga ba talaga ang mga pangunahing sanhi ng

problemang ito at ano ba ang mga mabisang paraan para maiwasan ang

pagkakaroon nito?

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang Kahirapan sa pagtulog ay ang pagkawalang-kayang matulog kahit na

kapag ikaw ay pagod, o pasumpung-sumpong na pagkakatulog sa

Page 9: Pananaliksik Sa Filipino

9

magkakasunod na mga araw. Ang mga taong may ganitong sintomas ng hindi

pagkakatulog o insomnia partikular ay karaniwang nakakaranas ng malabis na

pagkapagod sa buong araw ng pagtatrabaho sanhi ng kakulangan ng pagtulog at

pagpapalit-palit sa posisyon ng paghiga sa gabi, sa kabila ng sobrang pagod sa

maghapunang pagtatrabaho. Kung ikaw ay nakakaranas nito, alam mo kung ano

ang sanhi ng pagkakaroon nito.

Ang insomnia o hindi makatulog sa gabi ay problema ng maraming tao. Una sa

lahat, ang mahalagang suriin ay kung ano ang sanhi ng iyong kahirapang

makatulog. Ito ba ay dala ng ‘stress’ sa trabaho? Problema sa relasyon?

Paggamit o pagtigil sa paggamit ng alak o sigarilyo? Ang pagkawala ng sanhi ng

insomnia ay ang kadalasang pinakamabisang gamot para dito.

Bago sumailalim sa pag-inom ng mga gamot para sa insomnia, maganda ring

subukan muna ang mga lunas na hindi nangangailangan ng gamot (non-

pharmacological management).

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Ang pag aaral ay ginamitan ng masusing pag aanalisa sa pamamagitan

ng libro, internet at sarbey. Ang mga ginamit na aklat ay batayan ng

impormasyong nakalap. Nagsagawa ng pagkompyut upang makuha ang

porsyento ng prosesong resulta ay ginamitan ng basehan sa konkulsyon at

rekomendasyon.

Ang mga nakalap na impormasyon ay pinag sama sama at nagsilbing

batayan ng makatotohanang at makabuluhang thesis.

Page 10: Pananaliksik Sa Filipino

10

BALANGKAS TEORETIKAL

Repair and Restoration Theory of Sleep

Ayon sa teoryang ito, ang pagtulog ay mahalaga sa pagpapatatag at

pagpapanumbalik ng mga sikolohikal na proseso ng ating katawan upang

panatilihing malusog at gumagana ng maayos ang katawan at isipan.

Kamakailan, ang mga mananaliksik ay natuklasan ang mga bagong ebidensiya

na sumusuporta sa teorya ng pagkumpuni at pagpapanumbalik, ang pagkatuklas

ng pagtulog ay nagbibigay-daan sa utak upang magsagawa ng mga pang-araw

araw na gawain.

Habang natutulog, ang katawan ay nagkakaroon ng pagkakataon para

mapataas ang rate ng cell division at mapataas ang protina sa ating katawan. Sa

medaling salita, ang repair and restoration o pagkukumpuni at pagpapanumbalik

ay nangyayari kapag tayo ay natutulog. Kaya ito ay nakakatulong upang mas

lalong mapabuti at mapanatiling gumagana nang maayos ang sistema n gating

katawan.

INSOMNIA?

SANHI SINTOMAS EPEKTO LUNAS

Page 11: Pananaliksik Sa Filipino

11

Sa Oktubre 2013 isyu ng journal Science, na inilathala ng mga mananaliksik ang

mga resulta ng isang pag-aaral na nagsasaad na ang utak ay gumagamit ng

pagtulog para alisin ang mga nakalalasong kemikal sa katawan ng tao. Ang

sistemang ito ang pinaka pangunahing rason at dahilan kung bakit tayo ay

natutulog.

Evolutionary Theory of Sleep

Sa teoryang ito naman ipinaliliwanag na ang panahon ng pagtulog ay

paraan para sa pagiimbak ng enerhiya. Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng mga

species o nilalang ay nangangailangan ng pagtulog para magkaroon ng lakas

gawin ang mga pang araw-araw na gawain ng katawan. Sinusuportahan ang

teoryang ito ng comparative na pananaliksik ng ibat-ibang species ng hayop na

may ilang natural na maninila gaya ng oso at leon na madalas matulog sa

pagitan ng labingdalawa hanggang labing limang oras bawat araw upang

matugunan ang kinakalingan nilang lakas para maghanap ng pagkain.

Maaari mang may mga pananaliksik na isinagawa tungkol sa pagtulog,

wala sa mga teoryang ito ang talagang makapagpapaliawana ng tiyak na tiyak

kung bakit ang tao ay natutulog. Posible rin na ang bawat isa sa mga teoryang

ito ay maaaring magamit upang ipaliwanag kung bakit natutulog ang tao. Ang

pagtulog ay nakakaapekto sa maraming sikolohikal proseso n gating katawan ,

kaya ito ay napakahalaga sa ating katawan.

Page 12: Pananaliksik Sa Filipino

12

Kaya kung ang tao ay hindi makakatulog ng tama at sapat sa oras, marami

itong magiging kaakibat na masamang epekto at problema sa katawan at

mentalidad ng isang tao.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagkakaroon ng Insomnia o

Kahirapan sa pagtulog. Sa panahon ngayon, di kaila sa maraming tao ang

pagiging abala sa maraming bagay kaya maging sa oras na dapat tayo ay tulog

at nagpapahinga na ay nagagawa pa ding ibigay para sa pagtatrabaho. Ngunit

ang ilan sa kanila ay hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit sila ay di

makatulog sa gabi. Ito ang aalamin ng pananaliksik na ito.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin at sagutin ang mga sumusunod :

1. Ano ba ang Insomnia ?

2. Bakit nagkakaroon ng sakit na ito ?

3. Sino ang maaaring magkaroon nito ?

4. Anu-ano ang mga bagay na nagiging dahilan ng pagkakaroon nito

5. Papaano magagamot ito ?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Estudyante/Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral

upang malaman nila ang mga posibleng maging epekto, sanhi, at dahilan ng

pagkakaroon ng insomnia at kung papaano maiiwasan ang pagkakaroon nito.

Page 13: Pananaliksik Sa Filipino

13

Akademiko. Ito ay makakatulong sa mga isinasagawang pag-aaral hinggil sa

pagtulog. Ito ay maaaring maging isa sa mga reperensya sa mga susunod pang

gagawing pag-aaral tungkol sa paksang ito.

Mambabasa. Ito ay makakatulong din upang mas lalo nilang mapalawak ang

kanilang kaisipan hinggil sa pagtulog. Kung bakit nangyayari ito o kung bakit

mahalaga ang pagtulog sa tao.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang aming pananaliksik ay sumasaklaw kung ano ang sakit na insomnia,

papaano nagkakaroon nito at ano ang masamang epekto o dulot nito sa

kalusugan ng tao gayundin kung papaano maiiwasan ang pagkakaroon nito at

ang mga posibleng maging paraan upang malunasan ang sakit na ito.

Nagbigay ang mga mananaliksik ng mga talatanungan sa mga

respondente. Ito ang pinaka unang ginawang basehan ng mga mananaliksik sa

paggawa ng mga ebalwasyon at pagtataya. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa

Baranggay Commonwealth, Lungsod ng Quezon sa batayang taong 2014-2015.

Page 14: Pananaliksik Sa Filipino

14

KABANATA 2

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Dr. Philip M. Chua, M.D., isang Pilipinong doktor, ang

depinisyon ngpagtulog ay nasa estado ng pagkawalang-malay ng isang tao kung

saan ang tao ay nagpapahinga. Sa estadong ito, ang utak ay nagiging

responsive sa ating internal stimuli. Ang pagtulog ay inuugnay sa coma. Ang

Coma ay isang pagkawalang-malay kung saan ang tao ay nagpapahinga. Ang

pagtulog ay esensyal para sa normal at maayos na paggalaw ng katawan ng tao.

Ito ay isang komplikadong physiological phenomenon na maging mga siyentista

ay hindi maintindihan.

Sino ang mga mas posibleng magkaroon ng Insomnia ?

Bihira sa atin ang nagkakaroon ng problema sa pagtulog. Pero merong

ibang mga tao ang nakakaranas ng malubhang problema sa pagtulog kaysa sa

iba. Alamin natin kung sino ang mga taong maaaring magkaroon ng sakit na

Insomnia.

Halos nasa 40 hanggang 60 porsiyento ng matatanda (edad 60 pataas)

ang nakakaranas ng insomnia dahil sa mga iba’t-ibang problemang medical at

dahil na din sa paggamit atp ag-inom ng iba’t-ibang gamot. Mula sa edad na 16

hanggang 50, ang mga lalake ay nawawalan ng halos 8 porsiyento ng kanilang

kabuuang pagtulog. Ang mga babae naman ay doble sa mga lalake sa

Page 15: Pananaliksik Sa Filipino

15

pagkakaroon ng insomnia na maaaring maging dahilan ng pagbaba ng mga

hormones sa katawan dahil sa menstruation, pagbubuntis at menopause.

Nasa 51 porsyente sa mga balisadong tao ang mayroong insomnia.

Nasa 90 porsiyento naman ng mga taong depressed ang may insomnia. 56

porsiyento naman ang mga taong nagtatrabaho ang nakakaranas ng isa sa mga

klase ng insomnia kada linggo at nasa 40 hanggang 40 porsiyento ng mga bata

ang hindi nakakatulo ng tama sa oras. Sa mga edad 13 hanggang 19 o mga

teenagers, dahil sa pagiging busy sa pag-aaral, hindi pagtulog ng maaga at hindi

tamang pagkain ang nagiging sanhi sa kanila ng pagkakaroon ng insomnia.

BANYAGANG PAG-AARAL

Ang Insomnia o kawalan ng tulog ay isang karaniwang problema na

nakababawas sa iyong enerhiya at nakasasama sa iyong kalusugan at

kakayahang magtrabaho sa umaga. Maaari ding magdulot ng malalang

problemang pangkalusugan ang chronic insomnia. A ng simpleng pagbabago ng

iyong pamumuhay at mga nakagawian ayu makatutulong upang malunasan ang

iyong insomnia.

Ang pagtulog ay isa sa mahahalaga at likás na gawain na kinakailangan

ng tao sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Sinasabing ang pagtulog ay

napakasensitibong tungkulin ng katawan dahil sa pisikal at iba pang sanhi na

humahadlang sa tao na magkaroon ng masarap na pahinga.

Page 16: Pananaliksik Sa Filipino

16

Tumutulong ang pagtulog upang mapasigla ang pag-iisip at katawan at

nang maibalik ang nawalang lakas na kinokonsumo sa loob ng maghapon.

Kailangan ito upang mapanatili ng tao ang pagiging alerto sa pang-araw-araw na

ginagawa.

Habang natutulog, pumapasok ang tao sa paulit-ulit na estado ng

paghimbing. Humihinto ang kamalayan pansamantala upang mabigyan ng

kalayaan ang katawan na makapagpahinga.

Ang utak ng tao ay may bilang ng kani-kaniyang gawain, estruktura, at

sleep centers na pumapailalim sa siklo ng pagtulog at paggising. Ang katawan ay

gumagawa ng mga sustansiya na kapag sumama sa daluyan ng dugo ay

nakapagpapaantok sa sinuman. Kapag ang prosesong ito ay nabago, dahil sa

pagod, pag-aalala, gulo, at pisikal na pagkakasakit, maaaring maranasan ang

insomnia.

Base sa mga nakalap na datos ng laboratoryo ni Dr. Scammell,

napagbigyan-alamna ang pagtulog ay may epekto sa ating pisikal at mental na

kalusugan, at ito ayesensyal para sa ating normal functioning sa lahat ng sistema

ng ating katawan,kasama ang immune system. Ang epekto ng pagtulog sa

immune system aynagbubunga ng paglaban at makaiwas sa mga sakit. Sa tao,

naipakita na angmetabolic activity ng utak ay nababawasan pagkatapos ng 24 na

oras sa atingpaggising.

Para gumana ng maayos ang nervous system ng isang tao, kailangan ng

bawat isang pagtulog.Ayon nga sa sinabi ni Gian Magapuro, isa sa mga taga-

Page 17: Pananaliksik Sa Filipino

17

tugon, kaya niya mas gusto matulog sa gabi, dahil sa ganito siyapinalaki at

nasanay. Kahit wala siyang masyadong maisip na madaming epekto sa hindi

pagtulog sa gabi, ang pinaka nararamdaman niyang epekto ay pagkahilo.

Pinatunayan ito ng laboratoryo ng National Institute of Health o NIH nanagsabing

ginagawang drowsy nito ang isang tao at hindi ito makapagconcentratena

sususunod na araw. Ito ay nagdudulot din ng memory impairment,

physicalperformance at binabawasan ang abilidad na gumawa ng

mathematicalcalculations. Ito ay ang mas kilalang tawagin na Sleep Deprivation

sa ingles.

Dagdag dito, pag nagpatulog ang sleep deprivation, maaaring magkaroon

angisang tao ng hallucinations at mood swings.Ang pagtulog ay may ibat’ ibang

estado ng buhay at ang mga sanggol ay maypinakamaraming oras ng pagtulog

sa lahat ng age group. Ang kanilang oras ngpagtulog ay maaaring ihati sa

madaming bahagi. Sa mga bagong panganak nabata, ang total sleep duration

nila sa isang araw ay 14-16 na oras. Sa pinakaunangbuwan ng kanilang

pagkabuhay, ang oras ng kanilang pagtulog ay nababawasan;sa edad na 5-6 na

buwan, ang kanilang pagtulog ay nangyayari sa overnightperiod mula sa isang

idlip sa isang araw.

Sa mga matatanda, ang pagtulog sa 8-8.4 na oras ay masasabing fully

restorative.Sa ibang kultura, ang totalidad ng pagtulog ay hinahati sa overnight

sleep period ng 6-7 na oras at ang pag-idlip ng 1-2 oras. Ang iba ay maaaring

kailangan ng konting tulog katulad ng 5 oras o sa pinakamahaba na 10 oras

araw-araw. Ang kahabaan ng oras ng pagtulog ng isang tao ay depende din

Page 18: Pananaliksik Sa Filipino

18

kung siya ay may pangit na kalagayan sa kanyang pagtulog sa mga nakaraang

araw. Ang konting pagtulog ang nagkakaroon ng “sleep debt”. Itong debt ay

kailangang i-adjust sa pamamagitan ng pagtulog ng mahabang oras sa mga

susunod na araw. Ang mgataong natutulog ng konting oras ay may sakit

sajudgement at reaction time. Ang tao na nasasama sa hanay naman ng old age

ay natutulog ng magaan at samaikling oras lamang habang sila ay tumatanda.

Sa mga matandang-matanda na, ang oras na nagagamit sa stage III at IV ay

nababawasang ng 10-55% at ang oras sa stage II at tumataas ng 5% kumpara

sa kabataan, na nagpapakita ng overall na pagbawas ng total sleep duration at

ayon ito kay Dr. Jeanne Duffy.

Ngayon may mga ibang bagay na pwedeng baguhin ang balance ng

mganeurotransmitters at makakaapekto ito sa ating pagtulog at paggising. Ang

mga caffeinated drinks (halimbawa, kape) at mga gamot (halimbawa, diet pills)

ay nagsi-stimulate ng ibang bahagi ng utak at maaaring maging sanhi ng

mahirap na pagtulog. Maraming gamot na prescribed para gumaling ang

depresyon suppress ng REM sleep. Ang mga taong naninigarilyo ay madalas na

matulog ng magaan at nababawasan ang REM sleep nito. Ang mga taong

mabigat magyosi ay maaaring gumising pagkatapos ng 3-4 na oras sa pagtulog

dahil sa nicotine withdrawal. Ang ibang taong may insomnia ay maaaring

gumamit ng alcohol. Maaaring ang alcohol ay makatulong sa magaan na

pagtulog ng tao, nakakabawas naman ito sa kanilang REM sleep at mas malalim

at more retorative ang kanilang estado ng tulog. Bagkos, nilalagay sila sa mas

magaan na mga estado ng tulog kung saan makakagising sila agad.

Page 19: Pananaliksik Sa Filipino

19

MGA URI NG INSOMNIA

1. Pansamantalang insomnia. Tumatagal ito mulang isang gabi hanggang

ilang araw. Karaniwang sanhi nito ang pansamantalang pagbabago sa

buhay ng tao, gaya ng pagbibiyahe, pagpapalit ng iskedyul, pagkabalisa, o

pakikipagtalo.

2. Magaang insomnia. Ang pinagmumulan nito ay pisikal na pagkakasakit, o

mga sandali ng stress na batay sa mga pangyayari. Tumatagal ito nang

tatlong Linggo.

3. Paulit-ulit na insomnia. Para sa mga espesyalista, ito ang tinatawag na

tunay na sleep disorder. Nararanasan ito halos kapag gumabi, nagbibigay

ng labis na pagtitiis o paghihirap, at tumatagal nang hanggang isang buwan

o mahigit pa (minsan ay ilang taon).

MGA SINTOMAS NG INSOMNIA

1. Panimula. Mahirap humanap ng tulog; ito ang pinakakaraniwang sintomas.

2. Paputol-putol. Madalas na paglalakad tuwing gabi at hirap na makabalik

muli sa pagtulog.

3. Malubha. Hindi karaniwang gising at kawalan ng kakayahan na muling bumalik

sa pagtulog.

MGA SANHI NG INSOMNIA

Ang pagpupumilit na makatulog kapag ikaw ay napapagod at ang hindi

pagkakatulog ay isang malaking kaparusahan. Hindi kinakailangang magkaroon

Page 20: Pananaliksik Sa Filipino

20

ng paulit-ulit na insomnia; o kaya'y maghanap ng mga paraan kung paano

magkakaroon ng masarap at mapayapang pagtulog. Maraming bagay ang

maaaring gawin upang labanan ang di-pagkatulog.

Maraming sanhi kung bakit nakararanas ng insomnia:

1. Stress. Kapag ikaw ay binabagabag ng mga personal na problema at

kabiguan.

2. Uri ng pamumuhay. Pagbabago sa oras ng pagtulog, pagpupuyat, problema

sa trabaho, jet lag, pagdiriwang at parti, at matagal na pagkakaidlip sa hapon;

3. Mga salik sa kapaligiran. Ingay o kaguluhan sa paligid, kama o higaang di-

komportableng tulugan, masyadong malambot na kutson, matigas na unan,

sobtang liwanag na ilaw, at sobrang init o sobrang lamig, ang ilan sa mga sanhi

ng di-pagkakatulog ng tao.

4. Malabis na pagkain o pag-inom. Ang pagkain ng mataas sa saturated fats

(taba) bago matulog, ang at pag-inom ng alkohol o pampagising ay

makadaragdag sa hindi mapayapang pagtulog.

5. Ugali sa gabi. Pagbabasa, pakikinig ng musika, panonood ng telebisyon, o

kapag may iba pang gawaing pampagising.

6. Labis na ehersisyo at labis na pagkalampa. Ang pag-eehersisyo bago

matulog ay maaaring maging dahilan ng insomnia.Sa kabilang banda, kapag

walang sapat na ehersisyo ay maaari ding maging dahilan ng hirap sa pagtulog.

Page 21: Pananaliksik Sa Filipino

21

7. Psychological problems. Depresyon, pagkabalisa, bipolar disorder, chronic

stress at post traumatic stress disorder

8. Medication o gamot. Mga gamot para mabawasan ang depresyon o anti-

depressant, gamot sa sipon o trangkaso na may sangkap na alcohol, gamot sa

sakit ng katawan na may sangkap na caffeine (midol,excedrin) at gamot sa

altapresyon o high blood pressure

9. Sleep disorders. Paghilik o paghagok, narcolepsy, pamamanhid o

pangingimay ng paa

10. Medical problems. Hika, allergies, sakit sa bato o kidney stones at

malulubhang sakit

Ang ilang mga bagay na ginagamit natin upang malabanan ang insomnia

ang sya pang lalong nakakapagpalala pa nito. Halimbawa, ang pag-inom ng alak

o pampatulog ay maaaring makasira sa oras na kinakailangan ng iyong pagtulog

at maaaring maging pangmatagalan ang epekto nito. Kung umiinom ka naman

ng sobrang dami ng kape sa isang araw ay magiging mas mahirap makatulog sa

gabi. Madalas ang mga pagbabago sa mga naging kagawian ang makakatulong

upang malabanan ang inomnia at magkaroon ng maayos na tulog. Kailangan mo

lang sanayin ang iyong sarili sa mga pagbabagong ito at kapag nasimulan mo ito

ay tiyak na makakatulog ka na ng maayos at mahimbing.

Page 22: Pananaliksik Sa Filipino

22

LOKAL NA LITERATURA

PAPAANO MAGAGAMOT ANG INSOMNIA O HIRAP MAKATULOG?

Kung ang sanhi ng insomnia ay natukoy, maaaring magamot ang sakit

sa pag-iwas sa sanhing ito. Maaari ding may baguhin sa sleeping habits

sapagkat maaari ding ito ang dahilan ng hirap sa pagtulog. Kung hindi pa rin

umepekto ang mga hakbang na ito, ang doktor ay maaaring magrekomenda ng

ilang behavioral therapy na makakatulong sa pagtulog. Layunin ng therapy na ito

na ituro sa pasyente ang mga tamang sleeping habits o ang mga dapat at hindi

dapat gawin bago matulog. May ilang relaxation therapy din na itinuturo na

makakatulong sa mas mahaba at malalim sa tulog.

Maaaring din namang magreseta ang mga doktor ng sleeping pills o gamot

pampatulog na makakatulong sa pagpapahimbing ng pagtulog. Ilan sa mga

gamot na maaaring i-reseta ay ang zolpidem, eszopiclone, zaleplon or

ramelteon.

MABISA BANG PANGONTRA SA INSOMNIA ANG MGA SLEEPING PILLS?

Bagama’t makatutulong ang mga sleeping pills o mga gamot na

pampatulog sa pagpapahimbing ng tulog, hindi ang pag-inom nito ang

pangunahing solusyon na pinapayo ng mga doktor sa pasyente. Tandaan na ang

mga sleeping pills ay maaaring makapagdulot ng ibang epekto sa katawan gaya

ng problema sa pag-ihi at pagiging antukin sa araw.

Page 23: Pananaliksik Sa Filipino

23

Tips para maging mahimbing ang Tulog

MAHIRAP ang hindi makatulog. Ang bawat tao ay kailangan ng 6 hanggang 8

oras ng tulog. Ito ang mga payo ng mga eksperto para makatulog:

1. Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog.

2. Kumain ng masustansya at tama.

3. Magkaroon ng regular na ehersisyo.

4. Umiwas sa pag-inom ng kape.

5. Umiwas din sa pag-inom ng alak.

6. Umiwas sa paninigarilyo.

Maliban sa mga payong ito, mayroon pa akong karagdagang tips para maging

mahimbing ang iyong tulog:

7. Subukan ang Melatonin. Ayon kay Dra. Rebecca Castillo, ang melatonin ay

nakatutulong sa pagtulog at nagpapalakas ng ating immune system.

8. Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong

din sa pagtulog.

9. Huwag masanay sa sleeping pills. Puwedeng uminom ng sleeping pills

paminsan-minsan. Huwag itong araw-arawin dahil mawawalan ito ng bisa. Mas

safe ang Melatonin inumin araw-araw.

10. Pagurin ang iyong katawan. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng

manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.

Page 24: Pananaliksik Sa Filipino

24

11. Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag

nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang

iyong tulog sa gabi.

12. Mag-meditate, mag-relax o makinig sa musika. Magpamasahe at maligo ng

maligamgam na tubig. Masarap diba?

13. May tulong ang sex sa gabi. Ayon sa pagsusuri, nakatatanggal ng stress ang

pagtatalik. Nagiging mahimbing din ang pag-tulog. Walang malisya po!

14. Kung hindi talaga makatulog ay humiga na lang sa kama at mag-relax. Kahit

hindi ka makatulog ay mare-relax naman ang iyong katawan.

15. Mag-isip ng hindi importanteng bagay para malibang ang isipan. Maya-maya

ay aantukin ka na.

16. Magdasal. Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas

nito.

Magdasal ng ganito: “Diyos ko, naging maganda ang araw natin ngayon. May

mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako

at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko

na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masa-

ya, magagawa ko na po ang pinagagawa mo sa akin. Amen.” Good luck sa iyong

pagtulog!

BANYAGANG LITERATURA

Page 25: Pananaliksik Sa Filipino

25

Sa panahon ngayon kung saan ang mga tao ay subsob sa pagtatrabaho

at sa mga taong puspusan ang paggawa para maabot ang mga iba’t-ibang

pangarap sa buhay, ang pagtulog ang pinakaimportante at pinakamahalagang

bagay. Maraming mga tao ang nakakatulog lamang ng hindi lalagpas sa lima

hanggang anim na oras sa gabi kahit na ang mga sinasabi sa mga isinagawang

pag-aaral na ang dapat na maging pagtulog ay pito o walong oras.

Ang pagkakaroon ng insomnia na tumatagal ng araw hanggang linggo ay

nakakaapekto sa mahigit 50 porsiyento ng mga nasa tamang edad at ang

insomnia naman na tumatagal ng halos anim na linggo ay maaaring maka

apekto ng 10 hanggang 15 porsyento ng kabataan.

Ang insomnia ay maaaring kahirapan sa pagtulog o pananatiling gising

sa oras ng pagtulog. Ang mga ito ay nagdudulot ng maraming problema sa taong

nakakaranas nito. Ang iba sa mga hindi magandang dulot nito ay ang labis na

pagkapagod, pagiging iritable at kawalang ng pokus at konsentrasyon sa

ginagawa.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Insomnia – karamdaman na kung saan ang isang tao ay hirap sa pagtulog o

hindi makatulog

Sleep disorder – mga karamdaman sa pagtulog gaya ng sleep apnea,

narcolepsy at iba pa.

Page 26: Pananaliksik Sa Filipino

26

Stress – dulot ng mga kabagabagan, problema at suliranin sa buhay

Sleep centers – ito ang mga parte ng utak na responsible sa pagiging gising o

kaya naman ay pagiging tulog

Sleep Deprivation –isang kondisyon kung saan hindi sapat ang kinakailangan

oras ng pagtulog

Sleep Debt –kaunti o napaikling pagkatulog

Neurotransmitters - ay mga kemikal na nagpapadala ng mga signal mula sa

isang neuron sa ibang neuron. Ang neurotransmitter ay nakabalot sa isang

besikulong sinaptiko na tinipon sa ilalim ng membrano sa presinaptikong bahagi

ng isang sinapse, at inilabas sa synaptic cleft(pagitan ng axon at dendrite), kung

saan sila kumakapit sa mga reseptor ng ibang neuron sa postsinaptikong bahagi

ng sinapse nito.

Coma - pagkawalang-malay kung saan ang tao ay nagpapahinga.

Chronic Insomnia – malalang insomnia

Immune System – Ang sistemang imyuno o sistemang panlaban o sitemang

pangsanggalang o sistemang pananggalang (Ingles: immune system) ay isang

kaluponan ng mga mekanismong nagbibigay proteksiyon laban sa

mga karamdaman sa pamamagitan ng pagkilala at pagpatay sa mga patohen at

mga selulang lumilikha ng mga bukol.

Nervous System - Ang sistemang nerbiyos ng isang hayop ang nagsasabi ng

mga aktibidad ng mga muskulo, minamasid ang mga organo, binubuo at

Page 27: Pananaliksik Sa Filipino

27

pinoproseso ang mga nakuhang impormasyon mula sa mga pandamdam, at

sinisumlan ang mga aksiyon. (tignan Sentro ng Sistemang Nerbiyos).

Sa mga hayop na may utak, nagbubunga ang sistemang nerbiyos ng mga

emosyon at isipan. Sa gayon, ito ang sistema na nagpapagalaw sa mga hayop

(maliban sa mga espongha).

KABANATA 3

Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan at

instrumentong ginamit upang malikom at mapag aralan ang mga datos na

magbibigay kasagutan sa paksa ng thesis na ito.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay deskriptibo. Ito ang

pinaka epektibong paraan upang malaman ang katotohanan at napag aralan ang

tungkol sa sakit na Insomia at makuha ng mga aktwal na datos ukol dito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Gumamit ng mga talatanungan ang mga mananaliksik upang mas

mapabilis at mas maging mabisa ang pagkuha nila ng impormasyon tungkol sa

sakit na insomia. Sa pamamagitan nito nasuring mabuti ang mga datos na

kakailanganin sa pag aaral.

Page 28: Pananaliksik Sa Filipino

28

PAGKUHA NG SAMPOL NG POPULASYON

Ang pamamaraang ginamit sa pagkuha ng sampol ng populasyon ay

convenience sampling. Malaya ang respondente na tumugon sa mga sarbey na

ikinalat ng mga mananaliksik. Ang mga sumagot din ay random at walang

partikular na kahanayan.

MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente ay binubuo ng mga ibat- ibang residente ng

Lungsod ng Quezon na babae at lalake, edad 15 hanggang 25 taong gulang.

Ang mga sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng demograpikong propayl

ng mga napiling respondente.

TALAHANAYAN BLG.1

PAGKAKAHATI HATI NG MGA RESPONDENTE BATAY SA KANILANG

EDAD

EDAD FREQUENCY FREQUENCY

15-18 40 80%

19-22 5 10%

23-26 5 10%

KABUUAN 50 100%

Page 29: Pananaliksik Sa Filipino

29

Ipinapakita sa taas ang pagkakahati hati ng mga taga tugon batay sa kanilang

edad. Sa unang hanay nakatala ang mga respondente na edad 15 hanggang 18

taong gulang na may frequency na 40 o porsyento na 80. Ikalawa, may mga

respondente na edad 19 hanggang 22 taong gulang na may frequency na 5 o

porsyento na 10. panghuli ay ang mga respondente na edad 23 hanggang 25

taong gulang na may frequency na 5 o poesyento na 10. Ang kabuuang bilang

ng mga respondente batay sa kanilang edad ay may frequency na 50 o

porsyento na 100.

TALAHANAYAN BLG.2

PAGKAKAHATI HATI NG MGA RESPONDENTE BATAY SA KANILANG

KASARIAN

KASARIAN FREQUENCY FREQUENCY

BABAE 26 52%

LALAKE 24 48%

KABUUAN 50 100%

Pinapakita sa itaaas ang pagkakahati hati ng mga respondente batay

sa kanilang kasarian. Sa unang hanay, makikita ang bilang ng mga babae na

may frequency na 26 o porsyento na 52. Sa ikalawang hanay, makikita naman

ang bilang ng mga lalake na may frequency na 24 o porsyento na 48. Ang

kabuuang bilang ng mga respondente batay sa kanilang kasarian ay may

Page 30: Pananaliksik Sa Filipino

30

frequency na 50 o porsyento na 100.

PAGSUSURING ISTADISTIKA NG MGA DATOS

Matapos makalap ang mga tala tanungan ay tinala ng mga

mananalksik ang mga nakalap na datos gamit ang tally sheets at nilagay ito sa

mga talahanayan upang mas maintindihan ng maigi ang mga datos.

OPSYON DEPINISYON MEAN

5 Lubos na sumasang-

ayon na nakakaranas

sila ng insomnia

4.50 to 5

4 Sumasang-ayon na

nagkaroon na sila ng

insomnia

3.50 to 4.49

3 May kaunting pagsang-

ayon

2.50 to 3.49

2 Di sumasang-ayon 1.50 to 2.49

1 Lubos na di sumasang-

ayon

1.00 to 1.49

Page 31: Pananaliksik Sa Filipino

31

RESULTA NG SARBEY

PANANALIKSIK TUNGKOL SA KAHIRAPAN SA PAGTULOG SANHI NG

INSOMNIA

Porsiyento ng mga respondente na may problema sa pagtulog

Respondente OO % HINDI %

50 26 57.5 24 42.5

Ipinapakita sa itaas ang bilang at porsiyento ng mga respondente na nagsabi na

sila ay nakakaranas ng problema sa pagtulog gaya ng paputol-putol na pagtulog

sa gabi.57.5 % ang nagsasabing oo at 42.5 % ang nagsabing hindi

Porsiyento ng mga respondente na nagigising sa kalagitnaan ng gabi

Respondente OO % HINDI %

50 17 35 38 65

Ayon sa talahanayan, 35 porsiyento sa mga respondent ay nagigising sa

kalagitnaan ng gabi mga bandang alas 10 at 12 ng hating gabi.

Porsiyento ng mga respondente na napakaagang nagigising

Respondente OO % HINDI %

50 32 72.5 18 27.5

Page 32: Pananaliksik Sa Filipino

32

Ang talahanayang ito ay nagpapakita na 72.5 porsiyento ng mga respondente ay

nagigising sa pagitan na alas tres at alas kuwatro ng umaga

Porsiyento ng respondente na tumugon sa tanong na “kapag ikaw ay

nagigising sa kalagitnaan ng gabi o napakaaga sa umaga,

nagkakaproblema ka ba sa pagbalik sa pagkakatulog?”

Respondente OO % HINDI %

50 21 52.5 19 47.5

Ayon dito, mas higit ang nakakaranas ng kahirapan sa pagbalik sa pagkakatulog

sa tuwing sila ay nagigising sa lakagitnaan ng gabi o kaya naman ay sobrang

aga sa umaga

Porsiyento ng mga respondent sa tanong na “Depressed ka ba madalas?”

Respondente OO % HINDI %

50 14 35 26 65

35 % sa kanila ay sumagot ng oo at 26 % naman ang sumagot ng hindi

Porsiyento ng mga respondent na nagsasabing sila ay nakakaranas ng

labis na pagkapagod pagkatapos ng kanilang pagtatrabaho

Respondente OO % HINDI %

50 31 57.5 19 42.5

Page 33: Pananaliksik Sa Filipino

33

Marami sa mga tumugon ay oo dahil sa dami ng kanilang ginagawa sa trabaho o

kaya sa pag-aaral gaya ng mga school papers, pag-aayos ng mga dokumento at

ilang mabibigat na Gawain.

Porsiyento sa tanong na “Madalas ka ba sa pag-inom ng alak?”

Respondente OO % HINDI %

50 26 57.5 24 52.5

Ayon sa kanila, madalas sila umiinom para mas madali silang makatulog sa gabi

at para daw makalimot sa mga personal nilang problema sa buhay

Porsiyento ng mga respondente na iniisip na meron silang insomnia

Respondente OO % HINDI %

50 26 57.5 24 52.5

Marami ang sumagot ng oo dahil sabi nila ay hindi na ito naaalis sa pang araw-

araw na buhay nila, Ang kahirapan sa pagtulog.

Page 34: Pananaliksik Sa Filipino

34

PANANALIKSIK TUNGKOL SA KAHIRAPAN SA PAGTULOG SANHI NG

INSOMNIA

Pangalan:

Edad:

TANONG OO HINDI

1. May problema ka ba sa pagtulog sa gabi?

2. May mga pagkakataon ban a ikaw ay nagigising sa

kalagitnaan ng gabi?

3. Minsan ba ay napakaaga mong magisin sa pagitan ng

alas 3 at alas 4 ng umaga?

4. Kapag ikaw ay nagigising sa kalagitnaan ng gabi o

napakaaga sa umaga, nagkakaproblema ka ba sa

pagbalik sa pagkakatulog?

5. Depressed ka ba madalas

6. Nakakaranas ka ba ng labis na pagkapagod pagkatapos

ng pagtatarabaho?

7. Madalas ka ba sa pag-inom ng alak

8. Sa tingin mo, ikaw ba ay may insomnia o sakit na

kahirapan sa pagtulog?

Page 35: Pananaliksik Sa Filipino

35

STATISTIKAL NA PORMULA

Ginamit ng mga mananaliksik ang dalawang pormula sa pag interpret ng mga

datos.

WEIGHTED MEAN

Kabuuang frequency at ang katumbas na bilang ng baryabol na hinahati sa

kabuuang bilang ng frequency

PORMULA:

Kung saan:

f = frequency

x = rank

n = bilang ng respondente

PERCENTAGE

PORMULA: P= r/n*100

Kung saan:

P = percentage

r = rate

n = bilang ng responde

Page 36: Pananaliksik Sa Filipino

36

BIBLIOGRAPIYA

AKLAT :

1. Jacobs, Gregg . Say Goodnight to Insomnia. New York : Henry Holt and

Co., 1866

2. Johanssohn J.R. The Night Walkers. New York : Flux. June 8, 2013

3. Wilson, J.F. Is sleep the new vital sign ? Annals of Internal Medicine. 2005 ;

142(10) : 877-880

INTERNET :

http://health.yahoo.com/centers/sleep/disorders/_114.ehealthMD.com. 2005

http://en.wikipedia.org/wiki/Insomnia

http://www.helpguide.org/articles/sleep/cant-sleep-insomnia-treatment.htm

http://www.webmd.com/sleep-disorders/guide/insomnia-symptoms-and-causes

http://www.minddisorders.com/Flu-Inv/Insomnia.html