25
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Mga Abala at Aksidente sa Kalsada”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011 Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges: _____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)

Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAYBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

pinamagatang, “Mga Abala at Aksidente sa Kalsada”. Inihanda at

iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si

Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus

ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at

inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan

sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

_____________________________Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

Page 2: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

PASASALAMATPASASALAMAT

Sa aking pagsisikap na magampanan at matupad ang pagtapos ng

pananaliksik na ito bilang bahagi ng aking ika-apat na taon sa mataas na

antas, pinasasalamatan ko ang mga sumusunod na tumulong, gumabay,

sumuporta at walang alinlangang magbigay ng opinyon sa ikabubuo ng

proyektong ito:

Sa Diyos na aking pinanaligan sa aking mga gawain. Sa aking Ina at Kuya na

nagbigay ng mga materyal, ideya at inspirasyon para makapagsimula at

tumulong sa pagbuo. Sa kay Bb. Jessilyn D. Ranges na walang sawang

gumabay at sumuporta sa aking paksa; sa kamodernohang pamaraan ng

pananaliksik sa internet at sa medya; sa mga kaklase ko na nagbibigay ng

suhestiyon para sa kaayusan nito.

Maraming salamat.

Page 3: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. SAKLAW AT LIMITASYON

D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

Page 4: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

Page 5: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

A. INTRODUKSYON

Karamihan sa nagaganap na mga abala sa kalsada sa Metro Manila ay

dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa kakulangan ng kaalaman ng

mga tsuper sa pampublikong sasakyan tulad ng dyip, taxi, bus at FX sa

Metro Manila. Ito ay maaaring may kinalaman sa pagkakaroon ng aksidente,

kaligtasan sa kalsada at pag-iwas sa pagkakaroon ng aksidente. Sabay sa

paglaki ng populasyon at pagdami ng sasakyan ay ang pagtaas ng dami ng

trapiko at aksidente. Ang pagtaas ng antas ng mga abala sa kalsada ay

proporsyonal sa pagtaas ng antas ng aktibidad ng mga sasakyan at

pasahero lalong-lalo na sa Metro Manila. Ang pampublikong sasakyan ay

ang may pinakamaraming bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at dahil dito,

masasabi na sila ang nagdudulot ng malaking porsyento ng mga abala sa

kalye bunga ng pagsuway sa batas trapiko. Ito ay nais patunayan sa

pananaliksik na ito.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may layuning matanto at mapatunayan na

malaking porsyento ng nagdudulot ng abala sa kalsada ay ang hindi sapat na

kaalaman ng mga drayber ng pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Layunin din nitong mailahad ang mga paglabag na kadalasang ginagawa ng

mga drayber ng pampublikong sasakyan upang mabigyan ito ng pansin at

makapagbigay ng karapatang solusyon upang maiwasan o mabawasan ang

mga pangyayayring ito.

Nais din nitong mabigyang kaalaman ang publiko ukol sa tamang

pagsunod ng mga alituntunin at batas trapiko. Kabilang din ang

makapagbigay ng kapaki-pakinabang na mungkahi upang mabawasan at

maiwasan ang mga nagaganap na mga abala sa kalsada.

Kung maisakatuparan ang mga layuning ito, ang mga kaalaman at

Page 6: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

impormasyon sa pananaliksik na ito ay makatutulong sa solusyon o paraan

upang maiwasan at mabawasan ang abala sa kalye habang ipinatutupad

nang tama at patas ang mga batas trapiko. Ito rin ay makapagbibigay-

kaalaman sa publiko lalo na sa mga pasahero ng mga pampublikong

sasakyan gaya ng mga naghahanap-buhay at mga mag-aaral.

C. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkilala, pagbibigay at

paggawa ng kabuohang sitwasyon at makabuluhang impormasyon at datos

sa kasalukuyang kaganapang aksidente sa kalsada lalo na sa Metro Manila.

Ang mga nakalap na impormasyon sa panananaliksik na ito ay galing sa

pansariling obserbasyon, opinyon at datos galing sa internet.

D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagtaas o pagdami ng kaganapang

aksidente sa kalsada sa Metro Manila, ang dulot ng mga aksidenteng ito, at

ang paghanap ng konkretong solusyon sa maaaring pag-iwas o mabawasan

man lang ang laganap na suliranin. Maraming batas at alituntuning

pangkalye ang naisasantabi o hindi alam ng mga drayber, mga ordinaryong

mamamayan, at maging ng mga kapulisang pangkalye.Ang mga nakalimbag

na batas at alituntunin ay upang mapanatiling maayos ang kalagayan ng

daloy ng trapiko sa Metro Manila, at upang maiwasan ang aksidente, trapiko,

at krimen sa kalye. Ngunit, ilan dito ay hindi na nasusunod dahil karamihan

sa mga mamamayan ay hindi ito alam.May karampatang parusa at multa sa

bawat pagsuway sa batas trapiko. May ahensyang, katulad ng Opisina ng

Kalupaang Transportasyon, naatasan upang maisakatuparan ang mga batas

at alituntuning ito at magbigay ng karapatang parusa sa pagsuway.

Page 7: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Page 8: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

Sa datos ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System,

bumaba umano ng 18% ang aksidente sa mga kalsada mula Enero hanggang

Mayo 2010. Mula sa 24,417 aksidente na naitala sa parehong buwan noong

2009, nakapagtala ang ahensya ng 20,151 aksidente kung saan nangunguna

ang sangkot ang mga motorsiklo.

Nangunguna pa rin sa bilang ng mga aksidenteg naganap ang Quezon

City kasunod ang Maynila, habang ang bayan ng Pateros ang pinakamaliit

kasunod ang Navotas City. Ikinatwiran naman ng MMDA na ang Quezon City

ang may pinakamalawak na lupain at sakop ang pinakamalaking kalsada

tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue at Quezon Avenue na nangngunang

mga kalsada sa aksidente. Pinakamaliit na "land area" naman ang sakop ng

Pateros at walang malalaking kalsada.

Nangunguna sa mga dahilan ng aksidente ang "human error" kabilang

ang "over speeding", kawalang atensyon, "overtaking" at hindi pagsunod sa

mga "traffic signs". Sa kabila nito, patuloy pa ring nananawagan ang MMDA

sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko at maging alerto sa kalsada

upang mapababa pang lalo ang istatistika sa aksidente. Pinaalala ng MMDA

lalo na sa mga motorsiklo na huwag magmameho kapag nakainom ng alak

at palagiang magsuot ng helmet na kung minsan ay binibitbit lamang

(Danilo Garcia, June 2010).

Mga leksyon na dapat nating matutunan sa kahit anong aksidente.

Una, lahat ay pwedeng maaksidente. Mag-ingat palagi sa pagmamaneho,

pagsakay ng mga pampasaherong sasakyan o paglalakad sa kalsada.

Ikalawa, walang ibinubungang mabuti ang matulin na pagmamaneho. Sa

matulin na pagmamaneho, inilalagay mo sa peligro hindi lamang ang buhay

mo at ng iyong pasahero kundi maging ang buhay at ari-arian ng ibang tao.

Ikatlo, hindi porke't berde na ang ilaw ay puwede ka nang tumawid.

Maraming drayber - lalo na sa hatinggabi - ang inaantok. Kaya naman

Page 9: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

malaki ang posibilidad na hindi sila agad makahinto. Lumingon muna sa

magkabilang bahagi ng tatawirang kalsada bago paandarin ang sasakyan.

Ikaapat, huwag nang magmaneho kung pagod, lasing o inaantok. Panghuling

payo, magdasal muna bago magbiyahe (Junep Ocampo, November,

2007).

Page 10: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Page 11: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

A.DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatiba kung saang

inilalahad ang mga sanhi at dulot o epekto ng mga aksidente sa kalsada. Sa

pamamagitan ng pananaliksik, ito ay nagbibigay ng kalinawan, kaalaman at

solusyon sa anumang paksang tinatalakay.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga repondente sa pananaliksik na ito ay may sapat na kaalaman

sa tinatalakay na paksa ukol sa mga aksidente sa kalsada. Kasama na rin

ang ordinaryong mamayan na siyang bumubuo ng ating lipunan.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Sa pamamagitan ng libro, artikulo, medya at lalo na sa internet,

nakapangangalap ng pangangailangan impormasyon upang ang pananaliksik

na ito ay mabuo - serbey sa publiko ukol sa kaalaman nila sa kalye, panayam

sa mga awtoridad sa kaalaman ukol sa kalye at ang pagsubok na sumakay

sa pampublikong sasakyan.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang nilalaman ng proyektong ito ay bumabase sa nakalap na datos

galing sa instrumentong pampananaliksik.

Page 12: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 13: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

Kadalasang Nagaganap na Pagsusuway sa Trapiko (NCR Pangkataonang

Serbey 2004)

Mga Pagsuway Kaganapan Porsyento

Ang hindi pagpansin sa Traffic Sign 18,196 21%

Obstraksiyon 18,056 20%

R.A. 8750 Paggamit ng sinturong pangkaligtasan 16,393 18%

Hindi maayos na Ilaw 10,908 12%

R.A. 8749 Smoke Belching 10,754 12%

Hindi maingat na pagmamaneho 6,811 8%

Sobrang karga 2,780 3%

Colorum Operation 1,723 2%

Ilegal na pa overtake 1,703 2%

Ang hindi pagbibigay daan sa sasakyang pulisya,

pansunog at ambulansiya 1,440 2%

Upang maging mas mabisa at kapaki-pakinabang ang pananaliksik na

ito ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng panayam sa isang opisyal ng

MMDA-TOC at pati na rin sa dalawang taxi drayber, ilang serbey ang ginawa

mula sa mga pasahero ng iba't ibang pampublikong sasakyan at

pangangalap ng datos na may kinalaman sa daloy ng trapiko sa Metro Manila

at isang artikulo na tungkol sa naging pag-aaral ng Japan International

Cooperation Agency (JICA).

Ayon kay Direktor Angelito Vergel de Dios, "Kadalasan talaga ng mga

nagdudulot ng trapiko ay yung mga PUJ at PUV na yan... Well, wala naman

tayong magagawa diyan dahil for survival ang ginagawa nila... Marami

talaga sa kanila ang hindi alam ang tamang mga batas na dapat ding

sundin... Eh, para saan pa na maglalagay kami ng mga signs, hindi naman

nila binabasa o sinusunod. Naglagay nga kami ng mga timers at fences, hindi

rin nasusunod. Kaya naman napag-isipan nalang namin na maglagay nga

Page 14: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

kamera, actually, meron na kaming 51 na kamera na naka-install pero balak

naming mabalutan ang buong sakop namin ng 400 na kamera. Ito ay para

kahit wala kami mismo doon sa lugar kung saan nangyari ang violations,

alam pa rin ng mga drayber na 'yan nakita namin sila... Kung iisipin hindi

lamang mga drayber ang lumalabas sa batas kundi pati mga sibilyan...

Kasalanan din ng gobyerno kung bakit nagta-trapik... Kung hindi ba naman

kasi nila kinokonsinti yang mga bus sa edsa na dumoble ang dami kaysa sa

tamang limitasyon lang eh... Hindi sana nagkakaroon ng

gitgitan... Matigas din kasi yang ulo ng mga bus at dyip, sinabi nang walang

magbaba sa kanto, ganoon parin ang ginagawa nila... Kaya nga may babaan

o waiting shed kaming ginawa eh... Pero mas matigas yang mga

businessmen dahil dinagdagan nila ng mga waiting sheds for advertising

ayan kami ang nahihirapan... Pero talaga DISIPLINA talaga ang kailangan ng

mga drayber na yan eh..."

Mula naman sa napagtanungang drayber ng taxi na si Danillo Lagman,

"Alam niyo, kaming mga drayber ay nagtra-trabaho lang para sa kabuhayan

kaya hindi rin masisisi masyado kung bakit mayroong mga hindi talaga

sumusunod sa batas o nagmamaang- maangan dito..."

"... Hindi naman lahat ay ganyan, meron pa ring drayber na talagang

sumusunod sa batas, nasa disiplina lang talaga lahat... minsan kasi yung

pasahero ang pumipilit na bumaba sa gitna dahil masyadong malayo daw

ang susunod na babaan kaya nagkakaroon ng trapik...", sagot naman ni

Henry Enriquez.

Ayon naman sa serbey na itinanong sa mahigit tatlumpung katao na

pawang commuters ng iba't ibang pampublikong sasakyan, masasabing

nangunguna sa kanilang listahan ang pampublikong sasakyan, sumunod ang

mga taong tumatawid at huli ang pamahalaan sa mga dahilan ng "road

disturbances".

Page 15: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

Isa sa kanila ay pumayag na makipagusap, itago na lamang natin siya

sa pangalang Chen, "'Yang mga dyip na 'yan, ang bibilis magpatakbo ng

kanilang sasakyan at talagang nakikipag-unahan pa sila... Kung gaano sila

kabilis magpatakbo ganoon din sila kabilis magpreno... Minsan pa dahil may

nagbungguang dyip at bus muntikan pa akong ma-late sa pagpasok at hindi

makaabot sa exam ko... Tapos minsan pa sa sobrang tagal nila maghintay sa

isang lugar para sa pasahero nasasayang ang higit sa 20minutes ko..."

Sa mga iyan, unti-unti nang nabubuo ang kaalaman na hindi lamang

dahil road illiterate kundi sila mismo ay ayaw nilang sundin o kilalanin ang

batas dahil na din sa nais nilang makakuha man lang ng kikitain sa pang-

araw-araw.

Nabigyan din ng pansin na ayon kay Direktor de Dios ng MMDA-TOC,

ang mga paglabag na ito ay may pangkalahatang katawagan na

"obstruction". Ang mga dyip ay kadalasang nakagagawa nito dulot nga ng

pag-uunahang makapunta sa mga mataong lugar upang makakuha ng mas

maraming pasahero. Ginagawa nilang parang karerahan ang ating kalye na

talaga namang nakakadulot ng perhuwisyo sa lahat. Bagaman batid natin na

ang lahat ng ito ay bunsod lamang ng matindi nilang pangangailangang

pampinansyal at pangkabuhayan, nararapat pa rin na isaalang- alang nila

ang mga magiging epekto ng mga "obstructions" na ito. (Panayam nina

Abracosa, Anunciasion, Barcebal, Barza at Viundez).

Ang Pagbalangkas

____________ ____________

Publiko ____________ Pamahalaan ____________ Organisasyong

Pampublikong

Page 16: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

Sasakyan

___________ ___________

Pasahero ___________Ahensya ng___________ Pampublikong

Pamahalaan Sasakyan

Alituntunin at

____________ Batas Pangkalye _____________

Walang Wastong

________________ Kaalaman sa _________________

Batas Trapiko

Mga Abala at

Aksidente sa

Kalsada

Dahil sa pagdami ng populasyon sa Metro Manila, nagkakaroon ng

dahilan ang mga namamahala ng mga pampublikong sasakyan na

magdagdag ng mga sasakyan sa kalsada. May mga taong hindi

nakapagtapos ng pag-aaral na pinili na lamang magmaneho ng bus, dyip o

kaya ay taxi dahil mas madali itong mapag-aralan. Ang pamahalaan gumawa

ng mga ahensiyang maaaring magpatupad ng batas at mangangasiwa sa

sektor ng transportasyon. Ang mga ahensiyang ito ang

nagbibigay patakaran at mga regulasyon na kailangang sundin ng bawat

sasakyan at nagbabantay ng mga kalsada upang mapanatili ang kaayusan at

Page 17: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

maitala ang lahat ng mga nangyayari dito upang mapag-aralan. Ang pag-

aaral nito ay nakakatulong sa kanila upang makita ang problema at

malalapatan ng solusyon kaagad upang mapanatili ang kaayusan ng

kalagayan sa kalsada.

Bagamat may mga batas na ipinatutupad ang pamahalaan, hindi

mawawala ang mga lumalabag dito. Ang mga alituntunin at batas trapiko ay

madalas isinasantabi lamang ng mga drayber na nagiging dulot ng kanilang

pagiging walang wastong kaalaman sa mga batas trapiko, at nagdudulot ng

abala gaya ng trapiko at mga aksidente sa kalsada.

Page 18: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 19: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

A. LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang

pangkalsada ng ating basa lalo na sa Metro Manila, kung ano ang dahilan kung

bakit marami pa rin ang aksidente at gambala sa kalsada, ang eprkto nito. Sa

pananaliksik na rin makitaan ng mga solusyon ang mga kaganapang problema

sa paglalahd ng kanya-kanyang opinyon, proposisyon at kuro-kuro na

nanggagaling sa mga indibidwal na kinauukulan.

B. KONKLUSYON

Isang maklaking porsyento sa pagkakaroon ng mga abala sa kalsada ay

ang hindi sapat na kaalaman ng mga tao sa batas trapiko. Ito ay pinatunayan ni

Direktor Angelito Vergel de Dios sa isang panayam sa kanya. Hindi lamang mga

drayber ng mga pampublikong sasakyan ang siyang sapat sisihin dito, ngunit

masasabing sila pa rin sa mas malaking porsyento ang dahilan. Maaari rin isisi

sa mismong mga "commuters" o publiko ang ilan dito dahil maging sila ay hindi

marunong sumunod sa batas o ignorante sa mga sapat na regulasyon. Ang

pamahalaan ay kasangkot din dito dahil kung hindi nila hinahayaan ang mga

pasaway na drayber at commuters ay magiging maayos din sana ang lahat.

Samakatuwid, napatunayan na karamihan sa mga kaguluhan sa kalye ay dulot

ng hindi sapat na kaalaman ng mga brayber ng pampublikong sasakyan, mga

pasahero ng pampublikong sasakyan ay siyempre ng ating gobyerno.

C. REKOMENDASYON

Sa nais nating lahat na maayos ang ating kalye at hindi maabala, labis na

maiwasan ang aksidente sa kalsada, ang bawat mamamayan - pasaherong

publiko, mga brayber, pati na ang kapulisang trapiko - ay may tungkulin at

responsibilidad na dapat gampanan - alamin at sumunod sa batas trapiko,

pakikiisa sa mga programa ng ahensya ng gobyerno para dito. Malaki ang

naitutulong kung tayo lahat ay may matututo ng tamang disiplina sa sarili na

siyang maiiwasan ang disgrasya at aksidente.

Page 20: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA

Ang Road Illiteracy sa Metro Manila, February 28, 2009,

http://www.skrap2009,wordpress.com

Pilipino Star Ngayon, Danilo Garcia, June 25, 2010

Page 21: Mga Abala at Aksidente sa Kalsada [Pananaliksik]

PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTORI. Contact Information

Pangalan : John Kevin S. Baldovino

Tirahan : 2146 Don Fabian St. Commonwealth Avenue Q.C.

Telepono/Cellphone Number : 9376418

E-mail Address : [email protected]

II. Personal na Datos

Edad: 16

Kapanganakan : April 14, 1994

Lugar ng Kapanganakan : Quezon City

Lahi : Filipino

Kasarian : Babae

Pangalan ng Ama : Ken A. Morana

Pangalan ng Ina : Joyce T. Mondia

III. Educational Background

Paaralan :

Elementarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City Sekondarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City