4
Pitong letra at isang salitang nakapagbibigay pag-asa ngunit hindi ganoong kadali paniwalaan lalo na kung nakasalalay dito ang ating kalusugan. Sinong mag-aakala na mula lang pala sa matabang lupa na tinubuan ng manipis na dahon manggagaling ang pag-asang matagal na nating inaasam. Nagsimulang maging usap- usapan ang ‘Eleusine barbata’ o mas tanyag sa tawag na Paragis noong taong 2017 para sa mga may iniindang sakit sa katawan. Nagbigay ito ng liwanag sa mga tao na nananalig sa alternatibong pamamaraan ng pagsugpo ng kanilang mga karamdaman. Binansagan itong milagrong damo dahil sa pambihirang taglay na napatunayan nito. Ayon sa pag-aaral, ang Paragis ay nagmula sa pamilya ng mga Plantae na may taas na 10 hanggang 30 sentimetro at tatlo hanggang pitong milimetro ang lapad. Kadalasan itong tumutubo sa mga kalsada, bakanteng lote at mga tabing-ilog na ating nadaraanan na may mainit na temperatura tulad ng Asya at Aprika. Sa kabila ng maninipis na hibla ng Paragis ay ‘di mo aakalaing taglay nito ang silicon monoxide, calcium chloride at chlorine na mabisang panlunas sa mga sakit tulad ng Athritis, Asthma, Highblood Pressure, Diarrhea, Urinary Tract Infection (UTI), Irregular Menstruation, Kidney Problems, Hemorrhoids, Diabetes, at kanser. Base sa isang panayam, mula sa isang dokumentaryong palabas na Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang isang babaeng nagngangalang Sharon Viray ang uminom ng Paragis sa loob ng dalawang buwan at umayos ang daloy ng kanyang urinary system. Nabawasan ang laki ng kanyang fbroids (tumor/ bukol), kaya naman nagamot ang sakit niyang myoma. Walang kahirap-hirap at simpleng paraan lamang ang kailangan gawin sa pag-inom ng Paragis. Nilalaga at pinakukuluan lamang ang dahon at ugat na parte ng damo nito upang gawing tsaa. Maaari rin namang dikdikin ang tangkay nito bilang pantapal sa anumang bahagi ng katawan. Lingid sa kaalaman, ang milagrosong damo nito ay talagang patuloy na kumakalat at nagbibigay lunas sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Europe, New Zealand, Mexico at North and South America dahil sa paglawak ng usapin dulot ng mga benepisyong taglay ng damong ito. Hindi masamang sumubok ng mga bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa pagdaragdag ng guhit ng iyong buhay. Hindi sapat na umasa lamang tayo na may milagrong darating sa atin. Kaya ilibot ang mata at huwag lamang indahin ang sakit na nadarama dahil baka ang hibla na nasa paligid mo ang sasagot Hibla ng Pag-asa Ang aranggay NOBYEMBRE 2018 TAON MMXVIII BLG. 1 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA Gwyneth M. Balasa Peligro ni FRANK S imula nang imulat ko ang aking mga mata bigla akong nabuhayan sa nakahahalinang amoy na luto ni inay. Tila may kuryenteng bumalot sa aking kalamnan at dali-daling pumunta sa hapag- kainan. Isang mahaba na may malarosas na kulay. Animo’y naglalangis sa sobrang dami ng mantika. Sa bawat pagkagat ko ay tila may kuryenteng kumikiliti sa aking buong katawan na hindi ko maintindihan. Ipinakilala siya sa akin ni nanay sa pangalang Frank. Sa taglay nitong katakam-takam na lasa, hindi maipagkakailang pinipilahan ang sarap nito. 50 porsyento sa 1, 582 na mga mag-aaral sa baitang pito ng Lakan Dula High School (LDHS) ay nahuhumaling sa linamnam at sarap nito lalo na’t binalutan pa ng harina na may asukal kaya sikat na sikat sa tawag na corndog. Batay sa livestong.com, napag-alaman na nagtataglay si Frank ng iron na nagpapanatili ng kagandahan ng ating balat at Vitamin A na nagpapatibay ng immune system. O, diba? masarap na may magandang benepisyo pa ito ngunit hindi lahat ng masarap ay nakabubuti sa ating kalusugan ang iba ay may nakakubling peligro kapag ito’y nasosobrahan ng kain. Base sa ilang pag-aaral ng United States Department of Agriculture, kapag 12 piraso nito ang kinain natin sa loob ng isang buwan maaari tayong magkaroon ng sakit na leukemia (impeksyon sa dugo) dahil sa mga preservatives na ginagamit para tumagal ang buhay ng isang pagkain. Dahil dito, nagbabago at natatabunan ang mga normal cells na nagiging sanhi ng hindi magandang sirkulasyon nito. Maaaring isa rin ito sa dahilan ng pagkakaroon ng 4, 000 na kaso na naitala ng Department of Health(DOH). Sa ngayon, kinakailangan ng early detection para maagang magamot ang nasabing sakit. Sa buhay kapag sumobra, talo ka. Gayundin sa ating kinakain partikular na ang kinahihiligan ng lahat na si Frank (tawag sa Germany) na mas kilala sa tawag na hotdog. Kung malakas ka kumain nito, aba’y ito na ang tamang panahon upang kontrolin ang pagkahilig dito. Kung patuloy pa ring paiiralin ang gusto natin, sa halip na linamnam ng saya ang matikman, peligro na dala ni Frank ang iyong makakamtan. “Sa bawat pahid, PANGANIB AY NASA PALIGID” Para tayo ay magkaroon ng malarosas na ngiti, naglalagay tayo ng palamuti sa ating mga labi. Binibigyang buhay nito ang ating panlabas na anyo ngunit unti-unting kinikitil naman nito ang ating BUHAY. Liptint o lipstick, ang bagay na kasa- kasama na sa karera ng buhay ng ilan sa mga kababaihan. Ngunit matanong kita nene, kapag gumagamit ka ba nito ay nagkakaroon ng iritasyon ang iyong labi o nagbabalat? Aba’y maghinay-hinay na sa pagpahid nito sapagkat ayon sa Food and Drug Authority (FDA) ang mga ‘heavy metals’ (lead, cadbium, chromium, manganese, aluminum at parabens) na taglay ng lipstick at liptint ay nakapagdudulot ng kapahamakan sa ating labi pati na rin sa ating nervous at endocrine system. Kapag nasobrahan ang pagpasok ng heavy metals sa pores o butas ng ating labi ay maaaring magbunga ng mataas na lebel ng pagpoprodyus ng toxin sa ating katawan ito ang magbibitbit sa atin ng sakit na kanser. Payo naman ng FDA na kung bibili tayo ng mga produktong pampaganda ay siguraduhin nating hindi ito peke sapagkat kadalasan ang mga pekeng pampaganda ay may mataas na lead content. Ngunit peke man o hindi ang ating ginagamit, kinakailangan pa rin nito ng ibayong pag-iingat. “Sa bawat pahid, panganib ay nasa iyong paligid,” huwag magpadala sa mapang-akit na kulay na bitbit ng liptint at lipstick dahil baka ang masaya’t makulay mong buhay ay maging madilim at miserable. Kaya’t linawan ang mga mata sa pagsuri upang hindi ka humantong sa tiyak na kapahamakan. Andrea Nicole R. Rebaño Hantong ng LA I s K aliwa't kanan na naman ang tawaran sa merkado at pinakabida ang butil na nagbibigay buhay, bigas. Bunga nito maraming mamimili ang kumakapit sa NFA rice ngunit ang ating kinakapitan ay tila nagigipit na rin. Kaya naman may bagong butil na kinapitan ang mga Pinoy na bukod sa abot-kaya ay may bitbit ding sustansya at siya na ring ipinanghalili sa bigas. Mais apat na letrang maaaring pumupuno sa ating sikmura. Butil na naging dahilan kung bakit ang matatanda sa kabila ng kanilang edad ay matibay at malakas parin ang pangangatawan. Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang mais ay mayaman sa carbohydrates, bitamina B at C na nagpapalakas at nagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Bitamina A na nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng diperensya sa paningin. Nakapagbibigay din ng zinc at potassium na tinutulungan ang ating katawan na maging masigla. Hindi lang siya magaling sa mga bitamina, mahusay din siya sa pagpapagaling ng iba't ibang kondisyon. Tulad na lamang ng Urinary Tract Infection (UTI), nakatutulong ang paginom nila ng tubig na mula sa pinaglagaan ng mais. Makatutulong naman ang pagtatapal ng dinikdik na mga butil ng mais sa bahagi ng kasu-kasuan na nanakit dahil sa rayuma. Iniinom ang pinaglagaan ng buhok ng mais para maiwasan ang pagkakaroon ng bato sa ating kidney Butil na makamasa, malusog na pangagakatawan matatamasa. Sa halip na mabutas ang mga bulsa mo sa mga commercial rice , simulan nang tangkilikin ang mga gintong butil na magpapanatili ng kalakasan at katibayan ng ating pangangatawan, at sa oras na malasap ang linamnam at makamit ang sustansya ay tiyak mapapasabi ka ng “aMAISing!!!!.” a MAIS ing Patrick J. Merencillo Gintong Butil, Milagro AGHAM Kalasag ng Katotohanan Reian Mhae M. Malang at Nicole Q. Cawaling SEKSYON B1

Ang aranggay B1 - lakandulahs.depedmanila.comlakandulahs.depedmanila.com/wp-content/uploads/2018/12/LAKAN-DULA-HIGH...pitong milimetro ang lapad. Kadalasan itong tumutubo sa mga kalsada,

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Pitong letra at isang salitang nakapagbibigay pag-asa ngunit hindi ganoong kadali paniwalaan lalo

na kung nakasalalay dito ang ating kalusugan. Sinong mag-aakala na mula lang pala sa matabang

lupa na tinubuan ng manipis na dahon manggagaling ang pag-asang matagal na nating inaasam.

Nagsimulang maging usap-usapan ang ‘Eleusine barbata’ o mas tanyag sa tawag na Paragis noong taong 2017 para sa mga may iniindang sakit sa katawan. Nagbigay ito ng liwanag sa mga tao na nananalig sa alternatibong pamamaraan ng pagsugpo ng kanilang mga karamdaman. Binansagan itong milagrong damo dahil sa pambihirang taglay na napatunayan nito.

Ayon sa pag-aaral, ang Paragis ay nagmula sa pamilya ng mga Plantae na may taas na 10 hanggang 30 sentimetro at tatlo hanggang pitong milimetro ang lapad. Kadalasan itong tumutubo sa mga kalsada, bakanteng lote at mga tabing-ilog na ating nadaraanan na may mainit na temperatura tulad ng Asya at Aprika.

Sa kabila ng maninipis na hibla ng Paragis ay ‘di mo aakalaing

taglay nito ang silicon monoxide, calcium chloride at chlorine na mabisang panlunas sa mga sakit tulad ng Athritis, Asthma, Highblood Pressure, Diarrhea, Urinary Tract Infection (UTI), Irregular Menstruation, Kidney Problems, Hemorrhoids, Diabetes, at kanser. Base sa isang panayam, mula sa isang dokumentaryong palabas na Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang isang babaeng nagngangalang Sharon Viray ang uminom ng Paragis sa loob ng dalawang buwan at umayos ang daloy ng kanyang urinary system. Nabawasan ang laki ng kanyang fibroids (tumor/ bukol), kaya naman nagamot ang sakit niyang myoma.

Walang kahirap-hirap at simpleng paraan lamang ang kailangan gawin sa pag-inom ng Paragis. Nilalaga at pinakukuluan

lamang ang dahon at ugat na parte ng damo nito upang gawing tsaa. Maaari rin namang dikdikin ang tangkay nito bilang pantapal sa anumang bahagi ng katawan.

Lingid sa kaalaman, ang milagrosong damo nito ay talagang patuloy na kumakalat at nagbibigay lunas sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Europe, New Zealand, Mexico at North and South America dahil sa paglawak ng usapin dulot ng mga benepisyong taglay ng damong ito.

Hindi masamang sumubok ng mga bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa pagdaragdag ng guhit ng iyong buhay. Hindi sapat na umasa lamang tayo na may milagrong darating sa atin. Kaya ilibot ang mata at huwag lamang indahin ang sakit na nadarama dahil baka ang hibla na nasa paligid mo ang sasagot

Hibla ng Pag-asa

Ang

aranggay NOBYEMBRE 2018 TAON MMXVIII BLG. 1 MATAAS NA PAARALANG LAKAN DULA

Gwyneth M. BalasaPeligro ni FRANK

Simula nang imulat ko ang aking mga mata bigla akong nabuhayan sa nakahahalinang amoy na luto ni inay.

Tila may kuryenteng bumalot sa aking kalamnan at dali-daling pumunta sa hapag-kainan.

Isang mahaba na may malarosas na kulay. Animo’y naglalangis sa sobrang dami ng mantika. Sa bawat pagkagat ko ay tila may kuryenteng kumikiliti sa aking buong

katawan na hindi ko maintindihan. Ipinakilala siya sa akin ni nanay sa pangalang Frank.

Sa taglay nitong katakam-takam na lasa, hindi maipagkakailang pinipilahan ang sarap nito. 50 porsyento sa 1, 582 na mga mag-aaral sa baitang pito ng Lakan Dula High School

(LDHS) ay nahuhumaling sa linamnam at sarap nito lalo na’t binalutan pa ng harina na may asukal kaya sikat na sikat sa tawag na corndog.

Batay sa livestong.com, napag-alaman na nagtataglay si Frank ng iron na nagpapanatili ng kagandahan ng ating balat at Vitamin A na nagpapatibay ng immune system. O, diba? masarap na may magandang benepisyo pa ito ngunit hindi lahat ng masarap ay nakabubuti sa ating kalusugan ang iba ay may nakakubling peligro kapag ito’y nasosobrahan ng kain.

Base sa ilang pag-aaral ng United States Department of Agriculture, kapag 12 piraso nito ang kinain natin sa loob ng isang buwan maaari tayong magkaroon ng sakit na leukemia (impeksyon sa dugo) dahil sa mga preservatives na ginagamit para tumagal ang buhay ng isang

pagkain. Dahil dito, nagbabago at natatabunan ang mga normal cells na nagiging sanhi ng hindi magandang sirkulasyon nito. Maaaring isa rin ito sa dahilan ng pagkakaroon ng 4, 000 na kaso na naitala ng Department of Health(DOH).Sa ngayon, kinakailangan ng early detection para maagang magamot ang nasabing sakit.

Sa buhay kapag sumobra, talo ka. Gayundin sa ating kinakain partikular na ang kinahihiligan ng lahat na si Frank (tawag sa Germany) na mas kilala sa tawag na hotdog. Kung malakas ka kumain nito, aba’y ito na ang tamang panahon upang kontrolin ang pagkahilig dito. Kung patuloy pa ring paiiralin ang gusto natin, sa halip na linamnam ng saya ang matikman, peligro na dala ni Frank ang iyong makakamtan.

“Sa bawat pahid, PANGANIB AY NASA PALIGID”Para tayo ay magkaroon ng malarosas

na ngiti, naglalagay tayo ng palamuti sa ating mga labi. Binibigyang buhay nito ang ating panlabas na anyo ngunit unti-unting kinikitil naman nito ang ating BUHAY.

Liptint o lipstick, ang bagay na kasa-kasama na sa karera ng buhay ng ilan sa mga kababaihan. Ngunit matanong kita nene, kapag gumagamit ka ba nito ay nagkakaroon ng iritasyon ang iyong labi o nagbabalat? Aba’y maghinay-hinay na sa pagpahid nito sapagkat ayon sa Food and Drug Authority (FDA) ang mga ‘heavy metals’ (lead, cadbium, chromium, manganese, aluminum at parabens) na taglay ng lipstick at liptint ay nakapagdudulot ng kapahamakan sa ating labi pati na rin sa ating nervous at endocrine system.

Kapag nasobrahan ang pagpasok ng

heavy metals sa pores o butas ng ating labi ay maaaring magbunga ng mataas na lebel ng pagpoprodyus ng toxin sa ating katawan ito ang magbibitbit sa atin ng sakit na kanser.

Payo naman ng FDA na kung bibili tayo ng mga produktong pampaganda ay siguraduhin nating hindi ito peke sapagkat kadalasan ang mga pekeng pampaganda ay may mataas na lead content. Ngunit peke man o hindi ang ating ginagamit, kinakailangan pa rin nito ng ibayong pag-iingat.

“Sa bawat pahid, panganib ay nasa iyong paligid,” huwag magpadala sa mapang-akit na kulay na bitbit ng liptint at lipstick dahil baka ang masaya’t makulay mong buhay ay maging madilim at miserable. Kaya’t linawan ang mga mata sa pagsuri upang hindi ka humantong sa tiyak na kapahamakan.

Andrea Nicole R. Rebaño

Hantong ng LA Is

Kaliwa't kanan na naman ang tawaran sa merkado at pinakabida ang butil na nagbibigay buhay, bigas. Bunga nito maraming mamimili ang kumakapit sa

NFA rice ngunit ang ating kinakapitan ay tila nagigipit na rin.Kaya naman may bagong butil na kinapitan ang mga

Pinoy na bukod sa abot-kaya ay may bitbit ding sustansya at siya na ring ipinanghalili sa bigas. Mais apat na letrang maaaring pumupuno sa ating sikmura. Butil na naging dahilan kung bakit ang matatanda sa kabila ng kanilang edad ay matibay at malakas parin ang pangangatawan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang mais ay mayaman sa carbohydrates, bitamina B at C na nagpapalakas at nagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Bitamina A na nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng diperensya sa paningin. Nakapagbibigay din ng zinc at potassium na tinutulungan ang ating katawan na maging masigla.

Hindi lang siya magaling sa mga bitamina, mahusay din siya sa pagpapagaling ng iba't ibang kondisyon. Tulad na lamang ng Urinary Tract Infection (UTI), nakatutulong ang paginom nila ng tubig na mula sa pinaglagaan ng mais. Makatutulong naman ang pagtatapal ng dinikdik na mga butil ng mais sa bahagi ng kasu-kasuan na nanakit dahil sa rayuma. Iniinom ang pinaglagaan ng buhok ng mais para maiwasan ang pagkakaroon ng bato sa ating kidney

Butil na makamasa, malusog na pangagakatawan matatamasa. Sa halip na mabutas ang mga bulsa mo sa mga commercial rice, simulan nang tangkilikin ang mga gintong butil na magpapanatili ng kalakasan at katibayan ng ating pangangatawan, at sa oras na malasap ang linamnam at makamit ang sustansya ay tiyak mapapasabi ka ng “aMAISing!!!!.”

aMAISingPatrick J. Merencillo

Gintong Butil,

Milagro

AGHAMKalasag ng Katotohanan

Reian Mhae M. Malang at Nicole Q. Cawaling

SEKSYON

B1

agham pangKAPang baranggay NOB

“There’s a rainbow always after Iyan ang sabi sa awiting rainbow ng

southborder ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon may magandang mangyayari pagkatapos ng ulan lalo na kung bagyo ang naganap.

Minsan ka na bang nakatanaw ng hangin na hugis embudo na sumasayaw sa kalupaan at sinisira ang lahat ng nasa paligid nito? Buhawi, alimpuyo o ipo-ipo kung ito ay tawagin. Nabubuo ito pagkatapos ng napakalakas na bagyong may kasamang kidlat o thunderstorm. Ang hangin nito ay bumibilis ng 300 milya kada oras.

Kadalasan, hindi ito nagbibigay ng babala, biglaaan itong nangyayari. Kaya nitong tanggalin ang mga puno, paliparin ang mga sasakyan at sumira ng malalaking gusali.

Kamakailan (Setyembre 14, 2018), pinaikot ng hagupit ng ipo-ipo ang 20 kabahayan sa barangay ng San Roque at Santa Elena

Embudo ng PShainna Girl M. Nellas

anig ngNicole Q. Cawaling

“Sa bawat pag-uga sa ilalim, buha

Naranasan mo na bang biglang

hinele ka ng daan? Naalis ang

iyong balanse kahit matibay ang

iyong pinanghahawakan? Huwag mo itong

isawalang bahala at isiping ito ay guniguni

mo lamang dahil ito ang indikasyon ng isang

malagim na trahedya sa lupa, lindol. Ito ang

pangyayari kung saan mabilis na lumalabas

ang enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng

lupa. Sanhi ito ng paggalaw ng fault (pisikal

na manipestasyon ng paggalaw ng lupa at

kadalasang nakikita sa ibabaw ng lupa.)

sa ibabaw na bahagi ng mundo o crust. Sa

malakas na pwersa ng mga plate(meaning)

sa ilalim ng lupa nagsisimula ang mabilis na

pagbiyak ng lupain sa isang partikular na lugar.

Isa sa mga tumatak na halimbawa nito

sa Pilipinas ay ang 7.8 m

naganap sa lungsod n

16, 1990. Ayon sa tal

of Volcanology and

tinatayang nasa 1,621 ka

sa napakalakas na ya

Dagdag pa rito, a

sa bayan ng Batangas n

ng matinding panga

na siyang sakop at n

Kasalukuyang umaa

paghahasik ng “The B

ang West Valley Fau

sa mga lugar at katab

Manila. Batay sa PHIV

ay may lakas na 7.4 m

34,000 magpapaalam n

Gaano man katibay ang isang bagay, kung patuloy itong wawasakin ay darating din sa punto na

susuko ito at biglang guguho.

Clarence T. Atienza

Gumuhong Pundasyon

a pagsikat ng bagong umaga , inaasahan ang magandang pangyayari na ma

at pagmasdan ang mga punong sumasayaw kasama ang kalmadong hangkapayapaan sa ating isipan o malayo sa tawag ngkapahamakan.

Sa kabila ng mga kaaya-ayang pangyayari sa ating kapaligiran ay hindi

ALISTO sa panahon ng malagim na

HIGANTENg tubigShainna Girl M. Nellas

Ika nang nakararami “Just go with the flow” ngunit

may agos na tiyak di mo gugustuhing sumabay.

Kaibigan natin ang tubig at isa sa pinakamahalagang

pangangailangan ng bawat tao lalo na ang mga mangingisda ngunit

may isang pangyayari na nagpasira ng tiwala natin dito, ang Tsunami.

Ito ang serye ng mga higanteng alon na nangyayari sa karagatan.

Ayon sa ready.gov, ang mga alon na ito ay maaaring

tumaas hanggang 100 talampakan na humahampas

sa dalampasigan at magdulot ng pagkasira nito.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and

Seismology, 41 katao ang nasawi sa naganap na tsunami sa Verde

Island Passage (pagitan ng batangas, Mindoro island, Puerto

galera) noong Nobyembre 1994 dulot ng 7.1 magnitude na lindol.

Hindi natin mapipigilan ang pangyayaring ito ngunit maaari

nating bawasan ang malagim na kapahamakang dala nito. Kung may

pagbabanta na ng paglindol o mga ‘fault’ (biyak sa lupa na senyales

ng lindol) sa ating komunidad ay ipagbigay alam ito sa kinauukulan

dahil kapag naganap ang lindol ay maaaring tsunami ang kasunod

nito. Kapag namataan ang ilan sa senyales ng tsunami tulad ng

tuloy tuloy na pagtaas ng tubig sa gilid ng dagat (coastal waters) ay

pumunta na sa evacuation na dapat ay mataas ang kinalalagyan.

Dulot ng malakas na pag-ulan, lindol, pagsabog ng bulkan at gawain sa lupa gaya ng illegal na pagmimina at pagputol ng puno, gumuguho ang lupa at ang pangyayaring ito ay tinatawag

na landslide. Ayon sa mga seismologist at ready.gov, nabubuo ito kapag mabilis na naiipon ang tubig galing sa malakas na pag-ulan na siyang nagpapalambot sa lupa. Sa isang pagguho ng lupa, maraming bato, lupa, o debris (kalat) ang bumababa sa nakahilig na bahagi ng lupa.

Binalutan ng putik ang Barangay Ucab sa Itogon, Benguet matapos maganap ang landslide noong Setyembre 14, 2018 dahil sa paglambot ng mga lupa sa bundok dulot ng bagyong Ompong kung saan 35 na ang naitalang patay, ayon sa mga awtoridad. Malalaking tipak ng bundok naman ang tumabon sa 2 gusali at Simbahan ng Itogon.

Kung ayaw nating gumuho ang ating pundasyon ng mga pangarap at magandang hinaharap alamin lamang ang mga paraan upang makaligtas sa mapaminsalang landslide.

Iwasan ang pagtatayo ng tahanan sa matatarik na hilig, malapit sa mga gilid ng bundok,malapit sa dinadaluyan ng tubig o mga natural na lambak na inaanuran. Maging mulat sa mga senyales ng landslide gaya ng mga tunog mula sa pagbiyak ng puno o malalaking tipak ng bato na nagbabanggaan, may mga bagong lamat sa masilya, tile, brick o pundasyon at unti-unting namumuo at lumalapad na mga bitak sa lupa o sa sementadong daan tulad ng mga lansangan o driveway. Ang mga pahilig na pinangyarihan ng pagdaloy ng debris noon ay

malamang na makaranas ulit ng ganito sa hinaharap. Ang pinakamahalagang tatandaan natin ay magtanim ng mga puno upang sa tuwing sasapit ang ulan, may sisipsip sa tubig upang hindi mabilis na lumambot ang lupa. ang lupa.

hindi ito nagbibigay ng pahiwatig at biglaan lamang itong nananalasa. Sama-sama n

agos ng ating buhay.

S

SEKSYON

B2

angKAPALIGIRANy NOBYEMBRE 2018

Woooshh, Sino ba naman ang hindi rurupok kung

ito ay makikita. Isa ito sa dahilan kung bakit ang katubigan ay gustong-gustong magtungo sa kalupaan at maghatid ng kapahamakan at problema sa sambayanan.

Daluyong o mas kilala sa tawag na “storm surge”, ito ay ang pagtaas ng tubig sa dagat bunsod ng hanging dala ng bagyo. Maaari pa itong tumaas kung ito ay sasabayan pa ng tubig-baha.

Maraming uri ang storm surge ayon sa pinagmulan nito tulad na lamang ng pressure effect. Dahil sa pressure ng isang bagyo ay tumataas ang lebel ng tubig at humihigop sa gitna hanggang sa wasakin ng katubigan ang mga kabahayan.

Isa pa ay ang dulot ng direct wind o tinatawag na Ekmon Spiral. Idinidiin nito ang tubig sa laot at iuurong ang tubig sa dalampasigan hanggang sa bumalik ito na parang tsunami

Nakakaapekto rin ang ikot ng daigdig o tinatawag na Carialis Effect. Kung saan ang dagat sa Timog at Hilagang Hemosphere ay tumataas pakaliwa at kanan dulot ng tides.

Hindi maiaalis sa isipan ng mga Pilipino ang kalunos-lunos na sinapit ng bayan ng Tacloban, matapos panawan ng mahigit 3,000 katao sa kasagsagan ng Bagyong Yolanda. Rumagasa ang tubig na aabot sa 5.2 o 17 talampakan na nagdulot ng malawakang pagkasira. Ang mga gusali ay nagiba, ang puno ay natumba at naputol at ang mga sasakyan ay nasalansan.

Hindi ka lubos na maapektuhan kung taglay mo ang katangian ng alistong mamamayan. Inirirekomenda ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makinig sa balita sa telibisyon man o radyo, para sa banta ng storm surge. Maghanda sa posibilad ng paglikas sa mas matataas na lugar o evacuation center. Lumikas sa matataas na lugar at kung maaari hindi bababa sa 500 metro mula sa patag na baybayin kung saan direktang dadaan ang bagyo na magdudulot ng storm surge. Sa ganitong pamamaraan maiiwasan mong mabiktima ng pinagsanib pwersang panganib ng hangin at tubig.

SaniB-pwersaPatrick J. Merencillo

Minsan, naiinis na tayo sa isang tao ngunit mas pinipili nating manahimik na lamang. Subalit

may oras na napupuno rin tayo at hindi namamalayang nakakasakit na ng iba dahil sa galit. Mayroon akong alam na bagay na kapag napuno, sobra kung maminsala dahil gigil siya ‘eh.

Mayroong panahon kung kailan ito’y tahimik (hindi aktibo) at mayroon din itong panahong sasabog kapag nanggigil (aktibo). Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ito ay isang bundok na may buka na paibaba sa isang imbakan ng tunaw na bato sa ilalim ng balat ng lupa. Ito ay kilala sa tawag na bulkan.

Batay sa ready.gov, hingahan ang mga bulkan kung saan ang tunaw na bato ay tumatakas papunta sa ibabaw ng lupa. Magaganap ang pagsabog kapag ang presyon mula sa mga gas sa loob ng tunaw na bato ay naging masyadong matindi.

Maaaring magkaroon ng pagdaloy ng lava, napipitpit na anyong lupa, nakalalason na gas, at lumilipad na bato at abo na kung minsan ay umaabot ng daan-daang milya pababa ng ihip ng hangin.

“Lateral blast” ang tawag sa mga pagsabog ng bulkan na paligid kung saan nakapagbubuga ito ng malalaking tipak ng bato nang napakabilis na aabot nang milya ang layo. Ang pagsabog ay kilala sa pagpapatumba ng buong kagubatan.

Isa sa mga naitalang sakuna na pinakamalakas ay ang pagsabog

ng Bulkang Mayon na kung saan ay natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 katao ang namatay noong ika-1 ng Pebrero 1814. Maalala rin noong Enero 13, 2018 muli itong nag-alburoto kaya naman halos 40,000 ang inilikas dahil sa inaasahan na ‘strombolian eruption’ (mahina at papalakas na pagputok) Naitala rin ang Bulkang Taal noong Enero 30, 1911 na kumitil ito ng halos 1,500 na buhay at naminsala ng kabuhayan ng mga mamamayan. Nagpakita rin ng panggigigil ang Bulkang Pinatubo noong ika-15 ng Hulyo 1991 na may 722 na namatay, 8,000 estruktura ang nasira at umaabot sa 450 milyong dolyar ang napinsala.

Hindi natin mapipigilang magalit ang bulkan kaya’t bago pa ito pumutok, alamin na ang mga lugar na apektado at sumunod na sa ipinapatupad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na permanent danger kung saan bawal tumira ang sinumang tao. Kung may pag-aalburoto na nagaganap sa isang bulkan at nais mong masilayan ito payo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumunod sa alituntunin ng barangay at lokal na pamahalaan tulad ng hindi pagpasok sa 7-kilometer extended danger zone. Habang sumasabog naman ito ay mag-ingat sa mudflow o pagdaloy ng putik. Tandaan ang mga ito bago pa dumating ang panahon na masasabi nating “gigil siya ‘eh”.

Gigil siya ‘eh!

“There’s a rainbow always after the rain” sa Marikina dulot ng Bagyong Ompong. Winasak din nito ang 800-square meter adobe structure ng Marikina Cultural Center kung saan natanggal ang buong bubong nito. Ito’y ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Kung ayaw mong masama sa pag-ikot ng embudo ng peligro, aba’y tamang paghahanda lamang ang kailangan sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo telebisyon para sa banta ng bagyo at buhawi. Kapag nanalasa ang buhawi, pumunta sa pinakamababang lugar, kung may alam kang matibay na gusali ay magtungo roon. Umiwas sa mga bintana, pinto at mga pader na nasa labas at gamitin ang braso upang protektahan ang ulo at leeg.

PeligroShainna Girl M. Nellas

anig ng TrahedyaNicole Q. Cawaling

a sa ilalim, buhay natin ay nalalagay sa alanganin.”

g 7.8 magnitude na lindol na

d ng Baguio noong Hunyo

a ng Philippine Institute

d Seismology(PhiVolcS)

a 1,621 katao ang nasawi dahil

a yanig ng lindol na iyon.

, ang ilang beses na pag-uga

s noong 2017 na nagdulot

gamba sa mga residente

t natatamaan ng fault line.

aalingawngaw naman

e Big One” kapag gumalaw

ult kung saan dumadaan

bing probinsya ng Metro

HIVOLCS Inaasahang ito

a 7.4 magnitude at mahigit

m na sa mundong ibabaw.

Walang sinuman ang makapaghihinuha

ng pagdating ng ganitong uri ng kalamidad.

Subalit ang pagiging handa at pagkakaroon

ng bukas na isipan ang siyang magiging

sandigan ng iyong kaligtasan. Ating itatak sa

ating isipan ang tatlong makapangyarihang

salita sa oras ng lindol ang “Duck, Cover

and Hold” na siyang unang hakbang kapag

naramdaman ang pagyanig. Iwasan ang

pagpapanik-panaog at siguraduhin ang

kaligtasan kapag pansamantalang tumigil na

ang nararamdamang bayolenteng pag-ugoy

ng lupa sa pamamagitan ng pagpunta sa mga

open area o malayo sa mga poste, gusali, puno

o mga bagay na pwedeng bumagsak. Ang mga

bagay na iyan ang makapagliligtas sa atin mula

sa yanig na maghahatid sa atin sa trahedya.

agaganap. Kay sarap pakinggan ang mga huni ng ibon

gin. Sa tuwing ito'y nangyayari nakadarama tayo ng

maiiwasan na may dilim na dadampi rito. Kadalasan

sa panahon ng malagim na Delubyo

Christine Anne Castroa nating alamin ang mga kalamidad na kasa-kasama sa

SEKSYON

B3

AGHAM PANG-EDITORYALang baranggay NOBYEMBRE 2018

mata: suri

guhit nina Jensen M. Cincollagas at Amyr Edmar L. Francisco

Makapanindig balahibo ang malalang suliranin sa basura na nagdudulot ng maruming paligid, baradong estero at malawakang pagbaha na sanhi ng lumolobong kaso ng leptospirosis na sakit na mula ihi ng daga na nakamamatay.

Ayon sa Department of Natural Resources (DENR), tinatayang nasa 40,000 toneladang basura ang nakokolekta kada araw. Batay pa sa Global Alliance for Incinerator Alternative and Mother Earth Foundation, 79 bahagdan ng plastic na basura ay galing sa Food Packaging , 12 bahagdan sa household at walong bahagdan sa personal case products. Nakaaalarma sapagkat ito ang dahilan ng marumi, nakapandidiri at masangsang na amoy ng kapaligiran na kung hindi agarang mabibigyan ng aksyon tiyak na magdudulot ng masama sa ating kalusuguan.

Kung pakalilimiing mabuti, ang patuloy na pagbaha sa iba’t ibang dako ng bansa ay dulot ng pagbara nang pagbara ng sandamakmak na basurang itinatapon ng mamamayan sa estero. Masyado nang malala ang problemang bunga ng kawalan ng disiplina at kapabayaan ng taumbayan kaya naman muling nabuhay ang sakit na leptospirosis, impeksyon na sanhi ng bakteryang leptospira na nakukuha sa tubig-baha na nahaluan ng ihi ng daga, nagreresulta ito ng pananakit ng ulo at katawan, lagnat, at pagdurugo ng baga na kapag ipinagsawalang bahala tiyak na buhay ang mawawala.

Sa tala ng Department of Health

(DOH) noong Enero 1 hanggang hulyo 1, 2018 pumalo na sa 1,030 ang kaso ng leptospirosis, 10 porsyento o 103 na ang namatay, mas nakababahala sapagkat higit na mataas ito ng 41 porsyento sa nakalipas na taon. Banta na nararapat pangambahan ng sambayanan dahil kung paiiralin ang palagiang pagtatapon ng basura kung saan-saan siguradong babaha sa maraming lugar na lalong magpapalala ng pagkalat ng leptospirosis.

Bilang maagap na aksyon, makabubuti kung maisasabuhay ang pagkakaroon ng disiplinang pansarili at magiging kabahagi ng mga programang gaya ng National Greening Program (NGP) at Clean and Green Program na nagpapanatili ng natural na kagandahan ng kapaligiran. Palawagin din ang mga batas na tulad ng Republic Act 7586 o National Integrated Protection Areas System Act if 1992 at RA 9003 o Ecological Solid Waste Act of 2000 upang masawata ang mga taong umaabuso sa pagsira ng kalikasan.

Isang paalala na dapat maging maingat sa kapaligiran, sapagkat nasa ating mga kamay nakasalalay ang kapalaran ng bayan at kaligtasan ng sambayanan, at mapapanatili lang ito kung magiging mabuting mamamayan ng sariling bayan. Simulan sa sarili, huwag pairalin ang kapabayaan, maging disiplinado at mapagmalasakit sa biyaya ng lumikha nang sa gayon ay hindi maranasasan ang hagupit ng kalikasan na epekto ng kapabayaan.

Ganti ng KalikasanJohn Paul Ocampo

EDITORYAL

guhit ni CJ P. Jayme 9-1

Lubhang nakababahala ang patuloy na pagkakasangkot ng mga kabataan sa lumolobong bilang ng mga

Pilipinong naninigarilyo. Ito ay resulta ng maaga nilang pagkakaroon ng kaaalaman ukol dito na nagpapaikli sa kanilang buhay.

Ayon sa inilabas na datos ng Global Youth Tobacco Survey sa taong 2015, 16 na bahagdan sa mga kinapanayam na may edad 13-15 ay aminadong gumagamit ng sigarilyo mas mataas sa naitala noong 2011 na 13.7 na bahagdan. Nagpapatunay ito na mas dumarami pa ang kabataang nahuhumaling sa paninigarilyo taon-taon. Kapag patuloy pa ang lumalalang kaso ay maaaring mawalan na ng kakayahan ang kabataan na maging pag-asa ng bayan.

Base sa pag-aaral nila J. S Ahluwalua, K. Resnicow at W. S Clark ilan sa mga rason ng pagkakalulong ng mga kabataan sa paggamit ng tabako ay ang kanilang estado sa buhay, impluwensiya ng kapamilya o kaibigan, pagiging mahina ang loob sa pagharap ng problema, pampalipas oras, kuryosidad at pagiging abot-kaya ng halaga ngunit hindi pa rin sapat na dahilan ang mga ito upang isantabi ang sariling kalusugan ng mga kabataang tumataliwas sa tamang daan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang dulot ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao. Nagtataglay ito ng 600 na sangkap at kapag ito’y nasunog, naglalabas ito ng mahigit 7000 kemikal kasama ang halos 70 carcinogens na maaaring magdulot ng kanser sa tao. Kasama na rito ang Nicotine, Hydrogen cyanide, Formaldehyde, Lead, Arsenic, Ammonia, Benzene, Carbon Monoxide, Nitrosamines, Polycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs) at ibang Radioactive elements na maaari ring

magresulta ng heart disease, lung disease at iba pang sakit na maglalapit sa atin sa kamatayan. Lubha ring nakaapekto para sa mga second hand smoker na nakalalanghap ng usok na ibinubuga ng mga original user ng sigarilyo dahil maaari rin silang makakuha ng sakit na kagaya ng mga totoong naninigarilyo.

Tunay na nakaaalarma ang mga kabataang patuloy na nadadala sa tukso ng paninigarilyo at ang iba pang nakapupuslit nito sa loob ng paaralan. Posible rin itong makaapekto sa kanilang pag-aaral dahil sa unti-unting paglabo ng paningin gayundin sa kanilang personal hygiene dahil maaari itong makapagpabaho ng hininga, mahinang pang-amoy at panlasa. Kaya habang maaga, nararapat na baguhin ang nakagawiang lifestyle dahil wala itong

magandang maidudulot sa kalusugan bukod sa satispaksyon.

Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng pamahaalan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) LAW na nagpapataas ng buwis sa mga bilihin kasama na ang mga sigarilyo upang mapigilan ang mga estudyanteng mag-aksaya pa ng oras at pera para sa mga bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan ng pansin at walang magandang naidudulot sa kanilang pag-aaral.

Ika nga “masarap ang bawal” pero kapag nasobrahan ay masisira nito ang iyong kalusugan gaya na lamang ng pagkahumaling sa paggamit ng sigarilyo. Bilang kabataan, responsibilidad ng bawat isa na maging disiplinado at matalino sa lahat ng desisyon. Kailangan nang iwaksi ang maling gawain nito upang pigilan ang usok na pumapatay sa mga pag-asa ng bayan, ang kabataan.

Usok ni KamatayanReian Mhae M. Malang

SEKSYON

B4