of 17/17
Ang Daga at ang Leon

Ang Daga at ang Leon

  • View
    1.402

  • Download
    53

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Daga at ang Leon. Narrator-Jacques:. Sa gubat ay may nakatirang isang munting daga . Isang araw ay lumabas siya sa kanyang lungga upnag maghanap ng makakain . Habang gumagala siya ay napansin niya ang isang bunton ng mga dayami at sinimulan niyang halukayin iyon. Narrator-John:. - PowerPoint PPT Presentation

Text of Ang Daga at ang Leon

  • Ang Daga at ang Leon

  • Sa gubat ay may nakatirang isang munting daga. Isang araw ay lumabas siya sa kanyang lungga upnag maghanap ng makakain. Habang gumagala siya ay napansin niya ang isang bunton ng mga dayami at sinimulan niyang halukayin iyon.

  • Bigla, nakarinig ang daga ng malakas na atungal . Tumilapon siya sa lupa. Pagtingin niya ay nakita niya ang isang nangngangalit na leon.

  • Naku po, nagising ang natutulog na leon!

  • Bulalas niya. Nanginig sa takot ang daga.

  • Patawarin mo ako Haring Leon.

  • Anang daga.

  • Napagkamalan kong dayami ang iyong buhok. Huwag mo akong sasaktan. Pangako, makakaganti rin ako ng kabutihan sa yo balang-araw.

  • Matamang pinagmasdan ng leon ang daga at biglang tumawa.

  • Napakaliit mong nilalang, Daga. Wala kang silbi. Kahit ay hindi kita kakailaganin. Tsupi!

  • Kumaripas ng takbo palayo ang daga. Lumipas ang mga araw. Muling gumala ang daga sa gubat para maghanap ng makakain. Nakita niya ang leon na umaalagawa mula sa isang bitag.

  • Tiyak na papatayin ang Haring Leon pagdating ng mangangaso.

  • Anang daga sa sarili. Nagpasya ang daga na tulungan ang leon. Heto na ang pagkakataong hinihintay niya. Gusto niyang ipakita sa leon na mayroon siyang silbi rito at kailangan siya nito. Sinimulang ngatngatin ng daga ang bitag.

  • Sa pagangatngat ng daga ay tuluyang nawarat ang bitag. Sa wakas ay nakawala ang leon! Pagkatapos niyang mahimasan ay binalingan ng leon ang daga.

  • Maraming salamat, Daga. Ngayong araw ay may mahalagang aral na natutuhan ko mula sa yo. Kahit maliit ka ay may silbi ka sa isang malaking nilalang na katulad ko.

  • Mula noon ay nagging magkaibigan ang daga at ang leon.

  • Salamat sa Pakikinig!!!

    Pangkat 2:Karl Go 15 Jacques Chua 8Christian Dy 12John Ledesma 20David Chua 7