15
 Ang Bulag at Ang Pilay Paano mo nilulutas ang iyong suliranin?  Anong katangian ang dapat taglayin ng isang tao upang malampasan niya ang kanyang suliranin?

Ang Bulag at Ang Pilay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino 6 Pagbasa

Citation preview

Page 1: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 1/15

 Ang Bulag at Ang

Pilay

Paano mo nilulutas ang iyong suliranin? Anong katangian ang dapat taglayin ngisang tao upang malampasan niya angkanyang suliranin?

Page 2: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 2/15

Sa isang baryo, may nakatirang magkaibigangpulubi. Ang isa ay si Bulag at ang isa ay si Pilay. Isangaraw, nakaisip ng paraan ang magkaibigan upangguminhawa ang kanilang buhay. Nagtungo sila sa

bayan sa pag-asang makatatagpo ng mga taongmaaawa sa kanila at maglilimos. Ngunit sakasamaang palad, wala ni isa mang nag-abot sakanila ng kahit isang kusing. Malungkot nanapasalampak sa kalsada si Pilay. Nanlumo naman si

Bulag sa labis na himutok.   “Paano na ngayon, Pilay? Sumasakit na ang

sikmura ko,” sabi ni Bulag. Kinakausap niya si Pilayngunit ang mga mata nito ay nakatingin sa kung saan.

Napakamot sa kanyang hita si Pilay, “Eto nga,nag-iisip ako ng paraan kung paano tayo mabubuhay.Teka, may naisip na ako.” 

Itinuwid ni Pilay ang katawan bago nagsalitang

muli, “Mahabang paglalakbay ang gagawin natin,Bulag, ngunit nakatitiyak akong papalarin tayo.” 

Page 3: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 3/15

Nag-isip si bulag at nagwikang. “Ano ang gagawinnatin, Pilay? Bulag ako at ikaw ay pilay. Mahihirapanat matatagalan tayong maglakbay!” Kapwa natahimikang dalawa.

Mayamaya pa ay pasan-pasan na ni Bulag siPilay. Si Pilay ang nagsilbing mga mata at si Bulagnaman ang nagsilibing mga paa.

Mahahaba ang biyas ni Bulag kaya ang isang

kilometro ay nilakad lamang nito nang ilang minuto.Nang nakasampung kilometro na sila ay umangal nasi Bulag.

  “Pilay, malayo pa ba? Napapagod na ako. Hindi paba tayo hihinto?” nagrereklamong tanong ni Bulag.

Lumakad muli si Bulag. Pasan-pasan pa rin niya siPilay nang biglang kalabitin siya nito at pahintuin.“Bulag, sandali. Huminto ka, may natatanaw ako.Ibaba mo ako.” Ibinaba nga ni Bulag ang kaibigan.

Pinulot ni Pilay ang isang malaking palakol at ipinasoksa sakon dala ni a.

Page 4: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 4/15

  “Ano ba iyang pinulot mo?” tanong ni Bulag.

  “Isang malaking palakol, Bulag.

Mapapakinabangan natin ito sa atingpupuntahan.

Binuhat muli ni Bulag ang kaibigan.

Pagkatapos lakbayin ang isang bundok ay muli

na naman siyang pinatigil ng kaibigan.   “Maganda, napakaganda, Bulag!” 

  “Anong maganda?” 

  “Napakagandang lubid, Bulag. Makakapal atmahahaba ang hibla. May 10 yarda yata ang

haba. Mapapakinabangan din natin ito. Sige,

Bulag, ibaba mo ako at pupulutin ko.’ 

Page 5: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 5/15

Sumunod ang inutusan. Matapos ay pinasanniyang muli ang kaibigan. Hingal-kabayo na siya sahirap. Nang makaraan ang ikatlong bundok ay muli nanaman siyang pinatigil ni Pilay.

  “Bulag, maganda itong nakikita ko. Hayaan mongpulutin ko muna itong trumpeta at tambol.” 

Nakaramdam na rin ng hapo ang kanyang likod samaghapong kapapasan kay Pilay kaya muli niyang

ibinaba ang kaibigan. Bago sila tuluyang mawalan nglakas ay narating nila ang isang kamalig.

  “Kaylaking kamalig nito!” hindi makapaniwalangnasabi ni Pilay.

Humakbang pa ng ilan si Bulag. Tatlo, lima, pito,sampu. Namangha si Pilay sa tanawing bumulaga sakanya. Isang malaking tahanan.

  “Bulag nagbunga na rin ang ating maghapongpaghahanap. Alam mo ba kung ano ang nakikita ko?” 

Page 6: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 6/15

Kawawang Bulag. Hindi na niya halos marinig ang sinabing kaibigan sa labis na pagod.

  “Bulag, ito na ang sagot sa ating paghihirap. Naririnig moba ako?” 

  “Ngayon ka pa ba matutulog, Bulag? Ngayong nakita ko naang malaking bahay? Sayang, napakarami pa naman sigurongpagkain sa bahay na ito.” 

Sukat sa tinuran ni Pilay ay dagling napabalikwas si Bulag.

Nawala ang kanyang pagod. “Ano ang sabi mo, Pilay?Maraming pagkain dito! naku, makakakain na rin tayo!” 

  “Taong ito, kapag sa pagkain ay alisto. Oo, maramingpagkain kaya huwag tayong mag-aksaya ng panahon.Halughugin natin ang buong bahay at tila walang tao.

Hinalughog nga nila ang buong bahay. Lubhang matataasang pinto nito. Naisip nilang hindi pangkaraniwang tao angnakatira rito. At maging sa silid ay napakalaki rin. Kasyamarahil ang 10 tao sa silid. At nagulat si Pilay nang tumambadang napakalaking lutuan.

Page 7: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 7/15

Tao yata ang niluluto rito,” sabi ni Pilay sa noon ay

karga-karga pa rin ni Bulag. “Pati silya at mesa ay

ubod ng taas. Nagdududa na ako, Bulag. Hindi ito

bahay ng karaniwang tao. Bahay ito ng higante!”    “Higante?” Muntik nang maibagsak ni bulag ang

pasan-pasang kaibigan. “Umuwi na tayo, Pilay.” 

Inis na napailing ang sinabihan. “Napakaduwag 

mo talaga, Bulag. Hindi tayo aasenso niyan kung hindi

ka magpapakatapang. Titigil tayo. Mag-iisip ako ng

paraan upang mapasaaatin ang bahay na ito sakali

mang dumating ang may-ari.”  Napayapa rin ang loob ni Bulag. Ang malalaking

hita ng manok na nakasalang sa kawali ay inumit nila

at kinain.Halos mabundat sila sa kabusugan nang

mayamaya ay ginulantang sila ng kakaibang ingay.

Page 8: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 8/15

Hinawakan ni Pilay ang kaibigan. “Shhh. Ayan na ang

higanteng may-ari ng bahay. Bulag, buhatin mo ako at

magtago tayo sa likuran ng pinto.” 

Sapagkat napakalaki ng pintuan, hindi nahalata nadito sila nagtago.

Nang pumasok ang bagong dating, lalong nanlaki

ang mata ni Pilay. May 12 talampakan ang taas nito.

 Ang mga yabag nito ay halos bumingi sa kanila.Isang

higante nga.

 Ang malaking kawali ang unang siniyasat ng higante

at sa tinig na mabalasik ay nagsalita ito. “May pumasok sa bahay ko. Bakit nagkulang ng hita ng

manok sa kawali?” 

Hindi umiimik ang dalawa. Natatakot si bulag. Si Pilay

naman noon ay nag-iisip na kung paano makatakas.

Page 9: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 9/15

Sa tinig na animo’y kulog ay nagsalitangmuli ang higante, “Sino ka man, lumantadka, at ikaw ay aking kakainin!” 

Sa halip na lumantad ay sumigaw si Pilaynang pagkalakas-lakas. “Hindi ako tao!Higante rin akong tulad mo.” 

Nagulat ang higante sa narinig. Ngayonlang siya dinalaw ng kapwa higante. Hindisiya makapaniwala.

“Kung tunay ngang higante ka, bakitnatatakot kang magpakita?” tanong niyasa tinig na kagimbal-gimbal.

Page 10: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 10/15

“Ako’y may sa-tagabulag,” sagot ni Pilay na pilitpinalalakas ang tinig. “Kung gusto mo ayipakikita ko na lamang sa iyo ang aking buhok,” 

pagkuwa’y inihagis niya sa kinatatayuan nghigante ang lubid. Gayon na lamang angpagkamangha ng higante nang makita angpagkahaha-habang hibla ng buhok ng

estranghero. Ngunit sa halip na maniwala, ayhinamon pa niya ang may sa-tagabulag nahigante.

“Sa tingin ko ay nagpapanggap ka lamang. Hindi

kalakihan ang iyong tinig. Kung talagang higanteka ay iparinig mo sa akin ang iyong halakhak.” 

“Masusunod,” sabi ni Pilay. Pagkuwa’y kinuha niPilay ang nakatagong trumpeta at hinipan ito

nang pagkalakas-lakas.

Page 11: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 11/15

“O, hindi pa malakas iyan. Nabingi ka na,” 

pagmamalaki ni Pilay.

Nag-isip ang higante. Kung tunay ngang higante

ang nasa pamamahay niya ay dapat makatiyaksiya.

“Pwes, sabi niya, maniniwala nga ako sa iyo na

di hamak kang malaki kaysa sa akin kung

maipapakita mo kahit isa mong ngipin.” 

Nag-isip si Pilay, naalala niya ang malaking

palakol. Hinagis niya ito sa tapat ng higante.

“Narito.”  Napaurong ang higante sa nakita. Kaylaking

ngipin. Kung ito’y unahan man o bagang ay

hindi hamak na malaki ito kaysa sa kanyang

ngipin.

Page 12: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 12/15

  “Naniniwala ka na ba?” tanong ni Pilay.

“Isa na lamang. Maniniwala akong lubusankung maipaparinig mo ang tibok ng iyong puso.” 

Natigilan si Pilay. Mahirap yata angpinagagawa ng higante. Ngunit naalala niya angtambol. Inilabas niya ito sa taguan at pinalonang malakas at walang tigil.

“Narito pa!” sabay hataw muli sa tambol.

Sa lakas ng pagkapalo ay halos nabingi anghigante. Tinakpan nito ang tainga at kumaripasng takbo palabas.

Gayon na lamang ang pagsasaya ng

magkaibigan. Hindi na bumalik pa ang higante.“Ikaw lang, e,” sabi ni Pilay sa kaibigan.

“Kung hindi matatag ang loob mo ay niluto natayo ng higanteng iyon.” 

Page 13: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 13/15

1. Bakit nagpunta sa bayan sina Bulag at Pilay?

2. Paano nagkatulungan sina Bulag at Pilay sapaglalakbay?

3.  Anu-ano ang mga napulot nila habang sila aynaglalakbay?

4. Paano nila nagamit ang mga bagay na kanilangnapulot?

5. Bakit noong una ay ayaw maniwala ng higante na ang

kausap niya ay isa ring higante?6.  Ano ang masasabi mo sa dalawang tauhan ng

kwento?

7. Kung ikaw si Pilay o si Bulag, paano ang gagawin mosa iyong buhay?

8.  Ano sa palagay mo king maraming nanglimos samagkaibiga?

9. Kung hindi naniwala ang higante, ano ang maaringmangyari kina PIlay at Bulag?

Page 14: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 14/15

Suriin ang mga salitang may salungguhit.

Naalaala niya ang tambol. Inilabas niya ito

sa taguan at pinalo ng malakas at walangtigil.

 Ang salitang may salungguhit ay

magkaugnay. Magkaugnay ang dalawangsalita kung sa pamamagitan ng bawat isa

ay nagkakaroon ang mga ito ng

kahulugan.Kinuha ni Pilay ang nakatagong trumpeta at

hinipan ito nang pagkalakas-lakas.

Page 15: Ang Bulag at Ang Pilay

7/15/2019 Ang Bulag at Ang Pilay

http://slidepdf.com/reader/full/ang-bulag-at-ang-pilay-563280e1d3800 15/15

Salungguhitan ang dalawang salitang magkaugnay sapangungusap.

1. Hinanap nila ang kusina. At nagulat sila nang

tumambad sa kanila ang napakalaking lutuan.2.  Ang mga yabag niya ay halos bumingi sa kaniyang

tainga.

3. Sumigaw si Pilay ng pagkalakas-lakas.

4. Hindi Bulag talagang maganda itong nakikita ko.5. Sa lakas ng pagkapalo ay halos nabingi ang higante.

6. May labindalawang talampakan ang taas ng higante.

7. May sampung yarda yata ang haba.

8. Hindi niya narinig ang sinabi ni Pilay.9. Hingal-kabayo na siya sa hirap.

10. Naglakbay sila hanggang sumapit sa isang malakingtahanan.