32
Epekto ng Pagseselfie sa mga Mag-aaral ng Unang Taon Seksyon-31 sa Batsilyer ng Pagtutuos ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus Faith Ann R. Laspina

Epekto ng pagseselfie

  • Upload
    peytan

  • View
    7.760

  • Download
    8

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Epekto ng pagseselfie

Epekto ng Pagseselfie sa mga Mag-aaral ng Unang Taon Seksyon-31 sa Batsilyer ng Pagtutuos ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus

Faith Ann R. Laspina

Page 2: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 1PANIMULA

Simula taong 2012 hanggang ngayong 2013, tanyag na tanyag ang  salitang "selfie", na tumutukoy sa mga larawan na kadalang pinopost nang solo. Ayon sa mga pinakahuling pag-aaral, naging malaki ang epekto ng pagkakaroon ng mga social networking accounts tulad ng Facebook, Twitter , Instagram at iba pa na kinakailangan mong magkaroon ng mga virtual circle of friends. Nagdudulot daw ito ng pagiging conscious ng isang indibidwal sa kung gaano kadaming followers meron sila at kung anu-ano ang mga dapat ipo-post sa kanilang mga accounts na makakapag-pa -impress sa ibang maaaring makita ng post na iyon. Dahil sa patuloy na popularidad, itinanghal bilang "word of the year" ng Oxford English Dictionary ang "selfie".Ayon sa Oxford Dictionaries, lumobo sa 17,000-porsyento ang paggamit ng salitang "selfie" mula noong 2012. Pagkuha ng self portrait gamit ang smartphone, webcam at camera ang kahulugan ng "selfie".

Page 3: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 1PANIMULA

Naungusan nito ang mga sumikat na salita ngayong taon kagaya ng "twerk" o pagsayaw sa mapang-akit na paraan na pinasikat ng singer na si Miley Cyrus sa MTV Video Music Award noong Agosto 2012. Sa kaparehong buwan din naging viral sa social media ang "selfie" ni Pope Francis kasama ang mga kabataang bumisita sa Vatican.Hanggang sa itinanghal na ng TIME Magazine ang Makati City bilang “The Selfie Capital of the World noong March 14, 2014. Batay sa pag-aaral ng TIME, mayroong 258 selfie-takers sa bawat 100,000 mamamayan. Kasama rin ng Makati City ang kapitbahay nitong Pasig City, at pang-siyam rin sa listahan ang Cebu City na may 99 selfie-takers sa bawat 100,000 mamamayan.

Page 4: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 11.1 LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang papel pananaliksik na ito ay may layong mabigyang pansin ang mga opinyon ng mga mag-aaral sa unang taon – seksiyon 31 ng Batsilyer ng Pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila sa mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga kabataang mag-aaral na katulad nila sa pagseselfie. Nais ring maipaalam ng mananaliksik ang mga positibo at negatibong epekto ng pagseselfie sa kanilang pamumuhay.

Page 5: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 11.2 SULIRANIN NG PAG-

AARAL

1. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit naaakit mag-selfie ang isang kabataang indibidwal?2. Anu-ano ang mga positibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?3. Anu-ano naman ang mga negatibong epekto ang kaakibat ng sobrang pagkahilig sa pagseselfie?4. At kung ano ang mas nangingibabaw sa kanila, ang positibong epekto nito o ang negatibo?

Page 6: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 11.3 SAKLAW AT

LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa mga opinyon ng mga indibidwal na napili upang sumagot ng sarbey kwestyoneyr na inihanda ng mananaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit naaakit ang mga indibidwal sa pagseselfie, ang mga positibo at negatibong epekto nito sa mismong taong sumiselfie at kanilang sariling pananaw kapag sila ay nakakakita ng taong nagseselfie.

Ang mananaliksik ay pumili ng tatlongpu’t anim (36) na respondente na nakatakdang sumagot sa sarbey at ang mga respondenteng ito ay nagmula sa seksyon 31 sa unang taon ng Batsilyer ng Pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila, Taong Pampanuruan 2013-2014.

Page 7: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 11.4 TEYORETIKAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay iniugnay sa mga teorya upang mapagpatibaya ang mga resulta at upang mas maging batayan ng mananaliksik sa pagbuo ng buong papel pananaliksik.  Sa MASLOW’S HIERARCHY OF NEEDS, kinakailangan ng isang tao ang sosyal na pangangailangan (social needs), kailangan ng isang tao ang pagmamahal, at matanggap sila ng kanilang pamilya, kaibigan at mga katrabaho kung ano at sino sila sapagkat sila ay nasa isang mundong kinagagalawan lamang (McLeod, 2007), sa tulong ng Selfie o Pagseselfie, nagkakaroon ng sosyal na koneksyon ang isang indibidwal sa mga ito sa tulong ng mga litrato. May relasyong nabubuo malayo man o malapit ang mga taong nakakakita nito. Kaugnay rin dito, maliban sa pangangailangang sosyal, ayon sa SELF-VERIFICATION THEORY, isang teorya na nakapokus sa kagustuhan ng tao na makilala at at maintindihan ng mga tao. Karamihan ng mga indibidwal ay gustong maging in o laging sunod sa uso, dahil sa pakiramdam nila at pag-aakala ay sila ay matatanggap at makikila kung gagawin at sasabay sila sa kung ano ang patok at sikat (Swann, 1983). Kakabit din ng teoryang ito ang kakayahang maiba ang personalidad ng isang tao sa pamamagitan ng interaksyon sa isang indibidwal. Nagiging isang malaking impluwensiya ito para mahubog ang mga ugali at kagustuhan. Sa subjek ng mananaliksik na selfie, nakikita rito na ang mga tao ay sumusunod sa kung ano ang uso at ginagawa nila kung ano ang ginagawa ng kanilang mga kasama sa pang-araw-araw dahil isang impluwensiya ang mga ito sa paghubog ng personalidad. Maipapakita ito sa sarvey na isinagawa ng mananaliksik.

Page 8: Epekto ng pagseselfie

Sa pagpapatuloy, ang lahat ng bagay ay may mga positibo at negatibong epekto, sa SELF-WORTH THEORY OF ACHIEVEMENT MOTIVATION, ito ay teorya kung saan sinasabi na ang pinakamataas na prayoridad ng isang tao ay ang self-acceptance , kung saan naaakit mag-ayos ang isang inidibidwal upang matanggap lamang siya ng kanyang mga kasama (COVINGTON,1998, p. 78) , kalakip nito ang magandang epekto ng pagseselfie sa tao, gamit ng Selfie naakit sila mag-ayos upang makakuha ng magagandang komento at sa paghahanap nito ay nagiging resulta ng pagdepende ng isang tao sa kanyang sarili. Wala na siyang pakialam sa kanyang paligid kaugnay nito ang ADOLESCENT EGOCENTRISM sa mga kabataan kung saan lagi na silang nakatuon sa kanilang panlabas na anyo at ugali (Elkind,PhD, 1967). Naniniwala sila na ang lahat ng mata ay sa kanila nakatuon o “imaginary audience”. Ipinapakita lamang nito ang isa sa mga negatibong epekto ng pagseselfie sa kadahilanang nagiging sarado ang isipan ng isang tao sa kanyang paligid bagkus nakatuon lamang siya sa kung ano siya at kung anong meron siya.

KABANATA 11.4 TEYORETIKAL NA BALANGKAS

Page 9: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 11.5 KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga dahilan at epekto ng pagseselfie sa mga inidbidwal, positibo man o negatibo na inirepresenta ng mga respondente, kaugnay rin dito ang pagtitimbang ng mga epekto mula tatlongpu’t anim (36) na mga mag-aaral ng Unang Taon, seksyon-31 ng Batsilyer ng Pagtutuos ng Politeknikong Unibersidad Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila sa paraan ng deskriptib sarvey na kanilang sinagutan upang makakalap ng mga kinakailangang impormasyon.

Page 10: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 11.5 KONSEPTWAL NA BALANGKAS

SELFIE

Unang Taon-Seksiyon 31, Batsilyer ng Pagtutuos , Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini

Campus, Sta.Mesa Manila

DAHILAN EPEKTO

NEGATIBOPOSITIBO

DESKRIPTIB SARVEY

Page 11: Epekto ng pagseselfie

1.6.1 DISENYO NG PANANALIKSIKAng pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib sarbey upang malaman ang mga pananaw at opinyong ng mga respondente tungkol sa mga nabanggit na layunin, suliranin at pokus ng pananaliksik na ito. Sa pag-aaral ng mananaliksik, ang paggamit ng talatanungan ay isang produktibo at mas magandang paraan upang makalap ang mga impormasyon, saloobin at komento na kailangan mula sa mga respondente.

KABANATA 11.6 PAGLALAHAD NG METODOLOHIYANG GINAMIT

Page 12: Epekto ng pagseselfie

1.6.2 MGA RESPONDENTE NG PAG-AARALAng pag-aaral na ito ay may tatlongpu’t anim (36) na mag-aaral na nanggaling sa Seksyon-31 ng Unang Baitang sa kursong Pagtutuos ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila. Ang mga respondente ay napili ng mananaliksik dahil sa kadahilanang sila ay abot-kamay na ng mananaliksik at ang mga respondente ay nakapaloob at kasali sa grupo ng mga kabataan at mag-aaral na kinakailangan para maisakatuparan ang layunin ng papel pananaliksik na ito at para makakuha ng mga datos o impormasyon para sa mga nabanggit na suliranin.

KABANATA 11.6 PAGLALAHAD NG METODOLOHIYANG GINAMIT

Page 13: Epekto ng pagseselfie

1.6.3 INSTRUMENTO NG PANANALIKSIKAng paggamit ng isang talatanungan o sarbey ay ang paraan ng mananaliksik upang kumalap ng impormasyon at datos mula sa mga iginagalang na respondente. Ang talatanungang ito ay naglalaman ng mga tanong na nakabatay sa layunin at suliranin ng papel pananaliksik kung saan ang mga respondente ay nakatakdang sagutan ang mga tanong gamit ang paglalagay ng tsek sa mga kahon katabi ng mga pagpipiliang sagot o nasa paraang close ended. Mayroon rin tanong kung saan ang sagot ay wala nang pagpipilian sa halip ito ay nasa sariling mga salita na ng mga respondente o tinatawag na open ended.

KABANATA 11.6 PAGLALAHAD NG METODOLOHIYANG GINAMIT

Page 14: Epekto ng pagseselfie

1.6.4 PARAAN NG PAGKALAP NG DATOSKatulad ng nabanggit sa itaas, gumamit ng sarbey ang mananaliksik

sa tatlongpu’t anim (36) na respondente na nagmula sa seksyon 31 ng Unang baitang ng Kursong Pagtutuos mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga talatanungan ay ibigay sa mga respondente sa angkop na oras at ito ay ikinolekta ilang minuto pagkatapos ibigay at sagutan ang nasabing papel. Sa unang tanong ay nakabatay kung ipagpapatuloy pa nila ang pagsagot sa nasabing kwestyoner dahil ito ang magsasabi kung sila ay pasok sa krayterya ng kabataang mag-aaral na nagseselfie.

KABANATA 11.6 PAGLALAHAD NG METODOLOHIYANG GINAMIT

Page 15: Epekto ng pagseselfie

1.6.5 TRITMENT NG DATOSPagkatapos masagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang mga sagot ay itatali sa hiwalay na papel, ang mga nakuhang mga resulta ay gagamitan ng pormula upang maipakita ang mapagkakatiwalaang porsyento ng mga nasabing sagot ng mga napiling respondente.

KABANATA 11.6 PAGLALAHAD NG METODOLOHIYANG GINAMIT

PORSYENTO =

BILANG NG MGA SUMAGOTKABUUANG BILANG NG RESPONDENTE

X 100

Page 16: Epekto ng pagseselfie

Kultura ng ‘selfie’ WEDNESDAY, SEPTEMBER 25, 2013http://www.abante.com.ph/issue/sep2513/op_edit.htm#.Uwzcl2J_vfIUsung-uso nga ang ‘selfie’. Ito ‘yung pagkuha ng sariling litrato gamit ang mga maka bagong gadget na mayroong kamera. Pero hindi lang natatapos ang pagkuha ng sariling mukha kundi ipino-post pa ang mga ‘selfie’ pictures sa social media tulad ng Facebook at Instagram.Isang obispo ng Simbahang Katoliko ang nakapuna sa lumalawak na kultura ng ‘selfie’ lalo na sa mga kabataan. Ang interpretasyon kasi rito ni Archbishop Teodoro Bacani ay isang estado ng kaisipang nagsusulong ng pagiging makasarili ang ‘selfie’ culture, lalo na sa mga kabataan.Uso kung uso pero may punto si Bishop Bacani. Sabi nga sa isang pelikula, ang ‘vanity’ o sobrang pag-aayos ng sarili para maging maganda sa sariling paningin at sa paningin ng iba ay isa sa paboritong ‘sin’ ng kadiliman. Tunay na itinatatak nito sa kaisipan ang pagiging makasarili.Imbes na mukha ng pamilya o kaibigan o mahal sa buhay ang litratuhan ay panay sarili na lamang ang kinukunan ng litrato. Nawawala na ang pakikipagkapwa-tao. Sabi pa ni Bishop Bacani, “I, me, myself” na lamang ang nasa isip sa lumalawak na ‘selfie’ culture.

KABANATA 2 2.1 Kaugnay na Literatura

Page 17: Epekto ng pagseselfie

Walang masama kung pahalagahan at mahalin ang sarili pero hindi dapat kalimutan ang iba pang mahahalaga ring bagay. Unang-una na, ang pagpapalago ng pananampalataya sa Panginoong Lumikha. Sa sobrang kaabalahan sa sarili, nakakaalala pa ba ang mga kabataan na magdasal at magsimba. Kung mayroon mang mangilan-ngilang nagsisimba, makikita pa rin silang kuha pa rin nang kuha ng ‘selfie’ pictures sa kanilang mga mobile phones.

Sa mga pagtitipon ng pamilya, naaalala pa bang pagtuunan ng pansin ang ibang miyembro ng pamilya, lalo na ang mga nakakatanda? Katwiran ng mga bagets, wala naman silang FB account bakit kailangan pang isama sa litrato? Baka walang mag-like.May oras pa bang kumustahin ang mga kapitbahay o nauubos na ang oras sa pagbababad sa Internet?Sa mga reunion ng dating magkakaklase o schoolmate, hindi ba’t mas mahaba ang oras ng kuhanan ng litrato kaysa kumustahan at totoong kwentuhan? Bago kumain, litrato muna imbes na humingi ng basbas ng Panginoon para sa nakahaing grasya.Marami sa kasalukuyang henerasyon ang umiikot ang buhay sa social media. Kahit ang mga ipino-post na status, tungkol lahat sa sarili. Hindi lang litrato ang nase-selfie kundi maging ang mga inihahayag sa social media. Wala nang pakialam sa pangangailangan ng iba. Ni hindi makuhang magbida para naman sa karangalan o magandang balita tungkol sa kapwa.Sana nga ay magkaroon ng limitasyon ang pagiging ‘selfie’ at sana ay hindi mahuli ang pagputol ng mga magulang sa ganitong kultura, lalo ng mga kabataan.

KABANATA 2 2.1 Kaugnay na Literatura

Page 18: Epekto ng pagseselfie

Tungkulin ng kabanatang nito na ilahad ang mga nakalap na datos mula sa sarbey na sinagutan ng mga respondente. Kalakip ng mga tanong ay bilang ng mga sagot at ang porsyentong ekwibalent na ginamitan ng pormula na nakalagay sa isang talahanayan. Ikaw ba ay nagseselfie? Sa Talahanayang ito, sa 41 na kabuuang bilang ng binigyan ko ng sarvey at ito rin ang bilang ng mga sumagot, lumabas sa pagtatali ng riserter na 36 respondente ang sumagot na “OO” at lima (5) ang nagsabi na hindi sila nagseselfie.

Batay sa nakalap na datos mula sa unang kwestyon, lumalabas na 36 respondente na lamang ang maaaring magpatuloy na sagutan ang natitira pang tanong sa nasabing kwestyoner dahil sila na lamang ang may kakayahang sagutan ito sa rason na sila lamang ang bilang ng gumagawa ng pagseselfie. Sa puntong ito, 36 nalamang ang bilang ng respondenteng naiwan kaya’t sa pormulang gagamitin, 36 na ang kabuuang bilang ng mga respondente.

KABANATA 3 PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Kabuuang Bilang ng Sumagot (41)

OO 36

HINDI 5

Page 19: Epekto ng pagseselfie

2. Ano ang iyong dahilan kung bakit ka naaakit magselfie?

Sa Talahanayan 2, Ang may pinakamataas na porsyento ay ang dahilan na nakikiuso lamang sila na may 13 respondente ekwibalent sa 36%, tabla naman ang pagpapahayag ng damdamin at trip lang ang pagseselfie na mayroong anim(6) na respondente katumbas ng 17%, sumunod ang kagustuhang makakuha ng maraming likes sa mga social networking sites katulad ng Facebook at Instagram na mayroong tatlong(3) respondente o 8 %, parehas naman na may 5% o dalawang (2) respondente ang dahilang may bago silang gamit o sa tingin nila ay mukhang masarap ang kanilang pagkain at ito ay ipinapakita gamit ang pagseselfie kasama ang mga ito, dahil nararamdaman nila na sila ay maganda at para maglibang. Ang dahilang para sila ay may pang-display picture at para sa kanilang pampersonal na picture ay may isang(1) respondente na may katumbas na 3%.

KABANATA 3 PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Page 20: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 3- PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Kabuuang Bilang ng Sumagot (36) Ekwibalent na Porsyento

Gusto lamang magpahayag ng damdamin. 6 17 %

Dahil may bago kang gamit o sa tingin mo ay

mukhang masarap ang iyong pagkain at ito ay

iyong ipinapakita gamit ang pagseselfie kasama

ang mga ito.

2 5 %

Gusto mo makakuha ng maraming “likes” sa mga

social networking sites katulad ng Facebook at

Instagram.

3 8 %

Nakikiuso lamang. 13 36 %

Iba Pang mga sagot:

Trip lang

Nararamdaman nila na maganda sila sa litrato.

Para maglibang

Pampersonal na larawan

May pang-display picture.

6

2

2

1

1

17 %

5 %

5 %

3%

3%

36 100%

Page 21: Epekto ng pagseselfie

3. Ano sa iyong opinyon ang mga positibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?

Sa Talahanayan 3, nakakuha ng pinakamadaming sagot ang positibong epekto na naaakit mag-ayos ng sarili na may 38% o 14 respondente, sumunod ay ang naibabahagi ang mga nararamdaman na may anim(6) na respondente o 17%, tumataas ang tiwala sa sarili na may limang(5) respondente o 14%, nalilibang na may apat(4) na respondente o 11 %, may tig-isang respondente naman ang mga sagot na masayang mag-apdeyt ng display picture, naiiba ang personalidad, nagkakaroon ng madaming pictures, at walang nakikitang positibong epekto na nakakuha ng 3 posyento.

KABANATA 3 PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Page 22: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 3- PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Kabuuang Bilang ng

Sumagot (36)

Ekwibalent na

Porsyento

Naaakit na mag-ayos ng sarili. 14 38%

Napupuri ng ibang tao sa paraan ng pagkokomento sa iyong

mga selfie sa social networking sites.

3 8%

Tumataas ang tiwala sa sarili. 5 14%

Naibabahagi ang mga nararamdaman. 6 17%

Iba Pang mga sagot:

Nalilibang

Masayang mag-apdeyt ng display picture.

Naiiba ang personalidad.

Nagkakaroon ng madaming pictures.

Walang positibong epekto.

4

1

1

1

1

11 %

3%

3%

3%

3%

36 100%

Page 23: Epekto ng pagseselfie

4. Ano sa iyong opinyon ang mga negatibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?Sa Talahayanayan 4, ipinapakita na parehas ang nakuhang porsyento ng mga sagot na nagiging self-centered o nakatuon lamang sa sarili at naaakit bumili ng mga kagamitan (hal. Camera/DSLR, mamahaling cell/smartphones na may mas mataas na megapixel) upang gamitin sa pagseselfie na mayroong 22 % na ekwibalent sa 8 respondente. Mayroon namang 7 respondente katumbas ng 19 % ang napili ang sagot na mas maraming oras sa pagseselfie at pagpipili ng iyong larawan upang i-post sa social networking sites, tabla rin sa 14 porsyento na nakuha ng mga sagot na laging hinihiram ang camera ng kaibigan o kapamilya hanggang sa ito ay malowbat, makapagselfie lamang at walang nakikitang masamang epekto katumbas ng 5 respondente at may tis-isang respondente naman ang mga sagot na nawawalan ng oras para sa ibang bagay, may mga naiinis o nang-aaway at over-confidence.

KABANATA 3 PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Page 24: Epekto ng pagseselfie

KABANATA 3- PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Kabuuang Bilang ng

Sumagot (36)

Ekwibalent na Porsyento

Nagiging self-centered o nakatuon lamang sa sarili. 8 22%

Mas maraming oras sa pagseselfie at pagpipili ng iyong larawan upang i-post sa

social networking sites.

7 19%

Naaakit bumili ng mga kagamitan (hal. Camera/DSLR, mamahaling

cell/smartphones na may mas mataas na megapixel) upang gamitin sa pagseselfie.

8 22%

Laging hinihiram ang camera ng kaibigan o kapamilya hanggang sa ito ay

malowbat, makapagselfie lamang.

5 14%

Iba Pang mga sagot:

Nawawalan ng oras para sa ibang bagay

May mga naiinis o nang-aaway.

Over-confidence.

Walang nakikitang negatibong epekto.

1

1

1

5

3 %

3%

3%

14%

36 100%

Page 25: Epekto ng pagseselfie

5. Sa iyong palagay, ano ang mas nangingibabaw ang positibong epekto nito o ang negatibong epekto? Bakit?Ang tanong na ito ay nasa paraang open-ended, malayang sumagot ang respondente sa kanilang paraan. Ang mananaliksik ay ipinagsama-sama ang mga magkakapareho at may iisang ideya na mga sagot mula sa mga respondente. Sa nasabing tanong, 27 na respondente ang sumagot na mas nangingibabaw positibong epekto at 9 ang mas nangingibabaw ang negatibong epekto.Sa 27 na respondente na nagsabi na ang mas mangingibabaw ang positibong epekto, pinakamadami ang may dahilang dahil dapat may limitasyon lamang at ito ay makokontrol naman mula sa walong(8) respondente, apat(4) ang sumagot na sila ay dahil sila ay nalilibang at nakakalimot sa problema, apat(4) ang nagiging pala-ayos sa sarili, tatlo(3) respondente dahil ito ay isa lamng pagpapahayag ng damdamin, tig-dalawa ang sagot na nakakapagtanggal ng stress at nakakapagpataas ng self-esteem , tig-isa din ang sumagot ng nalalaman ang kalagayan ng isang tao gamit ang litrato at nahihikayat mag-ayos ng sarili at isa rin ang bilang ng sumagot na positibo sa kadahilanang isa mas marami ang nakikita niyang positibong epekto kaysa sa negatibong epekto nito.

KABANATA 3 PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Page 26: Epekto ng pagseselfie

Sa kabilang banda , sa siyam(9) na respondente na sumagot na mas nagingibabaw ang negatibong epekto nito ay may dalawa(2) respondente na nagsabi na dahil ginagawa lang daw ito upang magyabang, dalawa(2) din ang nauubos lang ang oras nila dahil sa pagseselfie, at dalawa rin ang sumagot na naiipagpaliban ang ibang bagay, tig-iisa naman ng mga respondente ang sumagot na wala namn daw itong naiitulong o nai-aambag sa lipunan, maraming naasar sa iyo at nasosobrahan sa pagseselfie.

KABANATA 3 PAGLALAHAD NG NAKALAP NA DATOS

Page 27: Epekto ng pagseselfie

4.1 PAGLALAHAD NG NATUKLASANMula sa mga nakalap na datos mula sa mga respondente

mula sa seksyon 31-Unang taon ng Kursong Pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila, natuklasan ng mananaliksik na lumabas na ang pangunahing dahilan kung bakit naaakit mag-selfie ang mga kabataan ay dahil sila ay sumasabay lamang sa uso patunay lamang na ito ay nakakuha ng 36% sa nasabing sarvey. Ang iba naman ay nagpapahayag lamang ng kanilang damdamin at ang iba naman ay natripan lang sumelfie, itong dalawang dahilan na ito ay ikalawa sa pangunahing dahilan batay sa nakalap na impormasyon na may 17%. Sumunod dito ay ang 8% kagustuhan na makakuha ng maraming likes sa kani-kanilang mga social networking sites na kinabibilangan. May 5% naman ang mga dahilang gusto lamang nilang maglibang at feeling nila ay sila ay maganda sa napiling litrato at sila ay bagong gamit. Mayroon naming tig –isang porsyento ang mga dahilang para sila ay may pang-display picture at pampersonal na picture.

KABANATA 4 PAGLALAHAD NG NATUKLASAN,

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 28: Epekto ng pagseselfie

Natuklasan rin ng mananaliksik ang mga opinyon ng mga respondente sa mga nakikita nilang positibong epekto ng pagseselfie sa kanilang sarili. Nakakuha ng pinakamataas na porsyento, 38%, na sila ay naaakit mag-ayos ng kanilang sarili, mayroong 17% ang mabuting epekto sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin, 14% mula sa mga respondente ang tumataas ang tiwala sa sarili, 11% ang nalilibang, at 3% naman ang mga positibong epekto na naiiba ang personalidad, pagkakaroon ng madaming picture, naa-update ang display pictures, mayroong ring 3% ang nagsabing wala silang nakikitang positibong epekto.

Sa kabilang banda, nakuha rin ng mananaliksik ang opinyon ng mga respondente ukol sa mga nakikita nilang negatibong epekto ng selfie sa kanilang sarili. Pinakamataas na porsyento rito ay 22%, ang pagiging self-centered at ang pagkaakit sa pagbili ng mga kagamitan (hal. Camera/DSLR, mamahaling cell/smartphones na may mas mataas na megapixel) upang gamitin sa pagseselfie. May 19% ang mas maraming oras sa pagseselfie at pagpipili ng iyong larawan upang i-post sa social networking sites, pantay naman ang sa 14 porsyento ang laging hinihiram ang camera ng kaibigan o kapamilya hanggang sa ito ay malowbat makapagselfie lamang at walang nakikitang masamang epekto. Ang mga negatibong epekto tulad ng nawawalan ng oras para sa ibang bagay, may mga naiinis o nang-aaway at over-confidence ay pare-parehas nakakuha ng 3 porsyento.

KABANATA 4 PAGLALAHAD NG NATUKLASAN

Page 29: Epekto ng pagseselfie

Sa kabuuan, ayon sa sarvey na isinagawa, natuklasan rin ng mananaliksik na mas nangingibabaw sa 36 na respondente ang positibong epekto ng pagseselfie dahil 27 sa kanila ang pumanig dito, 8 ang sumagot na ito naman daw ay makokontrol at dapat lamang ay may limitasyon, tig-apat na bilang naman ang kadahilanang sila ay nalilibang, nakakalimutan ang problema at nagiging palaayos sa sarili. May 3 respondente rin na sumagot na dahil ito ay nakakapagatanggal ng stress. tig-isa din ang sumagot ng nalalaman ang kalagayan ng isang tao gamit ang litrato at nahihikayat mag-ayos ng sarili at isa rin ang bilang ng sumagot na positibo sa kadahilanang isa mas marami ang nakikita niyang positibong epekto kaysa sa negatibong epekto nito.

Sa siyam (9) na nagsabi naman na mas nangingibabaw sa kanila ang negatibon epekto nito, tig-dalawa (2) ang may dahilang ginagawa lamang ito upang magyabang, nauubos lang ang oras nila dahil sa pagseselfie, at dalawa rin ang sumagot na naiipagpaliban ang ibang bagay. Tig-iisa (1) naman ang nagdahilan na wala namn daw itong naiitulong o nai-aambag sa lipunan, maraming naasar sa iyo at nasosobrahan sa pagseselfie.

KABANATA 4 PAGLALAHAD NG NATUKLASAN

Page 30: Epekto ng pagseselfie

4.2 KONKLUSYON Batay sa mga datos, ang mananaliksik ay nakabuo ng konklusyon na

karamihan sa mga respondente ay sumusunod sa uso at gustong maging – in sa mga nangyayari sa kanilang paligid. At karamihan din sa ma ito ay ginagawang instrumento ang pagseselfie upang magkaroon ng oras at mahikayat ang sarili upang makapag-ayos.

Ang iba ay negatibo ang tingin dito, dahil sa kanila ay isa lamang itong pagmamayabang, pag-aaksaya ng oras at walang maitutulong sa lipunan. Ngunit sa ipinakita ng mga impormasyon, mas marami pa rin ang nakakakita ng mga positibong epekto nito sa kabuuan dahil itinuturing nila itong isang paraan upang mas maging maayos na indibidwal.

KABANATA 4 PAGLALAHAD NG NATUKLASAN,

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 31: Epekto ng pagseselfie

4.3 REKOMENDASYONKaugnay sa mga natuklasan, inirerekomenda ng manananaliksik

katulad ng isang sagot sa sarvey, na dapat alamin muna ng mga taong gustong gawin ang isang bagay ang mga limitasyon at mga kaugnay nitong kapalit o “consequences”. Katulad ng pagseselfie, ito ay may dulot na positibo at negatibong epekto sa isang tao, dapat lamang ay alamin muna natin kung hanggang saan lamang tayo upang ang magagandang dulot nito ay ating maranasan at maiwasan na rin ang mga masasamang kapalit nito

KABANATA 4 PAGLALAHAD NG NATUKLASAN,

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 32: Epekto ng pagseselfie