172
1 E E d d u u k k a a s s y y o o n n s s a a P P a a g g p p a a p p a a k k a a t t a a o o Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog E E d d u u k k a a s s y y o o n n s s a a P P a a g g p p a a p p a a k k a a t t a a o o Kagamitan ng Mag-aaral sa Unang Baitang 1

K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)

Embed Size (px)

Citation preview

1

EEdduukkaassyyoonn ssaa PPaaggppaappaakkaattaaoo

KKaaggaammiittaann nngg MMaagg--aaaarraall

Tagalog

EEdd

uukk

aassyy

oonn

ssaa

PPaa

ggpp

aapp

aakk

aatt aa

oo

Kaga

mita

n n

g M

ag

-aa

ral sa

Un

an

g B

aita

ng

1

Talaan ng Paggamit ng Aklat

Paaralan: __________________________________________________________________

Purok: ____________________________________________________________________

Sangay: ___________________________________________________________________

Rehiyon: __________________________________________________________________

Kailan natanggap sa paaralan: _________________________________________________

Pangalan ng Humiram

(Pangalan ng Guro)

Kailan

Ipinahiram Kondisyon Kailan Isinauli Kondisyon

Gamitin ang sumusunod na mga titik sa pagtatala ng kondisyon ng aklat:

A (Bago)

B (Gamit na ngunit maayos pa)

C (May kaunting sira)

D (Maraming sira)

Ingatan ang Iyong Aklat

Mga Dapat Gawin:

1. Pabalatan ang aklat ng plastik o manila paper. Maaari ding gamitin ang lumang diyaryo o magasin.

2. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang mga pahina.

3. Sa unang paggamit ng aklat, ihiga ito at buklatin nang isa-isa ang mga pahina. Bahagyang diinan ang bahaging pinagdikitan ng mga pahina habang binubuklat.

4. Gumamit ng panandang papel o cardboard sa pagitan ng mga pahina.

5. Idikit at ayusin ang mga punit na bahagi ng aklat. 6. Pag-ingatan ang aklat kapag ito ay hinihiram o

pinapahiram. 7. Itago ang aklat sa malinis at tuyong lugar. 8. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong guro kapag ito ay

nawala.

Mga Di Dapat Gawin:

1. Huwag itupi ang mga pahina. 2. Huwag sulatan ang balat at mga pahina nito. 3. Huwag gupitin ang mga larawan dito. 4. Huwag punitin o pilasin ang mga pahina. 5. Huwag hayaang nakabukas ang aklat kapag hindi ito

ginagamit. 6. Huwag gumamit ng lapis, bolpen, o iba pang makapal na

bagay sa pagitan ng mga pahina para pananda. 7. Huwag isiksik ang aklat sa bag na masikip. 8. Huwag gamitin ang aklat na pantakip sa ulo kapag

umuulan. 9. Huwag upuan ang aklat.

ISBN: 978-971-9981-50-3

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o

tumawag sa:

DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum

Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: [email protected],

[email protected]

i

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog Unang Edisyon, 2012 ISBN: 978-971-9981-50-3

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tangapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd

Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,

Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072

E-mail Address: [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Consultant: Fe A. Hidalgo, PhD.

Editor at Tagasuri: Irene de Robles

Mga Manunulat: Teresita M. Anastacio, Gloria M. Cruz, April Ann M. Curugan, Anna Cristina Nadora, Jennifer Quinto, at Rubie Sajise

Mga Tagasuri: Marilou D. Pandiño, Joselita B. Gulapa, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Ma. Rita T. Belen, Elvira E. Seguerra, Grace U. Salvatus

Mga Tagaguhit: Jesus Trinidad, Jr, Arnold Macabangon, Eric S. de Guia, Fermin M. Fabella, at Amphy B. Ampong,

Mga Naglayout: Aro R. Rara, Ma. Theresa M. Castro

Encoder: Earl John V. Lee

ii

Talaan ng Nilalaman

Yunit 1 Ako ay Mabuting Kasapi ng Pamilya

Aralin 1: Ako ay Natatangi........................... 2

Aralin 2: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili … 14

Aralin 3: Mahal Ko ang Akign Pamilya ….. 31

Yunit 2 Mahal Ko ang Aking Kapwa

Aralin 1: Alam ko ang Damdamin ng Iba ... 44

Aralin 2: Ako ay Magalang sa Lahat …..….. 53

Aralin 3: Ako ay Matapat sa Lahat ng Oras.. 65

Aralin 4: Mahal Ko ang Aking Kapwa ……… 75

Yunit 3 Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa

Pandaigdigang Pagkakaisa

Yunit 4 Pananalig sa Panginoon at Preperensya sa

Kabutihan

Aralin 1: Pagkamasunurin ......................... 84

Aralin 2: Pagpapahalaga sa Pagpapanatili

sa Kaayusan at Kapayapaan ………… 101

Aralin 3: Pagkalinga sa Kapaligigran …….. 113

Aralin 1: Pananampalataya sa Panginoon 138

Aralin 2: Paggalang sa Paniniwala ng Iba 146

Aralin 3: Pagkakaroon ng Pag-asa ………… 154

1

Yunit I

Ako ay Mabuting Kasapi

ng Pamilya

VISIT DEPED TAMBAYANhttp://richardrrr.blogspot.com/

1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education.2. Offers free K-12 Materials you can use and share.

2

Aralin 1: Ako ay Natatangi

Kumusta? Ano ang pangalan mo?

Ano-ano ang mga hilig mo?

Kaya mo bang gawin ang ginagawa ng mga bata

sa larawan?

3

Alamin

Ito ang mga batang sina Aya at Buboy.

Si Aya ay masiglang kumanta at maglaro.

Si Buboy ay mahusay magdrowing at sumayaw.

Masayahin sina Aya at Buboy.

Mahal sila ng kanilang mga magulang.

4

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang hilig ni Aya?

2. Ano ang paboritong gawin ni Buboy?

3. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya?

Ikaw naman, ano ang hilig mo?

Isulat sa kwaderno ang titik ng larawan na

nagpapakita ng hilig mong gawin.

D E

C

B A

5

Isaisip

Bawat bata ay may hilig na gawin.

Bawat bata ay may kayang gawin.

Aling larawan kaya ang nagpapakita na gusto nila

ang kanilang ginagawa? Iguhit ang tamang sagot

sa kwaderno.

Tingnan ang larawan.

Masaya kaya ang mga batang ito?

Ikaw, ano naman ang hilig mong gawin?

Ano ang kaya mong gawin?

Masaya ka ba kapag ginagawa mo ito?

Paano mo kaya mapahuhusay ang hilig mong ito?

Paano kung hindi mo hilig ang iyong ginagawa?

6

Aling larawan naman ang nagpapakita ng iyong

nararamdaman?

Bakit kaya ganito ang nadarama mo?

a. Dahil ba nahihirapan ka?

b. Dahil ba hindi mo alam gawin ito?

Madali lamang iyan.

a. Magtanong ka sa iba.

b. Magpaturo ka sa kanila.

7

Isagawa

Kaya mo bang gawin ang mga sumusunod?

Gawain 1: Halina’t Magpakilala

Hatiin ang klase sa ilang grupo.

Maupo nang pabilog.

Ipakilala ang bawat sarili.

Sagutin nang pasalita ang sumusunod.

1. Ano ang pangalan mo?

2. Ilang taon ka na?

3. Ano-ano ang mga hilig mong gawin?

8

Gawain 2: Maglaro Tayo

Tingnan ang mga larawan.

Tanungin ang kaklase kung alin dito ang hilig niya.

Isulat sa kwaderno ang bilang ng larawang napili ng

kaklase.

Umikot at tanungin ang iba pang mga kaklase.

Isulat ang bilang ng bawat sagot ng mga kaklase.

3 2 1 4

7 8 6 5

10

0

9 11 12

13 14 16 15

9

Gawain 3

Ano kaya ang madarama mo sa mga sitwasyong

ito? Iguhit ang anyo ng iyong mukha sa kwaderno.

1. Sumali ka sa kontes at nanalo .

2. Malapit ka nang tawagin upang tumula.

3. Hindi ka nanalo sa pag-awit.

4. Dumating ang iyong mga pinsan.

5. Pinilit ng iyong nanay na umawit ka.

Pag-usapan ang mga sagot.

Bakit ganito ang iyong nadarama?

10

Gawain 4

Ang sabi natin, kapag hindi mo alam,

matutulungan ka ng iba.

Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa iyo

upang mapahusay ang iyong nalalaman?

Makinig sa guro habang binabasa ang mga

pangungusap. Iguhit ang tsek () sa kwaderno kung

ito ay ginagawa ninyo at ekis (X) kung hindi naman.

_____ 1. Nagtatanong ako sa Nanay kapag hindi ko

maintindihan ang aralin.

_____2. Nagtatago ako sa kwarto kapag sa palagay

ko ay mali ang aking ginagawa.

_____3. Tinatandaan ko ang mga pangaral sa akin

ng Tatay.

_____4. Nagpapatulong ako kay Ate o Kuya.

_____5. Umiiyak ako kapag mayroon akong hindi

magawa.

11

Isapuso

Ngayon ay alam mo na.

Ikaw ay isang natatanging bata.

Tuklasin mo kung ano ang iyong kayang gawin.

Paghusayin mo pa ang iyong nalalaman.

Kung mayroon ka namang gustong gawin,

na parang hindi mo kaya, magtanong ka.

Magpatulong ka.

Sa ganitong paraan, matututo ka.

Tandaan

Ang bawat bata ay natatangi.

Ang bawat batang katulad mo

ay may kakayahan.

Tulungan mo ang iyong sarili.

Paunlarin mo ang iyong

kayang gawin.

12

Isabuhay

Kilala mo na ba ang iyong sarili?

Alam mo na ba ang mga kaya mong gawin?

Gawin ang mga sumusunod:

1. Iguhit mo ang mga hilig mong gawin sa isang

pahina ng iyong kwaderno.

2. Ngayon, iguhit mo naman ang mga hilig na

gusto mo pang matutuhan.

3. Paano mo matututuhan ang mga gawaing gusto

mong mapag-aralan?

13

Subukin Makinig sa babasahin ng guro.

Ano kaya ang gagawin mo kung ikaw ang

batang tinutukoy? Isulat sa kwaderno ang titik

ng kilos na iyong gagawin.

1. Mahilig kang umawit.

Nais mong iparinig ito sa iyong lolo at lola.

Ano ang gagawin mo?

a. Aawitan ko sila.

b. Aawit ako na boses lang ang madirinig

nila.

2. Maliksi ka sa larong takbuhan.

Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo.

Ano ang gagawin mo?

a. Iiyak ako at uuwi na.

b. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat

ako, hihingi ako ng tulong.

3. Gusto mong gumawa ng saranggola.

Pero hindi mo alam kung paano.

Ano ang gagawin mo?

a. Magpapaturo ako.

b. Guguhit ako ng sarangola.

Sisikapin kong gayahin upang makabuo

ng saranggola.

14

Aralin 2: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili

Alamin:

Tingnan mo ang larawan ng magkapatid na ito, sina

Mila at Sam.

Pareho silang matalino.

Pareho silang may kakayahan.

Pero, may bagay na naiiba sa kanila.

Mahuhulaan mo kaya kung ano ang naiiba?

Sagutin mo ito.

1. Si Sam ay _______________.

2. Si Mila ay _______________.

Kung ganito sila,

magiging mahusay kaya si Sam?

magiging mahusay kaya si Mila?

Bakit?

Alam mo ba?

15

Mahalaga ang alagaan ang sarili.

Kahit marami kang alam.

Kahit marami kang talento.

Kung sakitin ka naman,

paano mo maipakikita ito?

Tingnan mo ang magkapatid na

Aya at Buboy.

Mahal nila ang kanilang sarili.

Kaya palagi silang malinis.

Kumakain sila ng tamang

pagkain.

Hindi sila nagkakasakit.

Inaalagaan nila ang

kanilang kalusugan.

16

Tingnan natin ang ginagawa nila sa umaga

pagkagising.

Umaga na.

Maagang ginising ng Nanay sina Aya at Buboy.

17

Pagkagising, sila ay naligo.

Nagsepilyo ng ngipin.

Nagbihis ng malinis na damit.

Pagkatapos, handa na silang kumain.

18

May pasok sa paaralan.

Papasok na sina Aya at Buboy.

Nagpaalam na sila.

Sagutin ang mga katanungan.

1. Sino-sino ang papasok sa paaralan?

2. Paano sila naghanda sa pagpasok?

3. Ano-ano ang ginawa nila pagkagising?

Naghahanda ka rin ba sa pagpasok sa paaralan?

Ikuwento mo sa klase ang iyong mga ginawa bago

pumasok.

19

Ang ginawa nina Aya at Buboy ay mabuti para

sa kanilang kalusugan.

Ginawa nila ito upang maging malinis.

Ang batang malinis ay hindi agad nagkakasakit.

Kung may sakit ang isang bata, magagawa

kaya niya ang mga bagay na gusto niyang gawin?

O, ikaw naman.

20

Alin-alin sa mga sumusunod ang iyong

ginagawa para maging maayos sa katawan?

Isulat sa kuwaderno ang letra ng tamang sagot.

D C

B A

21

Isaisip

Bakit nga ba kailangan nating maging malinis?

Naisip mo ba?

Ang batang malinis ay malayo sa sakit.

Kung wala kang sakit, magagawa mo ang mga

bagay na hilig mo.

22

Isagawa

May mga bagay tayong ginagamit upang tayo ay

maging malinis.

Piliin ang mga bagay na inyong ginagamit.

Iguhit ang mga ito sa inyong kuwaderno.

23

Gawain 2

Ang tamang pagkain ay kailangan natin upang

maging malusog.

Tandaan mo, ang batang malusog ay masigla.

Kung kaya, kailangan mong kumain ng tamang mga

pagkain.

Alin kaya sa mga pagkaing ito ang magpapalusog

sa iyo?

Isulat ang bilang ng larawan sa inyong kuwaderno.

1 2

3

4 5 6

7 8 9

24

Gawain 3

May mga gawaing mabuti para sa ating katawan.

Mayroon din namang masama para sa ating

kalusugan.

Tingnan ang mga larawan.

Iguhit ang tsek () sa kuwaderno kung ang gawain

ay mabuti para sa ating katawan. Iguhit ang ekis ()

kung ang gawain ay masama para sa ating

katawan.

4 3

2 1

25

Isapuso

Sagutin ang sumusunod.

Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong.

Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang kabutihang dulot ng pagiging malinis?

Ako ay magiging (payat, malusog).

2. Ano ang kabutihang dulot ng pagiging

malusog?

Ako ay magiging (masigla, mahina).

3. Ano ang mangyayari kung ikaw ay palaging

masigla?

a. Ako ay makapag-aaral nang

(mabuti, di- mabuti).

b. Ako ay

(magkakasakit, di-magkakasakit).

c. Ako ay

(makapaglalaro di-makapaglalaro).

26

d. Ang aking hilig at paboritong gawain ay

(magagawa ko, di ko magagawa).

Tandaan:

Alagaan ang sarili.

Maging malinis.

Kumain nang tama.

Huwag pabayaan ang sarili.

27

Isabuhay

Makinig nang mabuti.

Sabihin kung tama o mali ang ginagawa ng batang

ikukwento ng guro. Kung mali, sabihin kung bakit

mali ang gawaing ito,

1. Si Elsa ay mahilig sa popcorn at mga kending

tsokolate. Araw-araw ay nagpapabili siya ng

ganito sa kanyang Nanay.

2. Ugali ni Danilo na maghugas ng kamay bago

kumain.

3. Minsan ay nagkasakit si Eric. Kailangan niyang

uminom ng gamot. Pero takot si Eric sa

gamot. Umiyak siya nang umiyak nang

bibigyan ng gamot ng kanyang nanay.

4. Bago matulog ay nagsesepilyo ng ngipin ang

magkapatid na Boyet at Eppie.

5. Tuwang-tuwa sina Denden at Rico. Naglalaro

sila sa tubig-baha sa kalye.

28

Subukin

O, alam mo na ba kung paano mo maaaring

alagaan ang iyong sarili?

A. Pagtambalin ang mga larawan at ang mga

bahagi ng katawang nililinis nito. Isulat ang titik

ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.

1

2

3

4

a

b

c

d

29

B. Isulat sa kuwaderno ang T kung mabuti para sa

ating kalusugan ang sinasabi ng pangungusap.

Isulat naman ang M, kung mali.

1. Kumain ng gulay.

2. Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

3. Maglaro sa gitna ng matinding init ng

araw.

4. Mag-ehersisyo palagi.

5. Maglaro sa buong maghapon.

6. Matulog nang maaga.

7. Maglaro sa tubig-baha.

8. Ugaliin ang palagiang paghuhugas ng

kamay.

9. Uminom ng kape sa umaga.

10. Magpalit ng damit kapag napawisan.

30

C. Buuin ang pangungusap. Isulat sa kuwaderno

ang tamang salita.

1. Ang kalinisan ay daan sa

____________________.

(kagandahan, kalusugan)

2. Kumain ng gulay upang humaba ang ating

____________________. (kamay, buhay)

3. Ang kalusugan ay __________________ ng ating

kakayahan. (nakapagpabuti, nakasisira)

4. Sa pagpapakita ng ating talento, tayo ay

nagiging ___________________.

(masaya, malungkot)

31

Aralin 3: Mahal Ko ang Aking Pamilya

Tingnan mo ang larawan.

Ito ang pamilya ni Mang Edwin.

Namamasyal sila.

Ang sasaya ng mga batang sina Aya at Buboy.

Pati na rin ang kanilang mga magulang

na sina Aling Nene at Mang Edwin.

32

Sa parke, nagbibisikleta si Aya.

Nagpapalipad naman ng saranggola si Buboy.

Tuwang-tuwa sila.

Alam mo ba kung bakit sila masaya?

Kasi palagi silang magkakasama.

Sama-sama silang namamasyal.

Sama-sama rin sila sa paggawa ng mga gawaing-

bahay.

33

Pagkatapos nilang gumawa

ng mga gawaing-bahay,

sama-sama naman sila sa pagkain.

O, ang saya, hindi ba?

Sagutin ang mga tanong.

1. Paano tumulong sina Aya at Buboy sa

pamilya?

2. Ano ang ginawa ng pamilya pagkatapos?

34

Alamin

Kung walang kakayahan sina Aya at Buboy,

makatutulong kaya sila sa pamilya?

Alam mo, kapag tumutulong sila,

tuwang-tuwa ang Nanay at ang Tatay nila.

Minsan naman, dumalaw sila sa Lolo at Lola.

Kumanta si Aya.

Ito ang kanyang awit:

Ako ay may lobo

Lumipad sa langit

Di ko na nakita

Pumutok na pala.

Sayang lang pera ko

Pambili ng lobo

Sa pagkain sana

Nabusog pa ako.

Tuwang-tuwa ang Lolo at

Lola.

Niyakap nila si Aya.

35

Ang sabi naman ni Buboy,

“Lola, sasayaw po ako.”

At sumayaw si Buboy.

Tuwang-tuwa ang mag-anak.

Kay saya nila.

Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit masaya ang pamilya?

2. Ano ang ginawa ni Aya?

3. Ano ang ginawa ni Buboy?

4. Mahal kaya ng Nanay at Tatay ang mga

bata?

5. Mahal din kaya sila ng Lolo at Lola?

36

Isaisip

Ikaw, napasasaya mo rin ba ang iyong pamilya?

Paano? Ikwento mo nga.

Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng

masayang pamilya? Kulayan ang sagot.

37

Isagawa

Gawain 1

Magkwentuhan tayo.

Paano mo napasaya ang iyong pamilya?

Maupo nang pabilog.

Ikwento ang ilang masasayang karanasan sa

pamilya.

Halimbawa:

1. Kailan kayo nagsama-sama?

2. Sino-sino kayo?

3. Nag-awitan ba kayo?

4. Nagsayawan ba kayo?

5. Nagpakita ka ba ng kakaibang

kakayahan?

6. Napasaya mo kaya sila?

38

Gawain 2

Ang mga gawain kayang ito ay nagpapakita ng

masayang pamilya?

Mag thumbs up kung ang gawain ay

nagpapakita ng masayang pamilya at thumbs down

kung hindi.

1. Tumutulong si Aya sa paglilinis ng mesa.

2. Sinisigawan ni Ella ang kanyang ate.

3. Naglalaro ng bola sina Tatay, kuya at ate.

4. Umaawit ang Nanay at Tatay, kasabay ng mga

bata.

5. Palaging nag-aaway ang mga anak.

Pumili ng kapareha at pag-usapan ang iba pa

ninyong ginagawa para mapasaya ang pamilya.

39

Gawain 3

Mahal mo ba ang iyong pamilya?

Paano mo ipinakikita na mahal mo sila?

Gumawa ng kard na nagpapakita na mahal mo

ang iyong Nanay at Tatay.

1. Kumuha ka ng isang malinis na coupon bond.

2. Gumuhit ng puso.

3. Kulayan ito.

4. Isulat mo ang pangalan ng Nanay o Tatay.

5. Isulat mo rin ang iyong pangalan.

Ngayon, ibigay mo na ang kard sa iyong mga

magulang.

40

Isapuso

Natuwa ba ang Nanay o ang Tatay sa ginawa mong

kard?

Naisip mo ba?

Dahil sa iyong kakayahan ay nagpasaya ka ng iba?

Siguro, marami ka pang magagawa para

mapasaya sila.

Mag-isip.

Paano mo nga ba sila mapasasaya?

Paano mo maipakikitang mahal na mahal mo sila?

Iguhit ang sagot sa kuwaderno.

Tandaan

Mahalin natin ang ating pamilya.

Pasayahin natin sila.

Gamitin natin ang ating mga kakayahan para

mapasaya sila.

41

Isabuhay

Sabihin kung tama o mali ang ginagawa ng batang

ikukwento ng guro. Makinig nang mabuti.

Kung mali, sabihin kung bakit mali ang ginagawa

niya.

1. Kaarawan ng Nanay. Maagang gumising si

Nita. Hinalikan niya at binati ang Nanay.

2. Masayang magkuwento si Dan. Iyon ang

kanyang katangian. Pag-uwi niya mula sa

paaralan, ugali na niya na magkuwento sa

Lola ng kanyang mga ginawa sa paaralan.

3. May ginagawa ang Tatay sa bakuran.

Tinawag niya si Nilo. Ipinaaabot nito ang walis

at pandakot. Pero, kunwari ay hindi ito

naririnig ni Nilo. Hindi siya kumilos.

4. Habang naglalaba ang Nanay, inaalagaan

naman ni Rica ang kanyang batang kapatid.

Kinakantahan niya ito para makatulog.

Ganito ang awit niya,

“Tulog na, Baby,

Tulog na. Tulog na.”

5. Mahusay gumuhit si Lando. Minsan, iginuhit

niya ang isang parol. Kinulayan niya ito at

ibinigay sa kanyang Tita bilang pagbati sa

araw ng Pasko.

42

Subukin

Ngayon, alam mo na ba kung ano-ano ang

magagawa mo para mapasaya mo ang iyong

pamilya?

Umisip ng isang okasyon kung saan ay sama-sama

ang inyong mag-anak. Paano mo kaya sila

pasasayahin? Paano mo ipakikita na mahal mo ang

iyong mga kaanak?

Iguhit sa papel ang iyong sagot.

Kulayan mo ito.

Ipakita mo sa iyong guro ang iyong iginuhit. Ikwento

mo sa kanya ang tungkol sa larawang iyong ginawa.

43

Yunit 2

Mahal Ko ang Aking Kapwa

44

Aralin 1: Alam Ko ang Damdamin ng Iba

Ano ang nakikita mo sa larawan? Ginagawa mo rin

ba ang mga ito? Ano ang nararamdaman mo

tuwing nakagagawa ka ng mabuti sa iyong kapwa?

Sa araling ito, mahalaga na malaman mo rin ang

nararamdaman ng iba. Kung minsan may mga

bagay tayong ginagawa na maaaring makasakit sa

iba. Kaya mahalaga na maging maingat sa

pagsasalita. at sa paggawa ng anumang bagay o

kilos na makakasakit ng kanilang damdamin.

Bago mo simulan ang mga gawain, maaari mo

bang tanungin ang iyong sarili?

45

Alamin

Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga

sitwasyon sa ibaba?

Tingnan ang tsart na nakapaskil sa pisara. Pakinggan

ang guro habang binabasa ang bawat

pangungusap. Lagyan ng tsek ang iyong sagot.

Gawin ito sa iyong kwaderno.

Palagi Paminsan-

minsan Hindi

1. Iniiwasan ko ang

sumagot kung hindi

ako tinatawag.

2. Iniiwasan ko ang

magsalita kung may

nagsasalita na.

3. Gumagawa ako

nang tahimik upang

hindi makaabala sa

iba.

4. Iniiwasan kong

sigawan ang aming

kasambahay o

katulong.

5. Iniwasan kong

magsalita ng

masama sa iba.

6. Iniiwasan kong

pumuna sa iba ng

hindi siya kaharap.

Kabuuan

46

Isaisip

Balikan mo ang iyong mga sagot. Palagi mo bang

ginagawa ang nasabi sa mga sitwasyon? Paminsan-

minsan ba o hindi mo ginagawa?

Magiging masaya ka ba kung paminsan-minsan ay

hindi mo iniintindi ang damdamin ng iyong

magulang, guro, kamag-aral at kapwa?

May mga paraang maaari mong gawin upang

maipakita ang iyong pag-unawa sa nararamdaman

ng iba.

Paggamit ng mga salitang di nakasasakit ng

damdamin ng iba

Paggawa ng mabuti sa magulang, kapatid,

bata, nakatatanda, at sa kapwa

Pagmamahal sa pamilya, guro, kamag-aral at

iba pa

Mahalagang tandaan ang sumusunod:

1. Iwasang magsalita ng masama sa kapwa.

2. Tingnan ang nagagawang mabuti ng kapwa.

3. Magtiwala sa kayang gawin ng mga kaklase.

47

4. Iwasan ang manigaw ng mga kasambahay.

5. Gumawa nang tahimik upang hindi

makaabala sa iba.

6. Makipag-usap nang may katamtamang lakas

ng boses.

7. Lumakad nang marahan lalo na kung

mayroong natutulog at maysakit.

Isagawa

Gawain 1

Basahin:

Darating ang pinsan nina Amy at Tony na si Isay

mula sa probinsya. May sakit ito at kailangang

magpagamot. Umiisip sila ng paraan kung paano

nila mapapasaya si Isay.

Maaari mo ba silang tulungan magplano sa mga

dapat gawin upang mapasaya si Isay?

48

Gumuhit ng tatlong (3) hugis puso sa inyong

kuwaderno kung ang larawan ay maaaring

makapagpasaya kay Isay; dalawang (2) hugis puso

kung hindi magpapasaya kay Isay.

Gawain 2

Iguhit ang kaya mong gawin upang mapasaya ang

maysakit na si Isay.

1

2

3

49

Gawain 3

Isulat ang titik ng larawang nagpapakita ng

pagmamahal sa kapwa. Isulat ang inyong sagot sa

kuwaderno.

2

3

4

1

50

Isapuso

Tingnan ang larawan.

Nagawa mo na ba ang

kumuha ng laruan na hindi

sa iyo?

Kung ikaw kaya ang

inagawan, ano ang

mararamdaman mo?

Nakakasakit ng damdamin ang ilan sa maaaring

nagawa nating mali. Ano ang maaari mong gawin

upang mawala ang tampo ng isang kaibigan sa

iyo? Iguhit sa papel ang iyong sagot.

Tandaan

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw

mong gawin nila sa iyo.”

51

Isabuhay

Pakinggan ang kalagayang sasabihin ng guro gaya

ng:

Gawin ang sumusunod:

1. Pumili ng isang partner. Mag-usap tungkol sa

magagawa upang maalis ang tampo ng

kapwa.

2. Bumuo ng isang pangkat na maaaring buuin ng

sampung kasapi. Ibahagi ang napag-usapan sa

tambalan.

3. Ipakitang-kilos ang napag-usapan.

“Ipagpalagay mo na nasaktan mo ang

damdamin ng kapwa. Paano mo kaya aaminin

at itatama ang pagkakamaling nagawa mo?”

52

Subukin

Iguhit Mo ang Iyong Sagot !

Panuto: Iguhit sa inyong kuwaderno ang kung

ginagawa mo ang sinasabi ng pangungusap at

kung hindi.

1. Gumagawa ako nang tahimik

upang hindi makaabala sa iba.

2. Iniiwasan ko ang sumagot kung

hindi tinatawag.

3. Nakikipag-unahan ako sa pagbili

ng pagkain kung recess.

4. Tinutulungan ko ang kaklase kong

may kapansanan.

5. Sinisigawan ko ang aming

katulong o kasambahay.

53

Aralin 2: Ako ay Magalang sa Lahat

Sa araling ito, higit mong makikilala na mahalaga

ang paggalang sa kapwa.

May kasabihan tayo na “Ang batang magalang ay

kinalulugdan.”

54

Alamin

Panuto: Makinig sa guro habang binabasa ang

bawat pangungusap sa tsart. Lagyan ng tsek ang

kolum ng iyong sagot.

Gawain Palagi Paminsan-

minsan Hindi

1. Kumakatok ako

bago pumasok sa

pintuan.

2. Binabati ko ang

aking mga

magulang,

kasambahay,

guro, at mga

opisyal ng

paaralan sa

tuwing sila ay

aking makikita.

3. Gumagamit ako

ng salitang

“Pakiusap” at

“Salamat”.

4. Pinapapasok at

pinauupo ko ang

mga bisitang

dumarating sa

aming bahay o

paaralan.

55

Gawain Palagi Paminsan-

minsan Hindi

5. Gumagamit ako

ng “po” at “opo”

kapag nakikipag-

usap ako sa

matatanda.

6. Nakikinig ako kung

kausap ang

kapwa ko bata.

7. Magalang akong

nakikipag-usap sa

telepono.

8. Nagpapaalam

ako nang maayos

bago ako

lumabas ng silid-

aralan.

9. Iniiwasan kong

pagtawanan ang

aking mga kalaro

at kaklase.

10. Nagpapaalam

ako sa aking

kalaro o kaklase

bago ko gamitin

ang kanyang

mga gamit.

56

Isaisip

Basahin ang tula:

ANG PO AT OPO

Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko,

maging matulungin, mamumupo ako.

Kapag kinakausap ng matandang tao,

sa lahat ng oras, sa lahat ng dako.

Kung ang kausap ko’y matanda sa akin

Ipakita ang paggalang, po at opo ay gamitin.

Natutuwa ako na bigkas-bigkasin,

ang Po at ang Opo nang buong giliw.

Sagutin:

1. Ano ang bilin ng ama at ina ayon sa tula?

2. Kailan dapat gamitin ang po at opo?

3. Ginagamit mo rin ba ang po at opo sa

pakikipag-usap sa mga matatanda?

4. Ano-ano pang magagalang na pananalita ang

ginagamit mo sa pakikipag-usap?

57

Ang paggalang ay isang napakahalagang gawi o

ugali ng isang Pilipino. Ito ay isa sa mga tatak ng

Pilipino.

Tandaan ang mga ito:

1. Sa paggalang sa nakatatanda, gumamit ng

sumusunod na salita sa pakikipag-usap:

Po at opo

Salamat po.

Wala pong anuman.

Paalam na po.

2. Sa pagbati

Magandang umaga po.

Magandang tanghali po.

Magandang hapon/gabi po.

3. Sa paghingi ng pahintulot

Maaari po bang _________?

Paki __________ nga po.

Makiki______ po.

4. Sa pakikipag-usap sa kapwa bata

Gumamit ng

Salamat./Walang anuman.

Paalam.

Bumati sa kalaro, kaibigan, kaklase ng

“Magandang umaga/tanghali/hapon o

gabi.”

Humingi ng pahintulot bago gamitin ang

anumang gamit ng kalaro, kaibigan at

kaklase at isauli ang anumang gamit na

ginamit o hiniram.

58

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Kumuha ng kapareha. Gumawa ng

dayalogo tungkol sa sitwasyon. Iparinig sa klase ang

inyong sasabihin.

Pumasok ka sa Tanggapan ng inyong Punongguro.

Ano ang sasabihin mo?

59

Dumalaw ang iyong Lola sa inyong tahanan.

Humiram ka ng aklat sa iyong kamag-aral at isinauli

mo ito pagkatapos mong gamitin.

60

Gawain 2

Panuto: Piliin ang titik ng larawan na nagpapakita

ng pagiging magalang. Isulat ang sagot sa

kuwaderno.

61

Gawain 3

Panuto: Pakinggan ang bawat sitwasyon. Sabihin

kung ano ang magalang na pananalitang angkop

gamitin. Sabihin ito sa klase.

1. Papasok ka na sa paaralan. Ano ang sasabihin

mo kay Nanay at Tatay?

2. Binigyan ka ng iyong kapatid ng munting regalo

sa iyong kaarawan. Ano ang sasabihin mo?

3. Nag-uusap sa may pintuan ang iyong guro at

punongguro. Gusto mong pumasok sa loob ng

inyong silid. Ano ang sasabihin mo?

4. Naligaw ka ng daan pauwi sa inyong bahay.

Nakakita ka ng tindahan at ikaw ay nagtanong.

Ano ang sasabihin mo?

5. Isang umaga, dumating ang lola mo sa inyong

bahay. Ano ang sasabihin mo?

62

Isapuso

Pagnilayan ang mga salawikaing ito.

Ang batang magalang, mahal ng magulang.

Ang gumagalang sa matatanda,

pinagpapala.

Ang po at ang opo, mga susing ginto

na siyang pinagbubukas ng pinto ng puso.

Ang batang magalang, dangal ng magulang.

Ang batang magalang ay kinatutuwaan.

Kung ikaw ay batang magalang sa lahat ng oras, sa

lahat ng dako, ano sa palagay mo ang magiging

tingin ng tao sa iyo. Iguhit sa papel.

63

Isabuhay

1. Bumuo ka ng pangkat ng 4 na bata. Gumawa

kayo ng islogan tungkol sa paggalang.

2. Isulat sa ¼ na kartolina at lagyan ng

dekorasyon.

3. Ipaskil sa loob at labas ng silid-aralan.

Subukin

Iguhit Mo ang Sagot Mo!

Iguhit ang kung ginagawa mo ang sinasabi ng

pangungusap at kung hindi.

1. Sumasali ako sa usapan ng matatanda kung

hindi ako kinakausap.

2. Iniiwasan ko ang magsalita kung may

nagsasalita na.

3. Ibinibigay ko ang aking upuan sa matatanda

at may kapansanan:

sa sasakyan

sa simbahan

sa palatuntunan

4. Humahalik o nagmamano ako sa magulang at

nakatatanda.

64

5. Gumagamit ako ng magagalang na

pananalita sa pakikipag-usap tulad ng:

Salamat po

Walang Anuman

Magandang umaga/hapon/gabi po

Makikiraan po

Pakiabot po

Paalam na po

Maaari po bang magtanong?

6. Iginagalang ko ang karapatan ng kapwa

bata.

65

Aralin 3: Ako ay Matapat sa Lahat ng Oras

Tapat ka ba sa iyong sarili at sa iyong kapwa?

Nagsasabi ka ba ng totoo? Ano ang pakiramdam

kapag nagsasabi ka ng totoo?

Sa nakaraang aralin, pinag-aralan mo ang

pagiging magalang sa lahat ng oras. Sa araling ito,

pupunta naman tayo sa pagiging matapat. Alam

mo ba ang kahulugan ng pagkamatapat?

66

Alamin

Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang

kung nagsasabi nang tapat at kung hindi.

1. Nagpaalam si Anna sa Nanay na pupunta

siya sa parke subalit sa bahay ng kaklase siya

pumunta.

2. Sinabi ni Allan sa kanyang guro na siya ang

nakabasag ng plorera.

3. Sobra ang sukli ng tindera kay Marilyn at hindi

niya ito isinauli.

4. Kumuha ng pera sa pitaka ng Nanay si Andrei

nang hindi nagpaalam.

5. Nakapulot si Liza ng payong. May pangalan

ito ng kanyang kamag-aral kaya naibalik niya

ito.

67

Isaisip

Basahin ang kuwento.

Si Tinay na Tapat

Sabado ng umaga. Magluluto ang

nanay ng adobong manok. Nakita

niyang wala ng toyo kaya inutusan niya

si Tinay na bumili sa tindahan sa kanto.

Habang siya ay naglalakad pauwi ng bahay, nakita

niyang sobra ang sukli ni Aling Pacita. Kaya dali-dali

siyang bumalik at isinauli ang sobrang sukli. Tuwang-

tuwa si Aling Pacita sa ginawa ni Tinay at ikinuwento

niya ito sa mga bumibili sa kanyang tindahan. Simula

noon tinawag na si Tinay na Tinay na Tapat.

Sagutin:

1. Ano ang iniutos ng nanay kay Tinay?

2. Ano ang natuklasan ni Tinay habang siya ay

naglalakad pauwi?

3. Bakit natuwa si Aling Pacita kay Tinay?

4. Bakit siya tinawag na Tinay na tapat?

5. Kung ikaw si Tinay, ganoon din ba ang iyong

gagawin? Bakit?

68

Laging isaisip ang sumusunod:

1. Sabihin ang tunay na pook o lugar at mga

kasama na pupuntahan.

2. Sabihin ang tunay na oras ng pag-alis at pag-

uwi.

3. Sabihin ang tunay na dahilan ng kasalanang

nagawa.

4. Sabihin ang tunay na halaga ng kailangang

pera.

5. Iwasan ang pagkuha ng pag-aari ng iba.

6. Iwasan ang pandaraya sa tahanan, paaralan,

at sa pamayanan.

7. Isauli sa tunay na may-ari ang napulot na

bagay.

8. Isauli ang labis na sukli.

9. Isauli ang anumang hiniram na bagay.

10. Maging tapat sa anumang pangako.

69

Isagawa

Gawain 1

Basahin ang mga sitwasyon. Pumili ng kapareha at

pag-usapan kung ano ang dapat gawin. Isadula ito

sa klase.

1. Inutusan ka ng nanay na bumili ng sampung

pisong asin. Nakatawad ka ng dalawang piso.

2. Kasama ka ng iyong ate papuntang palengke.

Sumakay kayo ng dyip. Nakita mong hindi

nagbayad ang iyong ate ngunit nang tinanong

siya ng konduktor, ang sinabi niya ay

nakabayad na.

Gawain 2

Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa

kuwaderno kung nagsasaad ng pagkamatapat at

malungkot na mukha kung hindi.

1. Nagpaalam si Andrei na pupunta sa bahay

ng kaklase subalit nakipaglaro siya sa mga

batang kalye.

70

2. Humingi ng pera si Aiza pambili ng

bolpen. Bumili siya ng sorbetes sa halip

na bolpen.

3. Nakita ni Paulo na nalaglag ang P100 ng

kanyang kuya. Pinulot niya ito at isinoli .

4. .Binigyan si Aiza ng kanyang Tiya Elena

ng P500 para sa kanilang magkapatid.

Hinati niya ito at ibinigay sa kapatid.

5. May proyekto sa Math sina Angelo.

Humingi siya sa kanyang tatay ng

tamang halaga ng ibabayad.

Gawain 3

Humanap ng kapareha at ibahagi ang kuwento ng

ginawa mong katapatan. Pagkatapos mong

magkuwento, pakinggan naman ang kuwento ng

kapareha.

71

Isapuso

Ang pagiging matapat ay pagsasabi ng totoo.

Marami ang natutuwa sa isang batang matapat.

Maging matapat sa lahat ng oras.

Isipin ang mga ginawa mo sa iyong magulang na

nagpapakita ng pagiging matapat. Isulat mo ito sa

iyong “Kahon ng Kayamanan.” Gawin ito sa papel.

Ang pagiging matapat ay maituturing na isang

kayamanan na hindi mapapalitan.

72

Isabuhay

Marami ka bang natutuhan sa ating aralin tungkol sa

pagiging matapat?

Gumawa ng poster ng pagiging matapat. Idikit sa

gitna ng papel ang iyong larawan. Iguhit sa paligid

nito ang mga nagawa mo na nagpapakita ng iyong

pagiging matapat. Ipaskil ang poster.

Ako ay Batang Matapat

Idikit ang

iyong

larawan

Sa

Tahanan

Sa

Paaralan

Sa

Kaibigan

Sa Kaklase

73

Subukin

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sobra ang sukli ng tindera. Ano ang gagawin

mo?

a. Itatago ang pera.

b. Ibabalik sa tindera.

c. Ibabahagi sa kaibigan.

2. Nakita mo ang iyong kaibigan na

nangongopya sa mga aklat habang may

pagsusulit.

a. Gayahin siya upang tumaas ang iyong

marka.

b. Magkunwaring hindi mo siya nakita dahil

kaibigan mo siya.

c. Sabihin sa guro na nangongopya ang iyong

kaibigan.

3. Aksidenteng nabasag mo ang pinggan. Ano

ang gagawin mo?

a. Sasabihin ang totoo sa nanay.

b. Ililigpit ang nabasag na pinggan.

c. Sasabihing ang kapatid na bunso ang

nakabasag.

74

4. Nanghiram ka ng aklat sa iyong kaklase.

Nabasa ito ng ulan. Ano ang gagawin mo?

a. Patutuyuin ang aklat bago ito isauli.

b. Sasabihin ang totoong dahilan ng pagkasira

ng aklat.

c. Bibili ng bagong aklat upang mapalitan ang

hiniram.

5. Naiwala mo ang perang pambili ng aklat.

a. Huwag nang bumili ng aklat.

b. Sabihin sa nanay at tatay na naiwala mo ang

pera.

c. Manghiram ng aklat sa kaibigan at ipakita sa

nanay.

75

Aralin 4: Mahal Ko ang Aking Kapwa

Tumutulong ka ba sa kapwa? Nakapagbigay ka na

ba ng tulong sa nangangailangan? Ano ang

pakiramdam kapag nakatutulong ka sa mga taong

nangangailangan?

Sa nakaraang aralin, pinag-aralan mo ang pagiging

matapat sa lahat ng oras. Sa araling ito, aalamin

naman natin kung paano tumulong sa kapwa.

76

Alamin

ka ba?

Pakinggan ang guro habang binabasa ang mga

nakasulat sa tsart. Idikit ang sa kahon kung

ginagawa mo ang sinasabi ng mga pangungusap

1. Ipinagagamit ko ang aking mga laruan

sa aking mga kalaro.

2. Kapag nakakakita ako ng batang

umiiyak, tinatanong ko ang dahilan.

Pinatatawa ko siya.

3. Nagpapamigay ako ng aking gamit

para sa mga nangangailangan.

4. Hinahatian ko ng baon ang kaklase

kong walang baon.

5. Tumutulong ako sa abot ng aking

makakaya.

6. Dumadalaw ako sa may sakit na

kaanak.

77

Isaisip

“Mahal ko ang aking kapwa” ang islogan ng

mabuting bata. Mahal niya ang kapwa lalo na ang

nangangailangan. Handa siyang magbigay. Handa

siyang tumulong.

Maaari ring tumulong sa pagdarasal. Maaari ring

magbigay kung kaya. Pinagpapala ng Panginoon

ang mabuting bata.

Makinig sa kuwento habang binabasa ng guro.

Si Wigan

Isang batang Ifugao si Wigan. Mahal niya ang

kanyang mga kababayan lalo na ang mga batang

Ifugao.

Sa kanilang barangay, maraming bata ang may

sakit dahil sa kakulangan sa pagkain. Gustong-gusto

niyang tumulong sa mga batang katulad niya subalit

wala siyang kakayahan.

Ang tangi niyang magagawa ay ibahagi ang

kanyang pagkain sa kanyang mga kapitbahay.

Hinahati niya ito at ibinibigay sa mga bata.

78

Ginagamit ng kanyang ate ang mga napitas na

gulay mula sa kanyang gulayan. Ilan sa mga ito ang

malunggay at sibuyas. Isinasahog niya ito sa gulay na

mais at munggo. Tumutulong si Wigan na maihanda ito.

Pinakakain nila ang mga batang walang baon.

Sagutin:

1. Sino si Wigan? Ano ang maganda niyang

katangian?

2. Kung ikaw si Wigan, paano mo tutulungan ang

mga batang may sakit?

3. May karanasan ka ba na katulad ng ginagawa

ni Wigan? Maaari mo bang ikwento?

4. Gusto mo bang tularan si Wigan? Bakit?

79

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Piliin ang larawang nagpapakita na mahal

mo ang kapwa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa

kuwaderno.

Magkuwento tungkol sa iyong iginuhit.

A

B

C

D

80

Gawain 2

Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita

ng pagkakawanggawa o pagmamalasakit. Idikit ito

sa isang malinis na papel. Ikuwento ito sa klase.

Gawain 3

Panuto: Gumawa ng poster gamit ang lumang

kalendaryo o isang malinis na kartolina. Iguhit ang

ginagawa mong pagtulong sa inyong paaralan.

Ikuwento sa klase ang nilalaman nito

Sa Silid Aralan Sa Kantina

Sa Palaruan Sa mga Kaklase

Isapuso

Ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay dapat nasa

puso. Isinasagawa ang pagtulong sa kapwa sa iba’t

ibang paraan.

Isapuso mo: Nagbabahagi ka ba ng mga kagamitan

mo na hindi mo na ginagamit? Kabilang sa mga ito

ang damit, laruan at iba pa. Iguhit sa malinis na

papel ang anumang naibahagi mo sa kapwa.

81

Isabuhay

May mga bagay ka bang hindi na ginagamit?

Gumawa ng listahan kung kanino mo ito ibibigay.

Ano ang Ibibigay? Pangalan ng Bibigyan

82

Subukin

Iguhit Mo ang Iyong Sagot!

Panuto: Sundan ang guro habang binabasa ang

nakasulat sa tsart. Iguhit ang sa kahon kung

ginagawa mo ang isinasaad ng pangungusap at

kung hindi.

1. Ibinabahagi ko ang baon kong

pagkain sa mga kamag-aral kong

walang baon.

2. Pinahihiram ko ng kagamitan sa

paaralan ang mga kamag-aral

kong walang gamit.

3. Ibinabahagi ko sa mga batang

nangangailangan ang mga gamit

at laruang hindi ko na ginagamit.

4. Tumutulong ako sa pagbabahagi

ng mga pagkain sa mga biktima

ng kalamidad.

5. Binibigyan ko ng pagkain o laruan

ang mga batang namamalimos

sa kalye.

83

Yunit 3

Pagmamahal sa Bansa at

Pakikibahagi sa Pandaigdigang

Pagkakaisa

84

Aralin 1 – Pagkamasunurin

Opo, Inay.

Gagawin ko na

po ang aking

takdang-aralin.

Gawin mo muna ang

iyong takdang-aralin

bago ka makipaglaro.

85

Alamin

Narinig mo na ba ang kwento ng munting

gamo-gamo? Basahin at alamin kung bakit

napahamak ang munting gamo-gamo.

Ang Munting Gamo-gamo

Isang araw, magkasama ang mag-inang Gamo-

gamo sa pamamasyal. Nakakita si Munting

Gamo-gamo ng liwanag na nagmumula sa

ilawan. Ibig ni Munting Gamo-gamo na lumapit sa

ningas ng ilawan.

“Huwag kang lalapit sa ilaw, Anak,” ang sabi

ng Inang Gamo-gamo. “Masusunog ang iyong

mga pakpak.”

Hindi sumunod si Munting Gamo-gamo.

“Matatakutin si Inang Gamo-gamo. Hindi ako

natatakot sa ilaw,” ang sabi ng mayabang na si

Munting Gamo-gamo.

Noon din ay lumapit si Munting Gamo-gamo sa

ningas ng ilawan. At nasunog nga ang kanyang

mga pakpak.

86

Bakit napahamak si Munting Gamo-gamo?

Tulad ka rin ba ni Munting Gamo-gamo? Bakit?

Ano kayang mahalagang aral ang natutuunan ni

Munting Gamo-gamo?

Isaisip

Maraming bilin ang iyong mga magulang lalo na

kung sila ay wala sa iyong tabi.

Nayayamot ka na ba kung minsan dahil paulit-ulit ka

nilang pinapaalalahanan?

Hindi ba’t napansin mo rin na lagi kang sinasabihan

ng nanay mo na matulog sa tamang oras? Ang

pagligo pati na ang pagkain ng gulay ay

pinapaalala rin sa iyo.

87

Ano ang dapat mong gawin sa mga inuutos nila sa

iyo? Bakit?

Ang iyong mga magulang at iba pang kasapi ng

iyong mag-anak ay nag-aalala lamang para sa

iyong ikabubuti. Nais lamang nilang lumaki kang

malusog.

Ano kaya ang maaaring nangyari sa bata kung

hindi siya nakinig sa kanyang nanay?

88

Nais ng iyong mga magulang na palagi kang ligtas

sa anumang kapahamakan.

Ano naman kaya ang iyong dapat gawin kung

narinig mo na ikaw ay tinatawag ng iyong tatay?

Kung ang iyong nanay ay may iniuutos sa iyo? Tama!

Hindi ka dapat magbingi-bingihan. Tumalima ka

agad at gawin nang maluwag sa dibdib ang

kanilang iniuutos.

Mahalagang makinig sa mga sinasabi nila.

Nararapat lamang na ang mga utos at paalala nila

ay iyong sundin.

Ang batang masunurin sa tahanan ay magiging

mabuting mamamayan hindi lamang ng Pilipinas

kundi ng pandaigdigang samahan.

89

Isagawa

Gawain 1

Gumawa ng checklist katulad ng nasa ibaba sa

isang malinis na papel.

Pumili ng kamag-aral. Alamin kung gaano kadalas

niya naipakikita ang kanyang pagkamasunurin.

Lagyan ng ang kolum ng kanyang sagot.

Humanda sa talakayan tungkol sa gawaing ito.

(Pangalan ng kamag-aral )_________________________

Isinagawa ni______________________________________

(Iyong Pangalan)

Ako ay: Palaging

ginagawa

Paminsan

-minsang

ginagawa

Hindi

ginagawa

1. agad na tumatalima

kung ako ay tinatawag

ng aking nanay.

2. umuuwi sa tamang

oras ayon sa bilin ng

tatay.

3. sumusunod agad kung

ako ay inuutusan sa

bahay.

90

4. umuuwi sa tamang

oras pagkatapos ng

aking paglalaro.

5. kumakain at natutulog

sa tamang oras ayon

sa bilin ng nanay.

6. sumusunod kapag ako

ay sinabihang huwag

kumpunihin ang mga

bagay na de-kuryente.

7. nagpapaalam kung

saan ako pupunta.

8. nag-aaral nang mabuti

dahil iyon ang bilin ng

aking mga magulang.

9. naglilinis ng aking

katawan at hindi na

kailangan pang

paalalahanan.

10. hindi nagpapapasok

ng taong hindi ko kilala

sa aming bahay.

91

Gawain 2 Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na

sitwasyon? Iguhit mo sa sariling papel ang iyong

gagawin.

1. Tinatawag ka ng iyong lolo upang magpatulong

sa pagbubuhat ng prutas.

2. Nais mong lumabas at makipaglaro sa iyong mga

kaibigan. Bilin ng iyong nanay na ipaalam mo sa

kanya kung saan ka pupunta.

Gawain 3

Pagmasdan ang mga larawan at basahin ang

sumusunod na diyalogo. Piliin ang diyalogo na

nagpapakita ng pagkamasunurin.

92

93

Gawain 4

Basahin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa

kwaderno. Ibahagi ang iyong sagot sa iyong

pangkat.

Ano ang maaaring mangyari kung:

1. hindi ka umuwi sa tamang oras buhat sa

paaralan?

2. natulog ka nang maaga bilang pagsunod sa

utos ng iyong nanay?

3. hindi mo ginawa ang gawaing bahay na

nakatakda para sa iyo?

4. hindi mo sinuway ang bilin ng iyong lolo nang

sabihin niyang huwag kang maglaro sa labas ng

bahay sa katanghaliaang tapat?

94

Isapuso

“Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga

magulang.” Natatandaan mo ba ang linyang ito?

Tama! Ito ay mula sa Panatang Makabayan.

Hindi ba’t kung ikaw ay nanunumpa sa harap ng

ating bandila ay inilalagay mo ang iyong kanang

kamay sa iyong dibdib? Dahil ito ay iyong

sinumpaan, nararapat na ito ay iyong tuparin.

TANDAAN:

Ang mga utos, bilin, at paalala sa iyo

ng mga nakatatanda ay nararapat

lamang na sundin at gawin. Ang

mga ito ay para rin sa iyong ikabubuti.

Tandaan na ang batang masunurin ay

malayo sa kapahamakan.

95

Isabuhay

Ibahagi sa iyong mga kapatid ang mga paraan

upang maipakita ang pagiging masunurin sa

tahanan. Pag-usapan din ang kahalagahan nito.

Hikayatin din silang maging masunurin sa tahanan.

Subukin

Gawain 1.

Gumuhit sa iyong kwaderno ng dalawang (2)

puso kung ginagawa ang isinasaad

ng pangungusap at isang (1) puso kung hindi

ginagawa.

1. Sinusunod ko kaagad ang mga utos ng

magulang.

2. Umuuwi kaagad pagkalabas ng klase.

3. Sumasagot ako kaagad kapag tinatawag ng

lolo at lola.

96

4. Iniiwasan kong gawin ang ipinagbabawal ng

aking mga magulang.

5. Kailangan pang bigyan ako ng pabuya bago ko

gawin ang ipinagbibilin ng aking mga tiya.

Gawain 2

Iguhit ang sa iyong papel kung ang sitwasyon

ay nagpapakita ng pagiging masunurin.

1)

Hindi maaari. Ang bilin

ng nanay ay umuwi ako

nang maaga. Hindi ako

maaaring sumama sa

inyo ng walang paalam

sa kanya.

Sige. Sana

makasama ka

sa isang linggo.

Magpaalam ka

sa iyong nanay.

97

2)

3)

Roman, halika

na. Magtupi

na tayo ng

mga malilinis

na damit.

Magtutulog-

tulogan ako

para hindi ako

mautusan.

Sige po, Tiyo Martin.

Ikukuha ko na rin

po kayo ng saging

para sa iyong

meryenda.

Maaari

bang

makahingi

ng

malamig

na tubig?

98

4)

5)

Maglilinis na ako ng aking

katawan bago matulog.

Matutuwa ang nanay.

Hindi na niya ako kailangan

pang sabihan.

Pagbuksan mo

si Aling Maria

ng pintuan. Opo, Lola.

99

Gawain 3

Sabihin ang pangungusap na nagsasabi ng dapat

mong gawin kung inuutusan.

1. Susunod kaagad ako kung ako ay inuutusan.

2. Sasabihin ko na iba na lang ang utusan.

3. Ako ay magbingi-bingihan.

4. Tatakbo akong palayo.

5. Ititigil ko ang aking ginagawa.

Gawain 4

Basahin ang mga sumusunod na dayalogo. Piliin ang

titik ng pangungusap na nagsasaad ng tamang

sagot.

1. Aling Gelay: Alam mong hanggang ikaapat ng

hapon ka lamang maaaring maglaro.

Iking: Pasensiya na po, Inay. Nalimutan ko ang

iyong bilin.

Ano ang dapat na gawin ni Iking?

a. Uuwi na siya sa tamang oras.

b. Magpapagabi na siya ng pag-uwi.

c. Hindi na siya kailanman maglalaro sa labas.

2. Lola Cela: Tandaan mo, apo. Ang pagsisipilyo

ay mahalaga.

Nita: Lola, alam ko na po iyan.

100

Hindi pa rin sinunod ni Nita ang payo ng

kanyang lola. Ano ang mangyayari kay Nita?

a. Masisira ang kanyang ngipin.

b. Magiging malusog ang kanyang mga

ngipin.

c. Magiging maputi ang kanyang mga ngipin.

3. Aling Naty: Carlo, itapon mo na ang mga balat

ng saging sa basurahan.

Carlo: Opo, Inay.

Basta na lamang inihagis ni Carlo ang mga balat

ng saging sa basurahan. Ang iba ay nakakalat sa

sahig.

Ano ang maaaring mangyari?

a. Maaaring madulas ang Nanay dahil sa

balat ng saging na nakakalat.

b. Matutuwa ang nanay kapag nakita niya ang

mga balat na nakakalat sa sahig.

c. Sasang-ayunan ng nanay si Carlo dahil sa

kanyang ginawa.

Gawain 5

Kung ikaw ay masunuring bata, ano sa palagay mo

ang maaaring maramdaman ng iyong mag-anak?

Ano kaya ang maaari nilang masabi? Iguhit o isulat

ang iyong sagot sa kuwaderno.

101

Aralin 2 – Pagpapahalaga sa

Pagpapanatili ng Kaayusan

at Kapayapaan

102

Alamin

Ano ang iyong mararamdaman kung sa paligid

mo ay may mga kasama kang madalas na

nagtatalo?

Madalas na sila ay hindi nagkakasundo at ito ay

nauuwi sa away.

Isaisip

Nagkaroon na ba kayo ng hindi pagkakaunawaan

sa inyong tahanan? Paano ka makatutulong sa

pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan?

Maaari mong gawin ang mga sumusunod:

1. Palaging makitungo nang may paggalang sa

mga kasapi ng iyong mag-anak.

103

Pagmasdan ang bawat larawan:

2. Sumunod sa napagkasunduang tuntunin sa loob

ng tahanan, kung mayroong alituntunin na

naitakda. Nararapat lamang na ito ay iyong

sundin.

Opo, Inay. Nagawa ko na po

ang aking takdang-aralin.

104

3. Maging masaya sa tagumpay ng kasapi ng

mag-anak. Hindi ba’t nararapat lamang na

matuwa ka sa tagumpay ng iyong mga

kapatid?

Tandaan na ang kanilang tagumpay ay tagumpay

mo rin.

4. Iwasan ang mainggit sa mga kasapi ng mag-

anak.

Ang pagiging maiinggitin ay hindi magandang

gawain.

Unawain ang dahilan kung bakit minsan ay hindi

napagbibigyan ang iyong kagustuhan.

105

5. Maging mapagpakumbaba at mapagpatawad.

Kung minsan ay nagkakasakitan kayo ng kasapi

ng iyong mag-anak. Humihingi ka ba ng

paumanhin lalo na kung ikaw ang nakasakit?

Ang pag-amin sa pagkakamali at paghingi ng

tawad ay mabuting gawi.

Mas maigi rin na iwasan na makasakit pang muli.

May iba ka pa bang naiisip kung paano

mapananatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob

ng inyong tahanan?

Naku! Ate! Pasensiya

na. Hindi ko

sinasadyang

matamaan ka ng bola.

Sige. Basta sa susunod ay

mag-ingat ka sa paglalaro

upang hindi ka na

makasakit ng iba.

106

Isagawa

Gawain 1

Nais mo bang magkaroon ng kaayusan at

kayapaan sa inyong tahanan? Sabihin ang mga

tamang paraan upang ito ay makamit.

paggalang

pagtulong

pakikiisa

paglikha ng gulo

pagpaparaya

pagsunod sa utos

pagtupad sa tungkulin

pag-iwas sa pagiging

mainggitin

107

Gawain 2

Gumuhit ng larawan na nagpapakita na may

kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.

Gawain 3

Piliin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin

upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa

inyong tahanan:

1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking bunsong

kapatid dahil nabangga ko siya. Sasabihin ko

na hindi ko iyon sinasadya.

2. Maglalaro ako maghapon kahit alam kong

kailangan kong umuwi bago magtanghalian.

3. Pagtutulungan naming inisin ang aming

bunsong kapatid.

4. Pauunahin ko sa paggamit ng palikuran ang

aking kapatid dahil mas maaga ang pagpasok

niya sa paaralan.

5. Iiwasan ko na makipag-away sa aking mga

kapatid.

108

Gawain 4

Tanungin ang nanay o tatay ng iyong kaibigan.

Alamin kung paano napapanatili ang kaayusan at

kapayapaan sa kanilang tahanan. Ibahagi ito sa

klase.

Isapuso

Mag-isip ng sariling simbulo ng kapayapaan.

Gumupit ng larawan nito mula sa lumang magasin o

dyaryo. Idikit ito sa inyong kwaderno. Sabihin kung

bakit ito napili.

TANDAAN: Ang pagpapanatili ng kaayusan at

kapayapaan ay nagsisimula sa loob ng tahanan.

Bilang kasapi ng iyong mag-anak ay may

magagawa ka upang ang mga ito ay makamtan.

Isipin mo, kung lahat ng bata ay gagawin ito,

makatutulong ito upang magkaroon ng

pandaigdigang kaayusan at kapayapaan.

109

Isabuhay

Mayroon ka bang nakagalit sa inyong mag-anak? O

di kaya naman ay nasaktan mo ang kanyang

damdamin? Sa isang pirasong papel, sumulat ng

isang maikling liham na humihingi ng paumanhin.

Maaari mo itong ibigay sa kanya.

Subukin

Gawain 1

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

Piliin ang mga pangungusap na sa palagay mo ay

makapagpapanatili ng kapayapaan sa isang

tahanan.

1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking ate dahil

natabig ko nang hindi sinasadya ang kanyang

baso.

2. Dahil ako ang nakatatanda sa aming

magkakapatid, ako ang dapat kampihan ng

aking mga magulang.

110

3. Maghihintay ako ng aking tamang

pagkakataon sa paggamit ng banyo.

4. Magpapaalam ako sa aking kapatid kung

kailangan kong gamitin ang kanyang

basketball.

5. Upang hindi ako mapagalitan ng aking nanay,

ililihim ko na lamang na ako ang nakabasag ng

kanyang salamin.

Gawain 2

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sabihin

ang titik ng tamang sagot.

1. Naglalaro ang iyong mga nakababatang kapatid.

Mayamaya pa ay narinig mo na sila ay nag-

aaway na. Ano ang iyong gagawin?

a. Sisigawan ko sila.

b. Ipapaalam ko ito sa aking nanay.

c. Makikisali ako sa kanilang pag-aaway.

2. Bawat isa sa inyong magkakapatid ay may

nakatakdang gawaing-bahay. Upang maiwasan

ang di pagkakasundo ito ay

a. dapat mong gawin.

b. magreklamo sa inyong magulang.

c. hayaang gawin ito ng iyong nanay.

111

3. Pinulong kayo ng inyong mga magulang. Pag-

uusapan ninyo kung ano ang dapat gawin upang

maiwasan ang hindi pagkakasunduan sa

paggamit ng computer.

a. Pakikinggan mo ang mungkahi ng

bawat isa.

b. Ipipilit mo ang gusto mong mangyari

dahil ikaw ang bunso.

c. Aalis ka sa pagpupulong upang maunahan

mo sila sa paggamit ng computer.

4. Hindi sinasadyang nauga ng iyong kapatid ang

mesa kung saan ka nagsusulat ng iyong takdang-

aralin.

a. Magagalit ka sa kanya.

b. Gagantihan mo siya.

c. Pagpapasensiyahan mo siya.

5. Malabo ang mata ng aking kapatid. Hindi na niya

gaanong nababasa ang mga salita lalo na kung

ito ay malayo.

a. Tutulungan ko siyang magbasa.

b. Itatago ko ang kanyang salamin.

c. Tutuksuhin ko ang aking kapatid.

112

Gawain 3

Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung ano

ang dapat mong gawin.

1. Kailangan mo ng tambol para sa inyong

pagtatanghal sa paaralan. Alam mo na

mayroon nito ang iyong ate.

2. Naglalaro kayo ng iyong mga kapatid sa sala.

Sinabi ng iyong nanay na nagpapahinga ang

inyong tatay sa kanilang silid.

3. Gumawa ng iskedyul ng mga gawaing bahay

ang iyong nanay. Ikaw ang naatasang

tumulong sa paglilinis ng inyong silid tuwing

Sabado ng umaga.

4. Kapos kayo sa pera kung kaya’t ang bunsong

kapatid mo pa lang ang naibili ng bagong

damit para sa isang espesyal na araw.

5. Humihingi ng paumanhin ang iyong kapatid

matapos ang hindi ninyo pagkakasunduan.

113

Aralin 3 – Pagkalinga Sa

Kapaligiran

114

Alamin

Madalas ka bang nasasabihan ng iyong nanay na

tumulong sa paglilinis ng inyong bahay?

Pinapaalalahanan ka ba ng iyong tatay na

itapon mo sa tamang basurahan ang mga balat ng

kendi o anumang kalat?

Bakit kailangang gawin mo ang mga ito? Bakit

nga ba?

Bilang isang bata, ikaw ay may tungkulin din sa

iyong kapaligiran.

Ano- ano nga ba ang mga ito?

Paano mo maipakikita ang iyong pagkalinga sa

iyong kapaligiran?

Isaisip

Tumingin sa iyong paligid. Ano ang

iyong nakikita? Ano ang iyong naririnig? Ano ang

iyong naaamoy? Ano ang iyong nadarama?

115

Ang hangin, tubig, lupa, mga hayop, at halaman

ay bumubuo ng kapaligiran.

Ang inyong bahay, bakuran, pati na ang iyong

aklat at iba pang bagay na gawa ng tao ay bahagi

ng kapaligiran.

Nararapat lamang na panatilihin mong maayos

at malinis ang ito.

Bahagi rin ba ako ng

kapaligiran?

116

Ay! Oo, ikaw rin ay bahagi ng kapaligiran. Hindi

ba’t alam mo na kung paano mo

mapapangalagaan ang iyong sarili?

Ngayon, alamin ang mga tamang gawain upang

maipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong

kapaligiran.

1. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.

Bakit kaya nararapat na paghiwalayin ang mga

basurang nabubulok at hindi nabubulok?

2. Tandaan ang 3 Rs. Ito ay mga paraan upang

mabawasan ang mga basura sa inyong

kapaligiran. Reuse ay ang paggamit na muli ng

mga bagay na luma na.

117

May bag ang iyong

nanay na hindi na niya

ginagamit.

Paano mo kaya ito

mapakikinabangan?

Tama! Hindi ba’t

minsan marami kang

mga gamit

na kailangang dalhin

sa paaralan?

Oooopppps…

Itatapon mo na ba

ang mga iyan?

Huwag! Maaari

mo pang gamitin

ang mga plastic na

kutsara at tinidor.

Ikaw rin, baka marami kayong bisitang darating sa

inyong piyesta. Huwag mong kalimutang hugasan

ang mga ito bago itago.

118

Ano- ano pa kayang mga bagay ang maaari pang

magamit ulit?

Recycle

Eh, ito kayang basyong

garapon? Pwede kaya

itong maging regalo sa

iyong nanay sa

kanyang kaarawan?

Ang galing, hindi ba? Sino ang mag-aakalang

ang flower vase na ito

ay dating lalagyan ng

jam?

Ang ganitong gawain ay tinatawag na recycling. Ito

ay paggamit na muli sa mga bagay para sa ibang

dahilan.

Ano pa kayang mga bagay ang maaaring magamit

muli o pwedeng i-recyle?

119

Reduce

Ang pagbabawas ng paggamit sa mga bagay na

hindi naman talaga kailangan ay tinatawag na

reduce.

Ginagawa ito upang mabawasan ang basura at

makatipid na rin.

Iwasang bumili o gumamit ng mga bagay na tulad

nito.

Alam mo ba na pati na ang mga balot nito ay

iyong binabayaran? Kaya kadalasan ay

napapamahal pa ang iyong pagbili.

Sa kalaunan ay maaaring makaragdag ang mga ito

sa basura sa kapaligiran.

Kaya, tandaan ang 3 Rs – Reuse, Recylce, at

Reduce.

Nakabili ka na ba ng

isang bagay na

maraming balot?

Ano ang karaniwang

ginagawa sa mga

balot nito?

120

Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba.

Kung may refrigerator sa

bahay, huwag itong

hayaang nakabukas

palagi.

Ang madalas na

pagbubukas nito ay

nakadaragdag din sa

kuryenteng nasasayang.

Teka. Kailangan mo ba

talagang bumili ng bottled

water para dalhin sa

paaralan?

Isipin mo, kung lahat ng

batang tulad mo ay bibili nito

araw-araw. Ano kaya ang

maaaring mangyari?

Ano kaya ang nararapat

mong gawin?

121

Ito ba ang iyong naiisip? Magaling! Mas makatitipid ka pa,

hindi ba?

Siguraduhing nakasarado

nang maayos ang gripo upang

hindi maaksaya ang tubig.

Siguraduhing nakasara

ang telebisyon at iba pang

kagamitang de-kuryente

kung hindi ginagamit.

Huwag aksayahin ang

mga gamit na pampaaralan.

Paano mo kaya magagamit

ang mga pahina ng

kwadernong hindi

nasulatan?

122

.

Huwag saktan

ang mga manok,

aso at iba pang

hayop. Sila rin ay

nakatutulong sa

iyong kapaligiran.

Hindi ba’t iyong

napag-aralan na

marami sa kanila

ang nagbibigay

ng iyong mga

pangunahing

pangangailangan

?

Maaari mong

imungkahi sa iyong

nanay na mas

mabuting gumamit

ng lampin kaysa sa

disposable diaper

para kay Beybi.

123

Sabi ko sa iyo, eh. Kaya mo ring maging

tagapangalaga ng iyong kapaligiran kahit ikaw ay

bata pa.

Isagawa

Gawain 1

Pag-aralan mo ang bawat larawan. Sagutin ang

mga tanong na kasunod nito. Ibahagi ang iyong

sagot sa klase.

Ano ang masasabi mo sa silid na ito? Ano kaya ang

maaaring mangyari kung walang kaayusan sa isang

lugar tulad nito?

124

Ano kaya ang maaaring mangyari kung palaging

marumi ang inyong bakuran?

Gawain 2

Ipaliwanag kung tama o mali ang mga

sumusunod na pangungusap. Humanap ng

kapareha at pag-usapan ang inyong mga sagot.

1. Ang lahat ng basura ay dapat itapon.

2. Ang paggamit na muli ng mga bagay na hindi

na ginagamit ay makatutulong sa pagbawas

ng basura.

3. Mas maaliwalas ang kapaligiran kung ito ay

palaging malinis at maayos.

125

4. May epekto sa iyong kalusugan ang iyong

kapaligiran.

5. Magiging ligtas ang batang tulad mo kung

maayos ang kapaligiran.

Gawain 3

Pag-aralan ang larawan. Tulungan mo ang bawat

bata kung saan nila dapat ilagay ang mga bagay

na kanilang hawak. Sabihin ang iyong sagot.

126

Gawain 4

Makinig sa mga sumusunod na panuto na sasabihin

ng guro. Pumili lamang ng isang sasagutin.

Tandaan na kayo ay may 1 hanggang 2 minuto

lamang upang ito ay ibahagi sa klase.

1. May mga damit kang hindi mo na ginagamit.

Nabalitaan mo na may mga batang

nasunugan sa kabilang barangay.

2. Noong huli kayong namalengke ng iyong nanay

ay nalaman mo na hindi na pinapayagan ang

paggamit ng plastic bag.

3. Itatapon ng iyong kapatid ang kanyang

kwaderno. Marami pa itong pahinang hindi pa

nasulatan.

Gawain 5

Magdiriwang ng kaarawan ang iyong pinsan. Kulang

ang iyong perang pambili ng regalo para sa kanya.

Mayroon kang pwedeng gawin na hindi mo na

kailangang gumastos pa. Makagagawa ka ng isang

bagay na yari sa mga bagay na galing sa

kapaligiran.

Heto, subukin mo. Maaari kang magpatulong sa

nakatatandang kasapi ng mag-anak.

127

Tandaan: Maging maingat at sundin nang tama

ang bawat paraan.

Mga kagamitan:

mga tuyong dahon glue Scotch tape

at bulaklak

sinulid puncher o gunting

pambutas

plastic cover krayola

matigas na papel

mula sa lumang

karton o cardboard

128

Pamamaraan:

1. Gupitin ang matigas na papel na may sukat na

6 na pulgada ang haba at 3 na pulgada ang

lapad.

2. Idikit dito ang mga tuyong dahon at mga

bulaklak sa disenyong nais. Patuyuin. Mag-iwan

ng espasyo para sa isusulat na mensahe.

129

3. Isulat ang iyong mensahe gamit ang krayola.

4. Balutan ng plastic cover sa pamamagitan ng

Scotch tape.

130

5. Lagyan ng butas ang dulo ng cardboard.

6. Lagyan ng tali.

Hayan, gawa na. Ang ganda, hindi ba?

131

Isapuso

Ang iyong kapaligiran ay mahalaga. Ikaw

ay bahagi nito. May magagawa ka

upang ito ay mapangalagaan.

Isabuhay

Basahin ang mga sumusunod na

sitwasyon.

1. Aayusin ko ang aking mga gamit pagkatapos

ko silang gamitin.

2. Bago ako magtapon ng mga bagay sa aming

bahay, pipiliin ko ang mga bagay na dapat

pang mapakinabangan.

3. Tutulungan kong mapalago ang mga gulay na

itinanim ng tatay sa aming bakuran.

4. Sisiguraduhin kong naisara ko ng maayos ang

gripo pagkatapos ko itong gamitin.

5. Sasabihin ko sa aking nanay na mas mabuting

gumamit ng lampin kaysa sa disposable diaper

para kay Beybi.

TANDAAN: Kung ang iyong kapaligiran ay iyong

kinakalinga, ito ay magiging maayos at malinis.

Kahit ikaw ay isang bata pa lamang, ikaw din ay

maaaring maging tagapangalaga ng Inang

Kalikasan.

132

Pumili ng isang sitwasyon. Isalaysay sa klase kung

ano ang magandang ibinunga ng iyong ginawa.

Subukin

Gawain 1

Piliin ang larawan na nagpapakita ng pagmamahal

sa kapaligiran. Ipaliwanag ang iyong sagot.

133

Gawain 2

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sabihin

ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mong basta na lang itinapon ng iyong

nakababatang kapatid ang mga basura sa

likod ng inyong bahay.

a. Sasabihan ko siya na sa tamang basurahan

niya dapat ito itapon.

b. Sasabihin ko sa kanya na itapon iyon sa

tabi ng bahay ng aming kapitbahay.

c. Sasabihin ko sa kanya na itapon iyon sa

bubong ng aming bahay.

2. Tutulungan mong maglinis ng sasakyan ang

iyong tiyo. Sinabi ng iyong nanay na may tubig

na pinagbanlawan ng mga damit.

a. Gagamitin ko ang tubig na pinagbanlawan

sa paglilinis ng sasakyan.

b. Mag-iipon ako ng malinis na tubig panglinis

ng sasakyan.

c. Manghihingi ako ng tubig na panlinis sa

aking tiyo.

3. Nakita mong tinatapakan ng iyong mga kalaro

ang mga tanim sa inyong halamanan.

a. Sasabihin ko sa kanila na huwag nilang

sirain ang mga halaman.

134

b. Lalapit ako sa kanila at tatapak din ako sa

mga halaman.

c. Ngingiti ako at sasabihin ko na ipagpatuloy

nila ang pagtapak sa halaman.

Gawain 3

Pag-aralan ang bawat larawan. Ano ang dapat

gawin sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag ang

iyong sagot.

Nakakalat na

naman ang

sapatos ni Bunso.

Umaapaw na ang

tubig sa balde.

135

Gawain 4

Isulat ang T sa papel kung ang pangungusap ay

tama at M kung ito ay mali.

1. Hindi maaaring mapakinabangan ang

anumang basura.

2. May magagawa ka upang mapanatiling malinis

ang iyong kapaligiran.

Hindi na ito

kasya sa akin.

Nalimutan ni

Ate patayin

ang ilaw.

136

3. Ang reuse ay ang muling paggamit ng mga

bagay na luma.

4. Kung may sira ang gripo, agad itong ipaalam sa

iyong tatay upang ito ay makumpuni.

5. Ang mga balat ng prutas ay mga basurang

hindi nabubulok.

Gawain 5

Makinig sa guro. Piliin ang pangungusap na

nagsasabi ng mabuting gawi sa pangangalaga ng

kapaligiran.

1. Tumutulong ako kay tatay sa pagdidilig ng

halaman.

2. Nakapasok na sa paaralan si Kuya. Nalimutan

niyang patayin ang ilaw sa kaniyang kwarto.

Hihintayin ko siyang dumating upang siya ang

magpatay nito.

3. Kukunin ko na ang mga gulay at iba pang

sangkap na gagamitin ni Nanay mula sa

refrigerator. Iiwanan kong nakabukas ang

refrigerator pagkatapos.

4. Ipapaalam ko kay Tatay na nasira ang gripo.

5. Aayusin ko ang pagbubukas ng regalo sa akin

para di masira ang pambalot. Pwede ko pang

magamit ito sa pagbalot sa iba kong regalo.

137

Yunit 4

Pananalig sa Panginoon at

Preperensya sa Kabutihan

138

Aralin 1 – Pananampalataya

sa Panginoon

Hello. Kumusta ka na? Ang ating

paksa sa araling ito ay tungkol sa pananampalataya

sa Diyos. Ngunit bago ang lahat, piliin ang mga

larawan na nagpapakita ng mga bagay na iyong

tinatamasa?

139

Isaisip

Ang mga mabubuting bagay naipinagkakaloob

ng Diyos ay tinatawag nating mga pagpapala o

biyaya. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga

sumusunod:

140

Ang mga biyayang bigay ng Diyos ang

nagpapatatag ng ating pananampalataya. Ang

mga pagpapalang ito ay maaari nating

ipagpasalamat sa pamamagitan ng mga

sumusunod:

Isagawa

Gawain 1

Mag-isip ng mga bagay na maituturing na biyaya

mula sa Panginoon. Isulat o iguhit sa iyong

kwaderno ang sagot.

141

Humanap ka ng kapartner at ibahagi ang inyong

sagot sa isa’t-isa. Piliin ang sagot ng kaklase na

dapat mo ring ipagpasalamat. Isulat o iguhit din

ang mga ito sa tabi ng inyong sagot.

Gawain 2

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Piliin ang mga

larawan na ipinapanalangin mong makuha. Isulat

ang bilang ng tamang sagot sa inyong kwaderno.

1 2 3

4 5 6

142

Gawain 3

Tingnan mong mabuti ang mga larawan na

nagpapakita ng iba’t-ibang paraan kung paano

nagpapasalamat ang mga Pilipino sa Dakilang

Maykapal. Sabihin kung ano ang ipinapakita ng

bawat larawan.

143

May naiisip ka pa bang ibang paraan kung

paano nagpapasalamat ang iyong pamilya sa

Diyos? Humanap ka ng iyong kapartner at pag-

usapan ninyo ang inyong mga sagot.

Isapuso

Ang pananalig at pananampalataya sa Diyos

ay likas sa ating mga Pilipino.

Tandaan:

1. Ang mga biyaya o mga pagpapala na

ating tinatamasa ay bigay sa atin ng Diyos.

2. Ang pananalangin o pagdarasal ay isang

paraan ng pakikipag-usap sa Diyos upang

ipaabot ang ating pasasalamat at mga

kahilingan sa buhay.

3. Maraming paraan ng pagpapakita ng

pasasalamat at pakikipag-ugnayan sa Diyos

gaya ng pagdarasal, pag-awit at

pagsamba.

144

Isabuhay

Gumuhit ng treasure box na katulad ng nasa ibaba.

Iguhit sa loob nito ang mga bagay na mahalaga

para sa iyo at nais mong ipagpasalamat sa

Panginoon. Sumulat sa inyong kwaderno ng isang

maikling panalangin ng pasasalamat sa mga

pagpapalang inyong tinatanggap.

145

Subukin

Pakinggan ang sumusunod na mga sitwasyon. Iguhit

ang puso sa inyong papel kung ito ay

nagpapakita ng pagpapasalamat sa Panginoon o

araw kung nagpapakita ng pananampalataya

sa Panginoon.

1. Tuwing gabi, sabay-sabay na nananalangin ang

Pamilya Reyes bago matulog.

2. Hindi nawawalan ng pag-asa ang Pamilya Santos

na magkakaroon sila ng sariling bahay.

3. Naniniwala sina Ginoo at Ginang Cruz na

mapagtatapos nila sa pag-aaral ang kanilang

mga anak.

4. Linggo-linggo ay maagang nagsisimba ang

Pamilya Mozol.

5. Nagtitiwala ang Pamilya Herman na makakaahon

din sila sa hirap.

146

Aralin 2 – Paggalang sa Paniniwala

ng Iba

Magandang araw. Tingnan mo ang bawat

larawan. Nakakita ka na ba ng mga ito sa inyong

pamayanan? Ito ay mga gusaling pinupuntahan ng

mga tao upang sumamba. Sa araling ito,

tatalakayin natin ang paggalang sa iba’t-ibang

paniniwala ng mga Pilipino.

147

Isaisip

Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang paniniwala

tungkol sa Dakilang Lumikha. Marami sa mga

Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo. Kabilang

dito ang relihiyong Katoliko, Iglesia ni Cristo at

Protestante. Mayroon ding naniniwala sa Islam.

Bagama’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga

Pilipino, mahalagang igalang ang mga ito. Ilan sa

mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa

paniniwala ng iba ay ang mga sumusunod:

Pakikipagkaibigan sa may

ibang paniniwala.

Pagkakaroon ng bukas na

isipan at pagrespeto sa

kanilang paniniwala.

Paggalang sa lugar ng

sambahan ng iba.

Paggalang sa kanilang

paraan ng pakikipag-

ugnayan o pagsamba.

148

Isagawa

Gawain 1

Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang larawan

na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng

iba. Ipaliwanag ang inyong sagot.

1 2

3 4

149

Gawain 2

Makinig sa mga sitwasyon na babasahin ng guro.

Iguhit sa inyong papel ang isang parisukat kung

ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa

paniniwala ng iba at isang bilog kung hindi

nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.

1. Maayos na kinakausap ni Beth ang bagong

kaklaseng kabilang sa Iglesia ni Cristo.

2. Pinagtatawanan ni Marco ang kanyang

kaibigan tuwing ito ay nagsisimba.

3. Magalang na nagtatanong si Alvin kay Eric

tungkol sa kanilang ibang paniniwalang

panrelihiyon.

4. Iniiwan nina Jim at Anton si Ben tuwing

maglalaro dahil siya ay Kalotiko at sila ay

Protestante.

5 6

150

5. Bukas ang isipan at pakikinig ni Jamie sa mga

paniniwala ni Jezil at iginagalang niya ang mga

ito.

6. Iniiwasan si Micka sa kanilang lugar dahil iba

ang kanyang paraan ng pagsamba.

7. Hindi pinipilit ni Rosy si Eliza na magsimba dahil

ito ay may ibang paniniwala.

8. Walang pumapansin kay Amir sa kanyang klase

dahil siya ay isang Muslim.

9. Tanggap ni Rico na iba ang paraan ng

pagsamba ni Alec sa Diyos.

10. Laging tinutukso si Henry sa kanilang lugar

tuwing siya ay magpupuri sa Diyos.

Gawain 3

Paano mo ipapakita ang paggalang sa

paniniwala ng iba? Gumupit o gumuhit ng mga

larawan na nagpapakita ng paggalang sa

paniniwala ng iba. Idikit ito sa iyong papel o

kwaderno. Ipaliwanag kung ano ang nasa larawan.

151

Isapuso

Ang paggalang sa paniniwala ng iba ay

mahalaga sa pamumuhay ng payapa.

Tandaan:

1. May iba’t-ibang paniniwala ang mga Pilipino

tungkol sa Dakilang Lumikha.

2. Ang paggalang at pagtanggap sa

pagkakaiba-ibang ito ay susi sa

pagkakaunawaan at pagkakaroon ng

kapayapaan.

3. Bilang isang batang Pilipino, mahalagang

maipakita mong iginagalang mo at

nirerespeto ang paniniwala ng iba.

152

Isabuhay

Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa

araling ito? Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Kumpletuhin ang pangako ng paggalang sa

paniniwala ng iba sa inyong kwaderno. Bigkasin ang

inyong pangako patungkol sa paggalang sa iba.

Makatutulong na alalahanin ang iyong mga

natutunan upang matugunan ng wasto ang mga

patlang sa ibaba.

Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba

Ako si ____________________, ay nangangakong

igagalang ang paniniwala ng iba. Ipakikita ko

ang paggalang na ito sa pamamagitan ng:

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

Iiwasan ko ang paggawa ng mga sumusunod

upang hindi ko masaktan ang aking kapwa:

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

_________________

Lagda

153

Subukin

Tukuyin kung tama o mali ang sinasaad sa bawat

sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha kung

tama at malungkot na mukha kung mali.

1. Nirerespeto ng mga kaklase ni Tony ang

kanyang relihiyon bagaman siya ay isang

Muslim at sila ay Kristiyano.

2. Pinagtatawanan nina Mark, Ben, at Gabby

ang kanilang kaibigang umaawit ng papuri

sa Diyos.

3. Sinusulatan nina Randy at Rico ang simbahan

ng ibang relihiyon.

4. Maingay at magulo sina Sam, Eric at Jun sa

loob ng simbahan habang nagdarasal ang

mga tao.

5. Magalang na nakikinig si Jenny sa paliwanag

ng kanyang kaibigan tungkol sa pagkakaiba

ng kanilang paniniwala.

154

Aralin 3 – Pagkakaroon ng

Pag-asa

Mapagpalang araw sa iyo. Sana ay marami

kang natutunan sa ating nakaraang aralin. Sa araw

na ito ay may bago kang mapag-aaralan. Ngunit,

bago ang lahat, nais ko sanang itanong, nanonood

at nakikinig ka ba ng mga balita sa telebisyon?

Kung oo, maaring nabalitaan at nakita mo ang mga

ito.

155

Ang unang larawan ay nagpapakita ng epekto

ng Bagyong Sendong. Ang ikalawang larawan

naman ay nagpapakita ng nangyari sa Cebu ng

magkaroon ng malakas na lindol. Naaalala mo ba

ang mga balitang ito? Ano ang nararamdaman mo

tuwing nakakabalita ka ng ganitong pangyayari?

Sa mga pagkakataong tulad nito, mahalaga

ang pagkakaroon ng “pag-asa”.

Paano ba nakatutulong ang pag-asa sa

pagharap sa mga problema sa buhay? Maaaring

hindi mo pa masagot ngayon ang tanong na iyan.

Kaya naman inihanda ang araling ito. Sa iyong

pagbabasa, ikaw ay inaasahang:

156

a. Makatukoy ng mga inaasahan at ninanasang

mangyari sa iyong buhay.

b. Makapag-isip ng paraan upang matupad

ang iyong inaasahan.

c. Magkaroon ng positibong pagtingin sa mga

nangyayari sa iyong buhay.

Alin sa mga ito ang naranasan mo na? Lagyan

ng tsek () ang kahon kung naranasan mo na. Ano

ang iyong naisip at naramdaman ng mangyari sa iyo

ang mga sitwasyong isinasaad sa bawat bilang?

Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong klase

at mababa ang nakuha mong grado.

2. Pasahan na ng inyong proyekto sa isang

asignatura ngunit hindi ka nakapagpasa ng

iyong gawa.

3. Isa ka sa mga kasali sa isang mahalagang

paligsahan sa inyong paaralan subalit hindi

ka nakasama sa laban dahil nagkaroon ka ng

sakit.

4. Sumali ka sa pagalingan sa pag-awit ngunit

hindi ka nanalo.

5. Nais mong mapabilang sa mga may

karangalan sa inyong klase ngunit hindi

umabot ang iyong grado upang mabigyan

ka ng parangal.

157

Isaisip

Maaring naranasan mo na ang

mga nabanggit na sitwasyon. Ito ay halimbawa ng

mga pagkakataong maituturing nating hindi

magandang pangyayari sa ating buhay. Ang mga

ganitong pangyayari ay nagdudulot sa atin ng iba’t-

ibang damdamin tulad ng pagkalungkot,

panghihinayang, pagkainis, at galit.

Sa mga pagkakataong ito, hindi ka dapat

manatiling malungkot at nagmumukmok.

Mahalagang maghanap ng paraan kung paano mo

lulutasin ang iyong problema. Kinakailangan mong

mag-isip ng paraan kung paano ka makakabawi at

makakabangon muli. Ang isang tao ay

kinakailangang maniwalang may mabuting

mangyayari sa kanyang buhay. Ang taong ito ay

humahanap ng paraan upang matupad ang

kanyang hinahangad at ninanais. Ito ang taong

mayroong pag-asa. Hindi siya nawawalan ng

pasitibong pagtingin sa buhay.

Narinig mo na ba ang kasabihang ito – “May

bukas pa. Huwag kang mawalan ng pag-asa”.?

Ang linyang ito ay karaniwan nating maririnig bilang

payo ng mga nakatatanda. Tulad ng pagsikat ng

araw sa bawat umagang dumarating, ang pag-asa

ay nagbibigay sa atin ng magandang pakiramdam.

158

Ang pag-asa ay tulad ng sikat ng araw na

nagbibigay sa atin ng malinaw na pag-iisip kung

paano haharapin ang mga problema sa ating

buhay. Gaya rin ng sikat ng araw, ito ay nagbibigay

sa atin ng kalakasang harapin ang bawat sitwasyon

– maganda man o hindi. Ang pagkakaroon ng pag-

asa ay nagdudulot din ng katatagan ng ating

pananalig sa Diyos. Umaasa tayo na may mabuting

mangyayari sa ating buhay sa gabay at patnubay

ng Panginoon.

Sa iyong mga hindi magagandang karanasan,

ano ang iyong ginawa upang hindi na ito maulit?

Paano mo nilutas ang iyong mga problema?

Isagawa

Gawain 1 Balikan natin ang mga sitwasyong iyong binasa.

Iguhit sa iyong kwaderno ang masayang mukha

sa bawat pangungusap na nagpapakita ng batang

may pag-asa.

1. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong klase

at mababa ang nakuha mong grado.

a. Pagbubutihin ko pa ang pag-aaral at

gagawa palagi ng takdang-aralin upang

159

makakuha ng mas mataas na grado sa

susunod na pagsusulit.

b. Maglalaro na lamang at manonood ng

telebisyon tuwing uuwi sa bahay dahil

hindi na mababago ang aking grado sa

paaralan.

2. Pasahan na ng inyong proyekto sa isang

asignatura ngunit hindi ka nakapagpasa ng

iyong gawa.

a. Hahayaan na lamang na walang

naipasang proyekto.

b. Makikiusap sa guro kung maaring

tapusin at ipasa ang nagawang

proyekto kahit pa huli na.

3. Isa ka sa mga kasali sa isang mahalagang

paligsahan sa inyong paaralan subalit hindi

ka nakasama sa laban dahil nagkaroon ka

ng sakit.

a. Hindi ka na sasali sa kahit anong

paligsahan kahit kalian.

b. Magpapagaling kaagad at mag-

eensayong muli upang sa susunod ay

makasama na sa paligsahan.

4. Sumali ka sa pagalingan sa pag-awit ngunit

hindi ka nanalo.

160

a. Babatiin ang nanalo at pag-iibayuhin

pa ang angking talento upang sa

susunod na paligsahan ay manalo.

b. Iiyak at magagalit sa nanalo.

Kalilimutan at titigil na din sa aking

hilig.

5. Nais mong mapabilang sa mga may

karangalan sa inyong klase ngunit hindi

umabot ang iyong grado upang mabigyan

ka ng parangal.

a. Magiging lalo pang masipag at

masigasig sa pag-aaral at mga

gawaing pampaaralan.

b. Malulungkot at magagalit sa sarili.

Magmumukmok na lamang sa isang

tabi at hindi na aayusin ang pag-

aaral.

Gawain 2

Ikaw ba ay may mga pangarap sa iyong buhay?

Kaakibat ng mga pangarap ang pag-asang

magkaroon ng mabuting kinabukasan. Bilang isang

mag-aaral, ano-ano ang iyong mga pangarap? Sa

iyong kwaderno, gumawa ng dalawang hanay,

Hanay A at Hanay B. Isulat sa Hanay A ang iyong

mga pangarap, hinahangad, at ninanais. Isulat

161

naman sa Hanay B ang maaari mong gawin upang

matupad ang mga ito.

Gawain 3

Ang isang taong may pangarap ay laging may pag-

asa. Ang taong ito ay mayroong positibong

pagtingin sa buhay. Alin sa mga larawang ito ang

nagpapakita ng isang taong may positibong

pananaw? Ipaliwanag sa klase ang iyong napiling

sagot.

Larawan ng isang batang

malungkot at magagalitin sa loob

ng bahay.

162

Isapuso

Sa ngayon alam mo na ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at

positibong pagtingin sa buhay. Sa pamamagitan ng

pagguhit sa isang papel, ipakita mo ang iyong

pagkaunawa sa isang taong may pag-asa at

positibong pagtingin sa buhay.

Tandaan:

1. Ang bawat tao ay nakakaranas ng mga

problema at hindi magagandang

pangyayari sa buhay.

2. Sa bawat problema at hindi magandang

pangyayari sa buhay ng isang tao,

importante ang pagkakaroon ng pag-

asa at positibong pananaw sa buhay.

3. Ang pag-asa at positibong pananaw sa

buhay ay nagbibigay ng kalakasan at

katatagang harapin ng may pananalig

sa Panginoon ang kinabukasan.

4. Ang bawat pangarap, ninanais at

hangad ay may kaakibat na pag-asang

mapabuti ang kalagayan ng buhay sa

hinaharap.

163

Isabuhay

Hayan at patapos na naman an gating aralin.

Basahin mo ang maikling tula sa ibaba. Gawan mo

ito ng aksyon at ipakita ang iyong ginawa sa

kaklase. Sa susunod na maharap ka sa isang

mahirap na sitwasyon o sa isang problema,

alalahanin mo ang tulang ito.

PAG-ASA

Sa bawat pagsubok sa ating buhay,

Pag-asa sa puso ay palaging taglay,

Sa puso mo ito ay wag kalimutan,

Lakas at tibay ng loob ay makakamtan.

Ang bawat problema ay dapat harapin,

Ng may pag-asa at tiwala sa Panginoon,

Pangarap sa buhay ay iyong kakamtin,

Dulot ng pag-asa na nasa puso natin.

164

Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan

ang titik ng iyong sagot sa bawat tanong.

1. Mayroong nalalapit na palaro sa paaralan. Sino

kaya sa tatlo ang gumagawa ng paraan upang

mapabilang sa paligsahang ito?

a. Tuwing matatapos ang klase ay

sumasama pa sa mga kaibigan si Jezil

upang maglaro at makipagkwentuhan.

b. Tuwing matatapos ang klase ay umuuwi

kaagad si Jamie upang mag-ensayo ng

kanyang kakayahan.

c. Tuwing matatapos ang klase ay maagang

umuuwi si Marnie upang magpahinga at

manuod ng paboritong telenobela.

2. Masipag mag-aral si Raymond. Lagi siyang

gumagawa ng takdang-aralin at mga proyekto

sa bawat aralin. Umaasa siyang makasama sa

magkakaroon ng karangalan sa kanilang klase.

Matupad kaya ang kanyang inaasahan?

a. Oo, dahil gumagawa siya ng paraan

upang matupad ang kanyang pangarap.

b. Hindi, dahil walang halaga ang kanyang

pagsusumikap.

165

c. Maari, baka makilala siya ng kanyang

guro sa kanyang ginagawa.

3. Nais ng pamilya Reyes na magkaroon ng sariling

bahay na titirhan. Ano ang dapat nilang gawin

upang matupad ang kanilang pangarap?

a. Tumaya sa lotto at baka manalo, saka

bibili ng bahay.

b. Mangutang ng pera sa mga kakilala at

bumili ng bahay.

c. Magsipag sa pagtatrabaho at magtipid

upang makaipon at makabili ng bahay.

4. Nagkaroon ng sunog ang isang pamayanan.

Sino sa pamilyang ito ang may positibong

pananaw sa buhay?

a. Kinuha ng pamilya ni Mang Jose ang

natira sa kanilang mga kagamitan at

naghanap kaagad ng lugar na maaring

pansamantalang matitirhan.

b. Tulala si Mang Nicanor sa sinapit ng

kanilang bahay pati ang kanyang mag-

iina ay hindi matigil sa pag-iyak at

panghihinayang.

c. Lungkot at pagmumukmok lamang ang

ginagawa ng pamilya ni Mang Sidro dahil

hindi nila matanggap ang nangyari sa

kanila.

166

5. Ano ang katangian ng isang taong may pag-

asa sa buhay?

a. Malungkot, takot, at laging

nagmumukmok.

b. Magagalitin, palaaway at maraming

kinaiinisan.

c. Masayahin, matatag at may magandang

pananaw sa hinaharap.