PowerPoint Presentationnasa Bulubundukin
Dahil sa uri ng kapaligirang taglay ng rehiyon, iniangkop ng mga
Igorot, pangkalahatang tawag sa mga pangkat-etnikong naninirahan
dito, ang paraan ng kanilang pamumuhay. Bawat pangkat ay
nagsasarili at may kani-kaniyang paraan ng pamumuhay. Subalit halos
lahat ay nagkakapareho sa kanilang ikinabubuhay— pagsasaka,
pagmimina, at pangangaso. Palay, mais,at repolyo ang mga Igorot sa
palay. Nakamamangha ang mga payyo o hagdan-hagdang palayan na
inukit sa gilid ng bundok na ginawa ng mga Ifugao. Mayroon din
silang mga tanim na halaman, mga punong namumunga, at mga gulay na
mainam sa malamig na klima. Ibinebenta ang kanilang mga aning
prutas, tulad ng strawberry; at mga gulay, gaya ng lettuce,
broccoli, cauliflower, carrot, at patatas sa mga lungsod.
Sagana rin ang mga kabundukan sa mga mineral tulad ng ginto, tanso,
pilak, at zinc. Mayroon ding buhangin, graba, at sulfur. Bagamat’t
maraming mineral sa buong rehiyon, ang pagmimina ay nakasentro sa
lalawigan ng Benguet. Nakapangangaso rin sa mayamang kagubatan ng
rehiyon.
Pamumuhay sa mga Lalawigang
may malawak na Kapatagan
Ang Central Luzon ang rehiyon na may pinakamalawak na kapatagan.
Pagsasaka, paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda ang mga
pangunahing ikinabubuhay ng mga tagarito. Sa rehiyon nanggagaling
ang bigas na nabibili sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, kaya tinawag
ito na “Rice Granary of the Philippines.” Bukod sa palay, ang ilang
lalawigan ay nag-aani rin ng mais, tubo, manga, saging, at sari–
saring gulay. Marami ring nabubuhay sa pag-aalaga ng manok at
baboy. Ang iba naman ay may mga palaisdaan na pinagmumulan ng mga
sugpo at tilapia. Samantala, ang 45 porsiyento ng lupain ng rehiyon
ay kagubatan sa bulubundukin ng Zambales at Bataan at bahagi ng
Sierra Madre sa Aurora, Bulacan, at Nueva Ecija. May deposito rin
ng mga mineral gaya ng ginto, pilak, chromite, limestone, clay,
marmol, graba, at buhangin sa Bulacan at Zambales.
Ang rehiyon ay mayroon ding mahabang baybayin na nasa mga lalawigan
ng Aurora, Bataan, at Zambales. Sagana sa mga pangisdaan ang mga
dagat sa nasabing mga lalawigan. Dahil malapit ang rehiyon sa NCR,
marami ring itinayong mga pabrika at industriya, lalo na sa Clark
Special Economic Zone sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga at sa Subic
Bay Freeport Zone sa Zambales. Nagbibigay ng empleo sa mga tao ang
mga kompanya at pabrika sa mga naturang lugar.
Pamumuhay sa mga Lalawigang
binubuo ng mga Isla
Ang mga lalawigan sa Rehiyon VI o Western Visayas ay matatagpuan sa
mga pulo ng Panay, Guimaras, at Negros. Ang mga naninirahan sa loob
o gitnang bahagi ng mga pulo ay kadalasang nabubuhay sa pagtatanim.
Palay, tubo, saging, lmang-ugat, at sari-saring gulay ang mga
karaniwang pananim dito. Samantala, ang mga naninirahan naman
malapit sa dalamapasigan ay karaniwang nabubuhay sa pangingisda.
Mayaman ang mga pangisdaan sa iba’t ibang uri ng lamang dagat, lalo
na sa Lungsod ng Roxas, ang tinaguriang “Seafood Capital ng
Pilipinas.”
Kilala rin ang rehiyon dahil sa magaganda nitong mga isla
nadinarayo ng mga local at dayuhang turista. Ang mga pulo tulad ng
Boracay sa Aklan at Islas de Gigantes sa Iloilo ay ilan lamang sa
mga kilalang isla sa rehiyon. Dahil dito, marami sa mga tao ang
nagkakaroon ng kabuhayan na may kinalaman sa turismo.
Napagkakakitaan nila ang pagpapaupa ng mga hotel, resort, o bahay;
pagbebenta ng mga souvenir; pagpaparenta ng mga sasakyan tulad ng
van o bangka; at pagiging tour guide.
Pamumuhay sa mga Lalawigang
nasa Tabing-dagat
Ang rehiyon XII o SOCCSKSARGEN ay may mahabang baybayin, lambak,
bulubundukin, at ilog. Dito rin mkikita ang Rio Grande de Mindanao
ang pinakamahabang ilog sa Mindanao. Ang mga naninirahan sa lambak
o patag na bahagi ng rehiyon ay karaniwang nabubuhay sa pagsasaka.
Pinya, papaya, saging, manga, kape, niyog, palay, mais, asparagus,
at sari-saring gulay ang mga karaniwang pananim.
Samantala, ang mga naninirahan naman sa mahabang baybayin o
tabing-dagat ay nabubuhay sa pangingisda. Bagama’t maraming
produkto na nagmumula sa mga taniman ng mga lalawigan, mas kilala
ang rehiyon sa mga produktong isda, lalo na sa tuna. Ang isdang ito
ang pangunahing produkto ng llawigan ng Sarangani at ng Lungsod ng
General Santos, kilala bilang “Tuna Capital of the Philippines.”
Ito ay ibinebente sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at iniaangkat
sa mga bansang tulad ng Estados Unidos at Japan.
Pamumuhay sa Punong
Rehiyon
Ang National Capital Region (NCR), na kilala rin sa tawag na Metro
Manila, ang natatangiang rehiyon sa bansa na walang lalawigan. Ito
ang pinakamaliit na rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng 16 lungsod
at isang munisipalidad. Bagama’t maliit ang sukat ng lupain, ang
NCR ang may pinakamaraming populasyon. Nasa 20 785 katao ang
nagsisiksikan sa bawat kilometro kuwadrado ng lupain na ang
kabuuang bilang ay humigit- kumulang 12.9 milyon.