16
Tamang uri ng pamumuhay MGA REKUMENDASYON SA NUTRISYON AT EHERSISYO (Bersiyon sa Filipino) Il corretto stile di vita (LINGUA FILIPPINA)

Tamang uri ng pamumuhay - · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

  • Upload
    votuyen

  • View
    252

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Tamang uri ng pamumuhayMGA REKUMENDASYON SA NUTRISYON AT EHERSISYO

(Bersiyon sa Filipino)

Il corretto stile di vita(LINGUA FILIPPINA)

Page 2: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Paano kontrolin ang diabetes

Ang diabetes ay isang talamak na sakit na inilalarawan sa pamamagitan ng matataas na antas ng asukal ng dugo (kilala rin bilang glucuse ng dugo o glycemia), kadalasang iniuugnay sa sobrang timbang o labis na katabaan, mataas na presyon ng dugo, at matataas na antas ng cholesterol.

Ang hamon na inilalahad ng diabetes ay baguhin ang kaugalian ng isang tao, pagpili ng mga mas malulusog na kaugalian at muling pagtuklas sa saya ng pag-eehersisyo at pagkain ng malulusog at natural na mga pagkain.

Page 3: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

HETO ANG MGA GININTUANG TUNTUNIN:

2. Sundin ang malusog na diyeta na mayaman sa mga gulay at prutas, at iwasto ang iyong pagkain ng taba

3. Regular na mag-ehersisyo

1. Maging normal ang timbang

Page 4: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Mga rekumendasyon sa nutrisyonMAGKAKATULAD BA ANG LAHAT NG PAGKAIN?

Upang mabuhay at gumana, ang katawan ng tao ay nangangailangan ng enerhiya na ibinibigay ng pagkain. Ang iba’t ibang pagkain ay naglalaman ng sustansiya, na lahat ay mahalaga para sa katawan, kabilang ang:

MGA CARBOHYDRATE O ASUKAL:

Ang mga ito ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya at nagbibigay ng pinaka-mahusay na pampasigla para sa ating katawan. Ang kategoryang ito ng mga sustansiya ay partikular na mahalaga para sa mga taong may diabetes: kapag na-absorb, kaagad silang nakakaapekto sa antas ng asukal sa dugo.

Depende sa bilis nilang ma-absorb, ang mga ito ay tinatawag na simple o complex na mga asukal.

• ANG SIMPLENG MGA ASUKAL ay malamang na magpapaangat nang mabilis sa antas ng glucose ng dugo; ito ang mga pagkain na dapat lubos na pag-iingatan ng mga taong may diabetes. Mga halimbawa: asukal, pulot-pukyutan, jam, minatamis.

• Sa kabaligtaran, ANG MGA COMPLEX NA ASUKAL, karaniwang kilala bilang mga carbohydrate o starch, ay mas matagal ang pag-absorb at sanhi ng mas dahan-dahang pagtaas ng mga antas ng glucose ng dugo; ang mga pagkain na ito ang mas madaling kainin. Halimbawa: Mga cereal (tinapay, pasta, kanin, harina, barley, spelt, mais, patatas) at mga legumbre (mga bean, garbansos, lentil, gisantes).

Page 5: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

MGA TABA:

Ang mga taba ay mas kadalasang ginagamit ng katawan bilang mga reserba. Dapat kang maging napakaingat sa pagkain ng mga taba na nagmula sa hayop (hal., mantekilya, mantika ng baboy, taba ng bacon, sangkap na taba ng lahat ng mga keso), dahil ang mga ito ay mayaman sa cholesterol at kaya nakakasama sa mga daluyan ng dugo. Dapat piliin ang mga taba na nagmula sa gulay (ibig sabihin, lahat ng langis).

MGA PROTINA:

Ang mga protina ay may plastic function. Ang mga ito ay nasa mga pagkain na galing sa hayop (gatas, itlog, karne, isda) at mga pagkain na galing sa gulay (mga legumbre at cereal) na napaka-malusog na pinagmumulan ng mga protina dahil, maliban sa pagiging mataas ang kalidad, ang mga ito ay hindi nagiging taba.

MGA FIBER NG PAGKAIN:

Ang mga substansiyang ito ay nilalaman ng prutas, gulay, mga legumbre, at lahat ng whole food o di-napoprosesong pagkain o napoproseso nang napakakunti hangga’t maaari, bago makain. Kahit na hindi sustansiya, ang mga ito ay may kakayahan na magpapabagal sa pag-a-absorb partikular na ng asukal at taba, at kaya tunay na nakakatulong sa lahat ng malulusog na diyeta.

Gayon pa man, may ilang mga eksepsiyon: margarina, cocoa butter at mantekilya ng niyog, na kahit gulay, ay mayaman sa cholesterol.

Sa ibang banda, ang taba ng isda, kahit na mula sa hayop, ay hindi naglalaman ng cholesterol at mayaman sa omega 3, na tunay na napaka-mapapakinabangan sa pagsugpo ng atherosclerosis.

Page 6: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Ano ang isang malusog na diyeta?Upang matiyak na sinusunod mo ang isang mabuting diyeta, ikaw ay dapat kumain ng :

60% CARBOHYDRATE

15% PROTINA

25% TABA

American Diabetes Association. Standards of Medical Care in Diabetes 2012. Diabetes Care 2012; 35 (supll. 1)

Page 7: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Ang mga pagkain na dapat pinaka-madalas na kainin ay nasa ibaba ng piramide; mas malapit sa taas, mas limitado ang dami ng pagkain na iyon na dapat kasama sa mabuting pagkaka-balanseng diyeta.

Minatamis

Mapupulang karne

Tubig 1.5-2 litro kada araw

Alak 1-2 baso kada araw

Panlutong asin < 6g kada araw

batutay

Mga itlog

Puting karne, poultry

Patatas, mga legumbre, isda

Hinog na mga keso

Sariwang mga keso

Langis ng oliba

Gatas at yoghurt

Tinapay, pasta, kanin, polenta, mga whole cereal

Prutas at mga gulay

Ang piramide ng nutrisyon

Advisory Committee on the Dietary Guidelines for Americans. 1995. Dietary guidelines for Americans. Report of the Dietary Guidelines.

Page 8: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Ano ang dapat kong piliin?

LANGIS NG OLIBA

PASTA, COUS COUS, TINAPAY (lalo na ang whole wheat bread)

(Ang prutas ay dapat kainin sa katamtamang dami, lalo na kung ito ay may maraming asukal

tulad ng mga saging, fig, ubas at milon)

MGA LEGUMBRE

ISDA

PRUTAS

HIGIT SA LAHAT, MARAMING GULAY

Piliin nang mas madalas

Page 9: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

MANTEKILYA

KANIN at PIZZA

PATATAS

KARNE

MINATAMIS

HIGIT SA LAHAT, MARAMING GULAY

Piliin nang di-gaanong madalas

Page 10: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Ang pag-i-ehersisyo ay hindi nangangahulugang kailangang pumunta sa gym o sa swimming pool o maglaro ng isport: nangangahulugan lang ito ng paggalaw sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar, at kada araw higit kaysa kahapon!

Ehersisyo

Ang ehersisyo ay nakakabuti sa lahat, ngunit partikular na mahalaga para sa mga taong may diabetes dahil nagdudulot ito ng mga benepisyo:

NAGPAPABUTI NG KALUSUGAN

NAGPAPABUTI NG KONTROL SA DIABETES

NAGPAPABUTI NG KONTROL SA TIMBANG

NAGKOKONTROL SA PRESYUR SA ARTERYO

TUMUTULONG SA PAGPIGIL NG MARAMING KOMPLIKASYON

Ang isang mabuting paglalakad ay maaaring ideyal na workout: magagawa mo ito kahit saan at iaakma sa iyong sariling mga kakayahan. Para sa pinakamabuting mga resulta, ang haba ng araw-araw na paglalakad ay dapat 3-5 km (30-60 minuto).

Maaabot mo ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iilang kakaun-ting paraan:

• PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN• HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA DE=PASAHERONG SASAKYAN

Page 11: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Timbang OrasPaglalakad Pagbibiseklita

Pagsasayaw ng Ballroom

Paglilinis ng bahay

50-70 Kg 15’30’60’

57-80114-160228-319

75-105150-210300-420

56-79112-210224-314

47-6593-130

186-260

80-100 Kg15’30’60’

91-114205-228365-456

120-150240-300480-600

90-112180-224359-449

74-93149-186298-372

110-130 Kg15’30’60’

125-149251-297502-595

165-196330-391660-783

123-146247-293494-585

120-121205-243409-485

140-160 Kg15’30’60’

160-183320-366640-732

211-241421-481843-963

158-180315-360630-720

131-149261-298522-597

Aktibidad/Mga Calorie na nalusaw (Kcal)

MGA HALIMBAWA:

Page 12: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Isport at Diabetes

Ang mga taong may diabetes ay maaaring gumawa ng anumang uri ng aktibidad. Gayon pa man, partikular na kung ikaw ay gumagamit ng insulin, dapat talakayin mo ito sa iyong diabetologist at sundin ang kanyang payo.

Tandaan:

Ang pag-i-ehersisyo ay nagpapababa sa mga antas ng glucose ng dugo sa panahon at pagkatapos ng aktibidad. Ito ay dahil ang iyong kalamnan ay direktang gumagamit sa asukal bilang sustansiya para sa karagdagang pagsisikap. Kaya, mahalaga na suriin ang antas ng glucose ng dugo bago at pagkatapos mag-ehersisyo.

At saka, ang pag-i-ehersisyo ay higit nanagpapasensitibo ng mga selyula sa insulin, kaya ang katulad na dami ay “umeepekto nang mas mabuti”.

Ang hypoglycemia (sobrang pagbaba ng asukal ng dugo) ay palaging posible. Magdala ng mga cube ng asukal para sa posibleng pagbaba ng asukal ng dugo.

Dapat kang uminom ng maraming tubig, lalo na kapag mainit ang panahon.

Page 13: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Anong isport?

Ang mga isport na pang-aerobic ay partikular na naaangkop para sa mga may diabetes, dahil mas nakakatulong ang mga ito kaysa iba sa paglusaw ng calorie at pagpapabuti ng kontrol ng asukal ng dugo at pampuso-pangsirkulasyong paggana.

Maging napakaingat sa uri ng sapatos na pipiliin sa pag-i-ehersisyo: dapat hindi masyadong masikip ang mga ito, may iilang seam, at mabuti ang pagkakasapin. Kapag matapos ka sa iyong aktibidad, palaging suriin ang iyong mga paa para sa anumang mga lesyon o sugat na nangangailangan ng paggagamot.

Page 14: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Ang 5 ginintuang tuntunin

Palaging magdala ng mga cube ng asukal o inuming may idinagdag na asukal (di-pangdiyeta) upang mapigilan ang posibleng hypoglycemia o mababang asukal ng dugo

Bago mag-umpisa sa anumang isport, suriin muna ang antas ng asukal ng iyong dugo

Kung ito ay mababa sa 130, dapat mong dagdagan sa kaunting snack

Kung ito ay higit sa 250, mas makabubuting huwag maglaro ng anumang isport

1

2

Page 15: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

Ang pagpasyang mag-ehersisyo pagkatapos kumain ay maaari ring kapaki-pakinabang upang makamit ang pinakamagandang mga resulta sa usapin ng metabolikong pagkontrol

Magsimulang mag-ehersisyo nang hinay-hinay at dahan-dahan

Bago magsimula sa anumang gawaing pang-isport, isagawa ang ilang pampainit na mga ehersisyo

3

5

4

Page 16: Tamang uri ng pamumuhay -   · PDF fileTamang uri ng pamumuhay ... ting paraan: • PUMARADA SA KALAYUAN MULA SA IYONG PUPUNTAHAN • HUWAG MAG-ELEVATOR • SUMAKAY SA

ABC ng insulinANO ITO AT PAANO ITO GINAGAMOT

(Bersiyon sa Filipino) L’ABC dell’insulina

(LINGUA FILIPPINA)

Tamang uri ng pamumuhayMGA REKUMENDASYON SA NUTRISYON AT EHERSISYO

(Bersiyon sa Filipino)

Il corretto stile di vita(LINGUA FILIPPINA)

SAKIT, BIYAHE AT MGA BAKASYON

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

(Bersiyon sa Filipino)

Situazioni particolari(LINGUA FILIPPINA)

Mga Komplikasyon

ANO-ANONG MGA KOMPLIKASYON, BAKIT NAGAGANAP

ANG MGA ITO, AT PAANO MAIWASAN ANG MGA ITO

(Bersiyon sa Filipino)

Le complicanze

(LINGUA FILIPPINA)

Mababang

glucose ng dugo

PAANO ITO MAKILALA AT ANO ANG GAGAWIN

(Bersiyon sa Filipino)

L’ipoglicemia

(LINGUA FILIPPINA)

Ano ang

Diabetes

MGA SANHI AT RESULTA

(Bersiyon sa Filipino)

Che cos’è il diabete

(LINGUA FILIPPINA)

Ang kumpletong linya ng mga brochure na itinataguyod para sa Diabetes ay maaaring mai-download mula sa

www.lillydiabete.it

Makukuha rin sa sumusunod na mga wika:

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong doktor o tumawag nang walang bayad sa

Araw-araw mula 8:30 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi

Ingles Pranses Espanyol

IntsikHindi ArabeItalyano

Aleman Ruso Rumano Albanian

Ano ang Diabetes

Mababang glucose ng dugo

Mga komplikasyon

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

Tamang uri ng pamumuhay

ABC ng insulin

800-117678

Cop

yrig

ht ©

201

2, E

li Li

lly It

alia

SpA

. Tut

ti i d

iritt

i ris

erva

ti.IT

DB

T002

69c