22
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 2.3 (Week 4) Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa 9 _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

  • Upload
    others

  • View
    56

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 2.3 (Week 4)

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng

Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

9

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 2: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Wilson G. Oyangoren

Editor : Jane O. Gurrea

Tagasuri : Chona B. Jumao-as

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

- Dr. Ester A. Futalan

- Dr. Leah B. Apao

Chief, CID - Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS - Mr. Isaiash T. Wagas

EPS in EsP - Mrs. Jane O. Gurrea

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 3: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 2.3

(Week 4)

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng

Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 4: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa modyul na Lipunang Politikal,

Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan

at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang

pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at

kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito

sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang

pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang

mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at

Prinsipyo ng Pagkakaisa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din

nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 5: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

iii

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot

(100%), maaari mong laktawan ang bahaging

ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto

ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang

susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 6: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

iv

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit

ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka

o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 7: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

1

Alamin

Ang Modyul na ito ay ginagawa upang pagyamanin ang iyong kaalaman at

mabigyan ng malalim na kahulugan ang Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity

at Prinsipyo ng Pagkakaisa. Sa tingin mo sapat lang ba ang ating sariling pagsisikap

upang makamit ang ating mga pangangailangan? Ano naman kaya ang magagawa

ng subsidiarity sa mahihirap? Paano natin maisabuhay ang pagkakaisa? Ang mga ito

ay masasagot sa modyul na ito.

Sadyang ginawa ang modyul na ito upang maunawaan mong mabuti ang pag-

aaral sa Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng

Pagkakaisa, kahit na hindi ka regular na makapasok sa paaralan. Kaya mahalagang

sundin at unawain ang mga gawain sa modyul na ito.

Ang modyul na Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo

ng Pagkakaisa ay mayroong mga kompetensi na dapat mong makamit. Inaasahang

malilinang sa iyo ang sumusunod na kompetensi:

2.1 Naipaliliwanag ang:

a. dahilan kung bakit may Lipunang Politikal b. Prinsipyo ng Subsidiarity c. Prinsipyo ng Pagkakaisa 2.2 Natataya ang Pag-iral o kawalan sa Pamilya, Paaralan, Barangay, Pamayanan, o Lipunan/ Bansa ng:

a. Prinsipyo ng Subsidiarity b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

2.3 Napatutunayan na:

a. may mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan

bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o

organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang

pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

b. kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang

pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na

nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng

bawat kasapi ng pamayanan.

c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na

mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa, lalo na sa

pagangat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad

sa pagunlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

2.4 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at

Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan

(barangay), at lipunan/bansa.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 8: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

2

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan at

maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa kung bakit may lipunang politikal at ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa.

Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang mag-aaral kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang case study.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang

wastong sagot at isulat ang titik nito sa isang malinis na papel.

1. Ang tao ay isang ____________ nilalang.

a. pang-ekonomiyang b. pansimbahang c. pampamilyang d. panlipunang

2. Ang Estado ay mayroong tungkulin na magbigay ayuda o tulong sa mga

mamamayan, lalo na sa mga nasa mababang antas ng lipunan. Anong prinsipyo ito?

a. Prinsipyong Panlipunan

b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

c. Prinsipyo ng Subsidiarity

d. Prinsipyong Pampolitika

3. Ang bawat tao ay kailangang makibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Hindi kanya-kanyang pagkilos, kundi sama-sama upang maiangat ang lipunan. Anong

prinsipyo ito?

a. Prinsipyo ng Subsidiarity

b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

c. Prinsipyo ng Batas

d. Prinsipyo ng mga nangungulo

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 9: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

3

4. Sino ang pilosopo na nagpasimuno ng Teoryang “I-Thou” Relation O ang Relasyong

“Ako-Ikaw”, kung saan sinasaad na ang tao ay likas na makikipagrelasyon sa iba.

a. Sto. Tomas Aquinas

b. Karol Wojtyla

c. Martin Buber .

d. San Agustin

5. Sino ang Santo Papa, Pilosopo at Santo, na nagpasimuno sa Teoryang “We

Relation o ang “Relasyong tayo”. Ito ay tumutukoy sa ating pakikipagrelasyon sa

kapwa.

a. Martin Buber

b. San Juan Pablo II

c. San Agustin

d. Sto. Tomas Aquinas

Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mga mag-aaral na maglaan ng Activity

Notebook/Porfolio para sa modyul na ito. Magbigay ng

sariling pamantayan ukol dito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 10: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

4

Modyul

2

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng

Subsidiarity at Prinsipyo ng

Pagkakaisa

2.3 Napatutunayan na: a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan. b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan. c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa). (EsP9PLId-2.3)

Sa nakaraang modyul ay tinatalakay natin ang Lipunang Politikal, Prinsipyo ng

Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa. Ang Lipunang Politikal ay isang lipunan na

pinamunuan ng isang sistema, organisasyon, kaayusan at pamamahala. Ibig sabihin

ito ay isang komunidad na mayroong namamahala.

Natutunan mo rin sa nakaraang modyul na ang Prinsipyo ng Subsidiarity ay

isang konsepto na kung saan ang pamahalaan ay magbibigay tulong sa mga

kinakailangan ng mamamayan para sa kanilang mga ginagawa upang mapaunlad

ang kanilang sariling mga buhay.

Ang Prinsipyo naman ng Pagkakaisa ay ang pakikipagtulungan,

pagbabayanihan at pakikibahagi sa mga gawaing panlipunan. Hindi natin

makakamtan ang kabutihang panlahat kung walang pagkakaisa.

Ang modyul na ito ay isang pagpapatuloy sa nakaraang modyul. Sa modyul na

ito tatalakayin natin ang Lipunang “Tayo”. Sapat lang ba na magsusumikap ka para

makuha mo ang mga pangangailangan? Pwede lang bang sabihin natin na “Bahala

kayo riyan!” Sa Prinsipyong Subsidiarity, ano naman kaya ang maiaambag ng

estado sa mahihirap? Ano naman ang magagawa ng mahihirap sa estado? Sa

Pagkakaisang “Ako-Ikaw”, kaya ba nating gawin ang mga gawain upang tayo ay

uunlad bilang isang lipunan o iba-iba ang ating direksyon na tinatahak?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 11: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

5

Balikan

Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa isang malinis na papel.

1. Ang pagtulong ng pamahalaan sa mamamayan ngunit hindi panghimasukan ang kanilang mga gawain.

a. Lipunan

b. Subsidiarity

c. Pagkakaisa

d. Pamamahala

2. Ang pagtutulungan, pagbabayanihan ng mga tao sa lipunan ay tinatawag na__________.

a. Pagtitiwala

b. Pagkanya-kanya

c. Pakikipagkapwa

d. Pagkakaisa

3. Ang isang lipunan na pinamahalaan ng isang lider at may organisasyon ay tinatawag na ____________.

a. Ekonomiya

b. Lipunang Politikal

c. Batas

d. pagsamba

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangangailangan ng tao? a. Pagkain

b. Kasamaan

c. Damit

d. Pagmamahal

5. Sino ang mayroong obligasyon na magbigay tulong o ayuda sa mga mahihirap? a. Simbahan

b. Mga mayayaman

c. Pamahalaan

d. Mga kapitbahay

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 12: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

6

Tuklasin

Panuto: Ano ang alam mo sa mga pangangailangan ng tao? Isulat sa mga bilohaba

ang ibat-ibang mga pangangailangan ng tao. Sa bawat bilohaba, magsulat ng tatlong

pangangailangan. Gawin ito sa isang malinis na papel gabay ang pormat sa ibaba.

Sagutin ang mga sumusunod sa isang malinis na papel. 1. Alin ang pinakaimportanteng pangangailangan ng tao? Bakit?

2. Paano niya makukuha ang kanyang mga pangangailangan? 3. Makukuha ba niya ang kanyang pangangailangan kung siya lang mag-isa? O kinakailangan niya ang lipunan? Bakit o Bakit hindi?

Mga

pangangailangan ng

tao

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 13: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

7

Suriin

Lipunang “Tayo”

Ayon kay San Juan Pablo II (na ang totoong pangalan ay Karol Wojtyla), isang Santo Papa, isang Pilosopo at isang Santo, kailangang maisabuhay ng tao ang “We Relation” O ang “Relasyong Tayo”. Ito ay tumutukoy sa ating pakikipagrelasyon sa kapwa. Ang binigyan niya ng importansya ay ang salitang “We” o “Tayo”. Ang salitang “Tayo” ay nagbubuklod ng higit sa isang tao. Sabi niya ang ating “Relasyong Tayo”, ang pakikiisa sa iba ay susi para sa pag-unlad ng kumonidad. Sa “Relasyong Tayo” binigyan diin din ang Partisipasyon o Pakikilahok. Sa pamamagitan ng pakikilahok, pakikipag-ugnayan sa iba, nakakamtan ng tao ang kanyang kaganapan bilang tao. Ang tao ay likas na nabubuhay para sa pakikipagrelasyon sa iba at maipamahagi ang sarili para sa buhay ng lipunan, upang makamit ang kabutihang panlahat. Ang “Relasyong Tayo” ay ang ating pakikibahagi sa buhay lipunan. Ang ating dapat maisabuhay ay ang pagiging “kapwa” sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa pagkatao ng ibang tao. http://www.kritike.org/journal/issue_1/mejos_june2007.pdf

Sa “Relasyong Tayo” binigyan natin ng importansya ang “Tayo” at hindi ang

“Ako”. Ang “Ako” kasi ay makasarili at hindi nag-aambag ng kanyang sarili sa iba. Dapat “Tayo”, kasama ng kapwa, nakikibahagi sa kapwa at nakikipag-ugnayan sa kapwa. Dapat kasama tayo sa kapwa at hindi nag-iisa. Dahil kung tayo ay nag-iisa hindi natin makakamit ang ating kaganapan bilang tao at hindi rin natin makakamtan ang mga bagay na ating kinakailangan.

Sino ba sa atin ang walang pangangailangan? Lahat tayo mayroong

pangangailangan, katulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan (ekonomikal), pangkultural at pangkapayapaan. Ang mga pangangailangang ito ay hindi natin makamit kung nag-iisa lang tayo, makakamit lang ang mga ito kung kasama ang kapwa at kasama ng suporta ng pamahalaan. Ang sentro ng ating buhay lipunan ay dapat ang “Tayo” at hindi ang “Ako”.

Subsidiarity at Mamamayan

Ang Prinsipyo ng Subsidiarity ay nagsasabing hindi kailangang panghimasukan ng pamahalaan ang mga ginagawa ng mga mamamayan, dahil kung pakialaman niya ang mga gawain ng mamamayan, pinipigilan niya ang pag-unlad at pagtuklas ng bagong kaalaman batay sa kanilang mga lakas at talino. Ang pamahalaan ay magbibigay ayuda sa mga pangangailangan ng mamamayan na hindi sila pinakikialaman sa mga magagawa nila na makapagpaunlad sa kanila. Ang papel na ginagampanan ng Estado ay tulungan ang mga nasa mababang antas ng lipunan, sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda sa kanila, na hindi pakikialaman ang kanilang maibahagi batay sa kanilang lakas at talino. Sa pamamagitan nito binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na matuklasan ang kanilang mga talento at mga potensyal at mapatunayan ang kanilang mga galing.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 14: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

8

Nagbibigay ito sa kanila ng kalayaan, pagkukusa at pananagutan sa buhay lipunan. Sa pamamagitan rin nito maisaalang-alang ang dignidad ng tao sa bawat kasapi ng lipunan.

Binigyang importansya rin ng Prinsipyong Subsidiarity ang mga nasa

mababang antas o ang apat na “L”: Last, Lost, Least, Lowly o ang mga nasa huli, mga nawawala, mga nasa mababa at mga mahina. Sila ang tinatawag nating “the poorest of the poor” ang mga pinakamahirap sa lahat ng mahihirap. Ang Estado ay magbibigay sa kanila ng mga ayuda at tulong upang sila ay makapagsimula ng kanilang mga gawaing pang industriya upang makabangon sa kahirapan. Sa ganitong paraan sila ay nabibigyan ng dignidad at nabubuo ang kanilang mga pagkatao.

Ang Pagkakaisang “Ako-Ikaw”

Ang bawat tao ay kailangang makibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Hindi kanya-kanyang pagkilos, kundi sama-sama upang mai-angat ang lipunan. Ayon kay Martin Buber, isang pilosopo, na nagpasimuno ng Teoryang “I-Thou” Relation O ang Relasyong “Ako-Ikaw”, ang tao ay likas na nakikipagrelasyon sa iba. Ang “Ako-ikaw” na relasyon ay relasyong tao-sa-tao o Subject-to-Subject. Sabi niya magiging ganap ang pagkatao ng tao kung nakatuon siya sa kapwa tao. Ang tao ay nagiging buo kung mayroong relasyon sa iba, isang direkta at mapagbahaging sarili sa kapwa. Ito ang relasyong tao-sa-tao, Subject-to-Subject, at may pagtanggap, katapatan, pagmamalasakit, respeto, dialogo at pangangalaga sa kapwa. Ang isang tao ay hindi lang isang nilalang sa mundo kundi isang nilalang-kasama-ng-iba sa mundo.

Sabi ni Buber ang kasalungat ng “I-Thou” ay ang “I-It” Relationship o ang

Relasyong “Ako-Bagay” Ang relasyong ito ay ang Tao sa bagay, Subject-to-Object. Ang taong ganito ay lubos na nakikipagrelasyon sa bagay kay sa tao. Ito ay ang pagkaranas at paggamit ng bagay na walang pagbabahagi ng sarili, walang tunay na pagdama at walang tunay na pagmamahal.

Sa ating pagkilos bilang mga mamamayan, alin ang dapat sundin? Ang “I-Thou”

O ang “I-It” na relasyon? Dapat nating isapuso ang “I-Thou” na pakikipagrelasyon, dahil sa pamamagitan nito magkakaisa tayo upang maiangat ang kahirapan at makamit ang kabutihang panlahat.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 15: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

9

Pagyamanin

Panuto: Ang isang lipunan ay parang isang barko na naglalayag patungo sa

magandang bukas. Ano-ano kaya ang mga maiaambag mo upang magpatuloy ito sa

kanyang paglalayag at makarating sa paroroonan? Kopyahin ang larawan sa isang

malinis na papel. Isulat ang iyong maiambag sa lipunan sa loob ng tatlong layag ng

barko.

Larawan galing sa: https://www.pinterest.ph/pin/673569687992114504/

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 16: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

10

Isaisip

Panuto: Isulat ang mga magagawa mo bilang mamamayan upang makiisa sa pag-unlad ng lipunan. Gawin ito sa isang malinis na papel gabay ang pormat sa ibaba.

Ang aking mga magagawa upang makiisa sa pag-

ambag sa kaunlaran ng lipunan.

1.

2.

3.

4.

5.

6

7.

8.

9.

10.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 17: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

11

Panuto: Isulat sa unang hanay ang mga pangangailangan ng tao at isulat sa

ikalawang hanay kung paano natulungan ng lipunan ang tao sa pagkamit ng mga ito.

Gawin ito sa isang malinis na papel gabay ang pormat sa ibaba.

Mga

Pangangailangan

Paano natulungan ng buong

lipunan ang tao sa pagkamit ng

mga ito?

Pangkabuhayan

Pangkultural

Pangkapayapaan

Isagawa

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 18: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

12

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot sa isang malinis na papel. 1. Anong Teorya ang nagbigay importansya ng “Tayo” at nagsabi na kailangan tayong

makikipagkapwa para makamit ang ating mga pangangailangan?

a. Subsidiarity b. “I-It” c. “We Relation” d. “I-Thou”

2.Anong Teorya ang nagbigay importansya ng Ako at Ikaw at nagsabi na kailangan

nating makikipagkapwa upang tayo ay magkaisa.

a. “I-It” b. Subsidiarity c. “We Relation” d. “I-Thou”

3. Sino ang nagpasimuno ng Teoryang “We Relation”?

a. Martin Buber b. Pamahalaan c. Mamamayan d. San Juan Pablo II

4.Sino ang nagpasimuno ng Teoryang “I-Thou” Relation?

a. Pamahalaan b. San Juan Pablo II c. Martin Buber d. Mamamayan

5.Sino ang may responsibilidad na tulungan ang mamamayan, lalo na ang mga

mahihirap?

a. Ang mga mayaman b. Pamahalaan c. UN d. Simbahan

6. Ang Estado ay mayroong tungkulin sa magbigay ayuda o tulong sa mga

mamamayan. Ngunit hindi dapat panghimasukan ng estado ang mga gawain ng

mamamayan upang sila mismo ang gumawa ng makakapagpaunlad sa kanila. Anong

Prinsipyo ito?

a. Pagkakaisa b. Subsidiarity c. “We Relation” d. “I-Thou”

7. Ano ang tunay na pangalan ni San Juan Pablo II?

a. Karol Wojtyla b. Martin Buber c. Karol Vgojtyla d.Thomas Aquinas

8.Paano makakamit ng tao ang kanyang mga pangangailangan?

a. Pakikipagkapwa b. Pagkanya-kanya c. Pagdarasal d. Pagpapalimos

9. Ano ang kasalungat ng Relasyong “Ako-Ikaw” O “I-Thou” Relation?

a. We Relation” b. “I-It” c. Relasyon sa pamahalaan d. Pagkakaisa

10.Ang bawat tao ay kaylangang makibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

Hindi kanya-kanyang pagkilos, kundi sama-sama upang maiangat ang lipunan. Anong

prinsipyo ito?

a. Pamamahala b. Prinsipyo ng tiwala c. Subsidiarity d. Pagkakaisa

Tayahin

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 19: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

13

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ka ng isang pangako na iyong gagawin para sa ikauunlad ng

lipunan at sa kabutihang panlahat. Isulat ito sa isang malinis na papel.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 20: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

14

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1. D 2. C 3. B 4. C 5. B

Balikan

1.B 2.D 3.B 4.B 5.C

Tayahin

1.C 2.D 3.D 4.C 5.B 6.B 7.A 8.A 9.B 10.D

Mga Tala para sa Guro

Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring

magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga

gawain.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 21: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

15

Sanggunian

Christine Carmele, Ramos R. Introduction to the Philosophy of the Human Person.Rex Publishing Company, 2016.

Department of Education Curriculum and Instruction Strand. K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding Codes. p. 110 K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf. Department of Education, Republic of the Philippines. Edukasyon sa Pagpapakatao

Gabay sa Pagtuturo. Published by the Department of Education.

Department of Education, Republic of the Philippines. Edukasyon sa Pagpapakatao

9 Modyul para sa Mag-aaral. Published by the Department of Education.

Finnis, John. “Aquinas' Moral, Political, and Legal Philosophy,” February 23, 2017. https://plato.stanford.edu/entries/aquinas-moral-political/.

Krestyn, Anna. “What Is the Principle of Subsidiarity?” Aleteia. Aleteia, June 7, 2017. https://aleteia.org/2013/02/06/what-is-the-principle-of-subsidiarity/.

Lipunang Politikal: Ano Ang Lipunang Politkal? Kahulugan At Halimbawa. “Lipunang Politikal: Ano Ang Lipunang Politkal? Kahulugan At Halimbawa.” Philippine News, March 11, 2020. https://philnews.ph/2020/03/11/lipunang-politikal-ano-ang-lipunang-politkal-kahulugan-at-halimbawa/.

Pinterest. Accessed August 27, 2020. https://www.pinterest.ph/.

“Role of Government and Subsidiarity Archives.” Education for Justice. Accessed August 27, 2020. https://educationforjustice.org/topics/cst/government-subsidiarity/.

“Subsidiarity & the Role of Government.” Development and Peace, April 1, 2015. https://www.devp.org/en/cst/subsidiarity.

The Editors of Encyclopaedia Britannica. “The City of God.” Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica, inc., April 23, 2020. https://www.britannica.com/topic/The-City-of-God.

“What Is Subsidy? Definition of Subsidy, Subsidy Meaning.” The Economic Times. Accessed August 27, 2020. https://economictimes.indiatimes.com/definition/Subsidy.

Zank, Michael, and Zachary Braiterman. “Martin Buber.” Stanford Encyclopedia of Philosophy. Stanford University, July 28, 2020. https://plato.stanford.edu/entries/buber/.

“Aquinas' Moral, Political, and Legal Philosophy,” February 23, 2017. https://plato.stanford.edu/entries/aquinas-moral-political/.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 22: Edukasyon sabnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/G9-EsP9-Q1...c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa,

16

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: [email protected]