19
Pamumuhay sa Ilalim ng mga Hapon

Pamumuhay sa ilalim ng mga hapon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pamumuhay sa Ilalim ng Mga Hapon (Lipunan, Edukasyon, Ekonomiya, Pulitika at Kultura)

Citation preview

Pamumuhay sa Ilalim ng mga Hapon

• Ang pamumuhay sa ilalim ng mga Hapon ay hindi naging madali para sa mga Pilipino , dahil dito ang mga Pilipino ay puno ng takot sa mga Hapon. Marami ring nagkasakit at namatay.

Lipunan

KALAYAAN

• Walang laya sa paggalaw at pagkilos ang mga tao, maging sa pagbibiyahe.

• Ang paglabas sa mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mga lumabag ay ikinukulong o binabaril.

• Ang mga Hapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan.

• Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga Hapon.

• Ang mga kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa kanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggang sa mamatay.

• Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga espiyang natatakpan ng bayong ang mukha. Suot ang kanilang bayong, ituturo ang mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon. Kapag hindi nakatakas mula sa garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi na makakabalik ng buhay sa kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’t ibang malupit na paraan.

PULITIKA

KALIBAPI

• Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong istraktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas).

PUPPET

GOVERNMENT• Ito ang tinaguriang

pamahalaan noong panahon ng mga Hapones. • Ito ay pinamunuan ni

Jose P. Laurel. • Sunod-sunuruan lang ito

sa kagustuhan ng mga Hapones.

PANGEKONOMIYA

KAHIRAPAN

• Lumaganap ang kahirapan dahil sa:

a)Pagitigil ng mga manggagawa at magsasaka sa pagtratrabaho sa takot na maging biktima sa pagmamalupit ng mga Hapones

b)Pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing pangangailangan

Mickey Mouse Money• Ito ang pinalabas na

salapi ng mga Hapon. Tinawag din itong “gurami”, maliit na isda ang bilang ay walang halaga; o “apa” dahil parang mahina o marupok ito.

PANGKULTURA

WIKA

•Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mga paaralang bayan ang wikang Tagalog.

• Nagpalabas sila ng mga dokumentaryo tulad ng “Song of the Orient” at “The Dawn of Freedom” tungkol sa pagwawagi ng mga Hapones sa Bataan at Corregidor.

•Pinatutugtog din nila ang “Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas” kapalit sa “Lupang Hinirang” sa mga opisyal na gawain at pagtitipon

EDUKASYON

• Sa bisa ng Military Order No.2, nilikha ang Commission of Education, Health and Public Welfare. Ilan sa mga layunin nito ang pagsupil sa mga kaisipang kaunlarin, pagtuturo ng wikang Nippongo at pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa