Click here to load reader
View
2
Download
0
Embed Size (px)
Guidebook para sa Pamumuhay
ng mga Dayuhan
外国人のための生活ガイドブック
タガログ語版
PANIMULA
Ang Guidebook sa Pamumuhay para sa mga Dayuhan、sa
pakikipagtulungan ng NPO Neyagawa International Exchange and
Friendship Association, ay inilathala upang magkaroon ng kapayapaan
ng isip sa pang-araw araw na pamumuhay ang bawat dayuhang
residente na naninirahan sa Lungsod ng Neyagawa, at ito ay nakahanda
sa 6 na wikang banyaga (English, Chinese, Korean, Tagalog, Spanish,
Portuguese).
Ang guidebook ay maaaring gamitin ng lahat ng mga dayuhan bilang
pampublikong serbisyo sa simula, upang ang mga kailangang
pamamaraan sa pamumuhay at iba pa ay maging maayos ngayon gawin,
at pag-asang ang iyong pamumuhay sa Lungsod ng Neyagawa ay mas
higit na maginhawa
Bilang karagdagan, ang guidebook na ito ay inihanda batay sa
kasalukuyang nilalaman ng ika- 2012 Marso. Mangyari lamang na
maunawaan na mayroong mga susog pagkatapos na ito ay mailathala.
2012・Marso
Neyagaw City
Nilalaman
◆Pakiusap◆
Kapag may mga katanungan sa mga sumusunod na lugar, inyong
makikita na hindi lahat ng indibidwal ay nakakaunawa o
nakakapagsalita ng ingles, magtanong na mayroong kasama na
nakakapagsalita at nakakaintindi ng salitang hapon.
1 SA ORAS NG PANGANGAILANGAN
1 Pagtawag sa Pulisya ・・・・1
2 Sunog ・ Ambulansya ・・・・1
3 Singaw ng Gas ・・・・2
4 Lindol ・・・・3
5 Bagyo ・・・・5
6 Nawala o nakalimutang bagay ・・・・5
2 LEGAL Na PAMARAAN AT TULONG
1 Estado ng Pagtira sa Japan ・・・・7
2 Pagpapatala ng Dayuhan ・・・・8
3 Pagpapatala ng Kasal ・・・・10
4 Pagpapatala ng Diborsyo ・・・・11
5 Kapag namatayan (Death Registration) ・・・・11
6 Pagpapatala ng Kapanganakan (Birth
Registration)
・・・・12
7
8
Registration of Personal Seal
National Health Insurance Membership
・・・・12
・・・・13
3 PANSAMANTALANG TULUYAN o TIRAHAN
1 Paraan kung paano maghanap ng
tirahan
・・・・14
2 Pagpirma ng Kontrata ・・・・15
3 Renta ・・・・15
4 SERBISYONG PUBLIKO
1 Tubig ・・・・16
2 Elektrisidad ・・・・16
3 Gas ・・・・17
4 Basura ・・・・18
5 Telepono ・・・・25
6 Post Opis o Korreo ・・・・25
5 KARAGDAGANG MAHALAGANG IMPORMASYON SA PAMUMUHAY
1 Pamumuhay SA Inyong Komunidad ・・・・27
2 Bangko ・Yucho Bank (Postal Bangko) ・・・・27
3 Telebisyon ・Radyo ・・・・29
4 Express Delivery Service ・・・・30
5 Alagang Hayop ・・・・30
6 SAKIT ・KALUSUGAN
1 Medical Insurance Plans ・・・・32
2 Sa oras na magkasakit ・・・・35
3 Pagpapakonsulta sa doktor (Medical Check-up) ・・・・36
7 PANGANGANAK・PAG AALAGA
1 Pagbubuntis o Pagdadalang ・・・・37
2 Maternity Passbook ・・・・37
3 Panganganak (Childbirth) ・・・・38
4 Sistema ng pagtulong para sa medikal na
gastos ng mga bata.
・・・・38
5 Sistema ng pagtulong sa pamamagitan ng
Sustento para sa mga bata. Single Parent
Household
・・・・39
6 Kapag gustong ipaalaga ang bata (Hoikusho at
iba pa)
・・・・39
7 Childcare Support ・・・・40
8 PAARALAN ・EDUKASYON
1 Japanese Educational System (Sistema
ng Edukasyon)
・・・・43
2 Kindergarten ・・・・43
3 Elementary. Junior High School ・・・・44
4 Senior High School ・・・・44
5 Mga Dayuhang Estudyante na
Nag-aaral sa Japanese Schools
・・・・45
6 Silid-aralan para sa Wikang Hapon ・・・・46
9 TRAPIKO
1 Tren ・・・・47
2 Bus ・・・・48
3 Discount Tickets ・・・・49
4 Taxi ・・・・49
5 Kotse ・ Motorsiklo ・・・・50
6 Lisensya sa pagmamaneho ・・・・50
7 Bisikleta ・・・・51
10 BUWIS・PENSYON・ INSURANCE
1 Buwis (Tax) ・・・・54
2 Pensyon (Pension) ・・・・55
3 Insurance ・・・・58
11 WHERE TO SEEK ASSISTANCE
1 Impormasyon tungkol sa
pangkaraniwang pamumuhay (General
Living Information)
・・・・59
2 Legal Consultation ・・・・60
3 Visa Consultation ・・・・62
4 Employment ・・・・63
5 Housing ・・・・64
6 Childcare ・・・・64
7 Police Assistance ・・・・65
8 City Hall ・・・・65
1
Sa pagkakataong mayroong mga pangyayari (incident) o sakuna
(accident) maaaring ipagbigay alam sa pulisya sa pamamagitan ng
pagtawag sa bilang 110.
(24 oras bukas ang linya)
「Tasukete kudasai」 ang sabihin. Ipabatid ang oras, lugar, at kung
ano ang nangyari. Ibigay rin ang inyong pangalan, tirahan, at numero
ng telepono.
●Kung kayo ay naaksidente sa daan
・Alamin ang Pangalan, Tirahan, Telepono, numero ng sasakyan ng
lahat ng kasangkot sa aksidente
・Tumawag agad ng Pulis.
・Upang makakuha ng bayad (damages) mula sa may-sala at sa kanyang
insurance company, kailangan ang isang dokumento (Jikou
Shomeisho) tungkol sa naganap na aksidente.
Police Help Desk 072-823-1234
(24 oras bukas ang linya)
Sa pagkakataoong mayroong sunog o hindi inaasahang pangyayari o
emergency (biglaang nagkasakit, mayroong pinsala), ito ay ipabatid
sa fire department sa pamamagitan ng bilang 119.
Mga bagay na dapat ipabatid
・Sunog o Ambulansya
Kapag ito ay Sunog : 「Kaji desu.」
Kapag ito ay Ambulansya : 「Kyukyusha Onegaishimasu」
・Tirahan, lugar, palatandaang bagay (Landmarks)
・Ang iyong tirahan, pangalan, telepono
1 Pagtawag sa Pulisya
2 Sunog・Ambulansiya
1.SA ORAS NG PANGANGAILANGAN
2
・Kung ito ay sunog , sabihin kung ano ang nasusunog at kung
may natirang tao sa lugar na nasusunog
・Kung ito ay isang medical emergency, kailangang ipaliwanag ang
sitwasyon ng taong mayroong pinsala.
※Kung walang makapagsalita ng Hapon, agad na ipaalam na mga
banyaga lamang ang naroon.
Ang ambulansya ay isang uri ng transportasyon na nakalaan para
dalhin sa ospital ang mga taong mayroong malubhang karamdaman at
nangangailangan ng pangunahing lunas (emergency). Kapag ang
karamdaman ay hindi malubha, hindi nangangailangan ng pangunahing
lunas, o walang anumang pinsala ay mangyaring gumamit na lamang ng
taxi o pribadong sasakyan sa halip na tumawag ng ambulansya patungo
sa ospital.
Para sa mga katanungan maliban kung ito ay emergency tumawag
lamang sa Hirakata Neyagawa Shoubou Kumiai (Fire Department)
Hirakata Neyagawa Fire Department (Shoubou Kumiai)
072-852-9903
● Pagtawag gamit ang pampublikong telepono sa numerong
110, 119
・Maaring gamitin 24 oras sa isang araw.
・Hanapin ang pulang button na nakabalot ng plastik. Ang button
ay pindutin ng mariin upang magamit ang telepono sa pagtawag
ng emergency.
・Kapag cellphone o pay phone ang ginamit sa pag-uulat o pagsasabi
ng emergency, huwag itong ibaba at huwag ring umalis sa lugar
na pinangyarihan.
Sabihin ang 「Gas more desu. Sugu kite Kudasai」 Tumawag at
maghintay sa isang ligtas na lugar na malayo sa sumisingaw na gas.
Maaring tumawag 24 oras sa isang araw.
3 Singaw ng Gas
3
. Kapag konektado sa city gas, tumawag sa Osaka Gas
0120-5-19424 (Center for Reporting Gas Leaks)
・Kapag Propane Gas ang sumingaw
Mayroong sticker na nakadikit sa tanke ng gas at dito nakasulat
ang numero na dapat tawag.
※Kapag napansin na hindi normal ang sitwasyon, ilagay ang takip ng
tanke ng gas, buksan ang pintuan at bintana upang lumabas ang
singaw ng gas. Kapag napansin na sumisingaw pa rin ito, pahanginan
(ventilate) ang lugar ngunit huwag gagamit ng elektrisidad.
Ang Japan ay isang bansang malimit makaranas ng lindol. Sa mga
nakaraang taon, maraming malalakas na lindol ang nangyari sa lugar
ng Osaka-Kyoto-Kobe. Ang lindol ay maaaring mangyari kahit kailan
kung kaya’t kailangang maging handa.
●Kapag Lumindol
・Maging mahinahon, huwag magmadaling lumabas; Protektahan ang
sarili.
・Kung nasa bahay at naramdaman ang pagyanig, gumapang kaagad patungo
sa ilalim ng mesa o desk at gumamit ng cushion at iba pang katulad
nito upang pr