Download pdf - Pamumuhay sa Iba’t

Transcript
Page 1: Pamumuhay sa Iba’t

Pamumuhay sa Iba’t

ibang Lalawigan

Page 2: Pamumuhay sa Iba’t

Pamumuhay sa mga Lalawigang

nasa Bulubundukin

Page 3: Pamumuhay sa Iba’t

Dahil sa uri ng kapaligirang taglay ng rehiyon, iniangkop ng mga Igorot, pangkalahatang tawag sa mga pangkat-etnikong naninirahan dito, ang paraan ng kanilang pamumuhay. Bawat pangkat ay nagsasarili at may kani-kaniyang paraan ng pamumuhay. Subalit halos lahat ay nagkakapareho sa kanilang ikinabubuhay— pagsasaka, pagmimina, at pangangaso. Palay, mais,at repolyo ang mga Igorot sa palay. Nakamamangha ang mga payyo o hagdan-hagdang palayan na inukit sa gilid ng bundok na ginawa ng mga Ifugao. Mayroon din silang mga tanim na halaman, mga punong namumunga, at mga gulay na mainam sa malamig na klima. Ibinebenta ang kanilang mga aning prutas, tulad ng strawberry; at mga gulay, gaya ng lettuce, broccoli, cauliflower, carrot, at patatas sa mga lungsod.

Page 4: Pamumuhay sa Iba’t

Sagana rin ang mga kabundukan sa mga mineral tulad ng ginto, tanso, pilak, at zinc. Mayroon ding buhangin, graba, at sulfur. Bagamat’t maraming mineral sa buong rehiyon, ang pagmimina ay nakasentro sa lalawigan ng Benguet. Nakapangangaso rin sa mayamang kagubatan ng rehiyon.

Page 5: Pamumuhay sa Iba’t

Pamumuhay sa mga Lalawigang

may malawak na Kapatagan

Page 6: Pamumuhay sa Iba’t

Ang Central Luzon ang rehiyon na may pinakamalawak na kapatagan. Pagsasaka, paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tagarito. Sa rehiyon nanggagaling ang bigas na nabibili sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, kaya tinawag ito na “Rice Granary of the Philippines.” Bukod sa palay, ang ilang lalawigan ay nag-aani rin ng mais, tubo, manga, saging, at sari– saring gulay. Marami ring nabubuhay sa pag-aalaga ng manok at baboy. Ang iba naman ay may mga palaisdaan na pinagmumulan ng mga sugpo at tilapia. Samantala, ang 45 porsiyento ng lupain ng rehiyon ay kagubatan sa bulubundukin ng Zambales at Bataan at bahagi ng Sierra Madre sa Aurora, Bulacan, at Nueva Ecija. May deposito rin ng mga mineral gaya ng ginto, pilak, chromite, limestone, clay, marmol, graba, at buhangin sa Bulacan at Zambales.

Page 7: Pamumuhay sa Iba’t

Ang rehiyon ay mayroon ding mahabang baybayin na nasa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, at Zambales. Sagana sa mga pangisdaan ang mga dagat sa nasabing mga lalawigan. Dahil malapit ang rehiyon sa NCR, marami ring itinayong mga pabrika at industriya, lalo na sa Clark Special Economic Zone sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga at sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales. Nagbibigay ng empleo sa mga tao ang mga kompanya at pabrika sa mga naturang lugar.

Page 8: Pamumuhay sa Iba’t

Pamumuhay sa mga Lalawigang

binubuo ng mga Isla

Page 9: Pamumuhay sa Iba’t

Ang mga lalawigan sa Rehiyon VI o Western Visayas ay matatagpuan sa mga pulo ng Panay, Guimaras, at Negros. Ang mga naninirahan sa loob o gitnang bahagi ng mga pulo ay kadalasang nabubuhay sa pagtatanim. Palay, tubo, saging, lmang-ugat, at sari-saring gulay ang mga karaniwang pananim dito. Samantala, ang mga naninirahan naman malapit sa dalamapasigan ay karaniwang nabubuhay sa pangingisda. Mayaman ang mga pangisdaan sa iba’t ibang uri ng lamang dagat, lalo na sa Lungsod ng Roxas, ang tinaguriang “Seafood Capital ng Pilipinas.”

Page 10: Pamumuhay sa Iba’t

Kilala rin ang rehiyon dahil sa magaganda nitong mga isla nadinarayo ng mga local at dayuhang turista. Ang mga pulo tulad ng Boracay sa Aklan at Islas de Gigantes sa Iloilo ay ilan lamang sa mga kilalang isla sa rehiyon. Dahil dito, marami sa mga tao ang nagkakaroon ng kabuhayan na may kinalaman sa turismo. Napagkakakitaan nila ang pagpapaupa ng mga hotel, resort, o bahay; pagbebenta ng mga souvenir; pagpaparenta ng mga sasakyan tulad ng van o bangka; at pagiging tour guide.

Page 11: Pamumuhay sa Iba’t

Pamumuhay sa mga Lalawigang

nasa Tabing-dagat

Page 12: Pamumuhay sa Iba’t

Ang rehiyon XII o SOCCSKSARGEN ay may mahabang baybayin, lambak, bulubundukin, at ilog. Dito rin mkikita ang Rio Grande de Mindanao ang pinakamahabang ilog sa Mindanao. Ang mga naninirahan sa lambak o patag na bahagi ng rehiyon ay karaniwang nabubuhay sa pagsasaka. Pinya, papaya, saging, manga, kape, niyog, palay, mais, asparagus, at sari-saring gulay ang mga karaniwang pananim.

Page 13: Pamumuhay sa Iba’t

Samantala, ang mga naninirahan naman sa mahabang baybayin o tabing-dagat ay nabubuhay sa pangingisda. Bagama’t maraming produkto na nagmumula sa mga taniman ng mga lalawigan, mas kilala ang rehiyon sa mga produktong isda, lalo na sa tuna. Ang isdang ito ang pangunahing produkto ng llawigan ng Sarangani at ng Lungsod ng General Santos, kilala bilang “Tuna Capital of the Philippines.” Ito ay ibinebente sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at iniaangkat sa mga bansang tulad ng Estados Unidos at Japan.

Page 14: Pamumuhay sa Iba’t

Pamumuhay sa Punong

Rehiyon

Page 15: Pamumuhay sa Iba’t

Ang National Capital Region (NCR), na kilala rin sa tawag na Metro Manila, ang natatangiang rehiyon sa bansa na walang lalawigan. Ito ang pinakamaliit na rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng 16 lungsod at isang munisipalidad. Bagama’t maliit ang sukat ng lupain, ang NCR ang may pinakamaraming populasyon. Nasa 20 785 katao ang nagsisiksikan sa bawat kilometro kuwadrado ng lupain na ang kabuuang bilang ay humigit-kumulang 12.9 milyon.

Page 16: Pamumuhay sa Iba’t

Ang NCR ang sentro ng negosyo, komersiyo, industriya, at edukasyon sa Pilipinas. Kaya naman maraming iba’t ibang uri ng hanapbuhay na matatagpuan dito. Marami sa mga naninirahan sa mga lungsod ng rehiyon ay nagtatrabaho sa mga opisina, industriya, pabrika, at mall. Kapansin-pansin ang mga nagtataasang gusali sa mga lungsod sa rehiyon. Makikita rin sa lungsod ang malalaking unibersidad, kolehiyo, at paaralan na nag-eempleo ng maraming guro at mga kawani.


Recommended