41
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

  • Upload
    inez

  • View
    1.903

  • Download
    18

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA. Pagsulat. Mga kahulugan ng pagsulat : 1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita , simbolo at ilustrasyon ng isang tao . ( Bernales , et al., 2001). - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Page 2: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Pagsulat

Mga kahulugan ng pagsulat:1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

Page 3: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

• Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)

• Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

• Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Page 4: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin:• Ekspresib• Formulari• Imaginatibo• Informatib• Persweysib

Page 5: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga layunin ng pagsulat• Para kay James Kinneavy (1971) may

limang kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

• 1. Ekspresiv • Personal na pagsulat upang

maipahayag ang sarili

Page 6: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga layunin ng pagsulat• 2. Formulari • Isang mataas at istandardisadong

pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya

• 3. Imaginativ• Ginagamit upang mabigyang-

ekspresyon ang mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa

Page 7: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga layunin ng pagsulat• 4. Informativ• Upang magbigay ng mahahalagang

inpormasyon at ebidensya• 5. Persweysiv• Upang makapanghikayat,

mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag

Page 8: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib• Sabihin ang kategorya (layunin) ng

mga sumusunod na sulatin:1. iskrip pampelikula2. Thesis3. Subpoena4. Memorandum of Agreement5. Diary6. Shopping list

Page 9: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib• Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod

na sulatin:7. Ulat pamanahon8. Panunumpa sa katungkulan9. Talumpati ng Kandidato10.Tula11. journal12.Liham pangkaibigan13.State of the Nation Address14.Bisnes kontrak15.mensahe

Page 10: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat

• Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.

• Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Page 11: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso

• Para kay Badayos, ang multidimensyonal na proseso ng pagsulat ay binubu ng sumusunod na proseso:

• Bago sumulat– Binubuo ito ng pagpili ng paksa,

paglikha ng mga ideya at pagbuo ng mga ideya

• Pagsulat– Pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak,

pagsangguni at pagrerebisa

Page 12: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso

• Paglalathala

• Sangkot dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya’y paglilimbag o paglalathala

Page 13: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga mungkahing tanong• Ano ang paksa ng tekstong aking

isusulat?• Ano ang layunin sa pagsulat nito?• Saan at paano ako makakakuha ng

sapat na datos kaugnay ng aking paksa?

• Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?

• Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

Page 14: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

• Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

• Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa?

• Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?

Page 15: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga Hakbang sa Pagsulat:• Prewriting/ Gawain Bago

Sumulat• Pagsulat ng Draft/ Burador• Revising o Pagbabago• Editing o Pagwawasto• Publishing o Paglalathala

Page 16: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

• Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.

• Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

Page 17: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

• Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.

Page 18: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Kalikasan ng Pagsulat ayon kina White at Arndt

(1991)•Paglabas ng Ideya•Paggawa ng Estruktura•Paggawa ng Burador•Pagpopokus•Pagtataya o Ebalwasyon•Muling Pagtingin

Page 19: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga Katangian ng Epektibong Pagsulat:

• Kalinawan ( Clarity )• Kaangkupan ( Appropriateness )• Kahustuhan ( Completeness )• May Katangian ng Katiyakan ( Emphasis )• Kawastuhan ng Gramar (Gramatical

Accuracy )• May Layunin o Hangarin ( Objective )• Mababasa at Mauunawaan ( Readability )

Page 20: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga dapat itanong sa sarili kung magrerebisa ng isinulat:

• Tama ba ang aking pangungusap?• Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?• May pagkakaugnay ba ang aking mga

ideya?• May malabo ang ideya?• Angkop ba ang ginamit kong salita?• May kaisahan ba ang bawat talataan ?• Malinaw ba ang pangkalahatang

mensahe?

Page 21: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mga Uri ng Pagsulat

AkademikTeknikal

JournalisticReferensyalProfesyonalMalikhain

Page 22: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Teknikal• Isang praktikal na komunikasyong

ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri ng mambabasa

• Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal

Page 23: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Teknikal• Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon

sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.

• Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.

Page 24: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Teknikal• Saklaw nito ang pagsulat

ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal.

• Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology.

• Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.

Page 25: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Teknikal• Nagbibigay bg

impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin

• Layunin nitong maibahagi ang impormasyon tungkol sa isang paksa sa paggawa ng isang bagay.

• Kasam rito ang proposal at iba pang uri ng propesyonal na dokumeto

Page 26: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Referensyal• Ang referensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa

malinaw at wastong presentasyon ng paksa.• Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag,

nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri.• Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat

panlaboratoryo, manwal at pagsusuring pangkasaysayan

• Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang impormasyong batay sa katotohanan o kaya’y makabuo ng kongklusyon batay sa katotohanang ito.

• Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay, tamang-tama, obhetibo at komprehensibo

Page 27: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Referensyal• Naglalayong

magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa.

• Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes.

Page 28: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Referensyal• Madalas itong

makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.

• Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

Page 29: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Journalistic• Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot

sa lahat ng mga tanong ng pangjornalistik na sino, ano, saan, kailan at bakit.

• Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy.

• Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang iba pang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga

• Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat

Page 30: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Journalistic• Ang uring ito ng

pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.

• Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.

Page 31: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Journalistic• Sa jornalistik na pagsulat, isaalang-alang ang

mga sumusunod na mungkahi:• Kunin agad ang punto ng istorya.• Iwasan ang mahahabang pangungusap

hangga’t maari• Sumulat ng malinaw

Page 32: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Akademik• Ito ay maaaring maging

kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.

• Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Page 33: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Akademik• Isa sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay

ng suporta sa mga ideyang pangangatwiranan• Ang layunin ng akademikong pagsulat ay

maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa.

Page 34: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Akademik• Maliwanag– Ang paglalahad ng mga ideya ay dapat malinaw.

Ang manunulat ay may pananagutang gawing malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng teksto

• May Paninindigan– Kailangang may sarili kang pagpapasya at

paninindigan sa partikular na paksa na iyong isinulat

• May Pananagutan– May pananagutan ang manunulat sa pagkilala sa

mga awtoridad na ginamit na sanggunian sa papel na pang-akademiko

Page 35: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Akademik• Narito ang mga katangian ng akademikong

pagsulat:

• Pormal– Sa pagsulat ng sanaysay, iwasan ang mga

kolokyal na salita at mga ekspresyon• Obhetibo– Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi

personal o pansarili. Kaunti lamang ang salitang tumutukoy sa manunulat at sa mambabasa

– Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay

Page 36: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Profesyonal• Ito ay nakatuon sa

isang tiyak na profesyon.

• Saklaw nito ang mga sumusunod:1. police report – pulis2. investigative report – imbestigador3. legal forms, briefs at pleadings – abogado4. patient’s journal – doktor at nurse

Page 37: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Malikhain• Masining na uri ng pagsulat sa

larangan ng panitikan o literatura.

• Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.

• Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

• Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.

Page 38: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Malikhain• Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon

upang lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na isyu o paksa

• Maaring gumamit ang manunulat ng unang panauhan (pumaloob bilang karakter) o kaya’y ikatlong panauhan ( bilang tagapagsalaysay)

• Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat ang format, lengguwahe, organisasyon ng kanyang sulatin.

Page 39: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib• Ano ang layunin ng akademikong

pagsulat?• Bakit kailangang suportahan ang mga

ideya sa akademikong pagsulat?• Magbigay ng sariling reaksyon kung ano

ang kaibahan ng ginagawang pagsulat sa haiskul at sa kolehiyo?

• Ano ang journalistik na pagsulat?• Bakit may malaking pananagutan ang

sinuman sa pagsulat ng tekstong teknikal?

Page 40: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib• Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa

mga sumusunod na paksa:

• Ang Mahal Kong Ina• Ang Pinili Kong Kurso• Ang Aming Barangay• Ang Materyal na Mundo• Ang Aking Pangarap

Page 41: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib• Gumawa ng isang tula laman ng inyong

isipan at damdamin.• Hindi kailangang makinis na makinis, ang

mahalaga masabi ang saloobin sa oras na ito’y sinusulat

• Maaring free verse ang gawin