36
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 5 Ang Pagkonsumo TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Ang Pagkonsumo 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 9 Pag-isipin Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Mga Salik sa Pagkonsumo 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 19 Sagutin Natin 19 Pag-isipin Natin 20 Gawin Natin 20 Aralin 3: Mga Karapatan at Tungkulin ng Mamimili 22 Layunin Natin 22 Subukan Natin 23 Alamin Natin 24 Pag-aralan Natin 24

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 5 Ang Pagkonsumo

  • Upload
    others

  • View
    37

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 5

Ang Pagkonsumo TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Ang Pagkonsumo 4 Layunin Natin 4

Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 9

Pag-isipin Natin 10 Gawin Natin 10

Aralin 2: Mga Salik sa Pagkonsumo 12 Layunin Natin 12

Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 19 Sagutin Natin 19

Pag-isipin Natin 20 Gawin Natin 20

Aralin 3: Mga Karapatan at Tungkulin ng Mamimili 22 Layunin Natin 22

Subukan Natin 23 Alamin Natin 24 Pag-aralan Natin 24

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Suriin Natin 26 Sagutin Natin 27

Pag-isipin Natin 27 Gawin Natin 27

Karagdagang Kaalaman 29 Pagyamanin Natin 29 Paglalagom 33 Dapat Tandaan 33 Dagdag Sanggunian 33 Gabay sa Pagwawasto 34 Sanggunian 36

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 9 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 5

Ang Pagkonsumo

Kadalasan, kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, naiuugnay ito sa pagkain. Subalit, alam mo ba na maraming paraan ng pagkonsumo? Marami ring bagay na isinasang-alang-alang ang isang konsumer bago ito mamili ng produkto o serbisyong kaniyang tatangkilikin. Bilang isang tao na kailangang mabuhay, nakaranas ka na bang bumili ng iyong mga pangangailangan? May pagkakataon ba na ikaw ay bumili ng isang produkto ngunit hindi mo ito ginamit? Sa yunit na ito ay pag-aaralan natin ang kahulugan ng pagkonsumo, tutukuyin natin ang mga katangian ng isang konsumer, at aalamin natin kung ano ang mahahalagang salik ng pagkonsumo.

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Ang pagkain ay isang halimbawa ng pagkonsumo

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Ang Pagkonsumo

Ang pagpunta at pagpapagamot sa ospital ay isang uri ng pagkonsumo

Ang pagkonsumo ay isang konsepto na pinag-aaralan hindi lamang sa ekonomiks, kundi pati na rin sa ibang sangay ng araling panlipunan. Mahalaga na maintindihan natin ang konseptong ito dahil araw-araw ay kumukonsumo tayo ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo.

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Tingnan ang larawan sa ibaba. Gamit ang larawang ito bilang inspirasyon, magsulat ng isang talata patungkol sa produktibong pagkonsumo.

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ang Pagkonsumo Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang depinisyon, batay sa kung anong economic school of thought ang ating titingnan. Ayon sa mga klasikal na ekonomista tulad ni Adam Smith, ang pagkonsumo ang pangunahing dahilan ng produksyon. Para kay Smith, lahat ng pagkonsumo ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng isang tao. Bukod sa paggamit ng mga serbisyo at produktong tapos na, hindi na sinisayasat pa ng mga klasikal na ekonomista ang mas malaking papel ng pagkonsumo sa isang pagpapalawak ng ekonomiya at pagpapalaki ng indibiduwal at pambansang kita. Sa kasalukuyan, ang opisyal na depinisyon ng pagkonsumo ay ang paggamit ng produkto at serbisyo ng mga sambahayan upang tugunan ang kanilang pangangailangan at mga kagustuhan. Bagama’t bumibili rin ang pamahalaan at ang mga negosyo ng produkto at serbisyo na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon, ang mga paggasta na ito ay inilalagay sa ibang kategorya. Para sa mga modernong ekonomista (tinagurian ding mga neoclassisist), ang pagkonsumo ang dahilan ng lahat ng gawaing pang-ekonomiko. Nagbabago ang produksiyon sa isang bansa kapag nagbago ang pagkonsumo. Nagbabago din ang lebel ng pagkonsumo kung may nagbago sa mga salik ng produksyon. Kaya naman, tinitingnan ang lebel ng pagkonsumo ng lipunan bilang pangunahing indikasyon ng pagiging produktibo nito.

Pag-aralan Natin Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng umusunod na salita: • economic school of thought – grupo

ng mga ekonomista na may pagkakapareha sa paraan ng pagtingin at pag-intindi sa ekonomiya

• klasikal na ekonomista – kinabibilangan ninla Adam Smith, David Ricardo, Thomas Malthus

• salik ng produksyon – sa Ingles, factors of production na kinabibilangan ng lupa, lakas paggawa, at pamumuhunan

• lantad – nakikita • pag-iimpok – pagtitipid,

paglalagay ng salapi sa bangko upang hindi ito magasta

• business cycle – paglago o paghina ng ekonomiya

• sambahayan – sa Ingles, household

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Mga Uri ng Pagkonsumo May iba't ibang uri ng pagkonsumo. Maaari itong maging tuwiran, produktibo, maaksaya, mapanganib, o lantad.

1. Tuwiran o Direktang Pagkonsumo• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay agad na tumugon sa

pangangailangan o ang kinuhang serbisyo ay agad na nagbigay ng kasiyahan sakonsumer.

Halimbawa: pagbili ng pagkain upang maibsan ang gutom

2. Produktibong Pagkonsumo• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay ginamit na sangkap upang

gumawa ng isa pang produkto.

Halimbawa: pagbili ng kahoy para gawing mesa at upuan

3. Maaksayang Pagkonsumo• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay hindi naman kailangan o

nakapagbibigay kasiyahan ngunit ang pagkonsumo ay impluwensiya lamang ngisang salik ng pagkonsumo.

Halimbawa: pagbili ng bagong bag dahil may sale sa mall

4. Mapanganib na Pagkonsumo• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay nagdudulot ng sakit, pinsala, o

kapahamakan sa tao.

Halimbawa: pagbili at pagkonsumo ng sigarilyo kahit ito ang pangunahing sanhi ng kanser sa baga

5. Lantad na Pagkonsumo• Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay upang ipakita na may kakayahan

ang isang tao na bumili nito.

Halimbawa: pagbili ng bagong LED TV dahil bumili ang kapitbahay nito.

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

Ang Pag-aaral sa Pagkonsumo sa Makroekonomiks at Maykroekonomiks Ang pagtuklas sa pattern ng pagkonsumo ay mahalaga para sa makroekonomiks at maykroekonomiks.

Mayroong dalawang dahilan kung bakit pinag-aaralan sa makroekonomiks ang pagkonsumo. Sa isang banda, ang pag-iimpok ay nagdadala sa ekonomiya ng dagdag na salaping maaring gamitin sa pamumuhunan, na sa kalaunan ay magpapalawak sa ekonomiya. Pangalawa, malaking bahagi ng pambansang kita ay binubuo ng pagkonsumo ng mga sambahayan. Dahil dito, mayroong koneksiyon ang kabuuang pagkonsumo sa pagdaloy ng ekonomiya at pagbabago-bago ng business cycle.

Pinagaaralan sa Maykroekonomiks ang Paraan ng Pagkonsumo ng mga Indibiduwal at Sambahayan Bilang Gabay sa Produksiyon ng mga Negosyo

Samantala, ang pag-aaral ng pagkonsumo sa maykroekonomiks ay mayroon namang ibang dahilan. Una, ang pagkonsumo ng mga sambahayan ay maaring gamiting indikasyon ng kahirapan sa isang lugar. Halimbawa, mula sa mga pag-aaral, nakita na sa mahihirap na lugar, pinipili ng mga tao na gamitin ang kanilang kita upang tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ang datos sa pagkonsumo ay maaring gamitin ng mga maykroekonomista upang makita ang epekto ng mga pagbabago sa iba’t ibang salik ng produksiyon sa kabuuang ekonomiya ng bansa.

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Magbigay ng halimbawa na hindi nabanggit sa aralin.

Uri ng Pagkonsumo Depinisyon Halimbawa

Tuwiran o direkta

Produktibo

Maaksaya

Mapanganib

Lantad

Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang pagkonsumo?2. Ano ang lantad na pagkonsumo?3. Ano ang produktibong pagkonsumo?

Suriin Natin

Sagutin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Maituturing ba ang lahat ng tao bilang konsumer? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gumawa ng listahan ng lahat ng produkto at serbisyong iyong tipikal na ginagamit sa loob ng isang linggo. Para saan ang bawat isa? Anong uri ng pagkonsumo ang iyong ginagawa? Gamit ng isang malikahaing sining (maaaring guhit, pinta, AVP, at iba pang paraan), ipakita ang iyong paraan ng pagkonsumo.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Kalidad ng Nilalaman

Kulang ang halimbawa at walang karagdagang impormasyon na ibinigay

May iilang detalye lamang; may ibang bahagi na kinakailangan pa ng kaukulang impormasyon

Maraming detalye ang isinaad; may isa o dalawanghalimbawa na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, at ipinaliwanag ang mga halimbawang ibinigay

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang gawain para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang gawain ngunit hindi sinikap na mapaganda pa itong lalo

Tinapos ang gawain na may kasiyasiyang resulta, may pagsisikap na pagandahin pang lalo

Tinapos ang isang napakagandang gawian na may masidhing pagsisikap na maging natatangi ito

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

Kasanayan/ Husay

Hindi naipapakita ang pagnanais na mapaghusay ang isinumiteng gawain

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kaniyang paggawa

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; maysapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Aralin 2

Mga Salik sa Pagkonsumo

Gamit ang credit card, maari nang madagdagan ang kakayahan ng indibiduwal na bumili ng produkto o serbisyo na kaniyang gusto o kailangan

Ang mga tao ay may iba’t ibang pattern sa pagkonsumo dahil iba-iba rin ang kanilang kakayahang pang-ekonomiko. Sa araling ito, ating tutuklasin ang iba’t ibang salik ng pagkonsumo, pati na rin ang isang paraan upang masukat nang eksakto ang lebel ng pagkonsumo ng isang bansa.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Ano-anong salik ng pagkonsumo ang kailangan mong tugunan upang makamit ang sumusunod na produkto o serbisyo? Isulat ang iyong mga sagot sa patlang.

Magandang tanawin

1. ______________________

Masarap na pagkain

2. ______________________

Makabagong kagamitan

3. ______________________

Marangyang tirahan

4. ______________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Mayroong iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng tao. Ang mga salik na ito ay ang kita, presyo ng bilihin, mga inaasahan, panahon, okasyon, pag-aanunsyo at ang pagpapahalaga ng tao. Ating isa-isahin ang mga salik na ito.

Kita Ang kita ng tao ay mahalagang salik sa kaniyang pagkonsumo. Ang kita ay tumutukoy sa salaping nakuha mula sa pagbibigay-serbisyo, paggawa ng produkto, o pamumuhunan. Ang kita ng tao ay malaking salik sa kaniyang pagkonsumo. Ayon kay Maynard Keynes, ang pagbaba ng kita ng isang tao ay ang pagbaba din ng kaniyang pagkonsumo kasama na ang pagbaba ng kaniyang ipon. Sa gantong pahayag, masasabi natin na may malaking epekto ng kita sa pagkonsumo ng tao.

Presyo Ang presyo ng bilihin ay mahalaga para sa mga mamimili. Kadalasan, kapag ang presyo ng produkto o serbisyo ay mababa, mas marami ang may nais na tumangkilik dito. Kapag mataas ang presyo ng produkto o serbisyo ay kadalasang kakaunti angtumatangkilik nito. Ang pagbabago sa dami ng mamimili ng isang produkto ay maaaring dumepende sa uri ng produkto.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • pamumuhunan – paggamit ng

kapital upang palaguin o magtayong isang negosyo

• tangkilikin – bilhin, gamitin• assumption – ekspektasyon;

inaasahang resulta• utility – silbi o gamit• retired – hindi na nagtatrabaho

dahil matanda na• predictable – inaasahan• talahanayan – listahan ng mga

datos na nakaayos sa mga kahon;sa Ingles, table

Hindi lahat ng kita ng isang tao ay ginagamit pangkonsumo. Minsan ay iniimpok ito para sa

paggasta sa hinaharap.

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

Ang pagbabago sa presyo ng mga produktong maituturing na pangangailangan ay hindi gaanong nakaaapekto sa dami ng mamimili nito. Subalit, para sa mga produktong maituturing na kagustuhan, ang maliit na pagbabago sa presyo ay maaring magresulta sa malaking pagbabago sa bilang ng mamimili nito.

Inaasahan Ang mga inaasahan o expectation ng mga mamimili ay nakaaapekto sa pagkonsumo. Halimbawa, kung inaasahang magkakaroon ng El Niño, maaaring maraming tao ang mag-imbak ng mga commodity goods upang masigurado na mayroon silang gagamitin sa mga darating na panahon. Ang mga inaasahang darating na pera ay nakaaapekto rin sa pagkonsumo ng tao. Kung inaasahan ng isang tao na may darating na pera ay lumalaki ang kaniyang pagkonsumo. Maaari pang ang iba ay umabot sa pangungutang.

Pagkakautang Ang pagkakautang ng tao ay nakakaapekto din sa kaniyang pagkonsumo. Kung ang tao ay may pagkakautang na malaking halaga, maaaring hindi na niya kayang maglaan ng salapi para sa mga kagustuhan o luho. Kung walang utang ang mamimili, maaari ding lumaki ang kaniyang pagkonsumo dahil wala siyang iniisip na ibang dapat bayaran.

Panahon Ang panahon ay nakakaapekto sa pagkonsumo ng tao dahil nakadepende rito ang mga patok na produkto na akma sa kasalukuyang karanasan ng mga konsumer. Halimbawa, maaaring tumaas ang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyong pumipigil sa init (halimbawa, electric fan o aircon) tuwing panahon ng tag-init.

Nagiging mataas ang demand sa commodity goods kapag may hindi inaasahang pangyayari

tulad ng El Niño.

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Okasyon Tuwing may okasyon, lumalaki ang pagkonsumo ng tao at natutukoy nila ang mga nais tangkiliking produkto. Halimbawa na lamang, kapag pasko ay karaniwang mga handang pamasko o regalo ang tinatangkilik na produkto ng mga mamimili. Kapag naman araw ng mga puso ay mga bulaklak at tsokolate ang patok sa mga konsumer.

Pag-aanunsyo Ang pag-aanunsyo o advertisement ay ang pagpapakilala sa tao ng iba’t ibang produkto at ang mga gamit nito. May iba’t ibang paraan ng pag-aanunsyo, tulad na lamang ng asosasyon, bandwagon effect, at demonstration effect.

• Ang asosasyon ay tumutukoy sa paraan ng pag-aanunsyo kung saan gumagamit ngmga sikat sa personalidad upang tangkilikin ang produkto.

• Ang bandwagon effect ay tumutukoy sa paraan ng pag-aanunsyo kung saanhinihikayat ang mamimili na tumulad sa maraming gumagamit ng produkto.

• Ang demonstration effect ay kadalasang nakikita sa palengke, mga mall, o iba pangmatataong lugar kung saan ipinakikita kung paano ginagamit ang produkto.Isang halimbawa nito ang mga palabas sa home shoppping channel sa telebisyon.

Pagpapapahalaga ng Tao Ang pagpapapahalaga ng tao ang isa sa pinakamahalagang salik sa pagkonsumo ng tao. Sa pagpapahalaga ng tao ay matutukoy kung ano ang mga nais gamiting produkto ng konsumer. Ito ay epekto ng kaniyang pag-uugali, personalidad, paraan ng pag-iisip, paniniwala, prinsipyo, at prayoridad.

Ang mga salik ng pagkonsumo ay hindi nagdidikta sa kung ano ang dapat na tangkiliking produkto ng tao. Bagkus, ito ay ginagamit na indikasyon sa pattern ng pagkonsumo ng mga tao. Sa huli, ang mga konsumer pa rin ang nagdedesisyon kung anong produkto o serbisyo ang kanilang tatangkilikin, at sila rin ang nagtatalaga ng mga dahilan sa pagkonsumo.

Mga regalo tuwing pasko

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Ang Rational Optimization Framework at Ang Mga Teorya sa Pagkonsumo Ayon sa rational optimization framework, ang mga mamimili ay mapanuri sa mga produkto na kanilang tatangkilikin. Pinag-aaralan nilang mabuti ang kanilang kasalukuyan at hinaharap na pang-ekonomiyang kalagayan gamit ang mga salik ng pagkonsumo bilang indikasyon.

May tatlong assumption ang rational optimization framework: (1) habang lumalaki ang pagkonsumo sa isang produkto o serbisyo, bumababa ang

naidadagdag na utility nito sa konsumer, (2) ang mga tao ay umiiwas na pakikipagsapalaran sa kaniyang pagkonsumo, at (3) kapag mayroong pag-aalinlangan sa estado ng ekonomoniya sa hinaharap, mas

pinipili ng mga tao ang mag-impok kaysa ang pagkonsumo.

Batay sa rational optimization framework, may dalawang paraan upang intindihin kung paano nagdedesisyon ang mga tao sa pagkonsumo. Ayon sa life cycle hypothesis (LCH), isang modelong binuo ni Franco Modigliani at Robert Brumberg, sinisigurado ng mga tao na mapananatili nila ang parehas na lebel ng pagkonsumo anuman ang kanilang edad. Ang ibig sabihin, kapag may kakayahan pa ang mga tao na magtrabaho, hindi lahat ng kanilang kita ay mapupunta lamang sa paggasta. Marami sa kanilang kita ay itinatabi upang mayroon silang gagamitin kapag sila ay tumigil sa trabaho o kaya naman ay mag-retire na. Ang ibig sabihin nito ay walang panahon na sila ay gumagastos nang basta-basta, at hindi rin nila mapapansin ang paglaki ng salapi sa bangko dahil unti-unti lamang din ang kanilang pag-iimpok.

Ang permanent income hypothesis naman ay ipinanukala ni Milton Friedman noong 1957. Ayon sa teoryang ito, ginagamit lamang ng mga konsumer ang iba’t ibang salik ng pagkonsumo upang tingnan ang kakayahan nilang bumili ng produkto o serbisyo. Ayon kay Friedman, mayroong predictable na epekto sa pagkonsumo ang pagbabago sa mga salik nito. Halimbawa, ayon sa ekonomista, 1/3 sa hindi inaasahang dagdag na sweldo ay gagastusin ng isang konsumer sa isang taon. Permanenteng mag-iiba ang lebel ng pagkonsumo kung mayroon ding permanenteng pagbabago sa mga salik ng pagkonsumo (halimbawa, kapag tumaas ang sahod ng isang tao dahil sa pagtaas ng posisyon nito sa trabaho).

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Ang pagbabago sa pagkonsumo ay naipakikita sa pamamagitan ng consumption function, isang biswal na representasyon ng epekto ng pagbabago sa mga salik sa pagkonsumo. Isang mahalagang aspekto ng consumption function ay ang marginal propensity to consume (MPC) kung saan ang pagbabago sa pagkonsumo ay ikinokonekta sa pagbabago sa kita ng tao. Ipinakikita sa talahanayan sa ibaba ang paraan kung paano makukuha ang MPC:

Kita na maaring gastahin (matapos

magbayad ng buwis, Piso)

Kabuuang halaga ng pagkonsumo (Piso)

Marginal Propensity to Consume

A 24,000 24,200

B 25,000 25,000

C 26,000 25,800

D 27,000 26,600

Mula sa talahanayan na ito, makikita na sa bawat isang (1) Piso na madagdag sa kita ng isang tao, tumataas ang halaga ng pagkonsumo na ng halos 80%. Maaring mag-iba-iba ang MPC depende kung saan nakatira ang isang tao.

800/1,000 =0.80

800/1,000 =0.80

800/1,000 =0.80

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Ano ang iyong marginal propensity to consume (MPC) kung ang iyong kita at paggastos ay ganito? Bigyan ng paliwanag ang iyong sagot sa ibaba.

Taon Kita (Piso) Halaga ng Pagkonsumo (Pis) MPC

1 30,000 25,000

2 30,000 25,000

3 25,000 20,000

4 15,000 10,000

5* 0 5,000

* Retired

______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang pag-aanunsyo o advertisement?2. Ano ang iba’t ibang paraan na ginagamit sa pag-aanunsyo?3. Paano nakaaapekto ang okasyon sa pagkonsumo ng tao?

Suriin Natin

Sagutin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Sa papaanong pamamaraan maipakikita ang matalinong pamimili?

Maghanap ng tatlong pag-aanunsyo sa telebisyon at uriin kung anong pamamaraan ng pag-aanunsyo ang kanilang ginamit. Tukuyin din kung ano-anong salik ng pagkonsumo ang kanilang isinasang-alang-alang sa anunsyo. Gumawa ng isang powerpoint presentation at ipakita ang detalyadong resulta ng iyong pananaliksik.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Kalidad ng Nilalaman

Kulang ang halimbawa at walang karagdagang impormasyon na ibinigay

May iilang detalye lamang; may ibang bahagi na kinakailangan pa ng kaukulang impormasyon

Maraming detalye ang isinaad; may isa o dalawanghalimbawa na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, at ipinaliwanag ang mga halimbawang ibinigay

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang gawain para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang gawain ngunit hindi sinikap na mapaganda pa itong lalo

Tinapos ang gawain na may kasiyasiyang resulta, may pagsisikap na pagandahin pang lalo

Tinapos ang isang napakagandang gawian na may masidhing pagsisikap na maging natatangi ito

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

Kasanayan/ Husay

Hindi naipapakita ang pagnanais na mapaghusay ang isinumiteng gawain

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kaniyang paggawa

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Aralin 3

Mga Karapatan at Tungkulin ng Mamimili

Bilang konsyumer, karapatan mong malaman kung saan nanggagaling ang mga gulay at prutas na iyong binibili.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay ang kagawaran ng pamahalaan ng Pilipinas na naglalayong mapalawak ang kalakalan, industriya, at pamumuhunan sa bansa. Sa tulong ng ilan pang kinatawan sa National Consumers Affairs Council, isang lupon na nagbabantay at nangangasiwa sa mga consumer protection program ng pamahalaan, naglabas ang DTI ng mga batayang karapatan ng mga mamimili.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang • naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng

pamantayan sa pamimili; at• naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin

bilang konsumer.

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang tanong pagkatapos nito.

Ang Sitwasyon:

Ikaw ay isang striktong vegan. Hindi ka kumakain ng kahit anong produkto na mula sa hayop. Isang araw, nagtake out ka ng pagkain sa iyong paboritong kainan. Bagama’t hindi vegan ang kainang ito, ipinaghain ka ng tagaluto ng pagkain na papasa sa iyong pangangailangan.

Pag-uwi mo sa bahay, nakita mo na ang sangkap ng putaheng ibinigay sa iyo ay mayroong mayonnaise at tuna. Minabuti mong ibalik na lamang ang pagkain kung saan mo ito binili at papalitan ito ng iba.

• Ano ang iyong sasabihin sa may-ari ng kainan upang palitan niya ang pagkain naiyong binili?

• Ano ang iyong karapatan bilang mamimili upang matagumpay na mapalitan angpagkaing iyong binili?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Ang National Consumers Affairs Council (NCAC) ay binuo upang pag-isahin ang iba’t ibang papel ng mga consumer protection agency sa Pilipinas. Binubuo ito ng kinatawan ng DTI, Department of Education (DEPED), Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), apat na organisasyon ng mga konsumer na may nasyonal na sakop, at dalawang organisasyon ng mga negosyante.

Mula sa pagpupulong ng NCAC ay nabuo ang mga karapatan ng mamimili: ang Right to Basic Needs, Right to Safety, Right to Information, Right to Choose, Right to Representation, Right to Redress, Right to Consumer Education, at Right to Healthy Environment.

Mga Karapatan ng Mamimili 1. Ang Right to Basic Needs ay tumutukoy sa

karapatan ng mga mamimili na magkaroon ngkakayahang makabili ng kanilang mgapangangailangan sa murang halaga.

2. Ang Right to Safety ay tumutukoy sa karapatanng mamimili na mabigyang-proteksiyon labansa mga produkto o serbisyo na nakasasamasa kaniyang kalusugan.

3. Ang Right to Information ay tumutukoy sa karapatan ng mga mamimili namaprotektahan mula sa mga mapanlinlang na produkto, sa hindi totoong pag-aanunsyo, o maling tatak. Ayon sa karapatang ito, lahat ng mamimili ay maykarapatan na mabigyan ng tamang kaalaman upang magkagawa ng tamang pagpilisa pagbili o pagkuha ng produkto.

4. Ang Right to Choose ay ang nagbibigay ng karapatan sa mga mamimili nabumili ng produkto sa tamang halaga at may kasiguraduhan sa kalidad ng produkto.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • consumer protection agency –

ahensiya na nangangalaga sakarapatan ng mga mamimili

• pagpupulong – pag-uusap, saIngles, meeting

• pahintulot – permiso• kaakibat – kasama• makamtan – makuha, maabot

Logo ng National Consumer Affairs Council

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

5. Ang Right to Representation ay tumutukoy sa karapatan ng mamimili na maisang-alang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng batas.

6. Ang Right to Redress ay tumutukoy sa karapatan ng mamimili na mabayaran sa anomang panlilinlang, mababang uri ng produkto, o hindi magandang serbisyo.

7. Ang Right to Consumer Education ay tumutukoy sa karapatan ng mamimili namakakuha ng nararapat na kaalaman at kasanayan na kailangan upang magkaroonng wastong pamimili.

8. Ang Right to a Healthy Environment ay tumutukoy sa karapatang mabuhay atmaghanapbuhay sa lugar na kung saan ay hindi mapanganib. Ito rin ang karapatanna nabibigay-pahintulot sa mga mamimili na magkaroon ng pamumuhay namarangal at maayos.

Mga Tungkulin ng Mamimili Narito naman ang mga tungkulin ng mamimili kaakibat ng kaniyang karapatan sa pagbili ng nais niyang produkto. Ang mga tungkulin ng mamimili ay critical awareness, action, social concern, environmental awareness, at solidarity.

1. Critical Awareness ang tungkulin ng mga mamimili na maging alerto at magingmapagtanong sa mga impomasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Ito ay maaaringpresyo, kalidad, at paggamit.

2. Action ang tungkulin ng mga mamimili na gumawa ng hakbang o kilos upangmakamit ang patas o makatarungang pakikitungo.

3. Ang social concern ay tumutukoy sa tungkulin ng mamimili na alamin ang ibubungang kanyang pagtangkilik sa isang produkto lalong-lalo na sa maliliit na grupong lokal.

4. Ang environmental awareness ay tumutukoy sa tungkulin ng mamimili namaunawaan ang epektong dulot ng pagkonsumo ng isang produkto. Kailangangmaunawaan ng mamimili na mayroon tayong responsibilidad sa pangangalaga ngkalikasan.

5. Ang solidarity ay ang tungkulin ng mamimili na magtatag ng mga samahan upangmapangalagaan at maitaguyod ang kanilang kapakanan.

Bilang konsumer, mayroon tayong natatanging kapangyarihan sapagkat tulad ng ating napag-aralan sa nakaraang aralin, malaking bahagi ng pambansang kita ay mula sa ating pagkonsumo. Sa pamamagitan ng pag-alam sa ating karapatan at tungkulin bilang mamimili, maaari nating gamitin ang ating kapangyarihang pang-ekonomiko upang tulungan ang pamahalaan na makamtam ang mga layunin nito.

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Base sa iyong natutuhan sa araling ito, punan ang talahanayan sa ibaba.

Karapatan ng Mamimili Halimbawa ng Sitwasyon Kung Kailan Ito Magagamit

Right to Basic Needs

Right to Safety

Right to Information

Right to Choose

Right to Representation

Right to Redress

Right to Consumer Education

Right to Healty Environment

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang Department of Trade and Industry?2. Ano-ano ang karapatan ng mga mamimili?3. Ano-ano ang tungkulin ng mga mamimili?

Paano mo maipakikita na ginagamit mo nang husto ang iyong karapatan bilang isang konsumer o mamimili?

Gumawa ng comic strip na nagpapakita ng wasto at tamang paraan ng paggamit ng iyong karapatan bilang isang mamimili.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Kalidad ng Nilalaman

Kulang ang halimbawa at walang karagdagang impormasyon na ibinigay

May iilang detalye lamang; may ibang bahagi na kinakailangan pa ng kaukulang impormasyon

Maraming detalye ang isinaad; may isa o dalawanghalimbawa na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, at ipinaliwanag ang mga halimbawang ibinigay

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang gawain para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang gawain ngunit hindi sinikap na mapaganda pa itong lalo

Tinapos ang gawain na may kasiyasiyang resulta, may pagsisikap na pagandahin pang lalo

Tinapos ang isang napakagandang gawian na may masidhing pagsisikap na maging natatangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi naipapakita ang pagnanais na mapaghusay ang isinumiteng gawain

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kaniyang paggawa

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang sanaysay bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Mula sa huling pag-aaral ng National Statistics Office (NSO), dumarami na ang mga lokal na turista na lumilibot sa Pilipinas. Ayon sa pinakahuling datos, halos 23.1 milyong Pilipino edad 15 pataas ang nagbibyahe na.

Sa bawat biyahe, karaniwang gumagastos ang bawat tao ng PHP1,680 para sa kanilang pagkain at tirahan. Ang mga biyahero naman na sumasali sa mga packaged tour ay may karaniwang gastos na PHP 4,091. Ang paboritong pasyalan ng mga lokal na turista ay ang Maynila sa Luzon at Negros Occidental sa Visayas. Pinakamaraming bakasyonista sa panahon ng Mahal na Araw.

Mag-organisa ng isang skit na nagpapakita ng isang aktwal na auction . Ipagpalagay na ang inyong kikitain mula rito ay gagamitin para sa isang outreach program o anupamang makabuluhang gawain. Sa inyong paghahanda ng skit, pag-isipan ang mga sumusunod:

1. Ano-anong produkto ang inyong ibebenta?2. Sa paanong paraan ninyo makukuha ang inyong mga ibebenta nang hindi kayo

masyadong gumagasta?3. Paano ang gagawin ninyong disenyo ng auction upang kayo ay magkaroon ng

pinakamalaking kita?

Karagdagang Kaalaman

Pagyamanin Natin

Isang tourist destination sa Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

4. Sino-sino ang taong lalahok sa auction? Saan ito gaganapin? 5. Saan ninyo gagastusin ang inyong kikitain? 6. Anong klaseng activity ang inyong gagawin pagkatapos ng auction? 7. Paano ninyo mabibigyan ng pinakamataas na lebel ng kasiyahan ang mga taong

kalahok sa activity? Maaari kayong magsaliksik upang matukoy ang iba’t ibag estratehiyang ipakikita sa inyong skit. Gumawa ng isang report pagkatapos ng gawain na nagbabalangkas ng mga kasagutan sa anim na tanong sa itaas. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Pag-unawa sa Paksa/ Gawain

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama Ang pagtatanghal ay hindi tumutugma sa paksa o gawain

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama Nagpapakita ng pag unawa sa paksa o gawain

Halos lahat ng imporma yong inilahad ay tama Nagpapakita ng tamang pag-unawa sa paksa o gawain

Tama ang mga impormasyong inilahad Nagpapakita ng ganap na pag-unawa sa paksa o gawain

Kooperasyon ng mga kasapi ng Pangkat

Hindi nagtutulungan ang mga kasapi para sa kanilang gagawing pagtatanghal Isang tao lamang ang gumagawa para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay may kani-kaniyang ideya at hindi magkasundo sa dapat nilang gawin Ilang kasapi lamang ang nagaambag

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya nang hindi nagbibigay ng negatibong komento at sinusubukang magkasundo sa dapat gawin

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya ng isa’t isa at nagkakasundo as dapat gawin Lahat ng kasapi ay may ambag sa pagbuo ng presentasyon

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

para sa pagtatanghal

Karamihan sa mga kasapi ay nagbibigay ng ambag sa pagbuo ng presentasyon

Pagtatanghal Nagpuputol-putol ang pagtatanghal Hindi halos nakikinig o nanonood ang mga manonood Maraming pagkakataon na bumubulong at hindi naririnig Hindi gumagamit ng angkop na galaw o kilos; o hindi masyadong gumagalaw

Nagpapakita ng pagkahiya o hindi tiyak ang gagawin Sinusubukang makuha ang interes ng mga manonood Hindi masyadong marinig sa ilang pagkakataon Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa ilang pagkakataon

Nagpapakita ng Kumpiyansa Nakukuha ang interes ng mga manonood Nagsasalita sa paraang naririnig ng mga manonood Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa maraming pagkakataon

Nagpapakita ng Kumpiyansa Nakakaaliw at nakukuha ang interes ng mga manonood Nagsasalita nang malakas at malinaw Gumagamit ng angkop na galaw at kilos

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Pagkonsumo

Salik sa Pagkonsumo

Kita

Presyo ng Bilihin

Mga Inaasahan

Panahon

Okasyon

Pag-aanunsyo

Ang Pagpapahalaga Ng Tao

Mamimili

Karapatan ng mamimili

Right to Basic Needs

Right to Safety

Right to Information

Right to Choose

Right to Representation

Right to Redress

Right to Consumer Education

Right to Healthy Environment

Tungkulin ng mamimili

Critical Awareness

Action

Social Concern

Environmental Awareness

Solidarity

Paglalagom

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Ang sumusunod na video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• Marginal Propensity to Consume ni Arthur Lightstone (https://www.youtube.com/watch?v=fCY8mzi73yA)

• Consumption. The key factor that determine consumption ni Mark Wallace (https://www.youtube.com/watch?v=CYtqg-Lu50k)

DAPAT TANDAAN

• Ang pagkonsumo ay ang paggamit ng produkto o serbisyo na may pakinabang na nagdudulot ng kasiyahan at upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

• Maraming salik sa pagkonsumo ng tao. Ang mga salik na ito ay ang kita, presyo ng bilihin, mga inaasahan, panahon, okasyon, pag-aanunsyo, at ang pagpapahalaga ng tao.

• Ang mga karapatan ng mga mamimili ay ang Right to Basic Needs, Right to Safety, Right to Information, Right to Choose, Right to Representation, Right to Redress, Right to Consumer Education, at Right to Healthy Environment.

• Ang mga tungkulin ng mga mamimili ay ang critical awareness, action, social concern, environmental awareness, at solidarity.

Dagdag Sanggunian

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

Aralin 1: Ang Pagkonsumo Subukan Natin Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Suriin Natin

Uri ng Pagkonsumo Depinisyon Halimbawa

Tuwiran o direkta

Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay agad na tumugon sa pangangailangan o ang kinuhang serbisyo ay agad na nagbigay kasiyahan sa tao.

Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Produktibo

Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay ginamit na sangkap para gumawa ng isa pang produkto.

Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Maaksaya

Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay hindi naman kailangan o nakapagbibigay kasiyahan ngunit ang pagkonsumo ay impluwensiya lamang ng isang salik ng pagkonsumo.

Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Mapanganib

Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay nagdudulot ng sakit, pinsala, o kapahamakan sa tao.

Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Lantad

Nangyayari ito kapag ang biniling produkto ay upang ipakita na may kakayahan ang isang tao na bumili nito.

Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Gabay sa Pagwawasto

Copyright © 2018 Quipper Limited 35

Aralin 2: Mga Salik ng Pagkonsumo Subukan Natin Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Suriin Natin

Taon Kita (Piso) Halaga ng

Pagkonsumo (Piso)

MPC

1 30,000 25,000 0/0 =0

2 30,000 25,000 -5,000/-5,000 =1

3 25,000 20,000 -10,000/-10,000 = 1

4 15,000 10,000 -5,000/-15,000 =0.33

5* 0 5,000

* Retired

Ang 0 na MPC ay nangangahulugan na walang makikitang pagtaas ng kita kaya’t hindi nadadagdagan ang iyong konsumo. Sa pagitan ng ikatlo hanggang ika-apat na taon, makikita na ang MPC at 1. Ibig sabihin ay maaring kapag tumaas ang iyong kita, magagamit mo ang lahat ng iyon sa iyong pagkonsumo at walang matititira para sa pag-iimpok. Samantala, sa pagitan ng ika-apat at ika-limang taon, halos 67% ng kung ano mang madadagdag sa iyong kita ay iyong iimpukin, siguro dahil inaasahan mo ng wala ka ng kikitain matapos ng ika-limang taon. Aralin 3: Mga Paraan Para Malabanan ang Kakapusan Subukan Natin Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Suriin Natin

Karapatan ng Mamimili Halimbawa ng Sitwasyon Kung Kailan Ito Magagamit

Right to Basic Needs Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Right to Safety Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Copyright © 2018 Quipper Limited 36

Right to Information Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Right to Choose Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Right to Representation Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Right to Redress Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Right to Consumer Education Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Right to Healty Environment Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

"About DTI." Department of Trade and Industries. Nakuha mula sa http://www.dti.gov.ph/

about "Consumer Education." DTI. Nakuha mula sa http://www.dti.gov.ph/consumers/consumer-

education#consumer-rights "Income and employment theory." Encyclopædia Britannica. Nakuha mula sa

https://www.britannica.com/science/income-and-employment-theory "The Eight Basic Consumer Rights." Inquirer Lifestyle. Nakuha mula sa

http://lifestyle.inquirer.net/1386/the-eight-basic-consumer-rights/ “Consumer Responsibilities.” DTI Cebu. Nakuha mula sa http://www.dticebu.net.ph/

09_b_01b.htm Mallari, Jan Phillip D., and Johannes L. Chua. Panahon, Kasaysayan, at Lipunan (Ikalawang

Edisyon) Makati City: Diwa Learning System Inc., 2006. Nolasco, Liberty I., Jerome A. Ong, and John N. Ponsaran. Ekonomiks: Mga Konsepto,

Aplikasyon, at Isyu. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., 2010.

Sanggunian