47
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 15 Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Isyung Pangkapaligiran sa Pilipinas 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 11 Sagutin Natin 12 Pag-isipin Natin 12 Gawin Natin 12 Aralin 2: Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa 14 Layunin Natin 14 Subukan Natin 15 Alamin Natin 16 Pag-aralan Natin 16 Suriin Natin 20 Sagutin Natin 21 Pag-isipin Natin 22 Gawin Natin 22 Aralin 3: Pananagutan ng Bawat Mamamayan sa Pangangalaga 24 ng Pinagkukunang Yaman ng Bansa Layunin Natin 24 Subukan Natin 25 Alamin Natin 26 Pag-aralan Natin 26

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 15 Pangangasiwa ng …

  • Upload
    others

  • View
    25

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 15

Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa

TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Isyung Pangkapaligiran sa Pilipinas 4

Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 11 Sagutin Natin 12 Pag-isipin Natin 12 Gawin Natin 12

Aralin 2: Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa 14 Layunin Natin 14 Subukan Natin 15 Alamin Natin 16 Pag-aralan Natin 16 Suriin Natin 20 Sagutin Natin 21 Pag-isipin Natin 22 Gawin Natin 22

Aralin 3: Pananagutan ng Bawat Mamamayan sa Pangangalaga 24 ng Pinagkukunang Yaman ng Bansa Layunin Natin 24 Subukan Natin 25 Alamin Natin 26 Pag-aralan Natin 26

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Suriin Natin 29 Sagutin Natin 30 Pag-isipin Natin 30 Gawin Natin 30

Aralin 4: Mga Paraan ng Wastong Pangangalaga ng mga Likas na Yaman 32 ng Bansa Layunin Natin 32 Subukan Natin 33 Alamin Natin 34 Pag-aralan Natin 34 Suriin Natin 36 Sagutin Natin 37 Pag-isipin Natin 37 Gawin Natin 37

Karagdagang Kaalaman 39 Pagyamanin Natin 40 Paglalagom 42 Dapat Tandaan 43 Dagdag Sanggunian 44 Gabay sa Pagwawasto 44 Sanggunian 47

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 4 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 15

Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa

Polusyon sa Karagatan

Ang pangangalaga, pagprotekta, at pagpreserba ng mga pinagkukunang yaman ng ating bansa gaya ng mga kagubatan, kabundukan, ilog, at karagatan ay napakahalaga upang masiguro ang patuloy na pag-unlad ng ating bansa. Ang tamang pangangasiwa ng kapaligiran ay susi sa magandang buhay ng mga mamamayan ng isang bansa. Kung matagumpay na maaalagaan at mapoprotektahan ng sambayanan ang kapaligiran, ang mga tao din ang makikinabang sa pagmamalasakit na ito. Paano nga ba natin mapapangalagaan ang ating pinagkukunang yaman upang masiguro ang tuloy na pag-unlad ng ating bansa?

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Mga Isyung Pangkapaligiran sa Pilipinas

Ang kapaligiran ay hindi panghabangbuhay na nanatiling malinis, maayos, at masagana. Dahil sa kapabayaan ng mga tao, unti-unti na itong nasisira. Isa lamang ang polusyon sa maraming isyung pangkapaligiran na nararanasan nating mga Pilipino. Ano-ano pa kaya ang isyung pangkapaligiran sa Pilipinas? Ano ang sanhi ng mga isyung ito?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng bansa.

Makikita ang naghalong usok at ilang kemikal sa hangin na nagmistulang hamog sa bahaging ito ng Metro Manila.

(kuha ni Keith Bacongco [CC BY 2.0] mula sa Flicker)

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Pagtambalin ang mga larawan na nagpapakita ng mga isyung pangkalikasan sa Hanay A sa mga paglalarawan na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

a. polusyon sa kagubatan 1.

2. b. labis at mapanirang pangingisda

3. c. polusyon sa lupa

4. d. polusyon sa tubig

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ilan sa mga isyung pangkapaligiran na ating hinaharap sa kasalukuyan ay dulot ng ating kapabayaan sa pangangalaga sa kalikasan. Ang mga problemang pangkapiligiran ay madalas nagmumula sa dalawang pangunahing sanhi: ang polusyon na ating nilikha at ang mga gawaing pang-ekonomiya na labis ang pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman upang tumugon sa mga pangangailangan ng lumalaking populasyon sa bansa. Polusyon Mahalaga ang malinis na tubig, lupa, at hangin sa mga tao sa komunidad, ngunit araw-araw, maraming basura, dumi, at kemikal ang itinatapon sa mga lupain, kalsada, estero, ilog, dagat at iba pa. Araw-araw din nababalot ang kapaligiran ng usok na ibinubuga ng mga pabrika at sasakyan. Ang mga ito ay lason na nakasasama sa kalikasan at sa ating kalusugan.

Isang malaking suliranin rin ang polusyon na dulot ng mga landfill.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • pangmamalabis – sobra;

abusado

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Polusyon sa Lupa Ang mga basura na itinatapon sa kalsada at sa tabi-tabi ay nagiging sanhi ng pagbabaha. Ang mga ito ay madalas nakababara ng mga drainage o lagusan ng tubig tuwing umuulan. Polusyon sa Tubig Namamatay ang mga yamang-tubig dahil sa polusyon. Maliban sa mga basura, ang oil spill o pagtagas ng krudo mula sa mga barko ay nakalalason sa tubig at mga hayop. Maging ang mga kemikal na ginagamit sa pagsasaka at pagmimina ay nakakakontamina ng tubig na maaring ginagamit ng komunidad para sa pang araw-araw. Polusyon sa Hangin Hindi lamang sa lupa at sa tubig matatagpuan ang polusyon, kung hindi pati na rin sa hangin. Sa dami ng usok na ibinubuga ng mga pabrika at sasakyan sa bansa, dumudumi ang hangin na nalalanghap ng mga mamamayan. Bukod dito, ang polusyon sa hangin ay humahalo sa tubig ulan. Ito ay tinatawag na acid rain na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga halaman at pagkawala ng natural na

Bumabalik ang mga basurang ating tinatapon sa dagat.

Nagdudulot ng polusyon sa usok na nanggagaling sa mga pabrika.

(kuha ni Isengardt [CC BY SA 2,0])

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

sustansya ng mga lupang pinagtatamnan. Dahil din sa polusyon ay nakakaranas tayo ng pagbago ng klima o climate change. Ito ay nagdudulot ng matinding tagtuyot, napakalalakas na pagbagyo, pagkatunaw ng yelo sa mundo, pag-init at pagtaas ng tubig sa dagat at iba pa. Gawaing Pang-Ekonomiya Ang isang bansa ay masasabing umuunlad kapag ito ay patuloy na nakatutugon sa mga pangangailangan ng isang lumalaking populasyon. Upang maisagawa ito, kadalasan ay naghahanap ng mga paraan ang mga mamamayan para mas mapadali o mapabilis ang pagkuha sa mga likas na yaman. Ngunit, ang pangmamalabis at pang-aabuso ng gawaing pang-ekonomiya ay nakasisira sa kalikasan. Labis at Mapanirang Pangingisda Patuloy na bumababa ang bilang ng mga isda na nahuhuli sa mga lugar na madalas pinangingisdaan sa bansa. Isa ang overfishing o labis na pangingisda sa mga pangunahing dahilan kung bakit ito nangyayari. Hindi nabibigyan ng sapat na panahon upang makapagparami ang mga isda bago mahuli ang mga ito. Bukod sa labis na pangingisda, may mga pamamaraan ng paghuli ng isda na mapanira sa kalikasan katulad ng dynamite fishing. Nagpapasabog ng dinamita sa tubig ang ilang mangingisda upang mas mabilis na makakuha ng maraming isda. Maging ang mga maliliit na isda ay namamatay sa pagsabog ng dinamita at nasisira din ang mga corals na siyang tirahan ng mga ito. Kapag nagpatuloy ang overfishing at dynamite fishing, maraming uri ng isda ang maaaring maging endangered o nanganganib na maubos.

Ang mga isdang ito ay nahuli ng ilegal na mangingisda.

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Pagtatayo ng Impraestruktura sa Tabing Dagat Ang ilan sa mga tabing-dagat ay tinatambakan ng lupa at tinatayuan ng mga impraestruktura katulad ng malls at mga condominums. Ito ay tinatawag na land reclamation. Kapag tinatambakan ng lupa ang mga mababaw na bahagi ng dagat upang mapalawak ang lupang mapagtatayuan ng mga imprastruktura, nasisira ang mga coral reefs at nababawasan ang bilang ng mga halamang bakawan o mangroves na hindi lamang tirahan ng iba’t ibang mga hayop kung hindi proteksyon din ng mga komunidad laban sa malalaki at malalakas na alon tuwing may bagyo. Pagnipis ng Kagubatan Maliit na bahagi na lamang ng orihinal na kagubatan sa bansa ang natitira. Ang pagnipis ng kagubatan ay tinatawag na deforestation. Ang mga puno ay nauubos dahil sa ilegal na pagtotroso, sa pagbungkal ng lupa tuwing nagmimina, o dahil sa paggamit ng lupa para sa pagsasaka at para sa pagpapatayo ng mga impraestruktura kagaya ng mga subdivisions.

Land reclamation (kuha ni HK Arun [CC BY SA 2.0])

Mga Putol na Puno

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Ang pagnipis ng kagabutan ay sanhi ng pagkamatay ng mga hayop dahil ang kanilang natural habitat o tirahan ay unti-unting nawawala. Ang ilan sa mga nanganganib na hayop dahil sa pagnipis ng kagubatan ay matatagpuan lamang sa ating bansa. Ang Philippine Eagle ay isa sa mga ito. Ang pang-aabuso sa pagkuha ng likas na yaman sa kagubatan ay nakaaapekto rin sa ating mga tao. Kapag hindi napangalagaan ang mga kagubatan, mawawalan tayo ng pagkukunan ng pagkain, sariwang tubig, at mga materyales para sa ating mga bahay, damit, gamot, at iba pa.

Bukod sa mga ito, mahalagang mapangalagaan at mapadami ang mga puno sa kagubatan dahil ang mga ito ay tumutulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin para malabanan ang global warming. Hindi lamang iyan, ang ugat ng mga puno ay tumutulong upang mapanatili ang lupa sa kinalalagyan nito at maiwasan ang paguho ng lupa o landslides.

Kapag nagpatuloy ang mga gawaing pang-ekonomiya kagaya ng hindi maayos na pangingisda, pagtotroso, pagmimina, at pagtatayo ng impraestruktura, hindi matutugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa komunidad at mawawalan ng pag-asang maging maunlad ang ating bansa.

Kabilang ang Philippine Eagle sa mga Endangered Species sa Pilipinas.

(kuha ni Ramon F. Velasquez [CC BY SA 3.0])

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

Ang mga sumusunod ay mga sitwasyon na nagpapakita ng sang isyu o suliranin. Lagyan ng tsek (ü) kung ito ay nagpapakita ng isyung pangkapaligiran at ekis (û) naman kung hindi. __________ 1. Umaapaw ang tubig baha sa isang eskinita sa tuwing umuulan

dahil sa baradong kanal sa barangay.

_________ 2. Hindi na makapangisda ang mga mamamayan ng Barangay Tubo dahil sa pagtagas ng krudo sa dagat mula sa isang sirang barko.

_________ 3. Nagrereklamo ang mga manggagawa sa isang pabrika dahil binabaan ang kanilang suweldo upang makapagbayad ng may-ari ng environmental tax.

_________ 4. Inaatake ng hika sa Mimi sa tuwing siya ay lumalabas ng bahay.

_________ 5. Nagkaroon ng landslide sa isang barangay na malapit sa paanan ng bundok dahil wala nang puno sa itaas.

_________ 6. Hinuli ang mga banyagang mangingisda na napadpad sa dagat na nakapaloob sa Pilipinas.

_________ 7. Mataas ang singil ng kuryente dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Kanlurang Asya.

_________ 8. Namatay ang dating masaganang komunidad ng mga corals dahil nilagyan ng lupa at pinatayuan ng mall ang isang bahagi ng dagat.

_________ 9. Nagkaroon ng sakit sa balat ang mga taong nakatira malapit sa ilog kung saan tinatapon ng isang kumpanya ang mga dumi mula sa kanilang pabrika.

_________ 10. Ayaw magbayad ng mga kumpanya ng karagdagang buwis para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang dalawang pangunahing sanhi ng mga isyung pangkapaligiran? 2. Ano-ano ang masamang epekto ng polusyon sa kalikasan? 3. Ano-ano ang mangyayari kapag nagpatuloy ang pagsira sa kalikasan ng

mga gawaing pang-ekonomiya?

Anong mga kabutihan ang maidudulot ng kawalan ng polusyon sa kapaligiran?

Gumawa ng isang tula tungkol sa iba’t ibang isyung pangkapaligiran na kinahakarap ng Pilipinas. Isulat ang tula sa isang makapal na papel at lagyan ng mga guhit at larawan.

Gamitin ang rubrik sunod na pahina bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kaniyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Aralin 2

Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa

Isang malaking suliranin ang pagkasira at pagkaubos ng likas na yaman. Dahil dito, kailangang gumawa ng bawat mamamayan, kasama ng pamahalaan, ng mga paraan upang maayos na mapangasiwaan ang mga likas na yaman. Paano ba mapangangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman ng bansa? Sino-sino ang mayroong mga katungkulan upang pangasiwaan ito?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang mapaliwanag ang matalino at di-matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman at ang epekto nito sa pag-unlad ng bansa.

Ano ang mangyayari kapag mawala ang mga likas na yaman katulad ng talon na ito?

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

Paano kaya mapangangasiwaan ang mga likas na yaman ng bansa? Bawat larawan na sa ibaba ay nagpapakita ng halimbawa ng likas na yaman. Magsulat ng isang mungkahi ukol sa tamang pangangasiwa ng mga likas na yaman na nasa larawan.

________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________

________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Kapag tuluyang nasira ang kalikasan, tayo ay lubos na maaapektuhan. Kaya naman, dapat natin itong pangalagaan sa pamamagitan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa. Higit na mahalaga ito sa mga gawaing pang-ekonomiya. Matalinong Pangangasiwa ng Likas na Yaman sa Pagsasaka Sa halip na gumamit ng mga kemikal na fertilizer upang mapataba ang lupa at mapaganda ang tubo ng mga pananim, ang ilan sa mga magsasaka ay gumagamit ng compost o organikong fertilizer na gawa sa mga nabubulok na bagay. Ito ay isang natural na paraan upang mapangalagaan ang kanilang ani at ang kalikasan. Kailangan rin na magkaroon ng polisiya ang pamahalaan tungkol sa tamang paggamit at pangangalaga sa mga lupang pangsakahan upang hindi masira ang lupain. Ang halimbawa nito ay ang pagtulong sa mga magsasaka na paggawa ng teknolohiya para sa pagsasaka na nakabubuti sa ani, ngunit hindi nakasisira sa kapaligiran.

Pag-aralan Natin Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • lambat – isang kagamitan

sa pangingisda kung saan ang mga isda ay pinapapasok sa isang sisidlang maaaring gawa sa nylon

• armado – mayroong mga armas.

Mainam na gamitin ang lupa mula sa compost bilang pataba.

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Matalinong Pangangasiwa ng Likas na Yaman sa Pangingisda Mahalaga ang bakawan o mangroves para sa mga isda at iba pang lamang-dagat. Karamihan sa kanila ay doon nakatira o nagpaparami. Malaki rin ang tulong ng mga bakawan sa pagpigil sa mga sakuna katulad ng storm surges at tsunami. Kaya sa halip na magtayo ng mga bahay at impraestruktura sa tabig dagat, mas mainam na sila ay magtanim ng mas maraming bakawan. Sa ganitong paraan, mayroong matitirhan ang mga maliliit na isda hanggang sa sila ay lumaki at maari nang hulihin. Mahalaga rin na magtalaga ang pamahalaan ng mga marine sanctuaries na maituturing na no fishing zone upang protektahan ang mga isda at coral reefs. Sa mga lugar na ito, hindi maaaring manghuli ng mga isda upang masigurado na mabibigyan ng sapat na panahon ang mga ito na magpadami ng bilang. Isang halimbawa ng marine sanctuary ay ang isla ng Taklong sa Panay. Ito ay isang marine reserve kung saan ipinagbabawal ang pangingisda at iba pang gawain maliban sa pag-aaral at pananaliksik.

Ang Isla ng Taklong sa Panay ay isang National Marine Reserve.

(kuha ni Retdar [CC BY SA_4.0])

Nakatutulong ang mga bakawan sa pagpaparami ng mga isda.

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Kailangan rin bantayang maigi ng pamahalaan ang ilegal na paghuli sa mga lamang-dagat na itinuturing na endangered katulad ng mga pawikan. Kailangan rin maging mahigpit sa pagbabawal sa mga nakasisirang paraan ng pangingisda katulad ng paggamit ng pampasabog at lambat na nanghuhuli ng mga maliit na isda. Matalinong Pangangasiwa ng Likas na Yaman sa Pagtotroso Upang maibalik ang dating kalagayan ng kagubatan, ang mga magtotroso at minero ay kakailanganin ng pamahalaan na magtanim ng mga puno o halaman bilang kapalit ng kanilang mga pinutol. Maaari ring magkaroon ng pananaliksik at polisiya ang pamahalaan tungkol sa mga uri ng puno na maaaring putulin at mga uri ng puno na kailangan pangalagaan. Sa kasalukuyan, mayroong mga batas na nagbibigay proteksyon mula sa ilegal na pagtotroso sa kagubatan. Sa kasamaang-palad, hindi maayos ang pagpapatupad ng mga batas na ito. Karamihan sa mga nagsasagawa ng ilegal na pagtotroso ay kumukuha ng mga armadong tauhan upang walang makapagpigil sa kanilang putulin ang mga puno sa gubat.

Kabilang ang puno ng Narra sa mga punong bawal putulin ayon sa DENR.

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Matalinong Pangangasiwa ng Likas na Yaman sa Pagmimina Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinakamayaman sa likas na mineral. Dahil dito, maraming kumpanyang nagnanais na magtayo ng minahan sa bansa. Ngunit kasama nito ang maaaring masamang dulot ng labis na pagmimina na maaaring ikasira ng kapaligiran. Mahalaga na maging mahigpit ang pamahalaan sa mga kumpanyang nagmimina. Kailangang siguraduhin na hindi labis ang pagmimina sa mga lugar na maaring magdulot ng pagkasira ng lupa. Kailangan rin bantayan ang pagtapon ng mga dumi mula sa pagmimina upang hindi ito umabot sa ilog at water table o bahagi ng lupa kung saan nakatago ang inuming tubig. Hindi kinakailangang masakripisyo ang kalagayan ng kalikasan dahil sa mga gawaing pang-ekonomiya gaya ng pagsasaka, pangingisda, pagtotroso, at pagmimina. Maraming maaaring gawin upang mapangalagaan nang maayos ang kalikasan, sa tulong ng pamahalaan, mga kumpanya, at kahit mga karaniwang mamamayan. Kapag matalino ang pangangasiwa ng mga likas na yaman, masisigurado ang patuloy na pag-unlad ng bayan at ng kalikasan.

Ang pagmimina ay maaaring magdulot pinsala sa mga yamang lupa at tubig.

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Ikaw ang pinuno ng kagawaran ng kalikasan ng isang pamahalaan. Ang sumusunod ay mga mungkahi ng iyong mga tauhan sa pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa. Bilang pinuno, kailangan mong magdesisyon para sa ikabubuti ng bansa at kalikasan. Isulat sa patlang kung TANGGAP o HINDI TANGGAP ng iyong pamunuan ang mga mungkahi. Isulat ang paliwanag sa iyong desisyon sa ilalim ng bawat bilang. ___________________ 1. Magkaroon ng ugnayan sa kagawaran ng edukasyon

para hikayatin ang mga paaralan na magsagawa ng mga gawain para sa kalikasan katulad ng clean up drive o tree planting. ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________

___________________ 2. Dahil nauubos na ang mga isda sa dalampasigan at walang nang mahuli, pahintulutan ang mga manginisda na manghuli sa isang marine sanctuary.

________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________

___________________ 3. Magpataw ng malaking multa sa mga resort na hindi

maaayos ang pag-aalaga sa dalampasigan. ________________________________________________________

________________________________________________________ ________________________________________________________

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

___________________ 4. Magbigay ng permit sa pagpapatayo ng mga resort sa

isang maliit na isla upang dumayo ang maraming turista.

________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________

___________________ 5. Hindi na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang isang kumpanya na nagmimina na lumabag sa polisiya kahit sila ay kaibigan ng pangulo at mayroong mga kakilalang senador at mga heneral.

________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang isang halimbawa ng paraan ng matalinong pangangasiwa sa likas na yaman?

2. Ano ang isang halimbawa ng paraan ng di-matalinong paraan ng pangangasiwa sa likas na yaman?

3. Ano ang mangyayari sa bansa kapag matalino ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa mga likas na yaman?

Sagutin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman?

Bumuo ng apat na pangkat. Gumupit sa magazine, dyaryo at iba pang babasahin ng mga larawan ng mabuting pangangasiwa ng likas na yaman. Ipaliwanag sa klase kung paano ito nakatutulong sa pangangalaga o pagprotekta sa ating mga likas na yaman. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kaniyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Aralin 3

Pananagutan ng Bawat Mamamayan sa Pangangalaga ng Pinagkukunang Yaman ng Bansa

Kailangan alalahanin na lahat ng bagay sa mundo ay magkaugnay. Maaaring ang straw na tinapon pagkatapos uminom ng juice ay mapunta sa dagat at makain ng isang pawikan. Bilang mga nilalang na naninirahan sa daigdig, tayo ay may pananagutan sa pangangalaga nito. Hindi lamang ang kalikasan, kung hindi tayo rin ay makikinabang dito. Tandaan na tayo ay bahagi ng mundong ito, at sa ngayon, ito lamang ang ating tanging tirahan.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matalakay ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang yaman ng bansa.

Ang simpleng paggamit ng straw ay maaaring may masamang dulot sa kasalikasan.

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

Sa ano-anong paraan kaya maaaring maipakita ng isang mag-aaral ang kaniyang pananagutan sa kalikasan? Mag-isip ng apat na paraan at iguhit ang mga ito sa loob ng mga kahon sa ibaba.

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Katulad ng nabanggit, lahat tayo ay bahagi ng mundong ito. Lahat ng mamamayan, pati na rin ang pamahalaan, ay may tungkuling pangalagaan at paunlarin ang mga likas na yaman ng bansa. Pananagutan ng Pamahalaan Ang pamahalaan bilang pangunahing tagapangasiwa at tagapangalaga ng likas na yaman ng ating bansa ay may kapangyarihan upang gumawa ng mga polisiya, batas, at mga programa para sa ikabubuti ng kalikasan. Isa sa mga maaaring gawin ng pamahalaan ay maging mahigpit sa pagbibigay ng pahintulot sa mga kumpanyang nais gumagamit ng likas na yaman ng bansa. Maaari ring magpataw ng karagdagdang buwis para sa pangangalaga ng kalikasan. Nararapat na isulong ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang mga batas na nagpoprotekta sa kalikasan laban sa mapang-abuso at labis na pagkuha ng likas na yaman.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • tagapangasiwa – tao o

pangkat na may katungkulan na bantayan at siguraduhing maayos ang takbo ng kanilang binabantayan

Maaaring magpataw ng karagdagang buwis ang pamahalaan sa mga pang-ekonomiyang

gawain na makasisira sa kalikasan katulad ng pagmimina.

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Ngunit mawawalan ng saysay lahat ng batas pangkalikasan kung ito ay hindi mapatupad nang maayos. Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o Department of Environment and Natural Resources ay naatasan upang masigurado na nasusunod ang mga batas na ito at napangangalagaan ang kalikasan kasabay ng paglago ng gawaing pang-ekonomiya sa bansa.

Pananagutan ng mga Mamamayan Hindi lamang ang gobyerno ang may pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan kung hindi pati ang mga ordinaryong mamamayan kagaya natin. Hindi rin magiging maayos ang mga programa ng pamahalaan kung walang kooperasyon mula sa mga mamamayan. Ang bawat mamamayan ay may katungkulan na pangalagaan ang pinagkukunang yaman ng ating bansa. Hindi lamang pagsunod sa batas ang maaari nating gawin upang mapangalagaan ang kalikasan. Sa katunayan, magagawa natin ito sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Maaari tayong magsimula sa mga maliliit na bagay katulad ng pagtapon ng basura sa tamang lugar o ang hindi paggamit ng straw. Sa pamamagitan nito, mababawasan natin ang dami ng basura at plastik na nakakakalat sa palagid at maaaring mapunta sa dagat.

Sagisag ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na

Yaman

Makatutulong ang pagbigay ng ilang kagamitan sa mga mangbobote.

(kuha ni Reinhold Möller [CC BY SA 4.0])

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Halimbawa, habang namamasyal ka kasama ang iyong pamilya sa mga magagandang tanawin sa bansa, maaaring ibulsa ang maliliit na basura o kaya pulutin mga plastik na madadaanan. Isang simpleng gawain man ito ngunit mayroon itong epekto sa kalikasan. Maraming puwedeng gawin upang mapangalagaan ang kalikasan. Kailangan lamang alalahanin na sa mga pang-araw araw na gawain sa buhay ay kailangang isipin ang ating pananagutan sa pagpapangalaga sa daigdig na nagsisilbing ating tahanan.

Sa susunod na pasyal sa beach resorts ay makatutulong ka sa kalikasan kung ibubulsa mo ang iyong basura sa halip na itapon.

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Tukuyin kung ang sumusunod na gawain ng mga tao ay nagpapakita ng pananagutan sa kalikasan o hindi. Iguhit ang nakangiting mukha kung ito J ay nagpapakita ng pananagutan at L naman kung hindi. _______1. Pinaalis ng pamahalaan sa puwesto ang mga pulitikong kasabwat sa

ilegal na pagtotroso.

_______2. Upang makapagbigay ng trabaho sa isang isla, pinagpasyahan ng pamahalaan na bigyan ng pahintulot ang isang malalaking kumpanya na magtayo ng pabrika dito.

_______3. Nagdadala si Mia ng sariling steel straw.

_______4. Tinuturuan nina Jerry at Janna ang kanilang mga anak kung paano gumawa ng compost.

_______5. Nagbigay ang pamahalaan ng malaking pabuya sa mga munisipyo na mayroong maayos na waste management program.

_______6. Nagsagawa ng isang patimpalak para sa Binibining Kalikasan ngunit maraming iniwan na basura ang mga tao pagakatapos nito.

_______7. Kinontrol ng lokal na pamahalaan ang dami ng turistang bumibisita sa isang maliit na komunidad sa bundok.

_______8. Tinapon ni Chris ang basura sa daan dahil pupulutin naman ito ng tiga-linis.

_______9. Nagsagawa ng pananaliksik si Myra tungkol sa pinakamadali at pinakamainam na paraan ng paggawa ng natural na fertilizer para sa mga magsasaka.

_______10. Inirekomenda ni Mae na gamitin ang isang uri ng kahoy sa paggawa ng produkto ng kanilang kumpanya kahit na ito ay maaaring magdulot ng pagkaubos ng kahoy na ito.

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sino ang may pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan? 2. Ano ang responsibilidad ng gobyerno sa pangangalaga sa kalikasan? 3. Ano ang maari mong gawin upang mapangalagaan ang kalikasan?

Sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga likas na yaman ng bansa?

Gumawa ng isang komiks na nagpapakita ng maayos na pangangasiwa ng pinagkukunang-yaman sa isang barangay.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paglikha ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang kaniyang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Aralin 4

Mga Paraan ng Wastong Pangangalaga ng mga Likas na Yaman ng Bansa

Isa mang malaking isyu at suliranin ang pangangalaga ng likas na yaman ng ating bansa, mayroon pa rin tayong magagawa upang malutas ito. Bilang mga ordinaryong mamamayan, ano kaya ang ating magagawa upang mapangalagaan ang kalikasan?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagbigay ng mungkahi sa paraan ng wastong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa.

Maaaring sumama sa mga tree planting activity katulad ng nasa larawan upang makatulong sa kalikasan.

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Lagyan ng tsek (ü) ang mga larawan na nagpapakita ng mga maaaring mong gawin bilang mag-aaral upang mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa.

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

May iba’t ibang paraan kung saan tayo ay makatutulong sa pangangalaga sa kalikasan. Ito ang ilan sa mga bagay na ating magagawa:

1. Mas maging aktibo tayo sa pagbabawas ng polusyon na ating nalilikha araw-araw. Ang pagbawas, paggamit muli, at pag-recycle ng mga basura ay isang malaking tulong upang mabawasan ang polusyon sa lupa at tubig.

2. Ang pagsasabay-sabay sa iisng

sasakyan (carpool), pagsakay sa bisikleta, at paglalakad patungo sa paroroonan ay malaking tulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin.

3. Tangkilikin natin ang produkto na

mas nakabubuti para sa kalikasan dahil ang mga ito ay makatutulong sa pagpreserba ng mga likas na yaman. Halimbawa, bumili ng mga pagkain na hindi ginamitan ng pesticide o iba pang kemikal, bumili ng tuwalyang pamunas ng kamay kaysa sa tissue, o kaya naman ay bumili ng appliance na mas matipid sa enerhiya.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • tangkilikin – bilhin at

gamitin

Makatutulong ang pag-recycle ng mga basura.

Copyright © 2018 Quipper Limited 35

4. Alamin, ibahagi sa iba, at makilahok sa mga gawain na makatutulong sa kalikasan kagaya ng pagtatanim ng halaman, pagtatanggal ng basura sa tabing-dagat o mga kalsada, paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura, pakikilahok sa earth hour kung saan pinapatay ng sabay-sabay ng mga sambahayan ang mga ilaw, pagsali sa mga organisasyon na naglalayong protektahan ang kalikasan, at iba pa.

Maliit man ang epekto ng mga gawaing ito, ngunit kung marami ang gagawa, siguradong malaki ang tulong nito sa pagpapangalaga ng likas na yaman ng bansa.

Ang paghihiwalang ng iba’t ibang uri ng basura ay isang paraan upang mapangangalagaan ang kalikasan.

Copyright © 2018 Quipper Limited 36

Mula sa mga natalakay, magtala ng sampung mga paraan ng wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa.

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

3. __________________________________________________________

4. __________________________________________________________

5. __________________________________________________________

6. __________________________________________________________

7. __________________________________________________________

8. __________________________________________________________

9. __________________________________________________________ 10. __________________________________________________________

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 37

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang isang paraan kung paano natin mababawasan ang polusyon na ating nililikha?

2. Ano ang dapat bilhin na mga produkto na mabuti para sa kalikasan? 3. Ano ang isang gawain na maari nating salihan upang makatulong sa

kalikasan?

Anong mga pag-uugali ang dapat na mayroon ang mga mamamayan upang mapagtagumpayan ang pangangalaga sa kalikasan?

Mag-isip ng dalawang gawaing nakatutulong sa kalikasan at gawin ito araw-araw sa loob ng limang araw. Gumawa ng isang journal at isulat ang iyong mga naiisip at karanasan sa limang araw na iyon. Pagkatapos ay gumawa ng isang sanaysay na sumasagot sa sumusunod na mga tanong:

• Mahirap o madali bang gawin ang mga gawaing pangkalikasan? Bakit oo? Bakit hindi?

• Ano ang iyong maimumungkahi upang mapadali ang paggawa ng mga gawaing ito?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 38

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Paglalahad ng impormasyon

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang mga impormasyong inilahad

Pagsasaayos ng sanaysay

Hindi maayos ang pagkakasulat ng sanaysay; walang lohika at istraktura ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa sanaysay

Mayroon lohika at maayos ang pagkakasulat ng sanaysay; ngunit mayroong mga bahagi na magulo

Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga ideya at lohika ng mga ito; madaling maintidihan ang pagkasulat

Maganda ang pagkasunod-sunod ng mga ideya at lohika ng mga ito; madaling basahin ang sanaysay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 39

Isa ang ilegal na pagtotroso sa mga malalaking problema na kinakaharap ng mga katutubong nakatira sa mga lupain at kagubatan. Bagama’t itinuturing na protektado ang mga ancestral lands na ito, mayroon pa ring mga pangkat na gumagawa ng ilegal na pagtotroso sa mga kagubatan dito. Marami sa katutubong ito ang nawawalan ng buhay dahil sa pagtatanggol ng kanilang lupain at mga likas na yaman nito mula sa mga mapang-abusong nagtotroso.

Karagdagang Kaalaman

Isa ang nakabibighaning gubat na ito sa mga pinapangalagaan ng mga indigenous people sa Mindanao laban sa mga ilegal na

magtotroso. (kuha ni Rod Gasmin [CC BY-SA 3.0])

Copyright © 2018 Quipper Limited 40

Bumuo ng pangkat na mayroong limang kasapi at magahanap ng recyclable materials. Gumawa ng dalawang damit gamit ang mga nakalap na mga materials. Pagkatapos ay ipakita ang ito sa klase sa pamamagitan ng isang fashion show. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Pag-unawa sa Paksa/ Gawain

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay hindi tama Ang pagtatanghalay hindi tumutugma sa paksa o gawain

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama Nagpapakita ng pag unawa sa paksa o gawain

Halos lahat ng imporma yong inilahad ay tama Nagpapakita ng tamang pag-unawa sa paksa o gawain

Tama ang mga impormasyong inilahad Nagpapakita ng ganap na pag-unawa sa paksa o gawain

Kooperasyon ng mga kasapi ng Pangkat

Hindi nagtutulungan ang mga kasapi para sa kanilang gagawing pagtatanghal Isang tao lamang ang gumagawa para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay may kani-kaniyang ideya at hindi magkasundo sa dapat nilang gawin Ilang kasapi lamang ang nagaambag para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya nang hindi nagbibigay ng negatibong komento at sinusubukang magkasundo sa dapat gawin

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya ng isa’t isa at nagkakasundo as dapat gawin Lahat ng kasapi ay may ambag sa

Pagyamanin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 41

Karamihan sa mga kasapi ay nagbibigay ng ambag sa pagbuo ng presentasyon

pagbuo ng presentasyon

Presentasyon/ Pagtatanghal

Nagpuputol-putol ang pagtatanghal Hindi halos nakikinig o nanonood ang mga manonood Maraming pagkakataon na bumubulong at hindi naririnig Hindi gumagamit ng angkop na galaw o kilos; o hindi masyadong gumagalaw

Nagpapakita ng pagkahiya o hindi tiyak ang gagawin Sinusubukang makuha ang interes ng mga manonood Hindi masyadong marinig sa ilang pagkakataon Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa ilang pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa Nakukuha ang interes ng mga manonood Nagsasalita sa paraang naririnig ng mga manonood Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa maraming pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa Nakakaaliw at nakukuha ang interes ng mga manonood Nagsasalita nang malakas at malinaw Gumagamit ng angkop na galaw at kilos

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 42

Mga Isyung Pangkapaligiran sa

Pilipinas

Polusyon• Lupa• Tubig• Hangin

Gawaing Pang-Ekonomiya• Mapanirang

Pangingisda• Pagtatayo ng

Impraestruktura saTabing-Dagat

• Pagnipis ng Kagubatan

Matalinong Pangangasiwa ng Likas

Na Yaman ng Bansa

Pangangasiwa ng Pagsasaka

Pangangasiwa ng Pangingisda

Pangangasiwa ng Pagmimina at

Pagtotroso

Paglalagom

Copyright © 2018 Quipper Limited 43

DAPAT TANDAAN

• Ang mga problemang pangkapiligiran ay madalas nagmumula sa polusyon na ating nilikha at sa mga gawaing pang-ekonomiya na mapangabuso sa kalikasan.

• Kapag tuluyang nasira ang kalikasan, tayo ay lubos na maapektuhan. Kaya naman, dapat natin itong pangalagaan sa pamamagitan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa lalong lalo na pagdating sa mga gawaing pang-ekonomiya.

• Kapag nagpatuloy ang pagsira sa kalikasan, hindi matutugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa komunidad at mawawalan ng pag-asang maging maunlad ang ating bansa. Kaya naman ang pangangalaga, pagprotekta, at pagpreserba ng mga pinagkukunang yaman gaya ng mga kagubatan, kabundukan, ilog, at karagatan ay napakahalaga upang masiguro ang patuloy na pag-unlad ng ating bansa. Lahat tayo ay may panangutan at responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.

• May iba’t ibang paraan kung saan tayo ay makatutulong sa pangangalaga sa kalikasan gaya ng pagiging aktibona mabawasan ang polusyon na ating nalilikha araw-araw,pagtangkilik sa mga produkto na mas mabuti para sa kalikasan, at pag-alam, pagbabahagi, at paglahok sa mga gawain na makakatulong sa kalikasan.

Copyright © 2018 Quipper Limited 44

Ang sumusunod na mga link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• The ‘Bagani’ of Past and Present ni Frinston Lim (http://newsinfo.inquirer.net/734229/the-bagani-of-past-and-present)

• Environmental Performance Index (https://epi.envirocenter.yale.edu/)

• XIAO TIME: Climate Reality (Part 9): Ang pagtindig ng mga Pilipino para sa Kalikasan ng PTV (https://www.youtube.com/watch?v=RBPe5n0QbY4)

Aralin 1: Mga Isyung Pangkapaligiran sa Pilipinas Subukan Natin

1. d 2. a

3. b 4. c

Suriin Natin

1. ü 2. ü 3. û 4. û 5. ü

6. û 7. û 8. ü 9. ü 10. ü

Dagdag Sanggunian

Gabay sa Pagwawasto

Copyright © 2018 Quipper Limited 45

Aralin 2: Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa Subukan Natin Walang iisang tamang sagot. Kailangan lamang na naipapakita ng mag-aaral ang kritikal at malawak na pag-iisip sa pagbigay ng mga mungkahi. Suriin Natin Ang sumusunod ay ang mga iminimungkahi na tamang sagot. Maaaring mag-iba ito depende sa kaayusan at kagandahan ng paliwang ng mag-aaral.

1. TANGGAP Sa paarang ito, mayroon nagagawa ang mga mag-aaral upang mapangalagaan ang kalikasan. Ito rin ay maaaring magpukaw sa kanila sa kasalukuyang kalagayan ng kalikasan at sa kahalagahan na mapangalaan ito.

2. HINDI TANGGAP Kung pahihintulutan ang mga mangingisda, maaaring maubos rin ang mga lamang-dagat sa marine sanctuary at mas lalong mawawalan ng pinagkukunan ang mga mangingisda.

3. TANGGAP Sa pagpataw ng malaking multa, mas magiging maingat ang mga establisimiento sa pangangalaga ng kapaligiran.

4. HINDI TANGGAP Ang pagbibigay ng permit sa mga resort sa maliit ay maaaring magdudulot lamang ng polusyon.

5. HINDI TANGGAP Bilang isang kawani ng pamahalaan na naatasang pangalagaan ang kapaligiran, kailangan na gawin kung anuman ang nakasaad sa batas, maging ito man ay salungat sa kagustuhan ng mga taong makapangyarihan.

Copyright © 2018 Quipper Limited 46

Aralin 3: Pananagutan ng Bawat Mamamayan sa Pangangalaga ng Pinagkukunang Yaman ng Bansa Subukan Natin Maaaring magkaiba ang sagot, ang mahalaga ay nagpapakita ang mga guhit ng pang-araw araw na gawain ng mga mag-aaral na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan Suriin Natin

1. J

2. L

3. J

4. J 5. J

6. L

7. J

8. L

9. J 10. L

Aralin 4: Mga Paraan ng Wastong Pangangalaga ng mga Likas na Yaman ng Bansa Subukan Natin Ang mga sagot ay manggagaling sa mga nabanggit na mga paraan sa aralin. Maari rin na manggaling ito sa iba pang maaaring maisip ng mga mag-aaral. Ang mahalaga lahat ay tamang paraan upang mapangalagaan ang likas na yaman.

Copyright © 2018 Quipper Limited 47

Suriin Natin

“10 Things You Can Do to Help Save the Earth” Science: How Stuff Works.

Nakuha mula sa http://science.howstuffworks.com/environmental/ green-science/save-earth-top-ten.htm

”Protecting Natural Resources”. Sustainable Communities Online. Nakuha mula sa http://www.sustainable.org/environment

Sanggunian