33
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 5 Aralin 1: Pagsusuri ng Tula .………………………………………… 5 Layunin Natin 5 Pag-aralan Natin 5 Sagutin Natin 9 Subukan Natin 10 Isaisip Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Matatalinghagang Pananalita………………………………… 11 Layunin Natin 11 Pag-aralan Natin 12 Sagutin Natin 16 Subukan Natin 16 Isaisip Natin 16 Pag-isipan Natin 17 Aralin 3: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita……………………. 18 Layunin Natin 18 Pag-aralan Natin 18 Sagutin Natin 20 Subukan Natin 21 Isaisip Natin 21 Pag-isipan Natin 21

FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

  • Upload
    others

  • View
    60

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

FILIPINO Baitang 10 Yunit 9

Ang Aking Pag-ibig

Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 5 Aralin 1: Pagsusuri ng Tula .………………………………………… 5 Layunin Natin 5

Pag-aralan Natin 5 Sagutin Natin 9

Subukan Natin 10 Isaisip Natin 10 Pag-isipan Natin 10

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Matatalinghagang Pananalita………………………………… 11

Layunin Natin 11 Pag-aralan Natin 12 Sagutin Natin 16

Subukan Natin 16 Isaisip Natin 16 Pag-isipan Natin 17 Aralin 3: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita……………………. 18 Layunin Natin 18

Pag-aralan Natin 18 Sagutin Natin 20

Subukan Natin 21 Isaisip Natin 21 Pag-isipan Natin 21

Page 2: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Aralin 4: Pagsulat at Pagbigkas ng Tula…………………………… 22 Layunin Natin 22

Pag-aralan Natin 22 Sagutin Natin 25

Subukan Natin 26 Isaisip Natin 26 Pag-isipan Natin 26 Gawin Natin 27 Rubrik sa Pagtataya 28 Paglalagom 29 Dapat Tandaan 30 Pagyamanin Natin 31 Susi sa Pagwawasto 31 Sanggunian 33

Page 3: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 10 | YUNIT 9

Ang Aking Pag-ibig

Pindutin ang Home icon para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Ngunit paano nga ba nakapagpapahayag ang tao gamit ang iba‟t ibang anyo ng sining? Lahat ba ng tao sa isang lipunan ay mayroong tinataglay na sining? Paano ba ito dapat ginagamit at ipinahahayag sa lipunang ginagalawan? Sa yunit na ito, tatangkain nating tuklasin ang iyong kakanyahan sa paggamit ng tula bilang isang anyo ng sining at kung paano ito nakatutulong sa pagpapahayag. Titingnan din natin paano ba ito inuunawa ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Basahin at suriin ang halimbawang tula sa ibaba.

Ang sining ay isa sa malayang pamamaraan ng tao sa pagpapahayag ng kaniyang damdamin. Walang sining ang mas nakabababa o mas nakatataas sa kapuwa nito sining, sapagkat ang anomang anyo nito ay representasyon ng iba‟t ibang damdaming nais palutangin ng manlilikha nito.

Page 4: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Basahin Natin

Ang Aking Pag-ibig

(How Do I Love Thee ̶ Sonnet 43 ni Elizabeth Barret Browning)

Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman

Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan,

Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,

Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko‟y katugon, kabagay

Ng kailangan mong kaliit-liitin, Laging nakahandang pag-utus-utusan,

Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira‟y hindi paaapi,

Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko‟y isang matinding damdamin,

Page 5: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Aralin 1 Pagsusuri ng Tula

Pag-aralan Natin Ang panulaan o poetry sa kasalukuyang panahon ay higit na tinatangkilik ng mga tao dahil isa ito sa anyo ng sining na nagbibigay-daan upang maipahayag ang kanilang niloloob sa isang kakaibang paraan. Nakikita ng mga tao (manunula) na maaaring gamitin ang sining ng pagtula sa paghahatid ng makabuluhang mensahe sa kanilang kapuwa.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakapagsusuri ng mga elemento ng isang tula.

Sagutin Natin

1. Ano ang paksa ng mga tulang binasa? 2. Ano ang katangian ng mga tulang binasa? 3. Naging epektibo ba ang estilo ng makata sa binasang tula?

Page 6: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Ngunit ano-ano nga ba ang dapat na katangian ng isang mahusay na tula? Paano ba dapat sumulat ng tula bukod sa dapat sana ay pagkakaroon nito ng sukat at tugma?

Si Alejandro G. Abadilla (1906-1969), kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog,” ang nagpasimula sa pagpapakawala ng panulaan sa pamantayan nito na dapat ay may sukat at tugma. Dekada „40 nang simulan niyang baliin ang nakasanayang pagsulat ng tula at baguhin ang nakasanayang tema ng romantisismo na inilalapat din sa iba pang akdang pampanitikan.

Balikan natin ang tulang Ang Aking Pag-ibig at talakayin ang iba-ibang elemento ng tula.

Ang tula (poem) ay isang uri ng panitikan na nakapaloob sa anyong panulaan (poetry). Nakapaloob din sa panulaan ang iba pang uri ng panitikan gaya ng awit, korido, soneto, epiko, at iba pa.

Gaya ng iba pang akdang pampanitikan, ang tula ay naglalaman din ng mensaheng nais palutangin ng manunulat gamit ang iba-ibang elementong taglay ng isang tula. Inaasahan na ang isang tula ay mayroong sukat, saknong, tugma, talinghaga o kariktan, aliw-iw o indayog, at persona.

Page 7: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Mga Elemento ng Tula

Sukat

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod (line) na bumubuo sa isang saknong (stanza). Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagkakahati ng salita kapag ito‟y binibigkas.

Halimbawa:

I-big mong ma-ba-tid, i-big mong ma-la-man = 12 pantig Kung pa-a-no ki-ta pi-na-ka-ma-ma-hal? = 12 pantig

Ang dalawang unang taludtod ng tula ay mayroong 12 pantig, gayundin ang iba pang taludtod sa kabuuan ng tula. Samakatuwid, ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay nasa sukat na lalabindalawahin (12).

Saknong

Ito ang bahagi ng tula na binubuo ng dalawa o higit pang taludtod. Naririto ang mga kategorya ng tula, nakabatay ito kung ilang tuludtod ang bumubuo sa bawat saknong nito.

2 linya – couplet 3 linya – tercet

4 linya –quatrain 5 linya – quintet 6 linya – sestet 7 linya – septet 8 linya – octave

Ang couplets, tercets, at quatrains ang malimit gamitin sa isang tula.

Page 8: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Mga Elemento ng Tula

Tugma

Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Ito ang nagbibigay ng kagandahan sa pagbigkas ng isang tula.

Halimbawa:

Yaring pag-ibig ko‟y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitin, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Pansinin na ang huling pantig ng bawat huling salita sa apat na taludtod ay nasa balangkas (pattern) ng patinig-katinig (vowel-consonant).

Talinghaga o Kariktan

Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinGhagang pananalita o rhetorical devices sa loob ng isang tula. Ito ang nagpapaiba sa tula kung ihahambing sa mga akdang tuluyan (prose). Kalimitang kakikitaan ng tayutay (figures of speech) at idyomatikong pahayag ang isang tula.

Halimbawa: Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira‟y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.

Suriin ang paghahambing ng pag-ibig sa isang lalaking hindi paaapi dahil ito ay may katuwiran.

Page 9: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Dapat tandaan na ang tulang walang sukat at tugma ay tinatawag na malayang taludturan na siyang tinatangkilik sa kasalukuyan. Ang tradisyonal at makabagong paraan ng pagsulat ng tula ay kapwa nagtataglay ng sining ng paglikha. Subukin mong maghanap ng ibang halimbawang tula at kilalanin ang mga elementong taglay nito. Sa paraan ng pagsuri sa mga elemento ng tula ay nasusuri na rin mismo ang tula.

Sagutin Natin

1. Ano ang mga elemento ng isang tula?

2. Ano ang katangian ng tulang “Ang Aking Pag-ibig,” batay sa mga elemento nito?

3. Matatawag pa rin bang tula ang isang tulang kulang sa mga elementong nabanggit?

Mga Elemento ng Tula

Indayog o Aliw-iw

Kung ang mga awit ay mayroong tono, ang tula ay nararapat na magkaroon ng indayog habang ito ay binibigkas. Nakadaragdag ito ng interes para sa mga manonood o tagapakinig. Magandang halimbawa nito ay ang pagtatanghal ng mga Spoken Words Poetry, kung saan ang mga artista ay buong-husay na binibigyan na angkop na emosyon ang pagpapahayag ng kanilang mga tula.

Persona

Tumutukoy naman ito sa taong nagsasalita sa tula. Mababatid kung nasa una, ikalawa, o ikatlong panauhan ang tula depende sa mga panghalip na ginamit dito.

Page 10: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Subukan Natin

Magsaliksik ng isang napapanahong tula, suriin ito batay sa elementong tinataglay nito. Bigyang-pansin din ang sumusunod na suri:

Ano ang mensahe? Sino ang pinatutungkulan? Ano ang mga puna?

Isaisip Natin

Anong mga elemento ng tula ang tinalakay sa aralin? Paano ito nakatutulong sa pagiging kaiba ng tula o panulaan kung ihahambing sa iba pang akdang pampanitikan?

Pag-isipan Natin

Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Elemento ng tula na tumutukoy sa angkop at magiliw na pagbigkas ng tula.

2. Ito ay representasyon ng karakter na nagpapahayag ng mensahe ng tula.

3. Uri ng tula na binubuo ng tig-aapat na

taludtod o linya ang bawat saknong.

4. Tumutukoy sa magkakatulad na padron ng pantigan ng huling salita sa bawat taludtod.

G O Y D A N I

R E P A N O S

Q R U A A I T N

A T G U M

Page 11: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

5. Ito ang tawag sa sukat ng tulang binubuo ng labindalawang pantig ang bawat taludtod.

6. Itinuturing na Ama ng Makabagong

Panulaang Tagalog.

7. Ito ay ang bahagi ng tula na binubuo ng

mga taludtod.

8. Elemento ng tula na nagbibigay-lalim sa kahulugan ng isang akda.

9. Tawag sa pagtatanghal ng sariling likhang

tula na buong-husay na binibigkas sa publiko.

10. Ito ang kinabibilangang anyo ng tula, awit,

korido, soneto, at epiko.

Aralin 2

Kahulugan ng Salita: Matatalinghagang Pananalita

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakikilala ang talinghagang nilalaman ng mga salitang ginamit sa tula.

L L A A B N I D A L A I N W A H

D R O A E L A J N D I L L A A B A

N G S A K O N

H A T A I N G L A G

S P K E N O W R O D

P E T R O Y

P N U L A A A N

Page 12: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Pag-aralan Natin Ang tula na kinikilala bilang pinakasensitibong anyo ng panitik ay naghahayag ng lantad at „di-lantad na mensahe. Wika nga ng mga batikang manunula(t), ang isang tulang madaling maintindihan ay hindi tula. Makikita natin dito kung gaano karubdob ang kagustuhan ng mga manunula(t) na pag-isipin ang kanilang mga mambabasa. Ang mga tula ay maaaring magbigay ng mensahe na taliwas sa naunang mensahe na tinatangka sanang palabasin ng manunula(t). Samakatuwid, kapuwa malaya ang manunula(t) at mambabasa o manonood na magbigay ng kaniya-kaniyang interpretasyon sa isang akda.

Ang pagsulat ng tula ay hindi madaling gawain. Kinakailangang pag-isipan at tayahin ang mga salitang gagamitin upang umakma sa tugma at indayog nito. Isa rin sa mahalagang elemento ng tula ay ang pagiging matalinghaga nito, hangga‟t maaaring itago ang imahen ng persona at pangyayari ay gagawin.

Ang mga matatalinghagang pananalita o rhetorical devices ay sangkap na ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang mapalutang ang sining na taglay nito at mahalina ang mga mambabasa at tagapakinig. Ilan sa malimit gamiting na matatalinghagang pananalita ay nakapaloob sa tinatawag na tayutay at mga idyoma.

Naririto ang ilang halimbawa ng mga tayutay na maaaring palutangin at gamitin sa pagbuo ng isang mahusay na tula.

Ang tayutay ay paraan ng pagpapahayag kung saan sadyang inilalayo sa karaniwan ang paglalahad ng mensahe. Layunin nitong gawing masining, matalinhaga, at malalim ang isang pahayag.

Page 13: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Ang hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao, o pangyayari ay gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng. Halimbawa: Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katuwira‟y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. Pansinin ang paggamit ng panlapi na kasing upang maghalintulad ng dalawang magkaibang bagay, ng pag-ibig at ng mga lalaki.

Ito ay uri rin ng paghahambing ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang naghahambing sa halip tuwirang inihahambing ang dalawang magkaibang bagay. Halimbawa: Ang pag-ibig ko‟y lalaking makatwiran. Pansining pinaghambing pa rin ang pag-ibig at lalaki, ngunit hindi na gumamit ng

mga salitang naghahambing.

Pagtutulad o simile

Pagwawangis o metaphor

Page 14: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Malimit itong gamitin upang laruin ang pahayag kung saan ang isang bagay na walang buhay ay pinakikilos na parang tao. Halimbawa: Kay bilis gumalaw ng mga kamay ng orasan Ni hindi ko namalayan ika‟y lilisan Pansining nilagyan ng salitang-kilos (pandiwa) na para sa tao ang “kamay ng orasan.”

Pagsasatao o personification

Pagtawag o apostrophe

Pinasisidhi nito ang damdamin ng pahayag sa pamamagitan ng pagtawag sa mga kaisipan upang magpakita ng matinding emosyon. Halimbawa: Oh! Pag-ibig, nasaan ka?

Page 15: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Sa pag-aaral, higit sa walumpu ang tayutay na matatagpuan sa wikang Filipino. Bukod pa ang mga tayutay na kinikilala naman gamit ang wikang Ingles. Isa rin sa mga anyo ng matatalinhagang pananalita ay ang idyoma, kung saan ang mga pahayag ay nagtatago ng tunay nitong kahulugan. Naririto ang ilang halimbawa ng mga idyoma.

Anghel ng tahanan – anak

Binuksan ang dibdib – ipinagtapat ang saloobin

‘Di-mahulugang karayom– maraming tao

Pagmamalabis o hyperbole

Dito nilalangkapan ng malabis na paglalarawan o eksaherasyon sa pahayag. Halimbawa: Halos dugo ang iluha ko nang iwan niya ako. Kailan man ay hindi naman tayo lumuluha ng dugo, dangan lamang kung may-sakit o literal na nagdurugo ang mata.

Pag-uyam o irony

Ito ay pahayag na hindi lantad ang pangungutya sa tao o bagay. Sa una ay tila namumuri ang pahayag, ngunit sa hulihan ay nanunudyo lamang ito. Halimbawa: Alam kong tapat kang umibig kaya nga marami kaming iniibig mo.

Page 16: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Durugin ang puso – pasakitan

Guhit ng palad – kapalaran

Lumaki ang ulo – naging mayabang

Iguhit sa tubig – kalimutan

May gatas pa sa labi – bata pa

Magbuhat ng sariling bangko –

nagyayabang

Nagpanting ang tainga – nagalit; nainis

Nagdilang anghel – nagkakatotoo ang

sinabi

Suntok sa buwan – mahirap abutin;

malabong mangyari

Magsunog ng kilay – mag-aaral nang

mabuti

Ningas kugon – panandalian

Balat-sibuyas – sensitibo, iyakin

Kahiramang suklay – matalik na kaibigan

Malimit natin itong nakikita sa mga akdang pampanitikan o „di kaya ay ginagamit natin

kapag mayroong gusto patamaan sa isang pahayag, ngunit ayaw nating tuwirang sabihin

ito.

Bukod sa idyoma at mga tayutay, nakapaloob din sa matatalinhagang pananalita ang

kasabihan, kawikaan, at salawikain.

Sagutin Natin

1. Ano ang dalawang halimbawa ng matatalinghagang pananalita? 2. Bakit kinakailangang gumamit ng matatalinghagang pananalita? 3. Paano ito nakatutulong sa pagpapaganda ng isang tula?

Page 17: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Subukan Natin

Panoorin ang video ng Spoken Words Poetry ni Maimai Cantillano sa YouTube na matatagpuan sa link na: https://www.youtube.com/watch?v=fVAHaJl5Psw

Tukuyin ang mga matatalinghagang pananalit na ginamit sa kaniyang piyesa. Bigyan din ito ng pagsusuri batay sa kasiningan ng pagtatanghal.

Isaisip Natin

Ano ang matatalinghagang pananalita? Paano ito nakatutulong sa pagpapasining ng mga akdang pampanitikan?

Pag-isipan Natin

Tukuyin kung sa anong uri ng tayutay nabibilang ang sumusunod na

matatalinghagang pananalita.

_______1. Babaha ng alak sa darating na Biyernes, ang tinuran ni Pareng Andoy.

_______2. Maganda ka naman, lalo kung malayo ka sa akin.

_______3. Lungkot! Huwag ka nang bumalik!

_______4. Para kang anghel na bumaba mula sa kalangitan.

_______5. Sila‟y ilog na kay lalim kung tahimik at kay babaw kung maingay.

_______6. Halos madurog ang puso ni Anton dulot ng kaniyang kabiguan.

_______7. Nakikipaghabulan sa atin ang tadhana at panahon.

_______8. Nakababasag ng tainga ang malamig mong tinig.

_______9. Diwata siya ng gubat, bantay siya ng dagat.

_______10. Ngumiti sa akin ang buwan hudyat na ako‟y kaniyang naunawaan.

Page 18: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Aralin 3

Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Pag-aralan Natin Sa naunang aralin, tinalakay na ang ilan sa matatalinhagang pananalita na ating malimit gamitin sa pagpapahayag, lalo na kung ang layunin natin ay upang mapalutang ang sining

sa ating pahayag.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang matalinhagang pananalita.

Dapat tandaan na ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita na ito ay mayroong hinihinging pagkakataon. Sang-ayon sa kalikasan ng komunikasyon, mayroon tayong paghahati sa pagitan ng pagiging pormal at impormal nito. Hindi mo nanaising kausapin at paulanan ng mga idyoma ang isang kaibigang kinukumusta mo sa kantina, sapagkat maaari siyang magtaka sa hindi pangkaraniwan mong pakikipag-usap sa kaniya.

Ang matatalinhagang pananalitang ito ay katanggap-tanggap gamitin at palutangin sa mga akdang pampanitikan, higit lalo sa mga tula at awit, sapagkat ito ang pinakalayunin ng isang tula–ang itago ang totoong kahulugan nito–upang maging mas masining at kaakit-akit para sa mga mambabasa.

Page 19: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Narito ang halimbawa ng tula na kakikitaan ng matatalinghagang pananalita.

Pansinin ang paggamit ng Biyernes Santo bilang isang simbolo na nakabatay sa kulturang Pilipino, pinaniniwalaan nating hindi tayo dapat magsaya tuwing sasapit ang araw na ito dahil diumano‟y patay si Hesus.

Maaari ka pang magbigay ng iba pang pagtingin sa tulang ito. Makikita mo ang kabuuang sipi ng tulang ito sa Internet. Maaari ka ring tumingin at magsiyasat ng iba pang tula.

Ang pag-unawa sa matatalinhagang pananalita na inilalangkap sa tula o anomang uri ng akdang pampanitikan ay makukuha lamang nang buo kung mababasa mo ito nang buo.

“Totoo nga ang sumpa ng mukha ng Biyernes Santo Dala-dala nga nito ang pighati‟t bigat ng mundo

Napatunayan ko ito sa ilang Biyernes na pagdurog mo sa akin Totoo nga ang sumpa ng mukha ng Biyernes Santo Hatid nito‟y luha na lumulunod sa‟yong pagkatao

Napatunayan ko ito sa ilang Biyernes na pagtalikod mo sa akin.

Totoo nga ang sumpa, ang sumpa ng lungkot Na „di maiwasang maramdaman, „di maiwasang maranasan

Totoo ngang walang kawala, Kahit na ang pusong binusog sa sakripisyo‟t pagmamahal

Dadanas at dadanas pa rin Luluha at luluha pa rin.”

(Mula sa “Ilang Biyernes ang Puminit sa Akin” ni Kristine Mae Cabales)

Page 20: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Dahil nga ang layunin ng matatalinhagang pananalita ay magtago sa lantay na mensahe, kailangan mong unawain ang kabuuan ng akda, gayundin sa mga idyoma, at iba pang matatalinhagang pananalita o rhetorical devices.

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

1. Pumili ng napapanahon at kagiliw-giliw na paksa.

2. Bumuo ng mga pahayag na kakikitaan ng mga tayutay.

3. Gumamit ng angkop na idyoma sa paglalarawan ng ideya.

4. Suriin ang mga nabuong pahayag batay sa kasiningan nito.

5. Magkaroon ng rebisyon kung kinakailangan.

Sagutin Natin

1. Ano ang matatalinghagang pananalita ang malimit gamitin sa isang akdang

pampanitikan? Bakit? 2. Mayroon bang angkop na panahon at lugar kung kailan lamang dapat

gamitin ang matatalinghagang pananalita?

3. Sino-sino lamang ang maaaring gumamit ng matatalinghagang pananalita?

Page 21: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Subukan Natin

Sumulat ng isang tula na pumapaksa sa anomang uri ng pag-ibig (Halimbawa: pag-ibig sa magulang, pag-ibig sa Maylikha, at iba pa). Tiyaking naglalaman ito ng matatalinhagang pananalita bilang pagsasaalang-alang sa mga elemento ng isang mahusay na tula. Kabisaduhin ang iyong gawa.

Isaisip Natin

Paano magagamit nang mabisa at makabuluhan ang matatalinghagang salita?

Pag-isipan Natin

Gamitin sa pahayag ang sumusunod na idyoma. Tiyaking angkop at makabuluhan ang mabubuong pangungusap. 1. Nagbabagang balita

2. Suntok sa buwan

3. Kaututang-dila

4. Ilista sa tubig

5. Lukso ng dugo

6. Kalapating mababa ang lipad

7. Putok sa buho

9. Amerikanong hilaw

10. Kabiyak ng puso

Page 22: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Aralin 4

Pagsulat at Pagbigkas ng Tula

Pag-aralan Natin

Ang magsulat ng tula ang isa sa pinakakomplikadong serye ng pagyakap sa panitikan. Akala ng nakararami ay madali lamang ang sumulat ng tula, dahil kahit ano ay maaari mong ilagay dito, ngunit mali ang ganitong persepsiyon.

Maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula. Inaasahan na ang tula ay mayroong: tema, paksa, estilo, simbolo, simula, katawan, at wakas.

Tingnan natin ang kahalagahan ng bawat isa.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakasusulat ng sariling tulang pumapaksa sa anomang uri ng pag-ibig at nakapagbibigkas ng sariling tula nang may kasiningan.

Ito ang paksa ng iyong susulatin. Alalahaning ang paksa ng tula ay iba pa sa magiging pamagat nito. Maaaring pumili sa mga paksa/tema/genre patungkol sa pag-ibig, pagkabigo, pagkamakabayan, at iba pang paksang napapanahon. Mahalaga rin na matukoy mo kung sino ba ang nais mong maging tagapagtangkilik (audience), dahil dito mo mapagtatanto kung ano ba talaga ang gusto mong paksa para sa susulatin mong tula.

Malimit na ang manunulat ay kumukuha ng iba-ibang inspirasyon sa kaniyang paligid, upang makabuo ng isang makabuluhang paksa. Tandaan na ang bawat manunulat o kahit sino mang nagsusulat ay may layunin sa kaniyang pagsulat.

Tema

Page 23: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Kalimitan ang pamagat ang nagdidikta ng emosyon at diwa ng tula, minsan naman ay panlinlang lamang ito. Kunwari ay patungkol sa isang paksa ang kabuuan ng tula, ngunit sa katotohanan ay kabaligtaran pala ito. Ngunit ang mahalaga‟y makabuo tayo ng pamagat na kakaiba, kung saan magkakaroon ng interes ang mga mambabasa.

Pamagat

Kapag tukoy mo na kung sino ba talaga ang nais mong kausapin sa iyong isusulat na tula, doon mo na ilalangkap kung anong estilo ba ang nais mong sundin. Gaya ng tinalakay sa naunang aralin, mayroong tradisyonal na tula na may sukat at tugma at mayroon din namang moderno na may malayang taludturan.

Maaari mo ring padaluyin ang iyong tula sa paraang pakuwento, pagbibigay-halimbawa, pag-iiwan ng tanong, at kung ano pang estilo na sa tingin mo ay magpapaganda sa iyong tula. Tandaan na

ang estilong gagamitin ay nakabatay sa paksang mapipili.

Estilo

Kinikilala rin bilang imahen, kung saan ito ang nakatagong mensahe ng tula. Gaya ng tinalakay, ang pangunahing layunin ng tula ay pagtatago ng totoong mensahe nito. Pinalulutang lang natin ang simbolo sa pamamagitan ng paggamit ng mga matatalinhagang pananalita.

Simbolo

Sa lahat ng akda, ang kabuuang bahagi ang pinakamahalaga. Ang mapangganyak na simula, kung saan hinihikayat ang mga mambabasa sa paksa. Ang malamang katawan, kung saan pinadadaloy ang imahen o simbolo sa tula. At ang makabagdamdaming wakas, kung saan maaaring nagpapaliwanag o „di kaya ay nag-iiwan pa ng mas maraming tanong para sa mga mambabasa.

Simula, Katawan, at Wakas

Page 24: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Sa kasalukuyang panahon ng pag-usbong ng Spoken Words Poetry bilang bagong anyo ng panulaan, sinasabing mas nagiging madali ang pagbuo ng isang tula. Inihahalintulad nila ito sa pagbuo ng isang awit kung saan ang pangunahing isinasaalang-alang ay ang ritmo o tono

Bilang karagdagang pagtalakay, ang Spoken Words Poetry ay hindi naiiba sa iba pang uri ng panitikan. Dito itinatanghal sa madamdaming paraan ang pagbigkas ng naisulat na tula. Nakikita ng mga Spoken Words Artist ang paraang ito, upang maipahayag ang kanilang damdamin sa isang masining na pamamaraan.

Gaya ng isang tagapagsalita, kinakailangan din ng isang artista na isaalang-alang ang sumusunod:

Lakas ng Boses Nakadepende ang pag-modulate o pagkontrol ng lakas ng iyong boses sa dami ng manonood sa iyong pagtatanghal. Kailangang tiyaking hindi basag o matinis ang iyong boses, upang kaiga-igaya kang pakinggan. Intonasyon Tumutukoy naman ito sa tamang pagtaas at pagbaba ng tono habang nagsasalita. Kalimitang nawawalan ng interes ang mga manonood, kung nagiging monotonous ang tagapagsalita, kaya ito‟y iniiwasan. Pagbigkas Tumutukoy sa tama at malinaw na pagbigkas ng bawat salita. Emosyon Ang susi sa isang mahusay na pagtatanghal ay ang pagpapakita ng angkop na emosyon para sa paksa ng isang tula. Postura Tumutukoy ito sa tindig ng isang tagapagsalita. Ang tamang postura sa harap ng maraming tao at pagpapakita ng tiwala sa sarili ay nakapanghihikayat sa mga manonood. Kumpas ng Kamay Mahalaga rin ang paminsan-minsan at angkop na pagkumpas upang makapagdagdag ng detalye at emosyon sa pagtatanghal.

Page 25: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Dapat tandaan na ang emosyon at iba pang sangkap sa mahusay na pagtatanghal ay nakaayon sa paksa ng naisulat na tula. May ilang manunula ang naglalangkap ng iba pang teknik sa kanilang pagtatanghal gaya ng pag-awit.

Subukan Natin

Itanghal sa klase ang tulang kinabisado. Maaaring i-video ang pagtatanghal upang i-upload sa YouTube o iba pang social networking sites.

Isaisip Natin

Ano ang mahuhusay na estratehiya sa pagsulat at pagbigkas ng tula sa isang masining na paraan?

Sagutin Natin

1. Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang

masining na tula? 2. Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa mahusay na

pagtatanghal ng isang tula? 3. Mayroon bang malaking pagkakaiba ang karaniwang pagsulat ng tula

at ng Spoken Words Poetry?

Page 26: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Pag-isipan Natin

Lagyan ng ang bawat bilang kung ito ay nagsasaad ng mga angkop na hakbangin sa pagsulat at pagbigkas ng isang tula.

1. Sumulat ng mapagganyak na panimula para sa piyesa.

2. Huwag nang isaalang-alang ang paksang tatangkilikin ng tao.

3. Sa pagbigkas ng tula, mahalaga ang labis-labis na emosyon.

4. Nakakukuha ng atensiyon ang magandang pagkontrol sa boses.

5. Maaari kang sumubok ng iba‟t ibang estilo sa pagsulat.

6. Dapat laging sundin ang pagkakaroon ng sukat at tugma.

7. Mahalaga ang angkop na tindig at kumpas ng kamay sa pagbigkas.

8. Panatilihing monotonous ang boses sa pagbigkas.

9. Palutangin ang mga simbolo o imahen sa isinulat na piyesa.

10. Mag-isip ng pamagat na magbibigay palaisipan sa

mambabasa.

Page 27: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Gawin Natin

Open Mic Event

Ang “Open Mic Event” ay ginagawa at tinatangkilik ng publiko sa kasalukuyang panahon. Ito ay isang gawain kung saan nagsasama-sama ang mga artista sa kanilang pagtatanghal ng kanilang sining. Sa puntong ito, gagawin ito ng buong klase upang itanghal sa iba pang mga mag-aaral. Upang maisakatuparan ang gawaing ito, gawing batayan ang sumusunod na alituntunin: 1. Sa mga mag-aaral: Pumili ng dalawampung (20) mag-aaral na nais magtanghal

ng kanilang mga naisulat na tula. Ang ilang mag-aaral ay maaaring maging katuwang sa ibang aspekto ng pagtatanghal, gaya ng pagsasaayos ng lugar at paggawa ng props kung kinakailangan.

2. Tema ng gawain: Pag-usapan ang magiging kabuoang tema ng isasagawang palatuntunan.

3. Dapat linawin na ang palatuntunan ay hindi magsisilbing kompetisyon, ito ay

magsisilbing malayang pagtatanghal lamang. Maaari ding magtanghal ng iba pang sining gaya ng pag-awit, kultural na pagsayaw, at iba pa.

Page 28: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Rubrik sa Pagtataya

Lagyan ng tsek ang bilang ng markang nais ibigay. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagbubuod 1 2 3 4 5

1. Kahusayan ng mga piyesang itinanghal.

2. Kasiningan ng lugar na pinagtanghalan.

3. Partisipasyon ng lahat ng mag-aaral.

4. Pagtangkilik ng mga mag-aaral sa palatuntunan.

Kabuuang puntos:

Interpretasyon: 16 – 20 : Napakahusay

11 – 15 : Mahusay 6 – 10 : Katamtaman 1 – 5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

Page 29: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Paglalagom

Page 30: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Dapat Tandaan

Ang tula ay isang uri ng panitikan na binubuo sa isang masining na pamamaraan. Pilit na itinatago ang lantay na mensahe nito, upang hayaan ang mga mambabasa o manonood sa paghinuha sa tunay na kahulugan ng bawat simbolo.

Mayroong tradisyonal na tula, kung saan ito ay kompleto sa elemento, lalo na ang pagkakaroon ng sukat at tugma. Mayroon din namang moderno o makabagong panulaan, kung saan nagtataglay ito ng malayang taludturan.

Ang paggamit ng matatalinghagang pananalita orhetorical devices sa tula o anumang akdang pampanitikan ay mayroong inaangkupang sitwasyon, tulad din ng paggamit ng pormal at „di-pormal na wika, ibinabatay natin ito sa ating kausap o tagapakinig/mambabasa.

Mahalagang tandaan na ang pagpili ng paksa sa tula o anumang akdang pampanitikan ay mayroong pagtatangka sa pagpapamulat, nais mong magpahayag ng iyong nararamdaman, sapagkat mayroong kang makabuluhang layunin. Ito ang pinakamahalagang esensiya ng pagsulat at panitikan.

Page 31: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang impormasyon at malalim na talakayan.

Pilipinas Got Talent 2018 Auditions: Antonio Bathan Jr. - Spoken Word Poetry https://www.youtube.com/watch?v=UWogacnjiek

It's Showtime: Vice presents a spoken word poetry for all mothers https://www.youtube.com/watch?v=rY4g_P1-NlI

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1: Pagsusuri ng Tula

Sagutin Natin 1. Ang mga elemento ng tula ay sukat, saknong, tugma, talinhaga o kariktan,

indayog o aliw-iw, at persona.

2. Ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay may sukat na lalabindalawahin, may tig-aapat na taludtod o quatrain, mayroong mga taludtod na patinig-katinig ang tugma, nagtataglay ng talinhaga, at may personang pinalulutang.

3. Oo, sapagkat mayroong makabagong paraan ng pagsulat ng tula, tinatawag itong malayang taludturan.

Isaisip Natin

Ang mga elemento ng tula na tinalakay ay ang sukat, saknong, tugma, talinhaga, indayog, at persona. Nakatutulong ang mga ito sa pagbuo ng masining na piyesa o akda gaya ng tula. Higit lalo ang talinhaga at persona o simbolismo ng isang tula.

Page 32: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Matatalinghagang Pananalita

Sagutin Natin

1. Ang halimbawa ng matatalinhagang pananalita ay ang idyoma at mga tayutay.

2. Mas nagiging kaakit-akit, malalim, at masining ang isang akdang pampanitikan o

isang pahayag, kung ito ay ginagamitan ng matatalinhagang pahayag.

3. Ang tula ay kinikilalang mataas na anyo ng sining kung saan ang kahulugan ay hindi dapat agarang inilalantad. Hinahayaan ng mga manunulat na magbigay ng

sariling pag-unawa ang mga mambabasa nito.

Isaisip Natin

Ang matatalinhagang pananalita ay mga pahayag na may tagong kahulugan. Ginagamit ito upang bigyang-palaisipan ang mga piyesa upang palabasin ang kasiningan nito. Layunin nitong pag-isipin ang mga mambabasa ng akda.

Aralin 3: Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Sagutin Natin

1. Pinakamadalas gamitin sa mga akdang pampanitikan at idyoma ang matatalinhagang pananalita, sapagkat ito ay paraan upang maging masining at

malalim ang pagkakagawa ng isang akda.

2. Inaasahan lamang tayong gumit ng matatalinhagang pananalita, kung sumusulat ng isang akdang pampanitikan. Maaari rin naman natin itong gamitin sa pormal

na paraan kagaya ng matalinong pakikipagdebate o pagpapahayag ng damdamin.

3. Kahit sino ay malayang gumamit ng mga matatalinhagang pananalita, hanggang kaya niyang ilugar, kung kailan at saan lamang niya ito gagamitin.

Isaisip Natin

Magagamit nang mabisa at makabuluhan ang matatalinhagang pananalita kung naiaangkop ito sa paksa at tema ng isinusulat na tula.

Page 33: FILIPINO Baitang 10 Yunit 9 Ang Aking Pag-ibig

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

Aralin 4: Pagsulat at Pagbigkas ng Tula

Subukan Natin

1. Inaasahang ang isang tula ay dapat na mayroong napapanahong tema,

magandang pamagat, simbolo, at makabuluhang nilalaman.

2. Sa isang mahusay na pagtatanghal, dapat isaalang-alang ang lakas ng boses, intonasyon, tamang pagbigkas, tamang emosyon, magilas na postura, at kumpas ng kamay.

3. Ang Spoken Words Poetry ay hindi naiiba sa iba pang naisulat na mga tula, kapwa

ito nagtataglay ng simbolong naglalaman ng makabuluhang mensahe.

Isaisip Natin

May ilang manunulat na nilalangkapan ng iba pang sining ang kanilang pagtatanghal ng tula. Maaaring langkapan ng pag-awit, pagsayaw, o pag-arte ang pagbigkas ng tula upang higit na mapalutang ang pagiging masining nito.

Sanggunian

Bernales, Rolando A. at Bernardino, Elyria C. “Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag”. Mutya Publishing House. Malabon City. 2013. Gonzaga, Marina at Dimaguila, Cristina. “Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at Panitikan”. Abiva Publishing House, Inc. Quezon City. 2016. Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral mula sa https://www.slideshare.net/kimberlyabao12/filipino10learningmaterial150512083003lva1app6892