45
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable Development TALAAN NG NILALAMAN 3 Introduksyon Aralin 1: Ang Sustainable Development 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipin Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: C Consumerism at Energy Sustainability 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 17 Sagutin Natin 17 Pag-isipin Natin 18 Gawin Natin 18 Aralin 3: Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Poverty at at Health Inequalities 20 Layunin Natin 20 Subukan Natin 21 Alamin Natin 22 Pag-aralan Natin 22

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 10, YUNIT 7

Ang Sustainable Development TALAAN NG NILALAMAN

3 Introduksyon

Aralin 1: Ang Sustainable Development 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5

Alamin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Suriin Natin 9

Sagutin Natin 10

Pag-isipin Natin 10

Gawin Natin 10

Aralin 2: Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: C Consumerism at Energy Sustainability 12

Layunin Natin 12

Subukan Natin 13

Alamin Natin 14

Pag-aralan Natin 14

Suriin Natin 17Sagutin Natin 17Pag-isipin Natin 18Gawin Natin 18

Aralin 3: Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Poverty

at at Health Inequalities 20

Layunin Natin 20

Subukan Natin 21

Alamin Natin 22

Pag-aralan Natin 22

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Suriin Natin 25

Sagutin Natin 26Pag-isipin Natin 26

Gawin Natin 26

Aralin 4: Iba’t Ibang Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng 29

Sustainable Development

Layunin Natin 29

Subukan Natin 30

Alamin Natin 31

Pag-aralan Natin 31

Suriin Natin 35Sagutin Natin 36Pag-isipin Natin 36Gawin Natin 36

Karagdagang Kaalaman 38

Pagyamanin Natin 38

Paglalagom 41

Dapat Tandaan 42

Dagdag Sanggunian 42

Gabay sa Pagwawasto 43

Sanggunian 45

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 10 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 7

Ang Sustainable Development

Ang kahulugan ng konsepto ng kaunlaran ay dumaan sa isang matinding pagbabago.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang konsepto ng kaunlaran ay nagbigay-

diin sa pagpapaunlad lamang ng ekonomiya. Sa paglipas ang panahon, naging kapansin-

pansin ang masasamang epekto sa kapaligiran at pamumuhay ng mga tao nang walang

pigil na paghahangad sa industriyalisasyon at pagpapaunlad ng ekonomiya. Kaya naman,

nabuo ang konsepto ng sustainable development upang mabigyang-lunas ang mga

suliraning dulot ng gawain ng tao na nakapinsala sa kapaligiran at maaaring magdulot ng

peligro sa pamumuhay ng susunod na henerasyon.

Sa yunit na ito ay tatalakayin natin ang kahulugan ng sustainable development, ang mga

balakid sa pagkamit nito, at ang mga estratehiyang maaaring makatulong sa pagtamo sa

sustainable development.

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Maaaring epekto ng mga kasalukuyang gawain ng mga tao

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Ang Konsepto ng Sustainable Development

Ang Sustainable Development Goals ng United Nations

Ang konsepto ng sustainable development ay sumasaklaw hindi lamang sa pagpapaunlad

ng ekonomiya kundi pati na rin sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapabuti ng buhay ng

bawat tao sa daigdig. Makikita natin ang lawak ng sustainable development goals sa inilahad

ng United Nations (UN) na Sustainable Development Goals (SDG) noong 2016.

Sa araling ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng sustainable development, ang kasaysayan

ng konseptong ito, at ang kaugnayan ng mga gawain ng bawat antas ng lipunan sa

pagbabagong pangkapaligiran.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang

• naipaliliwanag ang konsepto ng sustainable development;

• natatalakay ang kasaysayan ng pagkabuo ng konsepto ng sustainable

development; at

• naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga gawain at desisyon ng tao sa

pagbabagong pangkapaligiran.

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Tukuyin kung aling Sustainable Development Goal ng UN ang sinasaklaw ng

sumusunod na programa. Isulat lamang ang bilang ng Sustainable Development Goal.

1: No Poverty

2: Zero Hunger

3: Good Health and Well-being

4: Quality Education

5: Gender Equality

6: Clean Water and Sanitation

7: Affordable and Clean Energy

8: Decent Work and Economic Growth

9: Industry, Innovation and Infrastructure

10: Reduced Inequality

11: Sustainable Cities and Communities

12: Responsible Consumption and

Production

13: Climate Action

14: Life Below Water

15: Life on Land

16: Peace and Justice Strong Institutions

17: Partnerships to Achieve the Goal

_______1. Isinusulong ng pamahalaan na magkaroon ng libreng bakuna para sa mga bata

sa bawat baranggay.

_______2. Ipinaglalaban ng iba’t ibang organisasyon ang pantay na sahod para sa

kababaihan at kalalakihan na may magkatulad na antas ng trabaho.

_______3. Hinihikayat ang paggamit ng alternatibong enerhiya katulad ng solar power.

_______4. Ipinasa ang Republic Act No. 10931 na nagsasaad na libre na ang matrikula para

sa mga mag-aaral ng mga state university.

_______5. Ipinagbabawal na ang paggamit ng dinamita sa pangingisda sa Pilipinas.

_______6. Hinihikayat ng UN ang mga bansa sa daigdig na gumamit ng diplomasya, sa

halip ng pakikidigma, sa paglutas ng mga alitan.

_______7. Pumirma ang karamihan sa mga bansa sa Paris Agreement na naglalayong

mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Kahulugan ng Sustainable

Development Ayon sa ulat ng World Commission on

Environment and Development na may

pamagat na “Our Common Future”, ang

sustainable development ay tumutukoy sa

pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang

henerasyon na hindi naisasantabi ang

kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi

ang kanilang pangangailangan.

May dalawang konseptong nakapaloob sa depinisyong ito:

1. ang konsepto ng mga pangangailangan (needs) lalo na ng mahihirap, na dapat pag-

ukulan ng mahalagang pansin; at

2. ang konsepto ng mga limitasyon (limitations) na inilalapat ng mga estado sa mga

teknolohiya at organisasyong panlipunan, sa kakayahan ng kapaligirang abutin ang

kasalukuyan at panghinaharap na pangangailangan.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng umusunod na salita:

• needs – pangangailangan

• gender equality – pagkapantay-

pantay ng mga kasarian sa mga

karapatan at pagkakataon

• climate change - pagbabago sa

mga rehiyunal o pandaigdigang

klima

• blue print - modelo o gabay sa

pagpapatupad ng mga plano

• ecosystem – natural na tahanan

• Philipppine Agenda 21 –

programa ng Pilipinas sa ika-21

siglo upang magsulong

kaunlaran sa pamamagitan ng

promotion ng sustainable

development initiatives

• waste management – mga

proseso na kaugnay sa tamang

pagtatapon, pangongolekta, at

pag-recycle ng basura

Ang tamang paggamit ng likas na yaman sa

kasalukuyan ay mahalaga sa sustainable

development.

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Ang sustainable development ay tumutukoy rin sa paraan ng patuloy na pag-aalaga

sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng isang bansa.

Ito ay matatamo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga likas na yaman sa

kasalukuyan at pagtitiyak na may mga mapagkukunan pa rin sa hinaharap.

Kasaysayan ng Paghubog ng Sustainable Development Ang sumusunod na tsart ay nagpapakita sa kasaysayan ng paghubog ng sustainable

development.

1972

• UN Conference on the Human Environment: tinalakay ang pangangasiwa sa kalikasan at kaunlaran ng mga bansa.

1987

• Nabuo ang pangkasalukuyang kahulugan ng sustainable development: "ang pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.”

• Bruntland Commission Report 1987: inilahad ang mga epekto ng paglago at pagbabago at mga gawain ng tao na maaring magdulot ng malawakang masamang epekto sa daigdig kung hindi bibigyang-pansin ang mga ito.

1992

• UN Conference on Environment and Development: nakapagkabuo ng isang estratehiya tungo sa mas matagumpay na pagkamit sa sustainable development.

2002

• World Summit on Sustainable Development: tinalakay ang sustainable na pagkonsumo at produksyon, paggamit ng tubig, pagpapanatili ng sanistayon, at pagkukunaan ng enerhiya.

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Kaugnayan ng mga Gawain at Desisyon ng Bawat Antas ng Lipunan sa

Pagbabagong Pangkapaligiran

Pandaigdig

Napakahalaga ng mga desisyon at programa ng

United Nations (UN) at ng mga bansang kabilang dito

sa pagkamit sa adhikain ng sustainable development.

Ang Millennium Development Goals na inilahad ng

UN noong 2015 upang malutas ang mga suliranin sa

daigdig ay napalitan na ng UN Sustainable

Development Goals (SDG). Ilan sa mga layunin ng

UN ay ang pagsugpo sa pagkagutom, pagkakaroon

ng gender equality at pagbibigay-solusyon sa

lumalalang problema ng climate change.

Pambansa

Sa Pilipinas, ang Philippine Agenda 21 ang blue print ng sustainable development program.

Ito ay sumasaklaw sa programa ng Pilipinas para sa mga indibiduwal, pamilya, pamayanan,

at mga action plan para sa iba’t ibang ecosystem. Mahalaga ang pagsunod sa blue print na

ito upang mapanatili ang pagbabago sa bansa.

Pampamayanan

Lahat ng baranggay at pamayanan ay dapat magkaroon ng kaalaman at maging bihasa sa

Philippine Agenda 21. Ang mga programa nito ay maaaring maging programa ng barangay

tungo sa pagkamit ng sustainable development ayon sa kapaligiran ng pamayanan.

Halimbawa, sa kabundukan, maaaring bigyan ng bagong trabaho ang mga magkakaingin o

namumutol ng puno upang hindi tuluyang masira ang kabundukan at maapektuhan ang

mga likas na yaman doon katulad ng mga puno, mga hayop, at halaman.

Pampamilya o Pansarili

Sa antas na ito dapat nagsisimula ang tunay na pagbabago. Kung ang bawat isa ay may

pakialam at pagkamulat sa napipintong pagkasira ng kalikasan, walang dudang makikiisa

ang bawat tao sa mga pagbabago ng pamumuhay at nakasanayan na maaaring

magdulot ng pinsala sa kapaligiran.

Ang pagpawi sa kahirapan at

pagkagutom ay kabilang sa mga SDG

ng United Nations.

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Halimbawa, lahat ng indibiduwal at pamilya ay dapat marunong ng wastong waste

management, tamang pangangalaga sa kalikasan, at iba pang gawain na makatutulong sa

pagkamit ng sustainable development.

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

_________________1. Ang konsepto ng sustainable development ay sumasaklaw lamang sa

pagpapaunlad ng ekonomiya.

_________________2. Tinalakay sa UN Conference on the Human Environment ang

pangangasiwa sa kalikasan at kaunlaran ng mga bansa.

_________________3. Sa antas na pandaigdig, ang Millennium Development Goals ng United

Nations ang isa sa mga naging mahalagang hakbang sa pagkamit ng

sustainable development.

_________________4. Ang mga programang pampamayanan ay dapat maging kaugnay ng

programang pambansa ng Pilipinas.

_________________5. Sa antas na pambansa dapat magsimula ang tunay na pagbabago

upang makamit ang sustainable development.

_________________6. Kabilang ang pagtugon sa hindi pagkapantay-pantay ng mga

karapatan at pagkakataon ng mga kasarian sa Sustainable

Development Goals.

_________________7. Nabuo ang kasalukuyang kahulugan ng sustainable development

noong 1987.

_________________8. Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi

naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi

ang kanilang pangangailangan.

_________________9. Ang Philippine Agenda 21 ay isang gabay para sa mga sustainable

development program sa mga antas na pambansa lamang.

_________________10. Ang bawat indibiduwal ay makatutulong sa pagkamit ng sustainable

development.

Suriin Natin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang sustainable development?

2. Paano mailalarawan ang pagbabago ng konsepto ng sustainable development?

3. Ano ang kahalagahan ng sustainable development?

Sang-ayon ka ba sa konsepto ng sustainable development? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Magsaliksik ukol sa kalagayan ng sustainable development sa Pilipinas. Alamin ang mga

programa ng pamahalaan at mga non-governmental organization na nakatutulong sa

pagkamit ng sustainable development. Tukuyin kung ano ang mga naging resulta ng mga

programang ito.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantay

an

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan

pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay

Mark

a

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon

na ibinigay

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailanga

n pa ng

kaukulang

Maraming

detalye ang

isinaad; may

isa o

dalawang

halimbawa na

hindi

lubusang

naipaliwanag

Puno ng tamang

detalye at

maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag

ang mga

halimbawang

ibinigay

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

impormasyon

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa

sa guro

Tinapos ang

gawain

ngunit hindi

sinikap na

mapaganda

pa itong lalo

Tinapos ang

gawain na

may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

pagandahin

pang lalo

Tinapos ang

isang

napakagandang

gawian na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanaya

n/ Husay

Hindi

naipapakita

ang pagnanais

na

mapaghusay

ang

isinumiteng

gawain

Nagpapakita

ng

pagnanais

na

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa

ng kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon

ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

dalawang

linggo matapos

ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpas

a ng

kaniyang

sanaysay sa

loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay bago

pa ang

itinakdang petsa

ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Aralin 2

Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable

Development: Consumerism at Energy Sustainability

Ang mga pinsala na dulot ng labis na pamimili ay balakid sa pagkamit ng sustainable

development.

May iba’t ibang hamon na kinahaharap ang mga mamamayan ng mundo sa pagkamit nito

ng sustainable development. Ang ilan sa mga ito ay ang consumerism at ang energy

sustainability. Ang mga temang ito, kapag hindi natugunan, ay maaaring magdulot ng

malawakang pagkasira ng kalikasan at pagkaubos ng likas na yaman.

Sa araling ito, ating tatalakayin ang mga hamon na dulot ng consumerism at iba’t ibang

pinagkukunan ng enerhiya sa pagkamit ng sustainable development.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga

kasalukuyang hamon sa pagtamo ng sustainable development.

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Ang paggamit ng clean energy, katulad ng enerhiya mula sa ihip ng hangin, ay isa sa

mga paraan na maaaring makatulong sa pagkamit ng sustainable development.

Gamit ang larawang ito bilang inspirasyon, magsulat ng isang talata tungkol sa iba

pang mga paraan na maaaring makatulong sa pagkamit ng energy sustainability.

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________________

Subukan Natin

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Ang Consumerism

Ang consumerism o konsumerismo ay isang

teorya o ideolohiyang panlipunan at aspektong

pang-ekonomiya ng kapitalismo kung saan ang

sukatan ng isang sibilisadong lipunan ay naaayon

sa laganap na pagbebenta, pamimili, at

pagpapaikot ng pera sa ekonomiya. Sa pananaw

na ito, ang mga mamamayan ay malalayang

nakapamimili ng mga produkto at serbisyo sa

merkado.

Para sa mga kritiko ng consumerism, ang konsepto ay ipinalalagay na pang-ekonomiyang

materyalismo at makasariling pag-uugali. Ito ay itinuturing na walang kabuluhan at

maaksayang paggamit ng salapi at mga likas na yaman. Halimbawa, ang mga pambalot ng

mga produkto na ginagamit na panghikayat sa mamimili ay agaran ding itatapon at iiimbak

lamang sa mga landfill.

Ang pag-unlad ng teknolohiya ay maituturing

na dulot at epekto ng konsumerismo.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• ideolohiyang panlipunan –

mga palagay o paniniwala na

maaaring maglarawan ng

kaugalian o kultura ng isang

lipunan

• landfill – imbakan ng basura,

kung saan tinatabunan ang

basura ng lupa

• fossil fuels - pinagkukunan ng

enerhiya, katulad ng uling at

gasolina, na mula sa mga labi

ng mga organismo

• global warming – pagtaas ng

temperatura ng atmospera ng

daigdig

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Sa Pilipinas, ang consumerism ay binabatikos dahil sa epekto nito sa bansa.

Halimbawa, ang pagtambak dito ng mga basurang mula sa mauunlad na bansang katulad

ng Hapon at Canada ay epekto ng labis na consumerism sa mauunlad na bansang ito.

Ang consumerism ay balakid sa sustainable development dahil ito ang isa sa mga sanhi kung

bakit naisasantabi ang maraming banta sa kalikasan tulad ng climate change, kasalatan sa

tubig, at pagkawala ng mga halaman, hayop at iba pang maybuhay.

Energy Sustainability Ang energy sustainability ay ang

pagtugon sa pangangailangan sa

enerhiya ng kasalukuyang henerasyon

na hindi magkukompromiso sa

kakayahan ng mga susunod na

henerasyon na matugunan ang

kanilang pangangailangan sa enerhiya.

Upang makamit ang energy

sustainability, kailangang suriin ang

mga maaaring maging epekto ng

pinagkukunan ng enerhiya ng

kasalukuyang henerasyon sa

kapaligiran.

Sa kasalukuyan, laganap ang paggamit

ng fossil fuels (karaniwang may

kasamang karbon, langis, at natural na

gas) bilang tagatustos ng enerhiya. Ang

pagsusunog o paggamit ng fossil fuels ay nagdudulot ng pagpapakawala ng carbon dioxide

sa atmospera. Ang carbon dioxide ay greenhouse gas na nagdudulot ng global warming.

Hindi matitiyak ng paggamit ng fossil fuels ang energy sustainability ng mga bansa dahil,

bukod sa banta sa kalusugan at kalidad ng buhay, ito ay limitado at hindi nagagamit sa

lahat ng panig ng mundo. Isang mabigat na pasanin ng daigdig ang fossil fuels dahil sa

negatibong epekto nito sa kalikasan, kapaligiran, at karagatan.

Ang paggamit ng uling (isang halimbawa ng fossil

fuel) ay nagudulot ng pagpapakawala ng carbon

dioxide sa atmospera.

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Sanhi ng malawakang polusyon, ang

paggamit ng fossil fuels ay maaaring

kumitil ng maraming buhay. Upang

matamo ang sustainable development,

kailangang may ligtas na

mapagkukunan ng enerhiya sa

pangmatagalang panahon.

Ang ilang halimbawa ng mga

alternatibong maaaring pagkunan ng

enerhiya na hindi nakapipinsala sa

kalikasan ay ang enerhiya mula sa

hangin (wind energy), init sa ilalim ng

lupa (geothermal energy), alon (wave

energy), agos ng tubig (hydroelectric

energy), at sinag at init ng araw (solar

power).

Ang mga alternatibong uri ng enerhiya ay tinatawag ding malinis na enerhiya (clean energy)

dahil halos walang greenhouse gases ang napakakawalan sa atmospera sa paggamit ng

mga ito. Dahil hindi nagdudulot ng polusyon ang mga alternatibong uri ng enerhiya,

nakatutulong din ang paggamit nito sa pagpapabuti ng kalusugan at pagpapahaba ng

buhay ng tao. Hindi din nauubos ang pinagkukunan ng clean energy dahil nagmumula ito

sa mga likas na proseso ng daigdig.

Mga solar panel na ginagamit sa pangongolekta ng

solar power.

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Ibigay ang mga hinihingi.

a. Magbigay ng mga kritisimo sa consumerism.

1. ____________________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________________

b. Magbigay ng mga kritisimo sa paggamit ng fossil fuels.

1. ____________________________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________________________

c. Magbigay ng mga halimbawa ng alternatibong enerhiya.

1. ____________________________________

2. ____________________________________

3. ____________________________________

4. ____________________________________

5. ____________________________________

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang consumerism?

2. Ano ang energy sustainability?

3. Paano ito naging hadlang sa sustainable development?

Suriin Natin

Sagutin Natin

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng bawat indibiduwal upang maibsan ang epekto

ng consumerism sa ating kapaligiran?

Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang uri ng alternatibong enerhiya na maaaring gamitin ng

Pilipinas batay sa mga likas na yaman nito. Magbigay ng mga halimbawa ng pagkukunan

ng mga ito sa bansa. Gumawa ng isang PowerPoint presentation at ipakita ang detalyadong

resulta ng iyong pananaliksik.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantay

an

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon

na ibinigay

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailangan

pa ng

kaukulang

impormasyon

Maraming

detalye ang

isinaad; may

isa o dalawang

halimbawa na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng

tamang

detalye at

maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag

ang mga

halimbawang

ibinigay

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa

sa guro

Tinapos ang

gawain ngunit

hindi

sinikap na

mapaganda pa

itong lalo

Tinapos ang

gawain na may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

Tinapos ang

isang

napakagandan

g gawian na

may

masidhing

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

pagandahin

pang lalo

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay Hindi

naipapakita

ang pagnanais

na

mapaghusay

ang

isinumiteng

gawain

Nagpapakita

ng

pagnanais na

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa

ng kaunting

pagsasanay

Nagpapakita

ng husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon

ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

dalawang

linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay bago

pa ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Aralin 3

Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable

Development: Poverty at Health Inequalities

Ang kahirapan ay isa sa mga suliranin ng lipunan na mahirap malutas.

Ang kahirapan ay kadalasang pinaniniwalaang dulot lamang ng kakulangan ng pera, ngunit

hindi nailalarawan ng pananaw na ito ang kabuuang karanasan ng mga nabubuhay sa

kahirapan. Ang kahirapan ay nakaaapekto sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng tao.

Sa araling ito, ating tatalakayin ang poverty o kahirapan, ang kaugnay na isyu ng health

inequality, at ang relasyon ng mga ito sa sustainable development.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga

kasalukuyang hamon sa pagtamo ng sustainable development.

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Pagnilayan ang mga epekto ng kahirapan. Isulat ang mga epekto nito sa sumusunod

na talangguhit.

Poverty o Kahirapan

Subukan Natin

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Kahirapan o Poverty Ayon sa World Bank ang mga nasa kalagayan

ng kahirapan ay nakararanas ng pagkagutom,

kawalan ng tirahan, madalas na karamdaman,

kawalan ng kakayahang magpagamot sa

doktor, kawalan ng pagkakataong mag-aral,

kawalan ng hanapbuhay, pamumuhay lamang

sa kasalukuyan, at pagkakaroon ng takot sa

hinaharap.

Maraming mukha ang kahirapan. Nagbabago ito batay sa lugar at panahon at maaari itong

mailarawan sa iba’t ibang paraan. Kadalasan, ang kahirapan ay sitwasyon o kalagayang

nais takasan ng mga tao.

Ang kahirapan ay patuloy na nararanasan ng maraming Pilipino, kung kaya’t nakiisa ang

Pilipinas sa pagpapatupad ng Millennium Development Goals (MDG) noong taong 2000

hanggang 2015. Upang patuloy na maibsan ang kahirapan sa Pilipinas, patuloy pa rin ang

pagtataguyod ng bansa sa bagong Sustainable Development Goals (SDG) para sa taong 2030.

Ang kawalan ng maayos na tirahan o

homelessness

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• graft and corruption – ang

paggamit ng yaman ng bayan

at posisyon sa pamahalaan

para sa pansariling kapakanan

• salik – kadahilanan o sangkap

na nagdudulot ng isang

kalagayan

• malnutrisyon – isang kalagayan

na dulot ng hindi tamang

pagkain

• sanitasyon – pagkakaroon ng

proseso at pasilidad para sa

ligtas na pagtapon ng basura at

dumi

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Maraming kondisyon, kalagayan, at hamon ng kahirapan na nagsisilbi ding hadlang

sa pagtamo ng sustainable development:

1. Mababang kalidad ng edukasyon

Kadalasan, ang mga paaralan na maaaring pasukan ng mahihirap ay nagkukulang sa

kagamitan at pasilidad. Maaari ring nagkukulang sa kasanayan ng mga guro

sapagkat hindi sapat ang mga pagkakataon upang malinang ang kanilang kaalaman.

Kung kaya naman, kadalasang nahihirapan din ang mahihirap na makatapos sa pag-

aaral at makakuha ng maayos na trabaho.

2. Kakulangan ng mga trabaho

Nakabatay sa kalagayan ng ekonomiya at kalakalan ang pagkakaroon ng trabaho ng

mga mamamayan ng isang bansa. Kapag hindi matatag ang kalagayan ng

ekonomiya, maaari itong magdulot ng kawalan ng trabaho. Sa mga panahong

nangyayari ito, nahihirapan ang mga walang trabaho na matugunan ang

pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

3. Talamak na graft and corruption

Malaki ang kinalaman ng graft and corruption sa kahirapan. Kapag laganap ang mga

ito, hindi nagagamit at naipamamahagi nang maayos ang yaman ng bayan para sa

pagpapaunlad ng pamumuhay ng bawat mamamayan.

4. Mga natural na kalamidad

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga

bansang laging tinatamaan ng mga

kalamidad. Ang mga kalamidad katulad

ng bagyo, pagputok ng bulkan, at lindol

ay nagdudulot ng pagkasira ng mga

tahanan, ari-arian, at kabuhayan.

5. Paglaki ng populasyon

Ang population growth rate ng Pilipinas

ay 2.36% kada taon. Ang mabilis na

pagtaas nito ay nagdudulot ng

suliranin sa pagtugon sa

pangangailangan ng lumalaking

populasyon gamit ang mga

pampublikong serbisyo sa kalusugan,

edukasyon, suplay ng tubig, at marami

pang iba.

Ang malalakas na bagyo sa Pilipinas ay

nagdudulot ng pagkasira na naghahalagang

milyun-milyong piso.

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Ang kahirapan ay isang panawagang kailangan tugunan ng lahat. Ang bawat tao ay

kinakailangang tumulong upang mabawasan ang nakararanas ng pagkagutom, kawalan ng

pagkakataon, at kawalan ng katiyakan sa hinaharap.

Health Inequalities

Ang health inequality o health inequities ay tumutukoy sa hindi pagkakapantay-pantay ng

kalagayan ng kalusugan ng mga tao o grupo dahil sa pagkakaiba ng antas sa lipunan,

lokasyon, o salik na biyolohikal (biological). Dahil sa pagkakaibang ito, ang ibang tao ay

nabubuhay ng mas matagal at mas nakaiiwas sa sakit kaysa sa iba.

Ang panlipunan at pang-ekonomiyang

kalagayan ay kabilang sa mga kondisyon na

maaaring magtukoy ng mga karamdaman na

kadalasang nararanasan ng isang grupo ng

tao. Ang mahihirap na bahagi ng lipunan ay

mas madalas na nakararanas ng

malnutrisyon, tuberculosis, malaria, HIV at

AIDS, nakahahawang sakit, at maagang

pagkamatay. Marami sa mga sakit na ito ay

dulot ng kakulangan sa pagkain at

sanitasyon. Samantala, ang mayayaman sa

lipunan ay madalas namang nakararanas ng

mga sakit na kaugnay sa pamumuhay

(lifestyle diseases), katulad ng sakit sa puso,

stroke, diabetes, at obesity. Bukod sa

pagkakaiba sa uri ng mga karamdamang

nararanasan, malaki din ang pagkakaiba ng iba’t ibang antas ng lipunan sa pagkakataon

upang magpagamot (access to healthcare).

Ang mga tao ay nauuri ayon sa kita, edukasyon, trabaho, kasarian, lahi, at iba pang salik.

Ang panlipunang pag-uuri o hirarkiyang ito ay nakaaapekto sa kalagayan ng mga tao lalo

na sa usaping pangkalusugan. Ang mga hamon sa health inequalities ay may malaking

epekto sa pagtamo ng sustainable development dahil iilan lamang ang pagkakataon na

magpanatili ng mabuting kalusugan.

Ang mataas na presyo ng gamot at

pagpapatingin sa duktor ang ilan sa mga

dahilan ng kawalan ng pagkakataon ng mga

mahihirap na magpagamot.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Ipagtugma ang mga sanhi sa HANAY A sa mga bunga sa HANAY B.

HANAY A (SANHI) HANAY B (BUNGA)

_______1. Talamak na graft and corruption A. Suliranin sa pagtugon ng

pangangailangan ng populasyon

_______2. Kawalan ng trabaho B. Malnutrisyon, nakahahawang sakit,

madalas na karamdaman

_______3. Kakulangan ng pagkain at

sanitasyon

C. Pagkasira ng ari-arian, tahanan, at

kabuhayan

_______4. Natural na kalamidad D. Pagbagsak ng mga kumpanya at

kawalan ng trabaho

_______5. Hindi matatag na ekonomiya E. Mas mabuting kalusugan para sa

ilang grupo kaysa sa iba

_______6. Mataas na presyo ng gamot at

serbisyo ng duktor

F. Paghihirap na matugunan ang

pangangailangan ng pamilya

_______7. Mababang kalidad ng edukasyon G. Kawalan ng pagkakataon ng

mahihirap na magpagamot

_______8. Paglaki ng populasyon H. Paghihirap sa pagtatapos ng pag-

aaral at pagkuha ng trabaho

_______9. Paghihirap na matugunan ang

pangangailangan sa kasalukuyan

I. Pagkawala ng yaman ng bayan para

sa pagpapunlad ng buhay ng

mamamayan

_______10. Pagkakaiba ng mga grupo sa

access to healthcare

J. Kawalan ng katiyakan at takot sa

hinaharap

Suriin Natin

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang poverty o kahirapan?

2. Ano ang health inequalities?

3. Paano ito nakakaapekto sa mga mamamayan?

Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng pamahalaan para matugunan ang mga suliranin

ng kahirapan at health inequality upang makamit ang sustainable development?

Magsaliksik tungkol sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong malutas ang

kahirapan. Magbigay ng halimbawa ng mga programa at magbigay ng maikling paliwanag

ukol sa mga programang ito. Itala ang iyong natuklasan sa sumusunod na talahanayan:

Aspeto ng

Kahirapan Programa ng Pamahalaan

Pagkagutom

Kawalan ng Tirahan

Madalas na

Karamdaman at

Kawalan ng

Kakakayahang

Magpagamot

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Kawalan ng

Pagkakataong Mag-

aral

Kawalan ng

Hanapbuhay

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

n Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon

na ibinigay

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailangan

pa ng

kaukulang

impormasyon

Maraming

detalye ang

isinaad; may

isa o dalawang

halimbawa na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng

tamang

detalye at

maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag

ang mga

halimbawang

ibinigay

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa

sa guro

Tinapos ang

gawain ngunit

hindi

sinikap na

mapaganda pa

itong lalo

Tinapos ang

gawain na may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

pagandahin

pang lalo

Tinapos ang

isang

napakagandan

g gawian na

may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanaya

n/ Husay

Hindi

naipapakita

ang pagnanais

Nagpapakita

ng

pagnanais na

May angking

husay sa

paggawa;

Nagpapakita

ng husay at

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

na

mapaghusay

ang

isinumiteng

gawain

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

kailangan pa

ng kaunting

pagsasanay

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon

ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

dalawang

linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay bago

pa ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Aralin 4

Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable

Development

s Pagpaplano ng estratehiya upang makamit ang sustainable development

Ang pagkamit ng sustainable development ay nangangailangan ng matinding pagpaplano at

pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan. Ang magandang plano para sa sustainable

development ay nagbibigay-halaga sa mga ambag ng iba’t ibang aktor, katulad ng

pamahalaan, mga NGO, at mga mamamayan.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga estratehiya at polisiya sa pagtamo ng sustainable

development.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang

• napaghahambing ang iba’t ibang istratehiya at polisiya na may kaugnayan sa

pagtamo ng sustaibale development na ipinatutupad sa loob at labas ng

bansa; at

• nakasusulat ng isang case study na nakatuon sa pagtamo ng sustainable

development ng kinabibilangang pamayanan.

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Pumili ng isang aspeto ng sustainable development (hal. pangangalaga ng kalikasan,

gender equality, pagwakas sa kahirapan, etc.). Gumawa ng step-by-step na plano

upang makamit ito.

Hakbang 3Hakbang 2Hakbang 1

Subukan Natin

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Mga Estratehiya sa Pagkamit ng

Sustainable Development

Noong 2002, ang UN Department of Economic

and Social Affairs ay gumawa ng patnubay para

sa paghahanda ng mga sustainable

development strategy. Ito ay nakabatay sa

limang prinsipyo:

1. integrasyon ng layuning pang-

ekonomiya, panlipunan, at

pangkapaligiran at pagbabalanse nito sa

mga sektor, mga teritoryo, at mga

henerasyon;

2. paninigurado ng malawak na

partisipasyon at epektibong pagsasama-

sama;

3. pagsusulong ng pag-aangkin at

pagtatalaga sa mga programa;

4. paghuhubog ng kakayahan at ng

isang kapaligirang nakahahalina; at

5. pagbibigay ng tuon sa resulta at

implementasyon.

Batay sa limang prinsipyong ito, narito ang

mga kongkretong polisiya at estratehiya

para sa pagtamo ng sustainable development:

Integrasyon ng mga Polisiya

Ang sustainable development ay nakatuon sa

pagbabalanse ng mga layuning pang-

ekonomiya, pangkapaligiran, at panlipunan

para sa kasalukuyan at hinaharap.

Maipatutupad ang integrasyon na ito sa

pamamagitan ng pagsasagawa ng mga

programang maaaring magdulot ng pag-unlad sa lahat ng mga nasabing larangan.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• integrasyon – pagsasama-sama

• time frame – panahon ng

pagpapatupad

• institusyon – organisasyon na

itinatag para sa isang layunin

• stakeholder – isang partida na

mayroong interes sa isang isyu

• quantitative indicator – mga

panukat na madaling bilangin o

subaybayan

Ang pagtutulungan ng mga sektor ng lipunan

ay isa sa mga susi sa pagkamit ng sustainable

development.

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Malayuang Pananaw sa Polisiya

Mahalaga rin ang pagbabalanse sa pangangailangan ng kasalukuyan at susunod na

salinlahi. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng paglikha ng mga programa at mga

polisiya na pangmatagalan ang makukuhang benepisyo. Ang ilang bansa ay bumuo ng

mga polisiyang may mahabang time frame.

Pagsusuri at Pagtataya

Ang pagsusuri ay mahalagang sangkap sa pagbabalanse ng mga layuning

pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkapaligiran. Kailangang patuloy ang pananaliksik at

pag-aaral ukol sa mga paraan na maaaring gawin upang mabigyang-diin ang bawat

larangan.

Pagtutulungan ng mga Institusyon

Malaki ang tungkulin ng mga namumuno, mga institusyon, at pagkakaisa ng mga

ahensiyang ito sa pagtamo ng sustainable development ng bawat bansa. Upang matiyak ang

tagumpay ng mga programa para sa sustainable development, kailangang malinaw ang

layunin ng mga programa at ang papel ng bawat institusyon sa lahat ng antas ng

pamahalaan.

Ang ugnayan ng bawat institusyon ng pamahalaan ay

mahalaga sa matagumpay na pagpapatupad ng mga

programa.

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

Panlokal na Pamamahala

Ang mga pangunahing prinsipyo at direksiyon ay dapat inilalahad ng pambansang

pamahalaan. Ang mas detalyadong pagpaplano, implementasyon, alokasyon ng yaman, at

pagsubaybay ay tungkulin ng ibang mga antas ng pamahalaan na napapasailalim sa

pambansang pamahalaan.

Partispasyon ng mga Stakeholder

Ang aktibong pagsali ng mga stakeholder katulad ng mga negosyante, unyon ng mga

manggagawa, NGO, at mga katutubo sa mga pagbabago at implementasyon ng mga

pambansang estratehiya para sa sustainable development ay likas na katangian ng isang

magandang polisiya. Kinakailangang iugnay ang mga gawain ng bawat stakeholder upang

maiwasan ang kumpetisyon at pag-uulit ng mga gawain.

Mga Indicator at Target

Ang paglalagay ng mga quantitative indicator at target ay mahalaga at nakatutulong sa

pag-alam ng tunay na kalagayan o sitwasyon. Mahalaga din ang mga indicator at target sa

pagsukat ng epekto ng mga programa at polisiyang ipinapatupad.

Kailangang suriing mabuti ang lahat ng impormasyon sa

pagsasagawa ng plano para sa sustainable development.

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Pagmamasid at Pagtataya

Ang mga pambansang estratehiya para sa sustainable development ay dapat nagbabago at

umuunlad habang dumarami ang impormasyon tungkol sa prayoridad, teknolohiya, at

polisiya upang mapagtagumpayan ang mga problema.

Ang Estratehiya ng Pilipinas Ang layunin ng Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD) ay matamo ang

malago o maunlad na ekonomiyang may sapat na proteksiyon sa yamang biyolohikal, mga

ecosystem, at pangkalahatang kalidad ng kapaligiran.

Ang mga estratehiya ay binubuo ng:

✓ integrasyon ng pangkapaligirang konsiderasyon sa pagbuo ng desisyon

✓ wastong pangangalaga ng mga likas na yaman

✓ reporma sa property rights o karapatan sa mga ari-arian

✓ rehabilitasyon ng masamang-lagay ng ecosystem

✓ pagpapatatag ng residual management sa industriya (pagkontrol sa polusyon)

✓ integrasyon ng mga pampopulasyong malasakit at kagalingang panlipunan sa

pagpaplano

✓ paghikayat ng pag-unlad sa mga pook-rural

✓ pagtataguyod ng pangkapaligirang kaalaman

✓ pagpapatatag ng pakikilahok ng mga mamamayan

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Magbigay ng maiksing paliwanag para sa sumusunod na estratehiya para sa

sustainable development.

Estratehiya Paliwanag

Integrasyon ng mga

Polisiya

Malayuang Pananaw

sa Polisiya

Pagsusuri at

Pagtataya

Pagtutulungan ng

mga Institusyon

Panlokal na

Pamamahala

Partispasyon ng mga

Stakeholder

Mga Indicator at

Target

Pagmamasid at

Pagtataya

Suriin Natin

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

36

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga estratehiya para sa sustainable development?

2. Bakit nagsagawa ng United Nations ng ganitong estratehiya?

3. Ano ang estratehiya ng Pilipinas para sa sustainable development?

Paano kaya magiging epektibo ang mga nabanggit na estratehiya para sa ikakaunlad ng

sustainable development sa daigdig?

Magsaliksik tungkol sa Philippine Strategy for Sustainable Development at sa patnubay ng UN

Department of Economic and Social Affairs sa paghahanda ng mga sustainable development

strategy. Gumawa ng venn diagram na magpapakita ng pagkakaiba at pagkakapareha ng

PSSD at ng patnubay ng UN.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

37

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan

pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon na

ibinigay

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailangan

pa ng

kaukulang

impormasyon

Maraming

detalye ang

isinaad; may isa

o dalawang

halimbawa na

hindi lubusang

naipaliwanag

Puno ng tamang

detalye at maayos

na ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag ang

mga

halimbawang

ibinigay

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa sa

guro

Tinapos ang

gawain ngunit

hindi

sinikap na

mapaganda

pa itong lalo

Tinapos ang

gawain na may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

pagandahin

pang lalo

Tinapos ang isang

napakagandang

gawian na may

masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipapakita ang

pagnanais na

mapaghusay ang

isinumiteng

gawain

Nagpapakita

ng

pagnanais na

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa ng

kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay sa loob

ng

dalawang linggo

matapos ang

itinakdang petsa

ng pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

loob ng

isang linggo

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kaniyang

sanaysay sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

kaniyang

sanaysay bago pa

ang

itinakdang petsa

ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 38: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

38

Ayon sa estadistika, ang kalagayan ng

kahirapan sa Pilipinas ay bumaba sa

27.9% noong 2012 mula sa 28.6%

noong 2009. Bagama't bumaba na ang

populasyon ng mga nabubuhay sa

kahirapan, mahigit 26 milyong Pilipino

pa rin ang nabubuhay sa kahirapan

noong 2015.

Hindi pantay-pantay ang saklaw ng

kahirapan sa bansa. Mas mataas ang

populasyon ng nabubuhay sa

kahirapan sa ilang mga rehiyon. Ang

Autonomous Region in Muslim

Mindanao (ARMM) ang mayroong

pinakamataas na populasyon ng

mahihirap, samantalang ang Metro Manila ang may pinakamaliit na populasyon ng

mahihirap.

Bumuo ng tatlong grupo. Ang bawat grupo ay magsasagawa ng isang Powerpoint

presentation tungkol sa mga sustainable development program ng sumusunod:

1. Mga internasyunal na organisasyon (INGO)

2. Pamahalaan ng Pilipinas

3. Mga non-governmental organization (NGO)

Pagkatapos ng inyong paghahayag ukol sa napiling paksa sa harap ng klase, talakayin kung

paano nagkakaugnay ang mga sustainable development program ng bawat grupo. Talakayin

rin ang mga paraan kung paano magtutulungan ang grupo (mga INGO, ang pamahalaan,

at mga NGO) upang mas matagumpay na makakamit ang sustainable development.

Karagdagang Kaalaman

Pagyamanin Natin

Marami sa mahihirap na Pilipino ang naninirahan sa

tahanang hindi matatag.

Page 39: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

39

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Pag-unawa

sa Paksa/

Gawain

Karamihan sa

mga

impormasyong

inilahad ay

hindi tama

Ang

pagtatanghal

ay hindi

tumutugma sa

paksa o

gawain

Karamihan sa

mga

impormasyong

inilahad ay

tama

Nagpapakita ng

pag unawa sa

paksa o gawain

Halos lahat

ng imporma

yong inilahad

ay tama

Nagpapakita

ng tamang

pag-unawa sa

paksa o

gawain

Tama ang mga

impormasyong

inilahad

Nagpapakita ng

ganap na pag-

unawa sa

paksa o gawain

Kooperasyon

ng mga

Kasapi ng

Pangkat

Hindi

nagtutulungan

ang mga

kasapi para sa

kanilang

gagawing

pagtatanghal

Isang tao

lamang ang

gumagawa

para sa

pagtatanghal

Ang mga kasapi

ay may kani-

kaniyang ideya

at hindi

magkasundo sa

dapat nilang

gawin

Ilang kasapi

lamang ang

nagaambag

para sa

pagtatanghal

Ang mga

kasapi ay

tumatanggap

ng ideya nang

hindi

nagbibigay ng

negatibong

komento at

sinusubukang

magkasundo

sa dapat

gawin

Karamihan sa

mga kasapi

ay nagbibigay

ng ambag sa

Ang mga kasapi

ay

tumatanggap

ng ideya ng

isa’t isa at

nagkakasundo

as dapat gawin

Lahat ng kasapi

ay may ambag

sa pagbuo ng

presentasyon

Page 40: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

40

pagbuo ng

presentasyon

Presentasyon Kulang ang

halimbawa at

walang

karagdagang

impormasyon

na ibinigay

Tila hindi

nakapaghanda

ang mga

miyembro ng

grupo

May iilang

detalye

lamang; may

ibang bahagi

na

kinakailangan

pa ng

kaukulang

impormasyon

Nakasalalay

ang mga

miyembro sa

mga kodigo at

hindi

nakapaglalahad

ng likas

Maraming

detalye ang

isinaad; may

isa o

dalawang

halimbawa

na hindi

lubusang

naipaliwanag

Hindi

gaanong

nakasalalay

ang mga

miyembro sa

mga kodigo

Puno ng

tamang detalye

at maayos na

ipinahayag,

inilarawan, at

ipinaliwanag

ang mga

halimbawang

ibinigay

Hindi

gumagamit ng

mga kodigo

ang mga

miyembro at

nakapaglalahad

sila ng likas

KABUUAN

Page 41: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

41

Ang Sustainable Development

Konsepto ng Sustainable Development

Kahulugan ng Sustainable Development

Kasaysayan ng Paghubog sa Sustainable Development

Kaugnayan ng mga Gawain at Desisyon sa Pagbabaong

Pangkapaligiran

Mga Hamon sa Sustainable Development

Consumerism

Energy Sustainability

Poverty

Health Inequalities

Mga Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable Development

Mga Estratehiya sa Pagkamit ng Sustainable

Development

Mga Estrahiya ng Pilipinas

Paglalagom

Page 42: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

42

Ang sumusunod na video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o

mas malalim na pagtalakay:

• A Look at Sustainable Development Goals ng United Nations Foundation

(https://www.youtube.com/watch?v=5G0ndS3uRdo)

• What is Poverty? ng Tearfund

(https://www.youtube.com/watch?v=U5qig9HIJ7k)

• History: Consumerism ng The School of Life

(https://www.youtube.com/watch?v=Y-Unq3R--M0)

DAPAT TANDAAN

• Ang sustainable development ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga

pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso

ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang

pangangailangan.

• May mga hamon sa pagtatamo ng sustainable development katulad ng

consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities.

• Ang mga desisyon at gawaing pang-indibiduwal, pampamayanan,

pambansa, at pandaigdig ay may malaking epekto sa pagbabago ng

kapaligiran. Bawat gawain at pagpapasya ay may epekto sa ikagaganda o

ikasisira ng kapaligiran.

Dagdag Sanggunian

Page 43: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

43

Aralin 1: Ang Konsepto ng Sustainable Development

Subukan Natin

1. 3

2. 5

3. 7

4. 4

5. 14

6. 16

7. 13

Suriin Natin

1. Mali

2. Tama

3. Tama

4. Tama

5. Mali

6. Tama

7. Tama

8. Tama

9. Mali

10. Tama

Aralin 2: Mga Hamon sa Pagtugon ng Sustainable Development:

Consumerism at Energy Sustainability

Subukan Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Suriin Natin

A.

1. Ito ay ipinalalagay na pang-ekonomiyang materyalismo at makasariling pag-uugali.

2. Ito ay itinuturing na walang kabuluhan at maaksayang paggamit ng salapi at mga

likas na yaman.

B.

1. Ang paggamit nito ay nagdudulot ng global warming.

2. Ang paggamit nito ay may masamang epekto sa kasulugan.

3. Ang fossil fuels ay limitado at hindi nagagamit sa lahat ng panig ng daigdig.

Gabay sa Pagwawasto

Page 44: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

44

C.

1. wind energy

2. geothermal energy

3. wave energy

4. hydroelectric energy

5. solar power

Aralin 3: Mga Hamon sa Pagtugon ng Sustainable Development: Poverty at

Health Inequalities

Subukan Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Suriin Natin

1. I

2. F

3. B

4. C

5. D

6. G

7. H

8. A

9. J

10. E

Aralin 4: Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable Development

Subukan Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Suriin Natin

Estratehiya Paliwanag

Integrasyon ng mga

Polisiya

Pagbabalanse ng mga layuning pang-ekonomiya,

pangkapaligiran, at panlipunan para sa kasalukuyan at hinaharap

Malayuang Pananaw

sa Polisiya

Pagbabalanse sa pangangailangan ng kasalukuyan at susunod na

salinlahi sa pamamagitan ng paglikha ng mga programa at mga

polisiya na pangmatagalan ang makukuhang benepisyo

Page 45: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 10, YUNIT 7 Ang Sustainable

Copyright © 2018 Quipper Limited

45

Pagsusuri at

Pagtataya

Pananaliksik at pag-aaral ukol sa mga paraan na maaaring gawin

upang mabigyang diin ang mga larangang pang-ekonomiya,

panlipunan at pangkapaligiran

Pagtutulungan ng

mga Institusyon Pakikipagtulungan ng mga institusyon ng pamahalaan

Panlokal na

Pamamahala

Paglahad ng direksyon ng pambansang pamahalaan at ang

pagpaplano, implementasyon, alokasyon ng yaman, at

pagsubaybay ng mga institusyon na napapasailalim dito

Partispasyon ng mga

Stakeholder

Aktibong pagsali ng mga stakeholder katulad ng mga negosyante,

unyon ng mga manggagawa, NGO, at mga katutubo

Mga Indicator at

Target

Pagkakaroon ng panukat sa kalagayan ng sustainable development

at mga bunga ng mga programa at polisiya upang makamit ito

Pagmamasid at

Pagtataya

Pagbabago at pagpaunlad ng mga estratehiya para sa sustainable

development alinsunod sa pagbabago ng panahon

“Clean Energy.” Union of Concern Scientists. Accessed from https://www.ucsusa.org/clean-

energy.

Gould, W. Population and Development. New York: Routledge, 2009.

Miller, G. T., Jr. Environmental Science (Tenth ed.). Singapore: Thomson Learning Asia, 2005.

Singh, Ajai R. & Singh, Shakuntala A. “Diseases of Poverty and Lifestyle, Well-being and

Human Development.” US National Library of Medicine National Institutes of Health.

Accessed from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3190550/.

Van der Borgh, J. C., & Van der Straaten, J. (Eds.). Toward Sustainable Development - Concepts,

Methods and Policy. Washington, D.C.: Island Press, 1994

Sanggunian