41
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 FILIPINO Baitang 5 Yunit 4 Balita mula sa Pambansang Komisyon para sa Kababaihan Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 6 Aralin 1: Bar Graph, Pie Graph, at Talahanayan 6 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kasalungat 15 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 3: Panghalip: Panaklaw at Pamatlig 21 Layunin Natin Pag-aralan Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 4: Pagsulat ng Patalastas 28 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin

Baitang 5 Yunit 4 Balita mula sa Pambansang Komisyon para

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

FILIPINO Baitang 5 Yunit 4

Balita mula sa Pambansang Komisyon para sa Kababaihan

Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 6 Aralin 1: Bar Graph, Pie Graph, at Talahanayan 6 Layunin Natin

Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kasalungat 15 Layunin Natin

Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 3: Panghalip: Panaklaw at Pamatlig 21 Layunin Natin

Pag-aralan Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 4: Pagsulat ng Patalastas 28 Layunin Natin

Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Pag-isipan Natin Gawin Natin 33 Paglalagom 35 Dapat Tandaan 36 Pagyamanin Natin 37 Susi sa Pagwawasto 37 Sanggunian 40

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 5 | YUNIT 4

Balita mula sa Pambansang Komisyon para sa Kababaihan

ng mga balita at patalastas ay sadyang mahalaga sa ating buhay sapagkat ito ay

naglalaman ng mga napapanahong pangyayari sa ating lipunan na nararapat maiparating sa ating kaalaman. Ito ay maaaring nakikita, naririnig o nababasa natin sa pahayagan, telebisyon, radyo, at maging sa Internet. Sa pamamagitan nito, nalalaman natin ang mga nangyayari sa ating paligid araw-araw, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng kabatiran sa mga patalastas at balita ay nagiging dahilan upang matuto tayong magtimbang at magsuri sa mga nagagananap sa ating lipunan. Sa kabilang dako, ang mga datos na maaaring makuha mula sa mga balita ay maari mong bigyan ng representasyon sa pamamagitan ng mga graphs kaya naman nais kong malaman kung nasubukan mo na ba itong gamitin? Nagamit mo na rin ba ito para sa pagtalakay ng isang datos at impormasyon? Malaki ba ang naitulong ng paggamit ng graphsat talahanayan sa iyong paksang tinalakay? O kaya naman napansin mo ba na mayroong mga di-pamilyar na salita sa datos at impormasyong iyong tinalakay? Paano mo natukoy ang kahulugan ng mga salitang di-pamilyar? Sa iyong pagpapaliwanag, naging paulit-ulit ba ang paggamit mo sa mga salita, gaya ng pangngalan? Paano mo ito maiiiwasan? Maisusulat mo ba ng isang maikling patalastas ang paksa ng datos at impormasyong nagawan mo ng graph o talahanayan? Paano mo ito gagawin?

A

Click Home icon to go back to Table of Contents

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Sa pamamagitan ng yunit na ito mabibigyang kasagutan natin ang katanungan sa itaas at matatalakay natin ang pagbibigay kahulugan sa bar graph, pie graph, at talahanayan; ang pagtukoy ng kasalungat na kahulugan ng isang salita; ang tamang paggamit ng panghalip, at ang pagsulat ng patalastas.

Basahin Natin

Balita mula sa Pambansang Komisyon para sa Kababaihan

Maynila - Ang Pambansang Komisyon para sa Kababaihan na nagpapatuloy sa kaniyang misyon na maging pangunahing tagapagtaguyod ng mga gawain para sa ikauunlad ng estado ng kababaihan sa buong bansa ay nag-anunsyo kamakailan ng pagkabakante ng mga posisyon ng miyembro ng lupon (board member) nito.Ang lupon ng komisyon ay ang pangunahing tagapagdesisyon at

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

tagapag-apruba ng mga hakbang at gawaing patuloy na magtataguyod at magpapaunlad sa papel ng mga kababaihan sa pag-angat ng bansa. Ang komisyon ngayon ay tumatanggap ng mga nominasyon mula sa publiko, iba-ibang indibidwal, samahan, at sektor ng lipunan upang mapunan ang mga bakanteng posisyon na kakatawan para sa mga sumusunod na sektor:

• Paggawa

• Sining • Kalusugan • Pagnenegosyo • Edukasyon • Kultura • Kabataan • Maralitang Taga-lungsod • Katutubo

Ang hinahanap na kakatawan sa bawat sektor ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod na kwalipikasyon:

• May edad na 18 hanggang 60. • Nakatapos ng sekondarya o higit pa. • May hindi bababa sa tatlong taon na pakikibahagi sa mga gawain,

programa, at organisasyong pangkababaihan. • May hindi matatawarang dedikasyon para sa pagtataguyod ng

kapakanan ng kababaihan. Ang punong-tanggapan ng komisyon ay bukas para sa lahat ng magsusumite ng mga liham ng rekomendasyon at nominasyon hanggang ika-30 ng Hunyo, 2017.

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Aralin 1

Bar Graph, Pie Graph, at Talahanayan

Pag-aralan Natin!

Pag-aralan Natin

Ang graphs at talahanayan ay ginagamit upang maipakita nang may kaayusan ang isa o mga pangkat ng datos o impormasyon upang mas madali itong maintindihan ng mga mambabasa. Sa pamamagitan din nito, magiging

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, nabibigyang kahulugan ang bar graph, pie graph, at talahanayan at nagagamit sa pagtalakay ng mga datos o impormasyon.

Sagutin Natin

1. Ano ang malaking gampanin ng Pambansang Komisyon Para sa Kababaihan sa ating lipunan?

2. Ano ang balitang nais iparating ng Pamabansang komisyon Para sa Kababaihan?

3. Isa-isahin ang kwalipikasyon para sa mga bakanteng posisyon sa bawat sektor.

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

madali ang paghahambing, pagtukoy ng pagtaas o pagbaba, paghahati-hati ng kabuuan ng isang datos.

Ito ay ginagamit kapag ang datos o impormasyong gagamitin ay kailangang paghambingin ang mga sukat o bilang. Pinaghahambing nito ang mga ideya o magkakaugnay na mga ideyang mayroon ang mga datos. Halimbawa:

Bar Graph

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Ito ay ginagamit upang maipakita sa maayos na paraan at madaling maunawaan ang isang pangkat ng datos na naghahati-hati sa isang kabuuan. Sa pamamagitan ng paggamit ng pie graph, madaling nakikita ng mambabasa ang pagkakaparte-parte ng datos na siyang bumubuo sa isang sakto at ganap na sukat.

Pie Graph

Ang bar graph sa itaas ay nagpapakita ng paghahambing sa bilang ng

mga estudyante na nag-aaral sa mga mababang paaralan sa bayan ng

San Matias.

Mapapansin sa bar graph na ang Mababang Paaralan ng Maligaya ang

may pinakamababang populasyon ng estudyante, samantalang sa

Mababang Paaralan ng Matulungin ang may pinakamaraming nag-aaral.

Dahil sa paggamit ng bar graph, ating mapaghahambing o

maikukumpara nang mabilis ang bilang ng mga estudyante sa mga

mababang paaralan ng nasabing lugar.

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Halimbawa:

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Ito ay ginagamit upang mailahad ang datos na may magkakaparehas na mga ideya o impormasyon na inilalagay sa bawat hanay o kolum.

Talahanayan

Ang pie graph sa itaas ay nagpapakita ng pagkakahati-hati ng mga gastusin

ng pamilya Dela Cruz para sa buwan ng Hunyo.

Sa pamamagitan ng pie graph, madali nating matutukoy kung anong gastusin

ang may pinakamalaking parte sa kabuuang budget ng pamilya at ito ay ang

pagkain. Pumapangalawa naman sa laki ng gastusin ang pambayad sa

kuryente at tubig.

Madali rin nating makikita sa pamamagitan ng pag-unawa sa pie graph na

ang pinakamaliit na bahagi ng budget ay napupunta para sa baon ng mga

bata.

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Halimbawa:

Talahanayan ng mga Pangkat sa Klase

Pangalan ng

Pangkat

Pinuno ng Pangkat

Gawain na Itinalaga

Puntos Na Nakamit

Matapang Aljun

Pagtula 40

Malakas Liana

Pagsayaw 45

Masigasig Nesy

Pag-awit 50

Mapagmalasakit Basty

Pagsasadula 35

Makikita sa talahanayan sa itaas na ang mga pangkat ay pare-parehas na

may pangalan, may pinuno, may gawaing itinalaga ng guro, at may puntos

na nakamit. Dahil ang mga pangkat ay may pare-parehas na uri ng mga

datos, nailahad nang maayos ang mga ito sa isang talahanayan.

Sa pamamagitan ng paggamit ng talahanayan, mas madaling makikita ang

mga datos na kailangang malaman ng mga mambabasa gaya ng kung ano

ang pangalan ng bawat pangkat, sino ang pinuno ng bawat pangkat, ang

gawaing itinalaga, at ang puntos na nakamit.

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Subukan Natin

1. Sa papaanong paraan ginagamit ang mga graph at talahanayan? 2. Paano naiiba ang mga gamit ng bar graph, pie graph at talahanayan

sa pagpapakita o presentasyon ng mga datos?

Isaisip Natin

Sa kabuuan, paano nakatutulong ang mga graph at talahanayan sa presentasyon at pagtalakay ng mga datos o impormasyon?

Sagutin Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang bar graph? 2. Ano ang gamit ng isang pie graph? 3. Kailan maaring gamitin ang isang talahanayan?

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Pag-isipan Natin

A. Suriin ang graph at sagutin ang mga katanungan ukol dito.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong gamit ang bar graph.

1. Ilan ang nakuhang mastery levelng mga mag-aaral sa 5-Rizal para sa Unang Markahang Pagsusulit? _______

2. Anong pangkat ang may pinakamataas na mastery level para sa Ikalawang Markahan? ____________

3. Aling pangkat ang may pinakamababang mastery levelpara sa ikatlong Markahan?______________

4. Ilan ang lamang na puntos sa mastery levelng pangkat Rizal sa pangkat Bonifacio para sa Ikaapat na Markahan?_____________

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

5. Sa kabuuan, sino ang may pinakamataas na mastery level sa buong taong-pampaaralan? ____________

B. Gawan ng pie graph ang iyong sariling gastusin sa loob ng isang

linggong pagpasok sa paaralan.

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Aralin 2

Pag-aralan Natin

Kahulugan ng Salita: Kasalungat

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan nito.

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Kasalungat na Kahulugan

• Ito ay tumutukoy sa kabaliktaran na o taliwas na kahulugan nito.

• Maaring tumingin o sumangguni sa tesawro kung nais malaman omatukoy ang kasalungat na kahulugan ng isang salita.

Pamilyar na salita ang mga salitang palagi nating naririnig kaya naman atin na ring ginagamit sa tuwing tayo ay nakikipagtalastasan o nakikipag-usap. Higit nating mauunawaan ang kahulugan ng mga salitang ito sa isang pahayag sa pamamagitan ng pagtukoy ng kasalungat na kahulugan nito. Mga Halimbawa:

• Binalot ng saya ang kaniyang buhay sa nakamit, kahit siya ay namighati dulot ng kamatayan ng kaniyang asawa.

Pamilyar na Salita

Ang salitang saya ay ay isang pamilyar na salita. Ito ay nangangahulugang tuwa o galak. Ang namighati naman ay nangangahulugang pagdadalamhati o matinding pagkalungkot. Batay sa kontekstong kahulugan, matutukoy nating ang salitang namighati ay kasalungat na kahulugan ng pamilyar na salitang saya.

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

• Mas pipiliin niya pang mamatay nang isang dukha lamang kaysa ang maging mayaman na nakakatapak ng pagkatao ng iba.

• Lumaki siyang mabait na bata kahit na ang kaniyang mga magulang ay naging suwail na anak sa kaniyang mga lolo at lola.

Ito ay mga salitang bihira nating marinig kaya naman hindi natin madalas ginagamit sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap. Kaya naman upang

Ang salitang mayaman ay nangangahulugang may kaya o nakaaangat sa buhay, ito ay isang pamilyar na salita. Samantalang ang salitang dukha naman ay nangangahulugang maralita o mahirap lamang. Batay sa kontekstong kahulugan mula sa pangungusap, matutukoy nating ang salitang dukha ay kasalungat na kahulugan ng pamilyar na salitang mayaman.

Ang salitang mabait ay isang pamilyar na salita nangangahulugang mabuti o hindi gumagawa ng masama. Samantalang ang salitang suwail naman ay nangangahulugang matigas ang ulo o pasaway. Batay sa kontekstong kahulugan mula sa pangungusap, matutukoy nating ang salitang suwail ay kasalungat na kahulugan ng pamilyar na salitang mabait.

Di-pamilyar na Salita

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

madaling matukoy ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita ay maaari nating gamitin ang kasalungat na kahulugan ng mga ito. Mga Halimbawa:

• Sa gitna ng kasalatan sa buhay, ang mga anak niya ang itinuring niyang kayamanan.

• Ang kababaang loob na kaniyang ipinakita ang higit na nag-angat sa kaniya sa tagumpay, sa kabila ng paghila sa kaniya ng mayayabang na nanlait sa kaniyang pagkatao.

Ang salitang kasalatan ay nangangahulugang kahirapan. Maaari natin itong maituring na di-pamilyar na salita, sapagkat ang madalas nating ginagamit ay kahirapan o kaya ay kakulangan. Batay sa pangungusap, kunin natin ang kasalungat nitong kahulugan. Ang salitang kayamanan ay nangangahulugang kasaganaan. Kung gayon, magkasalungat ang kahulugan ng salitang kasalatan at kayamanan.

Ang salitang kababaang loob ay nangangahulugang mapagkumbaba. Ito ay di-pamilyar na salita sapagkat hindi natin madalas gamitin, subalit kung pagbabatayan natin ang pangungusap, matutukoy natin ang kahulugan nito sa pamamagitan ng kasalungat na salita. Makikita sa pangungusap na ang salitang mayabang ay nangangahulugang mapagmataas. Kung gayon, magkasalungat ang kahulugan ng salitang kababaang loob at mayabang.

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

• Lubos siyang minamahal at hinahangaan ng lahat sapagkat bukas-palad

siya sa lahat ng nangangailangan ng tulong, higit sa lahat hindi siya naging sakimsa kayamanan at kapangyarihang mayroon siya.

Sagutin Natin

1. Ano ang kasalungat na kahulugan? 2. Paano natin natutukoy ang kahulugan ng pamilyar at di-

pamilyar na kahulugan gamit ang kasalungat nito? 3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang kasalungat na kahulugan

ng mga salita?

Ang salitang bukas-palad ay nangangahulugang mapagbigay o matulungin. Ito ay di-pamilyar na salita sapagkat hindi natin madalas marinig at ginagamit sa pagpapahayag subalit kung pagbabatayan natin ang pangungusap, matutukoy natin ang kahulugan nito sa pamamagitan ng kasalungat na salita. Makikita sa pangungusap na ang salitang sakim ay nangangahulugang makasarili o maramot. Kung gayon, magkasalungat ang kahulugan ng salitang bukas palad at sakim.

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Subukan Natin

1. Bilang isang mag-aaral, paano natin maipakikita ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa pakikipagtalastasn o pakikipag-usap?

2. Bakit mahalagang alam natin ang kasalungat na kahulugan ng mga salita, pamilyar man o di-pamilyar?

Isaisip Natin

Sa iyong palagay, bakit mahalagang pagyamanin ang bokabularyo natin sa Filipino?

Pag-isipan Natin

Hanapin sa Hanay B ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang di-pamilyar na nakahilis sa mga pangungusap na nasa Hanay A.

HANAY A HANAY B

_____1. Kahit na kailan, hindi niya nagawang pagbuhatan ng kamay ang kanyang asawa.

a. Hindi kailanman marapat na makaranas ng pambabastos ang mga kababaihan.

_____2. Ang mga kababaihan ay may iba-ibang angking kariktan.

b. Ang pag-aalaga sa kaniyang asawa ay lagi niyang isinasabuhay.

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

_____3. Napakamahalimuyak ng mga kaniyang amoy na tila isang bulaklak.

c. Ang pangmamaliit sa kakayahan ng mga kababaihan ay isang maling gawain noong sinaunang panahon.

_____4. Marapat bigyan ng pantay na pagtingin ang mga kababaihan.

d. Hindi man kagandahan ang kaniyang ipinakitang pag-uugali ay maari niya pa rin itong baguhin.

_____5. Lubos na kahanga-hanga ang mga kapita-pitagang kababaihan.

e. Ang mabahong amoy na iyon ay nakahihilo.

Aralin 3 Panghalip: Panaklaw at Pamatlig

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit ang iba-ibang uri ng panghalip sa pakikipagtalastasan gaya ng pagbabahagi ng sariling karanasan.

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Pag-aralan Natin

Sumasaklaw sa kaisahan, bilang, dami, at kalahatan ng pangngalan. Halimbawang Pangungusap:

• Nanahimik ang tanan matapos mapagtanto ang katotohanan na kaniyang ipinahayag. ➢ Ang tanan ay isang panghalip panaklaw. Ito ay tumutukoy sa

lahat ng tao na tinutukoy sa pangungusap.

• Saanman naroon ang propeta, susundan siya ng mga naniniwala sa kaniya.

Panghalip

➢ Bahagi ng pananalita na ipinanghahalili sa pangngalan. ➢ Ito ay may iba-ibang uri, dalawa sa mga uri nito ay panghalip

panaklaw at panghalip pamatlig.

Panghalip Panaklaw

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

➢ Ang saanman ay isang panghalip

panaklaw. Ito ay tumutukoy sa lahat ng lugar na maaring karoonan ng propeta.

• Nagtipon ang madla upang pag-usapan

ang seguridad ng bayan. ➢ Ang salitang madla ay isang

panghalip na panaklaw. Sinasaklaw nito ang lahat ng mga tao na tinutukoy sa pangungusap.

Ito ay humahalili sa mga pangngalang itinuturo sa loob ng pangungusap. Mayroong tatlong panauhan ang panghalip pamatlig

Ang ilan sa mga halimbawa ng mga panghalip panaklaw ay ang mga sumusunod:

• madla • anoman • tanan • lahat • saanman • ilanman

Panghalip Pamatlig

Unang Panauhan Ang panghalip pamatlig na tumuturo sa malapit sa nagsasalita.

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Ikalawang Panauhan Ang panghalip pamatlig na tumuturo sa pangngalang malapit sa nagsasalita at kinakausap.

Ikatlong Panauhan Ang panghalip pamatlig na tumuturo sa pangngalang malayo sa nagsasalita at kinakausap.

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Mg

a H

ali

mb

aw

a

Unang Panauhan

ito, nito, ganito,

dito, heto, nire,

ganire, dine

Ikalawang

Panauhan

iyan, ganyan,

diyan, hayan

Ikatlong Panauhan

iyon, doon, ganoon,

hayun, niyon

Halimbawang pangungusap:

• Ito ang aking hinahanap na gamit

• Dito natagpuan ang nawawalang sapatos ng bata.

Paliwanag:

• Ang ito ay humahalili sa pangngalang malapit sa

nagpahayag at ang dito ay humalili sa lugar na malapit sa nagsasalita.

Halimbawang pangungusap:

• Iyan ang ulam na kinain ng mga bisita kanina.

• Diyan mo na lang ilagay ang mga napamili natin sa

palengke.

Paliwanag:

• Ang iyan ay nasa ikalawang panauhan, sapagkat ito ay

tumutukoy sa isang bagay na malapit sa nagsasalita at kinakausap, samantalang ang diyan ay tumutukoy sa lugar

na malapit din sa nagsasalita at kinakausap.

Halimbawang pangungusap:

• Doonsa kabilang bayan dinala ng mag-ama ang kanilang

mga inaning prutas. Hayun ang anunsyong ating ginawa kanina sa klase.

Paliwanag:

• Ang doon ay nasa ikatlong panauhan, sapagkat ito ay

tumutukoy sa isang lugar na malayo sa nagsasalita at

kinakausap, samantalang ang hayun ay tumutukoy sa anunsyo na itinuturo ng nagsasalita na malayo sa kaniya at

kinakausap.

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Bakit mahalagang gamitin ang mga panghalip sa pangungusap o pahayag?

2. Sa paanong paraan naiiba ang paggamit sa pangungusap o pahayag ng iba-ibang panauhan ng panghalip pamatlig?

Isaisip Natin

Bakit mahalagang maayos at magandang pakinggan ang isang pahayag?

Paano mo ito gagawin?

Sagutin Natin

1. Ano ang panghalip panaklaw? 2. Ano ang panghalip pamatlig? 3. Isa-isahin ang mga panauhan ng panghalip pamatlig.

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Pag-isipan Natin

A. Bilugan ang panghalip at itiman ang bilog kung panaklaw o pamatlig.

1. Anuman ang mangyari, kailangan nating maging mabuti sa ating kapwa. O Panaklaw O Pamatlig 2. Doon ko lamang iniwan ang ating proyekto. O Panaklaw O Pamatlig 3. Ang buhay ay sadyang ganyan, minsan nasa ibabaw ngunit minsan ay nasa

ilalim. O Panaklaw O Pamatlig 4. Ang lahat ng hirap na aking dinanas sa buhay ay nag-iwan ng aral sa akin. O Panaklaw O Pamatlig

B. Sumulat ng tig-dalawang pangungusap sa bawat panauhan ng Panghalip pamatlig.

Unang Panauhan 1. ___________________________________________ 2. ___________________________________________ Ikalawang Panauhan 1. ___________________________________________ 2. ___________________________________________ Ikatlong Panauhan 1. ___________________________________________ 2. ___________________________________________

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Aralin 4

Pagsulat ng Patalastas

Pag-aralan Natin

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nauunawaan ang mga hakbang tungo sa pagsulat ng isang epektibong patalastas at nagagamit ito upang makabuo ng isang patalastas.

Patalastas o Anunsyo

• Isang maikling babasahing layuning magbigay ng impormasyon. • Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na:

✓ Ano ✓ Sino ✓ Saan ✓ Kailan

• Tandaan, upang maging epektibo ang patalastas, gawin lamang itong maliwanag at maikli ang impormasyon.

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Balikan natin ang tekstong ating binasa sa unang bahagi ng aralin. Ayon sa teksto, tumatanggap ng mga nominasyon upang mapunan ang mga bakanteng posisyon. Basahin ang siniping bahagi ng teksto.

Ang komisyon ngayon ay tumatanggap ng mga nominasyon mula sa publiko, iba-ibang indibiduwal, samahan, at sektor ng lipunan upang mapunan ang mga bakanteng posisyon na kakatawan para sa mga sumusunod na sektor:

• Paggawa • Sining • Kalusugan • Pagnenegosyo • Edukasyon • Kultura • Kabataan • Maralitang Taga-Lungsod • Katutubo

Ang hinahanap na kakatawan sa bawat sektor ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod na kwalipikasyon:

• May edad na 18 hanggang 60. • Nakatapos ng sekondarya o higit pa.

• May hindi bababa sa tatlong taon na pakikibahagi sa mga gawain, programa, at organisasyong pangkababaihan.

• May hindi matatawarang dedikasyon para sa pagtataguyod ng kapakanan ng kababaihan.

Ang punong-tanggapan ng komisyon ay bukas para sa lahat ng magsusumite ng mga liham ng rekomendasyon at nominasyon hanggang ika-tatlumpu ng Hunyo, 2017.

Kung ang bahaging ito ng teksto ang mismong gagamitin bilang patalastas o anunsyo ay maaaring hindi ito gaanong makatatawag ng pansin ng publiko, dahil sa mga sumusunod:

• Masyadong mahaba ang teksto

• Punumpuno ng pangungusap

• Hindi mapang-akit

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Bagaman maikli lamang ang isang patalastas, hindi ito madaling gawin. Marapat tandaan na kinakailangang pag-isipan kung paano ito makatatawag ng pansin ng publiko. Kaya naman mahalagang maisagawa ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa ng patalastas, upang masigurong maging matagumpay ang layunin ng pagbuo nito.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Patalastas

Alamin kung ano paksa ng gagawin na patalastas.

Pag-aralan kung ano ang patalastas na nababagay ayon sa pangangailangan.

Bumuo ng draftpara sa gagawing patalastas.

Basahin ang nabuong draft at siguraduhing kumpleto ang detalye para sa patalastas, kailangang nilalaman ang sumusunod: - Ano ang kailangan - Kailan magaganap - Sino ang kailangan - Anong oras magaganap - Saan magtutungo - Sinong kakausapin - Ano ang numero ng telepono ng taong mapagtatanungan

Kung kumpleto na ang detalye, pag-isipan kung paano gagawin ang presentasyon, tandaan na kailangan ito ay maikli at simple lamang ngunit maganda at kaakit-akit.

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Subukan Natin

1. Bakit mahalaga ang isang patalastas sa ating lipunan? 2. Bilang isang mag-aaral, paano mo malalaman na ang patalastas na

iyong nabasa o nabuo ay epektibo?

Isaisip Natin

Paano natin epektibong maipararating ang kaalaman at impormasyon ukol sa mahahalagang pangyayari sa ating lipunan sa pamamagitan ng patalastas?

Sagutin Natin

1. Ano ang patalastas? 2. Ano ang dalawang katangian ng isang epektibong patalastas? 3. Ano ang mga tanong na karaniwang dapat sagutin ng isang

patalastas?

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Pag-isipan Natin

Bilang isang kabataan, ikaw ay naatasan na gumawa ng isang patalastas ukol sa pagkakaroon ng programa para sa pagsagip ng kalikasan. Tandaan na ito ay sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, at maaaring kung paano ito isasagawa. Maging malikhain sa paggawa!

PATALASTAS

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

Gawin Natin

Isagawa ang mga sumusunod:

1 Bumuo ng grupo na

may tiglilimang miyembro.

2 Magsaliksik ng isang

mahalagang pangyayari sa ating

lipunan na maiuugnay sa mga

kababaihan.

3 Kailangang mag-usap ang inyong pangkat

ukol sa anong patalastas ang

maaring mabuo mula sa usaping ito.

4 Bumuo ng draft mula

rito. Matapos ay basahin ito at siguraduhing

kumpleto ang mga detalye.

5 Buuin ang patalastas

ukol dito, siguraduhing maging malikhain, simple, at

maikling impormasyon ang

nilalaman nito.

6 Mula sa patalastas na

ginawa, itala ang ilang mga salitang ginamit na may

magkasalungat na kahulugan, gayundin ang mga panghalip

na pamatlig at panaklaw.

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Rubrik sa Pagtataya

Itiman ang angkop na bilog. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagbubuod 1 2 3 4 5

1.Angkop ang nilalaman ng patalastas na binuo.

2.Kumpleto ang mga detalye ng patalastas na nabuo.

3.Maikli at simple, ngunit maganda at kaakit-akit ang patalastas.

4.Gumamit ng magkakasalungat na salita at mga panghalip na panaklaw at pamatlig.

Kabuuang puntos:

Interpretasyon:

16 – 20 Napakahusay

11 – 15 Mahusay

6 – 10 Katamtaman

1 – 5 Nangangailangan pa ng pagsasanay

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Paglalagom

Pagsasaayos ng mga Datos

•Maaring isaayos ang mga datos sa pamamagitan ng mga graph at talahanayan

gaya ng:

•Bar Graph

• Pie Graph

•Talahanayan

Kahulugan ng Salita

•Maaaring matukoy ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasalungat na

kahulugan nito sa isang pahayag.

Panghalip

•Panaklaw- sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatan ng pangngalan.

•Pamatlig - may tatlong panauhan: una, ikalawa, at ikatlo

Pagsulat ng Patalastas

•Tandaan na kailangang maliwanag at maikli lamang

•Sumasagot sa tanong na ano, kailan, saan, at sino

Copyright © 2018 Quipper Limited

36

Dapat Tandaan

• Ang bar graph ay ginagamit kapag ang datos o impormasyon na gagamitin ay kailangang paghambingin ang mga sukat o bilang.

• Ang pie graph ay ginagamit upang maipakita sa maayos at madaling unawaing paraan ang isang pangkat ng datos na naghahati-hati sa isang kabuuan.

• Ang talahanayan ay ginagamit upang mailahad ang datos na may magkakaparehas na mga ideya o impormasyong inilalagay sa bawat hanay o kolum.

• Ang kasalungatna kahulugan ng salita ay tumutukoy sa kabaligtaran na kahulugan nito.

• Ang panghalip panaklaw ay sumasaklaw sa dami o

pagkalahatang tinutukoy na pangngalan. • Ang panghalip pamatlig ay humahalili sa isang pangngalan

na itinuturo. • Ang patalastas o anunsyo ay isang maikling babasahing

layuning magbigay ng mahalagang impormasyon.

Copyright © 2018 Quipper Limited

37

Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mgavideo linksay maaaring panoorin para sa

karagdagang impormasyon at malalim na talakayan.

• Pagbibigay interpretasyon sa pagbasa ng mapa, grap, at

talahanayan (Fil122 Proyekto sa Pagbasa) ni Eon Jerthy Miguel

https://www.youtube.com/watch?v=BTyVqQYcKvw

• Panghalip na Panaklaw (Knowledge Channel Youtube) https://www.youtube.com/watch?v=YBYQSDwvcng

• Panghalip Pamatlig https://www.youtube.com/watch?v=x78n-p2gLao

Susi sa Pagwawasto Aralin 1: Sagutin Natin 1. Ang bar graph ay ginagamit kapag ang datos o impormasyong gagamitin ay kailangang

paghambingin ang mga sukat o bilang. Pinaghahambing nito ang mga ideya o magkakaugnay na mga ideyang meron ang mga datos.

2. Ang pie graph ay ginagamit upang maipakita sa maayos at madaling unawaing paraan ang isang pangkat ng datos na naghahati-hati sa isang kabuuan.

3. Ang talahanayan ay ginagamit upang mailahad ang datos na may magkakaparehas na mga ideya o impormasyon na inilalagay sa bawat hanay o kolum.

Copyright © 2018 Quipper Limited

38

Subukan Natin 4. Ang iba-ibang graph at talahanayan ay ginagamit upang maipakita nang may

kaayusan ang isa o mga pangkat ng datos o impormasyon upang mas madali itong maintindihan ng mga mambabasa.

5. Magkakaiba ang gamit ng bar graph, pie graph, at talahanayan. Kung paghahambing ng dami o bilang, ginagamit ang bar graph, samantalang upang maipakita ang paghahati-hati ng isang kabuuan kinakailangan ang pie graph. Kung nais naman na maipakita ang pagkakaparehas ng mga datos, ginagamit ang talahanayan.

Isaisip Natin Malaki ang naitutulong ng paggamit ng mga graph at talahanayan sa pagtalakay o presentasyon ng mga datos o impormasyon sapagkat mas madaling naipapakita nito ang mga paghahambing ng bilang o dami,mas nauunawaan din ang paghahati-hati ng kabuuan batay sa representasyon nito sa isang graph na sadyang ginagamit upang sa kabuuan ay maayos at malinaw na maipakita ito.

Aralin 2 Sagutin Natin 1. Ang kasalungat na kahulugan ay tumutukoy sa kabaligtaran o taliwas na kahulugan ng

isang salita.

2. Maaring sumangguni sa tesawro upang matukoy ang pormal na kahulugan ng mga

salitang pamilyar o di-pamilyar kung saan maaaring matukoy ang kasalungat na

kahulugan nito.

6. Mahalaga ang kasalungat na kahulugan ng isang salita lalo na sa isang pahayag

sapagkat mas madaling matutukoy ang kahulugan ng mga salita.

Subukan Natin 1. Sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap maaari tayong gumamit ng mga kasalungat na

kahulugan ng salita upang mabigyang kahulugan ang mga pamilyar o di-pamilyar na

salitang ating bibigkasin.

2. Mahalagang alam natin ang kasalungat na kahulugan ng isang salita sapagkat maaari

natin itong magamit sa pagbibigay ng kahulugan ng mga salita. Higit sa lahat mas

Copyright © 2018 Quipper Limited

39

madali nating maipahahayag ang kahulugan ng salitang ating naririnig o ginagamit sa

pakikipagtalastasan.

Isaisip Natin Napakahalagang pagyamanin angating bokabularyo sa Filipino sapagkat ito angating

ginagamit sa pakikipagtalastasan o pagbuo ng mga pangungusap. Ang bokabularyo sa

Filipino lalo na sa usaping gramatika at retorika ay mahalaga upang mas maging

makabuluhan ang pagbuo natin ng mga pahayag at mas madali tayong makipag-unawaan

sa pakikipagkomunikasyon sa iba.

Aralin 3 Sagutin Natin 1. Ang panghalip panaklaw ay sumasaklaw sa kaisahan, bilang, dami, at kalahatan ng

pangngalan. 2. Ang panghalip pamatlig ay humahalili sa isang pangngalang itinuturo sa loob ng

pangungusap.

3. Unang Panauhan, Ikalawang Panauhan, at Ikatlong Panauhan

Subukan Natin

1. Mahalagang gamitin ang mga panghalip sa pangungusap upang hindi maging paulit-ulit ang mga pangngalang ginagamit sa isang pangungusap o talata.

2. Ang Unang panauhan na panghalip pamatlig ay ginagamit kapag malapit sa

nagsasalita ang pangngalan na itinuturo, ang ikalawang panauhan ay ginagamit kung

malapit sa nagsasalita at kinakausap ang itinuturo, samantalang ang ikatlong

panauhan ay ginagamit kung malayo sa nagsasalita at kinakausap ang itinuturong

pangngalan.

Isaisip Natin

Magiging maayos at magandang pakinggan ang isang pahayag kung hindi magiging paulit-

ulit ang pagbanggit sa mga pangngalan sa isang pahayag at sadya itong mahalaga

sapagkat nagiging masarap sa pandinig ang binibigkas na pahayag kaya naman magagawa

lamang ito kung gagamit tayo ng mga panghalip na sadyang hahalili sa ngalan ng tao,

bagay, hayop, pook, at pangyayari.

Copyright © 2018 Quipper Limited

40

Aralin 4 Sagutin Natin!

1. Ang patalastas o anunsyo ay isang maikling babasahing layuning magbigay ng mahalagang impormasyon.

2. Kailangang ang patalastas ay maikli at maliwanag

3. Sumasagot sa tanong na ano, sino, saan, kailan

Subukan Natin

1. Mahalaga ang patalastas sa isang lipunan sapagkat sa pamamagitan nito nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan sa mga pangyayari o maaaring anunsyo na sagot sa kanilang pang-araw-araw na gawain sa buhay.

2. Nagiging epektibo ang isang patalastas kung siguradong ito ay nag-iwan ng kaalaman sa mambabasa o sa tagapakinig na maaaring nahikayat siyang makilahok o gawin kung ano ang sinasabi ng anunsyo. Tandaan din na sa mga gagawa ng patalastas, epektibo ito kung maliwanag na naipahayag ang paksang inaanunsyo sa simple at maikling pagpapahayag lamang.

Isaisip Natin Maipararating nang epektibo ang mahahalagang pangyayari sa ating lipunan sa

pamamagitan ng patalastas kung susundin ang wastong mga hakbang sa pagbuo nito.

Tiyaking alam ang paksa ng bubuoing patalastas, pumili ng angkop na patalastas, bumuo

ng draft at siguraduhing sa pagbasa nito ay nilalaman ang mga pahayag na sumasagot sa

katanungang ano, sino, saan at kailan, higit sa lahat gawin itong nakahihikayat sa maikli at

simpleng paraan lamang.

Sanggunian

Arevalo, Miguel Victor. Tekstong Patnubay sa Pag-aaral ng Gramatika. Quezon City: C & E Publishing Inc., 2002.

Julian, Ailene Baisa. Pinagyamang Pluma 5. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Copyright © 2018 Quipper Limited

41

Julian, Ailene Baisa at Nestor S. Lontoc. Bagong Lakbay ng Lahing Filipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2009.

Marasigan, Emily V. at Louie C. Tesalona. Pinagyamang Pluma 6. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Book Store, 1991.