34
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 7 Aralin 1: Ang Nobela: Mga Katangian at Elemento……………………….. 8 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Mga Pahiwatig sa Akda……………........... 14 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 3: Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Opinyon o Pananaw ……………………………………………. 21 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin Pag-isipan Natin Aralin 4: Pagsusuri ng Nobela (Batay sa Tunggaliang Tao vs. Sarili) …………………………… 26 Layunin Natin Sagutin Natin Subukan Natin Isaisip Natin

FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

  • Upload
    others

  • View
    87

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

FILIPINO

Baitang 9 Yunit 2

Mga Katulong sa Bahay

Talaan ng Nilalaman

Introduksyon 3

Basahin Natin 4

Sagutin Natin 7

Aralin 1: Ang Nobela: Mga Katangian at Elemento……………………….. 8

Layunin Natin

Sagutin Natin

Subukan Natin

Isaisip Natin

Pag-isipan Natin Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Mga Pahiwatig sa Akda……………........... 14

Layunin Natin

Sagutin Natin

Subukan Natin

Isaisip Natin

Pag-isipan Natin

Aralin 3: Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag

ng Opinyon o Pananaw ……………………………………………. 21

Layunin Natin

Sagutin Natin

Subukan Natin

Isaisip Natin

Pag-isipan Natin

Aralin 4: Pagsusuri ng Nobela

(Batay sa Tunggaliang Tao vs. Sarili) …………………………… 26

Layunin Natin

Sagutin Natin

Subukan Natin

Isaisip Natin

Page 2: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Gawin Natin 30

Paglalagom 32

Dapat Tandaan 33

Payamanin Natin 34

Susi sa Pagwawasto 34

Sanggunian 38

Page 3: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 9 | YUNIT 2

Mga Katulong sa Bahay Mahilig ka bang magbasa ng nobela? Anong mga paksa ng nobela ang kinawiwilihan

mong basahin? Paano mo binibigyan ng kahulugan ang mga pahiwatig na ginagamit ng

awtor sa nobela? Malinaw mo bang nailalahad ang iyong opinyon o saloobin kaugnay

ng iyong mga nababasang akda? Paano mo sinusuri ang mga tunggaliang nakapaloob

sa akda?

Kabilang sa mga uri ng panitikang tuluyan ang nobela. Ang nobela o kathambuhay

ay mahabang salaysayin na hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao na nahahati

sa mga kabanata at nagtataglay ng maraming tagpuan at tauhan at sumasaklaw sa

mahabang panahon.

Sa ating bansa, nagsimula ang nobela sa panahon ng mga Kastila kasabay ng

pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Ang ipinalagay na kauna-unahang

nobelang nasulat at napalimbag sa Pilipinas ay ang “Barlaan at Josaphat” na isinalin sa

Tagalog ni Padre Antonio De Borja mula sa orihinal na wikang Griyego na akda ni San

Juan Damaceno. Sumunod dito ay ang nobelang nalimbag noong 1885 na may

pamagat na “Si Tandang Basio Macunat” na sinulat ni Padre Miguel Lucio

Bustamante. Pumapatungkol ito sa lipunan at relihiyon na nagsasaad ng mga pangaral

at pagtupad sa mga tungkulin bilang isang Katoliko.

Sa yunit na ito ay pag-aaralan natin ang tungkol sa katangian at elemento ng nobela,

mga pahiwatig sa akda, ekspresyon sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw, at ang

pagsusuri sa nobela.

Narito ang bahagi ng isang nobela mula sa Vietnam.

Page 4: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Basahin Natin

Mga Katulong sa Bahay ni Vei Trong Phung (Mula sa Vietnam)

Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego

Kabanata 6

Ang Liwanag ng Kalunsuran

Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay-kainan. Sa oras na ito, sa halip na

sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila

ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay

di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog.

Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog dito sa

tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae upang magbayad

ng upa.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanila.

Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan

sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti nalang, hindi ako

nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sabanig na nakalatag

sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan ng

tabla ng mga kahoy ang patio ng bahay-kainangito.

Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikitasa paligid ang marumi, mataas,

manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay

naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alingasaw ng

di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko.

Nalungkot ako sa liwanag ng buwan.

Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita koang tatlong batang nakasama kong

matulog sa kuwarto sa itaas dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang

kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala, napakamiserable

Page 5: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

ng hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat nang masaksihan ang paghihirap na

kanilang dinaranas sa tanang buhay.

May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan tila normal

siyangpagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo

siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong

una’y di koalam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang

opyo.Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat

na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo na

nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang

umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang

kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak

ang isang pamaypayna yari sa hiyas na kawayan na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na

tila kaniyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng

magsasaka, ay mahimbing na natutulog.

Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig.

Siguradoakong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad

ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang

tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang

makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng

may-ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng

may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang

kaniyang tahanan.

Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing

sila sa probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain nang

dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis

sila sa probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang

makakakita ng trabahong maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa

araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago

makarating sa Hanoi.

Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang

isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may

bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka

ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain,

Page 6: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala

siyang pambayad.

Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na

siyamakausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan

niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi

alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksiyon, nakakita siya ng kulumpon ng

mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang

matalinong matandang babae, namay gintong hikaw, at tila mayaman ang dating, ang

kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy,

saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!”

Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad nahandang

makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang

makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang

tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin,

ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksiyon mayroon ang

siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa

kalakal ng mga kasambahay? Ilan

ang bilang ng ganitong

trahedyang nagaganap bawat araw

sa siyudad?

Ang labintatlong nilalang na ito

ay katulad ng mga gamugamong

nasilaw sa liwanag ng kalunsuran.

Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari

ng bahay-kainan sa isang sulok ng

kaniyang tirahan. Sa araw, naroon

sila’t nakahambalang sa kalsada.

Habang naghihintay ng trabaho,

unti-unti nilang ginagastos ang

kanilang naitatabing pera. Kapag

walang natira at wala pa ring

trabaho, at walang madilihensiya,

kinakailangan na nilang itaya ang

Sagutin Natin

1. Ano ang turing sa nagsasalaysay ng

nobela?

2. Sino-sino ang mga kasama ng

nagsasalaysay sa bahay-kainan?

3. Anong klaseng pamumuhay ang

nararanasan ng mga taga-

probinsyang nasisilaw sa liwanag ng

kalunsuran?

Page 7: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y

nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y nakahimlay

at tahimik na naghihintay sa unos na darating.

Aralin 1

Ang Nobela: Mga Katangian at Elemento

Pag-aralan Natin

Ang nobela ay isang mahabang

makathang pampanitikan na

naglalahad ng mga pangyayaring

magkakasunod at magkakaugnay.

Ang mga pangyayaring ito ay may

mahalagang papel sa pagbuo ng

kawili-wiling balangkas na siyang

bubuo sa isang nobela. Ito rin ay

tinatawag na kathambuhay o

akdang-buhay.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nakikilala ang mga

katangian at elemento ng nobela.

Page 8: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Mga Katangian ng Nobela

Taglay ng nobela ang mga sumusunod na katangian:

Mga Katangian ng Nobela

dapat maging malikhain at

maguni-guni ang paglalahad

kawili-wili sapagkat

pumupukaw ng damdamin ng mambabasa

nagtataglay ng mga ligaw na

tagpo at kaganapan

maganda

malinis at organisado ang

pagkakasulat

binubuo ng maraming

magagandang tagpuan kung saan nakikilala pang lalo ang mga tauhan

nagtataglay ng mga ligaw na

tagpo at kaganapan

nagsasaalang-alang ng tungkol

sa kaasalan

naglalarawan sa lahat ng mga larangan ng

buhay

Page 9: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Sinabi ni Roman Reyes, ang nobela’y

kinalalarawanan ng sariling pag-uugali, mga

kilos, at damdaming katutubo ng bayang

pinaghanguan ng matiyagang sumulat, at hindi

lamang ganyan kundi gumagamot din naman

sa maraming sakit sa pag-uugali, maling

paniniwala, at masasagwang kilos na

nagpapusyaw sa dapat na magningning na

kapurihan ng tao kung kaya nabubuhay.

Mga Elemento ng Nobela

Narito ang iba’t ibang elemento ng nobela.

Tauhan

Ito ang nagbibigay buhay sa nobela.

Tagpuan

Ito ang lugar at panahong pinangyarihan.

Banghay

Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela.

Page 10: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Pananaw

Ito ang panauhang ginagamit ng may-akda.

1. Unang Panauhan - kapag kasali ang may-akda sa kuwento;

gumagamit ng panghalip panaong AKO, KO, AKIN, at iba pa.

2. Ikalawang Panauhan - ang may-akda ay nakikipag-usap sa

mambabasa; gumagamit ng panghalip panaong IKAW, MO,

IYO, at iba pa (limited point of view).

3. Ikatlong Panauhan - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-

akda; gumagamit ng panghalip panaong SIYA, SILA, NILA,

at iba pa (omniscient point of view).

Tema

Ito ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.

Damdamin

Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari.

Pamamaraan

Ito ang istilong ginamit ng manunulat.

Pananalita

Ito ang diyalogong ginagamit sa nobela.

Simbolismo

Ito ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at

pangyayari.

Page 11: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Sa ngayon, ang nobela ay may istilong artistiko kumpara noong ika-18 siglo na kung saan ito ay may

istilong lumang pag-ibig. Naimpluwensiyahan din ng mga banyagang manunulat ang mga Pilipinong

manunulat ng mga nobela.

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa elemento ng Pananaw, ano-ano ang iba’t ibang uri ng panauhan?

2. Paano nagiging kawili-wili ang isang nobela?

Isaisip Natin

Ano ang kahalagahan ng mga nasulat na nobela?

Sagutin Natin

1. Ano-ano ang katangiang taglay ng isang nobela?

2. Ano-ano ang elementong bumubuo sa nobela?

Page 12: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Pag-isipan Natin

Hanapin sa Hanay B ang wastong salitang aakma sa mga depinisyon na nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Ito ang diyalogong ginagamit sa nobela.

2. Ito ay uri ng panauhan na batay sa nakikita

o obserbasyon ng may-akda.

3. Ito ang lugar at panahong pinangyarihan.

4. Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari.

5. Ito ang nagbibigay ng mas malalim na

kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

6. Ito ang paksang-diwang binibigyang-diin

sa nobela.

7. Ito ay uri ng panauhan na gumagamit ng

panghalip panaong AKO, KO, AKIN, at iba pa.

8. Ito ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.

9. Ito ang istilong ginamit ng manunulat.

10. Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari

sa nobela.

Banghay

Tauhan

Tema

Damdamin

Unang Panauhan

Tagpuan

Pananalita

Simbolismo

Pamamaraan

Ikatlong Panauhan

Page 13: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Aralin 2

Kahulugan ng Salita: Mga Pahiwatig sa Akda

Pag-aralan Natin

Madalas nating matunghayan sa anumang akda tulad ng maikling kuwento, tula, at

nobela ang paggamit ng mga salita o pahayag na hindi tahasang inilalahad ang

kahulugan. Gumagamit lamang ng pahiwatig ang manunulat na siya namang

bibigyang-kahulugan ng mga mambabasa. Ang pahiwatig ay isang istilong ginagamit

ng manunulat upang sabihin ang kaniyang gustong sabihin sa paraang hindi lantad o

hayagan. Ang mga pahiwatig o palatandaan ay mabibigyang-kahulugan sa

pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangyayaring nakapaloob sa sitwasyon o konteksto.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nabibigyan ng

sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.

Sa pamamagitan ng pahiwatig, nagiging matimpi ang isang akda. Hindi

nagiging kabagut-bagot sa mga mambabasa dahil hindi sinasabi sa kanila

ang lahat-lahat. Kumbaga, may mga misteryo o hiwaga na kailangan

nilang tuklasin sa pagbabasa. Kailangang maging malikhainang guni-guni

o imahinasyon ng mambabasa upang mabigyang-kahulugan niya ang

akda.

Page 14: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Mahalagang magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga salita

upang lubos niyang maunawaan ang nilalaman ng teksto. Ang kasanayan sa

pagbibigay ng hinuha at hula.

Halimbawa:

Mula sa “Mga Katulong sa Bahay” ni Vei Trong Phung

Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego

…kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-

sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at

walang katapusan.

Paghihinuha o Pagpapalagay

(Inferencing)

Ito ay kapag nagpapaliwanag o

nagbibigay-kahulugan sa tulong

ng mga pahiwatig at ng sariling

kaalaman ang mambabasa. Ang

hinuha o palagay at implikasyon

ay magkaugnay. Ang manunulat o

tagapagsalita ay nagpapahiwatig o

nagbibigay ng implikasyon

samantalang ang mambabasa o

tagapakinig naman ay

nagpapalagay o bumubuo ng

hinuha.

Paghula o Prediksyon

(Predicting)

Ito ay isang kasanayang

naglalayong hulaan ang

kalalabasan ng pangyayari o

kuwento. Madalas gamitin ang

kasanayang ito sa maikling

kuwento at nobela. Ang

manunulat ay nagbibigay ng

implikasyon o mga pahiwatig

kung saan ang mga mambabasa

ang bubuo ng hula o prediksyon.

Page 15: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Paliwanag: Batay sa pahiwatig na ginamit ng may-akda, mahihinuha na ang lugar na

tinutukoy ay isang siyudad na maraming bahayan at magulong daanan.

Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa liwanag

ng kalunsuran.

Paliwanag: Ang mga gamugamong nasilaw sa kalunsuran ay nagpapahiwatig ng

pagkaakit sa tuksong hatid ng mga pisikal na ganda ng lungsod.

Tandaang mahalagang magkaroon ng kasanayan ang mag-aaral sa pag-unawa ng mga

salita upang lubos niyang maunawaan ang nilalaman ng teksto. Makatutulong ang

kaniyang kasanayan sa Paghihinuha o Paghula upang mabigyan ng kaukulan at tamang

interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit ng may-akda.

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang dalawang kasanayan na makatutulong sa pagtukoy ng kahulugan ng

salita sa pamamagitan ng pahiwatig?

2. Paano nagiging matimpi ang mambabasa ng isang akdang may pahiwatig?

Sagutin Natin

1. Ano ang pahiwatig?

2. Paano nagkakaugnay ang hinuha o palagay at implikasyon?

Page 16: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Isaisip Natin

Bakit mahalagang magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng

mga salita?

Pag-isipan Natin

Bigyan ng kaukulang interpretasyon ang mga pangyayari sanobelang “Mga

Katulong sa Bahay” ni Vei Trong batay sa mga pahiwatig na ginamit ng awtor.

Pangyayari Interpretasyon

Makikita sa paligid ang marumi,

mataas, manipis na dingding, at

bubungang nanlilimahid sa kaitiman.

Sa kanang bahagi ay naroon ang

kulungan ng manok, sa harap ay ang

baradong kanal at ang alingasaw ng

di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa

ay isang kubetang bukas para sa

publiko. Nalungkot ako sa liwanag

ng buwan.

1.

Sa araw, naroon sila’t

nakahambalang sa kalsada. Habang

naghihintay ng trabaho, unti-unti

nilang ginagastos ang kanilang

naitatabing pera. Kapag walang

natira at wala pa ring trabaho, at

walang madilihensiya, kinakailangan

na nilang itaya ang kanilang buhay.

2.

Page 17: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Ang mga babae ay nasadlak sa

pagbebenta ng laman at ang

lalaki’y nakagagawa ng krimen.

Nang tumabi ako sa mga taong

naroon, nakita ko ang tatlong batang

nakasama kong matulog sa kuwarto

sa itaas dalawang gabi ang nakalipas.

Di man lang mabanaag ang

kalungkutan o pag-aalala sa

musmos nilang mga mukha.

Samantala, napakamiserable ng

hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y

sapat nang masaksihan ang

paghihirap na kanilang dinaranas sa

tanang buhay.

3.

Ang isa nama’y may napakahabang

leeg at may nakatapal na tatlo

hanggang apat na gamut na plaster

dito. Nakaupo siya at nakatingala,

tulad ng isang astrologo na

nagmamasid sa mga bituin.

4.

Walang maaninag na kariktan sa

lugar na ito. Makikita sa paligid ang

marumi, mataas, manipis na

dingding, at bubungang nanlilimahid

sa kaitiman.

5.

Page 18: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Aralin 3

Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng

Opinyon o Pananaw

Pag-aralan Natin

Bawat isa ay may kalayaang ilahad ang mga opinyon

o pananaw tungkol sa anumang bagay o isyu. Sa

pagbibigay ng opinyon, gumagamit tayo ng mga

pahayag o ekspresyon gaya ng: sa tingin ko, akala

ko, palagay ko, sa opinyon ko, at iba pang katulad

upang ipahayag ang ating mga saloobin.

Magiging mas makabuluhan ito kung mayroon

tayong sapat na kaalaman sa paksa o isyung

binibigyang-opinyon. Makatutulong ang ating mga

nabasa, narinig, at napanood upang magsilbing

patunay o batayan sa ating mga argumento.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahangnagagamit ang mga

pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin/akala/pahayag/ko, iba

pa).

Page 19: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Bagama’t hindi suportado ng siyentipikong datos o batayan ang isang opinyon o

pananaw, ipinaliliwanag ito batay sa makatotohanang pangyayari, damdamin, o

saloobin ng isang tao. Makabubuti rin kung mapananatili ang pagiging

mapagpakumbaba at magalang sa paglalahad natin ang sariling opinyon o pananaw.

Dito maaaring gamitin ang po/ho at opo/oho sa pagpapahayag natin ng ating mga

sariling opinyon at paniniwala.

Halimbawa:

Marami ang nasisilaw sa liwanag ng kalunsuran marahil sapagkat literal na maliwanag

dito tuwing gabi. Sa akin pong palagay, hindi naman masamang maakit tayo na

magtrabaho sa lungsod o bayan, basta siguraduhin lamang na ligtas at malayo tayo sa

kapahamakan.

• Sa pahayag na ito, ginamit ang mga salitang sa akin pong palagay upang ilahad

ang sariling palagay o opinyon tungkol sa pagtatrabaho sa lungsod o bayan.

Sumasang-ayon po ako na maraming oportunidad ang naghihintay sa atin sa lungsod

subalit kaakibat nito ay ang naglipanang tukso sa kapaligiran na maaaring sumubok sa

ating katatagan.

• Sa pahayag na ito, ginamit ang ekspresyong sumasang-ayon po ako upang ipakita

ang kaniyang pagsang-ayon na maraming oportunidad sa lungsod, subalit marami

ring tukso na naglipana rito.

Maaari ring gamitin ang ang pahayag na para po sa akin, sa akin pong pananaw, at

sa tingin ko po. Lahat tayo ay may karapatang ipahayag ang ating mga pananaw,

opinyon at paniniwala hinggil sa anumang isyung ating nalalaman. Gayunman,

mahalagang maipakita pa rin ang ating kababaang-loob at pagiging magalang sa

pagpapahayag ng ating mga saloobin.

Page 20: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Paano magiging mas makabuluhan ang paglalahad natin ng ating mga

pananaw o opinion?

2. Paano mapananatili ang pagiging magalang at mapagpakumbaba sa

paglalahad ng opinyon o pananaw?

Isaisip Natin

Bakit mahalagang maipakita pa rin ang kababaang-loob at pagiging magalang sa

pagpapahayag ng ating mga saloobin?

Sagutin Natin

1. Ano-ano ang pahayag o ekspresyon na ginagamit sa pagpapahayag ng

opinyon o pananaw?

2. Ano ang dapat ipamalas sa kabila ng pagpapahayag ng saloobin o

pananaw?

Page 21: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Pag-isipan Natin

Ilahad ang sariling palagay o opinyon hinggil sa mga sumusunod na isyu o usapin.

Gamitin ang mga ekspresyon gaya ng: sa tingin ko, sa palagay ko, para sa akin, at

iba pa.

Babaeng hindi na nakapag-aral

Lalaking nasadlak sa krimen

Mga magsasakang walang makain

Page 22: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Mga kasama sa bahay na naglilingkod sa atin

Taga-probinsya na lumuluwas sa siyudad

Page 23: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Aralin 4

Pagsusuri ng Nobela

(Batay sa Tunggaliang Tao vs. Sarili)

Pag-aralan Natin

Ang isang akdang pampanitikan ay

madalas nagtataglay ng tunggalian. Ang

tunggaliang ito ang nagsisilbing

panghatak sa mga mambabasa o

manonood upang subaybayan ang

kuwento. Ito rin ay isang mahalagang

sangkap na nagbibigay ng kariktan sa

takbo ng banghay lalo na sa isang nobela.

Ang tunggalian ay maaaring Tao laban

sa Sarili, Tao laban sa Kalikasan, Tao

laban sa Tao, at Tao laban sa Lipunan.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nasusuri ang

tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela.

Page 24: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Ang tunggaliang Tao laban sa Sarili ay ang tunggaliang ang kaaway o katunggali ng

pangunahing tauhan ay ang kaniyang sarili. Tinatawag din itong tunggaliang

sikolohikal. Masasalamin dito ang dalawang magkaibang paghahangad o pananaw ng

iisang tao. Halimbawa ng ganitong tunggalian ay ang:

Tunggaliang Tao Laban sa Sarili

Ang pagkakaroon ng

tunggalian sa

pagkatao (identity

crisis)

Ang pagkakaroon ng

takot sa isang bagay o

gawin ang isang

bagay

Tunggaliang

nilalabanan ang isang

gawain o trabaho

Ang pagkakaroon ng

tunggalian ng

konsiyensiya (guilt

feeling)

Halimbawa:

Hindi malaman ng

isang mag-aaral kung

anong propesyon ang

dapat niyang tahakin

sa hinaharap.

Halimbawa:

Nilalabanan ng anak

ang takot na maaaring

mangyari kung

mamamatay o

mawawala ang

kaniyang magulang na

may sakit.

Halimbawa:

Matindi ang

kinakaharap niyang

problema sapagkat

nararamdaman niya

ang malaking

pagkaluging haharapin

ng kaniyang kompanya

Halimbawa:

May nagawang

matinding kasalanan

ang isang anak at hindi

niya alam kung paano

niya ito ipagtatapat sa

mga magulang

Page 25: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Subukan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang nagagawa ng tunggalian sa isang kuwento o nobela?

2. Gaano kahalaga ang tunggalian sa isang akda?

Isaisip Natin

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunggalian sa isang akda?

Sagutin Natin

1. Ano-ano ang iba’t ibang tunggalian sa kuwento?

2. Ano ang tunggaliang tao laban sa sarili?

Page 26: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Pag-isipan Natin

Basahing muli ang kabanata 6 (Ang Liwanag ng Kalunsuran) sa nobelang

“Mga Katulong sa Bahay” ni Vei Trong Phung. Suriin at isulat ang

tunggaliang naganap sa sarili ng mga tauhan sa nobela.

Page 27: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Gawin Natin

Magpangap na isa kang manunulat ng blog. Ang blog na isusulat ay tungkol sa iyong komentaryo

sa mga nobela. Pumili ng isang nobelang Filipino at ipahayag ang mga katangian at elemento ng

nobela na matatagpuan dito. Sa huli, ipahayag ang iyong opinyon o pananaw sa mga pangyayari sa

nobelang ito. Gamitin ang tseklist sa ibaba bilang batayan.

BATAYAN

Pamagat ng Nobela

Tauhan

Tagpuan

Banghay o Kabanata (Kabilang ang

Tunggalian)

Pananaw o Panauhan

Tema

Damdamin

Pamamaraan

Pananalita o Dayalogo

Simbolismo o Pahiwatig

Sariling Opinyon o Pananaw

Page 28: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Rubrik sa Pagtataya

Itiman ang angkop na bilog. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagbubuod 1 2 3 4 5

1. Nailahad lahat ang mga katangian at

elemento batay sa tseklist.

2. Naipaliwanag nang angkop ang mga

katangian at elemento batay sa tseklist.

3. Nahikayat ang mga mambabasa sa pananaw

o opinyon na inilahad sa blog.

4. Nailahad ang blog nang may wasto ang

gramatika (gamit ng salita, pagbabantas, at

pagbabaybay).

Kabuuang puntos:

Interpretasyon:

16 – 20 : Napakahusay

11 – 15 : Mahusay

6 – 10 : Katamtaman

1 – 5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

Page 29: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Paglalagom

Nobela

Katangian

Elemento

Pahiwatig sa

Akda

Paghihinuha

Paghuhula

Pagpapahayag

ng Opinyon

Sa tingin ko

Palagay ko

Akala ko

(At iba pa)

Tao Laban sa

Sarili

Tunggalian sa

Pagkatao

Tunggalian ng

Konsiyensiya

Tunggalian sa Gawain

o Trabaho

Pagkakaroon ng

Takot

Page 30: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Dapat Tandaan

• Ang nobela o kathambuhay ay mahabang salaysayin na hango sa

tunay na pangyayari sa buhay ng tao na nahahati sa mga kabanata at

nagtatalgay ng maraming tagpuan at tauhan at sumasaklaw sa

mahabang panahon.

• Ang pahiwatig ay isang istilong ginagamit ng manunulat upang

sabihin ang kaniyang gustong sabihin sa paraang hindi lantad o

hayagan. Ang mga pahiwatig o palatandaan ay mabibigyang-kahulugan

sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangyayaring nakapaloob sa

sitwasyon o konteksto.

• Sa pagbibigay ng opinyon, gumagamit tayo ng mga pahayag o

ekspresyon gaya ng: sa tingin ko, akala ko, palagay ko, sa opinyon

ko, at iba pang katulad upang ipahayag ang ating mga saloobin.

• Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay ang tunggaliang ang kaaway o

katunggali ng pangunahing tauhan ay ang kaniyang sarili. Tinatawag

din itong tunggaliang sikolohikal. Masasalamin dito ang dalawang

magkaibang paghahangad o pananaw ng iisang tao.

Page 31: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mga video at article links ay maaaring panoorin at basahin para sa

karagdagang impormasyon at malalim na talakayan.

• Mga Badjao at Aeta, nagpunta sa Siyudad para mamalimos at mapahamak https://philippineone.com/mga-badjao-at-igorot-nagpunta-

sa-siyudad-para-mamalimos-at-mapahamak/

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Sagutin Natin

1. Maraming katangian ang nobela ngunit likas dito ang pagiging malikhain.

Inilalahad nito ang mga pangyayari nang kawili-wili. nagtatagpo rin ito ng mga

kaganapan at mga elementong bumubuo sa isang nobela.

2. Ang mga elemento ng nobela ay ang tauhan, tagpuan, banghay, pananaw, tema,

damdamin, pamamaraan, pananalita, at simbolismo.

Subukan Natin

1. Ang Pananaw ay may panauhang una, ikalawa, at ikatlo. Ang unang panauhan ay

tumutukoy kapag kasali ang may-akda sa kuwento. Ang ikalawang panauhan ay

tumutukoy kung ang may-akda ay nakikipag-usap sa mambabasa. At ang ikatlong

panauhan ay batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.

2. Nagiging kawili-wili ang isang nobela kungpumupukaw ng damdamin ng

mambabasa ang mga pangyayaring sinasabing naglalarawan ng sariling pag-

uugali, mga kilos, at damdaming katutubo ng bayang pinaghanguan ng sumulat

ng akda.

Isaisip Natin

Mahalaga ang nobela sa indibidwal sapagkat nakatutulong itong mapalawak at

mapayaman ang kaalaman ng isang mambabasa. Maliban dito, may mga

Page 32: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

nobelang sumasalamin sa kalagayan ng lipunan. Nakatutulong ito sa pagmulat

ng kamalayan ng isang indibidwal sa mga pangyayari sa lipunan.

Aralin 2

Sagutin Natin

1. Ang mga pahiwatig o palatandaan ay mabibigyang-kahulugan sa pamamagitan

ng pagsusuri sa mga pangyayaring nakapaloob sa sitwasyon o konteksto.

2. Ang hinuha o palagay at implikasyon ay magkaugnay. Ang manunulat o

tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon samantalang ang

mambabasa o tagapakinig naman ay nagpapalagay o bumubuo ng hinuha.

Subukan Natin

1. Ang Paghihinuha o Pagpapalagay at Paghula o Prediksyon ay dalawang

kasanayan na makatutulong sa pagtukoy ng kahulugan ng salita sa pamamagitan

ng pahiwatig sa akda.

2. Sa pamamagitan ng pahiwatig, nagiging matimpi ang isang akda. Hindi nagiging

kabagut-bagot sa mga mambabasa dahil hindi sinasabi sa kanila ang lahat-lahat.

Kumbaga, may mga misteryo o hiwaga na kailangan nilang tuklasin sa

pagbabasa. Kailangang maging malikhain ang guni-guni o imahinasyon ng

mambabasa upang mabigyang-kahulugan niya ang akda.

Isaisip Natin

Mahalagang magkaroon ng kasanayan ang mag-aaral sa pag-unawa ng mga

salita upang lubos niyang maunawaan ang nilalaman ng teksto. Makatutulong

din ang kaniyang kasanayan sa Paghihinuha o Paghula upang mabigyan ng

kaukulan at tamang interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit ng may-akda.

Aralin 3: Uri ng Pang-uri

Sagutin Natin

1. Sa pagbibigay ng opinyon, gumagamit tayo ng mga pahayag o ekspresyon

gaya ng: sa tingin ko, akala ko, palagay ko, sa opinyon ko, at iba pang

katulad upang ipahayag ang ating mga saloobin.

Page 33: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

2. Bagama’t hindi suportado ng siyentipikong datos o batayan ang isang opinyon

o pananaw, ipinaliliwanag ito batay sa makatotohanang pangyayari,

damdamin, o saloobin ng isang tao

Subukan Natin

1. Magiging mas makabuluhan ito kung mayroon tayong sapat na kaalaman sa

paksa o isyung binibigyang-opinyon. Makatutulong ang ating mga nabasa,

narinig, at napanood upang magsilbing patunay o batayan sa ating mga

argumento.

2. Makabubuti ang pagiging mapagpakumbaba at magalang sa paglalahad natin

ang sariling opinyon o pananaw. Dito maaaring gamitin ang po/ho at opo/oho sa

pagpapahayag natin ng ating mga sariling opinyon at paniniwala.

Isaisip Natin

Lahat tayo ay may karapatang ipahayag ang ating mga pananaw, opinyon at

paniniwala hinggil sa anumang isyung ating nalalaman. Mahalagang ipahayag

ito nang may paggalang at pagpapakumbaba upang magkaunawaan at maging

bukas ang bawat panig sa pananaw ng bawat isa. Nagkakaroon din ng

mapayapang pagpapahayag kung magalang at mapagkumbaba.

Aralin 4

Sagutin Natin!

1. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa Sarili, Tao laban sa Kalikasan,

Tao laban sa Tao, at Tao laban sa Lipunan.

2. Ang tunggaliang Tao laban sa Sarili ay ang tunggaliang ang kaaway o

katunggali ng pangunahing tauhan ay ang kaniyang sarili. Tinatawag din itong

tunggaliang sikolohikal.

Subukan Natin

1. Ang tunggalian ang nagsisilbing panghatak sa mga mambabasa o manonood

upang subaybayan ang kuwento. Ito rin ay isang mahalagang sangkap na

nagbibigay ng kariktan sa takbo ng banghay lalo na sa isang nobela.

2. Mahalaga ang tunggalian sa isang akda sapagkat sinasalamin nito ang

paghahangad at pananaw ng isang tauhan.

Page 34: FILIPINO Baitang 9 Yunit 2 Mga Katulong sa Bahay

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Isaisip Natin

Ang mga akdang nakapupukaw ng interes ay may magandang tunggalian.

Mahalaga ito sapagkat binibigyan nito ng mga hamon ang mga tauhan upang

makamit ang kanilang minimithi. Nawawalan din ng katiyakan kung makakamit

ba ng mga tauhan ang kanilang minimithi kaya nagiging interesante ang akda sa

mambabasa.

Sanggunian

Belvez, Paz M. et. al. Panitikan ng Lahi. Manila: Rex Book Store, Inc., 2006.

Mag-atas, Rosario et.al. Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo). Manila:

National Bookstore, Inc., 1994.