27
KOMUNIKASYON

Yunit 4 Komunikasyon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Yunit 4  Komunikasyon

KOMUNIKASYON

Page 2: Yunit 4  Komunikasyon

Kahulugan

Ayon kay Webster, ang komunikasyon ay pagpapahayag; pagpapahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan.

Page 3: Yunit 4  Komunikasyon

Mula kay Atienza et al. “Ang komunikasyon ay isang sining at agham; isang sistema ng pagbibigay-kahulugan at pag-unawa sa anumang pahayag sa pamamagitan ng senyas, sagisag, tunog, wika at iba pang paraang teknikal. Agham sapagkat binubuo ng mga panuntunan sa pagtuklas ng katotohanan; at sining sapagkat nagbibigay sa tao ng pagkakataong maipahayag ang niloloob at maisakatuparan ang anumang naisin sa paraang karapa-dapat”.

Page 4: Yunit 4  Komunikasyon

URI NG KOMUNIKASYON

 KOMUNIKASYONG BERBAL (Verbal)

- tawag sa uri ng komunikasyong ginagamitan ng wika, pasulat man o pasalita na siyang kumakatawan sa mga ideya at saloobin ng isang tao. 

Page 5: Yunit 4  Komunikasyon

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL (Non-Verbal)

- tawag naman sa uri ng komunikasyong ang pangunahing gamit ay senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa. Sa ilang pagkakataon, hindi nakakasapat ang wika lamang upang maipahayag ang ating mensahe.  

Page 6: Yunit 4  Komunikasyon

KONSIDERASYON SA

MABISANG KOMUNIKASYON

Page 7: Yunit 4  Komunikasyon

1. Setting – (Saan nag-uusap?)2. Participants – (Sino ang kausap at nag-uusap)3. Ends – (Ano ang layon ng usapan?)4. Act Sequence – (Paano ang takbo ng usapan?)5. Keys – (Ano ang estilo o speech register? Pormal ba o di pormal?)6. Instrumentalities – (Pasalita ba o pasulat ang pagpapahayag ng kaisipan?)7. Norms - (Ano ang paksa ng pag-uusap?)8. Genres – (Ano ang uri ng pagpapahayag? Pasalaysay, Paglalarawan, Paglalahad o Pangangatwiran?)

Page 8: Yunit 4  Komunikasyon

1. Setting – (Saan nag-uusap?)Sa pakikipagkomunikasyon, ang

pook o lugar kung saan nagaganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag, ang mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyayarihan ng salitaan.

Page 9: Yunit 4  Komunikasyon

2. Participants – (Sino ang kausap at nag-uusap)

Dito isinasaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang, kasarian, paniniwala at piliosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensiya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap.

Page 10: Yunit 4  Komunikasyon

3. Ends – (Ano ang layon ng usapan?)

Sa component na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangarap o paglikha.

Page 11: Yunit 4  Komunikasyon

4. Act Sequence – (Paano ang takbo ng usapan?)

Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa sa pagtitipan (date), inaasahang masuyo at malambing ngunit kapag may mga bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away.

Page 12: Yunit 4  Komunikasyon

5. Keys – (Ano ang estilo o speech register?

Pormal ba o di pormal?)

Ang estilo o speech register ay inaangkop sa sitwasyon, layunin, pook o lokasyon at lalo na sa uri ng participants

Page 13: Yunit 4  Komunikasyon

6. Instrumentalities – (Pasalita ba o pasulat ang pagpapahayag ng kaisipan?) 

Sa komponent na ito maaaring isaalang-alang ng mga sumusunod:  Kalagayan o Sitwasyon Layunin Kagustuhan ng mga taong nakikipagkomunikasyon Availability ng tumatanggap ng mensahe 

Page 14: Yunit 4  Komunikasyon

7. Norms- (Ano ang paksa ng pag-uusap?) 

Ang paksa ng pag-uusap ay kahit ano depende sa participants na maaaring batay naman sa kanilang layunin, interes o hilig, pangangailangan at maging ayon sa kasarian (babae / lalaki). Ang paksang karaniwang pinag-uusapan ng mga abogado ay maaaring kaugnay sa batas, pamahalaan, kriminalidad samantalang sa mga doctor naman ay ukol sa kalusugan, sakit at iba pang kaalaman o paksang saklaw ng medisina.

Page 15: Yunit 4  Komunikasyon

8. Genres – (Ano ang uri ng pagpapahayag?

Pasalaysay,Paglalarawan, Paglalahad o

Pangangatwiran?)Sa component na ito, isinasaalang-

alang ang layunin ng participants.:A.Pagsasalaysay - magkwento ng isang

pangyayariB.Paglalarawan - magpakita ng

anyo,katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin.

Page 16: Yunit 4  Komunikasyon

C.Paglalahad - magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon.

D.Pangangatwiran - maghikayat o magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran, at paninindigan ng iba, ang paraan ng pagpapahayag.

Page 17: Yunit 4  Komunikasyon

URI NG

KOMUNIKASYONG DI- BERBAL

Page 18: Yunit 4  Komunikasyon

1. ORAS (CHRONEMICS) Ang paggamit ng oras ay

itinuturing na komunikasyong di-verbal. Ang paggamit ng oras ay kaakibatan ng mensahe.

Hal. Ang pagdating na huli sa isang job interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina. Ang “Filipino time” ay may negatibong kahulugan sapagkat nahuhuli sa takdang oras ng pagdating.

Page 19: Yunit 4  Komunikasyon

2. ESPASYO (Proxemics)Ito ang tawag sa distansya sa

pagitan ng mga taong nag-uusap na nagpapakita ng ugnayan na namamagitan sa kanila.

Ito ay nauuri sa apat:  Espasyong Personal (personal distance) na para sa magkakaibigan o sa mga taong may higit pang malapit na relasyon. 

Page 20: Yunit 4  Komunikasyon

• Espasyong Pantapatang-loob (intimate distance) na ang mga nag-uusap ay may higit na mahinang tinig at ang paksang tinatalakay ay madalas na isang lihim. Espasyong Pampubliko (public distance) na ang ugnayan ay pormal. Espasyong Sosyal (social distance) na angkop sa mga talakayan, pagpupulong at mga pagtitipon.

Page 21: Yunit 4  Komunikasyon

3. KATAWAN (Kinesics)Tinatawag ding body language

at maging ang ating pananamit, tindig at kilos ay maaaring may mensahe rin. Ang galaw at kumpas ng kamay ay isa ring pinanggagalingan ng mensaheng di-berbal.

Page 22: Yunit 4  Komunikasyon

Regulative – kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng sasakyan

sa daano kumpas ng isang guro sa

pagpapatahimik ng mga bata. Descriptive – kumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.

Page 23: Yunit 4  Komunikasyon

Emphatic – nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng

kamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dawang kamay, pagkuyom ng mga palad at pakikipagkamay.

Page 24: Yunit 4  Komunikasyon

4. EKSPRESYON NG MUKHA Marami ang nagsasabi na nababasa sa

mukha ang iniisip o nadarama ng isang indibidwal. May iba’t-ibang ekspresyon na may taglay na kahulugan : tuwa, lungkot, galit, inis at iba pa. Masasabing kaugnay ng ekspresyon ng mukha nag damdamin ng tao.

Ito ay maaaring makikita sa ating mga mata. Anu-ano ang posibleng kahulugan ng umiiwas na tingin at papikit-pikit na mga mata? Sa mukha, maaaring makita kung ang isang tao ay masaya, nahihirapan, may suliranin, umiibig, malungkot, nagagalit o di-kaya’y nag-iisip.

Page 25: Yunit 4  Komunikasyon

5. PANDAMA (HAPTICS) Ang paggamit ng “sense of

touch”. May iba-iba tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o bagay at bawat paraan ay may kanya-kanyang kahulugan.

Page 26: Yunit 4  Komunikasyon

6. SIMBOLO (ICONICS) Ang mga simbolo (icons) na

makikita natin sa ating paligid ay ginagamit bilang komunikasyong di-berbal. May iba’t-ibang simbolong makikita sa kalsada o daan, simbolo ng bawal manigarilyo, para sa mga may kapansanan, bote ng lason at iba pa.

Page 27: Yunit 4  Komunikasyon

7. KULAY

Ang mga kulay ay mayroong ding taglay na kahulugan na nagagamit natin sa pagpapahayag ng isang mensahe. Sa larangan ng sining, bawat kulay ay may tiyak na kahulugan at nagagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

back…