55
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 6 Ang Panghihimasok ng mga Amerikano TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Ang Pagdating ng mga Amerikano 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 13 Sagutin Natin 14 Pag-isipin Natin 14 Gawin Natin 14 Aralin 2: Ang Benevolent Assimilation at Pananakop ng Amerika 17 Layunin Natin 17 Subukan Natin 18 Alamin Natin 19 Pag-aralan Natin 19 Suriin Natin 23 Sagutin Natin 24 Pag-isipin Natin 24 Gawin Natin 24 Aralin 3: Ang Digmaang Pilipino-Amerikano 27 Layunin Natin 27 Subukan Natin 28 Alamin Natin 29 Pag-aralan Natin 29

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 6 Ang Panghihimasok …

  • Upload
    others

  • View
    21

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 6

Ang Panghihimasok ng mga Amerikano TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Ang Pagdating ng mga Amerikano 4 Layunin Natin 4

Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 13 Sagutin Natin 14

Pag-isipin Natin 14 Gawin Natin 14

Aralin 2: Ang Benevolent Assimilation at Pananakop ng Amerika 17 Layunin Natin 17

Subukan Natin 18 Alamin Natin 19 Pag-aralan Natin 19 Suriin Natin 23 Sagutin Natin 24

Pag-isipin Natin 24 Gawin Natin 24

Aralin 3: Ang Digmaang Pilipino-Amerikano 27 Layunin Natin 27

Subukan Natin 28 Alamin Natin 29 Pag-aralan Natin 29

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Suriin Natin 34 Sagutin Natin 35

Pag-isipin Natin 35 Gawin Natin 35

Aralin 4: Mga Natatanging Pilipino sa Digmaan 37 Layunin Natin 37

Subukan Natin 38 Alamin Natin 39 Pag-aralan Natin 39 Suriin Natin 43 Sagutin Natin 44

Pag-isipin Natin 44 Gawin Natin 44

Karagdagang Kaalaman 46 Pagyamanin Natin 47 Paglalagom 49 Dapat Tandaan 49 Dagdag Sanggunian 50 Gabay sa Pagwawasto 51 Sanggunian 54

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 6 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 6

Ang Panghihimasok ng mga Amerikano

Panghihimasok ng mga Amerikano sa Bansa

Hindi pa pormal na nagtatapos ang Himagsikang Pilipino laban sa Espanya nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kanilang patakaran ayon diumano sa kagandahang loob, nagsimula na ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas. Kagaya ng inaasahan, humantong ang pananakop na ito sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Muli, ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang katapangan at katatagan laban sa mas malakas at makapangyarihang dayuhan.

Ano ang direkang kaugnayan ang mga bansang Estados Unidos, Cuba, Espanya, at Pilipinas? Bakit sinasabing sinadya ng mga Amerikano ang pagtungo nila sa Pilipinas? Paaano isinakatupan ng Estados Unidos ang kaniyang mga balak?

Tatalakayin sa yunit na ito ang kasaysayan ng pagdating ng mga Amerikano, polisiya ng “benevolent assimilation” at pananakop ng Estados Unidos, Digmaang Pilipino-Amerikano at mga natatanging Pilipino sa digmaan.

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Ang Pagdating ng mga Amerikano

Bilang bahagi ng planong pagpapalawak ng kapangyarihan, pinaghandaan ng Estados Unidos ang pagtungo nila sa Pilipinas. Bago pa man ang pormal na deklarasyon ng Digmaaang Amerikano-Espanyol, si George Dewey ay nasa Hong Kong Bay na at doon ay naghihintay na lamang ng instruksiyon mula sa Estados Unidos. Napakalapit na ng Hong Kong sa Pilipinas, madali na niyang maisasakatuparan ang isang sorpresang pag-atake sa puwersang Espanyol sa Pilipinas.

Sino ang mga pinunong tampok sa Labanan sa Look ng Maynila? Bakit madaling natalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol sa labanang ito? Paano muling hinarap ni Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol sa kaniyang pagbabalik?

Sa araling ito, malalaman natin ang mga panimulang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasalaysay ang mga panimulang pangyayaring may kaugnayan sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Balita ng Paglusob ng mga Amerikano sa Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Pangalanan ang sumusunod na lider at ipahayag ang bansang kanilang pinagmulan.

Larawan Pangalan Bansa o Lahi

_____________________ ____________________

____________________ ____________________

____________________ ____________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ang Espanya ay naging makapangyarihan sa Mundo noong ika-16 na siglo. Sa kaniyang kasikatan, kinontrol nito ang kalakalan sa Gitna at Timog Amerika, mga bahagi ng Aprika, at sa Pilipinas. Isa sa mga nasyon sa Gitnang Amerika ang Cuba. Sumiklab ang Himagsikang Cubano-Espanyol noong 1895, halos kasabay ng Himagsikang Pilipino-Espanyol noong 1896, na kapwa lumaya noong 1898.

Ipinaramdam naman ng Estados Unidos ang kaniyang kapangyarihan sa Mundo noong huling bahagi ng ika-18 dantaon. Naging patakaran ng bansang ito na hindi makialam sa anumang usapin ng mga bansa sa Europa gayundin naman ang Europa sa Estados Unidos. Subalit nang sumiklab ang Himagsikang Cubano-Espanyol, napilitang makialam ng mga Amerikano para mapangalagaan ang kanilang interes o mga negosyo sa Cuba na napipinsala na. Bahagi ng pagpapalawak ng kapangyarihan, nabuo ang plano ng pakikidigma ng Estados Unidos laban sa Espanya sa lalong madaling panahon.

Noong 1897, nabuo ang plano ng mabilisang pagsalakay ng mga Amerikano sa Pilipinas (kolonya ito ng Espanya) sa oras na maipahayag ang Digmaang Amerikano-Espanyol. Kaya, noong Pebrero 25, 1898, naging komandante ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos si Dewey. Nakaposisyon na sila sa Hong Kong, handa na para sumalakay sa Pilipinas.

Ang Digmaang Amerikano-Espanyol Dahil sa naluluging negosyo sa Cuba, pinakialaman din ng Estados Unidos ang diumano ay hindi makataong pagtrato ng mga Espanyol sa mga Cubano. Marami pang negatibong isyu ang ibinato ng mga Amerikano, dahil dito, naging maselan ang relasyon ng dalawang bansa. Noong Pebrero 15, 1898, nang lumubog ang barkong USS Maine na pag-aari ng Estados Unidos. Ang Maine ay nakadaong sa Havana. Nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng insidenteng ito, subalit hindi napatunayang ito ay kagagawan ng mga

Pag-aralan Natin Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • maselan – kritikal• tuligsain – batikusin• deklarasyon – pagpapahayag• binalaan- binigyan ng babala• kinubkob – pinalibutan• pamahalaang militar –

pinamumunuan nggobernador-militar

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Espanyol kagaya ng bintang ng mga Amerikano. Nagalit ang mga Amerikano. Buo naman ang paniniwala na mga Espanyol ang may kagagawan ng insidente na ikinamatay ng mahigit 200 Amerikano. Mas pinalala pa ito ng mga pahayagan sa Estados Unidos nang hayagang tuligsain ang Espanya at hiniling na makidigma ang Estados Unidos laban sa Espanya. Dahil wala na sa kapasidad o kakayahan ang Espanya na makipaglaban sa isang malakas na bansa, gumawa ito ng paraan upang payapain ang Estados Unidos, subalit patuloy ang mga Amerikano sa paghahamon. Noong Abril 19, 1898, lumabas ang Teller Resolution na nagsasaad ng pakikidigma ng Estados Unidos laban sa Espanya. Noong Abril 25, 1898, pormal na nagpahayag ng pakikidigma ang Kongreso ng Estados Unidos.

Ang Labanan sa Look ng Maynila Bilang bahagi ng planong pagpapalawak ng kapangyarihan, pinaghandaan ng Estados Unidos ang pagtungo nila sa Pilipinas. Matatandaang bago pa man ang pormal na deklarasyon ng Digmaaang Amerikano-Espanyol noong Abril 25, 1898, si George Dewey ay nasa Look ng Hong Kong na at doon ay naghihintay na lamang ng instruksiyon o panuto mula sa Estados Unidos. Bakit sa Hong Kong? Kasi, napakalapit ng Hong Kong sa Pilipinas, madali na niyang maisasakatuparan ang kanilang balak. Isa pa, ito ay isang sorpresang pag-atake sa puwersang Espanyol sa Pilipinas, nang sa gayon ay masisisgurado ng Estados Unidos ang panalo nito laban sa Espanya.

Narito ang detalye ng labanan: • Nakatanggap ng instruksiyon si Dewey, mula kay John

Long, na tumungo na sa Maynila.• Taglay ang mahalagang impormasyon tungkol sa

depensang Espanyol sa Maynila, naglakbay na ang mgaAmerikano.

• Noong madaling araw ng Mayo 1, 1898, pumasok angmga Amerikano sa Look ng Maynila. Walang kamalay-malay ang mga Espanyol.

Si George Dewey

Si Patricio Montojo

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

• Huli na nang malaman ng mga Espanyol ang pagdating ng mga Amerikano. Sa pamumuno ni Patricio Montojo, gulat na hinarap ang mga lumulusob.

• Nagsimula ang labanan bandang 5:30 ng umaga. Naging tagilid ang lagay ng mga Espanyol.

• Sa ganap na 12:30 ng hapon, wasak na ang mga pandigma ng mga Espanyol. Maliit lamang na pinsala ng mga pandigma ng mga Amerikano. Higit na marami ang namatay sa panig ng mga Espanyol.

• Binalaan ni Dewey na wawasakin ang Maynila kung hindi susuko ang mga Espanyol. • Ipinadala rin ni Dewey kay Fermin Jaudenes, ang gobernador-henaral noon, ang mga

kondisyon kaugnay ng pagsuko. • Bilang tugon ng mga Espanyol, ipinaabot nito ang pagsuko sa pamamagitan ng

pagwawagayway ng puting bandila. • Tuluyan nang nakapasok ang mga Amerikano.

Nasaan si Emilio Aguinaldo nang mga oras ng labanan? Matatandaang nagkaroon ng kasunduan sa Biak-na-Bato ang Pilipinas at Espanya. Sa probisyon ng kasunduan, si Aguinaldo ay kusang loob na mananatili sa Hong Kong bilang tapon (exile). Bilang pagtupad, umalis siya sa Pilipinas noong Disyembre 27, 1897. Ang Pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas Sa Hong Kong, bumuo si Aguinaldo ng Hong Kong Junta. Ito ay ang pamahalaang mapanghimagsik (pamahalaang tapon) na may kinalaman sa usaping himagsikan. Habang nasa Hong Kong, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Aguinaldo ay Isabelo Artacho kaugnay naman ng perang ibinayad ng Espanya. Upang makaiwas sa korte, tumungo si Aguinaldo sa Singapore. Sa pamamagitan n Spencer Pratt, Amerikano na konsul, nakumbinsi si Aguinaldo na walang masamang balak ang Estados Unidos sa Plipinas. Tinulungan pa niyang makabalik si Aguinaldo sa Hong Kong upang makasabay ni Dewey patungong Maynila, subalit hindi na nila inabutan si Dewey sa Hong Kong. Ibig sabihin, habang nangyayari ang labanan sa Look ng Maynila, si Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

ay nasa Hong Kong. Naghihintay siya ng sasakyang Amerikano na susundo sa kaniya. Noong Abril 17, 1898, umalis siya sa Hong Kong kasama ang 13 pang Pilipino. Makaraan ang dalawang araw, sakay ng McCulloch, nakabalik si Aguinaldo sa Pilipinas. Nag-usap sila ni Dewey sa barkong Olympia. Sinabi diumano ni Dewey na hindi nila gagawing kolonya ang Pilipinas at kikilalanin ng Estados Unidos ang kalayaan ng Plipinas. Nang lumaon, ang pahayag na ito ay itinanggi ni Dewey. Ang Muling Paghaharap ng mga Pilipino at Espanyol Sa pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas, hinikayat siya ng mga Pilipino na muling lumaban sa mga Espanyol. Bilang tugon, nagpahayag siya ng muling pakikidigma laban sa Espanya. Muli niyang pinamunuan ang himagsikan, mas mainit at mas malakas dahil sa mga makabagong armas at may alok na tulong mula sa mga Amerikano. Maraming lugar sa Luzon ang nabawi ng mga Pilipino. Halos ramdam na ng mga Espanyol ang pagkatalo, kaya nangako ito na kikilalanin na ang mga kahilingan at karapatan ng mga Pilipino subalit nabigo sila. Tinangka nina Aguinaldo na pasukin ang Intramuros subalit nahirapan sila dahil sa kapal ng pader nito (Intramuros o Walled City). Nanawagan siya kay Basilio Agustin upang sumuko na subalit nagmatigas ang gobernador-heneral. Kinubkob nila ang Maynila. Walang pagkaing makapasok. Pinutol din ang suplay ng tubig. Nagdanas ng hirap ang mga Espanyol sa loob ng Intramuros. Nakamit ng mga Pilipinas ang Kalayaan Sa paniniwalang talo na ang mga Espanyol, naisip ni Aguinaldo na panahon na upang ipahayag ang kalayaan ng Pilipinas. Ang Hunyo 12, 1898 ang isa mga napakahalagang araw sa kasaysayan ng bansa dahil sa araw na ito ipinahayag ang kasarinlang Pilipino sa Kawit, Cavite, kalayaang ipinagkait o ipinagdamot ng mga dayuhan sa loob ng mahigit 300 taon. Ayon sa mga nakasaksi, nag-iyakan sa tuwa ang mga Pilipino. Sa wakas ay naipahayag na ang kalayaan ng Pilipinas, ang unang bansa sa Asya na nakalaya sa pananakop ng mga Europeo.

Ang Intramuros o Walled City

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Ang Pekeng Labanan sa Maynila Pagkatapos ng labanan sa Look ng Maynila inakala ng mga Pilipino na aalis na ang hukbong Amerkano sa Pilipinas. Ikinagulat ng mga Pilipino ang patuloy na pagdating ng marami pa. Nagbunga ito ng pagdududa lalo na ng mga opisyal, kaya ipinaalam nila ito kay Aguinaldo. Nais nila na habang maaga pa ay salakayin na ang mga Amerikano. Subalit, tiniyak sa kanila ni Aguinaldo na walang masamang balak ang Estados Unidos dahil pinanghahawakan niya ang pangako sa kaniya ni Spencer Pratt.

Pagsasalarawan ng Digmaan sa Look ng Maynila sa agitan ng mga Ameriano at mga Espanyol

Narito ang detalye ng mga pangyayari:

• Para tuluyang mapasuko ang Maynila, ipinag-utos ni Aguinaldo na kubkubin ang Intramuros.

• Naging malubha ang kalagayan doon ng mga Espanyol at halos nasa kamay na ng mga Pilipino ang tagumpay.

• Sa hindi inaasahang pangyayari, sina Geogre Dewey at Wesley Merritt ng Estados Unidos ay lihim na nakipag-usap kay Fermin Jaudenes ng Espanya kaugnay ng gagawing pagsuko. Ayon sa kasunduan, magkakaroon ng kunwari o pekeng labanan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol at pagkatapos ay susuko ang huli. Sa labang ito, hindi kasali ang mga Pilipino.

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

• Nong Agosto 13, 1898, umaga, nagulat ang mga kawal na Pilipino nang paalisin sila ng mga sundalong Amerikano kasabay ng mayabang na pagbabanta. Lalong ikinagulat ng mga Pilipino nang magpalitan ng mga putok ang mga sundalo ng dalawang dayuhan. Pagkatapos ng putukan ay nakita ang puting bandila, tanda ng pagsuko ng Espanya sa mga Estados Unidos.

• Pumasok sina Merrit sa lungsod at bandang 5:30 ng hapon, ibinaba ang watawat ng Espanya at itinaas ang bandila ng Estados Unidos.

Ayon nga sa The Salt Lake Herald, isang pahayagang Amerikano, binomba ni Dewey ang Maynila at ang lungsod ay sumuko. Nagtagumpay diumano ang mga Amerikano at natapos ang digmaan sa Pilipinas. Nangyari ang pekeng digmaan mula sa pahintulot ng Espanya. Nais nilang magkaroon ng “marangal na pagkatalo” sa isang labanang panlupa. Ngunit bago pa magsimula ang laban ay nagkaroon na ng panalo. Nagtakda ang Espanya na isusuko nila ang Intramuros, Maynila sa Amerikano. Ito ay upang hindi sila mapahiya dahil ayaw nilang makitang natalo sila ng mga Pilipino. Nang sumuko ang Espanya sa mga Amerikano ay tuluyan na nilang nakuha ang Maynila. Naitalaga sa loob ng Intramuros ang pamahalaang militar ng mga Amerikano. Napili si Wesley Merritt bilang unang gobernador-militar ng Estados Unidos sa Maynila.

Ang Salt Lake Herald

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Ang Kasunduan sa Paris ng 1898 Noong Disyembre 10, 1898, nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya ang Kasunduan sa Paris (Treaty of Paris). Noong una, maraming Amerikano, maging ang kanilang Kongreso, ang tutol dito dahil hindi ugali o gawain ng Estados Unidos na bumili ng kolonya. Narito ang ilang mahalagang probisyon ng kasunduan para sa Pilipinas:

• Ang Pilipinas ay bibilhin ng Estados Unidos mula sa Espanyan sa halagang 20,000,000 dolyar

• Ang mga barkong pandigma ng Espanya ay papayagang makapasok sa Pilipinas sa loob ng 10 taon matapos malagdaan ang kasunduan (1898-1908)

Ang Kasunduan sa Paris ay mahigpit ding tinutulan ng mga Pilipino dahil:

• Ang Espanya, ayon sa batas ng mga bansa, ay wala nang pakialam sa Pilipinas.

• Tinalo na ng mga Pilipino ang mga Espanyol. • Hindi na sila ang nagmamay-ari ng Pilipinas at kailanman ay hindi sila ang may-ari

nito. • Walang karapatan ang Espanya na ilipat o ipagbili ang Pilipinas sa ibang bansa na

parang isang bagay lamang. Sa kasamaang palad, walang delegadong Pilipino sa pagpupulong sa Paris upang magtanggol sa kalagayan ng Pilipinas. Hindi kinilala ng dalawang bansa ang kalayaan ng Pilipinas na ipinahayag noong Hunyo 12, 1898. Sa kabila ang pagsusumikap ni Felipe Agoncillo, ang kinatawang diplomatikong Pilipino sa Estados Unidos, wala rin siyang nagawa. Nang lagdaan ang kasunduan, bumalik siya sa Estados Unidos upang pigilin ang pagpapatibay nito sa Kongreso subalit muli siyang nabigo.

Maliban sa Pilipinas, ang Puerto Rico at Guam ay napasakamay rin ng Estados Unidos

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Punan ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng teksto.

Ang Pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas Nagsimula ang Digmaang Amerikano-Espanyol nang lumubog ang (1) ___________________ sa

Havana, Cuba. Ayon sa pagsisiyasat, ang nagpalubog nito ay mga Amerikano rin dahil nais

nilang makidigma laban sa (2) __________________. Nang ipahagayag na ng Kongreso ng

Estados Unidos ang pormal nilang pakikidigma, pinapunta na nila sa Look ng Hong Kong si

(3) ___________________. Mula rito, maghihintay siya ng telegrama kung tutungo na sila sa

Pilipinas. Noong Mayo 1, 1898, nagsimula ang (4) _____________________. Bago magdilim,

sumuko ang puwersang Espanyol sa pamumuno ni (5) ___________________. Samantala, sa

tulong rin ng mga Amerikano, nakabalik si (6) __________________ sa Pilipinas. Muli niyang

pinangunahan ang Digmaang Pilipino-Espanyol. Nang halos talo na ang mga kalaban,

itinakda ni Aguinaldo ang pagpapahayag ng (7) ___________________ ng Pilipinas noong

Hunyo 12, 1898. Subalit ang kalayaang ito ay hindi kinilala ng mga Amerikano. Lingid sa

kaalaman ng mga Pilipino, lihim na nagkaroon ng kasunduan ang mga Amerikano at

Espanyol. Ayon sa napag-usapan, magkakaroon ng (8) ____________________ sa pagitan ng

dalawang panig. Hindi kasali sa labanang ito ang mga Pilipino. Sa pangyayaring ito,

nagduda na ang ilang Pilipino sa tunay na motibo ng mga Amerikano. Napatunayan nila

ang masamang balak ng akala nilang kakampi nang bilhin ng Estados Unidos mula sa

Espanya ang Pilipinas sa halagang (9) ____________________. Nangyari ang kasunduan sa

pagitang ng Estados Unidos at Espanya sa (10) ____________________.

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bakit nangyari ang Digmaan sa Look ng Maynila? 2. Ano ang Kasunduan sa Paris? 3. Paano nakaapekto ang Kasunduan sa Paris sa kalayaan ng Pilipinas?

Anong ibig ituro sa sangkatauhan ng pangyayari sa Havana, Cuba nang palubugin ng mga Amerikano ang sarili nitong barko na ikinasawi ng marami nilang sundalo?

Kumpletuhin ang tsart upang masagot ang suliranin. Maaaring manaliksik pa upang maging komprehensibo ang kasagutan. Tiyaking sa pamamagitan ng gawaing ito ay uunlad pa ang kaalaman tungkol sa paksa o aralin.

PATUNAYAN: SINADYA BA O NAGKATAON LAMANG ANG PAGTUNGO NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS?

1. Ano ang direktang kaugnayan ng sumusunod na mga bansa bago mag-1898?

A. Espanya-Cuba

B. Espanya- Estados Unidos

C. Espanya-Pilipinas

D. Estados Unidos-Cuba

E. Estados Unidos-Pilipinas

F. Pilipinas-Cuba

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

2. Anong papel ang ginampanan ng Espanya sa Pilipinas at Cuba?

3. Bakit nakialam ang Estados Unidos sa mga usapin ng Espanya?

4. Makatuwiran ba na pakialaman ng Estados Unidos ang Pilipinas?

5. Bakit pinilit ng Estados Unidos ang Espanya na makidigma sa kaniya?

6. Bakit maaagang pinapunta ng Estados Unidos si Dewey sa Look ng Hong Kong?

7. Sinadya ba o nagkataon lamang ang patungo ng mga Amerikano sa Pilipinas?

8. Bumuo ng kongklusyon.

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng Impormasyon/ Nilalaman

Wala o nasagot nang tama ang isa hanggang tatlong tanong lamang; halos walang nadagdag na kaalaman tungkol sa paksa

Nasagot nang tama ang apat hanggang limang tanong; nadagdagan ng ilan ang kaalaman tungkol sa paksa

Nasagot nang tama ang anim hanggang pitong tanong; may manipestasyon na nadagdagan ang kaalaman tungkol sa paksa

Komprehensibo ang kasagutan; nasagot nang tama ang walong tanong; tiyak na tiyak na nadagdagan ang kaalaman tungkol sa paksa

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng tsart; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Medyo hindi maayos at malinis ang tsart; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang tsart; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng tsart; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ilang minuto/ oras/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/ oras/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/ oras/petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/ oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Aralin 2

Ang Benevolent Assimilation at Pananakop ng Amerika

Planado at mahusay ang mga naging hakbang ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas. Malinaw sa mga pangyayari na ang pagtungo nila sa Pilipinas ay sinadya, hindi nagkataon lamang. Ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay bahagi ng pagpapalawak ng teritoryo upang kilalaning pinakamakapangyarihang bansa sa buong Mundo. Ano ang benevolent assimilation policy? Ano ang mga dahilan ng Estados Unidos sa kanilang pananakop? Mahalagang maunawaan ang mga layunin sa pananakop ng Estados Unidos, gayundin ang polisiya ng benevolent assimilation.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang mga layunin ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas at nasusuri ang kanilang polisiyang benevolent assimilation.

Isang cartoon na nagpapakita ng pananakop ng Espanya at Estados Unidos sa Pilipinas

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Tukuyin ang kung ang bawat sitwasyon o mensahe nito ay nagpapahiwatig ng KAGANDAHANG LOOB o PANANAMANTALA.

1. Nakatokang maghugas ng pinagkainannang gabing iyon si Joy. Subalit, nangmakita niyang napakaraming hugasan,nagdahilan siya na masakit ang tiyan.Nakiusap siya sa bunsong kapatid naakuin muna ang paghuhugas.

_____________________

2. Nahihirapan sa Math si Kenzo. Kahitanong pilit niyang makinig ay talaganghindi niya maintindihan. Laging mababaang resulta ng kaniyang mga pagsusulit.Nahahalata pala ito ni Kyle, bagamanhindi sila magkaibigan, inalok niya nglibreng tutorial si Kenzo tuwing maybakanteng oras.

_____________________

3. Malapit na ang halalang panlokal.Sa mga panahong ito, nagmamatyag naang ilang kandidato kung sino ang masmalakas sa mga botante. Kailangangdumikit sila sa mga sikat na kandidatoupang malaki ang tiyansang manalo sahalalan.

_____________________

4. Matapos tulungan ng mga sundalo ngBansang Y ang sundalo ng Bansang X sasuliranin sa suliraning pangseguridad,masaya silang nagpaalam upangtumulong naman sa iba pa.

______________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Batay sa mga pangyayari, madaling nahinuha ang tunay na motibo ng mga Amerikano sa pagtungo sa Pilipinas. Kagaya ng alam na natin, ang pagtungo ng mga Amerikano sa Pilipinas ay pangyayaring sinadya, hindi kagaya ng sinasabi nila na ito ay nagkataon lamang. Maraming palatandaang nagpapahiwatig na ang mga bagong dating na dayuhan ay walang hangad na makipagkaisa o makipagtulungan sa mga Pilipino. Patibayin natin ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong:

• Bakit hindi kaagad umalis ang mgaAmerikano sa Pilipinas matapos anglabanan sa Look ng Maynila?

• Bakit patuloy ang pagdami ng bilangng mga sundalong Amerikano saPilipinas?

• Bakit lihim na nakipagkasundo angmga pinunong Amerikano sa mgapinunong Espanyol?

• Bakit itinuring na kaaway o kalabanang mga kawal na Pilipino sa paligidng Maynila?

• Bakit ipinahayag ni William McKinleyang kanilang benevolent assimilationpolicy?

Maaaring itanong: Ano ba talaga ang tunay na layunin ng Estados Unidos sa kanilang pananakop?

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • motibo – layunin• sibilisasyon – kabihasnan,

kaunlaran• base-militar – kampong militar• hahasain – gagawing sanay o

bihasa• pagsasamantala – paggawa ng

hindi mabuti

Mga sundalong Amerikano na pinamumunuan ni Col. Theodore Roosevelt

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Mga Layunin ng Pananakop ng Estados Unidos Kung ang Espanya ay may 3Gs (god, gold, and glory), ang Estados Unidos naman ay may 5Ds. Ano ang limang D na ito?

Pag-aralan ang talahanayan:

Layunin Paliwanag

Dollar Maisulong ang kanilang interes sa pangkabuhayan

Deity Maipalaganap ang Protestantismo

Destiny Matupad ang tungkuling maipalaganap ang sibilisasyon o gawing maulad rin ang ibang bansa

Defense Maisulong ang interes na pangmilitar at magtatag ng mga base-militar upang mapangalagaan ang kanilang mga kolonya

Duty Maglingkod sa mga patakaran ng pagpapalawak ng kanilang bansa, tungkulin daw ng mga Amerikano na sumuporta at maglingkod sa ibang lahi

Layunin ng Estados Unidos

Dollar Deity Destiny Defense Duty

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

Ang “Benevolent Assimilation Policy” Matatandaang pagkatapos ng pagsuko ng Maynila noong Agosto 13, 1898, ipinag-utos ni McKinley, ang pangulo ng Estados Unidos, na itatag ang pamahalaang militar. Pinamunuan ito ng isang gobernador-militar na siyang kinatawan ng pangulo ng Estados Unidos sa Pilipinas. Hinirang na unang gobernador-militar sa Pilipinas si Wesley Merrit, sinundan siya ni Elwell Otis, at ang huli ay si Arthur McArthur.

Kasunod nito, noong Disyembre 21, 1898, ipinahayag ni McKinley sa Kongreso ng Estados Unidos ang patakaran ayon sa kagandahang loob o benevolent asssimilaton policy.

Ayon dito:

“Ang Pilipinas ay pauunlarin, sasanayin sa kabihasnan, at tuturuan at hahasain sa agham ng sariling pamamahala.”

Kabilang sa patakarang ito ang layunin ng Estados Unidos na ibangon ang ekonomiya at sanayin o ihanda sa pagsasarili ang Pilipinas.

Kabilang din ang mga simulaing ito:

• Sakupin ang buong kapuluan• Itatag ang isang pamahalaang naaayon sa pamamahala ng

Estados Unidos• Kilalanin ang mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino• Ipagbawal ang pagsasamantala sa mga Pilipino

Ang mga nabanggit ang panimulang opisyal na patakaran ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito rin ang nagsilbing patnubay o gabay ng pamahalaang militar.

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Wika nga ni McKinley:

Inilunsad ang Benevolent Assimilation bilang programa sa pagsakop ng Pilipinas. Inilahad na tapat ang paglilingkod ng Amerika para sa ikauunlad ng Pilipinas. Nakatago rito ang tunay nilang intensyon na sakupin ang Pilipinas. Pinalalabas nila na buong kabutihan ang handog nila sa bansa tulad ng edukasyon, demokrasya, bagong relihiyon, at bagong pamahalaan. Subalit sa huli, personal na interes ang habol nila.

Sa ganitong sitwasyon ay nahati ang mga Pilipino. Nais ng iba na kumampi sa mga Amerikano. Subalit para sa mas nakararami, alam nilang hindi malinis ang intensyon ng mga Amerikano. Kaya naman paglipas ng ilang buwan ay sumiklab na ang panibagong digmaan sa pagitan ng Pilipinas at isa na namang banyagang bansa.

Si William McKinley

The Americans come, not as invaders or conquerors, but as friends, to protect the natives in their homes, in their employment, and in their personal and religious rights.

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Isulat sa bawat patlang ang mga sagot.

Ano ang mga layunin ng Estados Unidos sa pananakop sa Pilipinas na naipakikita o naibubuod sa pamamagtan ng limang D sa wikang Ingles?

1. ___________________________

2. ___________________________

3. ___________________________

4. ___________________________

5. ___________________________

Ano ang mga panimulang opisyal na patakaran ng Estados Unidos sa Pilipinas na siya ring patnubay o gabay ng pamahalaang militar?

6. _____________________________________________

7. _____________________________________________

8. _____________________________________________

9. _____________________________________________

Ano ang sinabi ni William McKinley upang makumbinsi ang mga Pilipino na hindi pananakop ang kanilang layunin kung hindi ay benevolent assimilation?

10. _____________________________________________________________________________________

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang patakarang benevolent assimilation? Para saan ang patakarang ito? 2. Sa limang layunin ng pananakop ng Estados Unidos, alin ang masasabing

pinakapangunahin sa mga ito? Bakit? 3. Paano binigyang katuwiran ni McKinley ang patakarang benevolent assimilaton upang

maging katanggap-tanggap sa mga Pilipino?

Sa iyong palagay, tungkulin o responsiblidad ba talaga ng mayamang bansa na paunlarin ang mahirap na bansa? May utang na loob ba ang bansang sinakop sa bansang nanakop?

Kumpletuhin ang tsart upang masagot ang suliranin. Maaaring manaliksik pa upang maging komprehensibo ang kasagutan. Tiyaking sa pamamagitan ng gawaing ito ay madaragdagan ang kaalaman tungkol sa paksa o aralin.

PATUNAYAN: PANANAKOP AT HINDI PAGTULONG ANG TUNAY NA MOTIBO NG MGA AMERIKANO SA PAGTUNGO SA PILIPINAS.

1. Ano ang 5Ds na nagpapaliwanag ng mga layunin ng Estados Unidos sa Pilipinas? Ipaliwanag ang bawat isa.

2. Ano ang polisiya o patakarang benevolent assimilation?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

3. Alin sa mga layunin angpinakapangunahin sa lahat?

4. Bakit ipinahayag sa mga Pilipino angganitong uri ng patakaran?

5. Ano ang mga pangyayari na magpapatibay na pananakop o pagtulong ang dahilan ngpagdating mga Amerikano sa Pilipinas? Pumili ng isa: a o b.

a. Pananakop b. Pagtulong

6. Bumuo ng kongklusyon.

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng Impormasyon/ Nilalaman

Wala o nasagot nang tama ang isa hanggang dalawang aytem; halos walang nadagdag na kaalaman tungkol sa paksa

Nasagot nang tama ang tatlong aytem; nadagdagan ng ilan ang kaalaman tungkol sa paksa

Nasagot nang tama ang apat hanggang limang aytem; may manipestasyon na nadagdagan ang kaalaman tungkol sa paksa

Komprehensibo ang kasagutan; nasagot nang anim na aytem; tiyak na tiyak na nadagdagan ang kaalaman tungkol sa paksa

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng tsart; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Medyo hindi maayos at malinis ang tsart; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang tsart; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng tsart; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/ oras/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/ oras/petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/ oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Aralin 3

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

Inilipat ng Espanya sa Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas sa bisa ng Kasunduan sa Paris. Hindi ito nagustuhan ng mga Pilipino dahil lumalabas na sa halagang 20 milyong dolyar ay kasama silang ipinagbili ng mga Espanyol sa mga Amerikano. Ang pangyayaring ito ang lalong nagpagalit sa mga Pilipino laban sa mga bagong dayuhan. Ang dating mainit na relasyon ng dalawang bansa, na sa una ay tila magkakampi, ay tumabang o lumamig, na anumang sandali ay maaaring sumiklab ang isang digmaan.

Paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano? Ano ang kinahinatnan ng digmaang ito?

Tunghayan natin ang kabuuan ng bagong pakikibaka ng mga Pilipino laban sa bagong imperyalista—ang Estados Unidos.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisasalaysay ang mahahalagang pangyayari ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

Mga sundalong nakipaglaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Pagtapatin ang bawat pangyayari na nasa Hanay A sa larawan na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Mga kawal na Pilipino sa Malolos

A. 2. Tropang Amerikano na nagbabantay samay Ilog Pasig

B. 3. Ang hukbo ni Gregorio del Pilar saPampanga

C. 4. Labanan sa Santa Mesa, Maynila

D.

E.

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Bagaman ramdam na ng magkabilang panig ang napipintong labanan, hindi nila tiyak kung kailan ito mangyayari. Sinasabing dahil sa “isang putok” ay nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Biglaan at walang kamalay-malay ang mga Pilipino na ito na pala ang hudyat ng digmaan.

Ang Unang Putok ng Digmaan Ayon sa tala ng kasaysayan, nagsimula ang digmaan noong Pebrero 4, 1899. Ilang araw pa lamang ang lumipas mula nang ipahayag ang Unang Republika ng Pilipinas.

May dalawang bersiyon ang pangyayaring ito. Una, kawal na Pilipino raw ang unang nagpaputok at ikalawa, ang kabaliktaran nito. Ngunit, sa tala ng mga mananalaysay, matagal nang naghahanda ang mga Amerikano para sa digmaan. Ilang libo na ang sundalong Amerikano ang nasa Pilipinas. Kumbaga, isang maliit na probokasyon o pagkakamali mula sa mga Pilipino lamang ang kanilang hinihintay upang maumpisahan na ang digmaan.

Matatandaang tutol ang maraming Amerikano sa pananakop sa Pilipinas. Para sa iba ito ay aksyon ng mga imperyalistang bansa. Kailangan ng Estados Uniodos ang isang dahilan na makakukumbinsi sa karamihan ng mamamayang Amerikano, lalo na ng Kongreso, na tuluyan nang sakupin ang Pilipinas. Dito nila naisip ang engkuwentro o labanan sa Sta. Mesa, Maynila.

Pag-aralan Natin Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • napipinto – nalalapit• imperyalista –

makapangyarihan atmapagsamantala sa iba

• korporal – ranggong militar namas mababa kaysa sa sarhento

• kinaluluklukan – kinaroroonan• makitid – makipot, masikip• estratehiko – maganda ang

lokasyon• natunton – nahanap, natagpuan• pagmamanman - pagmamatyag

William Grayson

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Noong gabi ng February 4, 1899, nakita ni William Grayson, isang pribadong sundalong Amerikano, ang isang Pilipino, si Anastacio Felix, isang korporal mula Batalyong Morong, na naglalakad malapit sa tinatawag na Blockhouse 7, sa Kalye Silencio pagitan ng Sociego sa Sta. Mesa, Maynila. Ayon kay Grayson:

I shouted ‘Halt!’ and made it pretty loud, for I was accustomed to challenging the officer of the guard in approved military style. I challenged him with another loud ‘halt!’ Then he shouted ‘halto!’ to me. Well, I thought the best thing to do was to shoot him. He dropped. If I didn’t kill him, I guess he died of fright.

Nagkabarilan na ang mga puwersang Pilipino na nagmula sa direksyon ng San Juan del Monte at ang mga Amerikano.Kinabukasan, sa tulay ng San Juan at iba pang lugar sa Maynila at mga kalapit na lugar, tumindi na ang bakbakan. Marami ang namatay mula sa dalawang panig. Ayon sa plano ng mga Amerikano, ipinakalat nila na ang mga Pilipino ang unang nagpaputok ng baril. Nakarating na ang maling balita sa Estados Unidos. Sa Malolos, Bulacan, nakarating ang balitang ito sa kaalaman ni Aguinaldo na kaniyang ikinagulat at ikinabahala. Samantala, kaagad ipinag-utos ni Arthur McArthur ang paglusob sa mga Pilipino kahit wala pang pormal na pagsisiyasat. Nakiusap si Aguinaldo kay Otis na kung kaya pa ay maiwasan ang labanan, subalit nabigla siya kaniyang nalaman. Ayon kay Otis, kailangang ipagpatuloy na ang labanan hanggang katapusan dahil ito na nasimulan na.

Ang Labanan sa Sta. Mesa, Maynila

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Ang Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris Matatandaang nagkaroon ng Kasunduan sa Paris (nilagdaan sa Paris, Pransya) noong Disyembre 10, 1898. Ipinadala ito sa Kongreso ng Estados Unidos upang pagtibayin. Ang problema noong panahong iyon, tutol ang Kongreso sa kasunduang ito kaya pinangangambahang hindi makakukuha ng botong 2/3 o 67% ng buong kongreso. Ibig sabihin, hindi ito mapagtitibay kung kulang sa nakatakdang bilang ng boto.

Sa pagsiklab ng Labanan sa Sta. Mesa (Unang Putok ng Digmaan) noong Pebrero 4, 1899, nabaliktad ang desisyon ng Kongreso dahil sa maling balitang nakarating sa kanila. Nagalit ang mga Amerikano sa mga Pilipino. Dahil dito, ang dating tutol ay bumoto nang pabor sa kasunduan, kaya naman noong Pebrero 6, 1899, ang Kasunduan sa Paris ay pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos.

Ang Pagpapatuloy ng Digmaan Tunghayan ang tala ng mahahalagang pangyayari sa pagpapatuloy ng Digmaang Pilipino-Amerikano:

Pebrero 4, 1899 at patuloy • Sinalakay ng mga Amerikano

ang mga tanggulang Pilipinosa buong Maynila. Buonggiting namang nagtanggolang mga Pilipino subalitnatalo sila.

• Nagpadala ang puwersangAmerikano ng mga sundalo samga karatig lalawigan.

• Masusi nilang pinagplanuhanang pagsakop sa Bulacandahila ito angkinaluluklukan ngpamahalaan ni Aguinaldo.

• Sinalakay at nakuha nila ang Guiguinto at isinunod ang Malolos.• Bago pa makuha ang Malolos, inilipat na ni Aguinaldo ang pamahalaan sa San Isidro,

Nueva Ecija. Inatasan din niya si Antonio Luna na harangan ang mgaAmerikano sa Calumpit, Bulacan.

Ang Hukbong Pilipino sa Malolos

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

• Gaano man ang pagnanais ng mga Pilipino na ipaglaban at ipagtanggol angkapakanan ng Pilipinas, wala silang nagawa sa lakas ng bagong kolonyalista.

• Tuluyang nakuha ng mga Amerikano ang Bulacan.• Isinunod ng Amerikano ang Pampanga.• Inilipat naman ni Aguinaldo ang pamahalaan mula sa San Isidro, Nueva Ecija

patungong Tarlac. Sinalakay rin ng mga kalaban ang Tarlac at ito ay bumagsak.• Tumakas si Aguinaldo patungong Bayambang, Pangasinan at buhat dito ay tumuloy

sa Candon, Ilocos Sur.

Disyembre 2, 1899 at patuloy • Para tuluyang makatakas si Aguinaldo, minarapat ni Gregorio del Pilar na hadlangan

ang mga Amerikano sa Pasong Tirad (isang makitid na landas patungo saCervantes, Ilocos Sur at Lepanto, Benguet).

• Nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Peyton March, kaagadnagpalitan ng mga putok ang magkabilang panig.

• Dahil estratehiko ng kinaroroonan nina Del Pilar, napilitang umurong ang mgaAmerikano.

• Sa tulong ng isang Igorot na si Januario Galut, natunton ng mga Amerikano anglihim na lagusan o daanan patungo sa kinaroroonan ng mga Pilipino. Napipilan onatigilan ang hukbo ni Del Pilar, may bilang nahumigit-kumulang a 60 kawal lamang.Gayunpaman, buong tapang pa ring nagtanggolang mga Pilipino hanggang kamatayan. Salabanang ito, namatay si Gregorio del Pilar, angtinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad.” Kinilala rinng mga Amerikano ang kaniyang kagitingan.

• Samantala, tinungo ni Aguinaldo ang MountainProvince at mula dito ay sa tumuloy sa Cagayan atkahuli-hulihan ay sa Palanan, Isabela. Dito niyapansamantalang itinatag ang pamahalaan.

• Patuloy ang mga Amerikano sa pagmamanmankay Aguinaldo hanggang madakip nila si CecilioSegismundo, ang mensahero ni Aguinaldo, dalaang sulat ni Aguinaldo patungo kay UrbanoLacuna. Mula sa kaniya ay nalaman nila ang

Gregorio Del Pilar

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

kinaroroonan ni Aguinaldo at kaagad nagplano ng isang patibong o pain para madakip si Aguinaldo.

• Sa araw ng pagdakip, gumamit sila ng mga Macabebe Scouts (mga sundalongPilipinong kumampi sa mga Amerikano). Sa ganitong paraan, nakapasok ang mga“bihag” (Amerikano) sa kampo ni Aguinaldo. Nagtagumpay ang planong ito sapamumuno ni Frederick Funston.

Ang Pagbagsak ng Pilipinas sa Kamay ng mga Amerikano Noong Marso 23, 1901, nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala sa Maynila. Ang pagkakadakip kay Aguinaldo ay nangangahulugang pagkatalo ng Pilipinas at nangangahulugan ding pagkapanalo ng Estados Unidos sa digmaan. Ito rin ang hudyat ng pormal na pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Gayunpaman, ang pormal na pahayag ni Aguinaldo na “suko” na ang Pilipinas ay hindi naging dahilan upang tuluyang sumuko ang ilang lider ng himagsikan. Patuloy silang tumutol at lumaban sa bagong kolonyalista, tanda ng pagtanggi sa kanilang kapangyarihan sa Pilipinas.

Narito ang ilan sa mga dakilang lider na huling sumuko: 1. Manuel Tinio at Benito Natividad – May 9,

1901 2. Vicente Lukban – February 27, 19023. Miguel Malvar – April 16, 19024. Simeon Ola – September 25, 1903

Ipinahayag ni Theodore Roosevelt, ang noon ay pangulo ng Estados Unidos, ang pagtatapos ng digmaan noong Hulyo 2, 1902. Ayon sa ulat, umabot sa 200,000 ang mga namatay na Pilipino, samantala tinatayang 7,000 lamang ang nasawi sa hukbong Amerikano.

Miguel Malvar

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pangungusap.

1. Hindi sang-ayon ang nakararaming Amerikano sa pananakopsa ng Estados Unidos sa Pilipinas.

2. Noong February 4, 1899, binaril ni William Grayson ang isangPilipino na naglalakad malapit sa Kalye Silencio, pagitan ngSociego sa Sta. Mesa, Maynila.

3. Nasa Malolos, Bulacan si Aguinaldo nang nangyari ang barilansa Maynila.

4. Sa pagsiklab ng Labanan sa Sta. Mesa noong Pebrero 4, 1899,nabaliktad ang desisyon ng Kongreso ng Estados Unidos dahilsa maling balitang nakarating sa kanila.

5. Bago pa masakop ng mga Amerikano ang Malolos, inilipat nani Aguinaldo ang pamahalaan sa San Isidro, Nueva Ecija.

6. Pinamunuan ni Peyton March ang hukbo ng mga Amerikano.

7. Tuluyang nakatakas si Aguinaldo sa mga humahabol sa ngAmerikano dahil hinarangan ni Marcelo Del Pilar ang PasongTirad.

8. Buong giting na nakipaglaban ang hukbo ng Emilio Jacinto saPasong Tirad.

9. Tinulungan ng Macabebe Scouts si Aguinaldo.

10. Noong 1901, nadakip si Aguinaldo sa Isabela at dinala saMalolos.

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 35

Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano?2. Bakit tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad” si Gregorio Del Pilar?3. Ano ang ibig sabihin ng pagkakahuli kay Aguinaldo?

Kaya mo bang gawin ang sakripisyong ginawa ni Gregorio Del Pilar para lamang mailigtas ang kaniyang lider na siyang lider ng bansa?

Mangalap ng mga tunay na larawan ng mga pangyayari noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ilagay ang mga ito sa mahabang bond paper. Lagyan ng caption ang bawat larawan. Ipasang naka-folder. Pumili ng isa lamang sa mga paksa:

• Ang Unang Putok ng Digmaan• Ang Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris• Ang Pagpapatuloy ng Digmaan• Ang Pagbagsak ng Pilipinas

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Nakakalap ng mas mababasa apat na tunay

Nakakalap ng limang tunay na larawan; ang

Nakakalap ng hindi bababa sa pitong tunay na

Nakakalap ng higit sa 10 tunay na larawan; may

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 36

na larawan; ang ilan ay may tamang caption; sumunod sa ibang ng panuto

ilan ay may tamang caption; sumunod sa ibang ng panuto

larawan; may tama at kumpletong caption; sumunod sa lahat ng panuto

tama at kumpletong caption; sumunod sa lahat ng panuto

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilan nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ilang minuto/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang panahon ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 37

Aralin 4

Mga Natatanging Pilipino sa Digmaan

Mga Pilipinong sangkot sa Digmaang Pilipino-Amerikano

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899 at pormal na nagwakas noong 1902. Ang tatlong taong digmaan ay nilahukan at pinagbuwisan ng buhay ng maraming Pilipino – mga intelektuwal, pulitiko, sundalo, at mga simpleng mamamayan. Ilan sa kanila ay natatangi dahil sa kakaibang tapang, determinasyon, at masidhing damdamin para sa bansa.

Sino ang mga natatanging Pilipino sa digmaan? Bakit sila natatangi? Paano sila nakibaka para sa bansa?

Mahalagang talakayin ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa Pilipinas upang mula rito ay matuto tayo at ipakita rin natin ang kabayanihan sa kasalukuyang panahon.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nabibigyang-halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan.

Copyright © 2018 Quipper Limited 38

Isulat sa nakalaang patlang ang pangalan ng bawat natatanging Pilipino.

(1) _________________________ (2) _________________________

(3) ________________________ (4) _________________________

Subukan Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 39

Pagsapit ng ika-6 ng Pebrero ay naging malawakan na ang digmaan. Kumalat na hanggang sa mga karatig-bayan at probinsya ng Maynila. Sa ikatlong taon ng digmaan, buong bansa na ang saklaw nito. Marami ng lumaban nang harapan sa mga kalaban. Ang iba ay nagsakripisyo para sa kapakanan ng kapwa, para mailigtas ang buhay alang-alang sa kagalingang panlahat ng bansa. Hindi natapos ang pakikibaka ng mga Pilipino sa pagsuko ng pangulo ng bansa. Iniba nila ang mukha ng pakikibaka, at ito ay sa pamamaraang gerilya, kung saan hindi harapan ang engkuwentro sa mga kalaban. Nagtago sa mga kagubatan at kabundukan ang ilang hukbo ng Pilipinas. Hindi rin sama-sama ang buong puwersa ng mga sundalo. Sila ay kalat-kalat at may maliliit na pangkat. Saka nila tatambangan ang pangkat ng mga kalaban.Kilalanin natin ang ilang tanyag na Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Gregorio Aglipay Kilala bilang unang supreme bishop ng Iglesia Filipina Independiente o Philippine Independent Church, isang simbahang nabuo sa pagnanais ng mga Pilipinong pari na magkaroon ng sarili at pambansang simbahan sa panahon ng himagsikan. Nagsilbi rin siyang Vicario General Castrence sa panahon ng himagsikan.

Kapanganakan: Mayo 5, 1860 Edukasyon: Colegio de San Juan de Letran at sa

Unibersidad ng Santo Tomas Ambag sa rebolusyon:

• military chaplain• nagpatuloy ng digmaang gerilya sa Ilocos

Kamatayan: Setyembre 1, 1940

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • engkuwentro – labanan• tatambangan – sasalakayin

nang pabigla• gerilya – maliit na hukbo ng

Pilipinong sundalo sakabundukan

Copyright © 2018 Quipper Limited 40

Gregorio del Pilar Kilala si Gregorio del Pilar bilang bayani ng Pasong Tirad. Pinamunuan niya ang mga Katipunero sa bata niyang edad. Tinulungan din niya si Emilio Aguinaldo na makatakas mula sa mga sundalong Amerikano hanggang sa Pasong Tirad. Kapanganakan: Nobyembre 14, 1875 Edukasyon: Ateneo Municipal Ambag sa rebolusyon:

• kasamang delegado ni Emilio Aguinaldo sa Hong Kong

• matapang na heneral • naatasang bantayan ang Pasong Tirad (Tirad

Pass) para sa makatakas si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano

Kamatayan: Disyembre 2, 1899 Antonio Luna Kilala bilang mahusay na heneral at disiplinado si Antonio Luna. Siya ang nag-iisa at kauna-unahang opisyal ng mga sundalong Pilipino na nakapag-aral ng tungkol sa taktikang pangmilitar. Kapanganakan: Oktubre 29, 1866 Edukasyon: Ateneo Municipal at Unibersidad

ng Santo Tomas Ambag sa rebolusyon:

• pagtatag ng Academia Militar, paaralan para sa pagsusundalo

• tapat at matapang na heneral • kilala sa pagdidisiplina ng mga sundalo

Kamatayan: Hunyo 5, 1899

Copyright © 2018 Quipper Limited 41

Apolinario Mabini Si Apolinario Mabini ay kilala bilang “Utak ng Rebolusyon.” Naging tagapayo siya ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo at patuloy na nagbigay ng kaniyang payo sa mga rebolusyonaryo sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Kapanganakan: Hulyo 23, 1864 Edukasyon: Unibersidad ng Santo Tomas Ambag sa rebolusyon:

• may-akda ng saligang batas • miyembro ng gabinete • tagapayo ni Aguinaldo • pagtanggi sa pagsuko sa Amerikano • hindi pagtanggap sa kapangyarihan ng mga Amerikano

Kamatayan: Mayo 13, 1903 Miguel Malvar Kilala bilang tagapagpatuloy ng digmaan sa pamamagitan ng sistemang gerilya matapos ang pagsuko ni Aguinaldo Kapanganakan: Setyember 27, 1865 Edukasyon: Paaralang bayan sa Batangas Ambag sa rebolusyon:

• matapang na heneral • hinawakan ang buong puwersa ng mga

Pilipinong sundalo • hindi tumanggap ng posisyon mula sa mga

Amerikano Kamatayan: Oktubre 13, 1911

Copyright © 2018 Quipper Limited 42

Macario Sakay Kilala bilang isa sa mga huling Pilipinong sumuko sa mga Amerikano. Hinatulan ng bitay dahil sa krimen na rebelyon laban sa mga Amerikano. Kapanganakan: hindi tiyak ang petsa (1870) Ambag sa rebolusyon:

• nagpatuloy ng digmaan sa pamamagitan ng panggigerilya

• nagtatag at naging pangulo ng Republika ng Katagalugan

Kamatayan: Setyembre 13, 1907 Simeon Ola Kilala bilang huling Pilipinong sumuko sa mga Amerikano. Pinamunuan niya ang mga sundalong Amerikano sa pakikpaglaban sa mfa Amerikano. Kapanganakan: Setyembre 2, 1865 Edukasyon: Mater Salutis College Seminary Ambag sa rebolusyon:

• nanguna sa pananambang at pagsalakay sa mga kuta ng mga Amerikano

• namuno sa hukbong Pilipino bilang major Kamatayan: Pebrero 14, 1952

Copyright © 2018 Quipper Limited 43

Isa-isahin ang sagot sa bawat tanong. Sino ang mga natatanging Pilipino na nakipaglaban sa mga Amerikano (magbigay ng lima lamang)?

1. ________________________________________

2. ________________________________________

3. ________________________________________

4. ________________________________________

5. ________________________________________ Sino sa mga natatanging Pilipino ang nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas?

6. ________________________________________

7. ________________________________________

8. ________________________________________

Sino sa mga natatanging Pilipino nagpatuloy ng pakikibaka sa mga Amerikano kahit sumuko na si Aguinaldo?

9. ________________________________________

10. ________________________________________

Suriin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 44

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pagkakapareho ni Miguel Malvar at Macario Sakay? 2. Bakit kilala si Apolinario Mabini bilang “Utak ng Rebolusyon?” 3. Ano ang pinakamahalagang ambag ni Antonio Luna sa kasaysayan?

Maituturing bang bayani ang isang tao kahit buhay pa? Paano ba maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng isang bansa?

Marami pang natatanging Pilipino na nagpamalas ng kabayanihan noong Digmaaang Pilipino-Amerikano. Maghanap o magsaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanila. Gawing gabay ang talahanayan. Tiyaking sa pamamagitan ng gawaing ito ay madaragdagan ang kaalaman tungkol sa paksa o aralin.

(Pangalan)

Kilala bilang ______________________________ Kapanganakan: ___________________________ Edukasyon: _______________________________ Mga ambag sa rebolusyon:

ü ____________________________________ ü ___________________________________

Kamatayan: ______________________________

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

(Larawan)

Copyright © 2018 Quipper Limited 45

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Paglalahad ng Impormasyon/ Nilalaman

Wala onakahanap ng isa lamang na bayani ng digmaang Pilipino-Amerikano; ilan lamang ang tamang impormasyon; hindi sinunod ang karamihan sa gabay; halos walang nadagdag na kaalaman tungkol sa paksa

Nakahanap ng dalawang hanggang tatlong bayani ng digmaang Pilipino-Amerikano; tama ang ilang impormasyon; sinunod ang ilan sa gabay; nadagdagan ng ilan ang kaalaman tungkol sa paksa

Nakahanap ng apat na bayani ng digmaang Pilipino-Amerikano; tama ang lahat ng impormasyon; sinunod ang gabay; may manipestasyon na nadagdagan ang kaalaman tungkol sa paksa

Nakakanap ng lima o higit na bayani ng digmaang Pilipino-Amerikano; malaman at tama ang lahat ng impormasyon; sinunod ang gabay; tiyak na tiyak na nadagdagan ang kaalaman tungkol sa paksa

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng tsart; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Medyo hindi maayos at malinis ang tsart; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang tsart; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng tsart; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ilang minuto/ oras/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/ oras/araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/ oras/petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/ oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 46

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga dakilang laban ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano, pinamunuan ito ni Gregorio del Pilar. Si Gregorio del Pilar ay isa sa mga pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal noong 1880 at tumira sa bahay ng kaniyang tiyo na si Deodato Arellano. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo, subalit sumiklab na ang digmaan. Sa murang gulang, sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero sa edad na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Plaridel, Bulakan ang lalong nagpasikat sa kaniya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas ang ranggo bilang tinyente. Nang namatay si Antonio Luna si Gregorio del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Habang tinutugis sila ng mga Amerikano, nagpaiwan siya Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899 upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo patungong Isabela. Maganda ang lokasyong ng kinaroroonan nina Gregorio del Pilar. Hindi makaabante ang humahabol na mga Amerikano. Dahil sa pagtataksil ng isang Igorot na si Galut, natunton nina Peyton March ang pinagkukutaan ng mga Pilipino. Wala na silang nagawa kung hindi ang lumaban hanggang kamatayan. Nasawi si Greorio del Pilar ang ang kaniyang maliit na hukbo. Ayon pa sa ulat, ninakaw ng mga sundalong Amerikano ang ilan sa mahahalagang gamit ni Gregorio. Kinilala ng mga dayuhan ang kabayanihan ni Gregorio del Pilar. Siya ang tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad.”

Karagdagang Kaalaman

Monumento ni Gregorio del Pilar sa Pasong Tirad

Copyright © 2018 Quipper Limited 47

Bumuo ng apat na pangkat. Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task). Kayo ay kasapi ng sikat na Teatro Pilipino. Magtatanghal kayo ng mahahalagang pangyayari sa kasayasayan ng Pilipinas noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

• Ang Unang Putok n Digmaan • Ang Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris • Ang Pagpapatuloy ng Digmaan • Ang Pagbagsak ng Pilipinas

Layunin nito na maipabatid o mailapit sa madla o samabayanan ang kasaysayan ng Pilipinas. Inaasahang ang programang ito ay makatutulong sa pagpapaunlad ng nasyonalismong Pilipino sa kasalukuyan. Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:

Tunguhin (Goal)

Magtatanghal ng mahahalagang pangyayari sa kasayasayan ng Pilipinas noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Gampanin (Role)

Artista, direktor, mga tao sa produksiyon

Tagatanggap (Audience) Buong bansa

Kalagayan (Situation)

Dapat maipabatid o mailapit sa mga Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas upang mapaunlad ang nasyonalismong Pilipino sa kasalukuyan.

Bunga at Pagganap (Product and Performance)

Pagganap: Pagtatanghal (maaaring dula, sayaw, konsiyerto, ay iba pa)

Pamantayan (Standard) Rubrik

Pagyamanin Natin

Copyright © 2018 Quipper Limited 48

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Pagtatanghal Napakagulo ng ipinamalas na pagtatanghal; nakaaantok panoorin

Medyo magulo ang ipinakitang pagtatanghal; medyo walang ganang panoorin

Nairaos nang maayos ang pagtatanghal; bahagyang nakahihikayat

Napakaayos at napakalinaw ng pagtatanghal; tunay na nakahihikayat

Pagpapahalaga Nangailangan ng paggabay kahit sa simpleng gawain; madaling umayaw; umaasa sa iba

Nakayang gawin ang madadaling bahagi, nangailangan ng paggabay; ginawa muna ang mahihirap na bahagi, maaaring umayaw kung walang paggabay

Nakayang gawin ang mahihirap na bahagi, nangailangan ng paggabay; ginawa muna ang mahihirap na bahagi, kaya pa ring magpatuloy kahit walang paggabay

Pinaghirapan at pinaghandaang mabuti ang gawain, hindi na nangailangan ng paggabay; madaling nakaugnay at natapos sa oras ang gawain

Pakikilahok ng Bawat Indibiduwal

Hindi nakilahok at walang interes sa paghahanda at pagsasakatuparan ng inaasahang pagganap (performance task)

May naipakitang kaunting interes at pakikilahok sa paghahanda at pagsasakatuparan ng inaasahang pagganap (performance task)

Nagpakita ng interes subalit hindi gaanong nakilahok sa paghahanda at pagsasakatuparan ng inaasahang pagganap (performance task)

Nagpakita ng masidhing interes at aktibong pakikilahok sa buong paghahanda at pagsasakatuparan ng inaasahang pagganap (performance task)

KABUUAN

Copyright © 2018 Quipper Limited 49

Pang

hihi

mas

ok n

g m

ga

Am

erik

ano

Pagdating ng mga Amerikano

Labanan sa Look ngMaynila, Pekeng Labanan

Benevolent Assimilation at Layunin ng Estados Unidos Deity, Dollar, Defense, Destiny, Duty

Digmaang Pilipino-Amerikano

Mga Labanan sa Sta, Mesa at Pasong Tirad, Pagdakip kay

Aguinaldo

Natatanging Pilipino Gregorio del Pilar, Macario Sakay, Simeon Ola, atbp

Paglalagom

DAPAT TANDAAN

• Nagsimula ang Digmaang Amerikano-Espanyol noong Pebrero 15, 1898, nang lumubog ang barkong USS Maine na pag-aari ng Estados Unidos.

• Pinamunuan ni George Dewey ang matagumpay na pagsira sa mga pandigmang Espanyol sa Look ng Maynila. Ito ang hudyat ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas.

• Muling nakabalik si Emilio Aguinaldo sa Pilipinas at ipinagpatuloy ang pakikidigma sa Espanyol. Nang wala ng pag-asa ang mga kalaban, ipnahayag ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.

Copyright © 2018 Quipper Limited 50

Ang sumusunod na video links ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• Xiao Time: Mock Battle of Manila ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=CkLd9HWD228) • Xiao Time: Unang putok ng Philippine-American War ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=WWQm7EySsNk)

DAPAT TANDAAN

• Niloko ng mga Amerikano at Espanyol ang mga Pilipino nang magkaroon ng pekeng labanan sa pagitan ng dalawang dayuhan, hindi ito alam ng mga Pilipino.

• Ang Pilipinas ay binili ng Estados Unidos mula sa Espanyan sa halagang 20,000,000 dolyar, ayon sa Kasunduan sa Paris.

• Ang layunin ng Estados Unidos sa Pilipinas ay destiny, deity, defense, dollar, at duty. Bahagi ng destiny ang benevolent assimilation.

• Ang Digmaaang Pilipino-Amerikano ay sumiklab noong Pebrero 4, 1899 nang barilin ni William Grayson ang isang kawal na Pilipino sa Sta, Mesa, Maynila.

• Noong Marso 23, 1901, nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala sa Maynila. Ang pagkakadakip kay Aguinaldo ay nangangahulugang pagkatalo ng Pilipinas.

• Ilan sa mga natatanging Pilipino na nagpamalas ng kagitingan noong Digmaang Pilipino-Amerikano ay sina Miguel Marvar, Antonio Luna, at Emilio Aguinaldo.

Dagdag Sanggunian

Copyright © 2018 Quipper Limited 51

• Xiao Time: Kaugnayan ng Treaty of Paris sa Kasaysayan ng Pilipinas ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=8SRRsToc8gc) • Xiao Time: Ang makasaysayang bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=UMbuwdHhaIk) • Xiao Time: MACARIO SAKAY, LONG HAIR NA REBELDE, BAYANI O BANDIDO? ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=__Nxmhc5Hpo) • Xiao Time: MIGUEL MALVAR @ 150 || Sept. 30, 2015 ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=jO4nyJBxgPo)

Aralin 1: Ang Pagdating ng mga Amerikano Subukan Natin

1. Patricio Montojo – Espanya 2. George Dewey – Estados Unidos 3. Emilio Aguinaldo - Pilipinas

Suriin Natin

1. USS Maine 2. Espanya 3. George Dewey 4. Labanan sa Look ng Maynila 5. Patricio Montojo 6. Emilio Aguinaldo 7. kalayaan 8. pekeng labanan 9. 20 milyong dolyar 10. Paris, France

Gabay sa Pagwawasto

Copyright © 2018 Quipper Limited 52

Aralin 2: Ang Benevolent Assimilation at Pananakop ng Amerika Subukan Natin

1. Pananamantala 2. Kagandahang loob 3. Pananamantala 4. Kagandahang loob

Suriin Natin Para sa bilang 1-3, alinman sa lima, kahit hindi ayon sa pagkakasunod-sunod.

• Dollar • Deity • Duty • Defense • Destiny

Para sa bilang 6-9, kahit hindi ayon sa pagkakasunod-sunod.

• Sakupin ang buong kapuluan • Itatag ang isang pamahalaang naaayon sa pamamahala ng Estados Unidos • Kilalanin ang mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino • Ipagbawal ang pagsasamantala sa mga Pilipino

Para sa bilang 10, ang diwa nito ang mas mahalaga.

“The Americans come, not as invaders or conquerors, but as friends, to protect the natives in their homes, in their employment, and in their personal and religious rights."

Aralin 3: Ang Digmaang Pilipino-Amerikano Subukan Natin

1. D 2. C 3. B 4. A

Copyright © 2018 Quipper Limited 53

Suriin Natin 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Tama

6. Tama 7. Mali 8. Mali 9. Mali 10. Mali

Aralin 4: Mga Natatanging Pilipino sa Digmaan Subukan Natin

1. Apolinario Mabini 2. Miguel Malvar 3. Gregorio Del Pilar 4. Emilio Aguinaldo

Suriin Natin Para sa bilang 1-5, alinman sa sumusunod:

• Gregorio Aglipay • Gregorio Del Pilar • Antonio Luna • Apolinario Mabini • Miguel Malvar • Macario Sakay • Simeon Ola

Para sa bilang 6-8, kahit hindi ayon sa pagkakahanay.

• Gregorio Aglipay • Antonio Luna • Apolinario Mabini

Para sa bilang 9-10, alinman sa sumusunod:

• Macario Sakay • Simeon Ola • Miguel Malvar

Copyright © 2018 Quipper Limited 54

"American Designs and the Benevolent Assimilation." The Philippine History. Nakuha mula

sa http://opmanong.ssc.hawaii.edu/filipino/benevolent.html "Apolinario Mabini." Encyclopædia Britannica. Nakuha mula sa https://www.britannica.

com/biography/Apolinario-Mabini "Gregorio Del Pilar." Philippine Military Academy - General Gregorio Del Pilar Page. Nakuha

mula sa http://www.pma.ph/?pageid=DelPilar "Macario Sakay Biography." Bayani Art. Nakuha mula sa http://www.bayaniart.com/

articles/macario-sakay-biography/ "Manifest Destiny." History.com. Nakuha mula sa http://www.history.com/topics/

manifest-destiny "Monroe Doctrine." History.com. Nakuha mula sa http://www.history.com/topics/

monroedoctrine "Philippine-American War." Encyclopædia Britannica. Nakuha mula sa

https://www.britannica.com/event/Philippine-American-War "Treaty of Paris ends Spanish-American War." History.com. Nakuha mula sa

http://www.history.com/this-day-in-history/treaty-of-paris-ends-spanish-american-war

Agoncillo, Teodoro. History of the Filipino People. Maynila, Pilipinas: 1990. Arcilla, Jose S., S.J. Recent Philippine History 1898-1960. Quezon City: Office of Research and

Publications, Ateneo de Maynila U, 1991. Print. Basallo, Bertito R. IOTOPIA: Pilipinas. Las Pinas City: Hope Publishing House, Inc., 2010. Bueza, Michael. "FAST FACTS: The life and legacy of Apolinario Mabini." Rappler. Nakuha

mula sa http://www.rappler.com/newsbreak/iq/64047-fast-facts-life-legacy-apolinario-mabini

Chua, Xiao. "XIAO TIME, 5 June 2013: ANG PATAKSIL NA PAGPASLANG KAY ANTONIO LUNA." IT'S XIAOTIME! Nakuha mula sa https://xiaochua.net/2013/06/06/xiao-time-5-june-2013-ang-pataksil-na-pagpaslang-kay-antonio-luna/

Chua, Xiao. "XIAOTIME, 27 September 2012: HEN. MIGUEL MALVAR: Rebolusyunaryong May Balbas." IT'S XIAOTIME! Nakula mula sa https://xiaochua.net/2012/09/27/ xiaotime-27-september-2012-hen-miguel-malvar-rebolusyunaryong-may-balbas/

Churchill, Bernardita R. "The Philippine-American War (1899-1902)." National Commission for Culture and the Arts. Nakuha mula sa http://ncca.gov.ph/subcommissions/ subcommission-on-cultural-heritagesch/historical-research/the-philippine-american-war-1899-1902/

Sanggunian

Copyright © 2018 Quipper Limited 55

Churchill, Bernardita R., ed. History and Culture, Language and Literature: Selected Essays of Teodoro A. Agoncillo. Maynila: UST Publishing House, 2003. Print.

Conde-Bebis, Kristine. Linangan ng Diwa 6. Lungsod ng Quezon: PLL Publishing House, 2015.

Cortes, Rosario M., Celestina P. Boncan, and Ricardo T. Jose. The Filipino Saga: History as Social Change (Edited by Mauro Avena). Quezon City: New Day Publishers, 2000. Print.

De Viana, Augusto. The Philippines: A Story of a Nation (1st ed). Maynila: Rex Book Store Inc., 2012.

Garcia, Carlito & Agdon, Florante. The Filipinos and Their Struggles for Freedom and Survival: A Textbook in Philipipne History for College Students. Mandaluyong, Pilipinas: 2009.

Gleeck, Lewis E., Jr. The American Half-Century (1898-1946) (Edited by Vesta B. Tolentino, Revised edition). Quezon City: New Day Publishers, 1998. Print.

Guerrero, Milagros & Schumacher, John. Kasaysayan: The Story of the Filipino People. Hong Kong: Readers’s Digest,1998.

Millard, Candice. "Looking for a Fight." The New York Times, February 19, 2012, Sunday Book Review sec. February 17, 2012. Nakuha mula sa http://www.nytimes.com/ 2012/02/19/books/review/a-new-history-of-the-philippine-american-war.html

Ocampo, Ambeth R. The Centennial Countdown (Edited by Ricardo M. De Ungria). Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1998. Print.

Palafox, Quennie Ann. "Why Did Sakay Wear His Hair Long?" National Historical Commission of the Philippines. Nakuha mula sa http://nhcp.gov.ph/why-did-sakay-wear-his-hair-long/

Raico, Ralph. "American Foreign Policy: The Turning Point, 1898-1919 - Ralph Raico." The Independent Institute. Nakuha mula sa http://www.independent.org/newsroom/ article.asp?id=1345

Vallejo, Benjamin, Jr. "General Antonio Luna: Scientist, soldier and revolutionary." Trade Union Congress of the Philippines. Nakuha mula sa http://tucp.org.ph/2010/08/ general-antonio-luna-scientist-soldier-and-revolutionary/

Woolf, Christopher. "Here's the backstory on why the US has such close ties to the Philippines." Public Radio International. Nakuha mula sa https://www.pri.org/ stories/2013-11-12/heres-backstory-why-us-has-such-close-ties-philippines