58
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Lipunan sa Africa, Amerika, at mga Pulo sa Pasipiko TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Kabihasnang Klasiko sa Africa 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 11 Sagutin Natin 12 Pag-isipan Natin 12 Gawin Natin 12 Aralin 2: Kabihasnang Klasiko sa Amerika 14 Layunin Natin 14 Subukan Natin 15 Alamin Natin 16 Pag-aralan Natin 16 Suriin Natin 22 Sagutin Natin 23 Pag-isipan Natin 23 Gawin Natin 23 Aralin 3: Kabihasnan sa mga Pulo ng Pasipiko 26 Layunin Natin 26 Subukan Natin 27 Alamin Natin 28

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

  • Upload
    others

  • View
    54

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 8, YUNIT 8

Pag-usbong at Pag-unlad ng mga

Klasikong Lipunan sa Africa, Amerika,

at mga Pulo sa Pasipiko TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

Aralin 1: Kabihasnang Klasiko sa Africa 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5

Alamin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Suriin Natin 11

Sagutin Natin 12

Pag-isipan Natin 12

Gawin Natin 12

Aralin 2: Kabihasnang Klasiko sa Amerika 14

Layunin Natin 14

Subukan Natin 15

Alamin Natin 16

Pag-aralan Natin 16

Suriin Natin 22

Sagutin Natin 23

Pag-isipan Natin 23

Gawin Natin 23

Aralin 3: Kabihasnan sa mga Pulo ng Pasipiko 26

Layunin Natin 26

Subukan Natin 27

Alamin Natin 28

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Pag-aralan Natin 28

Suriin Natin 33

Sagutin Natin 34

Pag-isipan Natin 34

Gawin Natin 34

Aralin 4: Kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, Amerika,

at mga Pulo ng Pasipiko sa Daigdig 37

Layunin Natin 37

Subukan Natin 38

Alamin Natin 39

Pag-aralan Natin 39

Suriin Natin 45

Sagutin Natin 46

Pag-isipan Natin 46

Gawin Natin 46

Karagdagang Kaalaman 48

Pagyamanin Natin 49

Paglalagom 52

Dapat Tandaan 53

Dagdag Sanggunian 53

Gabay sa Pagwawasto 54

Sanggunian 57

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 8

Pag-usbong at Pag-unlad ng mga

Klasikong Lipunan sa Africa, Amerika, at

mga Pulo sa Pasipiko

Ang pagiging mayaman at makulay ng

kultura at kasaysayan ay pinatunayan din

ng mga kabihasnang umusbong at

umunlad sa Africa, Amerika, at mga Pulo

sa Pasipiko, bago pa man dumating ang

mga Europeo na nagnais magdala ng

kanilang “sibilisasyon” sa ibang dako ng

mundo.

Bagama’t hindi kasintanyag ng mga

klasikong kabihasnan ng Gresya at Roma,

ang mga klasikong kabihasnan ng Africa,

Amerika, at ng mga Pulo sa Pasipiko ay

nag-iwan din ng mahahalagang

impluwensiya at kontribusyon sa mga

rehiyong ito at sa daigdig.

• Ano-anong klasikong lipunan ang

umusbong sa Africa, Amerika, at

mga Pulo sa Pasipiko?

• Ano ang mga ambag ng mga

klasikong lipunan sa Africa,

Amerika, at mga Pulo sa Pasipiko

sa buong daigdig?

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Mga Maskara at Estatwa mula sa Kabihasnang

Africa

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Kabihasnang Klasiko sa Africa

Mahalaga ang papel na ginampanan

ng heograpiya ng Africa sa

pananakop ng mga Europeo.

Matatandaan na ang kontinenteng ito

ang huling pinasok at hinati ng mga

kolonisador. Binansagan itong “dark

continent” ng mga Kanluranin dahil

hindi madaling galugarin ang Africa.

Nanatiling kaunti at limitado ang

kaalaman ng mga banyaga tungkol sa

lupalop na ito hanggang sumapit ang

ika-19 siglo.

Matatandaan na ang Ehipto ang isa

sa mga unang duyan o sinilangan ng

mga kabihasnan sa mundo. Sa

silangang bahagi rin ng Africa nabuo

ang Kaharian ng Axum na naging

tanyag bilang sentro ng kalakalan.

Umusbong din ang mga estado sa

Sudan na ang kayamanang tinamasa

ay nagmula sa pagkontrol sa

kalakalang tumatawid sa Sahara. Samantala, ang Kanlurang Africa ay naging tahanan ng

mga unang kabihasnan—ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag at

nasusuri ang kaganapan at katangian ng Klasikong Kabihasnan sa Africa.

Mga pamunuan at imperyo sa Africa

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Isulat sa loob ng blangkong mapa ang mga bansang kabilang sa Africa.

Ethiopia Ghana Mali

Niger Nicaragua Morocco

Timog Sudan Sri Lanka Zimbabwe

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Ang mga Klasikong Kabihasnan sa Africa ay

umusbong sa magkakaibang bahagi ng

kontinente. Sa dakong silangan, malapit sa Ilog

Nile, umusbong ang mga kaharian ng Kush at

Axum. Sa kanluran, umusbong ang mga

kaharian ng Ghana, Mali, at Songhai. Sa timog

ng Africa naman matatagpuan ang kahariang

sumibol sa Zimbabwe.

Mga Kaharian sa Silangang Africa:

Kush at Axum Katulad ng Kabihasnang Ehipto, ang mga

kaharian ng Kush at Axum ay umusbong

malapit sa Ilog Nile. Habang ang Ehipto ay

nasa dakong hilaga ng Ilog Nile, ang Kush

(at ang sumunod na Axum) ay umusbong sa

gitnang bahagi ng pampang ng ilog, malapit sa

Third Cataract at Fifth Cataract. Ang Kaharian

ng Kush ay umusbong sa kasalukuyang

Sudan, samantalang ang Kaharian ng Axum

ay nasa kasalukuyang Ethiopia.

Ang heograpiya ng mga kaharian ng Kush at

Axum ay naging kaaya-aya para sa

pagsasaka dahil sa pag-apaw ng Ilog Nile

bawat taon, ngunit naging mahalaga rin ang

pangangalakal sa mga kahariang ito. Ang

kanilang lokasyon ay daanan ng mga tao at

produkto na nagmumula sa hilaga at timog

na bahagi ng Ilog Nile. Sa pamamagitan din

ng Ilog Nile, nakaaabot ang pangangalakal

ng mga mamamayan sa Dagat

Mediterranean patungong Europa.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• paraon – hari

• kabisera – punong lungsod;

sentro

• tugatog – pinakamaunlad na

kalagayan o tiyempo

• basalyo – sakop; tagasunod

• bingit – katabi; hangganan

• kasosyo – katuwang o kabakas

sa negosyo

• awtoridad – nasa o may hawak

ng kapangyarihan

• komersyo – kalakalan; negosyo

Lokasyon ng Kush at Axum

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Dahil sa distansya naman ng Kaharian ng Axum sa Red Sea, nagkaroon din ng

ugnayan sa mga kabihasnan sa Kanlurang Asya at India.

Kasaysayan ng mga Kaharian sa Silangang Africa

Ang mga taga-Nubia na nagtatag ng Kaharian ng Kush ay nagkaroon ng mahalagang

papel bilang mga paraon sa ika-25 dinastiya ng Kabihasnang Ehipto noong ikawalong siglo

BCE. Subalit, nang bumagsak ang kanilang dinastiya, lumipat sila sa dakong timog ng

Ehipto at itinatag nila ang Kaharian ng Kush.

Nang bumagsak ang Bagong Kaharian ng Ehipto, inilipat ng mga Kushite ang kanilang

kabisera sa Napata, at sinakop nila ang ilang bahagi ng Ehipto. Sa panahong ito, naabot ng

mga Kushite ang kanilang tugatog, at itinuring na sila ang tagapagmana ng imperyo ng

Ehipto. Hiniram nila ang ilang aspekto ng kulturang Ehipto, katulad ng mga simbolo at

estilo sa sining at arkitektura.

Tinawid ng mga Assyrian ang Tangway ng Sinai at

sinakop ang Ehipto. Napilitan ang mga Kushite na ilipat

ang kanilang kabisera sa Meroe. Dahil napalayo sila,

naputol ang ugnayan ng mga Kushite sa Dagat

Mediterranean. Sa panahong ito, nakagawa sila ng

sariling estilo ng sining at arkitektura. Hindi na muling

naabot ng kaharian ang dati nilang kasikatan, at

nanghina sila dahil sa rebelyon sa loob mismo ng

kaharian. Noong 250 CE, tuluyan nang bumagsak ang

Kaharian ng Kush dahil sa pananakop ng Kaharian ng

Axum.

Ang Kaharian ng Axum ay naging isang pangunahing

lupain sa hilagang-silangan ng Africa noong ikalawa

hanggang ikatlong siglo, at tuluyan itong lumakas

noong ikaapat na siglo at sinakop nito ang Kaharian ng

Kush. Noon ding ikaapat na siglo, ang mga hari ng

Axum ay naging mga Kristiyano na siyang naging

pulitikal at kultural na ugnayan nila sa Ehipto na

napasailalim sa Kahariang Byzantine.

Obelisko ng Axum

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Nagpalawak din ng impluwensiya ang Kaharian ng Axum sa timog ng Arabia noong

ikaanim na siglo. Naging basalyo ng hari ng Axum ang Yemen noong mga panahong iyon.

Unti-unting nabawasan ang impluwensiya ng Kaharian ng Axum dahil sa paglawak ng

impluwensiya ng mga Arabo sa pangangalakal noong ikapito hanggang ikawalong siglo.

Mga Kaharian sa Kanlurang Africa: Ghana, Mali, at Songhai Ang mga kaharian ng Ghana, Mali, at

Songhai ay matatagpuan sa kanlurang

bahagi ng Africa sa bingit ng Disyerto ng

Sahara. Ang tatlong kahariang ito ay naging

mga imperyo ng pangangalakal na nag-ugat

ng Hilagang Africa at Sub-Saharan Africa.

Ang pinakamahahalagang produktong

ikinalakal sa mga kahariang ito ay ang asin

mula sa hilaga, at ang ginto mula sa

Sub-Saharan Africa.

Kasaysayan ng mga Kaharian sa Kanlurang Africa

Dinala ng mga Berber ang kamelyo sa rehiyon noong ikatlo hanggang ikalimang siglo, at

ginamit ito ng mga mangangalakal sa Ghana upang maiugnay ang pangangalakal sa Dagat

Mediterranean sa Sub-Saharan Africa. Naging maunlad ang Ghana dahil sa kanilang

paghawak sa pangangalakal ng ginto at asin sa rehiyon, at nakabuo sila ng isang malaking

hukbo at imperyo.

Lumaganap ang relihiyong Islam sa Hilagang Africa, at ang mga kasosyo ng mga

taga-Africa sa pangangalakal ay naging mga Muslim. Noong ika-11 na siglo, ang mga hari

ng Ghana ay yumakap sa Islam, bagama’t hindi ito agarang tinanggap ng kanilang

populasyon. Nakita ng mga hari ng Ghana na mahalaga ang Islam sa mabuting relasyon

nila ng mga kasosyo nila sa Hilagang Africa. Bukod sa Islam, naging mahalaga rin sa

kapangyarihan ng pamilyang Soninke (kung saan nagmula ang mga hari ng Ghana) ang

kanilang pag-aari sa mga ginto.

Mga kaharian sa Kanlurang Africa

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Noong ika-12 na siglo, ang Mali, isang estado sa loob ng

kaharian ng Ghana ay lumaban sa awtoridad ng

pamilyang Soninke. Ang haring Sundiata o Lion King ay

nanaig sa mga Soninke, at itinatag ang imperyo ng mga

Malinke. Higit na maunlad ang kaharian ng Mali kaysa sa

Ghana, at mas mahusay rin ang kanilang sistemang

pang-agrikultura.

Ayon kay Ibn Battuta, isang sikat na manlalakbay na

Muslim, ang mga hari na tinatawag na Mansa ay

mahuhusay na pinuno na kayang magpanatili ng

seguridad sa kaharian. Ang pinakakilalang Mansa ng

Mali ay si Mansa Musa na naglakbay patungong Mecca

kasama ang 100 na kamelyong may dalang ginto at mga

regalo. Dahil sa kaniyang paglalakbay, naging kilala ang

Mali bilang isang mayamang imperyo. Gayunpaman,

nang namatay si Mansa Musa, hindi kinayang hawakan

ng kaniyang mga anak ang imperyo. Ang nasakop nilang

mga estado ay nakalaya, at gumuho ang imperyo noong

ika-14 hanggang ika-15 siglo.

Nang humina ang Mali, ang Kaharian ng Songhai na malapit ng Ilog Niger ay umusbong sa

ilalim ni Sonni Ali na nagtatag ng kabisera sa Gao. Ginamit ni Sonni Ali ang Islam upang

makuha ang awtoridad sa pulitika, hukbo, at relihiyon. Naging matagumpay si Sonni Ali sa

pananakop sa pamamagitan ng mga bangkang pandigma sa Ilog Niger, at naging mas

malawak ang teritoryo ng Imperyong Songhai kaysa sa mga naunang kaharian. Katulad ng

mga naunang kaharian, humina ang Songhai dahil sa rebelyon sa loob ng kaharian.

Noong 1591, ito ay tuluyang bumagsak dahil sa mga mananakop mula sa Morocco.

Ang Kaharian sa Timog Africa: Ang Zimbabwe Ang Kaharian ng Zimbabwe ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng kasalukuyang

Zimbabwe. Ang rehiyong ito ay dinadaluyan ng maraming ilog at mayroong matabang

lupain. Marami ring mineral na matatagpuan sa rehiyong ito, katulad ng ginto, bakal,

tanso, at tin.

Mansa Musa

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Ang Zimbabwe ay nangangahulugang “bahay na bato,” at ang kahariang ito ay

binubuo ng mahigit 150 na pangunahing batong estruktura. Ang unang namalagi sa

rehiyong ito ay ang mga Shona na nagtayo ng mga sakahang pamayanan. Mula sa

pagiging isang simpleng sakahang pamayanan, unti-unting umangat ang antas ng

pamumuhay sa Zimbabwe.

Noong 1000 CE, naging isang mahalagang sentro ng komersyo at relihiyon ang kaharian.

Nakarating ang mga produkto mula sa Tsina, Kanlurang Asya, at Kanlurang Africa sa

kaharian ng Zimbabwe. Kasabay ng pagbabago sa lipunan, lumaganap din ang

pagpapatayo ng mga estruktura. Ang mga gusali ay gawa sa mabibigat na batong

pinagpatong-patong. Ang pinakamahusay na estruktura ay tinatawag na Great Enclosure

na pinaniniwalaang sentro ng siyudad na naging tirahan ng mga mayayaman. Ang isa pang

mahalagang estruktura ay ang Hill Complex na pinaniniwalaang sentro ng relihiyon.

Great Enclosure sa Zimbabwe

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag.

____________________ 1. Ang Kaharian ng Axum ay nakipag-ugnayan sa Kanlurang Asya at

India.

____________________ 2. Si Mansa Musa ay isang pinunong Muslim.

____________________ 3. Higit na maunlad ang kaharian ng Mali kaysa sa Ghana.

____________________ 4. Pinamunuan ng mga taga-Zimbabwe ang Kaharian ng Songhai.

____________________ 5. Ang pinakamaunlad na kaharian sa Africa ay pinamunuan ng mga

Ehipsyo.

B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.

Magbigay ng limang kaharian o kabihasnang namukadkad sa Africa:

1. ________________________________

2. ________________________________

3. ________________________________

4. ________________________________

5. ________________________________

Suriin Natin

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Saan sumibol o umusbong ang mga Klasikong Kabihasnan sa Africa?

2. Bakit may nabuong kabihasnan sa Sudan at Ethiopia? Ano ang katangian ang mga

lugar na ito?

3. Paano naglaho o bumagsak ang Kaharian ng Songhai?

Anong praktikal na aplikasyon sa buhay ang maaari nating matutunan mula sa pag-usbong

at pagbagsak (rise and fall) ng mga Klasikong Kabihasnan sa Africa?

Magsaliksik tungkol sa ugnayang pangkalakalan o pang-ekonomiya ng mga klasikong

kabihasnan sa Africa at ilarawan o ipaliwanag ang kahalagahan nito sa pag-unlad ng mga

kabihasnang ito.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan

pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Hindi nagsikap

na ipaliwanag o

ilarawan; tila

hindi

naiintindihan

ang paksa at

walang kusang

Nagsikap na

ipaliwanag o

ilarawan,

subalit kinulang

ng ilang detalye

dahil hindi

gaanong

Malinaw ang

mga inilatag na

paglalarawan o

paliwanag; ang

resulta ng

gawain ay

bunga ng

Napakalinaw ng

mga inilatag na

paglalarawan o

paliwanag; ang

makabuluhang

resulta ng

gawain ay

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

palo para

manaliksik;

walang

nabuong

malinaw na

konsepto

nanaliksik;

limitado ang

nabuong

konsepto

pananaliksik;

may mabuong

malinaw na

konsepto

bunga ng

masidhing

pananaliksik;

napakalinaw ng

konsepto

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Aralin 2

Kabihasnang Klasiko sa Amerika

Ang Hilaga at Timog Amerika

Umusbong at umunlad rin sa iba pang lokasyon ang mga klasikong kabihasnan at kultura

sa Amerika. Kabilang sa mga kabihasnang ito ay ang Maya, Teotihuacan, Toltec, at Aztec sa

Gitnang Amerika; ang Nazca, Moche, Tiwanaku at Huari, Chimu, at Inca sa Timog Amerika;

at ang Cahokia at Anasazi sa Hilagang Amerika.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag at

nasusuri ang mga kaganapan at katangian ng Klasikong Kabihasnan sa Amerika.

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Tukuyin kung saan umusbong at namukadkad ang sumusunod na kabihasnan:

Cahokia Anasazi

Maya Nazca

Teotihuacan Toltec

Moche Aztec

Huari Tiwanaku

Inca Chimu

Hilagang Amerika Gitnang Amerika Timog Amerika

Subukan Natin

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Ang Gitnang Amerika o Mesoamerica ay

ang rehiyon mula sa Gitnang Mexico hanggang

sa Central America. Nasa hilagang hangganan

nito ang mga ilog ng Panuco at Santiago.

Samantala, ang katimugang hangganan ay

sumasakop mula sa baybayin ng Honduras

sa Karagatang Atlantiko hanggang sa baybayin

ng Nicaragua sa Karagatang Pasipiko at

sa tangway ng Nocoya sa Costa Rica.

Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang

malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize,

El Salvador, at Honduras.

Ang Mesoamerica ay nahahati sa dalawang

bahagi. Una, saklaw nito ang lupain mula sa gitnang bahagi ng Mexico patungo sa kanluran

at hilaga ng Isthmus of Tehuantepec. Ikalawa, sakop nito ang rehiyon ng Maya sa bahaging

silangan at timog.

Kasaysayan ng Klasikong Kabihasnan at Kultura sa Gitnang Amerika Ang mga klasikong kabihasnan sa Gitnang

Amerika ay tinatayang umusbong mula 150

CE hanggang 900 CE, at ang mga pangunahing

klasikong kabihasnan sa Gitnang Amerika ay

ang mga kabihasnang Maya at Teotihuacan.

Sinundan naman ito ng mga kabihasnang

post-classical (pagkatapos ng klasikong yugto)

na umusbong at umunlad bago dumating ang

mga Europeo sa Amerika. Kabilang sa mga

kabihasnang post-classical (900 CE – 1521 CE)

ang mga kabihasnan ng Toltec at Aztec.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• tinataya – ipinalalagay

• obsidiyano – matigas at

maitim na bato na parang

bubog o kristal mula sa bulkan

• karibal – katunggali; kalaban

• residente – mamamayan;

naninirahan

Mesoamerica

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Kabihasnan ng Teotihuacan

Ang Teotihuacan ay nangangahulugang "Lugar ng mga Diyos." Ang siyudad ng

Teotihuacan ay umusbong noong 200 CE sa Lambak ng Mexico, mga ilang daang milya

mula sa kabihasnang Maya. Ang lokasyong ito ay may matabang lupain na mainam sa

pagsasaka, mga batong nagmumula sa kuweba na ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali,

at mga obsidiyano na naging mahalagang produkto sa kalakalan.

Ang Teotihuacan ay nagbigay-halaga sa agrikultura, sining, at komersyo. Ang mayayaman

ay nakatira sa gitna ng siyudad. Ang mga siyudad ay pinalilibutan ng mga baryo kung saan

namamalagi ang mga ordinaryong mamamayan na karamihan ay magsasaka.

Pinaniniwalaang kumalat ang

impluwensiya ng Teotihuacan sa buong

Mesoamerica. Maraming natagpuang

siyudad na may katulad na katangian

ng Teotihuacan, at mahahanap din

ang mga produkto nito sa iba't ibang

bahagi ng Mesoamerica. Mayroon ding

pagkakatulad ang kultura ng Teotihuacan

at Maya, maging ang sumunod na mga

kabihasnan sa Mesoamerica. Sila ay

sumamba rin sa isang diyos na katulad ni

Quetzalcoatl ng mga Aztec at nagsagawa

ng pag-aalay ng mga tao. Mayroon din

silang mga piramide at templo, katulad

ng mga Maya, na ginamit para sa mga

ritwal. Ang mga pinakakilalang templo ay

ang Pyramid of the Sun at ang Pyramid of

the Moon.

Noong mga 500 CE, nagsimulang humina ang impluwensiya ng Teotihuacan, at tuluyang

nawala ang kapangyarihan ng siyudad. Nasunog ang siyudad, at nasira ang mga tirahan ng

mayayaman. Pinaniniwalaan ng mga historyador na nagkaroon ng panloob na rebelyon.

Bagama’t maraming tao ang natira sa siyudad, hindi na muling naibalik ang dating

kaunlaran nito.

Pyramid of the Sun

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Ang Kabihasnan ng Toltec

Noong 900 CE umusbong ang lipunang

Toltec. Ang kanilang kabisera ay ang

siyudad ng Tula. Umusbong ito sa rehiyon

na malapit sa Teotihuacan, kaya naging

mahalaga rin ang obsidiyano sa

Kabihasnang Toltec. Naging kasinglaki at

kasing-unlad ng Teotihuacan ang Tula

dahil sa pangangalakal.

Ang mga simbolo ng mga Toltec ay

nagbigay-halaga sa pag-aalay ng mga tao,

kamatayan, at pakikidigma. Ang kanilang

mga diyos ay katulad ng mga diyos ng

mga Aztec, at pinaniniwalaang nakuha ng mga Aztec ang ilang aspekto ng kanilang

relihiyon sa mga Toltec.

Hindi nagtagal ang kapangyarihan ng kabihasnang Toltec. Pagkatapos ng 200 na taon, ang

impluwensIya nila ay nawala na rin.

Kasaysayan ng Klasikong Kabihasnan at Kultura sa Timog Amerika Kabilang naman sa mga kabihasnan sa Timog Amerika na umunlad mula 200 CE hanggang

1532 CE ang mga kultura ng Nazca, Moche, Tiwanaku at Huari, Chimu, at Inca.

Kulturang Nazca at Moche

Naging bukod-tangi ang kultura ng Nazca at Moche sa Timog Amerika noong mga 200 BCE

hanggang 700 CE. Ang Moche ay namalagi sa hilagang baybayin ng Peru. Sa tugatog ng

Moche, pinamunuan nito ang mga lambak sa baybayin ng Peru na mahigit 370 milya.

Maaaring nahati ang teritoryo ng Moche sa dalawang bahagi na pinamumunuan ng

dalawang sentro ng kapangyarihan—ang Pampa Grande o Cerro Blanco. Naging kilala sila

para sa kanilang mga realistikong eskultura ng mga ulo ng mga tao na ginagamit bilang

mga palayok, sa kanilang pagpapanday, at mga gusali, katulad ng kanilang Pyramid of the

Sun na gawa sa mga ladrilyo na pinatuyo sa araw. Katulad ng ibang kabihasnan sa Timog

Amerika, hindi tiyak kung bakit bumagsak ang kulturang Moche.

Mga Malahiganteng Rebulto ng Atlantean

ng mga Toltec

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Ang mga Nazca naman ay namalagi sa isang disyertong rehiyon sa timog na

baybayin ng Peru sa lambak ng Ica at Nazca. Ang pinakamalaki nilang pamayanan ay ang

Cahuachi na maaaring nagsilbing kabisera. Kilala sila para sa kanilang makukulay na

palayok, tela, at pagbuburda. Ang pinakakilalang aspekto ng kanilang kultura ay ang

tinatawag na Nazca Lines na iginuguhit nila sa kanilang kapatagan.

Kulturang Tiwanaku at Huari

Noong mga ikalimang siglo CE, nalipat ang mga kabihasnan mula sa mga baybayin

patungo sa bulubundukin. Ang isa sa mga pinakakahanga-hangang siyudad ay ang

Tiwanaku na matatagpuan sa kasalukuyang Bolivia. Nagkaroon sila ng karibal, ang

siyudad ng Huari na matatagpuan sa bundok ng Peru.

Maraming pagkakatulad ang dalawang siyudad. Magkakatulad sila ng ginamit na bagong

teknolohiya para sa agrikultura, estilo ng pamumuno, at mga simbolo ng relihiyon.

Nagsimulang itayo ang Tiwanaku noong

200 CE. Ito ay nagsimulang lumawak

noong mga 500 hanggang 600 CE, at ito

ay bumagsak pagkatapos ng 500 taon.

Maaaring nagkaroon ng 20,000 hanggang

40,000 na tao ang siyudad na nakaayos

na parang grid, at may ilang malalaking

estruktura para sa mga seremonya.

Dahil ang siyudad ay matatagpuan 12,600

metro ang taas mula sa lebel ng dagat,

kinailangan ng matinding pagbuhat

upang madala sa siyudad ang mga bato

para sa mga monumentong itinatayo nila.

Gumamit sila ng raised-field agriculture

kung saan nagtatanim sila sa mga artipisyal na plataporma.

Naabot ng Huari ang tugatog nito noong mga 600 hanggang 800 CE. Ito ay binuo ng mga

enclosure na pinalibutan ng matataas na pader. Gumamit naman sila ng mga hagdan-

hagdan o terraces at irigasyon sa kanilang pagsasaka. Pinaniniwalaan na ang mga Huari ay

napabilang sa umusbong na Imperyong Inca. Katulad ng mga Inca, gumamit din ng quipu

(pagtatala gamit ang sinulid) ang mga Huari.

Raised-field Agriculture

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Kabihasnang Chimu

Ang kabihasnan Chimu ay umusbong noong

900 CE, at nagtayo sila ng isang siyudad na

tinawag nilang Chan Chan. Ang Chan Chan

ang isa sa mga pinakamalaking siyudad sa

mga kabihasnan sa Bulubundukin ng Andes,

na may sukat ng mahigit walong milya. Ito ay

binubuo ng ilang compound na tinatawag na

ciudadela. Ang mga ciudadela ay tila maliliit

na pamayanan na may sariling mga gusaling

pampubliko, suplay ng tubig, at mga libingan

para sa mga residente nito. Makikita rin sa

siyudad ng Chan Chan ang kanilang mga

produkto katulad ng mga kasangkapang yari

sa metal at tela. Gumamit sila ng mga

caravan na hinihila ng llama para sa kanilang

pangangalakal. Noong mga 1470, ang mga

Chimu ay nahigitan ng mga Inca, at sila ay napabilang sa imperyo nito.

Kasaysayan ng Klasikong Kabihasnan at Kultura sa Hilagang Amerika Sa magkabilang dako ng Hilagang Amerika umunlad ang dalawang klasikong kultura ng

Cahokia at Anasazi. Sa dakong silangan matatagpuan ang kulturang Cahokia, samantalang

sa dakong kanluran namalagi ang kulturang Anasazi. Tingnan ang mapa sa kanan.

Ang Kabihasnang Anasazi

Ang Anasazi ay umusbong sa rehiyon ng

Four Corners kung saan matatagpuan sa

kasalukuyan ang mga estado ng Utah,

Colorado, New Mexico, at Arizona. Noong

400 CE, nagsimula ang mga Anasazi na

magsaka ng mais at kalabasa at nagtayo

sila ng mga pamayanan. Gumamit sila ng

mga basket para sa pagluto at pagtago

ng mga kasangkapan, kung kaya tinawag

ang yugtong ito na Basketmaker Period.

Ciudadela

Cahokia at Anasazi sa mapa

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Noong 700 CE, nagsimula ang yugtong Pueblo I dahil sa pagtatayo ng mga Anasazi

ng mga bahay na gawa sa adobe. Nagsimula naman ang yugtong Pueblo II noong 800 CE,

dahil sa paglaki ng populasyon at pagdami ng mga pamayanan.

Naganap ang Chaco Phenomenon o ang pagtatayo ng 14 na Great House sa Chaco Canyon

noong panahon na ito. Nagtapos ang yugtong Pueblo II noong 1150 dahil sa tagtuyot na

nagdulot ng paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Noong 1280 hanggang 1300, nagkaroon

muli ng matinding tagtuyot na nagdulot ng tuluyang pag-iwan ng mga Anasazi sa rehiyon

ng Four Corners.

Kabihasnang Cahokia

Ang Cahokia ay matatagpuan sa

kasalukuyang estado ng Illinois.

Kabilang ang mga Cahokia sa mga

mound builders. Ang siyudad ng

Cahokia ay binubuo ng mahigit 80 na

mound na magkakaiba ang sukat at

gamit. Ang ilang mound ay ginagamit

para sa mga ritwal at ang iba naman

ay nagsilbing libingan. Pinaniniwalaan

na itinayo ang Cahokia ng mga taong

mula sa naunang kabihasnang

umusbong malapit sa Ilog ng

Mississippi.

Ang kabihasnang Cahokia ay mayroong panlipunang pagkakauri. Ang mga karaniwang

mamamayan ay nakatira sa mga bahay na gawa sa kahoy at putik, samantalang ang

mayayaman ay nakatira sa monks mound, isang tila piramide na mound. Ayon din sa mga

nahanap na labi, ang lipunan ng Cahokia ay nagsasagawa rin ng pag-aalay ng mga tao.

Ang kabihasnang Cahokia ay nagtapos noong mga 1300 CE, at hindi pa natitiyak kung bakit

nabuwag ang siyudad na ito.

Paglalarawan ng Lungsod ng Cahokia

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Umusbong ito sa Lambak ng Mexico. A. Moche

2. Tula ang punong lungsod nito. B. Toltec

3. Nahati ang teritoryo nito sa dalawang

bahagi. C. Nazca

4. Pinakamalaking pamayanan nito ay ang

Cahuachi. D. Huari

5. Nabuo ito sa bundok ng Peru. E. Tiwanaku

F. Teotihuacan

G. Aztec

B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.

Magbigay ng dalawang klasikong kabihasnan sa Hilagang Amerika:

1. ________________________________

2. ________________________________

Suriin Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

C. Gamit ang mga bilang 1-3, ihanay ang sumusunod na pangyayari ayon sa

pagkakasunod-sunod.

__________ Nabuo ang Teotihuacan.

__________ Umusbong ang Toltec.

__________ Bumagsak ang Tiwanaku.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga Klasikong Kabihasnan sa Amerika?

2. Bakit ipinalalagay na lumaganap ang impluwensiya ng Teotihuacan sa buong Central

America? Ano ang mga patunay?

3. Paano nagwakas ang kabihasnang Chimu? Ano ang naging kalagayan nila

pagkatapos?

Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsikat at pagbagsak ng mga kabihasnan? Ano ang

maaaring matutuhan ng kasalukuyang henerasyon sa mga kasaysayan at kultura ng mga

klasikong kabihasnan ng mga sinaunang taong umugit nito sa Amerika?

Punan ang tsart upang makita nang malinaw ang paghahambing ng kasaysayan at kultura

ng mga klasikong kabihasnan na nabuo at yumabong sa Amerika. Ipinapayo ang ibayong

pananaliksik. Pagkatapos, bumuo ng kongklusyon o rekomendasyon tungkol sa resulta ng

ginawang paghahambing.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Hilagang Amerika Gitnang Amerika Timog Amerika

Konklusyon/Rekomendasyon:

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Sinubukang

gumawa ng

paghahambing

at bumuo ng

kongklusyon,

maraming mali;

hindi nag-isip;

tila walang

natutunan sa

aralin at hindi

nanaliksik

Sinubukang

gumawa ng

paghahambing

at bumuo ng

kongklusyon,

may ilang mali;

nag-isip nang

bahagya; may

kaunting

natutunan sa

aralin at sa

Mahusay at

malinaw ang

paghahambing,

gayundin ang

nabuong

kongklusyon;

pinag-isipan ang

kasagutan;

halatang natuto

sa aralin at sa

Napakahusay at

napakalinaw ng

paghahambing,

gayundin ang

nabuong

kongklusyon;

pinag-isipang

mabuti ang

kasagutan; tiyak

na tiyak na

natuto sa aralin

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

ginawang

pananaliksik

ginawang

pananaliksik

at sa ginawang

pananaliksik

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan

Nakapagpasa ng

output sa

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

output bago pa

ang itinakdang

panahon ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Aralin 3

Kabihasnan sa mga Pulo ng Pasipiko

Ang mga pulo sa Pasipiko ay kabilang sa rehiyong Oceania. Pinaniniwalaan na may

kaugnayan ang mga pangkat etniko sa rehiyong ito sa mga tao sa Timog-Silangang Asya.

Katulad ng ilang pangkat etniko sa Timog-Silangang Asya, sila rin ay nabibilang sa

etnolinggwistikong grupo na Austronesyano. Bahagi sila ng naganap na migrasyon mula

sa Timog Tsina. Nanirahan sila sa insular o kapuluang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

Tumawid sila sa Karagatang Pasipiko at unang nanahanan sa Melanesia. Sa pag-aaral ng

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko, mahalagang alamin muna natin ang sinaunang

lipunan bago ang panahon ng kolonisasyon.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: naipaliliwanag at

nasusuri ang mga kaganapan at katangian ng kabihasnan sa mga pulo ng Pasipiko.

Nakikita sa mapa ang maliliit na pulo sa Pasipiko.

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

May tatlong grupo o pangkat ng mga pulo sa Pasipiko: MICRONESIA, MELANESIA, at

POLYNESIA. Ipangkat sa pamamagitan ng pagbilog sa mga pulo ayon kinabibilangan.

Subukan Natin

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Noong ika-19 na siglo, inuri ng Pranses na si

Jules-Sébastien-César Dumont d’U vill ang mga

pulo sa Pasipiko sa tatlong grupo ayon sa mga

katangian ng mga naninirahan dito. Ang mga

grupong ito ay ang sumusunod: Micronesia,

Melanesia at Polynesia. Dahil magkakalayo ang

mga pulo sa Pasipiko, hindi gaanong

nagkaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga ito.

Ang pisikal na kapaligiran ng mga pulo ang

madalas na naging batayan ng pamumuhay ng

mga taong nakatira dito.

Mga Grupo ng Pulo sa Pasipiko Ang Micronesia ay nangangahulugang "maliliit

na isla.” Binubuo ito ng libo-libong maliliit na isla. Matatagpuan ang Micronesia sa silangan

ng Pilipinas. Ang ilan sa islang kabilang dito ay ang Federated States of Micronesia, Nauru,

Marshall Islands, at Kiribati. Ang mga isla sa Micronesia ang may pinakamaliit na

katutubong populasyon sa tatlong grupo.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• bukod-tangi – naiiba; sa kanila

lamang

• sentralisado – iisa ang

pinagmumulan ng

kapangyarihan o utos

• itinaguyod – sinuportahan

• antigo – sinauna; matanda

Ang tatlong grupo ng mga pulo: Micronesia, Melanesia, at Polynesia

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Ang Melanesia, na nagmula sa mga

salitang Griyego na "melas" o itim at "nesos"

o isla, ay may populasyong karamihan ay

may maiitim na balat. Matatagpuan ang

Melanesia sa hilagang-silangan ng

Australia, at kabilang sa mga pulong

matatagpuan dito ay ang isla ng New

Guinea, ang kapuluan ng Bismarck,

Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia,

at Fiji. Ang Melanesia ang may

pinakamalaking katutubong populasyon

sa tatlong grupo. Ang mga kontinental na

isla ng Melanesia ay may iba't ibang klase

ng anyong lupa. Ang ilan sa mga isla ay

may matataas na bulkan na nagdudulot ng

pagkakahiwalay ng mga grupo at

pagkakaroon ng mga kulturang

bukod-tangi. Nagkaroon ng pagkakaiba sa

kultura at wika ang mga taong nakatira sa

mga baybayin at mga grupong namalagi sa

looban ng mga pulo. Hindi nagkaroon ng

iisang sentralisadong pulitikal at

panlipunang pamumuno sa Melanesia bago

dumating ang mga Europeo.

Ang Polynesia ay nanangahulugang

"maraming isla." Ito ang pinakamalaking

grupo sa tatlo. Kabilang sa mga islang

matatagpuan dito ang Hawaii, Easter Island,

New Zealand, Tuvalu, Samoa, Cook Islands,

at Tonga. Hindi katulad ng mga isla sa

Melanesia, ang pisikal na kapaligiran ng mga

pulo sa Polynesia ay hindi naging hadlang

para magkaroon ng pagkakaisa, bagkus,

nagkaroon sila ng sariling sistema at gawaing

panlipunan, panrelihiyon, at pampulitika.

Mga bansang kabilang sa Melanesia

Mga bansang kabilang sa Polynesia

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Mga Teorya Tungkol sa Pagkakaroon ng mga Tao sa Pasipiko Ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal, maaaring dumating ang mga tao sa mga pulo sa

Pasipiko, mga 40,000 taon na ang nakalipas. Narating ng mga tao ang lahat ng islang

maaaring tirahan noong 2000 CE. May dalawang pangunahing teorya na nagpapaliwanag

kung paano nakarating ang mga tao sa Pasipiko. Ang mga teoryang ito ay ang Teoryang

Out-of-Taiwan at Teoryang Sundaland.

Ang Teoryang Out-of-Taiwan o Teoryang South China ay itinaguyod ni Peter Bellwood.

Nakabatay ang teoryang ito sa pag-aaral ng mga pagkakaiba ng mga wikang nabibilang sa

pamilyang Austronesyano. Ayon kay Bellwood, ang mga unang ninunong Austronesyano

ay natagpuan sa Yunnan at tumawid sa Taiwan noong 4000 BCE hanggang 3000 BCE.

Noong 2500 BCE, lumipat ang isang grupo mula sa Taiwan patungong Luzon sa Pilipinas,

at mula roon ay naglakbay pa-timog patungo sa Sulawesi hanggang makarating sila sa

Molucas, Hilagang Borneo, at Silangang Java. Noong 1600 BCE, mula sa Moluccas, ang

isang grupo ay naglakbay pa-silangan, at noong 1200 BCE, narating nila ang Melanesia.

Mula rito, kumalat sila patungong Polynesia, at nakaabot sila sa Easter Island

noong 500 CE. Noong 1300 CE, narating ng ilang grupong Austronesyano ang New

Zealand. Upang higit na maunawaan ang teorya, pag-aralan ang mapa sa ibaba.

Tinahak na landas ng mga Austronesyano papunta sa Pasipiko

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Ang Teoryang Sundaland ay itinaguyod naman ni Dr. Stephen Oppenheimer.

Ayon kay Dr. Oppenheimer, nagkaroon ng tatlong malaking pagbaha noong Ice Age na

nagdulot ng paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Nagmula ang mga tao sa antigong

kontinenteng tinatawag na Sundaland na binubuo ng Malay Peninsula, Borneo, Java, at

Sumatra. Dahil sa pagbaha at pagtaas ng tubig-dagat, lumubog ang kontinenteng ito at

nabuo ang mga isla sa Pasipiko noong mga 15,000 hanggang 7,000 na taon na ang

nakalipas, at nagsimula ang paglalakbay ng mga Austronesyano sa iba't ibang isla upang

maghanap ng bagong matitirahan.

Pamumuhay sa mga Pulo sa Pasipiko Bago Dumating ang mga Europeo Nang dumating ang mga Europeo, karamihan sa lipunan o pamayanan sa mga pulo sa

Pasipiko ay gumagamit na ng mga kasangkapang yari sa mga bato, buto, at kabibi.

Nagtatanim na rin sila ng mga puno ng prutas at mga pananim na mula sa Timog-

Silangang Asya. Nag-aalaga rin sila ng mga baboy, aso, at manok. Mahuhusay na

mangingisda at marino ang mga naninirahan sa Pasipiko, at nagkaroon na rin ng

kalakalan sa pagitan ng ilang isla.

Pamumuhay at Pananampalataya sa Polynesia

Pagsasaka at pangingisda ang mga pangunahing kabuhayan sa Polynesia. Nagtatanim ang

mga mamamayan ng gabi, ube, saging, tubo, niyog, at iba pang halaman. Marami silang

nahuhuling lamang dagat kagaya ng tuna, hipon, pugita, at pating.

Sa usaping pampananampalataya, naniniwala ang mga taga-Polynesia sa mana

Ang Sundaland Noon Ang Sundaland Ngayon

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

(bisa o lakas) o banal na kapangyarihan. Ayon sa kanilang paniniwala, ang mana ay

ibinibigay ng mga diyos sa isang tao na may taglay na husay, tapang, at talino.

Pamumuhay at Pananampalataya sa Micronesia

Pagsasaka at pangingisda rin ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubo sa

Micronesia. Kalimitang nagtatanim sila ng taro, breadfruit, saging, niyog, at pandanus.

May kaalaman at kasanayan din sila sa paggawa ng palayok.

Nakikipagkalakalan din ang mga katutubo ng magkakalapit na pulo. Sa Palau at Yap,

ang ginagamit sa pagpapalitan ng mga kalakal o produkto ay mga bato at kabibe.

Nagpapalitan din ng mga kalakal ang nasa matataas at mabababang pulo. Isa sa mga

kalakal ng taga-bundok ang turmeric (ginagamit bilang gamot at pampaganda) na ipinapalit

sa mga shell bead at banig ng mga taga-baybayin.

Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga taga-Micronesia. Sa pamamagitan ng

pag- aalay ng masaganang ani, naipakikita nila ang kanilang pagsamba sa kanilang mga

diyos.

Pamumuhay at Pananampalataya sa Melanesia

Nasa baybayin ang mga sinaunang pamayanan sa Melanesia. Pinamumunuan sila ng mga

mandirigma na nakuha ang posisyon dahil sa tagumpay sa pakikipaglaban. Kagaya ng mga

taga-Polynesia at Micronesia, naniniwala rin sa animismo ang mga katutubong Melanesia.

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

Isa-isahin ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng tatlong pangkat ng Kapuluan sa Pasipiko:

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

B. Magbigay ng dalawang teorya na nagpapaliwanag ng pagkakaroon ng mga tao sa

Pasipiko:

4. ______________________________

5. ______________________________

C. Magbigay ng limang halamang kalimitang itinatanim ng mga taga-Pasipiko bago

dumating ang mga Europeo:

6. _____________________________

7. _____________________________

8. _____________________________

9. _____________________________

10. ____________________________

Suriin Natin

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bagama’t pare-parehong kapuluan, ano ang malaking pagkakaiba ng Polynesia sa

Micronesia at Melanesia pagdating sa panlipunang paraan at gawain ng mga tao?

2. Paano ipinaliliwanag ni Dr. Oppenheimer ang teoryang Sundaland?

3. Bakit masasabing may sarili nang kabihasnan ang mga taga-Pasipiko bago pa man

dumating ang mga mananakop

Lahat ng kabihasnan ay may kani-kaniyang pananampalataya. Isa ba itong katibayan na

talagang may Dakilang Manlalalang? Paano nakatutulong ang relihiyon sa pagbuo at

pagyabong ng bawat kabihasnan?

Magsaliksik pa ng sampung halimbawa ng pananim at produkto ng kabihasnan sa mga

Pulo sa Pasipiko. Ilarawan ang mga ito gamit ang tsart sa ibaba.

Pananim at Produkto Paglalarawan

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Nakapaglista ng

isa-tatlong

pananim at

produkto

lamang; wala o

kulang ang

kasanayan sa

pananaliksik at

pagpapaliwanag

Nakapagbigay

ng apat-anim na

pananim at

produkto;

kailangang

masanay sa

pananaliksik at

pagpapaliwanag

Malinaw na

nakapagtala ng

pito-siyam na

hinihingi;

naipakita ang

kakayahan sa

pananaliksik at

pagpapaliwanag

Kumpleto,

napakalinaw, at

tama ang

nilalaman ng

talahanayan;

naipakita ang

husay sa

pananaliksik at

pagpapaliwanag

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

36

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

37

Aralin 4

Kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan ng

Africa, Amerika, at mga Pulo ng Pasipiko sa

Daigdig

Kagaya ng ibang kabihasnan, ang mga klasikong kabihasnan sa Africa, Amerika, at mga

Pulo sa Pasipiko ay nag-iwan din ng kani-kanilang ambag sa kamalayan ng daigdig sa

pamamagitan ng kanilang mga materyal at di-materyal na pamana.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang napahahalagahan ang

mga kontribusyon ng klasikong kabihasnan ng Africa, Amerika, at mga Pulo ng

Pasipiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Moai - malalaking batong hugis-tao na may taas na 20 talampakan at

bigat na 50 tonelada; matatagpuan sa Easter Island

Page 38: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

38

Tukuyin at ilagay sa tamang kahon ang sumusunod na mahalagang kontribusyon:

asin at ginto pag-tattoo

katam o chizel

canaoe

gong

paglibing sa ilalim ng

piramide

mound pueblo

siklo ng araw at buwan

Africa Amerika Kapuluan sa Pasipiko

Subukan Natin

Page 39: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

39

Ang mga klasikong kabihasnan sa Africa,

Amerika, at mga Pulo sa Pasipiko ay

nag-iwan ng kanilang mga ambag sa

sangkatauhan. Isa-isahin natin ang mga ito

upang mapag-ukulan ng karampatang

pagpapahalaga.

Mga Ambag ng mga Klasikong

Kabihasnan sa Africa Ang Kaharian ng Kush ay naging tanyag dahil

sa kanilang arkitektura at sining na may

pagkakakatulad sa mga gawa sa Ehipto.

Nagpatayo rin ang mga Kushite ng mga pyramid

para magsilbing libingan ng kanilang mga

namatay, ngunit may pagkakaiba ang

mga piramide ng mga Kushite sa mga

Ehipsyo.

Hindi katulad ng mga Ehipsyo,

inililibing ng mga Kushite ang mga

namatay sa ilalim ng piramide, imbes

na sa loob nito. Nagpatayo rin ng

maliliit na piramideang mga Kushite

para sa mga karaniwan mamamayan,

at hindi limitado sa mga hari at reyna

ang estilo ng libingang ito. Ang mga

pinakakilalang piramide ng mga

Kushite ay nasa Meroë, ang kanilang

kabisera. Nang lumipas ang panahon,

nagkaroon din ng sariling estilo ang

mga Kushite na nakita sa kanilang mahuhusay na pagkakagawa ng mga palayok,

kasangkapang metal, eskultura, at iba pang gawang sining.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• imbes – sa halip

• pakikipagkomunikasyon –

pakikipag-usap

• tributo – buwis; abuloy

• nabigasyon – paglalayag;

paglalakbay

• namalagi – tumira nang

panghabambuhay

Mga Piramide sa Meroë

Page 40: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

40

Ang Kaharian ng Axum ay kilala bilang isang sentro ng komersyo. Sa Africa, ang

kaharian ng Axum lamang ang gumamit ng mga ginto, pilak, at tansong barya sa

pakikipagkalakalan. Nakatanggap din ng impluwensiya ang kaharian ng Axum dahil sa

pakikipag-ugnayan nito sa iba’t ibang kabihasnan. Ang halimbawa nito ay ang

impluwensiya ng Kristiyanismo na makikita sa itinayo nilang mga simbahan at sa mga

gawang sining na nagpapakita ng imahe ng mga santo.

Ang mga Kaharian ng Ghana, Mali, at Songhai ay naging tanyag din dahil sa kanilang

papel sa komersyo ng kanlurang bahagi ng Africa. Ang mga kahariang ito ay nagdala ng

mga ginto at asin sa pagitan ng hilaga at timog ng Africa. Naging mahalaga rin ang kanilang

pagtanggap sa Islam bilang relihiyon, dahil ito ang nagpabuti ng ugnayan sa pagitan ng

Hilagang Africa at ng mga kaharian nila.

Ang Kaharian ng Zimbabwe ay nag-iwan ng mga siyudad na gawa sa estrukturang bato na

kinikilala ngayon bilang UNESCO World Heritage Site. Ang kaharian ay nahati sa tatlong

bahagi: ang Great Enclosure, ang Hill Complex, at ang Valley Complex. Ayon sa mga

historyador, magkakaibang sentro ng kapangyarihan ang bawat bahaging itinayo ng mga

bagong pinuno. Ayon sa iba, ang bawat bahagi ay may ibang pinaggamitan. Sinasabing ang

Great Enclosure ay tinirahan ng hari at ng mayayaman; ang Valley Complex ay para sa mga

karaniwang tao; at ang Hill Complex ay maaaring nagsilbing templo. Bukod sa natatanging

mga estruktura, maraming artifact din ang nahanap sa Zimbabwe, katulad ng mga

eskultura, palayok, gong, armas, at kasangkapang yari sa bakal.

Mga Labi ng Simbahan ni St. George Imahe ni St. George

Page 41: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

41

Mga Ambag ng mga Klasikong Kabihasnan sa Amerika Ang mga kultura ng Gitnang Amerika at Timog Amerika ay nag-iwan ng malalaking

estrukturang mala-piramide mula sa mga kabihasnan ng Maya, Inca, at Aztec.

Kilala rin ang mga kultura ng Moche, Nazca, Tiwanaku, at Huari sa kanilang mga gawang

seramiko na gumagamit ng makukulay na detalye. Dahil walang nakasulat na wika ang

mga kultura sa rehiyong ito, pinaniniwalaang ginamit nila ang mga simbolo sa kanilang

mga gawang sining sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Ang halimbawa nito ay ang

paggamit ng mga imahe sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Moche na ipinapasa

sa susunod na henerasyon. Bukod sa pakikipagkomunikasyon, ang sining ay ginamit din

nila para sa mga ritwal at seremonya. Ang isang halimbawa nito ang pagbabasag ng mga

gawang seramiko sa paglilibing ng patay pagkatapos ng mga ritwal sa kulturang Tiwanaku.

Mula sa kaliwa-kanan (ibaba): Mga Piramideng Produkto ng mga

Kabihasnang Nazca, Tiwanaku, at Huari

Mula sa kaliwa-kanan (itaas): Mga Piramideng Produkto ng mga

Kabihasnang Teotihuacan, Toltec, at Moche

Page 42: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

42

Ang kulturang Cahokia ay isa sa mga kultura ng mga mound builder sa Hilagang Amerika.

Pinaniniwalaan na ang mga pinuno ay tumira sa ibabaw ng mga mound, at mula rito ay

binantayan ang mga nasasakupan. Katulad sa Timog at Gitnang Amerika, mayroon ding

mga mound na ipinatayo na nagsilbing templo o libingan para sa mga importanteng tao.

Isang Mound o Pinataas (Isinalansan) na Lupa at Bato

Iba’t ibang Piguring Yari sa Seramiko mula sa Iba’t ibang Kabihasnan

Page 43: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

43

Ang kulturang Anasazi, na tinatawag ding Ancestral Puebloans, ay kilala sa kanilang

mga “pueblo” o nayon. Ang isa sa mga kilalang estilo ng mga pueblo na ginawa ng mga

Anasazi ay ang mga Great House. Ang Great House ay bahay na may maraming palapag at

kuwarto na nagsisilbing mga pueblo. Sa ilalim ng Great House matatagpuan ang mga kiva

kung saan nag-aalay ng tributo ang mga tao para sa mga seremonyang panrehiliyon.

Pinaniniwalaan din na ang estruktura ng mga Great House ay ginagamit sa pagbasa at

paghula ng mga solar at lunar cycle. Ang pinakamalaking Great House ay ang Pueblo Bonito

na may 600 na kuwarto at 40 na enclosure para sa mga ritwal.

Mga Ambag ng mga Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko Itinuturing na ang mga sinaunang tao sa mga Pulo sa Pasipiko ang tumapos ng “pagtatao”

(pagkalat at pagtira ng mga tao) ng mga lugar sa daigdig na maaaring tirahan. Nagawa ito

ng mga grupong ito dahil sa kahusayan nila sa paglalayag. Gumamit ng mahuhusay na

bangka ang mga “nagtao” (kumalat at tumira) sa Pasipiko.

Ang halimbawa nito ay ang

double canoe ng mga Polynesian.

Ang double canoe ay binubuo

ng dalawang hull (katawan) na

pinagdurugtong ng mga tabla.

Ang disenyo ng canoe ay

nakatutulong na mapanatili ang

katatagan nito. Maaari ding magdala

ng mahigit sa dalawang dosenang

tao, mabibigat na bagay, supply ng

pagkain, mga pananim, at mga

hayop ang canoe. Gamit ng canoe,

kayang maglakbay nang matagal at

malayo ng mga manlalakbay sa

Pasipiko. Bukod sa mahuhusay na

bangka, mayroon ding malawak na

kaalaman sa nabigasyon ang mga

tao sa mga pulo ng Pasipiko.

Double Canoe

Page 44: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

44

Ang isa sa mga kilalang kabihasnan sa Pasipiko ay ang kabihasnan ng Easter

Island sa Polynesia. Ang kabihasnang ito ay nag-iwan ng mahigit 600 na Moai o

malalaking batong eskultura na hugis-tao na may taas na 20 talampakan at bigat na 50

tonelada (magkakaiba ang laki at bigat). Pinaniniwalaan na ang mga estatwang ito ay

kumakatawan sa mga ninuno ng mga namalagi sa Easter Island. Dahil walang mga metal

ang mga katutubo sa Easter Island, ang paglilok ng mga eskulturang ito ay ginawa sa

pamamagitan ng mga batong katam o chisel.

Bukod sa kabihasnan sa Easter Island, ang ebidensiya ng kultura ng mga tao sa mga pulo

ng Pasipiko ay makikita pa rin ngayon sa mga katutubong kultura ng mga nabibilang sa

grupong Austronesiano. Ang ilan sa mga pagkakatulad ng mga grupong ito ay ang kanilang

wika, mga nakagawian katulad ng pagta-tattoo sa katawan, at mga instrumentong

pangmusika.

Moai

Page 45: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

45

Isa-isahin ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng apat na kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan sa Africa:

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

4. ______________________________

B. Magbigay ng tatlong kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan sa Amerika:

5. ______________________________

6. ______________________________

7. ______________________________

C. Magbigay ng tatlong kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan ng mga Pulo sa

Pasipiko:

8. _____________________________

9. _____________________________

10. _____________________________

Suriin Natin

Page 46: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

46

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Anong kabihasnan ang nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kultura ng Kush?

2. Anong estruktura ang karaniwang makikita sa mga kabihasnan sa Gitnang Amerika

at Timog Amerika?

3. Ano ang isa pang tawag sa kulturang Anasazi?

Sa iyong palagay, alin sa mga kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan sa Africa,

Amerika, at mga Pulo sa Pasipiko ang pinakakahanga-hanga? Bakit? Paano mo maipakikita

ang pagpapahalaga sa mga dakilang ambag ng mga klasikong kabihasnan?

Punan ang tsart sa pamamagitan ng pagsunod na sumusunod na panuto.

1. Piliin at itala ang isang mahalagang kontribusyon ng tatlong klasikong kabihasnan

(Africa, Amerika, at Kapuluan sa Pasipiko).

2. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mula sa bawat kabihasnan.

3. Suriin ang mga itinalang pinakamahahalagang pamana at ang isinulat na paliwanag.

Mula sa tatlo, pumili ng isang pinakanamumukod-tangi at pinakanakaimpluwensiya

sa buong mundo.

4. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

Africa Amerika Kapuluan sa

Pasipiko

1. Pinakamahalaga

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 47: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

47

2. Paliwanag

3. Pinakanamumukod-

tangi

4. Paliwanag

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Malabo at

magulo ang

talahanayan,

kulang ng

maraming

detalye; wala o

kulang ang

kasanayan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Medyo malinaw

ang

talahanayan,

kulang ng

maraming

detalye;

kailangang

masanay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto at

malinaw ang

talahanayan,

kulang ng ilang

detalye;

naipakita ang

kakayahan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto,

napakalinaw, at

tama ang

nilalaman ng

talahanayan;

naipakita ang

husay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Page 48: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

48

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

panahon

matapos ang

itinakdang

pasahan

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

output bago pa

ang itinakdang

panahon ng

pagpapasa

KABUUAN

Ang mga estatwa ng Moai ay ginawa

ilang libong taon na ang nakaraan.

Ang mga ito ay nililok ng mga sinaunang

mamamayan ng Easter Island o Rapa

Nui. Matataas ang eskulturang ito, mula

sa mga batong ibinuga ng bulkan, na

may hindi naaayong laki ng mga ulo

kumpara sa mga katawan.

Ang pangkaraniwang taas ng isang

estatwa ay apat na metro at

tumitimbang ng 14 na tonelada, ang iba

ay may taas na 12 metro at mas

mabibigat. Ang mga mukha ng mga

Moai ay may kakaibang hitsura, kagaya

ng malalapad na ilong at mahahaba at

malalapad na baba.

Ipinalalagay na ang mga Moai ay simbolo ng pananampalataya, pulitikal na

Karagdagang Kaalaman

Mga Moai na Nakaharap sa Dagat

Page 49: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

49

kapangyarihan, at liderato. Ang pag-ukit at paglilok sa Polynesia ay may malalakas na

kahulugang espirituwal, at ang mga tagasunod ay naniniwala na ang mga inukit o nililok ay

may kaakibat na mahika at kapangyarihang espirituwal ng kinakatawang diyos o nilalang.

Maraming arkeologo ang naniniwala na ang mga Moai ay kumatawan sa mga ninuno ng

mga tagaroon. Pinatibay ito ng katotohanang ang mga Moai ay laging nakaharap sa lupain

o sa pamayanan, sa halip na sa dagat, na nagpapahiwatig na pinangangalagaan nila ang

kanilang mamamayan.

Gayunpaman, may pitong Moai na nakaharap sa dagat, marahil daw ay para gabayan ang

mga bisita patungo sa isla.

Bumuo ng tatlong pangkat. Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task).

Kayo ay mga eksperto sa iba’t ibang larangan o disiplina: kasaysayan, sosyolohiya, at

arkeolohiya. Magsasagawa ng isang komprehensibo at sistematikong pag-aaral o

pagsusuri tungkol sa mga klasikong kabihasnan sa:

• Africa

• Amerika

• Mga Pulo sa Pasipiko

Ang gagawaing pag-aaral ay may layuning matalakay o masuri nang malalim ang

kasaysayan, kultura, at mahahalagang pamana ng mga klasikong kabihasnan sa

kapakinabangan ng sangkatauhan. Pagkatapos maipahayag o mailahad sa buong mundo

ang resulta ng pag-aaral sa tulong ng social media ay inaasahang higit na mauunawaan ng

mga tao ang mahahalagang kaalaman o impormasyon tungkol sa mga nabanggit na

kabihasnan at higit na mapahahalagahan ang mga ambag at pamana ng bawat isa sa

kasalukuyang panahon o kabihasnan.

Pagyamanin Natin

Page 50: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

50

Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:

Tunguhin

(Goal)

Magsagawa ng malalim na pagsusuri tungkol sa

mga klasikong kabihasnan sa Africa, Amerika, at

mga Pulo sa Pasipiko

Gampanin

(Role)

Mga eksperto sa iba’t ibang larangan o disiplina:

kasaysayan, sosyolohiya, arkeolohiya, at iba pa

Tagatanggap

(Audience) Buong mundo

Kalagayan

(Situation)

Dapat maipaunawa sa mga tao ang mahahalagang

impormasyon tungkol sa mga klasikong kabihasnan

Bunga at Pagganap

(Product and Performance)

Pagganap: Anumang uri ng pagpapabatid gamit ang

social media

Pamantayan

(Standard) Rubrik

Mahalagang paalala: Gagampanan ng mga mag-aaral ang kani-kaniyang gampanin o role

bilang mga nasa wastong gulang (adults). Hahayaan silang unawaain ang kabuuan ng

inaasahang pagganap, gagabayan lamang ng guro kung kinakailangan.

Page 51: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

51

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Pagtatanghal

Napakagulo ng

ipinamalas na

pagganap gamit

ang social

media;

nakaaantok

panoorin;

walang malinaw

na tunguhin at

hindi

napalutang ang

pangunahing

layunin; walang

gumanap ng

tamang role

Medyo magulo

ang ipinakitang

inaasahang

pagganap gamit

ang social

media; medyo

walang ganang

panoorin; hindi

nakamit ang

pangunahing

layunin; hindi

nagampanan ng

ilan ang kani-

kaniyang role

Nairaos nang

maayos ang

inaasahang

pagganap gamit

ang social

media;

bahagyang

nakahihikayat;

natamo ang

pangunahing

layunin;

nagampanan

ang kani-

kaniyang role

Napakaayos,

napakahusay, at

napakalinaw ng

pagganap gamit

ang social

media;

tunay na

nakahihikayat;

natamo ang

pangunahing

layunin;

nagampanan

nang buong

husay ang kani-

kaniyang role

Pagpapahalaga Nangailangan

ng paggabay

kahit sa

simpleng

gawain;

madaling

umayaw;

umaasa sa iba

Nakayang gawin

ang madadaling

bahagi,

nangailangan ng

paggabay;

ginawa muna

ang mahihirap

na bahagi,

maaaring

umayaw kung

walang

paggabay

Nakayang gawin

ang mahihirap

na bahagi,

nangailangan ng

paggabay;

ginawa muna

ang mahihirap

na bahagi, kaya

pa ring

magpatuloy

kahit walang

paggabay

Pinaghirapan at

pinaghandaang

mabuti ang

gawain, hindi na

nangailangan ng

paggabay;

madaling

nakaugnay at

natapos sa oras

ang gawain

Page 52: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

52

Pakikilahok ng

Bawat

Indibiduwal

Hindi nakilahok

at walang

interes sa

paghahanda at pagsasakatuparan

ng gawain

May naipakitang

kaunting interes

at pakikilahok

sa paghahanda

at pagsasakatuparan

ng gawain

Nagpakita ng

interes subalit

hindi gaanong

nakilahok sa

paghahanda at pagsasakatuparan

ng gawain

Nagpakita ng

masidhing

interes at

aktibong

pakikilahok sa

buong

paghahanda at pagsasakatuparan

ng gawain

KABUUAN

Pa

g-u

sbo

ng

at

Pa

g-u

nla

d n

g m

ga

K

lasi

ko

ng

Lip

un

an

sa

Afr

ica

, A

me

rik

a,

at

mg

a P

ulo

sa

Pa

sip

iko

Kabihasnang Klasiko sa Africa

Kabihasnang Klasiko sa Africa

Kabihasnan sa mga Pulo ng Pasipiko

Kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan

Paglalagom

Page 53: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

53

Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas

malalim na pagtalakay:

• “West African Kingdoms of Ghana, Mali & Songhay” ng PH Education

(https://www.youtube.com/watch?v=lmhqJGIw63s)

• “Chimu culture” ni Linda Jensen

(https://www.youtube.com/watch?v=RBeTc1lSEWs)

• “Genetic History of the Pacific Islands: Melanesia, Micronesia and Polynesia” ng

Masaman

(https://www.youtube.com/watch?v=l8calZOhVv8)

DAPAT TANDAAN

• Ang mga klasikong kabihasnan sa Africa ay umusbong sa magkakaibang

bahagi ng kontinente. Sa dakong silangan, malapit sa Ilog Nile, umusbong

ang mga kaharian ng Kush at Axum. Sa kanluran, umusbong ang mga

kaharian ng Ghana, Mali, at Songhai. Sa timog ng Africa naman sumikat

ang kabihasnan sa Zimbabwe.

• Umusbong at umunlad sa iba't ibang lokasyon ang mga klasikong

kabihasnan at kultura sa Amerika. Kabilang sa mga kabihasnan na ito ay

ang Maya, Teotihuacan, Toltec, at Aztec sa Gitnang Amerika; ang Nazca,

Moche, Tiwanaku at Huari, Chimu, at Inca sa Timog Amerika; at ang

Cahokia at Anasazi sa Hilagang Amerika.

• Ang mga pulo sa Pasipiko ay nahahati sa tatlong grupo ayon sa mga

katangian ng mga naninirahan dito. Ang mga grupong ito ay ang

sumusunod: Micronesia, Melanesia at Polynesia.

• Ang mga klasikong kabihasnan sa Africa, Amerika, at mga Pulo sa Pasipiko

ay nag-iwan ng kanilang ambag sa kamalayan ng daigdig sa iba’t ibang

larangan.

Dagdag Sanggunian

Page 54: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

54

• “National geographic Documentary 2016 | Secrets of Easter Island Travel

Documentary 2016” ni Lashawn Camacho

(https://www.youtube.com/watch?v=IEIoL95IakU)

Aralin 1: Kabihasnang Klasiko sa Africa

Subukan Natin

Mga Bansang Kabilang sa Africa: Ethiopia, Ghana, Mali, Niger, Morocco, Timog Sudan,

Zimbabwe

Suriin Natin

A.

1. Tama

2. Tama

3. Tama

4. Mali

5. Tama

B.

1-5. Alinman sa sumusunod: Ehipto, Axum, Kush, Mali, Ghana, Songhai, Zimbabwe

Aralin 2: Kabihasnang Klasiko sa Amerika

Subukan Natin

Gitnang Amerika: Maya, Teotihuacan, Toltec, Aztec

Timog Amerika: Nazca, Moche, Tiwanaku, Huari, Chimu, Inca

Hilagang Amerka: Cahokia, Anasazi

Gabay sa Pagwawasto

Page 55: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

55

Suriin Natin

A.

1. F

2. B

3. A

4. C

5. D

B.

Anuman ang posisyon:

1. Cahokia

2. Anasazi

C.

1-2-3

Aralin 3: Kabihasnan sa mga Pulo sa Pasipiko

Subukan Natin

Page 56: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

56

Suriin Natin

A. Anuman ang pagkakasunod-sunod:

1. Polynesia

2. Melanesia

3. Micronesia

B. Anuman ang posisyon:

4. Teoryang Out-of-Taiwan

5. Teoryang Sundaland

C. Alinman sa sumusunod:

6-10. gabi o taro, ube, saging, tubo, niyog, breadfruit, pandanus

Aralin 4: Kontribusyon ng mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, Amerika,

at mga Pulo ng Pasipiko sa Daigdig

Subukan Natin

Africa – asin at ginto, gong, paglibing sa ilalim ng piramide

Amerika – mound, pueblo, siklo ng araw at buwan

Pasipiko – canoe, pagta-tattoo, katam

Suriin Natin

A. Tatlo sa sumusunod:

asin at ginto, gong, paglibing sa ilalim ng piramide, piramide, mga estrukturang bato,

palayok, kasangkapang metal

B. Apat sa sumusunod:

mound, pueblo, siklo ng araw at buwan, piramide, seramiko

C. Tatlo sa sumusunod:

canoe, pagta-tattoo, katam, Maoi, kaalaman sa paglalayag

Page 57: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

57

“Africa and Its Golden Age of Empires." History Haven. Nakuha mula sa http://www.history

haven.com/APWH/unit2/africa_and_its_golden_ age_of_emp.htm

"Aksum." Encyclopaedia Britannica. Nakuha mula sa

https://www.britannica.com/place/Aksum-ancient-kingdom-Africa

"Ancient Cahokia." Washington Post. Nakuha mula sa http://www.washingtonpost.com/wp-

srv/national/daily/march/12/cahokia.htm.

"Art and Architecture in the Kingdom of Kush." Boundless.com. Nakuha mula sa

https://www.boundless.com/art-history/textbooks/boundless-art-history-

textbook/ancient-egyptian-art-4/late-egyptian-art-58/art-and-architecture-in-the-

kingdom-of-kush-315-8407/

"Ceramics in Early South America." Boundless.com. https://www.boundless.com/art

history/textbooks/boundless-art-history-textbook/native-american-art-before-1300-

ce-16/south-america-111/ceramics-in-early-south-america-492-1513/.

"Explore the Enduring Splendor of the Kingdom of Kush." National Geographic. Nakuha

mula sa http://www.nationalgeographic.com/archaeology-and-history/magazine/

2016/11-12/ancient-egypt-nubian-kingdom-pyramids-sudan/

"Great Zimbabwe." Encyclopedia Britannica. Nakuha mula sa

https://www.britannica.com/place/Great-Zimbabwe.

"Great Zimbabwe." US History.org. Nakuha mula sa http://www.ushistory.org/civ/7d.asp

"History of Peru." History World.net. Nakuha mula sa http://www.historyworld.net/

wrldhis/PlainTextHistories.asp?historyid=aa91#1844.

"History of the Pacific Islands." History World.net. Nakuha mula sa http://www.historyworld.

net/wrldhis/PlainTextHistories.asp?historyid=ac05.

"Mali & Songhai." Annenberg Learner. Nakuha mula sa https://www.learner.org/exhibits/

collapse/mali.html.

"Moche Decorated Ceramics." The MET Museum. Nakuha mula sa http://www.metmuseum.

org/toah/hd/moch/hd_moch.htm.

"Pacific Islands." Encyclopaedia Britannica. Nakuha mula sa https://www.britannica.com/

place/Pacific-Islands.

"Polynesian History and Origin." Public Broadcasting Service. http://www.pbs.org/

wayfinders/polynesian2.html.

Sanggunian

Page 58: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 8 Pag-usbong at Pag

Copyright © 2018 Quipper Limited

58

"The Mysterious Stone Kingdom of the Great Zimbabwe." Ancient Origins. Nakuha

mula sa http://www.ancient-origins.net/ancient-places-africa/mysterious-

stonekingdom-great-zimbabwe-002196.

"The Wealth of Africa: The Kingdom of Aksum." The British Museum. Nakuha mula sa

https://www.britishmuseum.org/pdf/KingdomOfAksum_ StudentsWorksheets.pdf.

"The Wealth of Africa: The Kingdom of Kush." The British Museum. Nakuha mula sa

https://www.britishmuseum.org/pdf/KingdomOfKush_StudentsWorksheets.pdf.

Adler, Philip and Randall Pouwels. World Civilizations, 6th Ed. Australia: Wadsorth Cengage

Learning, 2010.

Peralta, Jesus. "In Focus: The Austronesian Expansion - A Reaction to Paths of Origin."

Republic of the Philippines National Commission for Culture and the Arts. Nakuha mula

sa http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/the-austronesian-expansion-

a-reaction-to-paths-of-origin/.

Proulx, Donald. "The Nasca Culture: An Introduction." University of Massachusetts. Nakuha

mula sa https://people.umass.edu/proulx/online_pubs/Nasca_Overview_Zurich.pdf.

Perry, Marvin. Western Civilization: A Brief History, 10th Ed. USA: Wadsworth, Cengage

Learning, 2013.

Craig, Albert, William Graham, Donald Kagan, Steven Ozment, and Frank Turner. The

Heritage of World Civilizations, Brief 5th Ed. New York, USA: Prentice Hall, 2012.

Spielvogel, Jackson. Western Civilization, 9th Ed. USA: Cengage Learning, 2015.