46
University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga Kababaihan” Pananaliksik sa paggawa ng desisyon ng mga maralitang kababaihan patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon Research Report Submitted In Partial Fulfillment of The Requirements in Political Science 198 By Charisse Marie V. Valero 2009-85026 Submitted to: Prof. Clarinda L. Berja 22 March 2013

“Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

  • Upload
    others

  • View
    34

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

University of the Philippines Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

“Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga Kababaihan”

Pananaliksik sa paggawa ng desisyon ng mga maralitang kababaihan

patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon

Research Report Submitted

In Partial Fulfillment of

The Requirements in

Political Science 198

By

Charisse Marie V. Valero

2009-85026

Submitted to:

Prof. Clarinda L. Berja

22 March 2013

Page 2: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 2

Balangkas ng Nilalaman

I. Abstract …………..……………………………….………….. 3

II. Panimula …………..……………………………….………….. 4

III. Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura …………………....….. 6

IV. Balangkas ng Pag-aanalisa ………………………………...…. 13

V. Pamamaraan ng Pananaliksik …………………………………….. 19

a. Disenyo ng Pananaliksik

b. Pamamaraan ng Pagkolekta sa Datos

c. Pag-analisa ng Datos

d. Pang-Etikang Konsiderasyon

VI. Paglalarawan ng Resulta ..……………………………………….. 26

VII. Diskusyon ……...……………………………………………….... 33

VIII. Konklusyon …………………...………………………………..…… 37

IX. Bibliyograpiya ……………………...………………………………..…….… 40

X. Apendiks …………………...………………………………..……… 43

a. Gabay na mga Katanungan sa Panayam

b. Liham Para sa Katugon

c. Free, Prior, Informed Consent Form

Page 3: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 3

Abstract

Laganap sa buong bansa ang maraming suliranin na kalakip ng kawalan ng mga

programa ng pamahalaan patungkol sa pagpaplano ng pamilya partikular sa paggamit ng

kontrasepsyon. Tinukoy sa pananaliksik na ito na marami ang isinasaalang-alang ng mga

kababaihan sa kanilang paggawa ng desisyon patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon.

Pinagtuunan ng pansin ng pananaliksik na ito ang paggawa ng desisyon sa paggamit ng

kontrasepsyon ng mga kababaihan. Inilahad ang pagkakaiba-iba at maging pagkakapare-pareho

ng mga karanasan ng mga kababaihan na may malaking epekto sa kanilang pagtingin sa usapin

ng paggamit ng kontrasepsyon. Inalam din ang antas ng pagsasakapangyarihan ng desisyon at

paggawa ng desisyon ng mga kababaihan sa tahanan at maging sa lipunan.

Naging batayan ng pananaliksik na ito ang mga konsepto ng agency, gender

subordination at rights-based approach to health mula sa pagtingin ng teoryang feminism. Sa

pag-alam kung paano gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan ng maralitang tahanan sa

kanilang paggamit ng kontrasepsyon, sinuri ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang paggawa

ng desisyon, kung ano nga ba ang mga pangunahing alalahanin ng mga maralitang kababaihan,

sino-sino ba ang may papel sa paggawa nila ng desisyon at ano nga ba ang mga karanasan nila na

nakakaapekto sa kanilang pagtingin sa paggamit ng kontrasepsyon.

Natuklasan sa pananaliksik na nakatulong ang paggamit ng kontrasepsyon sa mga

kababaihan sa pag-aangat ng kanilang sarili at pamumuhay ng kanilang pamilya. Ang mga

sirkumstansya gaya ng kahirapan, kalusugan at kapakanan ng kanilang pamilya ang pangunahing

dahilan ng mga kababaihan sa kanilang paggamit ng kontrasepsyon. Samakatuwid,

kinakailangang pahalagahan ang pagsasakapangyarihan ng paggawa ng desisyon ng mga

Page 4: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 4

kababaihan hindi lamang patungkol sa bagay na ito ngunit maging sa iba pang bagay na may

epekto sa kanila bilang mga stakeholder sa tahanan at maging sa lipunan.

Panimula

Ang pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng paggamit ng kontrasepsyon ay laganap

na sa buong mundo. Sa ngayon, ang mga pamahalaan sa mga mahihirap na bansa ay

nagpapatupad ng iba’t-iba mga programa at patakaran upang masolusyunan ang paglaki ng

populasyon at ang katayuan ng reproductive health ng kanilang mamamayan. Ang pagkakaroon

ng ating bansa ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act

No. 10354) ay isang malaking hakbang na naglalayong tugunan ang mga nabanggit na suliranin.

Inaasahan ng pamahalaan ang positibong epekto nito sa pamumuhay ng mga mamamayan

partikular na sa mga kababaihan. Noong 2008, hindi pa man naipapasa ang nasabing batas,

mayroon nang ordinansa ang lungsod ng Quezon ang “City Population and Reproductive Health

Management Policy” (City Ordinance No. 1829) na nagtaguyod ng mga programa para sa

populasyon at reproductive health ng mga mamamayan ng siyudad kabilang na dito ang libreng

serbisyo para sa pagpaplano ng pamilya. Batay sa ordinansa, nakita na mas mataas ang insidente

ng kahirapan sa mga pamilya na mas marami ang bilang ng anak kumpara sa mga pamilya na

mayroon lamang dalawa o isang anak. Naglalayong mapabuti ng ordinansang ito ang

pamumuhay ng mga mamamayan ng lungsod ng Quezon partikular na ang mga mahihirap na

kababaihan at mga sanggol. Patuloy ang pagpapatupad ng ordinansang ito sa siyudad at

hanggang sa ngayon mababatid pa rin ang mataas na insidente ng kahirapan at bilang ng mga

mahihirap na pamilya at komunidad sa nasabing lungsod.

Page 5: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 5

Sa ating bansa, may malaking bilang ng mga kababaihan na mayroon nang sariling

pamilya ang nagnanais na limitahan ang bilang ng mga anak at iwasan ang hindi planadong

pagbubuntis, ngunit hindi naman sila gumagamit ng anumang uri ng kontrasepsyon (Likhaan

Center for Women’s Health Website, June 28 2012). Ayon pa rin sa kanilang pananaliksik, mas

gusto ng mga pinakamahihirap na kababaihan na bahagi ng populasyon ang mas maliit na

pamilya ngunit kalimitan ay mayroon silang dalawa o higit pang anak na sobra sa kanilang nais

na bilang. Samakatuwid, laganap sa buong bansa ang maraming suliranin na kalakip ng kawalan

ng mga programa patungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Sa pananaliksik na ito, tinukoy na marami ang isinasaalang-alang ng mga kababaihan sa

kanilang paggawa ng desisyon patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon. Ang mga desisyon ng

mga kababaihan ay hindi gaanong binibigyan ng importansya kung kaya’t wala itong nagiging

impluwensya sa mga usapin at suliranin sa tahanan at maging sa lipunan. Sa isang maralitang

tahanan, mas maraming suliranin ang dapat tugunan ng mga kababaihan kaysa mga bagay na

may kaugnayan sa kontrasepsyon, kung kaya’t ang usaping ito ay hindi gaanong napagtutuunan

ng pansin (UNPFA Website, September 17 2012). Pinagtuunan ng pansin ng pananaliksik na ito

ang paggawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon ng mga kababaihan. Ilalahad ang

pagkakaiba-iba at maging pagkakapare-pareho ng mga karanasan ng mga kababaihan na may

malaking epekto sa kanilang pagtingin sa usapin ng paggamit ng kontrasepsyon. Naglalayon din

na ipakita ng pananaliksik na ito ang antas ng pagsasakapangyarihan ng desisyon at

pagdedesisyon ng mga kababaihan sa tahanan at maging sa lipunan.

Mga Katanungan sa Pananaliksik

Page 6: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 6

Pangkalahatang Katanungan:

Paano gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan ng maralitang tahanan patungkol sa

kanilang paggamit ng kontrasepsyon?

Mga Partikular na Katanungan:

Ano ang pangunahing alalahanin ng mga kababaihan sa mga maralitang tahanan?

Ano ang mga salik (na nakakaapekto) sa paggawa ng desisyon ng mga kababaihan

patungkol sa kontrasepsyon?

Sino-sino ang may papel sa paggawa ng mga kababaihan ng desisyon?

Ano ang mga karanasan ng mga kababaihan na nakakaapekto sa kanilang pagdedesisyon

sa paggamit ng kontrasepsyon?

Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura

Paglaganap ng kontrasepsyon

Nitong nakalipas na dekada, ang paggamit ng kontrasepsyon sa Pilipinas gaya ng pills,

injectables, diaphragm at IUD bilang mga artipisyal na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya

ay bahagya lamang tumaas. Mula 47% noong taon 1998, ito ay naging 51% noong 2008, na

nangangahulugang 1% lamang kada taon ang itinaas ng paggamit ng mga ito (Likhaan Center for

Women’s Health Website, June 28 2012). Ganito rin ang nangyari sa Pakistan kung saan may

kaunting bahagdan lamang ng populasyon ng kababaihan ang gumagamit ng kontrasepsyon.

Mula sa 5% noong 1975, ang paglaganap ng paggamit ng kontrasepsyon ay umabot lamang sa

18.7% hanggang noong 1995 (Mahmood at Ringheim, 1996, p.2). Samantalang sa bansang

Page 7: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 7

Bangladesh, ang paggamit ng kontrasepsyon ay tumaas ng mahigit-kumulang pitong beses mula

noong 1970 hanggang noong 2007, mula 7.7% ito ay tumaas ng 55.8% (NIPORT et al, 2009

mula kay S. M. Kamal, 2009, p.2). Ganito rin ang pangyayari sa Indonesia, mula noong 1976

hanggang noong 2007 ang paglaganap ng kontrasepsyon ay umakyat mula 18% sa 61% (Rahayu,

Utomo, at McDonald, 2009, p.1). Mapapansin na tumaas ang bilang ng paglaganap at paggamit

ng kontrasepsyon sa lahat ng mga bansang nabanggit ngunit ang pagtaas na ito ay nakabatay pa

rin sa iba’t ibang salik. Samakatuwid, ang paggamit ng kontrasepsyon na tatalakayin sa

pagsusuring ito ay ibabatay sa iba’t ibang mga salik na nakakaapekto sa paggawa ng desisyon ng

mga kababaihan partikular sa desisyon ng mga kakabaihang maralita.

Mga salik

Kaalaman sa pagpaplano ng pamilya

Ang paggawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon ng isang babae ay maaaring

may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta ng mga pananaliksik,

ang mataas na antas na naabot sa paaralan ay nagdudulot din ng mataas na pagtingin sa

kahalagahan at bisa ng kontrasepsyon. Sinasalamin ito ng naging resulta ng mga pag-aaral sa

Bangladesh, Qatar, at Indonesia. Ang mga kababaihang nakatapos ng mababa o di kaya ay

sekundaryang antas ng edukasyon ay mas pinipiling gumamit ng makabagong uri ng

kontrasepsyon kumpara sa mga hindi talaga nakapag-aral na pinipili ang tradisyunal o natural na

pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya (S. M. Mostafa Kamal, 2009, p.6). Sa isa namang

pananaliksik sa Qatar at sa Indonesia, ang mga kababaihang hindi nakapag-aral ay karaniwang

hindi pabor sa paggamit ng kontrasepsyon samantalang ang mga nakapag-aral naman ay pabor sa

Page 8: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 8

paggamit nito (Arbab, Bener, at Abdulmalik, 2009, p.16) (Rahayu, Utomo, at McDonald, 2009,

p.24).

Bukod pa rito, ang sapat o hindi sapat na pagkamulat sa mga kaalaman tungkol sa

pagpaplano ng pamilya ay higit na makakaapekto sa kung anong uri ng kontrasepsyon ang

gagamitin ng isang babae. Maaaring piliin ng isang babae ang isang panandalian o kaya naman

ay isang pangmatagalang pamamaraan ng kontrasepsyon batay sa kanyang impormasyong

nabatid (Rahayu, Utomo, at McDonald, 2009, p.7). Ang mass media ay itinuturing na

mahalagang kasangkapan upang makapaghatid ng impormasyon sa maraming tao. Ang

pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng kontrasepsyon sa

pamamagitan ng media gaya ng radyo, telebisyon at dyaryo ay nakakapaghikayat upang

magdesisyon ang mga kababaihan na ipagpapatuloy ang paggamit ng kontrasepsyon (Laguna,

Po, at Perez, 2000, p.7).

Mungkahi ng mga kamag-anak, kaibigan at iba pang kakilala

Ang pagkaunawa at pagtanggap ng mga kamag-anak ng asawa ng isang babae sa

pamamaraan ng kontrasepsyon ay isang mahalagang salik sa mga kababaihan. Sa Pakistan, ang

opinyon ng mga kamag-anak ay mahalaga sa kanilang pagdedesisyon sa paggamit o di kaya ay

paghinto ng paggamit ng anumang uri ng kontrasepsyon kabilang na ang IUD, pills, at

injectables (Agha, 2010 mula sa Biomed Website). Sa kabilang banda, sa isang pag-aaral sa

Qatar, ang mga kababaihan ay kadalasang nakakakuha ng impormasyon upang subukan ang iba’t

ibang uri ng pamamaraan ng kontrasepsyon sa kanilang mga kaibigan (80%), kasunod nito ay

ang mga duktor at mga kamag-anak. Bukod dito, ang mga health workers, guro, at mismong

Page 9: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 9

kanilang asawa ay ilan pa sa mga nakapagbibigay ng impormasyon sa kanila tungkol sa iba pang

mga pamamaraan ng kontrasepsyon (Arbab, Bener, at Abdulmalik, 2009. p.15).

Pananaw at gampanin ng asawang lalaki sa pagpaplano ng pamilya

Ang antas ng edukasyon ng asawang lalaki ay isang mahalagang salik na madalas ay

nagtatakda kung ano ba ang gagamitin o kung ang mga kababaihan ay gagamit ng

kontrasepsyon. Sa Indonesia, ang mga babaeng may asawa na may mababa o mataas na antas ng

pinag-aralan ay mas may posibilidad na gumamit ng makabagong pamamaraan ng

kontrasepsyon, kaysa sa mga babaeng hindi nakapag-aral ang asawa. Sa nakalap na datos noong

taong 2007, ang mga babaeng may edukadong asawa ay kadalasang nagdedesisyon na gumamit

ng pangmatagalang pamamaraan ng kontrasepsyon kaysa sa mga babaeng hindi nakapag-aral

ang asawa (Rahayu, Utomo, at McDonald, 2009, p.24). Sa karagdagan, kalimitang naghihinuha

ang isang babae kung papayag ba o hindi ang kanilang asawa sa paggamit ng mga pamamaraan

ng kontrasepsyon. Sa mga bansang Indonesia, Pilipinas, Nepal, India, Kuwait, Mali at Pakistan,

ang pananaw ng asawa sa pagpaplano ng pamilya ay mahalaga sa isang babae. Ang hindi

pagsang-ayon ng lalaki sa paggamit ng kontrasepsyon ay maaaring maging hadlang sa paggawa

ng desisyon ng mga kababaihan na gumamit ng kontrasepsyon (Joesoef et al., 1988; Bongaarts

and Bruce, 1995; Casterline and Sinding, 2000; Shah et al., 2004 mula kina Rahayu, Utomo, at

McDonald, 2009 p. 9).

Gayunpaman, lumalabas sa pananaliksik ni Gubhaju (2008, p.16) sa Nepal na karamihan

sa mga kababaihan ay hindi na sumasangguni sa asawa pagdating sa usapin ng paggamit ng

kontrasepsyon. Ang isyu na ito ay hindi na pinag-uusapan o hindi kaya ay bihirang pag-usapan

Page 10: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 10

ng mga mag-asawa na nagreresulta upang magdesisyon ang mga kababaihan na gumamit ng

kontrasepsyon alam man nila o hindi ang pananaw ng kanilang asawa sa pagpaplano ng pamilya.

Sa karagdagan, karamihan sa mga impormasyon at datos mula sa mga pag-aaral

patungkol sa kontrasepsyon at pagpaplano ng pamilya ay nanggagaling sa mga kababaihan. Isa

sa mga dahilan nito ang mas maraming pamamaraan ng kontrasepsyon na ginagamit ng mga

kababaihan kaysa mga kalalakihan. Ayon kina Bankole at Singh (1998), ang pagpaplano ng

pamilya ay may malaki ring dulot sa pamumuhay ng mga kalalakihan. Bukod pa rito, ang pang-

ekonomikong katayuan ng isang lalaki ay hindi naman nangangahulugan na sila na rin ang

magdedesisyon sa mga bagay na may kinalaman sa pagpaplano ng pamilya. Napagtanto rin sa

ginawang pag-aaral ang kakulangan sa mga pananaliksik at programa ng pagpaplano ng pamilya

na nakatuon sa pananaw ng mga kalalakihan patungkol sa kontrasepsyon.

Komunikasyon at Relasyon sa Pagitan ng Mag-asawa at ng Pamilya

Ang komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa ay may malaking impluwensiya sa

paggawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon at maging sa bilang ng anak na kanilang

nais. Ang kagustuhan ng asawang babae o lalaki patungkol sa bilang ng anak ay maaaring

masunod kung magkakaroon sila ng maayos na ugnayan patungkol sa isyu ng pagpaplano ng

pamilya. Ngunit ang komunikasyon na ito ay naaapektuhan ng mga norms gaya ng mas

mababang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan. Sa mga bansang bukas sa usapin ng

pagpaplano ng pamilya gaya ng South Korea at Estados Unidos, ang pag-uusap tungkol sa

pagpaplano sa bilang ng anak ay isa nang katanggap-tanggap na norm sa mga mag-asawa (Oh,

1998 at Thomson, 1986 mula kay Mahmood & Ringheim, 1996, p.4). Sa mga pag-aaral naman

sa mahihirap na bansa, lumalabas na mababa ang kaso ng komunikasyon sa pagitan ng mag-

Page 11: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 11

asawa patungkol sa pagpaplano ng pamilya. Nagiging sagabal ito sa pagnanais na gumamit ng

kontrasepsyon at nagbubunga rin ito ng mababang kaso ng paggamit ng kontrasepsyon

[Mukerjee (1975); Bertrand et al. (1982); Pineda et al. (1981); Raju (1987) mula kay Mahmood

& Ringheim, 1996, p.4)].

Base sa mga isinagawang pananaliksik, ang mga desisyon, partikular na ang mga may

kaugnayan sa pamumuhay ng pamilya ay hindi lamang nakabase sa mga kagustuhan ng

indibidwal na miyembro nito (Hall et al., 1995 mula kay Hamilton at Catterall, 2008). Kung

nagkakaroon ng man ng hindi pagkakaunawaan o di kaya ay conflict sa mga kagustuhan at

motibo ang mga miyembro ng pamilya (partikular sa pag-aaral na ito ang sa mga mag-asawa), ito

ay sinusubukang solusyunan gamit ang iba’t ibang pamamaraan. May apat na uri ng pagsasaayos

ng conflict si Sheth (1974): problem solving (kasama dito ang pangangalap ng mga mahahalaga

pang impormasyon tungkol sa conflict), persuasion (pakikipag-ugnayan sa iba pang miyembro

ng pamilya upang masolusyunan ang conflict), bargaining (kaugnay dito ang lantad na pagkilala

sa nagaganap na conflict) at politics (kasama dito ang pagbuo ng koalisiyon upang maihiwalay

ang sinumang miyembro ng pamilya na nagdudulot ng conflict sa kagustuhan ng nakararami)

[(Hamilton at Catterall, 2008)]. Lumabas sa ginawang pag-aaral ni Belch et al. (1980) na ang

problem solving ang pinakapopular na pamamaraan upang masolusyunan ang conflict. Sa mag-

asawa naman, diskusyon at pangangalap ng mas maraming impormasyon tungkol sa conflict ang

kalimitang ginagawa upang masolusyunan ito. Ngunit upang maiwasan ang conflict, kalimitan pa

rin na adjustment o pagpapaubaya sa kagustuhan ng asawang may mas mataas na bargaining

power ang nangyayari (Commuri at Gentry, 2000 mula kay Hamilton at Catterall, 2008).

Katayuang pang-ekonomiya, mga pangunahing

Alalahanin at karanasan ng mga kababaihan

Page 12: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 12

Sa isang pag-aaral sa Bangladesh ni Nashid Kamal (2004, p.8) sa mga kababaihang

manggagawa sa pabrika, naipakita na karamihan sa mga ito ay gumagamit ng mga pamamaraan

ng pagpaplano ng pamilya. Bagama’t nangunguna pa rin ang tradisyonal na pamamaraan (58%),

ito naman ay sinundan na ng mga iba’t ibang modernong pamamaraan ng kontrasepsyon. Ang

paggamit ng hormonal methods gaya ng pills (17%) at injectables (17%) ang pinakapopular sa

mga kababaihang manggagawa. Ito ay nangangahulugan na ang mga kababaihang bahagi ng

lakas paggawa ay mas nakagagawa ng desisyon na gumamit ng kontrasepsyon sa kadahilanang

kailangan nilang kumita para sa kanilang pamilya. Ang mga kontrasepsyon ay hindi naman

ipinapamahagi ng libre ng mga pabrika kung saan sila nagtatrabaho. Ngunit upang hindi

maantala ang kanilang paghahanap-buhay, nagdedesisyon sila na gumamit ng pamamaraan ng

pagpaplano ng pamilya partikular na ang mga makabagong uri ng kontrasepsyon.

Sa karagdagan, ang isyu ng paggamit kontrasepsyon ay hindi isang pangunahing

alalahanin sa loob ng tahanan sa mga maralitang komunidad. Ayon sa pag-aaral ng United

Nations Populations Fund (2002), ang kasarian ay isa ring dahilan kung bakit nakararanas ang

mga kababaihan ng kahirapan maging sa loob ng kanilang tahanan. Ang mga maralitang

kababaihan, bahagi man o hindi bahagi ng lakas-paggawa ay kinakailangang gampanan ang

pagiging maybahay, kung saan hindi naman binabayaran ang kanilang pagtatrabaho. Ang mga

kababaihan ay natatali sa kanilang gampanin bilang mga tagapaglinis, tagapagluto, tagapag-alaga

ng mga anak at tagapag-asikaso ng lahat ng mga gawain sa tahanan. Kasama pa rito ang pag-

intindi sa mga sekswal na pangangailangan ng kanilang asawa kung kaya’t hindi na nila

mapagtuunan ng pansin ang sarili nilang pangangailangan partikular sa kanilang kalusugan.

Kung kaya’t dahil sa mga karanasang ito, ang isyu ng paggamit ng kontrasepsyon ay

nagkakaroon ng iba’t ibang implikasyon sa bawat babae. Dahil dito, aalamin ng pag-aaral na ito

Page 13: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 13

kung paano nga ba gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan ng maralitang tahanan hinggil sa

kanilang paggamit ng kontrasepsyon.

Balangkas ng Pag-analisa

Layunin ng pananaliksik na ito na sagutin kung paano ba gumagawa ang mga maralitang

kababaihan ng desisyon sa kanilang paggamit ng kontrasepsyon. Maaaring lantad o patago ang

pagdedesisyon sa paggamit, may pagkakataon din na ipinagpapaliban ang pagdedesisyon na

gumamit, at maaari rin na kinakalimutan na lamang ng isang babae ang paggamit ng

kontrasepsyon. Mula sa pagtingin ng teoryang feminism, ang magiging batayan ng pananaliksik

na ito ay ang mga konsepto ng pagsasakapangyarihan o empowerment, agency, gender

subordination at rights-based approach to health. Sa konteksto ng paggawa ng desisyon,

ipapakita ang pagiging mas mababa ng mga kababaihan sa mga kalalakihan (gender

subordination). Ilalahad din na ang materyal na sitwasyon, karanasan at sirkumstansya ng mga

kababaihan ay may malaking epekto sa kanilang agency. Bukod pa rito, ang malayang paggawa

ng desisyon ng mga kababaihan sa mga bagay na may direktang epekto sa kanila, kabilang ang

paggamit ng kontrasepsyon ay titingnan bilang bahagi ng kanilang pangunahing karapatan.

Ilalahad din ng mananaliksik na ang pagiging empowered o pagiging martir ng isang babae (sa

konteksto ng paggawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon) ay maiuugnay sa pagkakaiba

ng kanilang mga materyal na sitwasyon, karanasan at iba pang sirkumstansya. Ipinapakita sa

larawan sa ibaba ang naging daloy ng pag-aanalisa.

Page 14: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 14

Larawan 1. Balangkas ng Pag-aanalisa

Depinisyon ng Kontrasepsyon

Ang kontrasepsyon ay ang intensyonal na pag-iwas sa pagdadalang-tao, o paglilimita sa

bilang ng anak, sa pamamagitan ng iba’t ibang artipisyal na pamamaran upang hindi magbunga

ang pagtatalik. Kasama sa mga pamamaraang ito ang 1) pagpigil sa semilya ng lalaki na

makalapit sa itlog ng babae upang hindi ito magresulta sa pagdadalang-tao, dito kabilang ang

mga pamamaraan gaya ng condoms, diaphragms, at intrauterine devices (IUD), 2) pagpigil sa

obaryo ng babae na maglabas ng mga itlog sa panahon ng obulasyon upang maiwasan ang

fertilization, dito naman nabibilang ang mga birth control pills at injectables, at 3) sterilization o

ang pirmihang pagpigil sa kakayahan ng mga babae na magbuntis at ng mga lalaki na

makabuntis, gaya ng tubal ligation at vasectomy (U.S.NLM-NIH Website, 17 September 2012).

Sa karagdagan, ang bisa at pagiging epektibo ng mga uri ng kontrasepsyon na nabanggit ay hindi

magkakatulad sa lahat ng taong nais gumamit nito.

Feminism

Page 15: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 15

Ang magiging pagtingin sa pananalisik na ito ibabatay sa pagtingin ng teoryang

feminism. Ang feminism ay ang teorya na humahamon sa di pagkakapantay-pantay sa pagtingin,

pagtrato, at paghusga ng lipunan sa kasarian. Ang mga kababaihan ang pangunahing paksa sa

teorya na ito. Nais ng feminism na siyasatin at ibunyag ang patriarkal na pananaw ng lipunan

batay mismo sa mga karanasan at ayon mismo sa perspektibo ng mga kababaihan. Ang lipunan

na inaasam ng feminism ay isang lipunan na pumapabor sa pagkakapantay-pantay. Sumasang-

ayon din ang teoryang ito na hindi balanse ang pagtitimbang ng kapangyarihan sa pagitan ng

mga kababaihan at kalalakihan, at sa kakayahan ng mga kababaihan bilang aktibong miyembro

ng lipunan (Brayton, 1997). Tinutukoy rin ng feminism na ang mga karanasan ng bawat isa (lalo

na ng mga kababaihan) ay nakabatay sa objective na kondisyon. Ayon kay Patricia Maguire, ang

feminism ay “a belief that women universally face some form of oppression or exploitation; a

commitment to uncover and understand what causes and sustains oppression, in all its forms;

and, a commitment to work individually and collectively in everyday life to end all forms of

oppression” (mula kay Brayton, 1997).

Agency at Gender Subordination

Ang agency ay “an individual’s (or group’s) ability to make effective choices and to

transform those choices into desired outcomes” (The World Bank, 2011, p.150). Sa madaling

salita, ang agency ng mga kababaihan (women’s agency) ay ang kakayahan nilang gawin ang

mga bagay na kanilang pinili at napagdesisyunan. Sa pamamagitan ng agency, ang mga

kababaihan ay maaaring maging empowered. Samakatuwid, ang agency ay maipapaliwanag din

bilang isang proseso kung saan ginagamit ng mga kababaihan (at maging ng mga kalalakihan)

Page 16: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 16

ang mga oportunidad (gaya ng pag-unlad ng ekonomiya) upang magawa ang mga bagay o

gawain na kanilang napagdesisyunan (The World Bank, 2011, p.150).

Ang depinisyon naman ng gender subordination ay ang “institutionalized domination by

men of women” (Women in Politics Website, October 19 2012). Inilalahad ng konseptong

gender subordination na mas mababa ang katayuan at ang kakayahang magdesisyon ng isang

kasarian kaysa sa isa pang kasarian. Tinutukoy ng din ng konseptong ito na ang mga kababaihan

ang kasarian na nasa mas mababang katayuan kaysa sa mga kalalakihan. Isinasalarawan ng

konseptong ito ang mga kababaihan bilang oppressed, mahina at taga-sunod samantalang ang

mga kalalakihan naman bilang dominante, malakas at tagapagpasunod (Women in Politics

Website, October 19 2012).

Ang mga konsepto ng agency at gender subordination ay magiging mahalagang batayan

ng pananaliksik na ito. Nais ipakita ng pananaliksik na ito na ang agency ay apektado ng pang-

ekonomiya at iba pang materyal na sitwasyon ng mga kababaihan. Bukod pa rito, dahil sa gender

subordination, mas mababa ang mga kababaihan sa mga kalalakihan sa konteksto ng paggawa ng

desisyon. Isa sa mga pangunahing nakakaapekto sa agency ng mga kababaihan ay ang kanilang

kontrol sa rekurso, partikular sa kita o kabuhayan ng kanilang tahanan. Ang kababaihang may

kontrol sa kita at rekurso sa tahanan ay may mataas na bargaining power at may kalayaan na

magdesisyon at gawin ang mga bagay na kanilang napagdesisyunan. Ngunit hindi sa lahat ng

pagkakataon ay napapawalang-bisa ng kontrol sa kita ang gender subordination (The World

Bank, 2011, p.150). Nakakaapekto rin sa agency ng mga kababaihan ang kalayaan sa pagkilos sa

loob at labas ng tahanan at ang mga norms ng lipunan. Maaaring maging hadlang at maaring

limitahan ng mga panlipunang norms (social norms) ang mga kababaihan sa pagpili,

pagdedesisyon at pagkilos na gawin ang mga bagay na napagdesisyunan nila (The World Bank,

Page 17: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 17

2011, p.150). Gayunpaman, ang agency ng mga kababaihan ay mahalaga sapagkat ang

kakayahang gumawa ng mga epektibong desisyon at isagawa ang mga desisyon na ito ay

magdudulot ng kaginhawahan (well-being) sa mga kababaihan at sa mga taong nakapaligid sa

kanya (The World Bank, 2011, p.151).

Kontrasepsyon Bilang Isang Karapatan at

Paggawa ng Desisyon Patungkol sa Kontrasepsyon

Ayon sa World Health Organization, ang paggamit ng kontrasepsyon ay bahagi ng

karapatan ng isang tao sa maayos na serbisyong pangkalusugan. Ang konseptong rights-based

approach to health ay nakatuon sa pagsasapangyarihan ng indibidwal at komunidad, partikular

na dito ang mga marginalized. Kinakailangang malaman at maintindihan ng mga indibidwal at

grupo ang kanilang karapatan upang ito ay kanilang maisakatuparan. Bukod pa rito,

kinakailangan din ang partisipasyon at pagsusulong sa mga polisiya na nakabatay sa karapatang

pantao at rights-based approach to health. Sa paggamit ng kontrasepsyon, ang kagustuhan at

pang-reproduktibong pangangailangan ng isang tao ang pangunahing isinasaalang-alang.

Maraming nang pananaliksik ang naggigiit sa kahalagahan ng mga salik na nakakaapekto

sa paggawa ng desisyon ng mga kababaihan patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon. Ilan sa

mga ito ang kahirapan o pang-ekonomiyang sitwasyon, kaalaman sa pagpaplano ng pamilya at

kapangyarihan ng asawa at ng iba pang tao. Subalit ang paraan kung paano gumagawa ng

desisyon ang mga kababaihan sa paggamit ng kontrasepsyon ay hindi nakabatay sa lahat ng mga

salik na ito. Ang mga kababaihan ay mayroong iba’t ibang sitwasyon at karanasan na

nakakaapekto sa kabuuan ng kanilang buhay kasama na dito ang kanilang pagdedesisyon. Kung

kaya’t mas magiging matibay ang pananaliksik na ito kung pagbabatayan ang pagkakaiba ng

Page 18: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 18

sitwasyon at sirkumstansya na nararanasan ng mga kababaihan na mas nagdedetermina kung

paano talaga sila gumagawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon.

Bagama’t mahalaga ang komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa sa pagpaplano ng

pamilya (Gubhaju, 2008, p.16) (Mahmood & Ringheim, 1996, p.4), ang desisyon ng mga

kababaihan na gumamit ng kontrasepsyon ay maaari nilang gawin ng walang kinokunsultang iba

bukod sa kanilang sarili. Maaari rin nilang gawin ang kanilang desisyon sa lantad o kaya ay sa

palihim na paraan. Ang mga kababaihang mulat sa kanilang karapatan, may sariling kita, o mas

nakaaangat ang katayuan ng pamilya kaysa sa asawa, ay kalimitang lantad na gumagawa ng

desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon. Kung sinusubukan man ng mga kababaihang ito na

alamin ang pananaw ng asawa sa kanilang paggawa ng desisyon, ang pagsawalang-bahala ng

kanilang asawa sa usapin ay maaaring magresulta upang ituloy nila ang paggamit ng

kontrasepsyon. Ang mga kababaihang nagdedesiyon na lantad na gumamit ng kontrasepsyon ay

kumakatawan sa mga kababaihang empowered pagdating sa usapin ng paggamit ng

kontrasepsyon.

May mga kababaihan din naman na inililihim ang pagdedesisyon na gumamit ng

kontrasepsyon kahit na hindi nila alam ang pagtingin ng kanilang asawa sa isyung ito.

Samantala, ang bayolenteng reaksyon ng asawa ay maaaring maghikayat upang sila ay gumamit

ng kontrasepsyon sa palihim na paraan (covert). Sa mga tahanang may kakapusan sa pera o di

kaya ay sa mga tahanang maraming alalahanin ang mga kababaihan, may mga pagkakataon na

ipinagpapaliban o kaya ay kinakalimutan na lamang ang balak na paggamit ng kontrasepsyon.

Kinakatawan naman nito ang mga martir na kababaihan sa tahanan man o sa lipunan, na madalas

nagsasakripisyo ng kanilang mga pangangailangan para sa iba.

Page 19: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 19

Mababatid na ang kakayahang magdesisyon ng isang babae para sa kapakanan ng

kanyang sarili ay isang epektibong pagkilala sa kanyang kapangyarihan sa loob ng tahanan at

maging sa lipunan. Ang paggawa ng desisyon ng mga kababaihan patungkol sa paggamit ng

kontrasepsyon ay isa ring pagpapahayag na sila ay may karapatang pumili ng mga pamamaraan

na sa tingin nila ay angkop sa kanilang kalagayan. Sa pamamagitan ng pagdedesisyon na

gumamit ng kontrasepsyon, naipapabatid sa lipunan na ang mga kababaihan ay hindi lamang

dapat kinukonsulta sa mga usaping sila ang pangunahing stakeholder. Hindi dapat ipagkait sa

mga kababaihan ang pagdedesisyon para sa kanilang sarili at lalung-lalo nang hindi dapat

pangunahan ng ibang tao ang kanilang paggawa ng desisyon. Ang paggawa ng desisyon para sa

kanilang kapakanan ay isa sa mga pangunahing gawain na dapat matutunan at dapat isaalang-

alang ng mga kababaihan sapagkat ito ay lubos na makakaapekto sa kanilang kalusugan,

pamumuhay, kaligtasan at maging sa kanilang hinaharap (CEPnet Website, 28 June 2012).

Sa karagdagan, iba’t ibang ang kakayahan ng mga kababaihan na epektibong mamili at

magdesisyon, ngunit tipikal pa rin na mga kababaihan ang nasa mas mababang posisyon kaysa sa

mga kalalakihan sa konteksto ng pagdedesisyon. Dahil dito, kinakailangang pag-aralan ang

pagkakaiba ng sitwasyon ng mga kababaihan. Sa pag-aaral sa iba’t ibang karanasan at

sirkumstansya ng mga ito, mas maipapakita ang pagkakaiba at pagkakapareho sa sitwasyon nila.

Ang paggawa ng desisyon at pagkilos upang maisakatuparan ang ginawang desisyon ay

magdudulot ng pag-unlad sa mga kababaihan, na maaaring mag-angat sa katayuan ng mga

kababaihan sa tahanan at lipunan (The World Bank, 2011, p.151).

Pamamaraan ng Pananaliksik

Page 20: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 20

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, inalam kung paano gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan

ng maralitang tahanan sa kanilang paggamit ng kontrasepsyon. Sinuri nito ang mga salik na

nakakaapekto sa kanilang paggawa ng desisyon, kung ano nga ba ang mga pangunahing

alalahanin ng mga maralitang kababaihan, sino-sino ba ang may papel sa paggawa nila ng

desisyon at ano nga ba ang mga karanasan nila na nakakaapekto sa kanilang pagtingin sa

paggamit ng kontrasepsyon. Naging angkop na disenyo ng pananaliksik ang case study sapagkat

ang mga kababaihan ng mga maralitang tahanan bilang unit of analysis, ay nangangailangan ng

detalyado at intensibong uri ng eksaminasyon (in-depth examination).

Sampling: Mga Kalahok sa Pananaliksik

Dahil na rin sa case study ang napiling disenyo ng pananaliksik, upang makakuha ng mas

maraming impormasyon na kapakipakinabang, ang ginamit na pamamaraan para sa sampling ay

ang purposive sampling. Ito ay napili rin sapagkat hindi magagawang pag-aralan ng

mananaliksik ang kabuuan ng populasyon ng mga maralitang kababaihan. Samakatuwid, ang

purposive sampling ay ginamit upang makakalap ng mga makabuluhang impormasyon at hindi

upang makagawa ng generalisasyon mula sa iilang sample ng populasyon. Ang mananaliksik ay

pumili ng anim (6) na kababaihan mula sa mga tahanan ng isang maralitang komunidad sa

Tandang Sora, Quezon City. Ang mga pangunahing datos na kinakailangan ng pananaliksik na

ito ay nagmula sa mga kababaihang napili. Bagama’t purposive sampling ang pamamaraang

gagamitin, gumawa ang mananaliksik ng isang talahayanan ng mga kategorya na kakailanganin

sa pagpili ng sample. Ang talahayanan na ito ay ginamit lamang ng mananaliksik na gabay sa

Page 21: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 21

pagpili ng mga kababaihan na maaaring maging sample. Narito ang talahayanan na naglalaman

ng mga kategorya:

Mga Kategorya na kakailanganin sa pagpili ng sample

Kasarian Babae

Estadong Sibil May asawa; Kasal man; hindi kasal; hiwalay

Socio-demographic

status

Lugar (Pook-Urban) Kasalukuyang lugar na pinaninirahan Bilang ng taon ng paninirahan sa lugar Dating lugar na pinaninirahan (kung mayroon man)

Edad (mula 18 hanggang 44 taong gulang) 18 – 26 (1 hanggang 3 ang bilang ng anak) (mahigit sa 3 ang bilang ng anak) 26 – 34 (1 hanggang 3 ang bilang ng anak) (mahigit sa 3 ang bilang ng anak) 35 – 44 (1 hanggang 3 ang bilang ng anak) (mahigit sa 3 ang bilang ng anak) Antas ng naabot na edukasyon Primary Secondary Vocational Tertiary Walang pormal na edukasyon

Pagkakaanib sa isang socio-civic na organisasyon Kasapi Kasaping pinuno Hindi Kasapi

Socio-economic

status

Uri ng paaralang pinasukan Pampubliko Pribado

Trabaho/Kita

Meron Meron, full-time Meron, part-time Wala

Page 22: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 22

Tirahan Kasama ang pamilya at magulang Kasama ang pamilya at magulang ng asawang lalaki Walang kasama, nangungupahan Walang kasama, sariling bahay May kasama, sariling bahay

Pangunahing taga-pagtaguyod ng pamilya, base sa kita:

Lalaki lamang Babae lamang Pareho, mas malaki ang kita ng lalaki Pareho, mas malaki ang kita ng babae Walang kita, umaasa sa magulang/pamilya ng lalaki Walang kita, umaasa sa magulang/pamilya ng babae Iba pang pinagkukunan ng kita

Batay sa talahanayan, nakahanap ang mananaliksik ng anim na kababaihan na may iba’t

ibang karanasan at pinagdaanan sa kanilang pamumuhay. Nasunod ang pagkakaroon ng

dalawang kinapanayam mula sa pagpapa-angkat na ginawa sa talahanayan batay sa edad. Tatlo

sa kanila ang mga simpleng maybahay samantalang ang tatlo naman ay mayroong trabaho o kaya

ay mayroong pinagkukunan ng kita. Ang anim na kababaihang kinapanayam ay nakaabot

hanggang sa pang-sekundaryang antas ng edukasyon at dalawa sa mga ito ang nakatapos

hanggang kolehiyo. Lahat din ng mga kababaihang kinapanayam ay gumagamit ng makabagong

uri ng kontrasepsyon bilang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya. Isa ang pinakamaliit na

bilang ng anak na mayroon ang mga kababaihan na kinapanayam at apat na anak naman ang

pinakamalaki. Apat sa mga kababaihan ang pasyente ng Health Center samantalang dalawa

naman sa mga ito ang bumibili ng sarili nilang kontrasepsyon. Lahat ng kinapanayam na babae

ay nakapisan pa rin sa kanilang asawa kasama ang kanilang mga anak. Tatlo sa kanila ang may

kasama pang ibang kamag-anak sa tahanan. Samakatuwid, mababatid na mayroong iba’t-ibang

karanasan at salik na maaaring makaapekto sa mga kababaihang kinapanayam bagama’t mula

lamang sila sa isang maliit na maralitang komunidad sa lungsod ng Quezon.

Page 23: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 23

Pagkolekta ng mga datos

Nagsagawa ang mananaliksik ng in-depth interview sa anim (6) na kababaihang nasa 23

hanggang 44 taong gulang noong Enero 22, 23, 27 at 28, 2013 sa isang komunidad sa Tandang

Sora, Quezon City. Ang panayam sa bawat isang babae ay magkakahiwalay na isinagawa. Sa

pangangalap ng datos sa Tandang Sora, nakipag-ugnayan din ang mananaliksik sa Tandang Sora

Community Health Care Center ng Family Planning Organization of the Philippines (FPOP),

isang non-government organization na naglalayong maipakalat ang kaalaman sa pagpaplano ng

pamilya sa buong Pilipinas.

Naging angkop na pamamaraan ang in-depth interview sa pag-aaral na ito sapagkat

naging open-ended at conversational ang daloy ng panayam kung saan nagsisilbing tagapakinig

ang mananaliksik. Bilang ang mga kababaihan sa maralitang tahanan ang paksa ng pananaliksik

na ito, kinailangan na sila ay komportable sa pagsasalaysay ng isang napakapersonal na isyu, ito

nga ay ang kanilang pagdedesisyon na gumamit ng kontrasepsyon. Dahil sa personal at

komportableng katangian ng mga pamamaraang ito, mas madaling nakapagbigay ng

impormasyon ang mga kinapanayam at mas nakaagapay ang mananaliksik sa mga pangyayaring

naganap sa buhay ng paksa.

Nakalahad sa ibaba ang isang talahayanang naglalaman ng mga kakailanganing datos,

batis na pagmumulan ng mga datos at pamamaraan ng pagkuha ng datos na inihanda para sa

gagawing pananaliksik.

Datos na Kailangan Pagmumulan Pamamaraan

Pangunahing alalahanin ng

mga kababaihan sa

maralitang tahanan

Page 24: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 24

Pag-analisa ng datos

Ang mga panayam na nakalap ay nai-record ng mananaliksik. Pagkatapos ay isinailalim

ang mga ito sa transcription. Sa ginawang transcription, naitala ang bawat salita (verbatim) at

iba pang reaksyon na nagmula sa kinapanayam. Sa ganitong paraan, mas nakita at naitasa ang

mga detalye na makakatulong sa pananaliksik. Ang mga datos mula sa transcriptions ay

ginamitan ng coding scheme upang magkaroon ng kategorya ang mga nakalap na impormasyon

at higit sa lahat, upang maihiwalay ang mga datos na mahahalaga at magagamit na impormasyon

mula sa mga hindi masyadong mahalaga at walang kaugnayan sa pananaliksik. Nakapagbigay ng

mga kategorya ang mananaliksik mula sa mga datos na nakalap at nakakuha rin ng mga

quotations mula dito. Pinagsikapan ding panatiliin ang daloy ng emosyon ng mga kinapanayam

sa ginawang pananaliksik. Ang anim na panayam ay indibidwal munang iaanalisa. Pagkatapos

Kaalaman ng mga

kababaihan sa paggamit ng

kontrasepsyon

Papel ng ibang tao sa

paggawa nila ng desisyon

Mga karanasan ng mga

kababaihan na nakakaapekto

sa kanilang paggawa ng

desisyon

Paggawa ng desisyon ng

mga kababaihan sa paggamit

ng kontrasepsyon

Pagtingin sa paggamit ng

kontrasepsyon ng mga

kababaihan bilang kanilang

karapatan

Anim (6) na napiling

kababaihan mula sa

maralitang tahanan na may

iba’t ibang karanasan at

kinakaharap na

sirkumstansya sa buhay

In-depth interview

Page 25: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 25

nito, sa pamamagitan ng cross-case analysis, nakita ang pagkakahambing at pagkakaiba ng mga

datos mula sa mga kinapanayam.

Pang-Etikang Pagsasaalang-alang sa Pananaliksik

Ang paggamit ng kontrasepsyon ay isang napakapersonal na isyu sa mga kababaihan.

Bukod pa rito, hindi tanggap ng lahat ng tao sa bansa ang paggamit ng kontrasepsyon bilang

pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya. Kung kaya’t isang mahalagang tungkulin ng

mananaliksik ang maproteksyunan ang mga impormasyong ibabahagi ng mga taong maglalahad

ng kwento at karanasan sa gagawing pananaliksik. Ang pagpapanatiling confidential ng

pagkakakilanlan ng mga taong naging bahagi ng pananaliksik ay sinigurado rin. Gagamit ang

mananaliksik ng alyas kung hindi pinahintulutan ng mga naging bahagi ng pananaliksik na

gamitin ang kanilang pangalan upang hindi mailahad ang kanilang pagkakakilanlan. Isang

napakapersonal na isyu ang pagdedesisyon patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon kaya

mamarapatin ng mananaliksik na hindi mailagay sa alanganin ang pagkakakilanlan, hanapbuhay,

pananampalataya, at pulitikal na pananaw ng mga taong naging bahagi ng pananaliksik. Ang

mga kababaihan na lihim na gumagamit ng kontrasepsyon na magiging bahagi ng gagawing

pananaliksik ay maaaring mailagay sa alanganin kung makakarating sa kanilang mga asawa ang

mga mangyayaring panayam. Kung kaya’t sisiguraduhin ng mananaliksik na hindi makakarating

sa ibang tao lalo’t higit sa mga asawa ng mga kababaihang naging bahagi ng pananaliksik ang

mga datos na makakalap. Kung hindi naman papayag ang kalahok na irekord ang gagawin

niyang paglalahad, ito ay igagalang ng mananaliksik at isusulat na lamang nito ang mga

impormasyong ibabahagi. Bukod pa rito, tiniyak ng mananaliksik na lahat ng mga nakalap na

Page 26: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 26

datos at impormasyon lalo na ang mga personal at sensitibong bagay ay mananatiling ekslusibo

para lamang sa pananaliksik na ito.

Sinigurado rin ng mananaliksik na malaya ang mga maglalahad ng impormasyon na

umurong kahit anong oras at kahit saang bahagi ng ginagawang pag-aaral. Kung gugustuhin ng

mga naging bahagi ng pananaliksik, sila ay bibigyan ng kopya ng magiging resulta ng pag-aaral.

Makailang ulit kukumpirmahin ng mananaliksik ang pagpayag ng mga magiging kalahok sa

gagawing pag-aaral upang makasigurado na kusang loob nila itong gagawin (Tingnan ang

inihandang free and prior consent form sa Apendiks).

Resulta

Kontrasepsyon at Pagpaplano ng Pamilya

Sa isinagawang pag-aaral, lumalabas na gumagamit ang mga kababaihan ng

kontrasepsyon bilang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya upang magkaroon sila at kanilang

pamilya ng mas maginhawang pamumuhay. Kaugnay nito, iniiwasan din ng mga kababaihan ang

magkaroon ng sunod-sunod na anak dahil sa hirap ng buhay sa panahon ngayon at para na rin sa

ikabubuti ng kanilang sarili. Ayon sa 33-anyos na babaeng may dalawang anak, gumagamit siya

ng pills sa loob ng siyam na taon:

“Para sa pamilya, kasi ayoko dumami ang anak, sa asawa ko, para hindi

rin siya mahirapan diba, kasi yung trabaho niya, hindi rin naman siya

stable…tapos, ayun para sa sarili ko para hindi agad ako mahirapan magpalaki

ng bata.”

Nang tanungin naman ang 44-anyos na babaeng may tatlong anak, gumagamit siya ng

injectables noong hindi pa siya ligated:

Page 27: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 27

“Para sa sarili, sa pamilya, para mabigyan sila ng magandang future,

kasi kung sunod-sunod yun mahirap magpalaki ngayon saka sa sarili mo, kasi

syempre kapag lagi kang may anak, mag-aalaga ka diba, so magiging losyang ka,

para rin sa kalusugan mo, malakas ka, mabigay mo sa mga anak, para sa

pagtanda mo, malakas ka pa rin, kumbaga mapatapos mo talaga sila ng pag-

aaral.”

Nabatid din sa isinagawang pag-aaral sa isang maliit na komunidad sa Tandang Sora na

kalimitang nakakakuha ng kaalaman sa pagpaplano ng pamilya partikular sa paggamit ng

kontrasepsyon ang mga kababaihan mula sa health center sa kanilang lugar. Mababatid na

mayroong libreng family planning services ang mga health centers sa lungsod ng Quezon.

Kasama sa libreng serbisyo ang konsultasyon, pagtuturo sa paggamit ng mapipiling

kontrasepsyon at maging ang kontrasepsyon na gagamitin ng mga kababaihan. Ang pag-aalok sa

pagpaplano ng pamilya ay kalimitang nagiging suhestiyon sa mga buntis na nagpapatingin sa

health center. Ayon pa nga sa 23-anyos na babae na may isang anak, “mahilig kasi sila (health

workers) na mag-alok eh, ewan ko kung training talaga nila yun, nag-aalok sila ng family

planning sa mga nagpapacheck-up na buntis”.

Sa karagdagan, kinikilala ng mga kababaihan ang paggamit ng kontrasepsyon bilang

isang karapatan base na rin sa kanilang boluntaryong pagpayag at pagpili sa kung ano mang

kontrasepsyon ang kanilang nais na gamitin. Batay sa pahayag ng 23-anyos na babaeng may

isang anak kinikilala niyang karapatan ang paggamit ng kontrasepsyon ngunit nakabatay ito sa

pagpili at kagustuhan ng taong gagamit, aniya, “bawat tao, bawat babae pwede, nasasayo naman

yun diba? Choice mo naman kung gusto mo talaga siya”. Dagdag pa rito, naniniwala sila na

karapatan nila ang mamili dahil katawan nila ang pangunahing apektado sa gagawin nilang

paggamit ng kontrasepsyon. Inuusisa lamang ng mga kababaihan ang kontrasepsyon na kanilang

napili kung kaya’t kalimitang ito lamang ang alam nilang gamitin. Anuman ang kahihinatnan at

maging epekto ng kontrasepsyon sa kanilang katawan ay kanilang tatanggapin basta mayroong

Page 28: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 28

katiyakan ang bisa nito bilang kontrasepsyon. Dagdag pa ng 33-anyos na babaeng may dalawang

anak na gumagamit ng pills:

“Bahala na kung baga, kung anuman yung magiging ano man nun, siguro

haharapin mo na lang kung anong magiging epekto diba, pero maraming nagsabi

sa akin, halimbawa sa center, na mas safety naman yung pagpi-pills kesa sa mga

withdrawal ganun.”

Kababaihan: Full-time at All-around sa Tahanan

Bukod sa usapin ng pagpaplano ng pamilya, lumalabas sa ginawang pag-aaral na

maraming alalahanin at gampanin ang mga kababaihan sa tahanan na mas pinagtutuunan pa nila

ng pansin. Kabilang dito ang pag-aasikaso sa mga anak at asawa, pag-intindi sa mga gawaing-

bahay at pagba-budget para sa pagkain at iba pang mga bayarin sa tahanan. Dahil nga ibinatay sa

mga maralitang kababaihan ang pag-aaral na ito kalimitang kakapusan sa pera at pagkain ang

pangunahin nilang hinaing, ayon sa 44-anyos na babaeng may apat na anak, “ang hirap mag-

budget ‘pag walang iba-budget”. Kalimitan din na ang mga kababaihan ang gumagawa ng lahat

ng gawaing bahay sa tahanan, may trabaho man sila o wala. Sa ginawang pag-aaral, kalimitang

tinutulungan sila ng kanilang asawa sa pagluluto, ngunit sa kanila pa rin ang mabigat na trabaho

gaya ng paglalaba, paglilinis ng bahay at pag-aasikaso sa mga anak. Ayon sa 39-anyos na

babaeng may tatlong anak, bukod sa kanyang trabaho mula Lunes hanggang Biyernes siya pa rin

ang “naglalaba, asawa ko sa luto, yan dun siya, pero ako laba, asikaso sa kanila sa umaga, alas

kwatro ng madaling araw gigising ako, tapos sa gabi siya rin magluluto, assignment naman (ng

mga anak)”. Mababatid dito na full-time at all-round ang pagiging ina at asawa ng mga

kababaihan. Bukod pa sa mga ito, kinakailangan pa rin nilang intindihin ang paggamit ng

kontrasepsyon. Ang mga kababaihang gumagamit ng kontrasepsyon na nagmumula sa health

center, kung minsan ay bumibili pa sa botika kapag wala pang suplay ang health center o kaya

Page 29: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 29

ay kung hindi sila nakakabalik agad sa iskedyul nila. Nagmumula naman sa sariling kita ng mga

kababaihang naghahanap-buhay na hindi pasyente ng health center ang pambili nila ng

kontrasepsyon gaya ng pills at injectables.

Sa paggawa ng desisyon ng mga kababaihan sa tahanan, lumabas sa ginawang pag-aaral

na ang mga desisyong nakakaapekto sa pamilya maliban sa usapin ng kontrasepsyon ay

ginagawa ng mga kababaihan kasama ang kanilang asawa. Ang mga pangunahing alalahanin sa

tahanan gaya ng gastusin at pag-aaral ng mga anak ay pinag-uusapan at pinagdedesisyunan

nilang dalawa. Ayon nga sa 25-anyos na babaeng may apat na anak:

“Kasi pangit naman yung ako lang yung nakakaalaman diba, pag may

ano, kunwari pag meron akong ano sa bahay, sinasabi ko sa asawa ko na ganito

ang gawin namin. Asawa ko talaga yun, kasi kung ano yung desisyon namin,

kaming dalawa yun ng asawa ko.”

Dagdag din ng 44-anyos na babaeng may apat na anak:

“lahat syempre kinukonsulta ko, hindi pwedeng ako lang yung

magdedesisyon, kelangan lahat alam niya, para just in case may magiging

problema sa mga anak niya, alam niya rin, hindi yung ako lang diba.”

Bukod pa rito, isinasaalang-alang din ng mga kababaihan ang mga payo at saloobin ng

iba pa nilang kasama sa tahanan gaya ng biyenan, magulang at iba pang kamag-anak sa kanilang

mga desisyon. Kinukonsulta nila ang mga ito sa kanilang paggawa ng desisyon ngunit nasa

kanila pa ring kagustuhan kung susundin ba nila ang mga payo ng mga ito. Ayon nga sa 25-

anyos na babaeng may apat na anak na kasama ang kanyang ina sa tahanan, sinasabi niya dito

ang kanilang mga gagawing desisyon. Dagdag pa niya, “sinasabi ko sa mama ko yun kaso ang

katwiran ng mama ko, kaming mag-asawa ang dapat magdesisyon, kasi ayaw din ng mama ko

na makialam na pag-ano eh, mahirap daw magkaroon ng sisihan”. Isinalarawan naman ng 23-

anyos na babaeng kasama sa bahay ang magulang ng kanyang asawa na humihingi sila ng

opinyon kahit may desisyon na talaga sila. Aniya, “may desisyon na talagang kami pa rin, pero

Page 30: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 30

yung sa bahay ayos lang kami, yung pakikisama syempre”. Sa karagdagan, naiaangat ng

pagkakaroon ng sariling kita ng mga kababaihan ang kanilang kakayahang magdesisyon

patungkol sa mga usapin sa tahanan kasama na rito ang sa paggamit ng kontrasepsyon.

Nagkakaroon ng kalayaan ang mga kababaihan na gawin ang mga bagay na gusto nila nang hindi

na kinakailangang konsultahin pa ang kanilang asawa ngunit prayoridad pa rin ng mga

kababaihan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Pinatunayan ito ng mga pahayag ng

kababaihang kinapanayam, ayon sa 39-anyos na babaeng may tatlong anak, may mga binibili

siya na hindi na niya ipinapaalam sa kanyang asawa basta ito ay galing sa kanyang sariling kita.

Aniya, “hindi na niya alam kapag mga sa sahod ko na lang, syempre… sasabihin na lang nun

‘o, may bago naman’. So hindi ko na kailangan ipaalam, huwag lang yung mga mahal kasi

magagalit siya”. Samakatuwid, may mga bagay silang pinagdedesisyunan na hindi na nila

ipinagpapaalam pa sa kanilang asawa gaya ng pagbili ng mga bagay na gusto nila mula sa sarili

nilang kita. Sabi ng 23-anyos na babaeng may isang anak na nagtatrabaho bilang isang

kasambahay, sa pagkakaroon niya ng sarili kita siya ay “parang may sariling kagustuhan, kasi

nga pareho kaming may ano hawak na pera ganun, pero minsan yung kagustuhan din namin na

ng isa't isa nasusunod, kasi okay lang samin,(dahil) yun sa sahod namin”.

Pagdedesisyon at Pananaw Patungkol sa Kontrasepsyon

Sa ginawang pag-aaral, kapansin-pansin na gumagawa ng desisyon patungkol sa

paggamit ng kontrasepsyon ang mga kababaihan ng lantad sa kanilang mga asawa at iba pang

kasama sa bahay. Sila lamang ang gumagawa ng desisyon patungkol sa paggamit ng

kontrasepsyon kung kaya’t ang responsibilidad ng pagpaplano ng pamilya ay sa kanila lamang

nakaatang. Kaugnay nito, bagama’t sumasang-ayon sa usapin ng pagpaplano ng pamilya ang

Page 31: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 31

mga kalalakihan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang kanilang pamilya, lumabas na

tinitingnan nila ang paggamit ng kontrasepsyon bilang isang bagay na hindi na nila dapat

pakialaman. Kapag tinatanong ng mga kababaihan ang kanilang asawa patungkol sa paggamit ng

kontrasepsyon, “sige, okay lang” ang nagiging tugon ng mga ito at hindi na sila nagtatanong ng

iba pang impormasyon o implikasyon tungkol sa mahalagang desisyong ito na gagawin ng

kanilang asawang babae. Nagiging sarili nila ang paggawa ng desisyon patungkol sa

kontrasepsyon sapagkat kalimitang walang alam sa paggamit ng kontrasepsyon ang kanilang

mga asawa o hindi kaya ay isinasawalang-bahala lamang ng kanilang asawa ang kanilang

paggamit ng kontrasepsyon. Sabi nga ng 44-anyos na babaeng may apat na anak, “ah, sa

pagpipills naman kasi di siya nakikialam dun eh, bahala ka basta kaya mo, syempre dapat diba

hindi mo talaga nakakalimutan yun, para sa kanya kung mas nakakabuti, okay lang”. Dagdag pa

ng 25-anyos na babaeng may apat din na anak, “kung hindi ako magpa-family planning dadami

ang anak namin, syempre siya(asawa) rin ang mahihirapan, sabi ko nga 'ikaw rin ang

mahihirapan' dadami sa pagpapaaral, pagpapakain, isa pang mahirap kapag maysakit (ang

mga anak)”.

Sa mga panayam na isinagawa, nabanggit ng mga kababaihan na wala namang

pagkakataon na nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa na nag-

ugat sa paggamit ng kontrasepsyon. Hinggil naman sa usapin ng hindi pagsang-ayon ng kanilang

asawa sa paggamit ng kontrasepsyon, magkakaiba ang pananaw ng mga kababaihan kung

itutuloy pa rin nila ang paggamit ng kontrasepsyon. Ayon sa 33-anyos na babae na may

dalawang anak, itutuloy pa rin niya ang paggamit ng kontrasepsyon kahit ipagbawal pa ito ng

asawa niya sa kadahilanang siya ang magbubuntis at mahihirapan sa pag-aalaga at pagpapalaki

ng bata. Dagdag pa niya, “syempre katawan ko yun, ako yung mahihirapan ‘pag dumami yung

Page 32: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 32

anak ko, hindi naman siya yung magbubuntis eh”. Kaugnay nito, may isa rin sa mga

nakapanayam na naniniwala na maidadaan sa paliwanag ang mga asawa pagdating sa isyu ng

paggamit ng kontrasepsyon. Ayon sa kanya:

“Magko-contraceptives pa rin ako, kahit ayaw niya wala siyang

magagawa. Pero ipapaliwanag mo pa rin sa kanya kung ano din naman yun diba,

paano mo kukumbinsihin yung mga asawa? Hindi rin kasi nila alam. Hindi sila

masyadong aware doon, mas aware kasi ang mga babae pagdating talaga sa

contraceptives, kaya ang gawin mo, halimbawa, hindi kayo magkasundo, magka-

ano sa desisyon, magpaliwanag ka, baka sakaling maintindihan. Papayag din

yun.”

Iba naman ang naging tugon ng isang babaeng kinapanayam tungkol sa hindi pagsang-

ayon ng asawa sa paggamit ng kontrasepsyon. Kung hindi sasang-ayon ang kanyang asawa sa

paggamit ng kontrasepsyon, susundin niya ito dahil sabi niya:

“Kasi ayoko rin na pagdating ng panahon, ayon ang pag-aawayan namin

mag-asawa, pag ayaw niya syempre sa kanya ka makinig, isa pa, siya naman ang

nagpapakain di’ba? Pangit naman na may maririnig ka pa na ‘kapag naman

ikaw, ano gusto mo ikaw lang ang masusunod, pag ako ayaw mo’.”

Epekto ng Paggamit ng Kontrasepsyon ng mga Kababaihan

sa Kanilang Pamumuhay at Pamilya

Batid ng mga kababaihan na kinapanayam na nakatulong sa kanila at sa pamumuhay ng

kanilang pamilya ang paggamit nila ng kontrasepsyon. Ang mga sirkumstansya gaya ng

kahirapan, kalusugan at kapakanan ng kanilang pamilya lalung-lalo na ng kanilang mga anak ang

dahilan ng mga kababaihan sa pagpapatuloy nila ng paggamit ng kontrasepsyon. Nakapagdulot

ng mas magaang pamumuhay ang hindi nila pagkakaroon ng sunod-sunod na anak. Ayon pa nga

sa 39-anyos na babae na may tatlong anak, “kahit papano hindi kami mayaman, nakakaraos

naman, hindi naman hikahos na pati gatas, pati asin, iisipin mo pa kung paano mo mabibili”.

Dagdag pa ng 33-anyos na babaeng may dalawang anak, “kasi hindi kami nahihirapan masyado

Page 33: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 33

hindi katulad nung mga nakikita namin. Kasi kapag may nagustuhan yung anak namin,

halimbawa, 'ma, bili mo ako ng ganyan', napag-iipunan, nabibili naman”.

Diskusyon

Kakayahang Magdesisyon at Paggawa ng Desisyon

Ang pagdedesisyon ng mga kababaihan patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon ay

isang mahalagang usapin na makakaapekto hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa kabuuan na

rin ng kanyang pamilya at maging sa kanilang kinabukasan. Sa pagdedesisyon ng mga

kababaihan na gumamit ng kontrasepsyon, ang kapakanan pa rin ng kanilang pamilya ang

kanilang prayoridad kahit na hindi naman masyadong napapansin at pinapahalagahan ang

ginagawa nilang ito. Hinggil dito, ipinapakita na ang agency nila, o ang kakayahan nilang gawin

ang mga bagay na kanilang pinili at napagdesisyunan ay isinasakatuparan nila upang magkaroon

ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya. Kung kaya’t kahit na naisasakatuparan ng

isang babae ang kanyang agency, hindi naman nangangahulugan na ginagawa lamang niya ito

para sa kanyang kapakanan. Dahil dito, nagmimistulang sila na lamang ang mayroong

responsibilidad sa pagpaplano ng pamilya. Bilang mga ilaw ng tahanan, maraming mga

alalahanin at gampanin ang mga kababaihan na kailangan nilang tugunan sa pang-araw-araw,

may trabaho man sila o wala. Dagdag pa sa mga gawaing ito ang paggamit nila ng

kontrasepsyon. Pills ang karaniwang kontrasepsyon na ginagamit ng mga kinapanayam kung

kaya’t kinakailangang hindi nila nakakalimutang uminom nito sa pang-araw-araw. Bukod pa

rito, kinakailangan din nilang regular na bumalik sa health center upang kumuha ng suplay nito o

hindi kaya ay kinakailangan nilang bawasan ang kanilang kinikita (kung nagtatrabaho man sila)

Page 34: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 34

o ang budget sa tahanan (kung wala silang hanapbuhay) kapag kinulang ang libreng

kontrasepsyon upang maiwasan nila ang hindi planadong pagbubuntis. Ang tahanan ay

repleksyon ng ating lipunang patriarkal, makikita sa mga gampanin at alalahanin ng mga

kababaihan dito ang gender subordination kung saan sila ay nasa mas mababang kalagayan

kaysa mga kalalakihan.

Iba’t ibang Salik sa Pagdedesisyon ng mga Kababaihan

Pagdating naman sa usapin ng paggawa ng desisyon sa tahanan gaya ng mga gastusin at

pag-aaral ng mga anak, lumalabas na magkasama itong ginagawa ng mag-asawa. Dahil mga

kababaihan ang karaniwang nakakaalam ng mga suliranin at iba pang pangyayari sa mga

miyembro ng pamilya at sa tahanan, ikinukonsulta niya sa kanyang asawa ang mga bagay na ito

bago siya gumawa ng desisyon dahil na rin sa paniniwala nila na dapat talagang pagdesisyunan

ng mag-asawa ang anumang usapin na may kaugnayan sa pamilya. Kung susuriin ang

pagpaprayoridad sa mga suliranin sa tahanan, makikita na hindi kabilang dito ang paggamit ng

kontrasepsyon ng mga kababaihan. Kung kaya’t ang pagdedesisyon, kung gagawin ng mag-

asawa ay hindi magiging pabor sa sitwasyon ng mga kababaihan sa tahanan bilang hindi naman

sila ang prayoridad dito. Malinaw na ang pagpaprayoridad sa mga suliranin ay isang

manipestasyon ng subordinasyon sa kasarian. Kaugnay nito, nagiging daan din ang pagkakaroon

ng sariling kita ng mga kababaihan upang tumaas ang kanilang bargaining power sa paggawa ng

desisyon sa tahanan. Bukod pa rito, mayroong pagpapahalaga ang mga kababaihan sa opinyon at

pakiramdaman ng iba pang mga kasama sa tahanan gaya ng kanilang biyenan, bayaw at hipag.

Ang pagsasabi nila ng mga bagay na may kinalaman sa kanilang pamilya ay hindi naman

nangangahulugan na susundin nila ang mga payo ng mga ito. Ginagawa nila ito bilang respeto at

Page 35: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 35

pakikisama na rin sa mga taong nabanggit. Batay sa iba’t ibang karanasan ng mga kababaihan,

masasabi na mayroon pa ring epekto ang mga taong ito sa pagsasakapangyarihan ng

pagdedesisyon ng mga kababaihan kahit na hindi man nila sinusunod ang mga payo nila.

Isang malaking salik sa kaalaman ng mga kababaihan patungkol sa pagpaplano ng

pamilya ang pagkakaroon ng mga libreng serbisyong kaugnay nito mula sa health center ng

Lungsod ng Quezon. Dahil dito, nalaman at naintindihan ng mga kababaihan na karapatan nila

bilang isang babae at bilang isang ina ang gumamit ng kontrasepsyon na kanilang napili.

Kalimitan naman na ang napipiling kontrasepsyon ng mga kababaihan ang kanila lamang

inuusisa kung kaya’t wala rin silang sapat na kaalaman sa iba pang uri ng kontrasepsyon at sa

mga maaaring maging epekto nito sa pangmatagalang paggamit. Kaugnay nito, maaaring may

kawalan ng informed choice sa mga kababaihang inaalok ng mga serbisyong para sa pagpaplano

ng pamilya. Kung kaya’t nakikita ang pag-aalok ng mga health workers ng mga pamamaraan ng

pagpaplano ng pamilya bilang malaking impluwensiya sa paggawa ng desisyon ng mga

kababaihan patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon.

Ang pananaw ng asawang lalaki sa paggamit ng kontrasepsyon ay mahalagang salik sa

paggawa ng desisyon ng mga kababaihan. Kahit na naniniwala ang lahat ng kababaihang

kinapanayam na karapatan nila ang paggamit ng kontrasepsyon at bagama’t walang naitalang

kaso ng hindi pagkakaunawaan patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon sa pagitan ng mag-

asawa, ang usapin ng hindi pagsang-ayon ng asawa sa paggamit ng kontrasepsyon ay nagdulot

ng iba’t ibang implikasyon sa mga kilos at desisyon na gagawin nila. Ang mga kababaihan na

isinasapraktika ang kanilang karapatan at nagsabing “katawan ko yun, karapatan ko yun” ay

gagamit pa rin ng kontrasepsyon kahit na hindi pumayag ang kanilang asawa. Upang maresolba

ang nasabing conflict, may babae naman na nagsabing idadaan niya sa pagpapaliwanag sa

Page 36: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 36

kanyang asawa ang usapin dahil sa hindi naman mulat ang mga lalaki pagdating sa usapin ng

kontrasepsyon. Ang mga kababaihang ito ay nagpapakita ng pagsasapraktika ng kanilang agency

sa pamamagitan ng pagdedesisyon na nagdudulot upang sila ay maging empowered sa mga iba

pang usapin sa tahanan. Mayroon namang nagsabi na hindi na lamang niya itutuloy ang

paggamit kung ayaw ng kanyang asawa dahil ayaw niyang pagmulan ito ng away at dahil sa ang

asawa naman niya ang nagpapakain sa kanila. Ayon sa literatura, ang pangyayaring nabanggit ay

nagsisilbing manipestasyon ng pagiging martir ng kababaihan sa mga usapin patungkol sa

kanilang sarili at kalusugan. Ang pagiging martir na ito ay nagpapakita ng subordinasyon ng

kanilang kasarian. Bukod pa rito, naipakita rin nito na ang desisyon ng mga kababaihan

patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon ay depende sa relasyon na mayroon ang mag-asawa.

Pagsasakapangyarihan ng Pagdedesisyon

Ang lantad na paggawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon ng mga kababaihan ay

nagpapakita ng pagiging empowered nila at pagsasapraktika nila ng kanilang agency. Ngunit

dahil sa pagsasawalang-bahala ng kanilang asawa sa pagdedesisyon patungkol sa paggamit ng

kontrasepsyon, mistulang hindi mahalagang desisyon ang bagay na ito. Nakakaapekto rin ang

pagtingin ng mga kababaihan sa kaalaman ng kanilang asawa sa kontrasepsyon sa kanilang

pagdedesisyon. Sa tingin nila, walang alam ang kanilang asawa tungkol sa bagay na ito kung

kaya kinakailangan nilang magdesisyon mag-isa dahil para rin naman ito sa ikabubuti ng

kanilang pamilya. Kahit na kababaihan ang pangunahing stakeholder sa paggamit ng

kontrasepsyon, hindi ito nangangahulugan na sila na lamang ang dapat maging responsable sa

bagay na nakakaapekto hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa kanilang asawa at buong

pamilya. Dagdag pa rito, ang pagiging empowered ng mga kababaihan sa pamamagitan ng

Page 37: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 37

pagsasakapangyarihan at pagsasapraktika ng kanilang agency ay kanilang isinasagawa humigit

sa lahat para sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya at bago pa man bilang pangsarili nilang

kagustuhan.

Konklusyon

Ang paggamit ng kontrasepsyon ay isang mahalagang bagay para sa mga kababaihan.

Ginagawa nila ito humigit sa lahat para sa kanilang pamilya bago pa sa kanilang sarili. Dapat

tingnan ang bagay na ito bilang isang malaking hakbang upang magkaroon ng mas maginhawa at

mas maayos na katayuan ang mga kababaihan sa kanilang tahanan at maging sa ating lipunan.

Kung kaya’t kinakailangang pahalagahan ang paggawa ng desisyon ng mga kababaihan sa bagay

na ito. Naging epektibong batayan ng pananaliksik ang feminism kabilang ang mga konsepto ng

agency, gender subordination at empowerment at ang rights-based approach to health. Mula sa

mga balangkas na ito, naipakita ang mga kasagutan sa tanong ng pananaliksik na, “paano

gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan ng maralitang tahanan patungkol sa kanilang

paggamit ng kontrasepsyon?”. Batay na rin sa mga nakalap na datos at pag-aanalisa, naging

konklusyon ng pananaliksik ang mga sumusunod:

1) Lantad man o palihim, ang paggawa ng desisyon ng mga kababaihan patungkol sa

kontrasepsyon ay isang komplikadong bagay. Ito ay dahil na rin sa dami ng kailangan nilang

isaalang-alang bago pa sila makagawa ng desisyon, kabilang na dito ang mga alalahanin at

gampanin sa tahanan, opinyon ng ibang tao sa kanilang magiging desisyon at mga karanasan na

natatangi sa kanilang buhay bilang mga ina at mga babaeng sadlak sa karalitaan. Ipinapakita rin

ng pananaliksik na hindi sapat na batayan ng pagsasakapangyarihan at pagsasapraktika ng

Page 38: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 38

kanilang ahensya ang lantad nilang pagdedesisyon patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon. Ito

ay dulot na rin ng kawalan ng pakialam ng kanilang asawa sa kanilang paggamit ng

kontrasepsyon dahil hindi naman tinitingnan bilang isang mahalagang desisyon o di kaya ay

isang mahalagang gawain sa tahanan ang paggamit nila ng kontrasepsyon.

2) Sa lungsod ng Quezon kung saan isinagawa ang pananaliksik, ang impluwensiya ng health

center sa paggawa ng desisyon ng mga kinapanayam na kababaihan ay mas malaki kaysa sa

impluwensiya ng ibang tao gaya ng kanilang biyenan o kaya ay ng ibang midyum gaya ng mass

media. Bilang mga kababaihan na nagmula sa maralitang tahanan, ang pagiging libre ng

kontrasepsyon ay isang malaking kaginhawahan sa kanila. Ngunit kahit na kinikilala ng mga

kababaihan ang paggamit nila ng kontrasepsyon bilang isang pangunahing karapatan, mayroong

pa ring kawalan ng informed choice dahil na rin sa kakulangan nila ng komprehensibong

kaalaman tungkol sa bagay na ito. Kung ilalapat ang bagay na ito sa konteksto ng ating bansa

pagdating sa usapin ng reproductive health, maaaring maging isyu rin ang kawalan ng informed

choice kung kaya’t kailangan maipatupad ang isang komprehensibong programa ng pamahalaan

patungkol sa reproductive health, populasyon at pagpaplano ng pamilya para sa ikabubuti ng

mga mamamayan higit sa lahat ng mga kababaihan. Sa karagdagan, makabubuti sa katayuan ng

mga kababaihan sa tahanan at maging sa lipunan kung isasama sa pagtuturo ng pagpaplano ng

pamilya ang kahalagahan ng paggamit ng kontrasepsyon bilang responsibilidad ng mag-asawa at

hindi ng mga kababaihan lamang.

3) Malaking salik sa paggawa ng desisyon ng mga kababaihan ang kanilang mga sari-sariling

karanasan at sitwasyon gaya ng kanilang komunikasyon at relasyon sa kanilang asawa. Ang

Page 39: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 39

pagkakaroon ng sariling kita ng mga kababaihan ay nakakapagbigay ng mas mataas na

bargaining power sa kanilang mga pagdedesisyon tungkol sa mga usapin sa tahanan kabilang na

ang sa paggamit ng kontrasepsyon. Dahil dito, ang pagsasakapangyarihan at pagsasapraktika ng

agency sa paggawa ng desisyon ng mga kababaihan ay nakabatay pa rin sa mga salik na may

iba’t ibang antas ng implikasyon sa bawat babae.

4) Sa pangkabuuan, ang paggamit ng kontrasepsyon ng mga kababaihan ay nakatulong sa pag-

angat ng kanilang sarili at pamumuhay ng kanilang pamilya. Ang mga sirkumstansya gaya ng

kahirapan, kalusugan at kapakanan ng kanilang pamilya lalung-lalo na ng kanilang mga anak ang

dahilan ng mga kababaihan sa kanilang pagdedesisyon at pagpapatuloy na gumamit ng

kontrasepsyon.

Page 40: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 40

Bibliyograpiya

Agha, S. (2010) Intentions to use contraceptives in Pakistan: implications for behavior change

campaign. BMC Public Health 2010. Retrieved from:

http://www.biomedcentral.com/1471-2458/10/450 28 June 2012

Arbab, A.A., Bener, A. & Abdulmalik, M. (2009). Prevalence, awareness and determinants of

contraceptive use in Qatari women. Eastern Mediterranean Health Journal Vol. 17 No.

12011. Retrieved from:

http://applications.emro.who.int/emhj/V17/01/17_1_2011_0011_0018.pdf 28 June 2012

Bankole, A. & Singh S. (1998). Couples' Fertility and Contraceptive Decision-Making In

Developing Countries: Hearing the Man's Voice. International Family Planning

Perspectives, 1998, Vol. 24(1): 15-24. Retrieved from:

http://www.guttmacher.org/pubs/journals/2401598.pdf 20 February 2013

Baxter, P., & Jack, S. (2008). Qualitative case study methodology: Study design and

implementation for novice researchers. The Qualitative Report, 13(4), 544-559.

Retrieved from http://www.nova.edu/ssss/QR/QR13-4/baxter.pdf 03 October 2012

Brayton, J. (1997). What makes Feminist Research Feminist? The Structure of Feminist

Research within the Social Sciences. Retrieved from: http://www.unb.ca/par-

l/win/feminmethod.htm 30 July 2012

Clandinin, D. J. & Huber, J. (in press). Narrative inquiry. In B. McGaw, E. Baker, & P.

P. Peterson (Eds.), International encyclopedia of education (3rd ed.). New York,

NY: Elsevier. Retrieved from:

http://www.mofet.macam.ac.il/amitim/iun/CollaborativeResearch/Documents/NarrativeIn

quiry.pdf 03 October 2012

Contemporary Feminist Theories. (2012). Keel, R. (ed) Retrieved from:

http://www.umsl.edu/~keelr/3210/3210_lectures/feminism.html 30 July 2012

Facts on Barriers to Contraceptive Use in the Philippines. Likhaan Center for Women’s Health

Website. Retrieved from: http://www.likhaan.org/content/facts-barriers-contraceptive-

use-philippines 28 June 2012

Feminist Theories (n.d.). Retrieved from:

http://husky1.stmarys.ca/~evanderveen/wvdv/Gender_relations/Feminist_theories.htm 30

July 2012

Flyvberg, B. (2011). Case Study. In Norman K. Denzin and Yvonna S. Lincoln, eds., The Sage

Handbook of Qualitative Research, 4th Edition, Chapter 17, 301-316. (Thousand Oaks,

CA: Sage, 2011). Retrieved from:

Page 41: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 41

http://www.sbs.ox.ac.uk/centres/bt/directory/Documents/CaseStudy4%202HBQR11PRI

NT.pdf 03 October 2012

Gubhaju, B. (2008). The Differential Impact of Wives’ and Husbands’ Education on

Contraceptive Method Choice in Nepal, 1996-2006. Demographic and Health Surveys

(DHS) in partnership with United States Agency for International Development

(USAID). Working Paper No. 54. Macro International Inc.: Calverton, MD Retrieved

from: http://measuredhs.com/pubs/pdf/WP54/WP54.pdf 14 October 2012

Hamilton, K. & Catterall, M. (2008)Cooperation and Conflict in Family Decision Making. In

European Advances in Consumer Research (Volume 8) /47 Retrieved from:

http://www.acrwebsite.org/volumes/eacr/vol8/eacr_vol8_92.pdf 20 February 2013

Kamal, N. (2004). Determinants Of Contraceptive Use Among Women Workers In The Slums Of

Dhaka, Bangladesh. Retrieved from:

http://centers.iub.edu.bd/chpdnew/chpd/download/publications/Wrk%20Pap_contra_Nka

mal_Sep07.pdf 28 June 2012

Laguna, E.P., Po, A.L., & Perez, A.P. (2000) Contraceptive Use Dynamics in the Philippines:

Determinants of Contraceptive Method Choice and Discontinuation. Calverton,

Maryland: ORC Macro. Retrieved from:

http://www.measuredhs.com/pubs/pdf/FA35/FA35.pdf 28 June 2012

Mahmood, N. & Ringheim, K. (1996). Factors Affecting Contraceptive Use in Pakistan. The

Pakistan Development Review 35:1 (Spring 1996) pp. 1—22 Retrieved from:

http://www.pide.org.pk/pdf/PDR/1996/Volume1/1-22.pdf 28 June 2012

Manifestations of Gender Bias. Module Two: Basic Concepts of Gender. Powerpoint

presentation. Retrieved from:

http://www.onlinewomeninpolitics.org/sourcebook_files/Resources-

GDRRmodules/Manifestation%20of%20Gender%20Bias.pdf 19 October 2012

Mostafa Kamal, S.M. (2009). Contraceptive Use and Method Choice in Urban Slum of

Bangladesh. International Conference on Family Planning: Research and Best Practices.

Retrieved from:

http://www.fpconference2009.org/media//DIR_169701/15f1ae857ca97193ffff83a4ffffd5

24.pdf 28 June 2012

Patton, M. Q. (2002) Qualitative Research and Evaluation Methods, 3rd Edition. Sage

Publications, Inc.

Poverty and Gender. UNFPA State of World Population. (2002) Retrieved from:

http://www.unfpa.org/swp/2002/presskit/english/summary4.htm 17 September 2012

Rahayu, R. Utomo, I. & McDonald, P. (2009). Contraceptive Use Pattern among Married

Women in Indonesia. International Conference on Family Planning: Research and Best

Page 42: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 42

Practices. Retrieved from:

http://www.fpconference2009.org/media/DIR_169701/15f1ae857ca97193ffff83a6ffffd52

4.pdf 28 June 2012

The World Bank (2011). World Development Report 2012: Gender Equality and Development.

Promoting Women’s Agency (Chapter 4). The International Bank for Reconstruction and

Development/The World Bank (2011): Washington, DC. Retrieved from:

http://siteresources.worldbank.org/INTWDR2012/Resources/7778105-

1299699968583/7786210-1315936222006/chapter-4.pdf 19 October 2012

Women’s Empowerment & Family Planning Key to Global Development. Center for

Environment & Population Website. Retrieved from:

http://www.cepnet.org/documents/CEPRioplus20beyondFactSheetWomenFPweb.pdf 28

June 2012

------------ Birth control. Retrieved from: http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/birthcontrol.html

17 September 2012

Page 43: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 43

Apendiks

Apendiks 1

Gabay na mga Katanungan sa Panayam

Isang pagaanalisa sa paggawa ng desisyon ng mga maralitang kababaihan

patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon

Mga tanong (in-depth interview):

1) Bakit ka gumagamit ng family planning methods?

2) Sapat ba ang kaalaman mo tungkol sa iba’t ibang uri at sa gamit ng kontrasepsyon?

3) Naniniwala ka ba na karapatan mo ang mamili at gumamit ng kontrasepsyon na iyong nais?

4) Ano ang mga pangunahin mong alalahanin sa loob ng tahanan?

5) Ano ang mga gampanin mo sa tahanan (i.e. taga-luto, taga-laba, taga-linis)? Maaari mo bang

ikwento kung ano ang isang tipikal na araw sa buhay mo?

6) Saan nanggagaling ang ginagamit mo na family planning methods? Libre ba ito o binibili mo?

Kasama ba sa budget sa tahanan ang pambili ng kontrasepsyon?

7) Paano ka gumagawa ng desisyon sa loob ng tahanan? Lag mo bang tinatanong ang

asawa/biyenan/kapitbahay mo?

8) Nakatulong ba ang pagkakaroon ng sariling kita/trabaho sa paggawa mo ng desisyon?

9) Paano ka gumagawa ng desisyon sa paggamit mo ng kontrasepsyon?

10) Ano ang pananaw ng iyong asawa sa paggamit mo ng kontrasepsyon?

11) May pagkakataon ba na hindi kayo nagkasundo ng asawa mo dahil sa paggamit mo ng

kontrasepsyon?

12) Kung ayaw ba ng iyong asawa/biyenan/kasama sa bahay na gumamit ka ng kontrasepsyon,

isasagawa mo pa rin ba ito?

13) May mga desisyon ka ba na isinasagawa na hindi alam ng asawa mo? Ano ang nagiging reaksyon

niya tungkol dito? Kapag negatibo ang reaksyon niya, itutuloy mo pa rin ba ang pagsasagawa sa

desisyon mo?

14) Anong mga sirkumstansya sa buhay mo ang nakaapekto sa iyong pagdedesisyon na gumamit ng

kontrasepsyon?

15) Malaki ba ang epekto ng mga nagiging desisyon mo sa iyong pamumuhay at sa pamumuhay ng

iyong pamilya? Sinusunod ba ito ng asawa mo? Ng mga anak at iba pang kasama sa tahanan?

Page 44: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 44

Apendiks 2

University of the Philippines Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

Political Science Program

Padre Faura St. Ermita, Manila

Enero 16 2012

Sa kinauukulan:

Magandang araw po! Ako po si Charisse Marie V. Valero, magtatapos ng kursong

Agham Pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Rekisito po sa aking kurso ang isang

pananaliksik tungkol sa mga isyu sa ating bansa. Sumusulat po ako sa inyong pamunuan upang

hingin ang iyong permiso sa gagawing kong pananaliksik dito sa inyong lugar. Ito po ay

nakatuon sa paggawa ng desisyon ng mga kababaihan patungkol sa kanilang paggamit ng

kontrasepsyon.

Kung mayroon po kayong katanungan o nais linawin sa aking gagawing pananaliksik,

maaaring po kayong tumawag o magtext sa numerong 09176945614 o di kaya ay magpadala ng

e-mail sa [email protected].

Lubos na gumagalang,

Charisse Marie V. Valero

Pinagtibay ni:

Prof. Clarinda L. Berja

Thesis Adviser

Page 45: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 45

Apendiks 3

University of the Philippines Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

Political Science Program

Padre Faura St. Ermita, Manila

Enero 16 2012

Magandang araw po! Ako po si Charisse Marie V. Valero, magtatapos ng kursong

Agham Pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Rekisito po sa aking kurso ang isang

pananaliksik tungkol sa mga isyu sa ating bansa. Hinihiling ko po ang inyong paglahok sa

gagawing pag-aaral kung paano gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan patungkol sa

kanilang paggamit ng kontrasepsyon. Pakibasa pong maigi ang pormularyong pahintulot na ito

na kung saan nakasaad ang mga impormasyong makakatulong sa inyong magpasiya kung kayo

ay lalahok o hindi sa pag- aaral. Maaari po kayong magtanong sa mananaliksik tungkol sa mga

nilalaman nito na hindi malinaw sa inyo. Kung nasagot na ang lahat ng inyong mga katanungan,

maaari na po kayong magpasiya kung kayo ay lalahok o hindi.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung paano gumagawa ang mga

kababaihan ng maralitang tahanan ng desisyon sa kanilang paggamit ng kontrasepsyon. Kung

kayo ay magpasiyang lumahok sa pag- aaral na ito, kayo po ay magiging isa sa anim na

kababaihan na magiging bahagi ng pananaliksik.

Kung kayo po ay magpasiyang lumahok sa pananaliksik, ang pagkuha po ng datos mula

sa inyo ay gagawin sa pamamagitan ng in-depth interview. Sa in-depth interview, may kalayaan

po kayong sumagot sa mga nakahandang tanong at maaari po kayong magbahagi ng inyong mga

karanasan patungkol sa inyong pagdedesisyon sa paggamit ng kontrasepsyon.

Anuman pong oras ay maaari kayong huminto sa paglalahad kung kayo ay hindi na

komportable sa mga impormasyong maaari niyong maibahagi. Tinitiyak po ng mananaliksik na

mananatiling lihim at pribado ang inyong personal na impormasyon. Kung inyo pong

pahihintulutan, irerekord ng mananaliksik ang gagawin ninyong paglalahad, ngunit kung hindi

naman, ito po ay isusulat na lamang ng mananaliksik. Ang impormasyong makakalap mula sa

inyo ay mananatiling ekslusibo sa pag-aaral na ito. Pagkatapos po ng pag-aaral na ito, wala pong

itatabing impormasyon mula sa inyo.

Wala pong kalakip na kompensasyon, materyal na benepisyo, o insurance para sa mga

kalahok sa pag-aaral na ito.

Kung hindi po kayo sang-ayon sa paglahok ay iginagalang po ng mananaliksik ang

desisyon ninyo. Kung mayroon po kayong katanungan o nais linawin sa pananaliksik, maaaring

Page 46: “Pagsasakapangyarihan sa Pagdedesisyon ng mga …dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/529/1/H...may kaugnayan sa antas ng edukasyon na kanyang naabot. Ayon sa resulta

PAGSASAKAPANGYARIHAN SA PAGDEDESISYON NG MGA KABABAIHAN 46

po kayong tumawag o magtext sa numerong 09176945614 o di kaya ay magpadala ng e-mail sa

[email protected].

Bilang tanda naman po ng inyong kusang pagsang-ayon, marapatin lamang po sana na

lumagda sa baba. Kung labag po sa inyong kalooban ang lumagda ngunit nais niyong pa ring

lumahok sa isasagawang pag-aaral ay maaari rin naman pong huwag na kayong lumagda. Ang

mahalaga po ay malaya ang inyong desisyon sa paglahok.

Salamat po!

Deklarasyon ng Kalahok

Ang pag- aaral na ito ay naipaliwanag sa akin nang maayos. Ang paglada ko ay

nangangahulugang ako ay kusang loob na lumalahok sa pananaliksik na ito. Binigyan ako ng

pagkakataon na magtanong tungkol sa pag-aaral na ito.

______________________________

Pangalan at lagda ng kalahok sa pananaliksik