Click here to load reader

Sabay-sabay na Pagbubukas sa Publiko ng mga Pabrika sa ... · PDF fileKumuha ng ipinamamahaging mapa sa info box ng harap ng Musashi-nitta ... ang pagbibigay ng atensyon sa ... Libreng

  • View
    258

  • Download
    25

Embed Size (px)

Text of Sabay-sabay na Pagbubukas sa Publiko ng mga Pabrika sa ... · PDF fileKumuha ng...

  • 2017.11 Vol.66Ota City Navigation

    Sa pangunguna ng Shimomaruko, Musashi- nitta Area, sabay-sabay na magbubukas sa publiko ang mga pabrika sa lungsod. Maaring bumisita sa mga pabrika na hindi pangkaraniwang napapasok, makipag-usap sa mga manggagawa, masubukan ang proseso ng paggawa at maunawaan ang kahusayan ng mga manggagawa at bighani ng paggawa ng mga produkto. Marami rin mga proyekto o gawain para sa mga bata na masayang makakasama sa paggawa ang magulang.

    Petsa at Area (Lugar):Nov. 25 (Sat), 10:00a.m4:00p.m = Palibot ng Area ng Tokyu Tamagawa Line Shimomaruko station, Musashi-nitta stationDec. 2 (Sat), 10:00a.m4:00p.m = Factory Apartment (Techno WING, OTA Techno CORE, Techno FRONT Morigasaki), Founder Support Facility BIC Asahi, Keihinjima, Shouwajima

    Sa Nov. 26 (Sun)Dec. 1 (Fri), magkakaroon rin ng Factory Bus Tour, exhibit at events sa pasilidad ng paggawa ng mga bagay [Kurirabo Tamagawa].

    Paraan ng PaglahokKumuha ng ipinamamahaging mapa sa info box ng harap ng Musashi-nitta at Shimomaruko station at direktang magpunta sa lugar ng kaganapan.

    May isang bahagi na kinakailangan ng reserbasyon. Ipadala ang application form (maaring i-print out mula sa website ng Ota Open Factory)para sa nakatakdang lugar sa pamamagitan ng e-mail o FAX.

    Makipag-ugnay sa

    Ota Tourist Association03-3734-0202FAX 03-3734-0203Email: [email protected]-2.jphttp://www.o-2.jp/oof/

    Sabay-sabay na Pagbubukas sa Publiko ng mga Pabrika sa Lungsod ng Ota!Ota Open Factory

    Mayroong 3500 na maliit hanggang katamtamang kumpanya sa industriya ng pagawaan sa lungsod ng Ota. Ang Shitamachi Bobsleigh Project ay binuo noong 2011 upang itaguyod sa buong mundo ang pagtutulungan ng lungsod sa paggawa ng mga produkto at mataas na teknolohiya. Noong Enero, 2016, sumang-ayon ang Jamaica Bobsleigh Federation sa proyektong ito. Sa pagnanasang makalahok sa 2018 Pyeongchang Winter Olympics, isinasagawa ang walang tigatig na pagpapaunlad upang makalikha ng higit na mabilis na bobsleigh. Mahigit 100 kumpanya o pabrika sa lungsod ng Ota ay nagtutulungan sa paggawa ng chassis. Sa pakikipagtulungan ng mga pangunahing kumpanya, nakagawa ng 2-seater bobsleigh at 10 unit na ang nakumpleto. Makipag-challenge sa mundo gamit ang kareta o sled na ito!

    Ota Tourism PR Ambassador Jun-ichi Hosogai

    Espesyal na Tampok ng International City Ota Shitamachi Bobsleigh, Makipag-challenge sa Mundo

    Impormasyon para sa mga dayuhan

    Tagalog

  • Maliban sa wikang hapon makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mics ota (Multicultual Society Promotion Center)TEL 03-6424-8822 Opening hours 10:00a.m. 5:00p.m.2

    Pagtitistis o Surgery(Geka)Oras ng Pagsusuri at Paggamot: Sun. = 9:00a.m4:30 p.mOmori Medical Association Clinic ( 4-31-14 Chuo Ota-ku)03-3772-2402

    Bonesetting (sekkotsu)Oras ng Paggamot: Sun., Natl. Holiday = 9:00a.m5:00p.mTokyo Judo Therapist Association Ota branch090-3542-3896

    Sakit sa Mata o Ophthalmology (Ganka)Oras ng Pagsusuri at Paggamot: Sun., Natl Holiday = 9:00a.m9:00a.m ng sumunod na arawMonFri = 5:00p.m9:00a.m ng sumunod na arawSat: 12:00p.m9:00a.m ng sumunod na araw (maaring magabayan sa posibleng oras o panahon na may tatanggap na manggagamot sa malapit na lugar)Araw ng Pagsusuri, Medikal na InstitusyonSun, Mon, Wed, Sat= Toho University Medical Center Omori Hospital03-3762-4151Sun, Tue, Fri, Sat= Showa University Hospital Affiliated East Hospital03-3784-8383Thurs. = Healthcare Public Corporation Ebara Hospital03-5734-8000

    Pediatric, Internal Medicine (shonika, naika)Oras ng Pagsusuri at Paggamot:Sun/Natl Holiday=9:00a.m9:30p.mSat= 5:00p.m9:00p.mOmori Medical Association Clinic ( 4-31-14 Chuo Ota-ku)03-3772-2402Den-en chofu Medical Association Clinic(2-7-1 Ishikawa-cho Ota-ku) maliban sa Sat.03-3728-6671Kamata Medical Association Clinic4-24-12 Kamata Ota-ku03-3732-0191

    PediatricOras ng Pagsusuri at Paggamot: MonFri (maliban Natl Holiday) = 7:45p.m10:45p.m*Ota Children Weekday Nightime Emergency Room (6-11-1 Omori-nishi Ota-ku)*Toho University Medical Center Omori Hospital Building No.303-3762-4151

    Gamot (Pagbigay ng Reseta ng gamot)Oras ng Pagtanggap: Sun, Natl Holiday = 9:00a.m10:00p.mSat = 5:00p.m10:00p.m

    Omori DistrictOmori Association of Pharmacy ( 3-1-3 Chuo Ota-ku)03-3774-7721Den-enchofu District Maliban SabadoYukigaya Pharmacy ( 5-1-1 Higashi Yukigaya Ota-ku)03-3728-3231Kamata DistrictKamata Pharmacy (4-38-5 Kamata Ota-ku)03-3732-1291

    Sakit ng NgipinOras ng Pagsusuri at Paggamot: Sun, Natl Holiday = 9:00a.m5:00p.m(Tumatanggap hanggang 4:30p.m)*Omori Dental Society Hall (4-19-7 Ikegami Ota-ku)03-3754-8648*Kamata Dental Society Hall ( 1-4-14 Shin-kamata Ota-ku)03-3731-9282

    Gabay sa ibang Medikal na Institusyon (24 hrs. na pagtanggap)*Tokyo Metro Medical Institution Guidance Service {Himawari}(Ingles) 03-5272-0303https://www.himawari.metro.tokyo.jp/qq/qq13enmnlt.aspIngles

    Kapag nagdalawang-isip sa pagtawag ng ambulansya (24 hrs. na serbisyo)*Tokyo Fire Department Consultat ion Service {Ambulance Consultation Center} #7119*Dial line 03-3212-2323

    Childrens Health Consultation Room (Childrens Emergency Consultation)Oras ng Pagbukas: MonFri = 6:00p.m11:00p.mSat, Sun, Natl Holiday = 9:00a.m11:00p.mChildrens Health Consultation Room #8000Dial Line 03-5285-8898

    Ang norovirus ay isang epidemya tuwing taglamig at maraming nahahawaan nito. Ang mga pangunahing sintomas ay pagsusuka, pagtatae at pananakit ng tiyan. Ang mga sanggol at matatanda ay maaring maubusan ng tubig ang katawan o dehydrated kung mahawaan, kaya kapag may napansin na sintomas magpasuri agad sa doktor sa lalong madaling panahon. Mga Paraan sa Pag-iwas: Hugasan ang kamay sa tubig at sabon ng mahigit sa 30 segundo

    Notisya mula sa City Office

    Kapag nagkasakit o sumakit ang ngipin ng Sat., Sun., Natl Holiday at sa gabi!

    Mag-ingat sa nakakahawang Gastroenteritis na dulot ng Norovirus!

  • Ota City Navigation 2017/11/15 (Inilalathala tuwing ika-15 ng buwan (maliban sa buwan ng Enero at Agosto) 3

    bago kumain at pagkatapos gumamit ng toilet. Iwasan ang hilaw na pagkain tulad ng talaba(oyster) at tiyakin na

    naluto ang pagkain. Gumamit ng guwantes at mask sa pagliligpit ng isinuka at tiyaking

    nakasarado o sealed ang plastic na pinaglagyan bago ito itapon. Hugasan ang lugar na nahawaan ng chlorine bleach at hugasan ng

    mabuti ang kamay pagkatapos ng paglilinis nito.

    Nakaranas ka ba na magkaroon ng problema o malito tungkol sa petsa at paraan ng pagtatapon ng basura?Itong Nov. 1 sinimulan ng lungsod ang Smartphone App.kung saan madaling matunghayan ang mga impormasyon tungkol sa paraan ng pagtapon, kailangang tandaang araw/petsa ng pagtatapon, talaan ng paraan ng pagbubukod ng mga basura atbp. sagot sa malimit na katangungan .Maliban sa wikang Hapon, mayroon ding bersyon sa wikang Ingles, Intsik, Koreyano, Nepali at Tagalog. Mangyaring gamitin ito upang malaman ang pamamaraan.

    OTA Search (Ota Garbage Separation App)

    pasilidad na nais pag-aplayan mula Nov. 8 (Wed)Dec. 8 (Wed), 2017 (Hindi maaring ipadala sa koreyo) Mangyaring sumangguni sa pasilidad dahil naiiba ang oras ng

    pagtanggap ng bawat pasilidad.

    Nararapat:Mga batang naninirahan at nag-aaral sa elementarya sa lungsod mula grade 16 na hindi maaring maalagaan ng magulang pagkatapos ng paaralan dulot ng pagtatrabaho, pagkasakit at ibang dahilan.

    Ang application form [Gakudo no Shiori] ay ipinamamahagi sa bawat pasilidad. Maari rin itong i-download mula sa website ng Ota City.URL:http://www.city.ota.tokyo.jp/download/kodomo/29shinseishonohaifu.html

    Paraan ng Pag-apply: Dalhin ang application form at ibang dokumentong kinakailangan sa

    Hindi ko napahalagaan ang payong hanggang sa lumipat ako dito sa Japan. Dahil palaging mataas ang posibilidad ng pag-ulan sa UK, naisip ko na mahirap magdala ng payong at tinatanggap ko na lamang ang bahagyang pagkabasa sa ulan. Gayunpaman, nakaugalian ko ng sundin ang mga kagawian dito at ang kagawian ng mga Hapon sa pagdadala ng payong tuwing panahon ng tag-

    ulan. Hindi lang ako nasorpresa sa pakinabang ng pagdadala nito kundi pati na rin ang mapagtanto ko na hindi mahirap ang pagdadala nito sa Japan! Kahit saan ka magpunta, mayroong espasyo o lugar na mapaglalagyan ng payong, umbrella lockers, boxes at kalimitan mga mapaglalagyan na bag na hugis ng payong na magagamit sa loob ng pamilihan habang namimili. Para sa isang dayuhan, ang pagbibigay ng atensyon sa pangangailangan ng mga tao ay kahanga-hanga, ngunit hindi lamang ito, para sa akin ,ang tanawin na idinudulot ng mga payong sa paligid ng lungsod tulad ng pagtawid ng mga naglalakad habang naka-payong ay isa sa mga imahe ng katangian ng Japan.

    Makipag-ugnay saInternationalization & Multiculturalism Promotion Division 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323

    Smartphone App para sa Paraan ng Pagbubukod at Pagtatapon ng mga Basura at mga Basurang maaring magamit muli (Recyclables)!

    Simula ng Aplikasyon para sa 2018 After-school Childcare o Gakudo

    Matildas Corner: Miyembro ng International Exchange

    Makipag-ugnay sa

    Infectious Disease Countermeasures Section, Infectious Disease Countermeasures Division03-5744-1263FAX03-5744-1524

    Makipag-ugnay sa

    Gakudo Hoiku facilitiesChildcare Support Section, Childcare Support Division 03-5744-1273FAX03-5744-1525

    SanggunianCollection and Recycle Section, Sanitation Division03-5744-1628FAX03-5744-1550

  • 4 Issued by Internationalization & Multiculturalism Promotion Division, Ota City Office 144-8621 5-13-14, Kamata, Ota TEL 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323

    Balita mula sa mics Konsultasyon tungkol saNais makakuha ng Rehistro ng Pamilya o Koseki Tohon (Ipadala ang Koseki Tohon sa pamamagitan ng koreyo)

    MD, Nagkaroon ng konsultasyon mula sa isang babaeng Intsik tungkol s